simula at huli

muli't huli.
Please Subscribe to read the full chapter

Note: This chapter contains different P.O.V's. Sana hindi kayo malito :)))

Minjeong

Jimin

---

 

04/11/1991

 

Kakauwi ko lang galing sa inyo. 'Di ko na alam but I feel like I need to write this. I need to let this out.

 

Paano ba nagsimula?

 

‘Di ko rin masabi kung kailan… baka nga nandiyan na talaga, baka nga matagal na pala.

 

Siguro nagising na lang ako isang araw na para bang doon ko lang naiintindihan. Na “Ah. Oo nga. Mahal na nga ata talaga kita.” And today, on your birthday, I've never felt so sure about what I feel for you.

 

Hindi naman mahirap magmahal. Lalo na kung ikaw naman. Alam ko naman na iba-iba 'to sa mga tao. Pero kung tatanungin ako, ang masasabi ko lang ay sino bang hindi kayang mahalin si Jimin.

 

Sabi pa nga nila dapat kasi namili ako, finilter ko daw, kung pwedeng hindi na lang yung bestfriend ko pa. Pero can you really filter nga ba.

 

Ewan ko ba. Halos lahat kasi sayo maganda. Features, boses, tawa, ngiti. Ang talented mo pa. Ang passionate mo sa gusto mo. Responsable ka rin sa mga tasks mo. You know what to prioritize kahit na I know there are times na we procrastinate.

 

You are very open, very understanding. You are warm, Jimin.

 

With your gestures, ‘di ko alam ano iisipin ko. Is this just because we’re best friends? Alam ko naman kasi na sa’kin ka lang naman ganto. Hindi naman ako dense.

 

Even with our small moments, grabe yung pakiramdam ko. Grabe yung epekto mo.


 

Alam kong alam mong nandito lang naman ako. We promised to stay, through thick and thin. Pero masama bang gustuhin ko na marealize mong andito ako. Na sana ako ang makita mo. Ako yung piliin mo someday.

 

If ever na one day, malaman mo lahat, matatanggap ko naman kung iiwas or lalayo ka. Pero andun pa rin yung sana ‘wag. Kasi Jimin, sobrang halaga mo sa’kin. Na kung kailangan, ibabaon ko na lang ‘to lahat hanggang sa mawala.

 

May mga desisyon ako na inisip kita, sa maliliit or malalaking bagay man. Kung ano yung convenient sayo, kung ano yung magbibigay ng comfort at happiness sayo. If possible, gusto ko rin ibigay yung simple requests mo, gaya nung simpleng pagsave ng seats or pagtali sa buhok mo.

 

“Bakit si Jimin?” Bakit hindi si Jimin? ‘Di ko alam if tamang rason ba yung nakikita ko yung ganda mo. Not just physically, but every beauty in you. Kasi you have your flaws, and if there’s someone who knows your every flaw, ako na ‘yun. And tanggap ko lahat ng yun. Because you're you.

 

I know I am the closest among all the people you have, pero masama bang maghangad na mas mapalapit pa sa’yo.

 

Gusto kong sumayaw kasama ka. Gusto kong kumanta at gumawa ng mga kanta kasama ka. Gusto kong magsulat tungkol sayo. Gusto kong makita kang ngumiti dahil sa’kin. I want us to work together. I want us to always be together.

 

I don't know. Maybe I do stand a chance. Maybe I don’t. Pero naisip ko na kung ano mang kaya mong ibigay, okay lang. Kasi even with everything I am feeling right now, I'd always choose to be with you. Someone more man or even just as Minjeong.

 

I’ll never know what could happen. I could leave any time soon. And even just by thinking about it, it’s hurting me already. It hurts me to know I might leave you someday.

 

So this year I've decided na, I'll follow what my heart wants. To try to live… and to live life with you. Kung hindi ako pagbibigyan ng universe siguro to live longer, at least I lived my last moments with you.

 

I'll be with you, Jimin. And I will do my best to make sure na kung hanggang saan at kailan ako dadalhin ng buhay ko, ‘di ka mag-iisa. I'm here Jimin. I’ll be here. I am with you and I will always be with you.

 

Sasamahan kita. Kahit di tayo. Sa akin, Jimin… kahit kailan, ‘di ka mag-iisa.

 

 

“Kamusta si Ate Aeri?” Tanong ni Minju.

 

Sinulyapan niya muna ang mga anak namin at napangiti nang makitang okay naman ata ang dalawa. Paglingon niya ay nakangiti na rin siya sa akin kaya kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.

 

“They’re good naman. Kakabalik lang nila dito sa Pinas. Have you met Giselle?” sagot ko sa kanya.

 

“Daughter niya, right? Pictures lang ang nakikita ko from facebook. Minsan ay kinakamusta rin ako ni Ate Aeri para magsend ng pictures. Giselle is so pretty just like Ate!”

 

“Giselle’s studying na rin sa university nila Karina and Winter. I think ‘di pa sila masyadong close ni Winter, ano? But classmate siya ni Karina sa few classes. They’ve hung out a few times na rin ata.” I told Minju, “And Ning? How is she?”

 

“Ayon nagpapaka rich tita. Sapat na raw ata si Minjeong para i-spoil niya.”

 

Napatigil ako sa pangalang narinig ko. Nasabi nga kanina ni Minju na iyon rin ang pangalan ng anak niya. Napansin naman niya na rin ata ang reaksyon ko at hindi na nag-alinlangan pa na itanong ang kanina pa bumabagabag sa kanya.

 

“Ate Jimin… ba’t ngayon ka lang?”

 

Napabuntong hininga na lang ako. Inabot ko ang mga kamay ni Minju at tinignan siya sa mata. Sana lang ay 'wag muna ako maiyak bago makapag-explain.

 

“I’m sorry Minju. I never felt ready. Feeling ko I’ll break down if I ever visit. Hindi ko siya matanggap all these years. I felt so bad for being angry… for not reaching out.”

 

Minju just tightens her hold on my hands, and I can't help but to still feel a little guilty.

 

“It’s not your fault naman, Ate. It was Minjeong’s choice not to tell you. We couldn't go against her only request. Ayaw niyang mag-worry ka. I know it was unfair din sa part mo. If you were me, magagalit din naman ako. Maybe she just did that to make it easier for you to let her go… w-when… when the time comes. I remember sabi niya, baka mas madali if magalit ka na lang sa kanya. I know it’s wrong for her to think that way pero naiintindihan ko rin naman siya, Ate.”

 

“But it was never easy, Minju. And Minjeong definitely never deserved na may magalit sa kanya. She… she could have told me. I could have been there for her.”

 

“You were, Ate. You have always been there for her.” Napayuko si Minju nang maalala ang mga nangyari noong araw na iyon. “Kahit kami mismo, we were never ready. Nabigla kami. She was so lively the day before. She was so excited.”

 

They couldn’t tell me and our friends agad. They had to leave para mag-asikaso ng mga bagay, and it was very hard for them to reach out din. They didn't have the energy.

 

No one was ever ready. Suddenly, Minjeong didn’t wake up. On my birthday, my Minjeong couldn’t wake up.

 

“It’s been years, Ate. I know it’s hard pa rin, but I think you’re slowly moving on na… Now that you’re finally here.”

 

“I’m so sorry, Minju. I have been selfish. I know it’s harder for you. Kapatid mo ‘yun.”

 

“It was painful and hard for everyone. Alam naming hindi lang kami ang nasaktan.” Minju smiles at me. She had always been nice, always understanding. Siya rin madalas ang mas logical sa kanila ni Minjeong.


“Ang galing nga eh. You know I badly prayed that my daughter would have someone like Minjeong… And now my Karina has your Winter… She has her Minjeong. I was too busy na I didn’t even notice. That’s why Winter has always felt so familiar. You don’t know how glad and relieved I am, Minju. Pinalaki mong maayos at mabuti ang anak mo.”

 

“Salamat ate. I’ve met Karina rin and I could say the same. Minjeong would be so happy for you, Ate Jimin. I hope you know that.”

 

“Salamat, Minju. Your sister is so proud of you too. Always naman.”

 

I had to stand up para lumipat sa tabi ni Minju, then pulled her into a tight hug. Hindi ko inexpect na ganto ang mangyayari sa araw na muli kong haharapin si Minjeong. But I am definitely more than grateful. For the first time, my heart didn't ache.

 

“Thank you for still accepting me.” I said.

 

“You did nothing wrong, ate. You were just hurt. You loved Minjeong so much, ate. We all know that. We all loved her so much.” Minju says, tears b in her eyes.

 

“I never stopped loving her, Minju. I never once did.”

 

 

“Jimin, ano ba! Mahuhulog tayo!”

 

Mas lalo lang napalakas ang tawa ni Jimin sa natatarantang boses ni Minjeong. Nagpumilit kasi ito na turuan siya ni Jimin na mag-aral magbisikleta. Matapos ng ilang oras ay nakuha na rin ni Minjeong na mabalanse ang bike. Agad naman nagpresenta si Minjeong na siya ang magmaneho at sa likod niya muna si Jimin. Mukhang maling desisyon pa ata.

 

“Akala ko ba kaya mo na?”

 

“Ang bigat mo ‘wag kang malikot!” Sigaw ni Minjeong.

 

Hinampas siya ni Jimin na siyang naging dahilan upang tuluyan na nga silang mawala sa balanse. Natumba ang bike at mabilis namang hinatak ni Jimin ang kaibigan para saluhin ito.

 

“Ba’t mo ‘ko hinatak? Masakit ba? Nasugatan ka ba?” Agad na tanong ni Minjeong nang makaupo sila. Tumatawa pa rin si Jimin dahil mukhang natataranta pa rin talaga si Minjeong.

 

“Ayos lang ako, Min. Ikaw ang bawal magalusan dito.”

 

“Anong ako?!”

 

“Gusto mo bang pagalitan na naman tayo ni Mama?”

 

Napatigil si Minjeong sa narinig. Hindi dahil sa posibilidad na mapagalitan sila kundi sa pagtawag ni Jimin sa kanyang nanay ng “Mama” rin. Well, mama niya rin naman ang nag-insist at matagal na rin namang ginagawa ito ni Jimin. Sadyang minsan ay matatameme na lang siya sa kilig.

 

“Namumula ka na naman.”

 

“Ewan ko sa’yo! Ayoko na pala magbike!” Tinulak pa nga ni Minjeong ang mukha ng kaibigan dahil sa nakakalokong ngiti nito.

 

Naunang tumayo si Jimin. She then extended her hand for Minjeong to reach. Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ni Minjeong at sinigurado ring wala itong ni isang galos.

 

“Hey. You did great, Min. Natutuwa lang talaga ako sa’yo. Hindi ka naman kabado nung mag-isa ka lang eh.” Jimin speaks.

 

“Ayoko kasing mahulog ka. Baka mapano ka pa."

 

“Eh kaso nahulog na nga.”

 

 

“Minjeong.”

 

“Hmm?”

 

“Do you remember the first time we met?” Tanong ni Jimin habang pinagmamasdan niya ang kaibigan. Nasa balcony sila ng kwarto ni Minjeong. Masyado itong busy sa pagsusulat sa notebook niya at ayaw pang ipakita kay Jimin ang nilalaman.

 

“Paano ko makakalimutan eh tinulak mo ko?” Napaangat ng ulo si Minjeong at tinignan ng masama ang bestfriend.

 

“I’m sorry, okay? You were on my seat!”


 

“Hindi lang ako nakasagot agad! Tatayo rin naman ako. Ba’t kailangan manulak? Muntik ka tuloy awayin ni Minju!” Sagot ni Minjeong na parang hindi pa rin nakakaget-over kahit elementary pa sila noon. Kahit na mas matanda si Jimin sa kanila ay naging kaklase nila ito dahil palipat-lipat sila ng bahay noon bago tuluyang magsettle sa hometown nila Minjeong.

 

 

“Pfft. Just say you find me pretty dati pa.”
 

 

“Talaga naman. Ikaw lang tong mapanakit!”

 

 

Buti na lang at bumalik na sa pagsulat si Minjeong at ‘di nito napansin ang pamumula ng tenga ni Jimin. She knows how good-looking she is… but it still hits differently whenever Minjeong admits na she finds her pretty.


 

“Itulak kita diyan gusto mo?” Pagbibiro ni Jimin.

 

“Jimin! Nasa 2nd floor tayo hindi mo na ba ko mahal?”

 

“OA talaga.”

 

“Che.”

 

“Min.” Tawag ni Jimin.

 

Muling inangat ni Minjeong ang kanyang ulo. She saw Jimin extending her arm, palm o

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kang_ddeul
#1
Chapter 2: hala super gandaaaa pooo 😭😭
gayasf__
#2
Chapter 2: THIS IS SO SAD 😭😭😭😭💔
gayasf__
#3
Chapter 1: ooh interesting
ayperos_
#4
Chapter 2: this is so beautiful but at the same time masakit sa puso😭😭😭 salamat sa napakagandang istorya otor lods!!!!
ayperos_
#5
Chapter 1: baka yung panaginip ni wintot ay yung past nung tita niya at mom ni Karina hahahaha
ayperos_
#6
Chapter 1: gagi, sana naman wala ring sakit si wintot.