Winter (1)

Begin Again

---

 

“Are you sure you’re okay na?”

 

Tumango si Karina na parang bata, “Yes, thank you.”

 

“Here oh, sabi ni Giselle bilhan daw kita ng ice cream.” Nilapag ko na sa table yung ice cream na kanina ko pa hawak

 

“Really? Sakto, kailangan ko nito. This is my comfort food.”

 

 

Ako na yung tumayo para kuhanan siya ng kutsara at parang nagtataka pa sya sa ginawa ko.

 

 

“What?”

 

“Nakakapanibago lang na ganito ka.”

 

“Why? Gusto mo magsungit ako?” agad naman siyang umiling

 

“Please, no.”

 

“Kapag okay ka na, babalik na ulit ako sa dati.”

 

Karina finally smiled, “Edi sana pala lagi nalang akong hindi okay.”

 

“Wag.” Hindi ako sanay..

 

“Why?”

 

“Ayoko lang.” Ayoko nang makita ka ulit na ganito

 

“Okay.”

 

 

Ang behave ni Karina today at parang nagkapalit kami ng personality bigla.

 

 

“Are you sure na papasok ka na bukas?”

 

“Oo naman, baka ma-miss mo na ‘ko masyado.” Na-jinx ko ata, ayan na naman yung annoying side niya

 

“Kapal ng mukha mo. Ang saya ko nga kanina eh, walang makulit.” Lies

 

“Oo nalang, Minjeong.”

 

 

Inubos lang ni Karina yung binili kong ice cream sa kanya bago niya ko dalhin sa kwarto niya.

 

It’s simpler than expected.

 

It’s bright, parang puro white yung nakikita ko. Medyo kabaliktaran ng akin na kulang nalang hindi na talaga ako gumamit ng ilaw kasi gusto ko madilim talaga.

 

 

“Wala yung parents mo?”

 

“They’re overseas. May inattendan na seminar.” Tumango ako

 

“I see, yung parents ko wala rin madalas samin.”

 

“Pansin ko nga. Never ko pa sila nakita kahit na ilang buwan na tayong nagsasabay pumasok.”

 

Umupo ako sa kama niya, “Yung Ate mo, nasaan?”

 

Nakita ko namang napatigil siya sa pag-aayos ng magulo niyang study table, “Wala siya dito.”

 

“Oh, sayang. I want to meet her pa naman.”

 

Hinila ni Karina yung swivel chair at tumapat sakin, “Really? Why?”

 

“Nakita ko yung mga awards niya sa baba and UP graduate pa siya. Parang ang galing galing niya lang.”

 

“Magaling talaga siya kahit nung mga bata pa kami. Siya talaga yung role model ko. She’s the best Ate and basically, the best person para sakin.”

 

 

Napangiti naman ako.

 

She must really like her Ate kasi ang saya saya niya lang habang kinikwento yung kapatid niya.

 

She looked really proud.

 

 

“She’s also pretty and medyo pogi for a girl.”

 

Natawa siya, “Madalas niya ngang naririnig yun. Ikaw rin, sometimes you look pogi sa paningin ko.”

 

“I’ve heard about it many times na rin, lalo na nung nagpa-short hair ako.” I don’t have the guts to say na minsan may mga actions and angles siyang ang pogi niya lang

 

“But nangingibabaw sakin yung cute side mo, para kang baby. Pogi ka lang pag seryoso pero once na kinausap kita, lagi ka na galit. You look like an angry maltese.” Pang-aasar niya pa

 

“Sinong may kasalanan kung bakit lagi akong galit? And who are you calling an angry maltese? Kagatin kaya kita.”

 

Tumawa siya, “Edi pinatunayan mo nga lang na angry maltese ka.”

 

 

Okay hinga tayo, Winter. Wag mong aawayin muna si Karina dahil halatang hindi siya okay.

 

But she looks better than before. Nakakatawa na siya ulit ngayon.

 

 

“Tsk. Bahala ka nga. Hindi muna kita aawayin kasi yun ang sabi ni Giselle.”

 

“What did she tell you ba?”

 

“Wag daw muna kita awayin and maging mabait daw ako sayo.” I answered

 

“I think need ko bigyan ng roundtrip tickets with accommodation si Giselle papuntang France sa birthday niya.” Hindi naman halatang spoiled na spoiled si Giselle sa kanya no?

 

“Alam niya rin ata yung reason why you’re like this pero hindi niya sinabi sakin. Mas maganda daw na sayo ko marinig.”

 

“Really?”

 

“Yes.”

 

 

Hindi siya nagsalita at parang may iniisip.

 

Ayokong nakikita siyang ganito.

 

Kapag seryoso siya, gumaganda siya sa paningin ko.

 

Can’t she just be annoying para hindi ako mahulog?!

 

 

“You know, hindi mo naman kailangan sabihin sakin kapag hindi mo talaga kaya.” Kasi kung gusto niya talaga sabihin, edi kahapon palang kinausap niya na ‘ko

 

“Really?”

 

“Oo naman, ano bang akala mo sakin, chismosa?” Umiling naman agad siya

 

“Ayoko lang dumagdag sa inis mo sakin. I ignored you kahapon eh at hindi nagparamdam hanggang ngayon. Sorry about that.”

 

 

Ako parin iniintindi niya kahit na siya naman yung may pinagdadaanang mabigat diyan. So selfless.



“S-Sus, parang yun lang. Sabi ko nga sayo, mas okay naman na hindi kita nakita. Ang tahimik ng buhay ko.” Sabi ko nalang

 

She smiled, “Sorry ka nalang, guguluhin ko na ulit yan bukas.”

 

“Ugh, malas ko naman.”

 

 

Malas pero nakangiti? Tuwang tuwa?

 

Shut up, thoughts!

 

 

“Anyways, it’s a story for later nalang. Thanks for understanding.”

 

“I don’t mind.”

 

“Thanks for coming nga rin pala. Medyo okay na yung feeling ko and parang makakatulog na ata ako ngayon.”

 

“What do you mean?”

 

“I’ve been awake for like 40 hours na.”

 

“40 hours?! Bakit hindi ka natutulog?” inis kong tanong sa kanya

 

“I can’t sleep. I kept on crying lang.”

 

 

Nawala naman lahat ng inis ko sa katawan at napalitan ng awa.

 

Ano ba talaga ang nangyari?

 

 

Tumayo na agad ako sa kama niya at inayos yung maayos naman niyang higaan, “Bilisan mo, matulog ka na agad. My God, papasok ka pa bukas. 8 na! gosh, may 9 hours ka pa to sleep. Dalian mo, magpalit ka na into your pajamas.”

 

“Ang mando.”

 

“Bilisan mo na, isa. Kukuda pa eh.” Tinulak ko na siya papunta dun sa cr

 

“Ihahatid muna kita sa inyo bago ako mag half bath and sleep.”

 

Umiling ako, “No, hindi ako aalis hangga’t di kita nakikitang tulog.”

 

“Minjeong naman. Pano ako makakatulog nang andito ka? Ang awkward kaya!” Kailan ka pa nagkaroon ng hiya?

 

“Makakatulog ka agad kasi kulang ka nun. Bilisan mo na kumilos, every second counts!”

 

Napakamot nalang siya sa ulo niya, “Sige, bahala ka. If ma-bored ka, you can open the TV nalang or laruin mo switch ko.”

 

“Oo na, bilisan mo nalnag. I can handle myself.”

 

 

---

 

 

Nag half bath lang naman si Karina kaya in 10 minutes, natapos na agad siya.

 

Ako na yung nag-blowdry ng hair niya at hindi ko rin alam kung bakit, basta bigla ko nalang inagaw sa kanya yung blower niya.

 

Hindi naman siya lumaban at behave lang na nakaupo.

 

Feeling ko talaga sinapian ako ng kung anong kademonyohan eh.

 

I even guided her hanggang sa makahiga siya.

 

Paralyzed yan teh?

 

 

“Minjeong, you can go home na. Thank you for today. I’ll make sure na magiging ganito at least once a week.” Biro niya pa as she covers half of her with blanket

 

“Nakakarami ka na ha,” Pabiro kong pinitik yung ulo niya, “Ayoko nang makita ka ulit na ganyan.”

 

“Yiee, worried siya sakin.”

 

“Hindi no.” I weakly fought back

 

“Sayo na rin naman nanggaling kanina eh.”

 

 

Naalala ko tuloy yung pinagsasabi ko kanina.

 

Hindi ko maiwasang mahiya kasi hindi ko na na-filter yung pinagsasabi ko.

 

Talgang lumabas nalang sila nang walang paalam.

 

Gusto ko nalang magpalamon sa lupa right here, right now.

 

 

“Shut up, matulog ka na. Patayin ko ba yung ilaw?”

 

“Yes please.” Cutie

 

“Okay.”

 

 

Tumayo na ‘ko para patayin yung ilaw habang si Karina sinisindihan yung scented candles ba yan?

 

Oo, scented candles siguro yun.

 

 Malabo namang katol yung sinisindihan niya dyan, diba?

 

 

“Go back na, Minjeong. It’s getting late.” It’s almost 10 na pala

 

“I’ll wait for you to sleep.”

 

“Pero baka mapano ka na sa daan.”

 

I lightly poked her forehead, “Karina, ang lapit lapit lang ng bahay mo sakin.”

 

“Still…”

 

“If you’re that worried edi magpapasundo ako sa Kuya ko, wala namang pasok yun today.”

 

“Ah, si Kuya Eunwoo..”

 

“You know him?” sa pagkakaalala ko kasi hindi ko pa sila napakilala sa isa’t isa

 

“Met him a couple of times na.”

 

“I see.”

 

 

Hindi na siya sumagot pero nakadilat pa rin siya.

 

 

“Pumikit ka na kaya.”

 

“Ang awkward talaga lalo na kapag nakatingin ka.” Pagmamaktol niya

 

“Jusko ang dami mong arte.”

 

 

Umupo ako sa kama niya at hinila siya palapit sakin.

 

 

“Minjeong??“ Nagtataka niyang tanong at parang gusto pa kumawala pero hindi ko siya hinayaan

 

“Wag ka nang malikot, humiga ka nalang.”

 

“Pero..” She looks flustered, how new

 

“This way, hindi mo na mapapansin na nakatingin ako sayo. Just sleep, Karina. Utang na loob.”

 

“F-Fine. Can I hug you back?” She’s so cute!! Para siyang bata na nanghihingi ng permission. Are you sure na hindi siya mas matanda sakin?

 

“I’m already hugging you, what’s stopping you from hugging me back ba?”

 

“O-Okay…”

 

 

She hugged me back but not too tight.

 

Tama rin yan, baka mahirapan ako umalis kapag maysadong mahigpit ang yakap niya sakin.

 

She comfortably rested her head sa chest ko while I played with her hair. Napansin ko kanina na she likes it when I do this, kumakalma siya.

 

I don’t know why I’m doing this; it’s beyond comforting na.

 

I don’t comfort my friends like this.

 

But here I am cuddling Karina to sleep, and I felt comfortable doing so.  

 

Akala ko ba ayaw mo sa kanya, Minjeong?

 

Shh, just shut up.

 

My feelings are not what’s important today.

 

Sa susunod na araw na tayo magtuos.

 

Should I sing her a song para masmakatulog siya?

 

I decided to sing my comfort sa kanya.

 

 

Where must I go from now?

I belong in different crowds“

 

“Ang ganda pala ng—“ Hindi ko na hinayaang matapos siya dahil tinakpan ko na yung bibig niya

 

“Shut up and sleep.”

 

“Sabi ko nga.”

 

 

Ano ba ‘tong si Karina sinira ang momentum ko.

 

Ehem.

 

 

“A battle with the weightlessness

Take me home

Oh, take me home

When being young is getting old

And all this time we cannot hold

Find yourself and find direction

Give them fire

Oh, give them rain

Life’s not what I hoped it’d be

But I’m taking all I feel and see

Is this all that is left of me?

One lost soul singing happily.”

 

 

I think she’s already asleep.

 

Parang bata talaga.

 

But kapag umalis na ako ngayon, baka magising siya.

 

Let’s just finish the song.

 

 

“Another day is counting down

And both my eyes are drowning out

I’m awake at 2Am

Wondering all of that could have been

I wish that I was still a kid

When things were new and colored in

A world that’s easy

A world that’s safe

But then here comes another day

Take a breath

Take whatever lies ahead

Take a breath

And take whatever lies ahead

Just take whatever lies ahead

Give me time

Give me time

Give metime

Life’s not what I hoped it’d be

But I’m taking all I feel and see

Is this all that is left of me?

One lost soul singing happily”

 

 

I took a peek kung tulog na ba si Karina and she’s fast asleep na. kulang nalang ay lawayan na ‘ko.

 

I feel so comfortable, parang may magnet itong higaan niya. Karina’s very warm din kaya mas inaantok ako dito.

 

Feel ko na kapag napikit ako, magtutuloy-tuloy na.

 

Maingat kong tinanggal ang pagkakayakap niya sakin at pinalitan ito ng unan.

 

I crouched down and looked at her sleeping face.

 

I giggled silently.

 

She looks so cute and at peace.

 

Hindi mo aakalaing sobrang annoying niya kapag gising.

 

Yan, ganyan dapat.

 

Someone as pure hearted as Karina should always be happy and at peace.

 

 

I leaned in to give her a kiss on the cheeks before whispering, “Good night, Karina.”

 

---

 

Hindi ko namamalayang December na and ilang araw nalang Christmas na.

 

Ang bilis ng panahon, 6 months na rin pala simula nung lumipat ako sa bago kong school at 6 months na rin akong ginugulo ni Karina.

 

Consistent siya, in fairness.

 

 

“Minjeong, catholic ka ba?”

 

I looked at her questioningly, “Pick up line ba ‘to?”

 

Natatawa siyang umiling, “Hindi! Serious question yan.”

 

“Then, oo. Catholic ako.”

 

“Edi tara, kumpletuhin natin yung simbang gabi!” Anong hangin na naman ba ang pumasok sa utak nito?

 

“Simbang gabi? Yun yung gigising ka ng sobrang aga, right?”

 

Tumango siya, “Yup!”

 

“Then, ayoko.”

 

“Pwede naman tayo dun sa 7PM mass.”

 

“Ayoko pa rin, that’s my siesta time.”

 

“Edi tara na sa madaling araw?”

 

“Mas lalong ayoko.”

 

“Dali naaa.” Pamimilit niya pa

 

“Magsimba ka nalang tuwing linggo.”

 

“Perfect attendance kaya ako!” Hindi ba siya natatakot at baka kunin na siya ni Lord sa sobrang sipag niya magsimba? “Iba pa rin kasi yung sa simbang gabi.”

 

“Ano namang iba dun? Nagsisimba ka lang naman.”

 

Pinaningkitan niya ako ng mata, “Si Minjeong kala mo hindi galing ng catholic school oh.”

 

“Hindi ako gaanong religious. Basta naniniwala lang ako na may diyos.”

 

Tumango naman siya, “Hmm, okay. Si Ningning nalang yayayain ko. Sa Mandaluyong lang naman siya, diba?”

 

“Ha?”

 

“Bakit?”

 

“Bakit si Ningning yayayain mo? Si Giselle ba ayaw mo?”

 

“INC yun.”

 

“Really?”

 

“Yup, kaya si Ningning nalang yayain ko.” Hinawakan ko yung kamay niyang balak na ata mag-message kay Ningning

 

“Wait.”

 

 

Tangina naman eh!

 

Once na niyaya niya si Ningning, sasama talaga yun!

 

 

“Hindi sanay gumising ng maaga si Ningning tapos may pasok pa yun kinabukasan, hindi papayag yan.” Pagsisinungaling ko

 

“Mas okay pa rin yung niyaya ko siya kahit hindi niya ako samahan.”

 

Hindi talaga marunong makinig sakin, “Ako na.”

 

“Anong ikaw na?”

 

“Ako na ang sasama sayo, wag mo na abalahin si Ningning.” Wala akong choice, okay? Ayaw ko naman talaga!

 

“Ang bait mo namang bestfriend.”

 

 

No, sadyang hindi ko lang gusto yung thought na magkasama kayong dalawa, ng kayong dalawa lang.

 

 

“Sure ka ha?”

 

“Oo nga.”

 

“Daanan kita mamayang 3:30 sa inyo.” Naiiyak na agad ako kasi napakaaga

 

“Ugh, okay.”

 

---

 

Merong chapel malapit dito sa subdivision namin kaya dun kami papunta ni Karina.

 

Both of us are wearing hoodies dahil ang lamig ngayon, medyo nakakangatog nga.

 

Nakakapit ako sa braso ni Karina kasi feel ko inaantok pa ‘ko.

 

Baka mamaya sumubsob nalang ako if wala akong kakapitan, walang ibang meaning.

 

It’s my first time going out this early kaya except lang kapag may flight, pero given na yun. Alam niyo naman kapag mga Pilipino, sa airport lang maaga yan.

 

But me walking beside this annoying human para magsimba? Hindi ako ‘to.

 

Walang makakahila sakin nang ganito.

 

Kahit paggising sa umaga pahirapan pa.

 

Who is this person? Hindi ito si Kim Minjeong.

 

 

“Bakit mo ba gusto kumpletuhin yung simbang gabi? Nakakatamad kaya.”

 

“May wish ako eh.” Sagot niya

 

“Naniniwala ka dun?”

 

“Oo, bakit?”

 

“Hindi naman na-prove na totoo yun.” I argued

 

“Kahit na, masamang maniwala?”

 

“May sinabi ako?” Tanong ko pabalik, “Ano ba iwi-wish mo at talagang sinasakripisyo mo yung tulog natin?”

 

She smiled, “Sasabihin ko sa huling araw ng simbang gabi.”

 

“That’s like 9 days, no—8 days from now? Sabihin mo na sakin ngayon.”

 

“Wag na, baka ma-jinx pa.”

 

 

Sana hindi mo na binanggit diba kung di mo lang din naman sasabihin?!

 

 

Inirapan ko siya, “I hate you so much.”

 

“I know, Minjeong.”

 

 

---

 

 

“Kim Minjeong.”

 

 

Kakapikit ko pa lang narinig ko na naman boses ni Karina.

 

Recess na kasi namin and as usual, hindi ako lumabas para kumain.

 

I wonder why she’s here eh lagi naman ‘tong nasa labas tuwing recess, gumagawa ng kung ano anong bagay.

 

Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko, sa upuan ni Yujin.

 

 

“Please lang, lumayo-layo ka muna sakin. I’m trying to sleep oh.” Inis kong sabi sa kanya at hindi pa rin bumabangon

 

“Hindi comfy dyan sa table mo, sasakit lang likod mo dyan.”

 

“Where else would I sleep?”

 

“Dito.”

 

 

Sinilip ko kung saan yung tinutukoy nya and it’s her shoulders pala.

 

 

“Ayoko.”

 

“Dali na. I have strong shoulders.” Hinahampas niya pa yung balikat niya pero sandali, why is she so aggressive? Inaano ba siya ng balikat niya?

 

“Ayoko nga.”

 

“Dali na.”

 

“Sabing ayoko—Hoy, Karina!”

 

 

Pano ba naman kasi, pilit niya akong hinila paupo nang maayos at isinandal yung ulo ko sa balikat niya.

 

 

“Oh ayan, mas comfy ka sa ganyan diba?”

 

“H-Hindi naman.” Pero ang totoo, sobrang komportable ako. I’ll probably pass out any minute

 

“Sus, just sleep.”

 

 

I just sighed and closed my eyes.

 

Ginamit kong pantakip sa mukha ko ang makapal nyang buhok.

 

It smells good.

 

Makakatulog nga talaga ako nito.

 

---

 

 

“Karina, dumaan ka daw mamaya or bukas sa bahay basta free ka. Gusto ka makita nila Mama.”

 

“What?!”

 

 

Don’t get me wrong ha.

 

Gusto lang nila makita kung sino yung kumikidnap sakin tuwing alas tres ng madaling araw para hatakin magsimba.

 

Si Kuya Eunwoo yung nanlalaglag sakin kaya tuloy nalaman nila. Wala talagang magandang dulot ang tao na yun.

 

 

“Meet the parents agad?!”

 

Kinurot ko siya sa tagiliran, “Hindi, gusto lang nila makilala yung nangungulit sakin.”

 

“Sinumbong mo ‘ko?”

 

“Hindi no. si Kuya ang may pakana. Good luck nalang sayo, baka ibitin ka patiwarik ni Daddy.” Biro ko sa kanya

 

“Ayoko pumunta, Minjeong. Baka ibitin nga ako.”

 

“You’re too tensed.” Hindi ko naman aakalaing seseryosohin ako ni Karina! Takot na takot siya oh.

 

 

Ang bilis ng panahon, nakumpleto na agad namin ni Karina yung simbang gabi.

 

Hindi ko aakalaing kakayanin ko.

 

Ano bang pinakain ni Karina sakin at napipilit niya ko sa ganito? Naghihinala na ko ha.

 

 

“Good luck to me nalang.”

 

---

 

May naalala akong kanta bigla nung nag Ama Namin na.

 

Bibingka yung title, at parang sa tuwing maglalakad kami papunta dito sa simbahan, hindi pwedeng hindi niya yan kakantahin.

 

naalala ko yung bridge part in this exact moment.

 

Natapos din ang siyam na araw ng Simbang Gabi

Ang sabi ko sa sarili, baka ito na'ng huli

Pero mula no'ng unang Ama Namin

Na ang 'yong kamay ay hinawakan

'Di mo na binitawan

 

 

I never held Karina’s hand and she never attempted to hold mine rin tuwing Ama namin.

 

I told you, she never crosses the boundaries kahit gaano na kami kakomportable sa isa’t isa.

 

Hindi siya gagawa ng bagay na ikagagalit ko.

 

Kaya nung nag ama namin, hindi ko alam kung ano ang nag udyok sakin para hawakan ang kamay niya.

 

She looked surprised at first pero nginitian niya lang ako at patuloy na kumanta.

 

Natapos ang kanta pero hindi ko pa rin binibitawan ang kamay niya.

 

At kahit pagkatapos ng misa, hawak ko pa rin ang kamay niya.

 

Parang ayaw ko na ‘to bitawan kahit na kalian.

 

---

 

 

“Congrats, Minjeong! Natapos mo yung simbang gabi!” Bati niya sakin

 

“Hindi ko rin aakalaing nakaya ko.”

 

“Let’s do it again next year?” She asked, her eyes full of hope

 

 

Next year, huh?

 

Hindi ko siya sinagot.

 

Ayokong magkaroon ng some sort of agreement samin kasi once na hindi yun natupad, it will only bring disappointment.

 

Tignan nalang natin kung saan kami dadalhin ng tadhana.

 

Bumili kami ng bibingka and puto bumbong for our breakfast.

 

Parang siyam na araw ko na yang kinakain kasi araw araw kami bumibili.

 

I’m not complaining naman kasi I really love putobumbong.

 

Binilhan ko rin sila Kuya ng bibingka kasi yun ang mas gusto nila.

 

I’m still holding Karina’s hand and ngayon ko lang napansin na ang lambot lambot ng kamay niya, halatang hindi inuutusan sa bahay nila.

 

Hindi rin siya pasmado so I enjoy holding her hand.

 

 

“Wag mo kalimutan dumaan sa bahay mamaya ha or bukas.”

 

“Noted po.”

 

 

Andito na kami sa tapat ng bahay namin kaya binitawan ko na yung kamay niya.

 

Is it weird kung sabihin kong I already miss it?

 

De, puyat lang ‘to.

 

 

“I’ll go in na.”

 

“Okay.”

 

“Ingat ka.”

 

“I will.”

 

 

Papasok na sana ako sa gate nang bigla niya akong hinila and leaned in to whisper sa tenga ko.

 

I almost punched her kasi nambibigla ba naman.

 

 

“My wish is for you to be happy and healthy lagi, that’s all. Sana tuparin ni Lord bilang reward ko sa pagkumpleto ko ng simbang gabi.”

 

 

At tumatak yun sa puso’t isipan ko.

 

It did more impact than I have expected.

 

Bumalik nang sabay sabay yung mga dini-dismiss ko na feelings dati, nagsabay sabay na sila at hindi ko na kayang itanggi ngayon.

 

May nararamdaman na naman akong hindi dapat.

 

Alam ko sa sarili kong hindi ko pa kaya pero sa tuwing nakikita ko yung affection sa mga mata ni Karina, pati na rin kung gaano ka-sincere yung mga salitang sinabi niya sakin, parang gusto ko nalang kalimutan yun.

 

Gusto ko nalang sumugal ulit.

 

Humigpit ang hawak ko sa kamay niya at tinignan siya sa mga mata niya which is a mistake.

 

 

“Karina..” Hindi niya na ‘ko pinatapos magsalita

 

“You don’t have to say anything. You don’t have to rush it kasi I’m willing to wait for you, kahit na gaano pa katagal.”

 

 

Hindi ko na kailangan magsalita dahil naiintindihan na agad ni Karina ang gusto kong sabihin.

 

Oh to be understood without having to explain is probably the sweetest thing a person could do.

 

 

“O kaya I’ll be with you hanggang sa mahanap mo na yung taong magugustuhan mo talaga.”

 

“Don’t say that…” Sabi ko sa kanya at mas hinigpitan pa ang hawak sa kanyang kamay

 

“Why?”

 

“Basta, don’t be like that.”

 

 

God knows how much I wanted ‘that person’ to be you right now.

 

So wag kang umarte na parang kayang kaya mo ‘kong bitawan.

 

Be selfish with me.

 

Sabihin mong hindi mo ‘ko kayang ibigay sa kahit na kanino.

 

Never give up on me, Karina.

 

Please. 

 

Para akong hihimatayin because of all these overwhelming feelings.

 

Merong takot, may kaba, may saya, may appreciation, literally everything. It makes me feel lightheaded kaya niyakap ko nalang si Karina to find support.

 

I wished silently na sana kung meron mang ibibigay sakin si Lord, si Karina nalang.

 

I want it to be her, no one else.

 

---

 

 

Around 10 dumating si Karina sa bahay and sobrang nerbyos niya kanina sa gate pa lang, daig niya pa ang graduating student na may ide-defend na thesis.

 

Ang lamig lamig ng kamay niya akala ko yelo yung hawak ko kanina.

 

Tapos nung pinakilala ko sila Mommy sa kanya, nabitawan niya pa yung Christmas presents na dinala niya dahil sa kaba.

 

Ako naman tatawa-tawa lang kasi bihira ko lang makita ang ganyang side ni Karina.

 

Well, kanina lang yun.

 

Ngayon, akala mo siya yung anak eh.

 

Naging close agad siya kila Mommy, lalo na kay Kuya Eunwoo.

 

Hindi ko gustong naghaharutan sila ni Kuya ha! Kaya naman ako todo layo kay Karina pag kinakausap siya ni Kuya.

 

Andito kami sa dining table namin, kumakain na agad kasi nagugutom na kami pare-pareho.

 

Pinilit na rin nila Mommy kumain si Karina dito kaya wala siyang choice.

 

Ang akin lang naman, bakit hindi ko siya katabi?

 

Si Kuya Eunwoo at Mommy pa ang katabi niya!

 

Bakit parang ako yung bisita dito, hindi anak?

 

 

“Bakit ngayon mo lang pinakilala samin si Karina, anak? Hindi mo naman sinabi na meron ka pa palang malapit na kaibigan bukod kay Ningning.” Sabi ni Mommy habang nakayapos kay Karina

 

“Hindi ko naman siya kaibigan, Ma.” I think we never clarified kung ano kami kaya ayoko rin naman i-assume na friends kami

 

“Kung hindi, edi girlfriend mo?” casual na tanong ni Kuya Eunwoo kaya halos mabilaukan ako sa kinakain kong ham

 

“Of course not!” Panic akong tumingin kila Mommy dahil baka ano pa ang sabihin nila

 

“Bakit ganiyan ka tumingin, akala mo ba magagalit kami?” Magaan na tanong ni Daddy

 

“So, okay nga lang sa inyo?” I asked in disbelief

 

 

Hindi ako nag out nung kami ni Doyeon.

 

I want to but hindi naman na kami umabot sa point na yun.

 

 

“Oo naman. Si Kuya mo rin kahit maging bading pa siya okay lang, basta mabubuti kayong tao.”

 

“Ma naman!”

 

 

Parang gusto ko bigla maiyak.

 

Simula nung nakaramdam kong iba ako, puro takot nalnag naramdaman ko.

 

Yung takot sa possible reactions ng parents ko.

 

What if itakwil ako nila Mommy just because I’m gay?

 

Pano kung hindi na nila ako makita biglang Minjeong nila once na mag out ako?

 

But it looks like nasa isip ko lang yun at masyado akong nagpapaniwala sa mga nababasa ko sa internet.

 

I didn’t come out directly but I was accepted kahit hindi ko pa sinsabi. You don’t know how relieved I am.

 

Nahagip ko si Karina sa tapat ko ang nakangiti siya sakin.

 

Mukhang nagkakatotoo na agad yung winish mo, Karina.

 

I’m more than happy right now.

 

---

 

“Gusto ko rin sana ma-meet mo yung parents ko kaso wala sila today eh, bukas pa sila uuwi.”

 

“What?!” gulat kong tanong, “Edi wala kang kasama mag celebrate pag umuwi ka?”

 

“Wala.”

 

 “How about si Ate mo?”

 

Umiwas siya ng tingin,  “I told you wala nga siya dito.”

 

“Right. But still, how could they leave you alone for Christmas?”

 

“Okay lang.” Hindi ito okay! “I understand naman, they’re just keeping themselves busy. That’s what I do too, para hindi makapag-isip ng unnecessary thoughts.”

 

“Hindi ko maintindihan.”

 

Karina looked at me and smiled, “You don’t have to.”

 

 

Ganito ba lagi yung nangyayari kila Karina?

 

Laging wala yung parents niya kapag may importanteng occassions?

 

Once a year lang naman yung Christmas, ano lang ba yung umuwi sila to celebrate it with their daughter no.

 

Tsaka yung Ate ni Karina, if alam niyang ganun yung parents nila edi sana umuwi lang man siya para sa kapatid niya.

 

Nababawasan ng pogi points sakin si Ate niya ha.

 

 

“Just spend your Christmas with us.” I suggested

 

“Ha? Nakakahiya, ayoko nga.”

 

“Karina, you literally ate with us kanina at kung tratuhin ka nila Mommy parang anak na. Salubungin mo na with us, it’s better that way kesa mag-isa ka sa bahay niyo.”

 

 

Karina scratched her cheeks lightly, halatang nahihiya nga.

 

For someone as shameless as her, ang amusing lang talaga makita yung side niyang ganito.

 

 

“You sure they won’t mind?”

 

“Oo naman.”

 

“Then okay.”

---

 

Ilang minuto nalang, pasko na kaya lumabas na kami para i-setup yung fireworks.

 

Every year may ganito kami to join the fun. Mas magarbo pa yan kapag new year.

 

 

“It’s such a waste na hindi mo kasama yung parents mo para salubungin yung Christmas but we’re glad to have you here, Karina.” Sabi ni Mommy na ngayon ay nakakapit na sa braso ni Karina

 

“Thank you po, ma’am.”

 

“Sabi ko sayo Tita nalang, or pwede namang Mommy na rin in case na maging kayo ni Mj.” Nakangising lumingon sakin si Mommy at halatang inaasar ako

 

“Ma!!” Tinawanan lang ako ng pamilya ko pati na rin si Karina

 

“Tita nalang po siguro para safe.” What do you mean para safe?!

 

“Ikaw bahala. Halika nga dito, let’s take a picture. Eunwoo, picturan mo kami.” Binigay ni Mommy yung dslr kay Kuya Eunwoo

 

“Ma, grabe! Parang hindi ako anak dito ah!”

 

“Busy si Kuya Isra niyo eh kaya ikaw nalang muna.”

 

“Ayoko! Gusto ko kasama ako.” Pagmamaktol ni Kuya jusko po “Kukunin ko nalang yung tripod sa loob.”

 

“Bilisan mo, 3 minutes nalang pasko na.”

 

“Opo.”

 

 

Kumaripas ng takbo si Kuya papasok sa bahay at muntikan pa siya madapa dahil sa kakamadali niya.

 

Akala mo talaga hindi piloto ang taong ‘to, parang bata pa rin kapag nasa bahay.

 

Akala mo kung sinong seryoso na tao kapag nasa airport yan. Minsan ang sarap ibunyag ng childish behaviour niya sa bahay kasi for sure, magugulat sila.

 

 

“Uhm Tita..”

 

 

Lahat kami napatingin kay Karina.

 

Wow, Tita na rin pala tayo ngayon, Daddy?

 

 

“Pwede niyo po ba kami picturan ni Minjeong?”

 

“Huh, bakit?!” Wait, bakit parang ayaw ko pa? Nag-panic lang ako, okay?!

 

“Ayaw mo ba? Okay lang naman.”

 

“Hindi, nabigla lang ako.” Agad kong tanggi kasi hindi niya na talaga iiinsist yan

 

“Gusto ko kasi maalala yung araw na to kahit na ilang taon pa ang lumipas. I’m so happy to spend Christmas with you and your family.” Aww

 

“Karin—“ Hindi ko na natapos yung sasabihin ko nang biglang sumulpot si Mama sa tabi ni Karina at hinawakan ang magkabilang pisngi nito

 

“Karina, anak! Nakakaiyak naman ang speech mo. Kung gusto mo dito ka nalang tumira samin, okay lang!”

 

“Uhm—“

 

“Ma! Jusko naman, ang hyper mo masyado. Baka maging uncomfortable si Karina.” Naiinis kong hila sa nanay kong napamahal na kay Karina

 

“Sorry na, anak. Your girlfriend’s just too cute.”

 

“Hindi ko nga girlfriend!!” Mariin kong tanggi. Jusko, bakit biglang ang init?!

 

“Edi ligawan mo na, ano pang hinihintay mo?”

 

“Ma, stop na please!!”

 

 

Jusko po para akong sasabog na dito.

 

Pero sila Mama tawa lang nang tawa.

 

I can’t believe na natakot pa ako mag out sa kanila noon.

 

Look at them teasing me to death.

 

Si Karina tuwang tuwa pa kaya naman kinurot ko siya sa tagiliran.

 

Nakakainis silang lahat, lalo na siya!

 

Kung andito si Kuya Eunwoo baka nagpakain na ‘ko sa lupa.

 

 

“Mag-picture na nga lang tayo, jusko ka.”

 

“Okay, dito tayo para maganda ang background.”

 

 

Dun kami sa tapat ng bahay naming kung saan punong puno ng christmas lights and decors.

 

Lumapit ako kay Karina at tumingin na sa camera.

 

 

“Nak, ano ba yan mukha ka lang nagpapapicture sa idol mo. Konting dikit naman!”

 

 

Napairap ako.

 

Ano pa bang gustong dikit ni Mama?

 

Si Karina na yung lumapit at ayan, magkadikit na mga braso namin. Baka may gusto pa silang ilapit?!

 

Maya-maya, naramdaman ko yung braso ni Karina sa balikat ko at narinig ko ang halakhak ni Kuya Eunwoo sa likod namin.

 

 

“Ganyan dapat! Tila kayo hindi magkakilala kung magpicture.”

 

“Napaka-epal mo, Kuya!”

 

“Tinutulungan ko lang kayo. Pra kayong kinder kung umakto, lalo ka na Winter. Hindi ganyan ang mga Kim!”

 

“What if manahimik ka na?” Nag make face pa si Kuya at gusto ko nalang siyang sipain sa mukha

 

“Oh tingin na sa camera.”

 

 

I gave my kuya a one last glare bago humawak sa bewang ni Karina.

 

Oh ayan na!

 

Manahimik na kayo!

 

 

“Okay, 1, 2,--“

 

 

Hindi ko na narinig yung sinabi ni Mama dahil sabay sabay nang nagputukan yung mga fireworks.

 

 

“Winter.”

 

"Hmm?"

 

 

Lumingon ako kay Karina at muntikan ko na siyang mahalikan dahil bigla siyang nag lean forward.

 

Puso ko, kumalma ka!

 

 

“Ang lapit mo naman!”

 

Tumawa lang siya at nag sorry, “Merry Christmas.”

 

Napangiti naman ako dun, “Merry Christmas din.”

 

 

Akala ko yung ilaw mula lang sa fireworks yung nagfla-flash, yun pala mula sa camera namin dahil si Mama walang tigil sa pag click ng shutter.

 

 

“Ma! Hindi pa po kami ayos picture ka nang picture dyan.”

 

“Ang cute niyo kasi tignan, sigurado bang hindi talaga kayo?”

 

“Hindi nga!” Feeling ko makakalbo na ‘ko dahil sa stress

 

Tumawa si Mommy, “Oo na, mag picture nalang kayo para ma-enjoy natin yung fireworks.”

 

“Minjeong kasi, wag ka na makipag-away.” I felt betrayed

 

“Kinakampihan mo ba sila?”

 

“Hindi ah! Pero wag ka na kasi makipag-away para matapos na tayo.”

 

“Whatever.”

 

“Oh, 1..2..3.. say Merry Christmas!”

 

“Merry Christmas!”

 

---

 

“Dito ka na kaya matulog?”

 

 

1 am pasado na and patulog na ang mga tao sa bahay.

 

Andito kami ni Karina sa gate and kanina ko pa siya pinipilit na matulog nalang sa bahay kesa naman mag-isa siya dun sa kanila.

 

 

“Dun tayo sa kwarto mo?” Pilya niyang tanong

 

“Manigas ka. Ano pa purpose ng guest room kung hindi gagamitin ng guests, diba?”

 

“Hmm, I want to sana kaso uuwi na mamaya sila Mommy. Baka magtaka sila kapag nakitang walang tao sa bahay.”

 

“Ah, right. I guess, need mo na nga umuwi.”

 

“Yes.”

 

 

I want to spend more time with her pa naman sana and I’m sure she feels the same kasi kanina pa kami nagpapalam sa isa’t isa dito pero hindi pa rin siya umaalis.

 

 

“Uhm, it’s nothing much pero Merry Christmas ulit.”

 

“Here’s my gift din pala, nakalimutan ko ibigay sayo.”

 

 

See? Kanina pa kami magkasama pero nakalimutan naming mag exchange ng gifts.

 

Inabot niya sakin yung black paper bag na may dalawang box sa loob.

 

 

“It’s nothing much, puro pagkain lang. I kinda guessed it kasi na mahilig ka dun so pinuno ko talaga yan ng mga pagkaing gusto mo.” Nahihiya niyang sabi sakin

 

 

She’s so thoughtful no?

 

Akala ko nga binilhan niya ako ng kung anong mamahalin but I was relieved nung malaman na simple lang yung gift niya.

 

Sino ba namang hindi matutuwa sa pagkain?

 

 

“My gift is nothing much din but I hope you’ll like it.” Binilhan ko lang siya ng relo kasi nabasag yung kanya last week dahil sa kaharutan niya

 

“Basta galing sayo, magugustuhan ko. Thank you, Winter.” She sincerely replied

 

“Thanks for this too.” Angat ko pa ng paper bag na may kabigatan. Hindi naman siguro bato lang ang laman nito no?

 

“You’re welcome..”

 

 

Nabalot naman kami ng katahimikan and it’s a comfortable silence na hindi ko inakalang possible saming dalawa.

 

We almost never shut up kapag magkasama.

 

Ah, I still want to spend more time with Karina but masyado nang gabi.

 

 

“Go home na.”

 

“Okay.. Good night, Minjeong. Thanks for today.”

 

“Good night din, we had fun. Balik ka next time.”

 

“Sure yan.”

 

 

Karina waved one final good bye bago tuluyang naglakad papalayo.

 

Possible bang ma-miss ang isang tao kahit na kasama mo lang siya seconds ago?

 

Mababaliw na ata ako.

 

Sinarado ko na yung gate naming at pumasok sa loob.

 

Habang naglalakad paakyat sa kwarto ko, binuksan ko yung isa sa mga box dun.

 

Punong-puno nga ng iba’t ibang klase ng chocolates at puro mamahalin pa.

 

Merong dried flowers sa gitna and fairy lights pa kaya ang ganda ganda tignan.

 

Knowing Karina, hindi lang talaga yun papayag na plain ang ibibigay sakin.

 

She always goes an extra mile for me.

 

Ganun din yung ayos sa isa pang box pero imbis na flowers, may maliit na box sa gitna at note.

 

I enjoyed every second with you, Minjeong, and I hope you did too. Merry Christmas!

 

Napangiti naman ako dun sa letter. Maikli but super sweet, as always. Karina’s always sweet naman but never akong nasanay.

 

Binuksan ko yung maliit na box and it’s a rosary ring similar sa ginagamit niya, iba lang ng kulay. It’s rose gold.

 

Meron ulit panibagong letter sa may lid ng box.

 

Lagi mo kasing sinasabi na ang ganda nung rosary ring ko kaya binilhan kita. I changed the color kasi baka hindi mo magustuhan na parehas tayo. Hope you liked it!

 

She’s being worried for nothing.

 

Napahiga nalang ako sa kama ko, smiling like an idiot.

 

Saktong sakto lang yung size sakin nung ring and I’ll make sure to wear it na lagi.

 

I stared at my ceiling as I tried to process everything that happened for the past 6 months.

 

Sumulpot nalang bigla si Karina sa buhay ko and akala ko she’s just an annoying bastard—she still is pero iba na ngayon.

 

Iniba niya bigla yung takbo ng buhay ko.

 

Gulong yan?

 

Basta, I’m thankful kay Karina.

 

Ang sarap pala sa feeling na yung ginagawa mong effort sa iba noon, ginagawa na para sayo ngayon.

 

Ganito pala ang feeling na tratuhin ng tama.

 

---

 

After Christmas, hindi ko na ulit nakita si Karina.

 

But iba naman ‘to sa nangyari nung October.

 

This time, nagpaalam naman siya sakin and we talk all the time sa phone.

 

Pano kasi, umuwi yung parents niya para sunduin lang din siya to travel.

 

Sa New Zealand sila pumunta and hindi ko na mabilang yung pictures na sinend sakin ni Karina.

 

Oo na, sinave ko na yung iba nyang pictures kasi ang ganda lang ng view.

 

Yung view lang naman habol ko sa pag-save hindi si Karina.

 

Hindi ba convincing?

 

Oo na, sinave ko na dahil ang ganda ganda niya lang.

 

5 hours ahead ang New Zealand sa Philippines and hindi naman ganun kalaki kaya nakakapag-usap pa rin kami madalas.

 

Puro siya kwento sa mga kaganapan nila.

 

Karina seeks the thrill in everything kahit na duwag na duwag siya and I enjoy listening to her kwentos.

 

Close rin naman pala siya sa parents niya, I was worried for a second dahil baka hindi pala sila close kaya laging wala dyan sa bahay nila.

 

Baka busy lang talaga masyado.

 

But I still haven’t seen her Ate.

 

Nasaan ba yung Ate niya? Mukhang wala naman kasi siya sa Philippines and never naman nilinaw ni Karina kung nasaan ba yung Ate niya.

 

Nakapagtataka lang kasi na laging MIA ang Ate niya sa lahat ng ganap ng family nila.

 

Anyways, bakit ko rin ba iniisip pa yun?

 

 

“Bunso, bat ka nakabusangot diyan?” tanong ni Kuya sakin

 

“What’s wrong, Minjeong? May iba ka bang gusto kainin?”

 

 

Andito kasi kaming pamilya sa sala, busy sa kanya kanyang gadgets namin.

 

Kakatapos lang namin kumain at naghihintay nalang mag alas dose.

 

Inaantok na nga ako.

 

Right, today’s December 31, the last day of the year and in a few minutes, birthday ko na.

 

Si Ningning kanina pa ko binabati nung umaga kasi baka daw makatulog siya mamayang alas dose at hindi niya na ‘ko masamahan sumalubong.

 

As expected sa bestfriend kong antukin.

 

 

“Ah, alam ko na bakit ganyan si Mj.” Sa tono pa lang ng boses ni kuya parang wala nang magandang sasabihin

 

“Bakit?” Si Daddy patola

 

“Syempre, wala yung girlfriend niya.”

 

“Hindi ko nga girlfriend si Karina!” Irita kong tanggi

 

“Anak, hindi niya naman sinabing si Karina.” Si Mommy nakiki-asar pa!

 

“Sino pa ba yung lagi niyong inaasar sakin, edi siya?”

 

“Sus, ang sabihin mo nalulungkot ka lang dahil wala si Karina sa birthday mo.” Pamimilit pa ni Kuya

 

Binato ko si Kuya ng unan sa mukha niya, “What if manahimik ka nalang kuya? Tsaka, ano siya gold? Bakit ako malulungkot kapag wala siya?”

 

“Sus, hindi ka marunong magsinungaling!”

 

 

Hindi ko nalang siya pinansin dahil alam kong lalo lang siyang manyayamot if pinatulan ko pa.

 

Hindi kasi aabot si Karina sa birthday ko.

 

Sa 3 pa sila uuwi with her family pero hindi naman ako nalulungkot.

 

Okay sige, nalulungkot talaga ako kasi nasanay nga ako na lagi siyang andyan physically sa tabi ko.

 

Medyo nakakangulila lang na virtually nalang kami nagkikita at nag-uusap.

 

Medyo dagdag lungkot pa yung sa part na hindi siya aabot sa birthday ko.

 

But I know my place naman.

 

I don’t have the right to demand kasi she’s spending her time kasama ang family niya which is minsan niya lang makasama.

 

Sino lang ba ako diba?

 

Oo gusto niya ‘ko pero it’s not like I’m her girlfriend or anything para uwian nalang bigla dahil lang sa birthday ko.

 

 

“My, wala ba tayo pa fireworks ngayon? Bakit wala tayo sa labas?” Taka kong tanong. Ilang minutes nalang kaya new year na

 

“Ah eh..” Nakita ko ang pagsiko ni Mama kay Kuya

 

“Ah kasi may inaayos pa si Kuya Isra, mamaya nalang tayo lumabas siguro. Kadalasan naman 30 minutes itinatagal ng putukan hehe.”

 

 

I looked at them suspiciously.

 

Parang kanina pa nagse-set up si Kuya Isra sa labas ah?

 

Anyways, wala naman silang mapapala sa pagsisinungaling sakin.

 

Hayaan ko na.

 

Binaling ko nalang yung atensyon ko sa phone ko.

 

I’m talking to Karina right now.

 

 

Ilang minutes nalang birthday mo na

 

I know right, another year older

 

Magkasing-tanda na tayo

 

Shut up. Gurang ka pa rin sa paningin ko

 

Edi gurang ka na rin kasi nga magkasing-edad na tayo?

 

Ewan ko sayo

Why are you still awake? Madaling araw na dyan sa inyo

 

Gusto ko salubungin yung birthday mo eh

 

You don’t have to naman.

Baka may puntahan pa kayo bukas, get some sleep

 

Wala naman, baka mag pahinga nalang kami kasi napagod kami today

 

Saan nga pala ulit kayo pumunta kanina?

 

Oh, nag ski resort kami.

Send ako ng pic, sandali.

 

 

Nag-send ng picture si Karina sakin at may hawak pa syang snowboard.

 

My god, sobrang ganda niya naman??

 

May ibang hangin ata dun sa New Zealand and it made Karina look 10x prettier? If that’s even possible. Parang walang limit kasi ang ganda ni Karina, I’m not even exaggerating.

 

Ang pula pula ng cheeks niya because sobrang lamig dun tapos ang fluffy niya tignan kasi balot na balot. Aww.

 

Ayoko mang aminin but I do miss her presence.

 

Sanayin ba naman akong araw-araw na kulitin eh.

 

I wish you were here.

 

Halos mapatalon naman ako nung biglang nagpaputok si Kuya ng confetti.

 

 

“Nakakagulat naman!”

 

 

12am na pala at maririnig na rin ang sunod sunod na ingay sa labas.

 

Bago pa ‘ko maka-react, sinuotan niya na ako ng party hat.

 

 

“Ano ba naman ‘to, kuya? Hindi naman na ako bata.”

 

Kuya Eunwoo pinched my cheeks, “Baby ka pa rin namin forever kahit na mag trenta ka. Wag ka nang umarte.”

 

“Kainis ‘to.”

 

“Oh dali na. Kanta na tayo.” Panimula ni Mommy

 

“Happy birthday to you..”

 

 

Napatakip nalang ako ng mukha kasi nakakahiya lang??

 

Hindi ko alam gagawin ko habang kinakantahan nila ako.

 

Don’t get me worng ha, masaya ako.

 

Sadyang nakakahiya lang.

 

Naglakas loob na kong tignan sila at napangiti nalang ako.

 

I’m so lucky to be part of this family kahit na madalas nila akong inaasar.

 

Nakisabay nalang ako sa kanta habang hinahanap ng mata ko kung nasaan yung cake.

 

Wala kasi silang bitbit.

 

 

“Happy Birthday to you..”

 

 

May narinig akong pamilyar na boses mula sa likuran ko.

 

Kilalang-kilala ko ang boses na yan.

 

Karina?

 

Nakita ko ang mga mapang-asar na ngiti nila Mommy and that is enough para mapatunayang andito nga si Karina.

 

Seryoso ba?! Akala ko nasa New Zealand sya?!

 

My body reacted on its own and faced her.

 

She’s holding a cake and wearing a party hat, katulad nung amin.

 

Hindi talaga ako makapaniwala, pano siya napunta dito?! Kausap ko lang siya kanina ah?

 

 

“Happy Birthday, Winter…” Pagtapos niya sa kanta

 

 

Andito na si Karina sa harapan ko pero hindi pa rin ata ako nagfufunction.

 

Sandali lang ha, sobrang nakakabigla naman kasi?!

 

Expected ko na wala na siya eh and never naman ako umasa kaya seeing her in front of me like this makes me feel like I’m dreaming lang.

 

Parang kausap ko lang siya kanina ah!

 

 

“Huy, blow your candles na and make a wish. Nakakangawit na oh.”

 

 

To hell with that.

 

Natupad na yung gusto kong hilingin.

 

Andito ka na.

 

Hindi ko pinansin yung cake at niyakap nalang siya.

 

Mabuti nga at naigilid niya at sinalo ni Kuya nung muntikan pang malaglag.

 

I don’t care anymore.

 

I’m just happy na andito si Karina.

 

Tama na.

 

Wag na tayo magpanggap, Kim Minjeong.

 

Hindi mo na maitatanggi pa yung tunay mong nararamdaman.

 

 

“Happy Birthday, Minjeong.”

 

“Thank you.” I’ve missed you..

 

---

 

After ng photo op at ng fireworks display namin, binigyan na kami nila Mommy ng privacy.

 

Dun kami tumambay sa may rooftop, sipping on our ice cold beer.

 

Gago si Kuya eh, bigla nalang kaming inabutan ng Heineken.

 

 

“Hindi pa rin ako makapaniwala na andito ka sa tabi ko.”

 

Karina smiled, “Hindi pwedeng hindi ko i-celebrate ang birthday mo.”

 

“But this is too much.. Akala ko ba you’re spending time with your family?”

 

“Ayaw mo ba ‘ko dito?”

 

Tinulak ko siya nang mahina, “Don’t be stupid, Karina. Kung ayaw ko edi kanina pa kita pinalayas.”

 

“Good point.” She took a sip sa bottle, “Besides, alam naman na nila Mom na uuwi ako ng 31 para nga i-celebrate yung birthday mo. Pumayag naman sila.”

 

“So kakarating mo lang? Okay ka lang ba? Gusto mo ba umuwi ka na and magpahinga?” I asked worriedly

 

“It’s okay, nung 3 pa ko dumating dito and I was asleep the whole time dun sa guest room niyo. Nabawi ko na yung tulog.”

 

“What? At hindi ko lang man napansin? Wait, you told me na may pupuntahan. Turns out nandito ka na at tulog pa.. liar.”

 

 

Hindi ko alam kung paano nila napuslit si Karina sa loob ng bahay nang hindi ko napapansin!

 

Sinalisihan siguro nila ako nung tumutulong ako sa paggawa ng graham cake sa kusina.

 

 

“And they didn’t bother telling me. Grabe.”

 

“Kung sinabi nila sayo edi hindi na surprise.”

 

 

Hmp, may point nga naman.

 

 

“Here’s my gift nga pala.”

 

 

May inabot siya saking maliit na paper bag pero hindi ko tinanggap.

 

 

“You don’t have to. Pumunta ka na nga dito para sakin eh.” Hindi lang naman basta barya ang plane tickets

 

“Iba naman yun sa gift ko.”

 

“No, that’s enough for me.”

 

 

Natatakot ako kasi baka anong mamahaling bagay pa ang binili sakin ni Karina.

 

Nung Christmas hindi gaanong expensive pero kasi baka pag birthday iba, since it’s my special day nga naman.

 

Remember, binilhan niya lang naman si Ningning ng mamahaling colored pencils?

 

Gumastos na siya ng plane tickets so I don’t think kaya ko pa makatanggap ng something more expensive than that.

 

Tsaka, Karina being here with me tonight is more than enough already.

 

 I couldn’t ask for more.

 

 

“Are you sure? Pinaghirapan ko pa naman ‘to.”

 

Napataas ako ng kilay, “What do you mean?”

 

“Open it.”

 

 

Wala na akong choice kundi buksan kasi hindi kakayanin ng curiosity ko yan, and she knows it so well.

 

Maingat kong binuksan yung paper bag at merong black na box sa loob.

 

My God, what if relo to like Rolex or necklace from cartier?!

 

What does she mean by pinaghirapan ba?

 

Binuksan ko na yung box at bumungad sakin ay bracelet?

 

Hindi ko maiwasang matawa.

 

 

“Why are you laughing? Hindi mo ba nagustuhan? Panget no? Sabi na nga ba dapat hindi ko na ‘to ginawa eh.”

 

 

Balak niya pa sana bawiin pero agad kong tinago sa likuran ko.

 

 

“I like it so much, thank you.”

 

Bumusangot siya, “Hindi ako convinced. Tumawa ka na eh. Ang corny siguro masyado.”

 

“Of course not!”

 

 

It’s nowhere near corny.

 

It actually made my heart flutter knowing na siya mismo ang gumawa nun para sakin, kahit na mukhang tanga.

 

It’s the thought that counts.

 

Kung galing to sa kung sino lang, itatapon ko lang talaga.

 

But since it’s from Karina, kaya kong tanggapin kahit na ano pa yan.

 

 

“I like it sobra.”

 

Karina still looks worried, “Are you sure? Sabi ni Gigi ang panget daw.”

 

 

Walang filter talaga yung bestfriend niya.

 

 

“Sakin mo naman ibibigay eh and I like it. Yun naman yung importante diba?”

 

Karian looked at me suspiciously, “Sure ka bang hindi mo lang yan sinasabi para hindi masaktan feelings ko?”

 

“Syempre hindi.”

 

 

Kahit na mukhang ewan pa ‘tong breacelet na ginawa niya sakin, wala akong pake.

 

Sa kanya galing ‘to at pinaghirapan niya to gawin para sakin.

 

If you’re curious nga pala, beaded bracelet yung ginawa ni Karina.

 

May name ko pa dun sa bandang gitna.

 

Masasabi mong hindi talaga siya marunong sa pag design design dahil tila nilagay niya lang lahat ng makita niyang maganda na beads kasi hindi lang man inorganize. Iba iba yung kulay!

 

Medyo ang sakit sa mata but it’s okay, ang cute pa rin.

 

Sinuot ko ‘to at sakto lang naman sakin.

 

Bagay siya with my rosary ring.

 

 

“Minjeong, parang ang pangit talaga.” Balak niya na namang kuhanin sa kamay ko pero nilayo ko agad

 

“Maganda nga! Paladesisyon ka.”

 

“Dapat pala binili ko na yung nakita kong necklace..” 

 

“Shh, I like it nga.”

 

“Pero kasi—“

 

 

Hindi ko na siya pinatapos magsalita at niyakap.

 

Ahh, I miss this so much.

 

 

“Thank you, Karina.” For being here

 

Niyakap niya ako pabalik “You’re welcome and happy birthday.”

 

“Thank you ulit.”

 

“Happy new year pala, nakalimutan ko na kasi akala ko birthday mo lang.”

 

i chuckled, “I almost forgot about that din. Happy new year, Karina.”

 

“Welcome pa rin ba ako sa 2021 mo?”

 

“Kahit naman hindi ka welcome, pipilitin mo pa rin.”

 

 

Like how you managed to break down my walls by force and without warning at that.

 

Hindi ka lang welcome sa 2021, sa years to follow na rin.

 

----

 

It’s that time of the year na naman, yung laging hinihintay ng mga graduating students.

 

Ang retreat.

 

This year, yung retreat nila is sa Tagaytay lang.

 

Dati daw lagi namang baguio but may biglaang pa-change of plans kaya ang daming nainis. Dagdag mo pa na yung dating 5 days, naging parang overnight nalang.

 

Mainis man sila, wala naman silang choice kundi sumama.

 

Sino ba naman ang aayaw sa overnight with only your classmates?

 

Though para sa spiritual kineme ‘to, most of us see this as a vacation.

 

Nag grocery na kami ni Karina kahapon at ang dami pa naming nakasabay na halatang last minute grocery shopping din ang ganap.

 

Bumili lang ako ng konting snacks tapos chocolates pero si Karina, akala mo ilo-lock down siya ng isang buwan dun!

 

Free naman yung breakfast, lunch, dinner at pati snacks! Pero bakit napakadami ng binili?

 

Kaya tignan mo ngayon, may dalawa siyang bag na malalaki. Yung isa, puno ng pagkain tapos yung isa puno ng damit.

 

Na-stress ako kasi nagdala pa siya ng ibang sapatos.

 

Ginawa niya talagang outing ang retreat namin.

 

Tanggap ko pa kung matagal kami dun but overnight lang tapos kung makadala siya ng gamit kala mo 1 buwan kami.

 

 

“First time mo lang ba pupunta sa tagaytay?”

 

Umiling siya, “Syempre hindi. May rest house kami dun eh.”

 

“Oh edi bakit kung makadala ka ng gamit akala mo naman first time mo makaapak sa tagaytay?”

 

“Maganda yung venue this year, trip ko mag picture dun para pang ig.”

 

“My God.” Para akong hihimatayin sa taong ‘to bakit napakadaming alam

 

“Girls, pasok na kayo sa bus.”

 

 

Finally! Init na init na ako dito sa court.

 

Kanina pa kaming 5 pinapunta tapos 7 kami aalis. Napakagaling naman talaga.

 

Matutulog ako sa buong biyahe papunta dun.

 

Pumasok na kami sa bus and dun kami sa bandang gitna para hindi matagtag.

 

As usual, magkatabi kami ni Karina.

 

Siya yung pinapuwesto ko dun sa gilid kasi nahihilo ako pag dun ako sa may bintana nakaupo.

 

Wala naman daw kaso sa kanya.

 

As if naman bibigyan ko rin siya ng choice.

 

 

“Ma’am pwede ba kami cumonnect sa speaker? Magpapatugtog lang po kami.” Si Heejin ang nagpaalam

 

“Tatanunging ko kay Kuya pero dapat yung tugtog niyo something appropriate naman.”

 

“Okay po, ma’am. Meron po akong pang-simbahan na music po.” Base pa lang sa tawa ni Heejin parang may gagawin na siyang hindi maganda.

 

“Minjeong, may gusto ka ba kainin? Inumin? Want to play games with me? Gusto mo kinig tayo sa music? Or—“

 

“Ang gusto ko ay matulog.”

 

“Oh okay. Wait lang.”

 

 

Pinatabi niya ako saglit dahil may kukunin daw siya sa bag nyang nakatabi na dun sa compartment.

 

Ano na naman ba ang pakulo niya?

 

Inabot niya sakin yung yellow chick blanket at isang cute dragon neck pillow. Merch pa ata to mula sa spirited away.

 

 

“Oh, para komportable ka mag-sleep.”

 

 

Bakit may neck pillow? Ayaw mo bang sumandal ako sayo?

 

Tsk, kulang sa damoves si Karina.

 

 

“Bakit may dala ka nito? Kala mo naman ang layo ng pupuntahan natin.”

 

“Para sayo yan. Alam kong mahilig ka mag-sleep and hindi comfy sa bus kaya dinalhan kita.”

 

“S-Sus.”

 

 

Okay, kinilig ako pero hindi niya kailangan malaman yun.

 

Hinagis ko na papunta sa kanya yung neck pillow para maalis yung atensyon niya sa mukha ko.

 

Parang baby na baby ako lagi kapag kay Karina.

 

Hindi ko naman ‘to naranasan kay Doyeon kasi ako yung madalas mag-spoil sa kanya.

 

So this is how it feels pala.

 

It's not bad. 

 

 

“Sayo nalang yan, antukin ka rin. Sasandal nalang ako sayo.”

 

“Oki po.”

 

 

Sinuot niya yung neck pillow at pagkatapos nun ay sumandal na ako.

 

That’s better. Parang may unan ako.

 

 

“Ama namin sumasalangit ka—“

 

“Gago talaga si Heejin.” Natatawang kumento ni Karina

 

 

Pano ba naman kasi, Ama namin remix yung pinatugtog niya kaya nagtawanan kaming lahat dito sa bus.

 

Syempre pinagalitan si Heejin na mas ikinatuwa naming lahat.

 

Ang aliw talaga ng section na to at naging masaya ako dito kahit na I’ve been here for less than a year palang.

 

 

“Wait, diba nag retreat ka na rin last year?”

 

Naramdaman kong umiling siya, “Hindi na ‘ko umabot gagi.”

 

“Ay oo nga pala. Edi nung grade 10? Sinong ka-room mo? Si Gigi?”

 

“Hindi ah. Ibang section kasi yun si Gigi kaya iba rin ka roommate niya. Si Yeji ka-roommate ko nun.”

 

 

Napabangon ako because of that.

 

 

“Yeji? Who’s that?”

 

“Ah, courtside reporter na yun ng UST ngayon. Grabe, lodi!!” Pinaningkitan ko siya ng mata kasi bakit parang tuwang-tuwa siya dyan?

 

“Patingin nga ng pic.”

 

 

I know 2 years ago na yun pero curious pa rin ako.

 

Hindi ko nagustuhan yung fact na may iba siyang ka roommate noon at hindi ko pa kilala.

 

Who knows what they did kahit Grade 10 palang sila.

 

Binigay sakin ni Karina yung phone niya at bumungad sakin yung account na isang magandang babae.

 

Hwang Yeji

 

Physical Therapy student din siya?

 

Edi okay!

 

She’s pretty nga. Look at those attractive monolid eyes and her tall frame.

 

Her smile’s blinding my eyes and hindi ko maiwasang ma-insecure.

 

Karina has people like this around her so hindi malabong one day, magsawa siya sakin lalo na kapag nakahanap siya ng mas pretty at mas madaling mahalin.

 

That thought scared me a lot.

 

Binalik ko nalang yung phone kay Karina at napabuntong hininga.

 

Now that I think of it, wala akong alam halos kay Karina.

 

Like kung sino ba yung mga naging jowa niya before and all.

 

sleep.

 

Let’s talk about it right now.

 

 

“I’m curious, may naging ka relationship ka na ba before?”

 

“Oo naman.” Expected na but why do I still feel hurt? Hurt over something that’s already done. How pathetic.

 

“Really? Ilan?”

 

“Hmm..” She’s mumbling something na hindi ko maintindihan and her next words surprised me, “5.”

 

“Ang dami naman!” Talagang nawala ang antok ko dun!

 

“Maiikli lang naman yun kasi and nagkakasawaan agad. Isa lang ata sineryoso ko dun.”

 

“Magkwento ka na ngayon pa lang.” i demanded

 

“Opo, ito na.”

 

 

Una niyang binaggit si Taeyong, yun daw yung first boyfriend niya and ang pinakatumagal. Grade 8 niya naging jowa yun and surprisingly, 3 months lang ang itinagal. Matagal na yun?!

 

Pangalawa nyang binanggit si Felix na one week lang daw niya ata jinowa kasi ang hilig makipag-away noon kay Taeyong eh matagal na nga silang tapos. Na-turn off daw si Karina dun kaya hiniwalayan niya agad. Yun daw ang pinakanagpasakit ng ulo ni Karina kasi ayaw siyang tantanan.

 

Next is si Soobin. Sa lahat daw ng nanligaw sa kanya, si Soobin yung pinaka-ideal, siya yung tumrato sa kanya ng tama and did things that a girl could only dream of. Sadyang si Karina na yung may mali dun. Nagkagusto kasi siya sa Ate ni Soobin, which is yung 4th jowa niya.

 

Her 4th jowa is Yewon or mas kilala bilang Arin. To my surprise, galing pala siya sa school namin but ahead lang ng dalawang taon kaya hindi ko naririnig. Arin is really pretty daw kasi and super caring towards her. Hindi niya naman daw sinasadyang saktan si Soobin ng ganun but it kind of happened. Nirespeto naman daw ni Soobin yun but si Arin kasi, kahit gusto niya rin daw si Karina, hindi niya lang kaya makipagrelasyon sa ex ng kapatid niya. 3 weeks lang ang tinagal nila.

 

And here comes the 5th jowa na nakapag-trigger sakin nang nalala. It’s none other than Hwang Yeji! Yung pinakita niya sakin na picture kanina. Yun daw yung pinakasineryoso niya sa lahat because parang ang perfect lang nila sa isa’t isa. Lahat ng bagay nagkakasundo sila and halos hindi sila nag-aaway but again, base nga sa columb’s law, like charges repel. Hindi sila magkakatagpo.

 

Parang ganun din daw yung nangyari sa kanila pero maayos naman yung break up na nangyari at walang iniwan na kahit na anong misunderstanding.

 

Ngayon tuloy napapaisip ako kung anong kababalghan kaya ang ginawa nila noon sa kwarto!

 

 

“Quota ka na sakin ha. Talagang detailed pa gusto mo, ni hindi ko na nga maalala yung iba dun.” reklamo niya

 

“For someone claiming na hindi maalala, you did well.” I replied sarcastically

 

“Syempre, gusto mo eh. Pag gusto mo, ibibigay ko.”

 

 

See? Spoiled na spoiled ako.

 

Feeling ko ang chix ko masyado.

 

 

“How about you? Wala ka bang tanong sakin?” I know how to play fair naman

 

“Hmm, mas gusto kong ikaw yung magkukusa. Baka mamaya may matanong akog hindi dapat.”

 

I sighed, “Ito yung pangit sayo Karina eh, masyado kang maingat sakin. Hindi naman masamang diretsuhin mo ko, right?”

 

“I’m just thinking about your feelings…”

 

“Pano naman ikaw? Hindi pwedeng puro ako lang dito, Karina.” Ayokong parang one sided lang. I’ve been there.

 

 

Hindi na siya sumagot at tumango nalang.

 

Jusko, bakit mukhang aping-api naman sya dito?

 

I honestly don’t mind kung tatanunging niya ako about personal stuffs kasi hindi naman na kami others.

 

 

“Then, gusto ko malaman yung sa inyo ni Doyeon but in your perspective.”

 

 

I kinda expected na ito rin naman yung itatanong niya sakin.

 

Napapagod na agad ako iniisip pa lang.

 

But if that’s what she wants, I’ll give it to her.

 

Ayoko naman ng puro receive lang.

 

I laid my head back comfortably sa shoulders niya at nagsimulang balikan yung amin.

 

Kami ni Doyeon, we’re originally friends.

 

Grade 10 lumipat siya samin and being the pretty girl that she is, nakuha niya agad yung atensyon ng lahat, including me.

 

Sorry, bading lang.

 

Si Ningning kasi sobrang friendly nun kaya isa rin siya sa mga umapproach kay Doyeon and asked her to be friends.

 

Naturally, sinama ako ni Ningning dun.

 

Nung nakita ko siya nang malapitan parang nakalimutan ko huminga for a second kasi she’s prettier upclose at ang bango bango niya pa.

 

That’s a major turn on, bading ka man o hindi.

 

Tapos yung smile niya pa, talagang wala kang choice but to be attracted sa kanya.

 

And dun nagsimula, naging crush ko si Doyeon.

 

Si Doyeon din parang nagustuhan niya yung company namin nila Ningning compared sa ibang nagyayaya sa kanya kaya naman samin siya lagi sumasabay kumain.

 

To make her more perfect, she’s a volleyball player pala and La Salle’s already scouting her. Like grabe, nag-iba tingin ko sa kanya. Next level na!

 

I’m attracted sa mga taong talented lalo na kapag sa mga bagay na hindi ako magaling.

 

Kaya naman yung dating simple crush ko sa kanya evolved into something deeper.

 

To make this long story short, we got closer as a group and she took an interest in me.

 

Kahit na hindi naman ako palasalita, madalas niya pa rin akong kinakausap. Tinatanong niya ako anong gusto ko and all.

 

Minsan din umaakbay siya sakin o kaya kapag magkatabi kami sa classroom, she’ll cuddle next to me na parang pusa and ako naman, bading lang, hindi ko maiwasang mahulog nang mahulog.

 

May mga times din na niyayaya niya ako umalis ng kaming dalawa lang at syemrpe anong iisipin ko dun?!

 

Buti nga si Ningning hindi matampuhin na tao eh. Yayain man sya o hindi, okay lang.

 

Kaya ayun, we got closer and closer and closer.

 

Napapadalas na yung alis naming ng kaming dalawa lang, she’s starting to open up to me, magkausap kami madalas sa phone and everything.

 

Mga ilang buwan din kaming ganun hanggang sa umamin na siyang gusto niya daw ako. Ang tagal ko daw kasi makaramdam kaya kahit ayaw niya mag first move, wala na siyang choice dahil aabutin daw kami ng ilang taon bago ako kumilos.

 

Ako naman I felt overwhelmed nung malaman yun kasi hello?? Kim Doyeon? She’s literlly the girl who managed to capture everyone’s heart first day of classes pa lang.

 

Akala ko nga binibiro niya lang din ako but when leaned in to take my first kiss, dun ko lang na process na gusto niya nga talaga ako.

 

I was the happiest woman ever.

 

Ako yung nanligaw sa kanya.

 

Turn ko naman na ipakita sa kanya kung gaano ko siya kagusto.

 

So yun, I just continued to shower her with love and affection kaya 3 months lang ay sinagot niya na ‘ko.

 

I don’t know what happened nga eh.

 

I don’t know what went wrong

 

I don’t know why she changed all of a sudden.

 

One day, naging sobrang demanding niya na lang. Like gusto niya ng ganito ganyan, eh hindi ko naman magagawa yun lahat.

 

Pag hindi ko nagawa, mag-aaway kami.

 

Naging possessive rin siya, to the point na ayaw niya minsan na nalalapit ako kay Ningning. Bestfriend ko kaya yun! Andyan na si Ningning bago pa siya.

 

Syempre akong tanga, sinunod ko pa rin yung girlfriend ko.

 

Nasasakal na rin ako sa relationship namin kasi lahat pinapakialaman niya.

 

Before hindi naman issue samin yung personal accounts ng isa’t isa, but bigla niyang hiningi sakin yung account ko. Lahat ng social media account.

 

Beh pati garena kinuha!

 

Tapos pinag-uunfriend niya yung mga iba kong friends dun na sa tingin niya ay ‘threat’ daw sa relationship namin.

 

Hinayaan ko, mahal ko eh.

 

Basta gusto niya, sige.

 

Dumating din kami sa point na pati pananamit ko pinakilalaman niya, even my hair.

 

I don’t like keeping my hair long kasi naaabala ako and naiirita, but she refused to let me cut it.

 

Ayaw niya rin nagsusuot ako ng certain clothes like plaid polos and hoodies because mukha daw akong lalaki. Pinalitan niya kaya yung buong closet ko!! 

 

Again, hinayaan ko kasi mahal ko at ayoko siyang awayin.

 

But one day, I guess I was at my limit na.

 

It happened nung grade 11, days before summer vacation.

 

Nakipag-meet up siya sa future teammates niya sa La Salle and sinama niya ko.

 

Ayaw ko sana since hindi ko naman sila kilala but she insisted.

 

Ilang days na rin kaming hindi nagkikita nun kaya pinagbigyan ko na.

 

Gosh, kung alam niyo lang na sobrang intimidated ako dun.

 

Most of them are college students na kaya and nakikita ko sa TV!

 

Nasaktan talaga ako nung pinakilala niya ko hindi bilang girlfriend pero bilang kaibigan lang.

 

Kinakahiya niya ba ako?

 

Idagdag mo pa na sa harap ko pa sila naglalandian ng teammates niya.

 

Alam niyo yung pabirong landian ganun pero kasi sakin, iba yung effect nun eh.

 

Why would you do that in front of your girlfriend?

 

Oo sige, pagbibigyan na kita na hindi mo ko pinakilala as girlfriend mo kasi baka may reason ka pero yung lalandi ka sa harap ko mismo, putangina iba na yun. Wala nang ibang explanation yun.

 

Binabastos mo na ‘ko harap-harapan.

 

That time, I left talaga.

 

Sabi ko mag-ccr lang ako pero that was the last time na nakita ko si Doyeon.

 

I texted her saying na gusto ko na makipag-break sa kanya tapos I blocked all of her social media accounts, pati na rin yung number niya. To be safe, nagpalit pa ako ng number para hindi niya ‘ko ma-reach.

 

During that time, dun palang ako sinampal ng katotohanan.

 

Hindi na siya yung Doyeon na minahal ko.

 

Na-realize ko lahat ng panggagago niya at wala akong nagawa kundi umiyak nalnag.

 

Ang tagal kong nagtiis sa isang relationship na sobrang toxic pala.

 

Na-realize kong hindi ko pala deserve yun.

 

I should’ve known better, I deserved better.

 

Sila Mommy nag-alala sakin sobra pero hindi ko sila kinakausap, hindi ko sinasabi yung totoong nangyari sakin.

 

Nagkulong lang ako sa kwarto hanggang sa maging okay ako.

 

Hanggang sa mailabas ko lahat ng luha ko at wala nang matira.

 

It took me months hanggang sa ma-feel ko na kaya ko na ulit magsimula.

 

Kaya ko na ulit magsimula ng panibagong buhay pero hindi nawala yung takot ko.

 

Ayoko na ulit mag open up sa kahit na sino kasi baka ganun na naman ang mangyari.

 

Smooth sa simula akala ko okay na ko pero may mga pagkakataon na naaalala ko lahat lalo na kapag natri-trigger yung memories ko dun.

 

Naging trauma ko na yun and ang trauma response ko ay itulak palayo ang mga nagtatangkang lumapit.

 

I swore to myself na I’ll never let myself go through that kind of pain again.

 

I won’t let anybody disturb my peace.

 

Sadyang may isang babae lang talaga na hindi marunong makinig dito.

 

 

“Yun lang naman lahat.”

 

“Thanks for telling me,” Magaan niyang sabi sakin habang pinupunasan ang mga luha ko. Ni hindi ko lang man naramdaman na umiiyak na ako “You’ve been strong and I’m proud of you for not giving up.”

 

“Thank you, Karina.” She hummed in reply at ihiniga ang ulo ko sa balikat niya

 

“Now sleep. Feeling ko napagod ka.”

 

I chuckled, “That’s right, I’ll take a nap muna.”

 

“Okay.”

 

 

I wrapped the blanket around us at hinawakan ang kamay ni Karina.

 

Holding her hand comforts me and gives me some sort of security.

 

---

 

Kakatapos lang ng mga activities. Lagi namang boring sa unang araw ng retreat, may mga pa-talk lang and such, muntikan na nga ako makatulog pero lagi akong ginigising ni Karina.

 

5 na kami natapos dun at bumalik na muna kami sa kwarto para maligo.

 

I’m blow drying my hair na habang hinihintay si Karina. Ang tagal niya maligo!

 

In a few minutes tatawagin na nila kami para kumain ng dinner.

 

In fairness ha, ang sarap ng food nila at akala mo hindi nauubos kasi sunod sunod lang yung labas.

 

Para nga rin may something dun sa pagkain kasi kahit na hindi ako malakas kumain, napaparami ako.

 

Probably because yung mga kasama ko ang sisiba kumain.

 

May kanya-kanyang table kasi yun, 5 per table at sakto samin nila Yujin kaya kami yung magkakasama sa isang table.

 

Ang papayat nila pero grabe kung kumain, isama mo pa si Karina.

 

Is that the reason why they are so damn tall?

 

The food’s good tapos yung mga kasama mo pa hingi nang hingi ng extra rice kaya naman pati ikaw madadamay.

 

Nakadalawang rice ako kaninang lunch kasi sobrang sarap lang nung sinigang.

 

I wonder what’s today’s dinner.

 

*may kumatok

 

Napatingin ako sa orasan and maaga pa naman.

 

Ang aga naman ata magtawag?

 

Tumayo ako para buksan yung pintuan at bago pa ‘ko maka-react, nagsipasukan sila bigla.

 

Sila Minju, Wonyoung and Yujin pala.

 

 

“Si Ate Karina nasaan?” Tanong ni Minju na ngayon ay nakaupo na sa kama ko na akala mo sa kanya

 

“Naliligo pa.”

 

“Ate Karina, bilisan mo dyan.” Sabi pa ni Yujin habang kinakalabog yung pintuan ng cr

 

“Si Yujin ba yun?! Sandali lang patapos na ‘ko.” Narinig naming sigaw ni Karina mula sa loob

 

“Sorry sa biglaang pagsugod namin, yung dalawa kasi nagpumilit na magsabay-sabay daw tayo papunta dun.”

 

 

Gusto kong maiyak, si Wonyoung nalang ata ang may manners sa kanila.

 

Yung dalawa masyadong feel at home eh akala mo hindi kwarto ng may kwarto.

 

Don’t get me wrong ha, I like their presence kasi we naturally got close sa paglipas ng panahon dahil kapag may groupworks, kami-kami nalang din ang magkakasama.

 

Sumasakit nga lang yung ulo ko kapag nagsasama yung kakulitan nilang tatlo.

 

Oo tatlo lang, kami ni Wonyoung pinapanood lang sila.

 

Nonetheless, it’s fun to be with them.

 

Nasanay nalang din ako.

 

Tignan mo nalang ‘ang eksena na ‘to.

 

Si Karina na kakalabas lang bigla ba namang sinakal si Yujin gamit yung towel niyang basang basa lang naman.

 

Si Minju ang dakilang gatungera tapos si Yujin ayon nagmamakaawa nalang kasi nababasa na yung gray niyang t-shirt.

 

 

“Gago ka ha, balak mo pa ‘ko gulatin. Pano pag nagulat ako tapos nadulas at nabagok?”

 

“Kaya nga, ikaw talaga Yujin!” Etong si Minju kakampi lagi ni Karina  para yamutin si Yujin

 

“OA ka, Ate Karina! Tanggalin mo na kasi yung towel nababasa ako.”

 

“Sabihin mo muna please.”

 

“Please, Ate Karina.” Etong si Yujin alam niya naman na wala siyang laban kay Karina pero lagi pa ring ginagago. Stress.

 

“Hindi, may kasunod pa dapat.”

 

“Opo, bibilhan po kita ng paborito mong empanada dun sa labas ng school for one week.” Oh diba, na-reverse card pa sayo?

 

Dun niya palang pinakawalan ang kawawang Yujin, “Very good. Tara, punta na tayo sa kainan.”

 

 

Sugo ng demonyo talaga ‘tong si Karina, sure na ‘ko.

 

 

---

 

 

Kakatapos lang ng last activity namin for tonight at feeling ko ang pula pula pa ein ng  mata dahil sa pag-iyak.

 

Alam niyo naman tuwing may retreat hindi mawawala yung biglaang pagpapaalala sayo ng proctor tungkol sa family at kung gaano ka dapat ka thankful sa kanila.

 

Minsan kahit wala ka namang pinagdadaanan talaga, madadala ka nalang because of the mood and sa mga tao sa paligid mo.

 

It didn’t help pa na sila Yujin ay sobra ang iyak.

 

Iba talaga yung effect kapag yung mga taong madalas nakangiti, biglang umiyak.

 

Feeling ko nga umiyak lang ako dahil nakita ko silang umiyak ni Minju eh.

 

Si Yujin ngayon nakasandal lang kay Karina at tahimik na nagmumuni-muni. Halatang na-drain siya sa kakaiyak kasi first time ko lang ata siyang nakitang ganito katahimik.

 

Si Minju rin kanina first time ko lang nakita umiyak at parang napagod tulad ni Yujin kasi nakahiga nalang siya sa lap ko at nakatingin lang sa iisang lugar.

 

Si Wonyoung and Karina ang hindi ko nakita umiyak kanina, they’re busy comforting others. Hindi ko alam kung paano nila nagagawa mag comfort nang hindi nadadala sa emosyon nung kino-comfort nila.

 

Is it because wala naman silang pagkukulang sa parents nila at sobrang babait nilang anak?

 

Whatever the reason, I admire their strong heart.

 

It’s good to know din na atleast meron kaming masasandalan at times like this. Ang hirap kaya mag-comfort tapos ikaw mismo hindi naman maayos!

 

I just hope na hindi sila nagpapanggap kanina na malakas sila just to comfort others.

 

Oh and if you’re wondering where we are, andito kami sa may garden, nagpapahangin lang.

 

Medyo madilim na kasi alas sais na kami natapos dun at dito kami dumiretso para kumuha ng signal.

 

Wala kasing signal sa loob kaya dito kami madalas tumambay tuwing matatapos yung mga activites or kapag magpapababa kami ng kinain.

 

Ang kaibahan lang, wala kaming hawak na phones today. Parang may kanya-kanya kaming iniisip.

 

 

“Guys, 10 years from now sa tingin niyo nasaan na kayo? Oo alam kong nasa earth pa rin pero what I mean is profession or something basta kung ano sa tingin niyo ginagawa niyo 10 years from now.” Tanong ni Yujin na ngayon ay nakaupo na nang maayos

 

“Wala naman kaming sinasabi!” Sabi naman ni Minju na natatawa pa sa pagiging defensive ni Yujin

 

“Okay na yung advance. Alam ko kung gaano ka kagago sumagot.”

 

“Basta 28 years old na ko nun. Yun lang naman.”

 

“Napakawalang kwento mo sumagot.” Nagsisimula na naman sila

 

“Mali ba ‘ko?”

 

“Hindi pero gusto kitang sapukin.”

 

“Gagalit agad.” Natatawang tugon ni Minju bago umupo nang maayos “Basta ako sana engineer na ako nun at hindi tila nag doktor sa haba ng itatagal ko sa school.”

 

“Kung hindi ka magseseryoso, aabutin ka talaga ng sampung taon sa engineering.” Pang-gatong ni Karina

 

“Ate Karina, bawiin mo yan please lang. Dilang demonyo ka eh!!”

 

“Hindi ba dilang anghel yun?” Takang tanong ni Wonyoung

 

“Hindi! Kasi demonyo si Ate Rina tapos yung mga nagkakatotoo lang sa sinasabi niya ay mga masasamang bagay.”

 

“Pinagsasabi mo na naman Minju, baka maniwala si Winter diyan. Walang lumalabas na masamang words sa bibig ko ha.” Inosenteng depensa ni Karina

 

“Wala ka namang dapat itago sakin kasi mas nakikita ko harap-harapan kung gaano kaitim ang budhi mo.” Pang-aasar ko

 

“Minjeong naman.” Pagmamaktol niya pero nginisian ko lang

 

“Ikaw Winter, hindi ka masyado palakwento at tahimik lang lagi. Sa tingin mo nasaan ka na 10 years from now?” Minju asked

 

“Oo nga! Chika naman diyan, Win!” Dagdag pa ni Yujin “Pero syempre, kung okay lang sayo.”

 

 

Look at them oh.

 

Parang dati sobrang intimidated nila sakin pero ngayon kaya na nila ako kausapin nang hindi na-iintimidate.

 

I don’t mind kasi it’s them naman, they’re good people and I don’t mind opening up to them kahit konti.

 

It’s not a bad feeling.

 

 

“Maybe I’m still in Med School nun.”

 

“Wow!! Med School! Same kayo ni Wonyo, trip niya rin mag med.” Sabi ni Yujin

 

“Really?” Nakangiting tanong ko kay Wonyoung, “Anong premed balak mo?”

 

“Hindi ako magme-med related course muna kasi gusto nila mommy na mag econ ako. Tuparin ko muna yun and tsaka na ko magme-med, pwede naman.”

 

“Sabagay, kahit na anong major naman ang natapos mo, pwede mo ituloy Med just like Law pero siyempre may advantage pag med related yung natapos mo.” Karina stated at kaming dalawa ni Wonyoung nodded in agreement

 

 

Si Daddy, doctor yun pero yung 4-year degree course na natapos niya ay journalism. Ang layo, diba?

 

Sabi kasi ni Daddy late niya na nahanap kung ano talaga ang gusto niya kaya naging ganun ang outcome.

 

Any majors, kahit na history, engineering, accounrancy or economics pa yan, pwede ka pa rin mag apply sa med school.

 

 

“Wow, alam na alam ni Ate Karina! Magmemed ka rin ba?” Tanong ni Yujin

 

 

Hindi ko maiwasang matawa dahil naalala ko yung sinabi niya sakin.

 

Gagawa ng shabu yang Ate Karina niyo..

 

 

Umiling si Karina, “Hindi ah, pero si Winter kasi magmemed kaya nag-research ako medyo para meron akong alam.”

 

 

Hindi ko sasabihing kinilig ako ha pero mukhang kinilig nga talaga ako.

 

Lately talaga kahit na anong gawin or sabihin ni Karina, no matter how small it is, nagli-leave talaga ng impact.

 

 

“Ikaw naman Ate Karina, sa tingin mo ano na ginagawa mo 10 years from now?”

 

“Hmm, baka maging housewife nalang ako ni Winter. Pagsisilbihan ko siya habang nag-aaral at nagtratrabago siya. Yes I do the cooking, yes I do the cleaning—aray ha!”

 

 

Kinurot ko siya sa tagiliran kasi puro kagaguhan na naman ang pinagsasabi ni Karina.

 

 

“Ate Karina, ni hindi ka nga gusto ni Winter tapos sa tingin mo magiging asawa ka niya? Ang aga mo naman managinip!” Pangungutya ni Yujin at agad naman siyang hineadlock ni Karina

 

“Ikaw Ahn Yujin, nakakrami ka na. Foul yun! Alam ko naman pero hindi mo kailangan ipagdiinan.”

 

Ang kawawang Yujin, walang magawa kundi tapikin nalang ang braso ni Karina “Opo, sabi ko nga. Bitaw na, Ate! Hindi na ko makahinga!”

 

“Dasurb.”

 

“Ate ang hilig mo manakal. May choking kink ka ba?”

 

 

Nanlaki ang mata naming sa sinabi ni Yujin.

 

Nauna siyang batukan ni Karina na ngayon ay nahihiya.

 

 

“Gago ka talaga. Akala ko matino ka nung una, bwisit na mukha yan mapanlinlang.”

 

“Same with you, Ate. Kala mo kung sinong pa-mysterious kapag tahimik pero kapag nagsalita naman puro kalokohan lang ata ang lumalabas.”

 

 

If only hindi ako pinepeste ni Karina, yun din ang maiisip ko.

 

Kapag tahimik kaya siya, akala mo kung sinong seryoso! Tapos she have this cold aura, probably because of her sharp features pero once na bumukas na ang bibig niya, masisira ang lahat ng yun.

 

 

“Tumigil na nga kayong dalawa, parang bawat minuto nagtatalo kayo sa kung ano anong bagay.” Saway ni Wonyoung

 

“Hindi talaga natin kaya mag-stick sa iisang topic lang.”

 

 

Totoo.

 

Unang topic yung kung ano sa tingin namin yung mangyayari in the future tapos nauwi sa pagtatalo nung dalawa.  

 

 

“Basta guys, hindi naman natin masasabi kung ano talaga ang mangyayari sa buhay natin. Malay niyo hindi lang ako maging housewife ni Winter pero—Aray! Sandali lang, patapusin mo kaya ako?”

 

“Hindi ka ba makapagsalita ng walang isinisingit na kahibangan?”

 

 

Ayokong ulit-ulitin niya yun kasi naiimagine ko na

 

….at natutuwa ako.

 

 

“Ito na nga. Kalma.”

 

“Inuuna pa kasi landi, ‘te.” Sabi pa ni Minju at tama naman siya

 

“Shut up. So I was saying, hindi naman natin masasabi yung mga mangyayari in the future. Malay natin si Wonyoung, biglang payagan kumuha ng med related course tapos si Minju biglang i-scout ng malalaking companies kasi ang ganda ng boses niya at hindi na siya mag engineer. Si Yujin, baka maging pulubi na nagtatambol sa jeep ganun—HAHAHAH sandali lang kasi!” Gustong gusto niya talagang inaasar si Yujin jusko

 

“Ate Karina naman eh!”

 

 

Nakakastress, hindi talaga marunong magseryoso.

 

Ang ganda ganda na kaya ng sinasabi niya!

 

 

“As I was saying, malay natin si Yujin biglang sa politics pumasok kasi may kwenta siya mag lead ng mga tao.” May leadership skills nga itong si Yujin, she can lead the people naturally at hindi nga malabo na mamngyari yung sinasabi ni Karina

 

“Si Winter, malay natin hindi rin maging doctor kasi hindi dapat siya nagtratrabaho. Minjeong, ako na magtratrabaho para satin ha? Ako na rin gagawa ng gawaing bahay tapos ikaw gawin mo lang lahat ng gusto mo, simutin mo lahat ng pera ko. Ang gagawin mo lang ay mag-relax at magpaganda—“ Hindi ko na hinayaang matapos ang pinagsasabi niya

 

“The are you saying? If magiging mag-asawa tayo, hindi pwedeng puro receive lang ako. Pwede naman tayo magsalitan or both tayo kikilos, adjust lang sa schedules. Kapag busy ka, pwedeng ako muna mag asikaso sa bahay. Kapag busy ako, ikaw naman. Hindi pwedeng isa lang yung kikilos. I think kaya naman natin.. wait—why are you guys smiling at me?”

 

“Winter, sana nare-realize mo yung sinasabi mo no?” Nakangising sabi ni Minju

 

“What?”

 

“Si Ate Karina oh pulang pula na! Kitang kita kahit andilim-dilim!” Pang-aasar ni Yujin kaya napatingin ako kay Karina na ngayon ay nakatakip ang mukha at kitang kitang ang pamumula ng tenga

 

“Hindi no!”

 

 

It took me a full minute para ma-realize lahat ng pinagsasabi ko.

 

Putangina.

 

Ang labas lang ay parang pumapayag din ako sa gusto niya diba?! Parang inacknowledge ko na rin na aasawahin ko talaga siya?!

 

Oh my God!

 

 

“Ngayon, magkasing pula na sila. Ang cute niyo!!”

 

“Manahimik ka, Minju ha. Pag ikaw sinipa ko diyan, maaga ka makakatulog.”

 

 

Syempre, hindi siya tinantanan ni Minju kaya ang ending naghabulan pa sila sa open field with Yujin na taga-gatong sa pang-aasar.

 

 

“Gaya nga ng sinabi ni Ate Karina, hindi mo masasabi yung mangyayari 10 years from now. Who knows, baka kayo rin pala talaga ang magkakatuluyan. I’m rooting for the two of you.” Sabi pa ni Wonyoung bago ako iwang mag-isa dito sa bench

 

 

Kainis, binigyan pa ko ng palaisipan.

 

---

 

“Parang puputok na yung sikmura ko, busog na busog pa rin ako.” Reklamo ni Karina

 

“Sino may kasalanan? Akala mo uubusan ka ng pagkain eh, sino ba namang matinong tao ang kakain ng 5 cups of rice kahit kakatapos lang halos mag meryenda?”

 

“Oo, hindi na ‘ko matino. Pero kasi ang sarap nung barbecue.”

 

 

Hindi na ako lumaban kasi totoo naman.

 

Kahit si Wonyoung na pinakamahinang kumain samin, naka 3 cups of rice siya kanina.

 

 

“Kinain mo pa yung ice cream naming lahat.”

 

“Minjeong syempre sayang naman yun! Ayaw niyo na kainin eh, ayoko namang itapon lang nila yun.”

 

“Ewan ko sayo kala mo huling kain na kung makalamon.”

 

“Shh, wala dapat tayong sinsayang na pagkain, Minjeong.”

 

 

Tinapos ko lang yung skincare ko bago nahiga sa bed ko.

 

Magkahiwalay naman yung bed naming ni Karina but this is the first time na magsasama kami matulog sa iisang kwarto lang.

 

Medyo nakaka-ano, conscious?

 

Naalala ko naman bigla yung ganap ko sa kanya last October.

 

Ano bang pumasok sa utak ko back then at talagang kinantahan ko pa siya and cuddled her to sleep?!

 

Sana hindi niya na maalala yun at wag na wag siyang magtatangkang banggitin yun!

 

 

“Matutulog ka na ba kasi papatayin ko na yung ilaw.” Aoo kasi yung malapit sa may switch

 

“I don’t plan to sleep. Tatambay lang ako sa terrace siguro mamaya-maya kaya patayin mo na”

 

Napataas ako ng kilay, “Anong trip mo?”

 

“Wala lang. May naaalala lang kasi ako pag pumupunta sa tagaytay at nagmumuni-muni sa may terrace.”

 

“What is it?” Napatingin ako sa orasan ang maaga pa naman. I can still give some time para makipagkwentuhan sa kanya

 

“Nabanggit ko diba na may rest house nga kami sa tagaytay.”

 

“Uhuh.”

 

“Malapit yun sa may taal and kami ni Ate lagi kami tumatambay sa terrace para magdaldalan lang habang ineenjoy yung malamig na hangin ng tagaytay, that's our bonding time.”

 

“…” Naupo ako ng maayos to give her all of my attention

 

“UP student yun and sobrang busy niya lagi kaya tuwing bakasyon ko lang nakakasama si Ate ko. And tuwing magkakasama kami, gustong gusto ko nakakarinig ng kwento niya about sa mga ginagawa nila. Kahit na anong kwento, pinapakinggan ko kasi I find it very interesting, parang gustong gusto ni Ate yung ginagawa niya kahit na sobra siyang nahihirapan.”

 

“…”

 

“Nakita mo naman ata sa bahay diba, she graduated bilang magna laude. Do you know how proud we are sa kanya? Kulang nalang palgyan namin ng tarpaulin niya yung bawat bahay dun sa Corinthians sa sobrang saya eh.”

 

I smiled, “I can relate to that. Nung naka-graduate rin si Kuya halos magpa-billboard na sila Mommy sa EDSA to congratulate him.”

 

Natawa naman siya, “See? You know how we felt noon. Kung masaya kami, mas masaya si Ate pero syempre hindi dun natatapos yun. May board exams pa. halos hindi na lumabas yun ng kwarto niya at bawal mag-ingay malapit dun kasi need niya mag study talaga. Yung kwarto niya kaya punong-puno ng manila paper and sticky notes. Lahat ng pwede niyang pagdikitan, dinidikitan niya kahit ceilings pa jusko. Alam mo naman kung gaano kahirap ang board exam ng mga CPA diba?”

 

“Yeah, I’ve heard na yung passing rate nga this year is 15% lang?”

 

“Yup. Ganyan lang yan lagi kaya naman I do understand her. Hindi naming siya ginulo talaga.”

 

“…”

 

“Then dumating na nga yung araw na pinakahihintay niya. Yung araw ng board exams niya. We patiently waited sa bahay at kulang nalang tumawag na ng pari si Mommy para magpamisa sa bahay kasi dasal lang kami nang dasal. Yun lang naman ang magagawa naming para kay Ate.”

 

“Okay tapos…?”

 

“Tapos…”

 

 

Hindi na tinuloy ni Karina yung sasabihin niya at hindi ko maiwasang mag-isip ng possibilities ng biglaan nyang pagtigil.

 

Hindi ba nakapasa yung Ate niya sa boards?

 

Bigla kayang nabuntis ang Ate niya?

 

Did she disappoint her family?

 

 

“Uhm.”

 

 

Narinig ko yung nginig sa boses ni Karina kaya naman agad akong lumapit sa kama niya at tinginan siya

 

I swear, I almost jumped from my bed papunta sa kanya nang makita kong umiiyak siya.

 

Sinubuka kong punasan ang luha niyang walang tigil sa pag-agos.

 

 

“Karina, why are you crying?” Nag-aalala kong tanong

 

Umiling siya at hinawakan ang kamay ko para pigilan ang pagpunas ko ng luha niya, “Sorry, you had to see me like this again.

 

“No, it’s okay. Kung hindi mo rin kaya sabihin yung gusto mo sabihin, wag mo na ituloy okay?”

 

Umiling akom “No, it’s okay. Gusto ko rin naman malaman mo.”

 

“Okay.. ikaw ang bahala.”

 

 

Inayos muna ni Karina yung sarili niya bago niya ko ayain papunta sa may terrace.

 

Jusko ang lamig dito. Tama nga lang na dinala ko yung kumot namin.

 

Merong table dito and I have this sudden urge na mag hot coffee kaso ayoko naman na mang-abala.

 

 

“So yun, pagkatapos na pagkatapos ni Ate mag-exam, naaksidente siya. Dead on arrival siya sa hospital.”

 

“Sandali lang naman.” Hindi na umintro si Karina at talagang nilapag niya yung bomba?!

 

“Ay sorry, yun naman kasi talaga yung kasunod na sasabihin ko, tinuloy ko lang.”

 

“Oo pero sandali lang ha.”

 

 

Kaya ba laging wala yung Ate niya sa bahay at pati na rin dun sa trip nila kasi wala na yung Ate niya dito?

 

Nung sinabi niya ring ‘wala’ yung Ate niya, akala ko naman baka busy lang sa trabaho or something.

 

Wala na pala talaga sa mundo!

 

 

“Okay ka na ba? Hindi pa ‘ko tapos. Baka mas malungkot ka pa sa susunod kong sasabihin.”

 

“Meron pa?” Dito pa nga lang parang maiiyak na ko “Ituloy mo na, isang bagsakan nalang.”

 

“Ate topped the CPA licensure examination but wala na siya dito to celebrate it.”

 

 

This time, kasabay na ko ni Karina umiyak.

 

Ang sakit sakit.

 

Imagine mo lang naman, nag-aral ka nang mabuti, ininvest mo yung buong buhay mo para sa exam na yun only to die.

 

Her Ate topped the licensure examination pero wala naman na siya dito sa mundo when that happened.

 

Hindi niya lang man nakita kung paano sya nag succeed, kung paano lahat ng pinaghirapan niya ay nagbunga.

 

This is too cruel.

 

 

“Nung pinuntahan mo ‘ko nun sa bahay, that’s Ate’s death anniversary kaya ganun ako.”

 

“I see.” Now, I finally understand

 

“Yun din yung reason kung bakit ako nag stop muna sa pag-aaral. Hindi kinaya ng emotional well being ko na pumasok ulit dahil sobrang nasira ako. Ate ko yun, idol ko yun eh..”

 

 

Agad kong niyakap si Karina nung nakita kong nagbabadya na namang tumulo ang mga luha niya.

 

Sobrang nassaktan ako.

 

Nararamdaman ko yung bawat sakit ng mga salitang binibitawan niya.

 

Pano pa kaya siya, gaano kaya kasakit para kay karina ang nangyari?

 

 

“Hindi namin alam kung paano magsisimula ulit nun kasi biglaan. Wala lang man warning samin, bigla nalang kinuha si Ate ni lord. Hindi niya lang man nakita yung achievements niya..”

 

“Nagpasko at bagong taon kaming tahimik lang tatlo nila Mommy. Kahit sila, humingi ng break sa company dahil sa nangyari and took a lot of time para mag heal. Kanya-kanya kami ng ginagawa para hindi namin lagi maalala yung nangyari. It was so hard at first pero nakaya naman.”

 

“it took us probably 3 months para tanggapin na wala na talaga si Ate. Sinubukan na muli naming mabuhay ng parang dati. We still act like andyan pa si Ate. I told you noon diba na allergic si Ate sa mga pets? Kahit wala na siya, hindi pa rin kami nag-aalaga ng pets sa bahay kasi iniisip namin na andyan pa rin siya.”

 

“Yung mga nakasanayan namin noon, hindi namin iniiba. Ang tanging naiiba lang ay wala na nga si Ate.”

 

“Alam mo dati pa naman mahilig na ko sa kung ano anong activites. Mahilig ako sa sports and sa mga musical instruments, pero gumrabe lang nung nawala si Ate. Kailangan ko kasi malibang para hindi ako malumbay.”

 

“That explains why sobrang dami kong clubs ngayon. Dati dance and choir lang talaga sinalihan ko but this year, nag taekwondo rin ako. Dapat swimming din kaso hindi na ko pinayagan kasi sobrang dami na nga. Gusto kong malibang, ayoko munang maisip yung nangyari kay Ate.”

 

 

I totally get her.

 

Nung nagmo-move on din ako kay Doyeon, kung ano anong bagay ang ginagawa ko para malihis lang yung isip ko dun sa nangyari.

 

Kasi the more I remember, the more it hurts.

 

 

“But alam mo ba there’s this one girl na nakilala ko in a pure coincidence lang.”

 

 

Tinulak ko naman siya palayo sakin ng may marinig na babae mula sa bibig niya.

 

Sino naman yan?

 

 

“Who the ?”

 

She chuckled, “I think she’s an angel, my angel, na binigay sakin ni Ate.”

 

“Pinagsasabi mo?” hindi ko gusto ang topic na ito

 

“When I was at my lowest, yung gusto ko na sumunod kay Ate kasi sobrang nami-miss ko na siya, this girl saved me. Siya yung gumising talaga sakin. Siya yung dahilan kung bakit nandito pa rin ako ngayon. She gave me a reason to live.”

 

“Maganda ba yun?” oo, kailangan ko malaman

 

“Sobra. She’s the prettiest girl I have ever seen.”

 

“Ah talaga?” akala ko ba ako yung prettiest girl na nakita mo? Sinungaling!

 

“Oo.” Ang sarap burahin ng ngiti nay an sa pagmumukha mo!!

 

“Edi dun ka na. sana siya yung kinukulit mo at hindi ako, diba? Nakakasira ka ng araw eh.”

 

 

Inis kong binato sa kanya yung kumot at pumasok na sa loob ng kwarto.

 

Bwisit siya!

 

Magsama sila nung angel niya!

 

Inis kong tinanggal yung binigay niya saking bracelet at binato dun sa bedside table.

 

Gusto ko magwala na ewan.

 

Parang kanina lang umiiyak ako kasi sobrang lungkot ngayon naman parang maiiyak ako sa sobrang inis.

 

Bwisit na Karina yan!

 

Meron naman pala siyang pa angel angel niya bakit hindi yun ang ginulo niya in the first place? Bakit ako yung ginambala niya ha?!

 

 

“Minjeong..” agad akong nagtakip ng braso sa mukha nang marinig ko ang boses niya

 

“Wag mo akong kausapin.”

 

“Ang cute cute mo, alam mo yun?”

 

“Wag mo na ko bolahin, hindi ako natutuwa sayo, Karina.”

 

“Ewan ko sayo, makakalimutin ka.”

 

Tinanggal ko yung pagkakatakip sa mukha ko at tinignan siya “Pinagsasabi mo na naman?”

 

“Wala, good night nalang, Minjeong.”

 

“Tangina mo.” Hindi na siya sumagot at tinawanan pa lang ako

 

 

Ilang minuto pa lang simula nung sinabi ni Karina yun, bumangon na agad ako sa kama ko at hinampas siya ng unan.

 

 

“Aray naman. Nakakagulat ka!”

 

“Ano nga yung nakalimutan ko?!” Inis kong tanong 

 

“Isipin mo. Good night, Minjeong.”

 

“Bangungutin ka sana.”

 

 

---

 

“Hindi mo pa rin ba talaga ako papansinin?”

 

 

Hindi ako sumagot at patuloy pa rin sa paglalakad.

 

Buong araw ata akong irita sa presensya ni Karina.

 

Parang bumalik kami sa simula, yung mga panahong hihinga pa lang malapit sakin si Karina nagwawala na ‘ko.

 

3 araw ko na syang hindi kinakausap.

 

Kahit nung 2nd day naming sa retreat, nung nag picture kami nakabusangot lang ako dahil wala nga ako sa mood.

 

Si Karina nadamay kaya hindi niya nagamit yung mga dinala niyang damit para mag photoshoot dun sa garden. Busy kasi siya suyuin ako.

 

Manigas siya!

 

Pinagtrtripan tuloy siya nila Yujin tapos si Karina todo saway dahil baka mas magalit ako, ang ending ginamit din yun nila Yujin bilang pang-asar kay Karina.

 

Basta, napaka-chaotic!

 

Bumalik na naman ako sa airpods days ko kung saan nakikinig ako sa music kahit pa nagsasalita si Karina.

 

Ang akin lnag naman, meron naman pala siyang cinoconsider na someone so perfect kulang nalnag ibigay niya na yung buong mundo pero ako at ako pa rin yung kinukulit.

 

Bakit ako yung inaabala niya?!

 

Bakit hindi yun?!

 

Ano nang gagawin niya ha?

 

Pano nya na pananagutan ‘to when I’m starting to feel things na rin?!

 

Kaya mas naiirita ako.

 

Playtime lang ba to for her? Playtime lang ba ‘ko?

 

Did I fail to recognize the red flags again at makakakuha na naman ng panibagong trauma at heartbreak?

 

 

“Minjeong, ang bilis mo naman maglakad tila ka na lilipad.” Natatawa niya pang sabi kaya mas dumagdag lang sa inis ko yun

 

“Stop following me!”

 

“Ayoko nga, magrereview tayo diba?”

 

“Mag-review ka mag-isa, I don’t care.” Liliko na sana ako ng daan pero pinigilan lang ako ni Karina

 

“Eh, but that’s our thing na. Tara na kasi, mag-aral na tayo. Tatahimik lang ako.”

 

“Ayoko pa rin.”

 

“Sa ibang table ako uupo kung iritang irita ka sa pagmumukha ko!”

 

 

Sa totoo lang, hindi ko na rin siya matiis talaga.

 

Gusto ko na rin naman siya pansinin no kaso masyado pa ata ako natutuwa sap ag-iinarte.

 

Tsaka pag naalala ko yung savior and angel niya kuno, nag-iinit ang dugo ko.

 

 

“Do what you want.”

 

 

---

 

Alam mo parang uto lang yung tadhana no?

 

Kasi biglang punuan dun sa coffee shop na pinuntahan naming and ayaw ko naman na maghanap pa ng available coffee shops.

 

Kaya ang ending dun nalang kami pumunta sa bahay nila.

 

Ayoko sa bahay kasi andun sila Mommy and Kuya at wala akong mapapala dun dahil aasarin lang nila kami.

 

Hindi pa ko makapag-aral kasi kung makatitig si Karina wagas!

 

 

“Kung may sasabihin ka sabihin mo na.”

 

“Galit ka pa rin ba?”

 

“What do you think?” Tanong ko pabalik

 

“Bakit ka muna galit?”

 

 

Ano, gusto niya i-explain ko pa sakanya yun?!

 

Hindi, manigas siya.

 

 

“Kung tungkol yun dun sa kinwento ko, wala lang naman yun.”

 

“Wala lang?!” BInitawan ko na yung libro ko at tinignan siya, “Kung wala lang bakit kung maka-kwento ka sobrang puring puri ka.”

 

“Eh kasi totoo naman, deserve niya lahat ng puri sakin.”

 

She’s not even denying it! “Yung totoo, kaya mo lang ba ko nilapitan kasi wala kang choice? Or baka sa tingin mo mas easy to get ako compared sa kanya? Ni-reject ka siguro no kaya naghahanap ka ng rebound.”

 

“Huy, hindi ah!”

 

“Then, explain it to me! Ilang araw ko nang iniisip yan. If you have someone like that in your life, bakit ako yung ginugulo mo? Bakit ako yung gusto mo, at hindi siya? Pinaglalaruan mo lang ba ‘ko?” Wala na, sumabog na ‘ko

 

TInry niyang hawakan yung kamay ko pero tinutulak ko palayo, “Minjeong, sandali lang kasi. Kumalma ka pwede? Hayaan mo ko mag-explain.”

 

“Ayus-ayusin mo lang and don’t you dare lie to me.”

 

“Yes po.”

 

 

Kinuha ko yung platito na merong mango tart at kinain yun.

 

Binigay sakin to ni Karina to cheer up my mood at medyo nakakatulong nga naman.

 

Para akong sasabog na kasi ako dahil sa inis eh.

 

 

“Hindi naman ako nagsisinungaling nung sinabi ko ngang gusto kita.”

 

“Pero may gusto ka ring iba?”

 

“When did I say that?” Maang-maangan pa!

 

“Wag mo nga akong inaano. Kung makapuri ka dun sa nagligtas sayo parang kayang kaya mo na ibigay ang buong mndo sa kanya eh!”

 

“OA ka! I was simply thankful sa pagtulong niya sakin noon. Malisyosa ka.” Bakit parang kasalanan ko pang yun ang inisip ko?! Ano pa ba iisipin ko?! At bakit siya tumatawa?!

 

“Bakit ka tumatawa?!”

 

Nginisian niya ako, “Wala, ang makakalimutin mo kasi.”

 

“Pano ako naging makakalimutin? Wag mo nga ilihis ang usapan, Karina!”

 

“Hindi ko nililihis yung usapan. Ikaw nga lang yung gusto ko, walang iba. Walang kahit sino.”

 

 

I paused and observed her.

 

Bwisit na mga mata yan.

 

Bakit ganyan lagi yan? On default ba yung pagiging pure and innocent niyan?

 

Paano ko magagawang magalit kung ganito?

 

 

“Sinungaling.” I mumbled before turning my back sa kanya

 

“Hindi nga, tsaka tatagal ba ko sayo kung di kita gusto? Panget panget kaya ng ugali mo.”

 

“Ang kapal ng mukha mo!”

 

 

Balak ko pa sana siyang saksakin ng fork pero tatawa-tawa niya lang itong sinalo.

 

Nagawa niya pang mag-iwan ng halik sa kamay ko.

 

Hindi ko sinasabing kinilig ako dun ha, hindi talaga.

 

Nabawasan yung inis ko ng mga 100% ganun.

 

 

“Ikaw lang, Minjoeng. Walang nang iba. Don’t think of anything else or anyone else. Yung loyalty ko nasa ‘yo lang. I’m willing to prove that for you.”

 

“W-Whatever.”

 

 

Binawi ko nalang yung kamay ko sa kanya dahil baka ano pa ang maramdaman ko.

 

Para akong magpapalpitate kahit na hindi naman ako uminom ng kape today.

 

Bwisit na Yu Jimin ‘to.

 

Siya may pakana nito.

 

---

 

Kakatapos lang ng monthly exam naming kaya andito kami ni karina sa pinupuntahan naming laging coffee shop para mag-relax.

 

I looked at Karina who’s in front of me, eating her favorite blueberry cheesecake.

 

A sudden realization hit me.

 

8 months na kaming magkakilala ni Karina at 8 months na rin simula nung pinaingay niya ulit yung buhay ko.

 

The Winter 8 months ago probably didn’t expect that this would happen.

 

Kung makataboy ako kay Karina nun sobrang wagas.

 

Normal people would’ve left, I’m sure hindi sila makakatagal pero hindi nga pala normal si Karina kaya hanggang ngayon, nandito pa rin siya sa tabi ko.

 

 

“Karina, bakit ako?” I asked out of nowhere

 

“Bakit ikaw ano?”

 

“Bakit ako yung gusto mo?” Kung marami namang mas magaganda dyan at gwapo na may pleasing personality pa

 

 

Hindi siya sumagot at parang gusto ko nalnag bawiin yung tinanong ko.

 

Nakakahiya pala!

 

 

“Nevermind—“

 

“I just like you. Do I even need to explain it?”

 

“Oo naman…”

 

“Hmm, explaining it may seem like pinapaganda ko lang yung words ko. Hindi pa ba sapat yung pinapakita ko?”

 

 

Believe me, it’s more than enough.

 

Minsan nga nakakauga na yang pinaggagawa mo sakin.

 

 

“But still, actions without words are confusing. Hindi ko alam kung ano ba talaga habol mo sakin, kung ano ba talaga gusto mo mangyari satin.”

 

“Akala ko na-clarify na natin na I just want to be with you at wala akong ibang ineexpect na makuha in return. I just want to be with you and express my feelings.”

 

“Is that enough?”

 

“More than enough.”

 

 

I sighed, masyadong selfless.

 

Paano ka magiging satisfied sa ganito lang?

 

Talaga bang hindi siya nanghahangad ng something more?

 

 

“You can be a little selfish, you know..”

 

“I am being selfish already, Kim Minjeong. Ayoko nang dagdagan pa.”

 

“Huh?”

 

“Yung pangungulit ko sayo at pagpush ko ng feelings ko sayo, isn’t that already being selfish? Sobra na ko kung maghahangad pa ko ng something more.”

 

 

Yeah, I used to think that she’s selfish.

 

Feelings niya lang ang iniisip niya, hindi niya iniisip yung sakin sa pagpupumilit ng gusto niya. 

 

But kung ang pagiging selfish nya equates to treating me right and more than what I deserve, then I think wala namang masama dun.

 

Hindi man maganda ang panimula namin ni Karina, kahit na kailan hindi niya naman ako nagawang saktan.

 

Lagi niyang iniisip kung ano yung gusto ko at kung saan ako comfortable.

 

Actually, hindi siya selfish eh. She’s selfless talaga.

 

Kahit na anong tulak ko palayo, kahit na anong sabihin ko, never siyang nagalit.

 

Never siyang nagtanim ng sama ng loob sakin.

 

Never siyang nagbago.

 

Kung paano siya sa simula, ganun pa rin siya sakin hanggang ngayon.

 

Kahit naman noon na kinukult niya ko, she never did something out of the line.

 

Kahit na anong tulak ko palayo sa kanya, she stayed.

 

Siguro kaya rin wala akong choice but to develop feelings for her.

 

Siya yung nagparamdam sakin ng mga bagay na sa iba ko lang ginagawa noon.

 

Yung mga bagay na halos ipagmakaawa ko pa, makuha lang.

 

Si Karina, binigay niya yun sakin ng buong puso without asking anything in return.

 

She never pressured me.

 

 

“Karina.”

 

“Ano yun? Hindi ka pa rin ba satisfied?”

 

Umiling ako, “I’m more than satisfied na.”

 

“Then, what do you want?”

 

 

You.

 

I want you.

 

I want to be with you.

 

Gusto ko na ulit sumugal.

 

Kaya ko na ata.

 

With Karina, I know it’ll be worth it.

 

Masaktan man ako in the future, at least binigyan ko yung sarili ko ng chance. Binigyan ko siya ng chance.

 

 

“Nothing.” 

 

 

Wala na talaga.

 

Kasi andito ka na.

 

Winter spent the last 8 months, thinking all love ever does is break and burn and end

But on a Wednesday in a café, Winter watched it begin again.

 

---

 

“Good morning, Minjeong!” Masigla bati sakin ni Karina

 

“Good morning, Karina.”

 

“Mukhang good mood ka ata? You’re smiling na agad which is hindi mo ginagawa.”

 

 

Nasanay na ata siya sa nakabusangot kong pagmumukha first thing in the morning.

 

Hindi niya naman ako masisisi kasi sino ba naman ang matutuwa sa 7am classes, diba?

 

 

“I’m in a good mood.”

 

 

Nakatulog lang naman ako nang mahimbing knowing that I’m falling for the right person already.

 

 

“Sana always.”

 

“Sure, if that’s what you want.”

 

 

Nagsimula na kaming maglakad and I confidently held her hand na ikinabigla niya.

 

 

“Bakit?” Tanong ko sa kanya kasi mukhang nagpapanic siya. Cutie.

 

“You’re being weird.”

 

“Hindi ah! Pinagsasabi mo?” Patay malisya ko

 

“Kung hindi, bakit hawak mo yung kamay ko?”

 

“Ayaw mo?” naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko

 

“Sabi ko nga hawakan mo lang yung kamay ko.”

 

 

Karina’s being really cute ngayon.

 

Para siyang bata na nahihiya sa crush niya.

 

Ganito siya eh, merong time na sobrang confident niya at natatameme ako pero there are times din na sobra yung hiya niya, kulang nalang magtago siya sa ilalim ng kung saan mang bato.

 

I like the latter more.

 

Natutuwa akong makita na ganito pala ang effect ko sa kanya.

 

 

“Ay Minjeong, alam mo ba super excited ako kasi bukas na ipapalabas yung Mugen Train.”

 

“Hmm, what’s that?” I asked as I moved myself closer sa kanya

 

“Anime yun, Demon Slayer. Familiar ka?”

 

“Parang naririnig ko nga. Do you want to watch it?”

 

“Oo sana, naghahanap nalang ako ng kasama. Busy kasi si Gigi bukas kaya hindi niya ‘ko masasamahan. Tingin mo ba gusto ni Ningning yung Anime?”

 

Tinginan ko siya, “Bakit siya tinatanong mo?”

 

“Kasi gusto ko magpasama sa kanya?”

 

Napataas ako ng kilay, “Bakit hindi ako?”

 

“Eh diba, you hate animes? Sabi mo pambata.” I chuckled. Ang sama ko.

 

“Sinabi ko yun?”

 

“Oo kaya.”

 

 

Yun ang nasa isip ko noon pero if Karina likes it, edi pipilitin kong magustuhan.

 

Gusto ko rin gawin or magustuhan kung ano man yung gusto niya. Yes, ang gulo but you get what I mean.

 

Early signs of falling in love talaga ‘to.

 

 

“I changed my mind. Wala namang pinipiling edad ang anime.”

 

“Tama!”

 

“Kaya let’s go together bukas. Libre ko.” Yaya ko

 

“Weh?” Ayaw pa ‘ko paniwalaan

 

“Oo nga.”

 

 

Look at her jumping around nang dahil lang dun.

 

Napakadali pasiyahin talaga.

 

 

“Hindi ko tatanggihan yan. I’m so excited!!”

 

 

Napangiti ako dahil sobrang saya niya lang ngayon.

 

Look at that smile oh, parang gusto kong laging makikita yan.

 

I want to make her happy and I think it’s my turn naman na. karina’s been doing it for the past 8 months and it’s now my time to return the favour.

 

---

 

“Winter, I dind’t think na makikipagkita ka sakin. I thought ayaw mo na ko makita kahit na kailan?”

 

“Ayaw ko nga but I have to do this.”

 

 

Kung pwede lang hindi ko na siya makita ginawa ko na but I have to do this para makausad ako.

 

Kailangan ko maiklaro yung amin para masimulan namin ni Karina yung amin.

 

Speaking of Karina, busy siya sa club niya kaya ngayon ko piniling makipag-usap kay Doyeon.

 

Buti nga at pumayag siya kahit last minute ang pagyaya ko sa kanya makipag-usap.

 

 

“Is it because of Karina?”

 

I looked at her in surprise, “How did you know?”

 

“Bago naman maging tayo, naging magkaibigan muna tayo. Kilalang kilala na kita, Winter.”

 

“Right..” How I wished, naging friends nalang talaga tayo

 

“And hindi rin marunong magtago ng emotions si Karina. Nung kinwento kita sa kanya that one time, kulang nalang bangasan niya na ako sa mukha. Hindi ko sinasabing natakot ako pero natakot talaga ako nun para sa buhay ko.”

 

 

I can already imagine that.

 

Karina’s really protective sakin at makarinig lang yun ng konting lait sakin or kapag merong nakakasakit sakin kahit minor lang, parang magwawala na.

 

Naalala ko nga one time merong nakabangga sakin na grade school, nakipag-away pa siya dun sa bata kasi nabasa ng tubig yung palda ko.

 

Ako nalang yung nahiya kaya hinila ko na siya palayo dun sa bata, konti nalang kasi iiyak na!

 

 

“Now you’re smiling. Naalala mo siya.”

 

“Hindi no.” Tanggi ko

 

 

Doyeon chuckled. I almost forgot what it sounded like.

 

Naalala ko dati I’m almost addicted sa tawa niya at gustong gusto kong naririnig yun kaya I almost did ever embarrassing s just to make her happy.

 

Dapat talaga ibaon na sa limot yun.

 

 

“Is she already courting you? Or are you courting her? Or baka magjowa na kayo?” Sunod sunod niyang tanong sakin

 

“We’re not! ...yet.”

 

“San dun? Tatlo yung tanong ko kaya.” Pang-aasar niya

 

“Wala sa tatlo!”

 

“Really? But aware ka namn sigurong may gusto sayo si Karina diba?”

 

“Oo naman, umamin na siya first day of classes pa lang.” Hindi ko alam kung bakit kailangan kong ipagmalaki yun pero hayaan niyo na

 

“First day of classes?! Iba rin si Karina talaga.”

 

“Iba talaga siya.” Lalo na kung ikukumpara naman sayo

 

“I can see that. Napabalik niya yung Kim Minjeong na unti unting naglaho ever since naging tayo.”

 

 

Okay.

 

Looks like tapos na ang intro intro.

 

 

“Yes, and I am thankful sa kanya dahil dun.”

 

“You must like her that much at talagang naglakas loob kang makipagkita sa ex mong walang ibang ginawa kundi saktan at ubusin ka.”

 

“Yes, I like her that much.” Walang pag-aalinlangan kong sagot

 

“I’m happy for you, seryoso.”

 

 

Tinignan ko siya sa mata at nakita na genuine naman yun.

 

When was the last time I saw that?

 

 

“Thanks, I guess.”

 

 

Nabalot kami ng katahimikan at medyo nagpapanic na ako dahil hindi ko alam yung sasabihin ko.

 

I just want to go home. Ayoko na makipag-usap sa kanya.

 

 

“Let me say sorry first sa lahat ng ginawa ko.”

 

 

I flinched.

 

Gustong gusto ko ‘to marinig sa kanya dati but now? Wala akong ibang maramdaman kundi inis at galit.

 

 

“Hindi mo naman ako kailangan patawarin, I know what I did sayo and maiintindihan ko kung hindi mo ko patatawarin but at least accept my apology.”

 

“…” Hindi ako sumagot dahil hindi ko alam ang sasabihin

 

“I won’t make excuses din dahil ako naman ang gumawa nun mismo sayo. I made you feel like no? You must’ve felt worthless.”

 

 

Kung alam mo lang.

 

 

“Simula nung naging tayo, parang wala na tayong ginawa kundi mag-away. Ako madalas yung nagagalit at ikaw madalas ang pumipilit na ayusin yung atin. Dumating na sa point na mas marami yung sorry natin sa isa’t isa kesa sa I love you.”

 

 

Yes, and when I realized that, dun ko na talaga sinabing tama na kasi paulit-ulit nalang.

 

Wala nang ibang patutunguhan ‘to.

 

 

“You gave me nothing but love. Iniintindi mo ko kahit ako mismo hindi ko maintindihan yung sarili ko at pinakisamahan mo ko kahit sobrang hirap. Hindi mo ‘ko pinagsalitaan ng kahit na ano kahit sobra yung panggagago ko na sayo, kahit na sobrang unfair ko na sayo. You stayed ‘til the end. Winter, nalulungkot ako kasi I only realized that nung nawala ka.”

 

 

It’s always like that naman. Malalaman mo lang ang halaga ng isang tao or ng isang bagay kapag nawala na sayo.

 

 

“Alam mo naman nun, pressure sa volleyball since ako yung bigla nilang ginawang captain ball at maraming hindi payag lalo na yung seniors. Sa acads din, nahihirapan na ako ipagsabay. All that stress, sayo naibubuhos. Ikaw lahat sumasalo at hindi ko alam kung paano mo nakayanan yun ng ilang buwan. It must be draining pero you stayed, dun palang alam kong minahal mo nga talaga ako.”

 

 

Sobra pa sa sobra.

 

Minahal pa kita higit sa sarili ko and yun ang mali ko.

 

 

“Nung nawala ka, dun ko lang na-realize what I’ve lost. Dun ko naalala lahat ng efforts na binigay at ginawa para sakin kahit na ang ty ko sayo. Naalala ko yung mga panahong nag-stay ka kahit na ipagtabuyan kita. You were patient with me and you loved me with all of your heart. Siguro yun yung dahilan kung bakit tinake advantage ko nalang yung pagmamahal mo kasi alam kong hindi mo ako susukuan.”

 

“..”

 

“But you did for the first time and never came back. Nasira ako sobra, halos hindi ako nakapaglaro ng volleyball nun and almost quitted school. I don’t have the guts to approach you and ask for forgiveness dahil nakaka-disrespect yun sayo. Hinayaan nalang kita mag-move on sakin dahil hindi mo deserve ang kagaya ko.”

 

Umiling ako, “But I waited, you know? I waited for you na habulin mo ako, na baka mahimasmasan ka at makipagbalikan sakin.”

 

“Minjeong…”

 

“Don’t call me that, please.” Winter, don’t cry.. “Hinihintay pa rin kita kahit na sinaktan mo ‘ko nang sobra. Simula nung nag decide ako na iwan ka, hindi ko alam kung ilang buwan ang tinagal bago ako nakatulog ng walang masakit  dito sa puso ko. When I left, wala akong ibang hinintay kundi yung paghabol mo sakin at paghingi ng second chance kasi ibibigay ko yun sayo in a heartbeat, just reach out for me.”

 

“…”

 

“But wala. Hindi ka lang man nag-effort na hanapin ako or maghanap ng way para ma-contact ako. Don’t tell me what I deserve dahil ako ang magdedesisyon nun. Don’t make reasons, Doyeon. Hinayaan mo ‘ko mag move on kasi yun ang gusto mo, yung ang ginusto mo. Kasi kung mahal mo talaga ako, hindi mo ‘ko hahayaan eh. You’ll do everything it takes just to get me back. But you didn’t.”

 

 

Pinunasan ko ang luhang sumasagabal sa vision ko.

 

Bwisit. Ayokong umiyak eh!

 

But I look like a mess right now.

 

Naaalala ko na naman lahat ng nangyari sakin before, kung pano ko sapilitang isinalba yung sarili ko para lang maging okay ako.

 

Naalala ko yung mga panahong pinagmumura ko si Doyeon dahil sa galit pero at the same time, I kept on wishing na sana magkabalikan kami kasi mahal na mahal ko talaga siya.

 

Para akong masisiraan ng bait talaga nun and just like now, ganun na naman ang nararamdaman ko.

 

Ayaw talaga tumigil ng luha ko, naiinis ako.

 

But I need to say this dahil kalian ko pa ba ‘to masasabi kung hindi ngayon?

 

I need Karina, where’s my Karina?

 

Baka hindi ko na kayanin.

 

 

“I know ang lakas maka-KathNiel but isang beses lang ako napagod but dun sa isang beses na yun, sinukuan mo agad ako. You know me eh, kilala mo ko! Alam mong mahal na mahal kita.  Alam mo kung paano ako kunin ulit kasi that’s what you’ve been for months. Pero hindi. hinayaan mo lang ako. Kaya don’t give me that bull na parang ginawa mo pa yun para sakin!”

 

“Minjeong, please..” she tried to reach out for me pero I swatted her hands away

 

“I said don’t call me Minjeong! You don’t have the right..”

 

“I’m sorry..”

 

“Please, wag ka na mag-sorry. Wala naman nang talab sakin yan.”

 

“…” yumuko lang siya

 

“If only sinabi mo yan months ago, I’d accept it.”

 

“I know and I’ll forever regret this.”

 

“Ha! Dapat lang, you just lost Kim Minjeong in your life. San ka makakahanap ng tulad ko?” Sabi ko with full of confidence. Medyo nahihimasmasan na ako

 

“Yes, and if only I could turn back time, hinding hindi na kita pakakwalan and I’d treat you right.”

 

 

If noon yan, kikiligin na ako at babalikan ko na siya agad agad dahil nga uto-uto ako.

 

But now? Wala talaga.

 

Naiirita lang ako.

 

Naka-move on na nga talaga ako sa kanya.

 

 

“We don’t need closure, Min—Winter. Feeling ko mas okay na tayo as strangers dahil hindi ko na deserve maging part ng buhay mo.” Sabi pa niya habang nagpupunas ng luha.

 

“Gaga ka ba? Hindi naman ako humihingi ng closure. Gusto ko lang magkaroon ng proper break up. I need to settle this para makapagsimula na kami ni Karina.”  

 

 

Parang napahiya naman si Doyeon dun kaya tumango-tango nalang siya.

 

I want closure rin talaga nung una but nevermind. Sa kanya na rin naman galing na hindi naman yun required.

 

 

“Karina’s really lucky. Meron siyang ikaw.”

 

Umiling ako, “Ako yung swerte sa kanya. Meron akong isang Yu Jimin sa buhay ko.”

 

“Whipped.”

 

“At least may love life at naka move on na sa ex.” Pambabara ko

 

“Foul.”

 

“Whatever. Yun lang naman. If wala na, I’ll leave. Pauwi na yun si Karina, gusto ko siya sabayan maglakad.”

 

 

Inayos ko na yung mga gamit ko and prepared myself to leave.

 

 

“Winter.”

 

“What?”

 

“Thank you for being part of my life. I’m glad that I met you.”

 

“Likewise.” Genuine yan ha.

 

“Ingat ka.”

 

“You too.”

 

 

At lumabas na ako ng coffee shop, feeling refreshed. Para akong nabuhay ulit!!

 

Wala na akong naiwang bagahe from my past.

 

Closure’s not possible talaga samin. Yun talaga ang agenda ko for today but only realized na hindi naman required ang closure. Buti at ganun din ang nasa isip ni Doyeon, hindi na ko nahirapan.

 

I don’t want her back din sa life ko.

 

I can forgive her pero hindi naman porket pinatawad ko siya, pwede na ulit siya bumalik sa buhay ko.

 

Hindi naman necessary na ibalik yung dati naming pagasasama just because okay na kami ngayon.

 

It’s better if wala nalang kaming connection sa isa’t isa.

 

Tsaka, who the remains friends with their exes ba?

 

Ang awkward naman.

 

Just imagine hanging out casually with someone you used to love with all of your heart. Hindi malabong may maramdaman ka and I don’t want that.

 

Kung ibibigay ko yung sarili ko kay Karina, dapat yung ako lang. Walang sabit sabit dahil hindi niya deserve yun.

 

 

“Winter!!”

 

 

What the-?

 

I’m like 5 minutes away from the coffee shop na ng marinig ang pagtawag sakin ni Doyeon.

 

Tumigil ako sa paglalakad at nilingon siya.

 

Hinihingal pa siya at may butil ng pawis sa noo niya.

 

Tumakbo ba siya?

 

 

“Ano meron?”

 

“Can I ask for a hug?”

 

 

Napaubo ako dahil sa gulat. Ang random??

 

 

“A what?”

 

“Yakap kako, bingi.”

 

Napairap ako, “I know, narinig ko. Sadyang nagulat lang ako.”

 

“Yeah sorry. So hug?”

 

 

She opened her arms pero tinignan ko lang siya suspiciously.

 

Anong pakulo ‘to?

 

 

“Para san?”

 

“My guts are telling me na ito na yung huling beses na magkikita tayo. So, gusto ko makahingi ng yakap for the last time at magsabi ng thank you. I think mas maganda pakinggan ang thank you kesa sa sorry.”

 

 

Napabuntong hininga nalang ako.

 

Akala ko naman kung ano na ang hinihingi.

 

Fine.

 

Bigay na natin sa kanya to.

 

Naglakad na ako papunta sa kanya at niyakap niya agad ako nang napakahigpit, muntikan pa kong sumubsob dahil sa paghila niya.

 

I awkwardly hugged her back at dun ko napansin yung height difference namin.

 

Gosh, mas tumangkad ata lalo siya.

 

 

“Thank you so much, Winter. I don’t think makakahanap pa ko ng taong mamahalin ako gaya ng pagmamahal mo sakin. If only hindi ako tanga tanga at naging duwag, baka iba yung naging outcome nung atin.”

 

“Maybe.”

 

“Sana hindi ka saktan ni Karina..” Umiling ako

 

“That’s the last thing she’ll do.”

 

“Then, I’m happy. This is what you deserve.”

 

“Ugh, sabi ko sayo don’t decide kung ano yung deserve ko.”

 

“Sorry na.”

 

“Karina is actually more than what I deserve but since ako ang pinili niya, I’ll just accept it. It’s not a matter of kung deserve ko ba siya o hindi eh. As long as sincere siya sa feelings niya, it’ll be okay. Yun yung hindi mo na-realize, Doyeon.”

 

“I know.. but maybe it’s better this way. If hindi tayo naghiwalay, hindi mo makikilala si Karina.”

 

“You’re right. Finally, may silbi ka na.”

 

 

Tumawa naman si Doyeon at finally, tinanggal niya na ang pagkakayakap sakin.

 

Tinignan niya ako with that attractive smile of hers. I used to be so whipped over that but ngayon wala na akong maramdaman.

 

Actually meron.

 

Inis. Yun lang.

 

Nakakairita ang pagmumukha neto ni Doyeon pala.

 

 

“Hindi talaga ako masanay-sanay sa ugali mo. You’re just like me nung tayo pa.”

 

Pabiro ko siyang tinulak, “Shut up, you’re worse than me before.”

 

“Still doesn’t change the fact na ibang-iba yung ikaw ngayon sa Winter nung tayo pa.”

 

“Syempre, tanga tanga ako sayo nun. Pag nag-inarte ako, alam kong iiwanan mo ko.” Puputi na buhok ko, hindi niya pa rin ako susuyuin or worse, iiwanan niya nalang ako.

 

“Maybe the old Doyeon would.”

 

“See? Kaya I tried to be the perfect jowa for you eh, but you failed to notice it again.”

 

“Kailangan ko na nga ata magpasalamin.” Comment niya pa

 

“You really should. Baka sakaling makita mo yung lihim na pagtingin sayo ni Yoojung,”

 

I felt her push me lightly, “Gaga! We’re friends.”

 

“Siguro sayo, pero sa kanya hindi. Vibes ko na siya noon pa eh, hindi lang ako nagsasalita.”

 

“Hindi yun.” Tanggi niya

 

“Ikaw bahala. Ang akin lang naman, don’t make the same mistakes. Baka hintayin mo na namang mawala bago mo ma-realize na gusto mo pala talaga.” Paalala ko sa kanya

 

“Noted, ex. I’ll keep that in mind.”

 

“Dapat lang.”

 

“Oh and thank you nga pala dahil you finally talked to me and fixed whatever this was.”

 

“I’m doing this for Karina, wala na ‘kong pake sayo.” Doyeon smiled

 

“You really like her no?”

 

“I do, so much.”

 

“You even have the same rings, couple huh? Tanggalin mo na yang bracelet, it looks ugly. Bata ba nagbigay sayo niyan?”

 

Inis ko siyang sinipa hita niya, “Si Karina gumawa niyan, gago.”

 

“What?! Sorry then. Hindi ko naman inexpect na pang—I mean, unique yung taste ni Karina sa pagdedesign.”

 

 

She almost said panget pero nung aamba akong sisipa ulit, binawi niya.

 

Bakit ba nila tinatawag na panget ang bracelet ko!? It’s the cutest thing in the world kaya! Unique lang talaga si Karina at hindi nila yun magegets.

 

Hindi rin naman nila kailangan ma-gets, sino ba sila?

 

 

“Aalis na nga ako, naiirita ako sa mukha mo.” Tumawa lang siya

 

“Alright. Ingat, Winter! The bracelet’s actually cute, namali lang tingin ko.”

 

 

Rarason pa eh nadulas na nga.

 

Hindi ko nalang siya pinansin at naglakad na palayo.

 

I texted karina to ask kung nasaan na ba siya. Busy niya kasi lately sa taekwondo club eh.

 

I miss her already, why is she so busy?

 

---

 

Masama ang loob kong gumising.

 

Simula kasi kahapon, hindi ko pa nakakausap ulit si Karina.

 

There’s no text messages mula sa kanya.

 

Ano na naman ang nangyari dito, bakit hindi niya ko pinapansin?

 

Did something happen?

 

Nah, kung may nangyari man, she’ll inform me naman.

 

Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ngayon, hindi niya ko magawang i-message!

 

I mean, hindi naman kami talaga mahilig mag-usap through chats, unless importante or kapag matutulog na.

 

I’m not being clingy ha!

 

Ang akin lang, bakit kahit good night wala? Ano, hindi siya natulog?

 

Kung hindi siya natulog, bakit hindi niya sakin sinabi? I could stay up with her din.

 

Madalas kaya nagmemessage siya ng random s like may biglang pumasok na ibon sa kwarto niya at halos masira niya na lahat ng furniture dahil sa takot.

 

May mali talaga eh.

 

What did I do ba?

 

Maayos naman kami naghiwalay kahapon sa school ah?

 

Ugh stressful.

 

To make it worse, ni anino ni Karina hindi ko nakita sa labas ng gate naming.

 

Napacheck tuloy ako sa orasan and medyo late na pala. 7:10.

 

Seryoso, where the is she?

 

Tinawag ko nalang si Kuya para magpahatid.

 

Ayokong maglakad tapos mag-isa lang ako.

 

 

---

 

 

Pumasok ako sa classroom at nagulat pa ko nang makita si Karina sa room, nakikipagdaldalan lang sa mga katabi niya.

 

Nainis ako lalo.

 

Andito lang pala siya at mukhang okay na okay pero bakit hindi niya ko nirereplyan?

 

Inis akong pumunta sa kanya at hinampas ng bag ko. Bwisit, pinag-alala niya ako.

 

 

“Oh, Winter.”

 

 

I was taken aback.

 

Parang hindi si Karina yung kausap ko.

 

Sobrang lamig ng boses niya at walang kagana-gana yung tawag niya sakin.

 

Yung mata niya.. why does it look so empty?

 

Bakit ganiyan yung tingin niya sakin?

 

Nawala yung inis ko at napalitan ng pag-aalala.

 

Something happened sa kanya.

 

 

“Karina, what happened?”

 

Umiwas siya ng tingin, “Wala.”

 

“Hindi pwedeng wala. Ano ang nangyari? May nagawa ba ko sayo? May nangyari sa bahay niyo?”

 

“Wala.”

 

“Kung wala, bakit ganito ka sakin?” Hindi ko gusto kung pano niya ko tratuhin ngayon. Nasasaktan ako

 

“Wala lang.”

 

 

Anong wala lang?! 

 

 

“Karina, ano bang trip to?!”

 

“Mukha ba ‘kong nantritrip?”

 

 

She looked so done.

 

Nasaktan ako dun.

 

Why do I feel so worthless ngayon?

 

Parang wala na akong halaga sa kanya and natakot ako.

 

 

“Karina—“

 

“Class, go back to your seats na para makapag-take na ko ng attendance.” Damn, andito na pala si Miss Sooyoung

 

I held Karina’s hands and tinignan siya, “Karina, let’s talk later ha?”

 

“There’s nothing to talk about naman.”

 

 

Confirmed.

 

May nangyari kay Karina and isa ako sa mga rason kung bakit ganito siya.

 

But what did I do ba?

 

I was bothered the whole time at hindi mapakali sa upuan ko as I wait na mag-recess na.

 

---

 

Hindi ko mahagilap si Karina nung lunch and recess dahil lumalabas agad siya ng room at napakabilis maglakad kaya hindi ko naabutan.

 

Hindi ko naman magawang makipagpalit ng upuan sa seatmates niya kasi may permanent seating arrangement na kami.

 

Kaya eto, todo habol ako ngayong uwian na.

 

 

“Karina, talk to me…”

 

“Wala nga tayong dapat pag-usapan.”

 

“At least tell me why you’re being like this!”

 

“Hindi ba dapat ikaw ang may sabihin sakin?” Naguluhan naman ako sa sinabi niya

 

“What do you mean?”

 

Karina sighed at naglakad ulit, “Wala. Uuwi nalang ako.”

 

“Anong uuwi? We’ll watch that stupid movie pa, diba?” Paalala ko

 

“Wala na ‘kong gana.”

 

“Why? You were so excited pa kahapon ah! Sandali nga lang, ang bilis mo naman maglakad!” Kakapusin na ko ng pahinga oh!

 

“Bakit mo ba ‘ko hinahabol pa? Don’t you have a date or something?”

 

“Meron, tayo. Kaya nga hinahabol kita.”

 

She paused, “Wala naman tayong date.”

 

“Meron, it’s a movie date.”

 

“Sa iba ka nalang makipag movie date siguro.” Pagtataboy niya sakin

 

“Ayoko nga, ikaw yung gusto ko kasama.”

 

“You don’t even like that movie.”

 

“But you do.”

 

 

Tumigil siya sa paglalakad at tinignan ako. She looked restless.

 

 

“Why are you being like this?”

 

“Why are you being like this din ba? Hindi ikaw ‘to.”

 

“You don’t have to lie naman sakin. Mas maganda nga na diretsuhin mo nalang ako.” Sabi pa niya at hindi ko na naman ma-comprehend ang gusto niyang iparating

 

“Bakit naman ako magsisinungaling. Ano ba pinagsasabi mo?”

 

“Hindi ba siya magagalit?”

 

“Sino?”

 

“Ka-frustrate naman kausap to oh!” Inis niyang bulyaw sakin at hindi ako nagpatalo

 

“Mas nakaka-frustrate ka! Para na ‘kong puputukan ng ugat kakaisip kung bakit ka ganito!”

 

“You know what I’m talking about!”

 

“I don’t! Kung alam ko bakit papahabain ko pa ‘tong pagtatalo natin?!”

 

 

Ano bang alam niya na hindi ko alam?!

 

 

“Ewan ko sayo, magsama kayo ni Kim Doyeon. Good luck nalang sayo. Tanga tanga ka talaga, sinaktan na babalikan pa.” she said that in one breathing at ramdam ko yung gigil

 

 

The woman was too stunned to speak.

 

Pinagsasabi na naman neto?

 

 

“Hindi ko matanggap yung pagtawag mo sakin ng tanga tanga without any basis. Besides, hindi naman ako nakipagbalikan sa kanya. Ano ako, bobo?”

 

“Don’t lie..”

 

 

I grabbed the opportunity to step closer sa kanya kasi she lowered her guard na.

 

 

“Why would I lie?”

 

“Nakita ko kayo kahapon.”

 

 

I see.

 

Since same lang yung dinadaan namin, hindi nga malabo na magkasalisi kami.

 

Mukhang nakita niya yung pagyakap sakin ni Doyeon.

 

I stepped closer once again at hinawakan yung kamay niya.

 

Her eyes are red at parang nagpipigil ng iyak.

 

My baby..

 

 

“Narinig mo ba yung pinag-usapan namin?”

 

Umiling siya, “Hindi pero nakita ko na magkayakap kayo—“

 

“Tanga ka talaga.”

 

“Ako pa? ikaw kaya, makikipagbalikan ka pa sa taong sumira na sayo.”

 

 

Napailing na lang ako at napatawa.

 

Alam kong nasaktan siya sa nakita niya but she looks cute ngayon.

 

Kinikilig ako sobra.

 

 

“Sino ba nagsabi kasi na nagbalikan kami? Sabi ko nga kanina hindi.”

 

“Kung hindi, bakit kayo magkayakap? You don’t have to lie for my sake naman. Sabi ko willing ako mag-step back kapag nahanap mo na yung taong gusto mo.”

 

“And nahanap ko na nga.” I said with full of sincerity and I saw a hint of hurt sa mata ni Karina.

 

“Edi I’ll step back—“

 

“No, please step forward. Like ngayon na. I want to kiss you right now.”

 

“Ha?!”

 

 

Akmang aatras pa siya pero kinapitan ko na agad siya sa balikat para hindi na makawala.

 

 

“W-Winter, hindi ko gusto yung trip na ‘to ha. Wag kang ganyan sakin.”

 

“Sino ba nagsabing pinagtritripan kita?” I softly asked as I caressed her red ears. Cute. Ang pula pula at ang init init

 

“If hindi, bakit ka ganito?” Hindi niya ko matignan sa mata. cutie talaga

 

“Isipin mo, bakit? I asked back

 

“Pagbibigyan mo gusto ko bago iwan?”

 

I chuckled, “San galing yun?”

 

“Feel ko lang.”

 

“You’re not feeling well.”

 

“Yes, feel ko lalagnatin na ‘ko. Alis na diyan, Minjeong..” Sinubukan niya akong itulak but I stayed in place

 

 

She calls me Minjeong ulit.

 

Mukhang medyo okay na siya. That’s good.

 

I took a step closer at halos wala nang gap samin.

 

Karina stopped breathing and hindi ko maiwasang matawa.

 

Bakit nagpipigil siya ng hinga diyan?

 

 

“Breathe, Karina.” I encouraged as I held her cheeks. Ang init!

 

“Ehh, alis ka muna diyan.”

 

 

Please, sobrang cute niya lang ngayon.

 

 

“Ayaw, sabihin mo muna sakin na okay na tayo. Wala nang misunderstandings.”

 

“Opo, we’re okay now. Kaya alis na.”

 

“No pa rin. I love being this close to you.” I can see your beautiful face

 

“Wag kang ganyan, iisipin kong may gusto ka sakin. Aasa ako, Kim Minjeong.”

 

 

This dense woman.

 

Ano ba sa tingin niya, basta basta nalang ako gumaganito sa taong hindi ko gusto?

 

 

“And if meron nga?”

 

“Himala ata tawag dun.”

 

“Baba naman ng tingin mo sa sarili mo.”

 

“Bakit, gusto mo na nga ba talaga ako?” She challenged me

 

“Oo.” Walang pakundangan kong sagot

 

“Oh tignan mo—Wait,“ Her eyes widened in realization, “Umoo ka ba?”

 

Natatawang tumango ako, “I did.”

 

“No way.”

 

“Yes way.”

 

“Wait nga.. Minjeong, bitaw. Seryoso ha.” Sinusubukan niya talaga tanggalin yung arms ko na nakapaikot sa kanya pero nagmamatigas ako

 

“Why? I want to stay like this.” I even pulled her closer, if that’s possible pa

 

“Eh kasi.. Kinikilig ako masyado.”

 

 

Hindi na ako nakatiis at niyakap nalang siya, sumiksik ako sa leeg niya.

 

Gusto ko sumigaw.

 

Nakakagigil si Karina!! Why is she being so cute today?? Lahat ng ginagawa niya ang cute cute.

 

 

“Minjeong naman..”

 

“Para ka ngang lalagnatin, napakainit mo.” Ang pula pula ng leeg niya oh para siyang ina-allergy

 

“Ikaw may kasalanan, pinapakilig mo ‘ko.” Ang sakit na ng pisngi ko kakangiti

 

“Nung mga panahong nagpapakilig ka without warning, nagreklamo ba ‘ko? Just shut up and accept my love.”

 

“Sabi ko nga..” Karina finally hugged me back “Feeling ko nananaginip lang ako.”

 

“You’re not.”

 

“Hindi natin sure. Parang ang impossible lang nung ganap na to ngayon.”

 

“I know a way para malaman mo kung panaginip ba ‘to o hindi.”

 

“Pano?”

 

 

Hinawakan ko yung lanyard niya at hinila palapit ang mukha niya sakin to claim her lips.

 

It was quick, pero yung impact sakin sobrang overwhelming.

 

Para akong hihimatayin.

 

Mukhang ganun din kay Karina.

 

Parang bigla siyang hindi nag-function at natulala nalang.

 

I giggled and leaned once again to kiss her sa cheeks niya.

 

 

“I like you, Karina. So much.”

 

 

---

 

 

“Stop sulking already, tapos na yun.”

 

“Ayaw.”

 

 

Natapos na yung bwisit na movie pero si Karina ayaw pa rin ako pansinin.

 

She’s upset about something so trivial.

 

 

“Please, importante ba kung saan mangyayari ang first kiss natin? It can happen anywhere naman!”

 

“But I want it to be special! That’s my first kiss, you don’t understand.” Pagmamaktol niya

 

“Kinuha ni Doyeon yung first kiss ko sa library and wala namang kaso sakin.”

 

Karina glared at me, “Wag mo nga mabanggit-banggit yan. Naiinis lang ako.”

 

 

She’s so cute kapag nagseselos.

 

 

“Oops, sorry. As I was saying, hindi naman importante kung saan nga natin gawin yun. Para kang ewan.”

 

“Hindi mo talaga ako maintindihan eh. You kissed me kaya sa neighbourhood lang natin! At least Doyeon kissed you sa library pero ako hinalikan mo lang sa gitna ng daan! Walang ka-romantic romanric atmosphere!”

 

 

Hindi ko gustong matawa pero natatawa talaga ako.

 

She’s really upset over something like this, no?

 

Hindi naman ako informed na hopeless romantic pala siya.

 

 

“Edi next time, magmomol nalang tayo sa isang magandang place ganon. Amusement parks or gusto mo sa beach?”

 

“Huy, Minjeong! Hinaan mo nga yung boses mo!”

 

 

Natawa nalang ako sa kanya.

 

My baby’s so cute.

 

Ang dami niyang kawalanghiyaan noon so bakit hiyang hiya siya ngayon dito?

 

 

“Wala namang nakakarinig, ang konti lang kaya ng tao dito.”

 

“But still? Jusko.” Ang pula pula niya na naman

 

 

We decided na kumain sa silantro kasi I’m craving for their nachos and wala namng kaso kay Karina yun.

 

Wala kayang pinipiling pagkain ‘to.

 

 

“Ilang weeks nalang, bakasyon na. Ano balak mo?” Tanong ni Karina sakin

 

“Landiin ka siguro.”

 

“My God. Hindi ako masanay-sanay sa ganito.” Nahihiya siyang nagtakip ng mukha

 

“Well then get used to it.”

 

“Do I even deserve your affection? Do I even deserve you?”

 

 

Eto na naman tayo sa deserve deserve.

 

 

“Hindi naman importante kung deserve mo ‘ko o hindi. Ang hinihiling ko lang naman is maging honest and sincere ka sakin.”

 

“I’m doing that na.”

 

“I know; kaya nga I don’t mind letting myself fall sayo. I know it’ll be worth it. Kung sasaktan mo man ako, alam kong hindi intentional. Patay na patay ka kaya sakin.”

 

“Hangin.”

 

“Hindi ah. Almost 9 months ka na kayang nagpapapansin ka sakin.” Paalala ko sa kanya

 

“And it took me 9 months din para mapansin mo talaga.”

 

 

You’re wrong.

 

I started feeling things simula nung pasko.

 

Pero hindi niya na kailangan malaman yun.

 

Dadalhin ko yan hanggang sa hukay.

 

 

“Edi ano na tayo ngayon?” Finally, tinanong niya na yung pinakaimportante

 

“Ikaw, ano ba gusto mo mangyari satin?”

 

“Of course, I want to be with you. But pano ba? Should I court you?”

 

I looked at her in disbelief, “Hindi pa ba sapat yung 9 months? Why would you court me pa?”

 

“Hindi naman kita nililigawan nun ha?”

 

“Same thing. Di mo lang sinabi formally but ganun na rin yun.”

 

“Hindi kaya. Let me court you na.” Pag-insist niya

 

“Okay go.”

 

“I’m courting you na ha?”

 

“Okay, at sinasagot na kita.”

 

“Minjeong naman!” she whined

 

“Ang dami mo kasing alam nakakasura ka. Tayo na nga kasi!”

 

“Ayaw ko.” Pagmamatigas niya pa

 

 

Sino ba namang matinong tao yung ayaw na sagutin siya diba? Yung takbo talaga ng isip neto ni Karina hindi normal!

 

Bakit parang ako pa yung nagmamakaawa dito, maging kami lang? Nakakaiyak. 

 

 

“Ayaw mo 'kong gawing girlfriend? Edi wag. Maghiwalay na tayo agad.” Sabi ko sa kanya and frowned

 

“Minjeong naman, para kang ewan.”

 

“Mas para kang ewan! Bakit pa ba natin pahihirapan yung sarili natin?”

 

“Eh..” Ano bang pumipigil sa kanya?

 

“We like each other naman na at kilala na natin halos ang isa’t isa, need pa ba ng ligawan stage?”

 

“I just don’t want to rush it.. what if mangyari yung satin yung sa inyo ni Doyeon?”

 

 

Yung ba ang inaalala niya?

 

 

“Iba naman yung samin ni Doyeon.” Paliwanag ko 

 

“Alam ko pero what if lang diba? Baka may mag-iba. Kaya hayaan mo muna mag getting to know each other stage tayo.” Pagdadahilan niya

 

“Karina, you literally know every single thing about me na. Anong getting to know each other stage ka dyan?”

 

“Ay, oo nga.. Pero kasi..”

 

“Kung magkaroon man ng problem sa magiging relationship natin, we’ll fix it kahit na ano pa yun. Don’t be afraid. I’m here and I’m not going anywhere.” I reassured

 

“Really?”

 

Tumango ako, “Opo.”

 

“Then okay.. You’re my girlfriend na?”

 

“Yes, I’m your girlfriend na.”

 

 

Natahimik si Karina for a few seconds bago niya biglang hinampas yung table at tumayo. Nagulat ako dun!

 

Napatingin ako sa paligid at lahat ng tao sa loob ng kainan nakatingin na samin.

 

 

“Huy, nakakahiya ka!” Bwisit si Karina, gusto ko nalang magpakain sa lupa!

 

“I don’t care. May girlfriend na ko!”

 

“Hoy, wag mo ngang ipagsigawan!”

 

 

Hindi naman sa ayaw kong ipagmalaki niya ko pero sana hindi naman sa ganitong paraan tangina!

 

Pinuntahan niya ako at niyakap nang pagkahigpit-higpit.

 

I softened up in an instant naman and hugged her back.

 

I love this stupid woman.

 

 

“Thank you, Minjeong.”

 

“Ako yung thankful sayo, Jimin.” Narinig ko yung tawa niya malapipt sa tenga ko 

 

“You called me by my first name. What if halikan kita dito?”

 

“No one’s stopping you.” Panghahamon ko

 

“Uhm ehem. Ma’am, yung order niyo po andito na.”

 

 

Mas mabilis pa alas kwatro kung paano pumiglas si Karina sakin.

 

 

“Ay hehe. Sakin po yang Beef Quesadilla.”

 

 

Nagtama yung mga mata namin ni Karina at natawa nalang kami parehas.

 

---

 

It’s been 3 months ever since naging kami ni Karina

 

I’ve been the happiest woman during those 3 months at si Jimin ang may dahilan.

 

Wala naman nagbago samin halos, kung paano kami dati, ganun pa rin ngayon. 

 

Ang iba nga lang is may label na kami kaya pwede na gumawa ng kung ano anong kababalaghan together. 

 

Tuwang-tuwa sila Yujin nung nalaman na kami na at kasama lang namin sila mag EK last week. Si Ningning halos mabingi ako sa tili niya nung kinwento ko sa kanya yung nangyari samin ni Karina and ganun din daw si Giselle according to my jowa. 

 

Of course my parents were more than happy na malaman na kami na talaga at hindi kami nakaligtas sa pang-aasar nila Mommy at Kuya.

 

I've met Karina's parents na rin and they were so kind sakin at tinanggap ako ng buong puso. They're treating me like I'm their daughter na rin at madalas i-spoil sa kung ano anong bagay. 

 

I've met Karina's Ate na rin ang nakalibing siya sa may himlayan. Madalas kami dun pumunta to spend our time together. 

 

I've never felt so loved before. Ngayon nag-uumapaw na talaga yung love and support and I could't ask for more. 

 

Now, we’re celebrating our 3rd month together dito sa La Union. We’ve been here for over a week already and bukas uuwi na kami to prepare for college. Pareho nga pala kaming nakapasa sa UP ang kaso lang, Manila ako at Diliman si Karina but that's okay. 

 

Andito kami nakatambay sa may tabing-dagat, watching the waves in silent.

 

Kakatapos lang namin mag try mag surfing at hinihintay nalang ngayon yung sunset bago kami bumalik sa hotel namin.

 

The mood’s so romantic and comfortable.

 

Okay na sigurong sabihin ko ‘to sa kanya.

 

 

“Jimin?”

 

 

Napayuko ako. Hindi ko alam pano sasabihin sa kanya. Nahihiya ako.

 

 

“What is it?”

 

“Alam mo namang galing ako sa 8 months na relationship, diba?”

 

“Relationship na walang dinulot sayo bukod sa sakit ng ulo at heartbreaks, oo alam ko. Ano meron?” Grabeng detail naman yun. Laki talaga ng sama ng loob niya kay Doyeon

 

“Akala ko I’ll never get over that trauma.”

 

Hinawi niya ang buhok ko, “But you did, and I’m so proud of you.”

 

 

Pwede bang tigilan niya na ang kakahalik sa pisngi ko? Baka hindi na ako makapagpigil dito.

 

Lakasan mo ang loob mo, Minjeong. Importante tong sasabihin mo.

 

 

“Akala ko I’ll have a hard time falling in love or I might not love again but here I am, falling in love once again pero sa tamang tao na.”

 

 

Hindi nagsalita si Karina kaya tinignan ko na siya.

 

Her eyes are red and her tears are on the verge of falling.

 

 

“Sure ka na bang tamang tao ako?”

 

“Kahit hindi, pipilitin ko na ikaw na yun.”

 

Tumawa siya, “Ikaw bahala. Mahal kita.”

 

“I love you too, Jimin.”

 

 

I leaned in to give her a quick peck sa lips niya but Karina being Karina, held me in place and responded sa kiss.

 

Pumunta pa naman kami dito para panoorin yung sunset but who the cares about that.

 

I’d choose my girlfriend’s lips over anything in this world.

 

 

“You’re my Begin Again, Yu Jimin.” I said breathlessly when we parted

 

Karina leaned in to kissed me once again, “For someone who keeps on calling me cheesy, meron ka rin palang side nun.”

 

“Oh please, just shut up and kiss me.”

 

 

I’m so happy.

 

I’m so happy that I could cry right now.

 

Finally, nasa tamang tao na ‘ko.

 

Someone who will make me feel appreciated and loved. 

 

Yung taong priority yung happiness and yung gusto ko.

 

Yung taong ipaparamdam sakin na hindi ko kailangan magpanggap na ibang tao just to please her and that I can bare who I really am sa kanya and she will love me just the same.

 

 

“Thank you for waiting, Jimin.”

 

“You’re worth the wait, Minjeong.”

 

 

It’s a blessing to be accepted and understood, without having to compromise parts of who you are.

 

Kahit na sino pa man ang nanakit sayo noon at kahit gaano pa kalala ang trauma na naiwan sayo, merong isang tao na dadating at ibibigay sayo yung pagmamahal na deserve mong makuha. Sila yung mga taong ibibigay ang buong mundo kung kaya lang nila. 

 

You don't have to rush anything dahil hindi naman to paligsahan. 

 

Dadating din sila, gaya ng pagdating ni Jimin sa buhay ko. 

 

 

----------------------

 

Uhm end? tEka, ANG HABA NAMATAY AKO!

 

Sana sapat na to bilang pampalubag loob sa mga along katip readers ko hehe since most of you love fluff.

 

Believe me, I tried to write 3 stories nang sabay sabay but hindi talaga kaya. I’m writing along katip, this one tapos may ningselle one shot din. Nagkakagulo gulo sila sa utak ko kaya I decided na pumili nalang muna ng isang tatapusin and ito napili ko since nilamon na ko ni blondie at ayaw maalis ng plot na to sa utak ko.

 

I’ll try to write along katips na talaga if I find time since busy na sa acads ulet. Di lang halata kasi ang ingay ingay ko sa twitter HAHAHH and tbh, hindi ko na gaano maalala yung flow non kaya medyo worried ako :D feel ko kayo rin naman which is better kasi at least di niyo hinahanap-hanap.

 

Anyways, comment niyo nalang yung gusto niyong sabihin. magbabasa lang muna ako nung tinder love story huehue. check niyo rin yon! 

 

I’ll see you nalang po sa along katipunan, hopefully!

 

Ingat po lagi!!

 

*Shoutout din kay Ate!! Here’s your requested one shot na po and sana nagustuhan niyo.

 

**Feel ko kaya naman kahit wala yung pov ni Karina but I’ll try to make one kapag sinipag para malaman niyo kung paano talaga sila nagkakilala. Just don’t expect much!

 

***Parang ang bait ko na sa author’s notes. Pansin niyo? Hindi? Ok.  

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
justkarina
ayan, wala na ko utang mga beh ha. bayad na ko sa begin again 🏃‍♀️🏃‍♀️

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
531 streak #1
🌷🤍
ryujinie__
684 streak #2
Promoted yaaaayyyyyy! 🥳 Congrats <3
Psykotato #3
Chapter 3: Shutangina na love at first sight si Karina sa taong bumangga sa kaniya HAHAHAHAHAHAHA
Psykotato #4
Chapter 1: Ang sakit manalita ni Winter ako ang naaawa kay Karina😭. Hindi deserve ng kahit sino ang masanay na binabad mouth sila😭
piaexus #5
Chapter 3: i really love your writing! how you characterize winter and karina is so perfect. please keep writing because you're so talented!
TYTFshipper
257 streak #6
Chapter 3: Nagbasa pa ko ng unang chaps otor hehe 😅 pero thank you sa update 🤧🤧 and yes see you otor sa kverse! (kung magkikita man lol 😆 hahaha) pero see you sa next chap talaga sa katipunan 🥰
gonesurfin #7
Chapter 3: Otor sobrang fan mo ako nung along katipunan pa lang. salamat sa story na to. Ito yung story na nagpapatunay na love is patient 🥺
u_ujiman #8
Chapter 3: Muntik ko na makalimutan pero pagbasa ko nung unang chap, alam ko kung alin to HAHAHAHA

FINALLY POV NI KARINA whdjwjdiw cutie naman nila, when kaya /hj
Genniee #9
Chapter 3: HAY ANG GANDA PO OPO!! KINIKILIG PILIKMATA KO
><