On Time
Description
Kim Jisoo, laude.
On time pumapasok, on time nagpapasa, at on time rin ga-graduate.
Pero, on time rin kaya sa pag-ibig?
Foreword
In two weeks, ga-graduate na sila Jisoo, Wendy, at Rosie. Si Lisa, Noze na mas kilala bilang Je, at Seulgi naman, ayun, delayed.
Bilang delayed si Lisa na gustong muling pahirapan ang mga tropa niyang on-time magtatapos, binigyan niya ng mabigat na hamon ang tatlo: mag-confess sa mga crush nila bago sila gumraduate.
Panalo man si Jisoo sa acads niya dahil gagraduate siyang laude, talo naman ata siya sa pag-ibig.
Paano, tropa niya kasi ang pag-aaminan niya.
. . . .
Maaaring hango sa mga totoong pangyayari, maaaring hindi, maaari rin namang medyo lang.
:—)
Overview muna tayo ng courses nila:
Seulgi: Environmental Biology pero nag shift to take Food Tech
Wendy: Statistics
Jisoo: Communication Arts
Noze/Je: Zoology
Rosie: Human Ecology
Lisa: Forestry
Para sa mga nag shift at na-delay, pero pinagpatuloy ang laban at naka-grad pa rin.
Merry Christmas! Celebrate safely.
k
Comments