Winter

Begin Again

It’s oficially my first day in my new school.

 

Grade 12 na ‘ko and I had to transfer pa because of some… issues.

 

My parents were against it pa nung una kasi isang taon nalang naman daw, bakit hindi ko pa pagtiisan.

 

Well, hindi ko na kayang magtiis.

 

Hindi ko ata kakayanin if makikita ko pa siya ulit araw-araw.

 

I have to distance myself away from her para sa peace of mind ko and para na rin sa puso ko.

 

Kahit naman siguro sabihin kong naka-move on na ako and naka-recover na ‘ko from what happened, iba pa rin yung makikita mo siya everyday at maaalala mo lahat nung nangyari.

 

I don’t want to go through that pain again.

 

Kaya naman I begged for my parents na mag transfer sa ibang school.

 

I transferred sa school near our neighbourhood. 15 minutes away lang naman siya mula sa bahay and kilala din naman itong school na 'to. 

 

Kaya lang naman ako nag-aral sa St. Scho kasi dun graduate si Mommy.

 

Anyways, I need to adjust na naman pala sa panibagong environment but I’m not that worried naman kahit na super introverted ako.

 

I like being alone and doing things alone.

 

It’s more peaceful that way.

 

Besides, isang taon lang naman ako dito.

 

I don’t need friends.

 

Let’s just study and try to keep a low profile para hindi maka-attract ng attention.

 

----

 

Exclusive for girls din yung nilipatan kong school and I’m thankful for that. Ayokong makipag-interact sa lalaki on a daily basis. Iniisip ko palang napapgod na ‘ko

 

It’s our homeroom period and kakatapos lang mag introduce nung adviser namin na si Ms. Sooyoung. She’s also our General Biology teacher.

 

One thing I noticed in this school is that parang lahat magaganda, no joke. 

 

Or baka bakla lang talaga ako?

 

Basta, lahat ng tumayo dun sa gitna to introduce themselves are breathtakingly beautiful.

 

Even our adviser is pretty!

 

Are you sure this is not a performing arts school?

 

 

“Karina, it’s your turn.”

 

“Ma’am but they know me already.” Ang yabang naman ng dating nun. Is she popular here?

 

“And so are your other classmates but mag introduce ka na dito, may transferee kayo.”

 

“Really? May humabol pa pala?”

 

 

Tumayo na yung ‘Karina’ and she’s so tall!

 

Her height reminds me of someone I don’t want to remember.

 

Tumayo na si Karina sa center and I was surprised when she faced us.

 

She’s so pretty! I don't want to compare no pero I think siya yung pinakamaganda dito sa section na 'to.

 

She has sharp features that made her look cold for a second pero the moment she smiled, parang nahiya nalang yung araw sa sobrang liwanag nito.

 

Look at those adorable dimples and that oh so attractive mole near her lips.

 

How can someone be this pretty?

 

Sure na ba talaga silang hindi performing arts school to o kaya star magic workshop?!

 

 

“Hi everyone, my name’s Yu Jimin but people call me Karina. I’m 19 years old and masyado ako maraming hobbies kaya aabutin tayo ng next subject kapag inisa-isa ko pa.”

 

 

She knows how to talk din confidently and naturally.

 

Standing in front of a crowd doesn’t bother her, parang nakikipag-usap lang sya sa close friends nya.

 

She exudes a very friendly vibe.

 

It reminds me of Ningning, my friend from St. Scho.

 

 

“Then tell me your likes and dislikes nalang.”

 

 

Ms. Sooyoung loves asking random questions talaga samin kaya kinakabahan sa ako kung ano itatanong niya sakin at magkalat pa ako sa harap.

 

 

Karina pondered for a while and there’s something attractive about it, “Ms. wala akong ibang maisip, kasi I always try to like things kahit na ayaw ko naman talaga. It’s more fun and peaceful that way.”

 

 

I guess parehas kami in that aspect, except dun sa she finds it fun that way.

 

I used to be like that, yung mag-aadjust sa gusto ng mga tao at isinasantabi kung ano ba talaga yung gusto ko.

 

Hindi maganda yung ganyang ugali kasi it will only backfire sayo.

 

I hope Karina knows that and sana hindi siya lagi mag adjust para sa ibang tao.

 

It’s only peaceful sa simula.

 

 

“For my likes, I think automatic naman na gusto ko ang taekwondo, swimming, pag-piano, pagkanta at pagsayaw.”

 

 

So not only she’s pretty, she’s also talented din.

 

Sana all.

 

 

“And…”

 

 

There was a slight pause, luminga-linga siya na para bang may hinahanap sa room.

 

Wait, is she looking at me ba?

 

Yes, she is looking at me!

 

Napaiwas naman ako ng tingin kasi I just find it uncomfortable? She’s smirking at me pa.

 

Parang may gagawin syang hindi ko ikatutuwa.

 

 

“I like that short haired girl with bangs. She’s so pretty.” She even pointed confidently at me

 

 

What the hell.

 

Lord, alam kong sinabi ko kanina na ayaw ko magkaroon ng kaibigan pero bakit mo naman ako bibigyan ng mas annoying pa dun?

 

I could feel my cheeks heating up while my classmates stared at me like I’m the most interesting person in this planet!

 

I could only hide myself sa panyo ko at tinignan siya nang masama.

 

What is wrong with her?!

 

 

“Are you single?”

 

 

Oh my God, hindi pa rin ba sya tapos?!

 

Hindi ko siya pinansin at tumingin lang sa binder kong walang sulat.

 

Maaramdam ka naman sana!

 

 

“Ms. Soo, siya ba yung transferee?”

 

“Yes, she is. Unang araw pa lang but she’s already traumatized sayo.” Tama!

 

“Grabe ka ma’am! I just want to appreciate her beauty.”

 

 

Then appreciate it silently?! Why announce it to the whole world?!

 

Hindi na nga nila ako pinapansin kanina pero ngayong pinoint out mo ‘ko, nasa ‘kin na yung attention nila!

 

 

“Go back to your seat na nga baka ano pa ang masabi mo.” Buti pa si ma’am marunong makaramdam “Transferee, it’s your turn na.”

 

 

Or not.

 

Talaga bang kasunod pa ‘ko nung tao na yun?!

 

Ayoko namang umangal dahil wala rin akong guts to do that kaya tumayo nalang ako.

 

I can still feel my face heating up dahil sa sinabi ni Karina kanina.

 

Nagkasalubong pa kaming dalawa sa aisle andhindi ko kinalimutang tignan siya ng masama.

 

Pero si Karina, parang on default na yung annoying smile sa mukha niya and even dared to pat my shoulders.

 

Ang kapal ng mukha ng taong ‘to.

 

Hindi ba siya aware sa kahihiyan na binigay niya sakin?!

 

Okay, kalma.

 

Wag mo na dagdagan yung kahihiyan ngayong araw at ayusin nalang yung pag-introduce mo sa sarili mo.

 

Make it as short as possible.

 

I took a deep breath before facing my classmates.

 

I really hate this. I hate speaking in front of a large crowd.

 

Hindi pa nakatulong yung sinabi ni Karina kaya naman yung attention nila mas dumoble sakin.

 

Ugh.

 

 

“Hi, my name’s Kim Minjeong but you can call me Winter. I’m 18 years old and I’m from St. Scho manila.”

 

“Oh, ang layo nun dito ha. Why did you transfer?”

 

 

I kinda guessed it noon pa na itatanong nila yan kaya I found the perfect alibi.

 

I can’t go around telling people that I broke up with my ex-girlfriend and seeing her face brings me back all the bad memories and traumas, diba?

 

Hindi naman nila kailangan malaman yun.

 

 

“Lumipat po kami ng bahay near our school po kaya my parents decided na dito nalang ako mag study para po hindi hassle bumyahe.”

 

 

I’m such a good liar.

 

Simula pinanganak ako, hindi naman kami lumipat ng bahay.

 

 

“I see. This is a good school na rin naman kaya I hope you’ll enjoy your stay here, Winter.”

 

“Thank you, Miss Sooyoung.”

 

 

Thank God wala na ata syang pahabol question gaya nung mga ginawa niya sa ibang students.

 

 

“Wait—“

 

 

Ang aga ko ata masyado mag-celebrate.

 

 

“What’s your response pala sa sinabi ni Karina?”

 

 

Gusto ko nalang magwala, sa totoo lang.

 

Parang pinagkaisahan pa nila ako dito!

 

Whatever.

 

Tapusin na agad natin ‘to.

 

If hindi ko rin naman sya sasagutin nang maayos feel ko hindi niya ‘ko tatantanan.

 

I mustered up my courage and looked at Karina who’s looking back at me with a hopeful gaze.

 

What’s with that hopeful gaze?

 

Disgusting.

 

 

“I am single but I’m not interested in you so kung pwede, stop making me feel uncomfortable.”

 

“Oooohhhh”

 

 

Hindi ko na pinansin yung hiyawan nung mga classmates ko at bumalik na sa table ko.

 

I kind of expected na maiinis sya or mapapahiya but parang natatawa pa siya.

 

Somehow, hindi ko gusto yung reaction nya na yun.

 

My guts is telling me that my life’s about to become noisy once again.

 

 

----

 

 

Hindi na masama ang canteen nila, mas malaki yung sa St. Scho but hindi naman sobrang liit yung dito.

 

Okay na rin since airconditioned and hindi sabay sabay yung kain per year level kaya medyo peaceful. Hindi siya parang may giyera tuwing break time.

 

Binili ko is Bicol Express for my lunch tapos nag water nalang ako.

 

Naupo ako sa bandang dulo and gilid para hindi masyadong nadadaanan and napapansin ng tao.

 

I haven’t made friends yet and I’m not planning to nga.

 

Acquaintances are enough siguro para sa group projects.

 

Isang taon lang naman ako dito, why bother?

 

May mga nagpakilala na sakin kanina and tried asking me to join them sa lunch but I respectfully declined them.

 

They’re respectful enough to leave me alone.

 

Except for this one person.

 

 

“Hi, Kim Minjeong!” Bati sakin ni Karina sabay lapag ng plato niya sa table. Gusto pa ata ako sabayan mag-lunch

 

“Wag ka dito.” Parang wala siyang narinig kasi umupo pa siya sa tapat ko

 

“Batas ka? Gusto ko dito kumain.”

 

“Ang daming bakante na table oh.” Sabi ko pa

 

“Ayoko nga, gusto ko dito.”

 

 

Gusto niya dito?

 

Fine, edi ako ang aalis.

 

Tumayo ako at lumipat sa kabilang table na bakante.

 

That’s enough naman na no para malaman nyang ayoko nga syang kasama.

 

 

“Minjeong naman, gusto nga kita makasama kumain.”

 

Hindi ako nagpatinag, “Ako ayoko.”

 

“Sama ng ugali, magtatampo na ‘ko sige.”

 

 

I scoffed at that.

 

Edi magtampo ka? Pake ko sayo.

 

I gave her a quick glance and she really is pouting tapos naka cross arms pa.

 

Para siyang bata.

 

She mentioned na 19 years old na siya kanina diba? So mas matanda siya pero sya yung mukhang mas bata saming dalawa.

 

Pambihira.

 

Akala ko naman lulubayan niya na talaga ako pero nakakatatlong subo palang ata ako, umupo na naman siya sa tapat ko.

 

Tinungga ko muna yung tubig bago siya tignan nang masama.

 

 

“Get the hell out of my sight. You’re so annoying.”

 

 

Hindi ba tumatalab sa kanya ang maayos na paki-usap? Fine, magiging marahas na ‘ko.

 

 

“Sakit mo magsalita, Minjeong.” Wait, why the hell is she calling me Minjeong ba? Hindi naman kami close

 

“Stop calling me Minjeong, we’re not close.”

 

“Magiging close rin tayo in the future.”

 

I rolled my eyes, “There’s no way it would happen.”

 

She chuckled, “Ayaw na ayaw mo talaga sakin no?”

 

“Isn’t it obvious?”

 

“Pano ba yan eh I like you?”

 

 

I was taken aback.

 

She’s so direct. Natameme ako.

 

Hindi ko alam ire-react ko kaya binato ko nalang siya nung bottled water ko.

 

 

“I-I don’t care. Basta ayoko sayo.”

 

“I’m really stubborn so I suggest that hayaan mo nalang ako.”

 

“I don’t want to, aabusuhin mo lang ako.” Pagod na pagod na ‘kong maabuso

 

“Bahala ka. Hayaan mo man ako o hindi, wala namang magbabago.”

 

“You’re so shameless.”

 

Natawa siya, “Alam ko.”

 

 

Proud pa siya ha!

 

Tch.

 

Hayaan ko na nga lang.

 

Magsasayang lang ako ng laway kakataboy sa taong ‘to.

 

Nagpanggap nalang ako na walang kasamang kumain.

 

 

---

 

Sumakit yung ulo ko after lunch.

 

Sobrang daldal ni Karina!

 

Kahit na pinapakita ko na sa kanya na wala akong pake, salita pa rin nang salita.

 

She’s talking about this stray cat near their neighbourhood na lagi niyang dinadaanan pag-uuwi.

 

Hindi niya daw madala sa bahay kasi allergic yung kapatid niya sa fur kaya nakikipaglaro nalang sa kalsada.

 

She even showed me scratches na nakuha nya sa mga stray cats eh.

 

Medyo marami sa kamay nya at kitang kita dahil nga ang puti niya.

 

I’m not fond of cats for that exact reason.

 

Mahilig sila mangalmot and if mamalasin ka, makakagat ka pa.

 

I’m more of a dog person and we have 3 dogs sa bahay.

 

Wait lang ha, in my defense, kahit na ayaw kong pakinggan yung sinasabi ni Karina, sadyang naririnig ko! I have ears!

 

Naiwan ko kasi yung airpods ko sa room but I’ll be sure to bring it tomorrow. Nararamdaman kong hindi niya ako tatantanan hanggang bukas.

 

Sabay rin kami bumalik sa room and parang kakandidatong mayor yung datingan ni Karina.

 

Lahat kasi ng nakakasalubong namin nginingitian niya or kinakawayan.

 

Minsan nga bumebeso pa.

 

Kahit yung mga employees and teachers, binabati niya gosh.

 

I don’t like to be around someone na laging nasa center of attention kasi madadamay ako naturally.

 

The more people na kilala ka, mas iingay mundo mo.

 

 

“Minjeong—“

 

“Winter.” Pagco-correct ko

 

“Okay Minjeong, so anong sasalihan mong club?” Hindi talaga siya marunong making no?

 

“Is that required?”

 

“Yup!”

 

“What are you part of ba?” I asked. Gusto ko malaman para maiwasan yun

 

Uyyy, interested siya.” Panunukso niya sakin na inirapan ko nalang

 

“I’m not. Just answer my question.”

 

“Taekwondo and Dance Club! Minsan tumutulong ako sa Choir lalo na kapag may misa, I play piano.”

 

 

Ang dami niyang clubs???

 

I want to ask kung pano niya nakakaya lahat yun kaso baka isipin niya pang interested ako sa kanya.

 

Di bale nalang.

 

 

“Okay.”

 

“So saan ka sasali?” Tanong niya ulit

 

“Hindi mo kailangan malaman.”

 

“Sungit!”

 

 

Hindi ko na siya pinansin at pumasok na sa room namin.

 

---

 

Wala naman masyadong ginawa today, puro orientation and walang kamatayang introduce yourself.

 

1st day pa lang naman kaya medyo chill pa.

 

Naririnig ko rin yung mga classmates ko na nagyayaya agad gumala sa nearby malls since wala pa namang pinapagawa.

 

Ininvite ako ni Yujin, yung seatmate ko, na gumala daw kasama yung friends nyang sila Wonyoung and Minju.

 

Mukhang gusto nila ako i-adopt sa squad nila kasi kanina pa nila ako ina-approach.

 

Ako naman, I respectfully declined their invitation.

 

Wala namang mali sa kanila, they look kind pa nga pero sadyang ayoko lang talagang maging involved sa kahit na sino.

 

Mas gugustuhin ko pang magpahinga nalang sa bahay instead of hanging out with anyone.

 

 

“Kim Minjeong!!”

 

 

Well, may isang hindi nga lang marunong talaga makiramdam.

 

Hindi ko siya pinansin at sinuot nalang yung bag para makaalis na ako ng room.

 

Ano na naman bang pamemeste ang gagawin nito?

 

First day palang pero yung stress levels ko sa kanya nag-uumapaw na!

 

 

“Minjeong, uy!”

 

“Stop calling me Minjeong!” Inis na sabi ko sa kanya

 

“Okay, Minjeong,” Napabuntong hininga nalang ako. Ang kulit!! “Uuwi ka na?”

 

“Isn’t it obvious?”

 

 

Wait..

 

Don’t tell me hanggang sa pag-uwi guguluhin niya ko ha? Hindi ako papayag!!

 

 

“Karina—“

 

“Uy, binanggit niya rin name ko. What do you want?” Annoying.

 

“Wag kang magtatangkang samahan pa ko pauwi ha? Sinasabi ko sayo.”

 

Naramdaman ko naman yung mahina niyang pagtulak niya sakin, “Ang assuming mo naman.”

 

“Hindi ako assuming!” TInulak ko siya nang mas malakas at muntik pa siyang ma-out of balance dahil dun. Deserve naman.

 

“Makatulak naman ‘to!”

 

“You started it.”

 

“Ayaw patalo.”

 

“I always return the favor.”

 

“Pinaganda mo pa. Ang sabihin mo mapaghiganti ka lang talaga.”

 

“Whatever you say.”

 

 

Wait. Nililigaw ng bwisit na ‘to ang usapan ha!

 

I was about to speak when she beat me to it.

 

 

“Ops, hindi kita susundan hanggang sa pag-uwi. May aasikasuhin pa ‘ko sa club. Samahan lang kita hanggang sa gate.”

 

“Wala pa nga akong sinasabi at wala akong pake sa gusto mong gawin.” Sabi ko nalang para hindi mapahiya

 

“Kinda guessed what you’ll say. Mali ba 'ko?”

 

I paused, “..Tama naman.”

 

 

Yeah, parang labag pa sa loob ko yung pag acknowledge na tama siya.

 

 

“That can only mean na mas naging close na tayo agad in a short time.”

 

Tinignan ko siya nang masama, “Pinagsasabi mo? We’re not! And we will never be close.”

 

“Sus, wag ka magsalita ng tapos, Minjeong.” Pabiro niya pa akong tinusok sa balikat and I have this urge na baliin yang daliri niyang yan pag inulit niya pa

 

“Wag mo kong hamunin kasi I’m a woman of my word.”

 

“Let’s see.”

 

 

Why is she challenging me? Akala niya ba hindi ko kaya?

 

First day pa lang kaya annoyed na ‘ko sa kanya. What makes her think na nagbabago yun sa mga susunod na araw lalo na kung hindi niya ‘ko tatantanan?

 

 

“Hanggang dito nalang ako.”

 

 

Why does that sound so dramatic?

 

Andito na pala kami sa gate.

 

 

“Ingat ka pag-uwi, Minjeong.” 

 

“Winter.” Pagtatama ko

 

“Yes, Minjeong. Ingat ka sa pagtawid ha, lagi kang dun sa pedestrian lane para kahit mabangga ka wala kang kasalanan.” Karina gave me one final wave bago naglakad papasok ulit sa campus

 

 

Akala niya ba hindi ko yun alam?

 

Ginagawa naman akong bata nito!

 

 

---

 

As expected, hindi lang pang unang araw ang pamemeste sakin ni Karina.

 

Nakita ko kasi siya nakaupo dun sa waiting area malapit sa entrance ng school at may hawak pa syang dalawang cup na hula ko ay coffee.

 

Aga aga, mukha niya una kong makikita sa school.

 

Parang gusto ko nalang umuwi.

 

Ano ba namang pagsubok ‘tong binigay mo, Lord?

 

Kagabi ko pa iniisip na she’s weird.

 

Very weird.

 

Sige, I do get that I am pretty. Pero I don’t think that’s enough para maging ganito siya ka-attach sakin? Why is she so persistent din ba sa panggugulo sakin?

 

Haven’t I made myself clear na ayaw ko nga?

 

 

“Good morning, Kim Minjeong.”

 

“Walang good sa morning lalo na kung yung mukha mo yung makikita ko.”

 

Napahawak siya sa chest niya and gave me a dramatic expression, “Ang sakit naman nun!”

 

“Kung nasaktan ka edi lumayo ka na sakin.”

 

“Okay lang masaktan basta sayo.”

 

 

I scoffed.

 

It feels foreign na marinig sa ibang tao kasi ako madalas magsabi niyan and sobrang nakaka-cringe pala.

 

Did I really say that to her?

 

Nakakadiring past.

 

 

“Anyways, do you drink coffee ba in the morning of you prefer hot chocolate?” Tanong niya sakin

 

“I don’t drink anything sa umaga, sumasakit tummy ko.”

 

“Noted. Inumin ko nalang ‘tong dalawa.”

 

 

So para nga sakin yung binili niya.

 

Teka, anong sabi niya? Iinumin niya yung dalawang yun?

 

Hibang na ba siya?

 

 

“Ang lalaki ng sizes niyan, bakit ikaw lang mag-isa iinom?”

 

“Ayaw mo eh.”

 

“Gini-guilt trip mo ba ‘ko?” I asked her suspiciously pero nakakuha ako ng pitik sa noo?! Ginantihan ko nga nang mas malakas.

 

Hawak hawak niya yung noo niyang kakapitik ko lang at sinabing, “Bakit, pinilit ba kita? Hindi naman, diba?”

 

 

Totoo naman.

 

Pero ayoko aminin na may point siya.

 

 

“Ang akin lang bakit ikaw lang iinom? Pwede mo naman i-share isa iba. Yung tunog mo kasi parang you’re lowkey begging me to drink it din eh.”

 

“Hoy ang kapal mo rin no.” Natatawa niyang sabi, “Hindi nga kita pinipilit, gusto ko ako lang iinom kasi sayo ko naman to binili hindi para sa kanila. Swerte naman nila para makakuha ng libre sakin.”

 

 

Hindi ko alam kung madamot ba siya or what.

 

Medyo may mali sa pag-iisip ni Karina.

 

 

“Tsaka, don’t worry hindi naman na kita dadalhan ulit bukas. It’s my fault din naman na binilhan kita without asking kung gusto mo ba talaga. Hayaan mo na ‘kong mag-suffer sa katangahang ginawa ko.

 

 

May mali nga sa pag-iisip ng taong to, sure na.

 

 

“Ewan ko sayo.”

 

“Ewan ko rin sakin.” See? Pati sarili niya hindi nya maintindihan

 

“Wag mo na nga akong guluhin, nakakasira ka ng araw eh.”

 

Tumawa siya, “Talas talaga ng dila mo.”

 

“Deserve mo naman.”

 

“Sure, tatanggapin ko lahat basta galing sayo.”

 

“Weird mo.”

 

“I get that a lot.”

 

 

You’re supposed to get offended?? Bakit parang nag-eenjoy ka pa??

 

 

“I’m serious, Karina. Sobrang naiirita ako sayo.”

 

“Irita well nalang siguro, Minjeong.”

 

“Winter.” Pagco-correct ko

 

“Yeah sure, Minjeong.”

 

 

Wala ata akong laban sa taong to.

 

Sobrang stubborn!!

 

Anong pagmamaldita pa ba ang gusto niya para lubayan niya na ‘ko?

 

 

 

----

 

Nandito kami ngayon sa canteen and this time dinala ko na yung airpods ko and blasted loud music habang kumakain.

 

Si Karina andito na naman sa tapat ko pero I made sure na hindi ko siya katapat directly.

 

Ang sabi ko kung gusto niya ko makasama sa iisang table, 3 chairs away dapat siya mula sa tapat ko.

 

Ginawa niya nga.

 

Ang nakakahiya nga lang is hindi siya tumitigil sa pagkwento kahit na alam niyang naka-airpods ako.

 

At mas dagdag kahihiyan pa is malakas yung boses niya dahil nga magkalayo kami.

 

Walang pake talaga ‘tong tao na ‘to no? Gagawin niya talaga kung anong trip niya.

 

Hindi ko na kaya.

 

2nd day palang pero parang masisiraan na ‘ko ng bait.

 

Tinanggal ko yung airpods ko at tinignan siya nang masama.

 

 

“…..Lagi akong binubungangaan ni Ate kasi bakit daw ba yung allowance ko napupunta lang sa pagkain ng pusa tas sa mga larua—“

 

 

“Karina Yu.” Tawag ko sa kanya causing her to pause.

 

“Yes?”

 

“What do you want from me?”

 

“Huh?”

 

 

Inisip ko na ‘to kanina eh.

 

Why is this girl so persistent sakin?

 

May kailangan ba siya?

 

I’m sure meron eh.

 

Ano ba gusto niyang makuha sakin?

 

Kasi kung wala, hindi siya magtatagal.

 

Harap-harapan ko na siyang pinagsasalitaan ng hindi maganda.

 

Hindi naman siguro siya bato para hindi masaktan.

 

Kaya I’m sure may reason yan kung bakit pinagtitiisan niya ‘ko.

 

 

“Sabihin mo kung anong gusto mo makuha sakin nang matapos na ‘tong kahibangan mo. Hindi na nakakatuwa. Ano bang trip mo sakin?”

 

“San naman nanggaling yan?” She’s taken aback. Tch. Ito lang pala ang makakasira sa demeanor niya

 

“Ano bang pakay mo sakin bat mo ginagawa lahat ‘to?”

 

“Hmm.” Nag act siya na parang nag-iisip at feeling ko inaasar niya lang ako kaya mas nainis ako

 

“Karina!”

 

“Yes?!” She answered back in surprise, “Makasigaw naman ‘to!”

 

“Seryosohin mo kasi ako, putangina naman eh!”

 

 

Hindi sumagot si Karina at halatang nagulat.

 

Wait.

 

Something’s odd.

 

Bakit ang tahimik bigla?

 

Napatingin ako sa paligid at lahat sila nakatingin sa direction namin.

 

Oh my God.

 

Napalakas ba sobra yung pagmumura ko?!

 

Catholic school pa naman ‘to, naman.

 

 

“Miss Kim.”

 

 

Ito na nga ba ang sinasabi ko!

 

May isang madre na lumapit sakin kaya napatayo ako at yumuko.

 

 

“That behaviour of yours is not acceptable sa school natin, I’m sure you know that.”

 

“Yes po, sister.”

 

“Go to the prefect of discipline after eating your lunch.”

 

“Yes po.”

 

 

Umalis na yung madre at ako naman ay naiwang nanlulumo dun.

 

 

“Pfft.”

 

 

Tinignan ko nang masama si Karina na ngayon ay nagpipigil ng tawa.

 

Sinubukan ko siyang sipain kaso ang layo niya masyado sakin.

 

 

“Tangina mo.” Pero pabulong nalang

 

“Ang cute mo magmura, Minjeong.”

 

Inirapan ko siya, “Ikaw dapat ang na-POD hindi ako.”

 

“Hindi naman ako yung nagmura, ikaw naman.” Nakakainis kasi tama naman siya

 

“Sa tingin mo bak—ehem, sa tingin mo bakit kita mumurahin? You were being so annoying kaya.” I almost shouted again, buti napigilan ko ang sarili ko

 

“Bakit parang kasalanan ko? Ikaw yung biglang nagtatanong ng weird questions bigla diyan.”

 

“Weird questions? You call that weird questions? Masisiraan na kaya ako ng bait!”

 

Tumawa ulit siya, “Kalma, baka lapitan ka na naman ni sister.”

 

“Just answer my question.”

 

“What if ubusin mo muna yung kinakain mo?” turo niya dun sa plate ko na halos hindi ko nagalaw

 

“Sa tingin mo may gana pa ‘ko? Na-POD kaya ako! 2nd day pa lang ng klase, grabe.”

 

“Whose fault?”

 

“Yours.”

 

 

Tumawa na naman siya. She’s enjoying this no?

 

She enjoy seeing me suffer.

 

 

“Anyways, stop asking me weird questions. Anong pakay ko sayo? Kailangan ba meron?”

 

“If wala bakit ka ganito sakin? Kakakilala pa lang natin. Alam kong maganda ako and probably na love at first sight ka—“ Hindi ko na natuloy yung gusto kong sabihin kasi biglang tumawa nang malakas si Karina

 

“Ang hangin mo ha!”

 

“That’s the only reason na naiisip ko, shut up.”

 

“Don’t think too much, Winter. The answer’s simple.”

 

Bigla naman akong kinabahan sa biglaan nyang pag shift ng character, “Ano?”

 

“I just want to be with you, that’s all.”

 

 

She said that with a bright smile.

 

Why does she sound so sincere nung sinabi niya yun?

 

It’s impossible not to feel at least a tiny bit from that.

 

I hate it.

 

No, words can be deceiving.

 

Wag kang magpapadala sa sinabi niya, Winter.

 

Words are scary kasi napakadali lang nun sabihin pero sobrang hirap panindigan.

 

What makes it more scary is kahit na alam mong may chance na hindi yun totoo, maniniwala ka pa rin.

 

No, nagbago na ‘ko. Hindi na ‘ko magpapadala sa mga matatamis na salita.

 

I’ve been there and what did I get in return? A heartbreak.

 

I don’t want to go through it again.

 

----

 

Can this day get any worse?

 

Hindi naman ako nabungangaan sa POD but still, irerecord nila yun.

 

Malinis kaya ang records ko! Ni hindi nga ako napapatawag sa guidance and POD sa dati kong school but nagawa ko ngayong 2nd day of classes pa lang.

 

It’s all because of that Karina Yu!

 

Tapos yung sagot niya pa kanina.

 

I just want to be with you, that’s all.

 

Sinong niloloko niya?

 

Kung akala niya tanga ako at maniniwala diyan, nagkakamali siya.

 

Aalamin ko talaga kung anong pakay sakin ng taong yan.

 

But kailangan ko na munang pumasok sa klase ‘ko. I’ll deal with it later.

 

I’m 15 minutes late na sa PerDev, jusko.

 

Pano kasi masyadong natuwa si Sir sermunan ako kaya hindi niya napapansing sumobra na kami sa lunch break.

 

Nagpaalam na ‘ko kay Sir after niyang pirmahan yung excuse slip ko.

 

Confident naman akong hindi magmumura basta hindi ko makikita ang Karina na yun.

 

Lumabas na ‘ko sa office at dun palang ako nakahinga nang maluwag.

 

Para akong masu-suffocate sa loob kahit na mabait naman si Sir Kyuhyun.

 

 

“Tagal mo.”

 

“Put—“ agad kong tinakpan yung bibig ko dahil muntikan na naman akong magmura

 

“Oh, magmumura na naman yan.”

 

“Ikaw kasi, bakit ka ba nanggugulat?” Syempre, I didn’t miss the chance to slap her back

 

“Ikaw, bakit ka nananakit? Hampasin kita pabalik dyan eh.”

 

“Gawa!” Hamon ko sa kanya

 

“Next time na. Pasok na muna tayo.”

 

 

Hinintay niya ba ‘ko?

 

 

“Oo, hinintay kita.”

 

 

Did I just say that out loud?!

 

 

“You don’t have to.”

 

“I want to.”

 

“Nag-iisip ka ba? Late ka na kaya! Ako excused, ikaw hindi.”

 

“Yiee, worried siya sakin.” Pang-aasar niya pa

 

“Asa. Wala akong pake kahit ma kick out ka pa ngayon.”

 

“Tsundere mo naman.”

 

Tinignan ko siya nang masama, “I know what that means and hindi ako tsundere. Sadyang ayaw ko lang sayo.”

 

“Okay lang, ako gusto kita.”

 

 

Napatigil ako dun.

 

Why is she so direct?

 

 

“W-Wala akong pake. Lumayo-layo ka nga sakin.”

 

“Ayoko nga.” Talagang mas lumapit pa siya sakin kaya naman tinulak ko siya nang malakas palayo

 

“Take 10 steps back, kung ayaw mong masipa kita.”

 

“Mapanakit ka talaga.”

 

“Gusto mo masampolan?”

 

“Wag na, baka gantihan kita at umiyak ka pa.”

 

 

Ginagago lang talaga ako ni Karina.

 

Kung gusto niya ako bakit ganito siya sakin?

 

Yung taong gusto mo gagantihan mo? Walang kalambing lambing amp.

 

Hindi ba’t taekwondo player siya? What if mamatay ako pag sinipa niya ko?!

 

Can’t she be gentle? Halatang hindi marunong kung pano ang dapat na pagtrato sa babae.

 

Wait.

 

Hindi ko hinihiniling na maging ganun siya sakin! Kilabutan naman ako, please.

 

Ang akin lang, hindi ko makita yung part na gusto niya ko.

 

Feel ko trip niya lang talaga ako.

 

Nag-eenjoy ba sya sa reactions ko? I heard from Ningning before na kaya ako nakakatuwa asarin dahil sa reactions na binibigay ko.

 

Tama.

 

Yun siguro yung dahilan.

 

Hindi ko rin alam bakit ko pa ba pinapatulan yung pangyayamot ni Karina.

 

I could just ignore her, siya rin naman ang mapapagod.

 

Gusto niya ‘ko?

 

Fine then.

 

Basta ako hindi ko siya gusto.

 

Wala siyang mapapala sakin.

 

---

 

A week has passed.

 

Ang bilis ng panahon at parang kasing bilis magpalit ng araw yung pagkayamot ko.

 

I try to keep it all in no.

 

Hindi ko na nga pinapansin si Karina.

 

Kung bumuntot siya edi go.

 

Magsalita siya, wala akong pake.

 

As in hindi ko na nga pinapansin yung buong existence niya pero may sapak talaga to sa utak.

 

Hindi siya normal.

 

Imagine, iniignore ko na yung presence niya for the whole week pero parang bato ang tao na ‘to.

 

Hindi lang man sya affected!

 

Parang wala lang talaga sa kanya!!

 

Hindi siya nagbabago.

 

Inaabangan niya na ko lagi sa gate tuwing umaga tapos sabay kaming papasok sa room.

 

Hindi na nga siya nagdala ng coffee gaya ng sinabi niya noon pero lagi siyang may dalang lollipop at lagi niya akong inaalok nun which is lagi ko namang tinatanggihan kahit na favorite ko yun.

 

Pag recess lang ata ako nakakahinga kasi hindi naman ako kumakain sa recess, laging tuwing lunch break na. 2 hours lang naman yung pagitan.

 

Pag recess laging nasa labas si Karina at hindi ko alam ang ginagawa niya dun. Wala rin akong pakialam.

 

Tapos tuwing lunch sabay kami kumain (labag sa loob ko) at nagkikwento pa rin siya about sa kung ano anong bagay na hindi ko naman naririnig dahil naka airpods ako.

 

Tuwing uwian, ihahatid niya ko hanggang sa gate tapos pupunta na siya sa kung saan.

 

Kung hindi weird yung set up namin, hindi ko alam kung anong tawag diyan.

 

Kung sakin gagawin ni Karina yung mga ginagawa ko sa kanya, sobrang ma-ooffend ako.

 

Alam mo na ngang nakaka-offend, bakit ginagawa mo pa rin?

 

Shut up, konsensya!

 

Ilang beses ko na sinabing ayaw ko nga sa kanya pero hindi naman siya nakikinig.

 

Ginusto niya yan kaya deserve niya yan.

 

Hindi ako anghel para i-entertain siya dahil lang sa naaawa ako.

 

Tapos na ako sa phase kong pipiliin yung happiness ng ibang tao at hindi yun akin.

 

I need to protect my peace.

 

Yung peace na parang hindi ko ata makukuha dahil sa kakulitan niya.

 

Basta, she’s weird. Hindi siya normal.

 

Hindi siya nagagalit sakin at hinahayaan niya lang akong bastusin siya ng ganun.

 

Ako na nga lang minsan yung napapagod!

 

Parang mas affected pa ako kesa sa kanya and dun ako mas nababaliw.

 

Hindi ko na alam kung panong pantataboy pa ba ang kailangan kong gawin para lang lubayan na ko ng tao na ‘to.

 

 

“Winter, anong club yung balak mong salihan?” Tanong ng seatmate ko na si Yujin. She’s a nice girl

 

“Wala pa ‘kong naiisip, ikaw ba?”

 

“Dance club ulit. Sali ka dun, masaya naman.” Dance club? Nabanggit nung anino ko (Karina) na member din siya ng dance club

 

“Pag-isipan ko pa.”

 

“Si Minju choir yun, if interested ka sabihan mo lang siya.” Tinignan ko si Minju who smiled in return

 

 

Choir? Diba minsan tumatambay din dun si Karina?

 

Why is she everywhere?

 

 

“’Til when ba pwede mag-register sa clubs?”

 

“Hanggang bukas nalang yung mga clubs na need ng auditions and try outs tapos hanggang next week thursday yung acad related.” Sagot ni Yujin

 

“Okay, thank you.”

 

 

Acad related clubs? Mas maganda sana yun kasi wala nang hassle but medyo nakaka-boring.

 

Pag nag sports naman ako, kakainin nung training yung time ko sa acads. Grade 12 na ‘ko, dapat sa acads na ‘ko mag focus.

 

Ayoko naman sumali sa student council dahil hindi ako leader material, baka iyakan ko lang sila dun.

 

Pero member ako ng choir sa dati kong school and nagdadalawang isip pa ‘ko kung sasali ako ulit.

 

Naiisip ko kasi si Karina. Ayoko namang kahit dun ay pestehin niya ‘ko.

 

But she did say na tumutulong lang siya dun tuwing may mass.

 

Does that mean hindi talaga siya tumatambay dun kapag practice?

 

I mean, meron siyang other 2 clubs.

 

Taekwondo and Dance club, diba?

 

Kahit dalawa na yung clubs niya parang hindi pa rin sapat yun para maubos ang energy niya kasi lagi niya pa rin akong ginugulo.

 

Wag ko na nga muna siya isipin, isipin ko muna kung saang club ako magreregister!

 

 

“Minju...” Nahihiya kong tawag

 

“Yes?”

 

“Kapag ba may practice kayo sa choir andun lagi si Karina? Ayaw ko sana siyang makita eh”

 

 

Lahat silang magkakaibigan napatingin sakin at parang ni-regret ko na nagtanong ako.

 

Did I say something wrong?!

 

 

“Is Ate Karina bothering you that much?” Tanong ni Wonyoung

 

 

Kung alam mo lang teh!

 

Tsaka, Ate?

 

 

Tumango ako, “Yes, medyo nasi-stress ako sa kanya these past few days. Hindi siya nakikinig kahit na anong sabihin ko.”

 

“I’ve heard that na POD ka pa last week because of Ate Karina.” Sabi naman ni Minju

 

“Sorry, hindi ka namin matutulungan diyan. Hindi kasi namin ka-batch si Ate Karina and hindi kami ganun ka-close sa kanya.” Dagdag pa ni Yujin

 

 

Wait, hindi namin ka-batch si Ate Karina? I mean si Karina?

 

Tangina why am I suddenly calling her Ate?

 

Akala ko mas matanda lang siya talaga samin pero ka-batch pa rin namin.

 

 

“Hindi daw talaga marunong making si Ate Karina kahit dati pa, sobrang stubborn niya pag may gusto siyang gawin kasi hindi talaga nagpapapigil. Kay Ate Giselle lang siya nakikinig but malas mo lang, college na si Ate Giselle kaya wala nang pumipigil kay Ate Karina ngayon.”

 

 

Ate Giselle kung nasaan at kung sino ka man, save me!!

 

 

“It seems like Ate Karina really likes you. Never naman siya naging ganito sa isang tao.” Dapat ba ‘kong mauwa diyan?

 

“But I don’t like her talaga. Hindi ko na alam kung paano ko siya itataboy.”


“Malas mo nga lang talaga, Winter. Mukhang hindi mo basta basta mapupush si Ate Karina.”
Alam ko na yan, kaya nga gusto ko nalang umiyak

 

“Pero to answer your question kanina, hindi naman siya laging nasa practice. Sumasama lang sya one day before the mass.”

 

“Really?” Mukhang nakahanap na ako ng club na sasalihan

 

“Yup! Kaya if interested ka, sasamahan na kita mamaya mag register and audition.”

 

“Sure, let’s do that.”

 

 

---

 

 

“Narinig kong may audition ka ngayon ah?” Sino pa ba? Edi si Karina

 

 

Naglalakad na kami papunta sa auditorium, kasama namin si Minju.

 

 

“Konti nalang iisipin ko na stalker kita.” Pang-aakusa ‘ko

 

“Sa ganda kong to, ako pa magiging stalker?” ang hangin!!

 

“Panget mo, tanga.”

 

“Minju!! Panget ba ko?” Tignan mo ‘tong tao na ‘to. Hanap kakampi amp.

 

“Hindi naman po, Ate Karina.”

 

“See! Minjeong, suggest ko lang na magpatingin ka na ng mata. Mukhang malabo na kasi.” Napairap naman ako.

 

 

Alangang humindi si Minju, diba?! Hindi naman makapal mukha niya tulad mo

 

 

“Tigil-tigilan mo ‘ko, please lang.”

 

“What if ayaw ko?”

 

“Baka masaksak na kita.”

 

Tumawa siya. Akala niya siguro nagbibiro pa ‘ko, “Wag naman, baka makulong ka pa dahil sakin.”

 

“Kung hindi mo pa rin ako titigilan, wala na akong pake kahit maging criminal pa ako. Gusto ko lang naman ng tahimik na buhay, di mo ba pwedeng ibigay sakin yun?”

 

 

Nakakahiya lang na nawi-witness pa ng ibang tao yung away namin pero hindi ko mapigilan bibig ko.

 

Ilang araw akong nagtimpi. Ngayon lahat sumabog!

 

 

“Gusto mo pala ng tahimik eh sana sinabi mo agad sakin.”

 

 

I was taken aback.

 

Ganun lang kadali yun?

 

She’s finally giving me the peace na pinagkait niya sakin unang araw pa lang ng klase?!

 

 

“Tuwing magkasama tayo, mananahimik nalang ako. Hindi talaga ako magsasalita. Kaya ko naman.”

 

“Wait, that’s not what I meant!”

 

“Oops, nandito na pala tayo sa audi. Galingan mo dun, Minjeong ha? I’m rooting for you.” Yan ang huli niyang sinabi bago kumaripas ng takbo

 

“Walang may pake sayo. Teka, hindi pa tayo tapos. Karina Yu!!!!”

 

 

Bwisit na babae yun.

 

Talagang iniwanan ako dito.

 

She misunderstood what I’ve said.

 

Gusto ko lubayan niya ako hindi yung tatahimik siya whenever she’s with me.

 

Ang gusto ko, wag niya na ‘kong gambalain pa!

 

 

“You’re really quiet pag nasa room but maingay ka kapag kasama si Ate Karina.” Kumento ni Minju

 

“Of course! Paano ako hindi iingay kung ganun siya kakulit?”

 

“Why not just give her a chance, Winter? Ate Karina’s sincere naman sayo.” I looked at her in disbelief. Yun baa ng akala niya?

 

“She’s not. Trip niya lang talaga ako.”

 

“I think she’s not like that naman.”

 

I sighed, “We can never be too sure. I just want to protect my peace.”

 

 

I don’t want to go through all that pain again.

 

 

“If you say so..”

 

 

---

 

Umuwi na agad ako after ng audition at dun ako dumaan sa kabilang gate para hindi ko makita ang pagmumukha ni Karina, baka mag-away pa kami dun.

 

I decided to walk din dahil kasi kaya naman pero medyo malayo lang kaya madalas nagpapasundo ako sa driver namin.

 

Di ko alam bakit ako naglalakad pero feel ko kailangan ko. Ang daming nangyayari sa buhay ko 2 weeks pa lang since start ng class sa bago kong school.

 

Hindi pa inannounce kung sino yung makakasali, bukas pa malalaman pero sinabi ni Minju sakin na sure naman daw na pasok ako.

 

Bukod sa maganda yung boses ko at former choir member ako, konti lang kasi yung nag audition this year. Automatic na meron na akong slot.

 

That’s better. At least wala na akong iisipin pa.

 

Naalala ko bigla si Ningning.

 

She’s the choir leader na ngayon sa St. Scho kasi gumraduate na si Ate Sejeong.

 

Sana naman hindi niya ginawang play time ang choir. Medyo makulit din kasi yun. Hindi ko nga alam pano kami naging magkaibigan nun.

 

We’re the complete opposite.

 

What about her?

 

I’m sure nasa volleyball club pa rin siya.

 

She’s SSCWVT’s captain and ang daming univs na ang nag-scout sa kanya.

 

I think she’ll choose La Salle kasi kahit nung Junior High palang kami, she’s training na dun.

 

Anyways, let’s not think about her na. Sasakit lang ang ulo ko.

 

Now that I think of it, hindi ko na siya masyadong naiisip for the past few days.

 

Does that mean I’m fully healed na?

 

Nah, baka it’s just one of those days na akala ko okay ako pero hindi pa pala.

 

That’s the funny thing about healing eh, there are days na okay ka and there are days na hindi pa rin pala kaya balik ka sa umpisa.

 

I just want to forget about everything..

 

Meow

 

Napatalon ako nung may biglang dumikit sa paa ko na pusa.

 

Buti hindi ko nasipa!

 

San nanggaling ‘to?

 

 

“Casein!!”

 

 

Casein?

 

Wait, that voice..

 

 

“Uy, Minjeong! Fancy seeing you here!”

 

 

Kinuha niya yung pusa na nasa binti ko at isa lang ang pumasok sa isip ko nangmakita ko siya.

 

 

“Stalker!!” Pang-aakusa ko

 

“Huy hindi!!”

 

“Ang kapal ng mukha mo! Hindi mo na nga ako pinatahimik sa school, pati ba naman sa bahay susundan mo ‘ko?!”

 

“I’m telling you, hindi nga!”

 

“Wag ka nang magsinungaling sakin. Huling huli ka na. Wait, where’s my phone? Ipapapulis na kita!”

 

 

Ano akala niya, may awa pa ‘ko?

 

Nagtitimpi lang ako sa school pero yung susundan niya ‘ko hanggang sa bahay, don’t you think stalker na yung dating?!

 

Delikado na ‘to, hindi na ‘to basta laro laro lang!

 

Kinuha ko yung phone ko sa pocket and was about to call the nearest police station nang sipain niya pataas yung hawak kong cellphone.

 

It happened so fast at hindi ako naka-react.

 

The next thing I knew, nasa gilid ko na siya.

 

Sinalo niya yung cellphone kong sinipa niya.

 

What the hell was that?

 

Kdrama ba ‘to?

 

Descendant of the Sun?

 

Captain Yoo Shi Jin?!

 

Wag niyo nga ‘kong gaguhin!

 

Siniko ko si Karina sa sobrang inis at binawi pabalik yung phone ‘ko.

 

 

“Wag ka ngang manakit diyan.” Sabi niya habang hawak hawak ang tagiliran niyang siniko ko

 

“Deserve mo yan, stalker!”

 

“Hindi nga sabi eh!”

 

“Hindi? Then explain why you’re here??! Ayusin mo yung sagot mo, Karina or else iisprayan kita nitong pepper spray!” Kinuha ko yung pepper spray sa bulsa ng bag ko at tinapat yun sa kanya

 

“Gaga ka talaga. Hindi ka na naawa kay Casein.” Aba, balak niya bang gamiting shield yung pusa?

 

“Ikaw ang hindi na naawa. Pagtapos mong magpaka-stalker, biglang gagamitin mo yung nakakaawang pusa bilang shield?!”

 

Natawa siya bahagya na mas kinainis ko. Hindi niya pa rin ba ako sineseryoso?! “Anong ginagamit na shield ka dyan? Pwede bang kumalma ka?”

 

“Pano ako kakalama, you’re obviously stalking me! Tignan mo oh, hanggang ngayon kinikilabutan ako.”

 

“Tingin nga.” Akmang titignan niya pa yung braso ko pero agad ko siyang hinampas nung bag ko “Hoy tumama yung bakal!”

 

“Deserve mo yan, stalker! Wag ka ngang makalapit-lapit sakin kinikilabutan ako sayo.” I took 5 steps back dahil baka ano pa ang gawin sakin ni Karina

 

“Ang kapal din ng mukha mo no?”

 

I scoffed. Na-offend ako dun kasi sa kanya pa nanggaling, “Ako pa yung makapal yung mukha?! Sino ba dito yung huli na sa akto tapos ayaw pang umamin?!”

 

“Assuming ka lang talaga, Minjeong. Oh tignan mo ‘tong ID ko.” Tinanggal niya sa lanyard yung ID at binigay sakin

 

“Anong magagawa ng ID mo na—“

 

 

Oh .

 

Sa Fuentes siya nakatira?

 

Sa Amorsolo kami and we’re near Fuentes St.

 

Is that why she’s here?

 

Coincidence lang lahat?

 

Hindi ko siya stalker?

 

Tinignan ko si Karina who smiled at me innocently in return.

 

Gusto kong sumigaw.

 

I messed up.

 

Nagwala ako for no reason.

 

Lord, bakit hindi mo na ‘ko kunin ngayon pa lang? early Christmas gift mo na sakin, please?

 

 

“I’m guessing na taga dito ka lang din.” Sabi ni Karina sabay kuha pabalik nung ID niya

 

“Y-Yeah.” Bigla akong nahiya

 

“Wala ka bang gustong sabihin sakin?”

 

 

Alam ko kung ano yung gusto niyang marinig sakin.

 

 

“Sorry..” Marunong naman ako mag-sorry pag alam kong ako ang may kasalanan

 

“Hindi enough.”

 

“Ha?!” Namumuro na siya sakin

 

“Treat mo ‘ko ice cream.”

 

Oh my Gosh, “..Ang kapal ng mukha mo talaga.”

 

“Alam ko lang pano i-grab yung opportunity. It’s not always na may nagagawa ka saking mali.”

 

“Tch.”

 

 

----

 

 

In the end, nilibre ko siya ng ice cream sa 7/11 inside our neighbourhood.

 

I bought magnum for myself tapos sa kanya cornetto lang. Siya pumili nun, wag kayong judger.

 

We decided na umupo muna dun since medyo napagod ako sa paglalakad at pagsigaw sa kanya kanina.

 

 

“Wala na ‘kong utang sayo ha.”

 

“Yup!”

 

 

Para siyang bata.

 

Ang dali niyang pasiyahin.

 

Parang wala lang yung pag-eeskandalo ko sa kanya, napakadaling kausap. Martyr ba siya?

 

Meow

 

What the--? Kasama niya pa rin yung pusa?

 

 

“Karina, bakit sinama mo pa yang pusa dito?”

 

“Bakit hindi?”

 

 

Tinanong ko tapos tanong din ang sagot sakin.

 

Kung di ba naman ako masiraan ng ulo talaga.

 

 

“Ang cute kaya ni Casein Nitrate, ang taba taba.” Nabilaukan ako sa narinig ‘ko

 

“What? Anong pangalan?”

 

“Casein Nitrate.”

 

 

Natawa naman ako dun.

 

Sinong normal na tao ang ipapangalan sa pusa ‘Casein Nitrate’? isn’t that some kind of chemistry s? Fave subject niya ba yun?

 

 

“It’s my first time seeing you laugh.” Bigla ko naman tinigil yung pagtawa ko at binalik yung seryoso kong mukha

 

“Bawal?”

 

“Pwede naman. You should laugh more, it looks pretty on you.”

 

 

Ayan na naman siya.

 

 

“M-Mind your own business, okay?”

 

“O-Okay.” Nang-asar pa, bwisit.

 

 

Hindi na ulit siya nagsalita and she’s oddly quiet today.

 

Hindi niya ba ako tatanungin kung kamusta yung audition ko?

 

Nakakabingi yung katahimikan niya.

 

Wait.

 

Biglang nag-flashback sakin yung eksena kanina.

 

Na-misunderstood niya nga pala yung sinabi ko.

 

Marunong naman pala siya makinig, ang mali lang is na-misinterpret niya yung sinabi ko.

 

Tch.

 

I do want her to shut up kasi naririndi ako sa boses niya, hindi tumitigil.

 

But being with her tapos ang tahimik lang kaming dalawa is kind of…lonely?

 

Napasampal ako sa mga pisngi ko dahil talaga bang inisip ko yun?! Ako, lonely?! Hell no.

 

Sanay akong mag-isa, why would I feel lonely over something like this?!

 

I think pagod na ‘ko.

 

Pagod lang ‘to.

 

 

“Hindi ka pa ba tapos diyan? Uuwi na ‘ko.”

 

“Wait lang, sabay na tayo!”

 

 

Hindi niya pa rin binitawan yung stray cat kahit naglalakad kami. Kung buhatin niya pa akala mo may buhat siyang sanggol.

 

Ang dumi nung pusa oh, hindi ba sya natatakot baka may galis yan or something?

 

Tahimik lang kaming naglalakad at wala kang ibang maririnig kundi yung mga dumadaan na kotse pati na rin yung bawat hakbang namin.

 

Parang wala akong kasama sa sobrang tahimik.

 

Hindi ako natutuwa.

 

Mas hindi ako natutuwa sa sarili ko kasi bakit bothered ako?

 

This is not what I wanted pero I do want her to stay quiet kahit noon pa so what’s wrong with me?

 

Yun yung inisip ko hanggang sa makarating ako sa tapat ng bahay naming.

 

 

“So, dito ka pala nakatira?”

 

“Yeah.”

 

“Nice house.”

 

“Yeah.”

 

 

I was about to enter the gate nang tawagin niya ‘ko.

 

 

“Minjeong.”

 

 

Hindi ko alam kung bakit pero it felt like I’ve been waiting for that.

 

 

“Sabay tayo pasok bukas?”

 

“A-Ayoko nga.”

 

“I don’t take no for an answer.”

 

“You’re so annoying.”

 

“Annoying pa rin? Tinry ko na nga maging tahimik eh, ang hirap kaya. I’ll try again tom—“

 

“Wait.”

 

“Bakit?”

 

“You don’t have to.

 

“Ha?” Akmang lalapit pa siya sakin pero agad ko siyang tinulak palayo

 

“Sabi ko kung hindi mo kayang tumahimik then don’t force youself. Mukha kang tanga na nagpipigil magsalita.” Ano ba 'tong sinasabi ko

 

“Really? Sabi mo yan ha!”

 

Tumango ako, “Tsaka, hindi naman kasi yun talaga yung ibig kong sabihin.”

 

“Really? Edi sabihin mo sakin ngayon. Let’s do what you want.”

 

“Talaga?”

 

“Oo.”

 

 

I was unable to say anything sa hindi malamang rason.

 

I just stared at her, standing stupidly while holding a fat stray cat in her arms.

 

Look at her, she’s so pretty. Bakit nagpapakatanga siya sakin?

 

 

“I don’t plan on being in a relationship with anyone right now. If yun ang habol mo sakin, kahit gaano mo pa ‘ko katagal pestehin, wala kang makukuha sakin.”

 

 

I chose to say those imbis na ‘gusto ko lang ng tahimik na buhay, pwede bang lubayan mo na ‘ko’ gaya ng sinabi ko kanina.

 

Sana naman maintindihan niya na yung gusto kong sabihin.

 

Biglang siyang natawa.

 

Yung natitirang awa ko sa kanya nawala all of a sudden.

 

Ayaw niya pa rin akong seryosohin?!

 

Parang gusto ko nalang pumulot ng bato dito tapos ihagis sa kanya.

 

 

“Just get the hell out of my life. Wala na kong pake sayo.”

 

“As if nagkapake ka sakin in the first place.”

 

“Oh alam mo naman pala, bat nagtitiis ka pa rin diyan? Di ka naman tanga.”

 

“Ikaw kasi, assuming ka lang tunay.”

 

I scoffed, “Ako pa ang assuming?!”

 

“Totoo naman.”

 

“How?!”

 

“Kailan ko ba sinabing gusto ko makarelasyon ka? I never did.”

 

“But—“

 

 

Now that I think of it, never niya ngang sinabi yun.

 

 

“Kahit once ba sinabi ko na gustuhin mo ‘ko pabalik?”

 

“…Hindi rin.”

 

“Edi assuming ka nga.”

 

 

Oo na, assuming na.

 

Peste.

 

 

“Then, why are you doing this?”

 

“Hindi ba nasagot ko na yan?”

 

“Huh?”

 

“My answer stays the same. I just want to be with you.”

 

“Bakit?”

 

“Kasi gusto ko.”

 

“Bakit?”

 

“Kasi gusto kita.”

 

“Bakit?”

 

“Hmm, ewan. Gusto lang kita.”

 

 

Wala akong makuhang matinong sagot sa kanya.

 

 

“Kabag lang yan. Umuwi ka na nga.”

 

Karina chuckled, “I will.”

 

“Hindi mo pa rin ba ‘ko lulubayan bukas?”

 

Nakangiti siyang umiling, “Hindi pa rin.”

 

“What if sabihin kong may jowa ako?”

 

“You said na single ka.” Kung alam ko lang na gagaguhin mo ko, sana sinabi ko nalang na taken na ko

 

“What if nga.”

 

“Edi I’ll respectfully back off and wait for my turn again.

 

“Again? Karina, what do you mean?”

 

“Again? May sinabi ba kong ganun?” look at her oh patay malisya lang

 

“Meron!”

 

“Wala.”

 

 

I sighed.

 

Wala akong mapapala if makikipag-away pa ‘ko.

 

I’m sure may narinig akong 'again' dun.

 

Pero baka nga wala talaga.

 

 

“Umalis ka na.” taboy ko sa kanya

 

“Yes po. Thank you sa libre ha.”

 

“Marunong ka naman pala magpasalamat.”

 

Karina smiled, “Of course. Ano kala mo sakin?”

 

“Shameless.”

 

“That’s true pero marunong naman ako lumugar. Thank you, Corinthian Gardens Subdivision. Ganern.”

 

Ako naman yung natawa dun, “Para ka talagang tanga. Umuwi ka na.”

 

“Opo. Casein, say bye na kay Ate Minjeong.”

 

 

Hindi ko aaminin na my heart fluttered when she waved the cat’s paw sakin with that annoyingly bright smile of hers.

 

Hindi ko na siya pinansin at pumasok na sa gate ng bahay.

 

I tried to ignore my beating heart.

 

----

 

Hindi maganda ang tulog ko kasi first of all, hindi naman ako nakatulog.

 

Hindi ako pinatulog ng thoughts ko.

 

Thoughts ko about this specific woman na dalawang linggo na ‘kong ginugulo.

 

My head hurts so much, parang ayoko pumasok.

 

Kaso meron kaming quiz sa physics and ayokong habulin yun by next week.

 

I forced myself to get up from my bed at naligo.

 

Hindi na ako nag stay sa bahay to eat breakfast at sa kotse nalang nag decide na kumain.

 

 

“Mj, hindi ka ba magpapasundo ulit mamaya?” Yes, they call me Mj sa bahay

 

“Magpapasundo—ay wait,”

 

 

Naalala ko si Karina.

 

Sasabayan niya ba akong umuwi ulit?

 

 

“I-text ko nalang po kayo.”

 

“Okay sige.”

 

 

Sinuot ko yung airpods ko at nagsimula nang kainin yung waffles ko.

 

 

“Mj”

 

“Mj..”

 

“Minjeong!”

 

 

Ay, tinatawag ba ko ni Kuya?

 

Tinanggal ko yung isang ear piece.

 

 

“Bakit po?”

 

“Parang may tumatawag sa pangalan mo.”

 

“Po? Kuya, nananakot ka ba?”

 

Umiling siya, “Hindi, parang may tumatawag talga sa pangalan mo.”

 

“Kuya, wala naman akong kakilala dito satin. Baka namali ka lang ng dinig.”

 

“Ay siguro nga.”

 

---

 

“Kim Minjeong!”

 

 

Halos mapatalon kaming isang hilera nung biglang pumasok ang isang pawisan na Karina.

 

Why is she shouting, ang aga aga?

 

 

“Why are you shouting?”

 

Umupo siya sa tapat ko at bumusangot, “Sabi ko sabay tayo eh pero iniwanan mo ko. Hinabol ko yung kotse niyo pero hindi ako tinigilan. Meanie.”

 

“Huh? When did—“

 

 

Nag flashback sakin yung usapan namin kahapon at parang may nabanggit nga siyang ganun.

 

Tapos nabanggit din ni Kuya na meron ngang tumatawag sakin kanina.

 

So siya yun?

 

 

“H-Hindi naman ako pumayag talaga ah? Kasalanan mo na yan.” Pagrarason ko

 

“Kahit na. Ang sama mo.”

 

“Bahala ka diyan.”

 

“Suyuin mo ‘ko!”

 

“Manigas ka.”

 

“Hmp.”

 

---

 

I was worried nung una dahil baka magtampo ng malala ‘tong si Karina but to my surprise, balik na naman siya sa dati nung lunch break.

 

3 chairs away ulit siya mula sa tapat ko para hindi ko siya kaharap dahil naririnidi ako sa kanya.

 

Hindi naman pala kailangan ng suyo and I’m not planning to din no. Manigas siya.

 

I’m still wearing my airpods habang kumakain but this time, I didn’t play any music para marinig ko yung sinasabi ni Karina.

 

Don’t judge me, sadyang may kwenta lang yung sinsabi niya ngayon.

 

It’s about universities and colleges.

 

 

“Minjeong.” Tawag niya sakin while tapping the table

 

Tinanggal ko yung airpods ko at tinignan siya, “What?”

 

“Saan mo balak mag college?”

 

 

First time niya atang may matinong tinanong sakin.

 

 

“If makapasa sa UP then UP. If not, baka mag UST ako.”

 

“Kaya mo yung UP, hindi naman sobrang hirap yung exam. Mas mahirap pa nga ang ACET kesa sa UPCAT.”

 

Napataas ako ng kilay, “Bakit mo alam?”

 

“Hindi mo pala talaga pinapakinggan yung kwento ko ‘no?”

 

“Isn’t that obvious?” Anong akala niya sa airpods ko, design?

 

“Nga naman.”

 

“So, ano yung kinwento mo?”

 

“Ah, yun nga. Hindi naman kasi tayo magka-batch diba? One year ahead ako sa inyo and nakapag-review na ko for college entrance exams. Nakapag-take na ako ng exam sa Big 4.”

 

Nagulat ako siyempre, “What? Bakit hindi ka pa rin college?”

 

“Hindi ko naman natapos yung grade 12 ano ka ba. A month before the semester ends, nag drop na ko.”

 

 

Really?

 

 

“Bakit?”

 

“Secret, no clue.” Karina cheekily replied

 

“Kainis.”

 

 

Magsasabi-sabi siya tapos hindi naman kukumpletuhin yung kwento.

 

Edi namatay naman ako sa curiosity.

 

Just what in the world happened to her? Nakapag-take siya ng entrance exams tapos hindi niya rin magagamit dahil hindi naman siya nakapagtapos ng grade 12.

 

Sayang lang yung preparations niya.

 

But whatever that is, feeling ko hindi naman simple lang.

 

Why would you drop out in the middle of the semester kung minor issues lang diba? Tas hindi ka na rin bumalik for 2nd sem.

 

Whatever she went through, sana nalagpasan niya na.

 

Nobody deserves pain.

 

---

 

 

“Minjeong, daanan natin si Saebok.”

 

“Sino?”

 

“Si Saebok, yun pa yung isa kong inaalagaan na stray cat.”

 

 

Magkasabay na naman kaming umuwi ni Karina and hindi ko naman ginusto, nagpumilit lang siya.

 

Hindi nalang ako makipagtalo kasi hindi naman ako nananalo.

 

 

“Bakit ang dami mo namang inaalagaan na stray cats? Di ka ba takot sa kanila? Baka may rabies yun.”

 

“You worried for me?”

 

“Who’s worried for who? Pake ko kung magkarabies ka.”

 

“Tsundere.”

 

“Wala lang talaga akong pake sayo, hindi ako tsundere.”

 

“Whatever you say, Minjeong.”

 

 

Hinayaan ko nalang siya sa gusto niya dahil wala na ata akong lakas para makipagtalo pa.

 

 

“Pero vaccinated naman na sila kaya hindi ko kailangan mag worry sa rabies tapos may monthly check up din sila sa Vet.”

 

 

Tumango nalang ako.

 

Kulang nalang talaga dalhin na nila sa bahay nila mismo kasi kung alagaan nila parang sa kanila na talaga eh.

 

Yung sinasabi pala ni Karina ay dun lang sa bakanteng lote bago mag Amorsolo.

 

Hindi ko napansin na meron palang bahay ng pusa dito?

 

Ang ganda pa ng design nung bahay. Buti hindi ‘to nananakaw?

 

 

“Saebok.. labas na diyan, pagkain oh.” Tawag niya dun sa pusa habang pinapatunog yung wrapper ng treats.

 

 

It only took a few seconds nung may lumabas na matabang pusa dun sa maliit na bahay.

 

Oh god, si Casein Nitrate rin kahapon mataba diba?

 

Bakit parang overweight lahat ng inaalagaang pusa ni Karina?!

 

Hindi ito normal.

 

 

“Karina, don’t you think they’re too fat?”

 

“Huy! Anong mataba ka diyan? They look okay. They need to eat more pa nga.” Pagdedefend niya

 

“Bulag ka ba? Ang taba taba kaya!”

 

“Hindi naman ah? Magsama kayo ni Ate, laging sinasabihan sila Saebok na mataba.” Pagmamaktol niya

 

“Tanungin mo kahit sino sasabihin na mataba sila.”

 

“Hmp.”

 

 

Looks like hindi lang kami nung Ate niya yung nagsasabi nun.

 

Totoo naman kasi!

 

Hindi mukhang buntis yung pusa, sadyang ang taba lang talaga.

 

I’ve never seen a cat that fat! Lalo na si Casein Nitrate kahapon, gosh.

 

 

“Minjeong oh, try mo kalaruin si Saebok.” Sabi niya sakin sabay abot sakin ng laruan, yung may tali. Hindi ko alam tawag kasi dito

 

“Dinala mo ba ‘to sa school?” I asked in disbelief “Ano bang laman ng bag mo na yan?”

 

Nginisian niya ako na parang bata, “Gusto mo tignan?”

 

 

Binuksan niya yung bag niya at napaawang nalang ang bibig ko.

 

Punong-puno ng pagkain ng pusa at kung ano anong laruan.

 

Binder at pencil case lang ata yung pang school dun sa bag niya.

 

This cat addict!

 

Oo, addict na. Hindi na to basta lang cat lover.

 

 

“You’re insane.”

 

“I’m not.”

 

 

Pinanood ko lang siya habang nilalaro yung matabang pusa.

 

Wait, hindi siya mataba eh.

 

Parang ang macho pa tignan??

 

Stray cats ba talaga ‘to? Parang mas alaga pa sa mga pusang bahay eh.

 

 

“Kung hindi lang talaga allergic si Ate sa mga hayop dinala ko na sila sa bahay.” 

 

“Kaya siguro ginawang allergic ni Lord yung Ate mo kasi for sure dadalhin mo lahat sa bahay niyo yung makikita mong stray cats.”

 

“Pano mo nalaman?”

 

 

Panong hindi malalam eh kulang na nga lang sambahin mo na yung mga pusa!

 

Tignan mo naman kung paano niya laruin yung mga pusa, akala mo nakikipaglaro lang sa baby! Napakagentle nung paghawak niya at spoiled na spoiled pa.

 

 

“Hindi naman mahirap hulaan.”

 

“Ikaw ah, kilala mo na ‘ko. Kinikilig ako, Minjeong.”

 

“Kinikilig ka dyan!”

 

 

Pabiro ko siyang sinipa pero medyo napalakas ata causing her na ma out of balance.

 

Hindi naman siya gumanti at nilaro lang ulit yung pusa.

 

Nabo-bother ako kasi nakaupo lang siya sa lapag at walang pakialam sa surroundings niya.

 

Nakapalda kaya kami tapos semento yang inuupuan mo?

 

Anong malay ba natin kung ano yung mga dumapo diyan o kung saan galing yung mga sapatos na umapak diyan!

 

 

“Babae ka ba talaga? Makaupo ka wagas at sa lapag pa, ang dumi dumi diyan.”

 

“Yiee, concerned.”

 

“Isa pang asar mo sa ganyan susuntukin na kita.”

 

 

Nakakainis ‘tong tao na ‘to.

 

Nagmamalasakit nalang ipo-point out pa. Hindi niya ba alam na nakakahiya yun?!

 

Tinanggal niya yung coat niya at nilagay sa semento para upuan.

 

 

“Ayan happy na?”

 

 

Napairap ako.

 

May mas malaking issue pa bukod sa maduming lapag no.

 

Parang hindi siya nag-iisip.

 

Tinanggal ko yung blazer ko at hinagis sa lap niya.

 

Mage-gets niya naman siguro yan no?

 

 

“Onti nalang makikitaan ka na. Ayokong makita yan.”

 

“Aw talaga? Willing pa naman akong ipakita sayo kapag gusto mo—“

 

 

Hindi ko na siya pinatapos at this time talagang sinipa ko na siya nang malakas

 

 

“Walang may gusto! Kadiri ka, gago!”

 

“Ha? Anong kadiri dito sa shorts ko? Customized to no, may cat prints. Tignan mo, kamukha pa nila saebok.”

 

 

Yung tarantado talagang tinaas pa yung skirt niya at pinakita yung cat printed shorts underneath.

 

I can’t with this girl.

 

Feeling ko ang pula pula ko na.

 

Napatakip nalang ako ng mukha dahil sa hiya at frustrations.

 

 

“My God, 19 years old ka na diba? Bakit nagpapakita ka ng shorts in public?”

 

“Anong masama sa pagpapakita ng shorts? Hindi naman ako nagpakita ng , maka-react to.” Natatawa niya pang tugon

 

 

She’s really shameless!!

 

 

“Kahit na! it’s inappropriate! Act more lady like naman jusko po.”

 

“Ikaw lang naman ang nakakita.” Sana di ka makahinga sa katatawa mo!

 

“There’s literally cctv cameras everywhere. Hindi lang ako ang nakakita niyan.”

 

“Oo na po, ito na tatakpan ko na oh para sa ikatatahimik ng buhay mo.”

 

“Tch.”

 

 

Nangangalay na ko kakatayo, hanggang anong oras niya ba balak makipaglaro sa pusa na yan?

 

 

“Maupo ka kaya muna dito para hindi ka nakatayo diyan.” Napansin niya atang hindi na ko mapakali

 

“San ako uupo? Sa lapag? Di na.”

 

“Pwede ka naman kumandong sakin.” Upakan ko na kaya talaga ‘to, isang beses lang? Subok lang? Pwede?

 

“Puro ka kalokohan, bwisit ka.”

 

 

Tumayo siya bahagya at nilatag yung blazer niya nang maayos, giving me some space.

 

 

“Dito oh, tumabi ka sakin. Baka mangalay ka na dyan, ang layo rin kaya ng nilakad natin.”

 

 

Alam niyo yun, pwede naman na ako umuwi kasi ang lapit nalang ng bahay namin pero I still decided to sit dun sa space na nilaan para sakin ni Karina.

 

Naghati rin kami dun sa coat ko at ginawang pantakip sa lap namin.

 

I can’t believe na inuupuan lang naming ‘tong blazers niya.

 

Ang mahal kaya nito.

 

 

“Gusto mo ma-try hawakan si Saebok?” Akmang ilalagay niya pa yung pusa sa hita ko pero agad ko siyang tinulak

 

“Ayoko!”

 

“Takot ka ba sa pusa?”

 

“H-Hindi no.” Hindi ako takot. Cautious lang. 

 

“Eh bakit ayaw mo makipaglaro sa kanya? Ang sweet niya kaya.”

 

 

Tinignan ko naman yung pusa na tinawag niyang sweet.

 

It really is.

 

Behave lang syang nakaupo sa lap ni Karina at nakasandal sa tummy niya.

 

Well, hindi natin alam baka bigla akong kalmutin niyan pag hinawakan ko.

 

Di bale nalng.

 

May trust issues na ko sa lahat!

 

 

“I’m not that fond of cats.”

 

“Really? You’re missing out a lot.”

 

“Kuntento naman na ko sa tatlo naming aso sa bahay.”

 

“Really? May picture ka nila?”

 

“Yup. They’re actually my home screen.” Binuksan ko yung phone ko at pinakita sa kanya yung wallpaper kong hawak ko yung 3 naming dogs, “Yung black si Ginger, yung gray si Zero tapos yung white is Hani.”

 

“They’re so cute. Ito sino ‘to? Grabe sobrang ganda.” Turo niya dun sa mukha ko.

 

 

Nahiya naman ako kaya siniko ko siya bilang depensa.

 

Babanat pa eh.

 

 

“Puro ka ganyan. Ang haggard ko nga dun.”

 

“Sinong niloko mo? Hindi mo naman gagawin yang wallpaper kung chaka ka dyan.”

 

“Ang sabi ko lang haggard ako hindi chaka.”

 

“Same thing.”

 

“Ewan ko sayo.”

 

 

Bakit ang galing niya makipagtalo? Hindi ako manalo-nalo!

 

 

“Picturan mo nalang kami ni Saebok.”

 

Pinaningkita niya ako ng mata, “Inuutusan mo ba ko?”

 

“Oo. Bilisan mo na, ang cute nya oh!”

 

 

Ang kapal talaga ng mukha.

 

Kung hindi lang cute si Saebok, hindi ko siya pagbibigyan.

 

Kinuha ko nalang yung phone niya at bumungad sakin yung picture ni Casein Nitrate na natutulog.

 

The cat’s name is still so funny to me.

 

I opened the camera and took pictures of them.

 

Hindi ko namamalayan na napapangiti na rin ako with how cute they look like.

 

Correction, si Saebok lang pala ang cute.

 

But seriously speaking, Karina’s really pretty. Hindi yung normal na pretty lang but out of this world kind of pretty.

 

Hindi ko maintindihan bakit ako yung ginugulo niya when she can have any person she wants.

 

Maganda ako pero I think I’m not that special naman.

 

 

“Okay na yan, thanks Minjeong.”

 

“’Kay.”

 

“Picture rin tayo dali.”

 

“Ayoko.” Narinig ko yung shutter ng camera

 

“Too late.”

 

 

Yung gago habang tumatanggi ako tsaka siya nag picture.

 

Mukha siguro akong tanga dun!!

 

Sinubukan kong agawin yung cellphone niya pero sadyang mas mahaba ang biyas ni Karina sakin kaya hindi ko mahablot.

 

 

“I-delete mo yan.” May halong pagbabanta kong sabi

 

“Ayoko nga. First picture natin to together eh!”

 

“I-delete mo yan or babasagin ko phone mo?”

 

“Okay lang, naka-save naman to sa i-cloud. May access pa rin ako kahit mag iba ako ng phone.”

 

 

Putangina talaga!

 

 

I sighed, “I-delete mo na yun at kumuha nalang tayo ng mas maayos.” Tutal ang gusto niya is picture kasama ako

 

“Talaga?”

 

“Oo nga. Dalian mo, ipakita mo sakin na dinelete mo hanggang sa recently deleted.”

 

“Oo na, sigurista masyado.”

 

“Wala kasi akong tiwala sayo.”

 

 

Gaya nga ng inexpect ko, mukha akong tanga dun sa stolen shot niya.

 

Nag-ayos muna ako ng buhok and nagpunas ng pawis, nakakahiya naman mag mukhang haggard.

 

Hindi ako nagpapaganda para sa kanya, sadyang ayaw ko lang na may panget akong picture lalo na sa phone ng ibang tao.

 

Para kahit ikalat niya pa yan, hindi naman nakakahiya.

 

Karina’s holding Saebok with one hand tapos yung phone nya with the other.

 

I smiled at the camera and hindi ko na maalala yung last time na ginawa ko yun.

 

I can’t understand my actions pero sa ngayon, wala naman akong balak na kwestyunin ‘to.

 

Siguro nga cute si Saebok kaya hindi ko mapigilan mapangiti nang malawak sa pictures.

 

Sobrang cute ni Saebok kaya I made sure na i-airdrop sakin ni Karina lahat ng pictures namin.

 

---

 

 

It’s my first time attending a choir meeting sa school na ‘to.

 

Hindi nga gaano karamihan yung members, probably because hindi rin naman marami ang students nila dito.

 

5 lang ata kami nila Minju na Senior High School students dito tapos the rest are junior high school na.

 

 

“Yu Jimin, what are you doing here? Wala ka bang training or something? Hindi ka naman member dito.”

 

 

That’s right, Karina tagged along sa first meeting namin.

 

 

“Ms. Ailee, makapagsalita ka naman po parang wala tayong pinagsamahan.” Bold of me to assume na makikinig siya sakin kung ganito siya makipag-usap sa teachers

 

“Magtigil ka. May silbi ka lang naman kapag may misa. Pag wala, nanggugulo ka lang.”

 

 

Hindi ko maiwasang matawa sa sinabi ni Ms. Ailee. Hah. Deserve.

 

Tinginan ako nang masama ni Karina and I just smirked in return.

 

 

“Binubully ako ni Ma’am.”

 

“Ikaw ang bully dito, kanina mo pa ginugulo yung bago kong member. Umalis ka na nga.”

 

 

Tignan mo pati yung moderator namin nakikita yung panggugulo sakin ni Karina!

 

 

“Huy hindi po ah! Mapanghusgang tunay talaga ‘to.”

 

 

Medyo naaalarma ako. Masyado naman atang komportable si Karina makipag-usap sa club moderator namin.

 

Hindi ba siya mapapahamak nito?

 

 

“Ninang niya yan si Ms. Ailee kaya ang lakas ng loob makipagsagutan.” Bulong sakin ni Minju from my right side

 

 

Ah okay kaya pala.

 

Kaya ang lakas ng loob niya makipagsagutan sa teacher kasi kakilala niya naman.

 

 

“Umalis ka na kasi nang makapagsimula na kami, sinasayang mo yung oras namin.”

 

“Kung sinimulan mo na kasi kanina—Aray!” Sasagot pa ang bata na ‘to. Ayan, kinurot ko nga

 

“Umalis ka na kasi, panggulo ka pa dito.”

 

“Pati ba naman ikaw?” Tignan mo to, akala mo kung sinong inaapi!

 

“Oo, kaya bilisan mo na.”

 

“Hmp. Okay, hinatayin nalang kita sa may gate. Sabay tayo uwi ha?” Paalala niya habang sinusuot ang bag niya

 

“Ayoko nga.”

 

“Wala ka naman choice. See you later.”

 

“Magtatanong ka pa, pipilitin mo rin naman ako.”

 

“May point. Bye bye na muna.”

 

 

Kinawayan niya si Minju at nakipagsagutan pa kay Miss Ailee one last time bago naisipang umalis.

 

 

“Winter, right?” Nagulat ako sa biglaang pagtawag sakin ni Ms. Ailee

 

“Y-Yes po.”

 

“Jowa ka ni Jimin?”

 

Agad naman akong umiling, “No po!”

 

“Hmm,” She gave me a teasing smile at hindi ko alam kung anong iisipin ko dun, “Intersting.”

 

 

Anong interesting dun, ma’am?!

 

 

---

 

 

2 months have passed nang hindi ko namamalayan.

 

Naka-adjust na rin ako fully sa school ko and my classmates were so kind sakin, lalo na yung circle ni Yujin.

 

Kapag merong group works, inaampon nila ako sa group nila.

 

They respect my alone time rin lalo na kapag break time and they don’t bother me unlike a certain someone.

 

Ang consistent din pala talaga ni Karina no? Consistent siyang bwisitin ako.

 

Tuwing umaga, sabay na kaming pumapasok.

 

Hindi naman ako makakalusot sa kanya kasi alas sais pa lang ata ng umaga, nakatambay na siya sa labas ng bahay. 7:30 pa kaya yung pasok namin, hello??

 

Walang palya yun everyday.

 

Kapag kumakain kami ng lunch, hindi ko namamalayang pinapatay ko na yung music kahit na nakasuot ako ng airpods.

 

Hindi ko namamalayang yung 3 seats away niya mula sakin noon, nagiging kaharap ko na siya.

 

Minsan pa nga tumatabi siya sakin.

 

Hindi ko rin namamalayan na every time na uuwi kami, nakakasanayan na naming dumaan sa 7/11 para mag meryenda tapos dadaanan namin yung mga pusa niya.

 

Hindi ko namamalayan na nakakasanayan ko na yung mga ginagawa ni Jimin.

 

Hindi ko namamalayan na unti unti nang pinapasok ni Karina Yu ang buhay ko.

 

At hindi ko namamalayang hinahayaan ko nalang siya gawin ang gusto niya and I wasn’t bothered by it like before.

 

Naiirita pa rin ako at times pero mas bearable na.

 

Tuluyan na nga akong nasanay sa presensya ni Karina.

 

Hindi ata magandang senyales ito.

 

---

 

“Nakalimutan ko mag aral sa long test kanina, bumagsak tuloy ako.” Reklamo niya

 

“Sino may kasalanan?”

 

“Ako. Naglaro kasi ako.”

 

Napataas ako ng kilay, “Ng?”

 

“Gardenscapes.”

 

 

Tanginang yan.

 

Akala ko naman mobile legends or CODM ang nilalayo niya since yun ang uso lately.

 

Gardenscapes lang pala. Diba parang candy crush lang naman yun?

 

Mga taste talaga ni Karina sa bagay bagay is so random.

 

 

“Minjeong, gawin mo ‘kong study buddy dali para sa upcoming exam.”

 

“Ayoko nga.” Ano, hanggang pag-aaral gagambalain niya ako?

 

“Dali naaa.” Pagpupumilit niya 

 

“Ayoko nga, baka hilahin mo pa ‘ko pababa.”

 

“Masyado ka! Matataas naman grades ko ha?”

 

“Mataas? 17/30 ka nga sa biology. Tinake mo na yan dati tapos bagsak ka pa rin?”

 

She pouted, “Nakalimutan ko lang mag-review dun.”

 

“And? Ikaw pa rin naman may kasalanan.”

 

“Sabi ko nga.”

 

 

Hindi naman na siya ganun ka-pushy like before.

 

Nakikinig siya sakin pwera lang kapag tinataboy ko.

 

Gusting gusto niya talagang ginagambala ang katahimikan ko.

 

Nasanay nalang din ako.

 

Magsasayang lang ako ng lakas pag nakipag-away pa.

 

Sawayin ko man kasi siya o hindi, walang magbabago.

 

 

“Kung ayaw mo edi sabay nalang tayo mag-review for UPCAT. Set tayo ng araw?”

 

 

Napaisip ako.

 

Effective ‘to sakin kasi ganito lagi naming ginagwa ni Ningning and ni ano before.

 

Totoo yung sinasabi nilang pag tinuturo mo yung isang topic sa ibang tao, mas magegets mo or mas magre-retain sa utak mo yung lesson.

 

Kasi nagawa mo ngang ma-explain sa ibang tao kaya it can only mean na gets mo yung topic.

 

Okay naman sana yung sinabi ni Karina kaso I’m having doubts.

 

Puro pagbubulakbol lang din naman ata ginagawa neto sa school.

 

Laging tulog kapag may klase o kaya naman nakatulala.

 

Hindi sa tinitignan ko pero sadyang agaw pansin lang siya, okay?

 

Pero hindi niya rin naman ako titigilan hangga’t di ako pumapayag o may sinasabi.

 

May naisip ako bigla.

 

 

“Papayag lang ako pag na-perfect mo lahat ng exams natin.”

 

“Huy, that’s unfair!!” See? Lumalaban pa kahit binigyan mo na ng chance

 

“Take it or leave it. Pasalamat ka at binigyan pa kita ng chance.”

 

She pouted, “Kahit na.. ang hirap kaya nun”

 

 

Binibigyan ko na rin siya ng chance na taasan grades niya, choosy pa siya?

 

Tsaka, I don’t think it’s possible naman na ma-perfect niya LAHAT, diba?

 

Diba?

 

 

---

 

 

“So, anong subject una nating aaralin?”

 

 

Gusto ko nalang tumalon sa bangin o kaya magbasag ng plato.

 

Bakit parang ako pa rin ang talo ha?

 

Kalian ba ko mananalo kay Karina?

 

Binalik na kasi yung test papers kanina at agad na pinakita sakin to ni Karina nung na-kumpleto na.

 

Palungkot lungkot effect pa siya kanina akala ko naman bumagsak na naman siya!

 

Laking gulat ko nung na-perfect niya lahat!

 

How is that possible?

 

Sa quizzes never siyang nakakakuha ng mataas ng grades tapos sasabihin niyo sakin ngayon na perfect niya lahat ng exams?

 

The same person na tinutulugan lang yung subjects?

 

Akong nakikinig lagi, may 2-3 mistakes pa rin?

 

Sige, sabihin niyo sakin kung pano yun nangyari.

 

 

“Karina.”

 

“What?”

 

“Hindi ka naman nandaya no?”

 

Nabitawan niya yung hawak niyang utensils and pointed at me accusingly, “Huy, nakaka-offend ka ha! Anong akala mo sakin?”

 

“Someone who’ll cheat her way para lang makuha gusto niya.”

 

“I can’t believe you’re saying this to my face.”

 

 

I felt something inside me nang marinig yung boses niya at nang makita yung expression niya.

 

She was hurt.

 

 

“I-I’m sorry, okay? I’m just shocked.”

 

 

Ako naman yung kinabahan this time.

 

Sa lahat ng masasakit na sinabi ko kay Karina, dito siya pinaka-affected.

 

Kung lalayuan niya ako because of this, matutuwa ako pero ayoko naman magkaroon ng bad blood sa kanya.

 

 

“Okay!”

 

 

Look at her.

 

Isang sorry lang okay na siya?

 

Nakakangiti na siya na parang wala lang?

 

Kung sakin sinabi yun baka nakipagsabunutan na ‘ko pero sa kanya parang wala lang?

 

She looked genuinely hurt pa naman kanina o guni-guni ko lang?

 

Whatever.

 

At least wala nang away.

 

 

“Question lang.” Panimula ko ulit

 

“Go lang.”

 

“Like, pano? How did you manage to ace it all? Hindi ba puro tulog ka lang sa classroom? And we made that agreement 2 days before exams?”

 

Parang nagulat siya nung una but it slowly turned into a teasing look. Dun pa lang alam kong hindi ko na gusto yung sasabihin niya, “So you were looking at me pala.”

 

“Asa!” Pag tanggi ko at syempre hindi ko kinalimutang sipain siya sa ilalim ng mesa, “So, pano nga? Isa pang pang-aasar sasaksakin na kita ng fork.”

 

“Mapanakit talaga.”

 

“Just answer my question, jeez. Dami pang sinasabi kasi.”

 

Tumawa siya, “Oo na. Apurado kasi.”

 

 

Napaiwas ako ng tingin nung bigla siyang uminom ng tubig.

 

Kasi bakit naman ganun?

 

Need bang nakatingin din sakin habang umiinom ng tubig?

 

Need din ba i-flex ang jawline?

 

My God.

 

Kung akala niya makukuha niya ko sa ganyan…

 

Ehem, nevermind.

 

 

“Hindi naman sa pagmamayabang pero hindi naman ako bobo.” Thanks for stating the obvious!

 

“I know that, but it still doesn’t explain how you aced the exams.”

 

“Pwedeng shut up? Patapusin mo muna ako?”

 

Tinignan ko siya ng masama, “Are you shutting me up?”

 

“Yes. Hindi kasi ako matapos-tapos, diba?”

 

“Tch fine.”

 

 

Hindi na ako nakapagtalo kasi gusto ko na malaman yung sagot niya.

 

 

“Nag-review lang naman ako, nothing special. Ops, bago ka sumabat na naman, na-take ko na yung mga subjects na yan.”

 

“Still, nag break ka ng ilang months din. It’s not like natandaan mo lahat yun.” I reasoned out

 

“Hindi ko natandaan pero na-familiarize ko na kaya hindi na ko nahirapan nung binalikan ko.”

 

“Still…”

 

Napahawak ako sa ulo ko, “Jusko ang hirap i-convince.”

 

“Kasi naman! Sa buong klase kaya wala pang nakakagawa nun.”

 

“Top 1 ako sa batch ko.” Sabi niya pa, “Ayoko na sana ipagmayabang pa yan kaso ayaw mo maniwala.”

 

“Seryoso?” kung ganun edi may capacity nga siya para ma-achieve 'to.

 

“Uhuh, ayoko rin sana i-flex pero naipasa ko lahat ng exams sa big 4, with full scholarship pa sa 3. Meron pa nga akong tarpaulin noon sa labas, ewan ko lang kung tinanggal na.”

 

Dito ako mas nagulat, “Di nga? You mean you passed the UPCAT?”

 

“Oo nga.” Natatawa niyang tugon habang may kinakalikot sa phone niya, “Look oh.”

 

“Hello, Jimin. Congratulations… thank you for your participation in the UPCAT 2020 held in October last year with more than 100,000 applicants….” Oh my God nakapasa nga siya, “We are pleased to offer you admission as a freshman to the following.. UP Diliman, BS in Chemical Engineering.. First Sem.. SY. 2021-2022… Are you serious right now?!”

 

Agad niya naman hinawakan yung kamay ko in attempt ko calm me down, “Wag ka naman sumigaw, lapitan ka ulit ni sister sige.”

 

 

, oo nga.

 

Luckily, hindi naman ata narinig ni Sister yung sudden outburst ko.

 

Binalik ko ang tingin ko kay Karina at hindi pa rin ako makapaniwala.

 

 

“You passed the UPCAT, sa isang in demand course pa. Just why did you drop out??? Sana tinuloy mo na.”

 

“Jowain mo muna ako bago ko sabihin yung reason.” Puro kalokohan pa rin talaga!

 

“The hell? Ayoko nga! Isa, sabihin mo na kasi sakin!!”

 

“Ano ka gold? Hindi naman kita jowa tapos sasabihin ko lang sayo yun?”

 

I looked at her suspiciously, “Is this your new modus para gumawa na naman ng moves sakin? Ngayon pa lang sinasabi ko na ngang ayoko.”

 

“Pinagsasabi mo diyan?”

 

“You’re guilt tripping me into becoming your jowa!”

 

“Hoy hindi!” mariin niyang tanggi “Hindi ko naman kasalanan na grabe yang curiosity mo. Ang akin lang, hindi ako basta basta nag-oopen up sa taong hindi ko naman jowa o bestfriend. Ganito lang ako pero hindi naman ako pala-kwento sa personal life ko.”

 

 

Now that I think of it, sa lahat ng chika niya sakin puro random things lang.

 

Never siya nagkwento nung sa kanya talaga.

 

A person can be really madaldal but closed off at the same time no?

 

 

“Then, why Chemical Engineering nalang? Hindi kita nakikita as engineer.”

 

“Really? San ba ‘ko bagay bukod sa piling mo?” I can’t believe na naisingit niya pa yan

 

“Mukha kang pang health allied courses.” Kasi halos lahat ng pretty girls like Karina sa health allied napupunta

 

“I get that a lot. Ikaw din bagay ka dun.”

 

“Well, dun naman kasi talaga inclined yung gusto ko. I plan to take Physical Theraphy.”

 

“True? Bagay na bagay ka dun! Ang gaganda kaya ng students ng PT lalo na sa Yellow School!”

 

Napataas ako ng kilay, “Pretty? Even prettier than me?”

 

“Of course not, you’re the prettiest girl I have ever seen.” She replied in a heartbeat causing me to get off guard

 

 

Pano niya nagagawang sabihin yun without getting embarrassed?

 

Why does she sound so sincere rin?

 

Iisipin ko na talagang totoo yan.

 

 

Napaubo ako, “Hindi mo sinagot yung tanong ko kanina.”

 

“Ah, kung bakit chemical engineering?”

 

“Yup.”

 

“Gusto ko kasi matuto gumawa ng shabu.”

 

 

Tanginang buhay.

 

---

 

1 hour pa lang naming sa loob ng coffee shop na ‘to pero suko na ‘ko.

 

Sobrang dami ng distractions!

 

Surprisingly, hindi si Karina yun. Behave lang siya today at aral talaga ang pakay niya.

 

Nakakadistract kasi sa coffee shop yung labas pasok ng mga tao tapos may group of students pa na kung makapagkwentuhan akala mo hindi nakakaabala sa iba.

 

Hello? Di niyo ba alam yung salitang respeto?

 

Kita niyo namang may mga dalang laptop at libro mga tao dito eh.

 

 

“Next time, wag na tayo dito.” Sabi ko kay Karina

 

“Hmm? Di ka sanay sa ingay?”

 

Umiling ako, “I’m more surprised na kaya mo pa mag-aral kahit maingay.”

 

“Oo naman. Kung hindi ka sanay sa ingay ikaw din ang lugi lalo na pag nag college ka.”

 

 

She has a point.

 

 

“Right.. masyadong limited ang time sa college kaya they study almost everywhere kahit maingay.”

 

“Yup! But matalino ka naman, hindi ka naman siguro aabot sa point na kahit kumakain ka or mag-ccr, may hawak kang libro.”

 

“Hindi natin sure, iba naman sa college.”

 

“That’s right.”

 

 

Science yung nirereview namin and specifically Physics. Sa basic muna kami nag start para ma-refresh sa utak.

 

Nag-review na rin naman ako nung summer but medyo hindi ko naibigay yung buong attention ko since may dinadamdam nga ako nun.

 

Ngayon palang ako bumabawi.

 

 

“Kailan mo balak magpasa ng requirements sa UP? Next week Friday na deadline nun” tanong ni Karina na ngayon ay humihigop sa kape niya

 

“Not sure pa eh.” Nakalimutan ko ipaasikaso yun

 

“You’ll apply rin ba sa other schools?”

 

Tumango ako, “Yeah, I’ll pass my requirements din sa La Salle-Dasma, UST, and FEU-NRMF. Maybe sa UERM din.”

 

“Di ka magta-try sa Ateneo?”

 

Umiling ako, “Wala naman yung gusto ko dun, why bother?”

 

“Hmm, may point. Sabay tayo magpasa ng reqs?”

 

 

Plano ko talaga magpasa nalang ng requirements through my Tita na professor sa UP-Manila tapos yung ibang requirements, yung secretary na ni Mommy mag-aayos.

 

Yun dapat yung gagawin kasi ang hassle pumunta mismo sa univs para lang magpasa.

 

 

“Mag set ka nalang ng date.”

 

 

Kaya hindi ko alam kung bakit ako pumayag.

 

 

“Okay.”

 

 

---

 

Wala naman masyadong gagawin sa school ngayon since kakatapos nga lang ng exams, kaya we decided—wait no, Karina decided na Monday na agad kami magpasa ng requirements sa UP.

 

Gumawa nalang kami ng excuse letter dalawa at pinapirmahan sa parents namin kasi pumayag naman sila.

 

Si Kuya nga nang-aasar pa kasi finally, may kaibigan na daw ako bukod kay Ningning.

 

Bwisit talaga, ano ba akala niya sakin loner?

 

Totoo naman pero ayokong i-point out niya pa.

 

Yung Kuya Eunwoo ko piloto yun, hindi ko alam pano siya naging piloto eh dakilang tamad yan nung high school siya.

 

Bigla lang nag-iba ihip ng hangin nung nag college na.

 

Siguro kasi nahanap niya na talaga kung ano yung gusto niyang gawin at dun nalang yung focus unlike nung high school na you have to take this subject dahil kailangan or kahit hindi mo naman talaga magagamit sa profession mo.

 

Kaya naman my parents were so happy nang matapos ni Kuya ng kurso niya. Kulang nalang magpagawa na kami ng billboard para kay Kuya eh.

 

We’re so proud of him.

 

Anyways, balik na sa present.

 

Nakakainis si Karina kasi may kotse naman na pwedeng maghatid samin, nag-inisit pa rin siya na mag commute kami.

 

Iritang irita pa ‘ko kasi punuan sa jeep na sinakyan namin.

 

Ayoko pa namang nasisiksik!

 

Tsaka kung alam ko lang na magco-commute kami, sana hindi na ako nagsuot ng kung anong mamahaling accessories.

 

Ang init kaya ng tingin sakin nung mga pasahero!

 

I should not worry daw sabi ni Jimin kasi black belter naman daw siya sa Taekwondo.

 

Anong magagawa ng pagiging black belter niya kung barilin kami diba?! Masisipa niya ba yung bala? Hindi diba?!

 

My God.

 

Kaya naman iritable ako hanggang sa magpasa kami ng requirements dun sa admission office.

 

 

“Ayusin mo nga yang mukha mo, para kang pinagsakluban ng langit at lupa.” Sabi niya sakin at nagawa pang tusukin ang tagiliran ko  

 

“Sino sa tingin mo ang may kasalanan?”

 

“Sabi ko nga ako. Kain nalang tayo para hindi ka na magalit. Gusto mo ba ng pancit canton?” I looked at her in disbelief. Gusto ko na siyang patumbahin ngayon sa totoo lang

 

“Are you serious right now? Pagkahaba-haba ng pinila natin at nilakad, nag commute pa tayo tapos papakainin mo lang ako ng pancit canton? Sana napirmi nalang ako sa bahay diba.”

 

Hinawakan niya ako sa balikat na agad kong tinabig, wag niya kong mahawak-hawakan! “Nagagalit naman agad ‘to! Parang biro lang eh. Kain nalang tayo sa UP Town.”

 

 

Hindi ko na siya pinansin para malaman niyang imbyerna ako sa kanya.

 

Na-stress ako masyado ngayong araw, deserve ko ng masarap na food.

 

---

 

In the end, sa banapple nalang kami kumain. I ordered lasagna roll-ups tapos nag ribs si Karina. Syempre, hindi pwedeng mawala ang carrot cake para naman maging good na ulit ang mood ko.

 

Wala masyadong tao kasi weekday nga. Kung meron man, puro students from nearby univs.

 

 

“Ngayon ko lang na-realize na parang nagde-date pala tayo.”

 

 

Nabilaukan naman ako dun sa sinabi niya.

 

Bwisit na ‘to, laging naiisingit yung paglalandi sakin!

 

 

“Lalagyan mo pa ng malisya, nagpasa lang naman tayo ng requirements.”

 

“Wala ka pong pake.”

 

“Meron, ako kaya yung dinadamay mo sa kalaswaan mo.”

 

“Huy, anong kalaswaan ka dyan! Bibig mo Winter ha, mas gusto ko pa nung dating tahimik ka.”

 

“Why are you calling me Winter? Tsaka, kung gusto mo ng katahimikan edi lubayan mo na ‘ko. Gusto ko na rin makawala sayo, bwisit ka.”

 

Nginisian niya ako at pabiro akong tinulak, “Yiee, na-miss niya yung pagtawag ko sa kanya ng Minjeong.”

 

 

Biglang nag-init yung mukha ko nung na-realize ko yung sinabi ko.

 

Why am I suddenly affected na Winter ang tawag niya sakin?!

 

 

“H-Hindi no! Nagulat lang ako na Winter na tinatawag mo sakin. Gusto nga kita sana i-compliment kasi marunong ka na makinig but nevermind.”

 

“Ah ganun ba?”

 

“Of course, what else?” Tumango-tango lang siya bago bumalik sa pag kain niya.

 

 

She’s so easy to fool.

 

Nakahinga ako nang maluwag nung na-convince ko siya.

 

What is wrong with me lately?

 

 

“Yu Jimin!!”

 

 

Nilingon ko yung pinanggalingan ng boses na para bang pangalan ko ang tinawag niya.

 

Nakita ko ang isang magandang babae na may long straight hair and bangs.

 

I could only come up with one word to describe her.

 

Gorgeous.

 

Si Karina na nasa tapat ko ay masaiglang tumayo at tumakbo papalapit dun sa babae.

 

Nakita ko silang nagyakapan na akala mo ilang taon silang hindi nagkita.

 

Napaiwas ako ng tingin.

 

Hindi ko nagustuhan yung nakita ko.

 

Ibinaling ko nalang ang aking atensyon sa carrot cake na ngayon ay wala na ‘kong gana kainin.

 

Who is she?

 

 

“Jimin, I’ve missed you! Bakit hindi mo sinabi sakin na nandito ka lang pala?” Even her voice is pretty

 

“I forgot eh.” Natatawang tugon ni Karina. Bakit ka tuamtawa? May nakakatawa ba?

 

“Hindi na ko nagulat, kakainis ka. So, why are you here pala?” Ikaw, bakit ka andito at ginugulo kami?

 

“Nagpasa ako ng requirements sa UP with my classmate.”

 

 

Classmate?!

 

Well, hindi naman siya mali.

 

Pero I though she likes me?

 

Hah.

 

Sabi na nga ba trip trip niya lang yun.

 

Kung totoong gusto niya ko, bakit niya hindi ipinagsasabi? Is she not proud of me?

 

Bahala nga siya dyan.

 

After this day talaga hindi ko na papansinin yan.

 

 

“Is she Kim Minjeong?” Nagulat naman ako nang marinig yung pangalan ko sa kanya

 

“Aeri!” Saway niya sa kaibigan niya pero wala na akong pake dun.

 

“You know me?” I asked back

 

“Of course! My bestfriend right here is head over heels for you! For how many months na nga ba, Jimin? Was it almost a y—MMPH! Ano ba, ang salty ng kamay mo!”

 

 

Nagkakaroon na ng mini wrestling sa harap ko pero hindi ko na sila pinansin.

 

Isa lang yung tumatak sa isip ko.

 

My bestfriend is head over heels for you.

 

That was enough to eliminate lahat ng hindi magandang thoughts kanina.

 

 

---

 

We ended up eating with Aeri.

 

Siya rin pala yung sinasabi nila Yujin na Giselle, yung bestfriend ni Karina.

 

She’s an Atenean and majoring in Interdisciplinary Studies, whatever that is.

 

And she’s very talkative.

 

 

“She’s prettier than you describe pero akala ko long—“ Hindi na natapos  ni Giselle ang sasabihin niya nang bigla siyang salpakan ng steak sa bibig ni Karina

 

“Ang ingay ingay mo. Kumain ka nalang kaya?”

 

 

Natawa ako sa kanila.

 

Kanina pa kasi pinuputol ni Karina yung sinasabi ni Giselle.

 

I think nilalaglag siya ni Giselle at kung ano man yun, ayaw ni Karina na malaman ko ‘to.

 

First time ko ring makita si Karina na parang aping-api.

 

Wala pala siyang laban ditto sa bestfriend niya eh.

 

Tama nga si Minju, si Giselle lang ang nakaka-handle kay Karina.

 

 

“Pikunin. How the hell did you put up with this woman?” tanong sakin ni Giselle

 

“I don’t have a choice rin naman kasi araw-araw niya akong ginugulo.” Sabi ko nalang

 

“What?!” Humarap siya sa bestfriend niya at binigyan ng isang malakas na batok, “Why are you harassing her?! Yung pagiging stubborn mo hindi na talaga nagbago!”

 

“Anong harass! Tamang pangungulit lang naman! I never crossed the line!”

 

 

Tamang pangungulit lang ba yung araw-araw na hindi pinapatahimik yung buhay ko?

 

But she’s right naman dun sa she never crossed the line.

 

Never siyang nagtangkang gumawa ng ikakagalit ko talaga.

 

 

 

“Winter, anong ginawa ni Jimin sayo? Come on, tell me ako na ang bahala.” Magsumbong na ba ako?

 

“Hmm, lagi niya lang akong ginugulo sa school.”

 

“Jimin talaga! Alam kong gustong gusto mo si Winter pero pwede bang maghinay-hinay ka lang?” Namula naman ako dun sa sinabi niya. Mag-bestfriend nga sila. Both are so direct, di uso ang mga preno.

 

“Naghihinay-hinay naman ako.”

 

 

Naghihinay-hinay ka pa nyan?!

 

 

“Besides, she’s single naman. I think wala naman akong giangawang masama.”

 

“…Bukod sa guluhin ako kahit anong taboy ko sayo.” Dagdag ko

 

Karina smiled, “That too. Other than that, wala naman na. Anong akala mo ba sa best friend mo, Aeri?”

 

“You bothered her too much. Hindi ka talaga marunong makinig. Sabi ngang ayaw diba?” Napayuko si Karina dahil sa biglaang pagtaas ng boses ni Aeri

 

 

Bakit parang ang heated na bigla ng argument nila?

 

Talaga bang mag-aaway kayo sa harap ko???

 

 

“Ano..” Ngayon wala siyang masabi

 

“Ano? Sagot.”

 

Tinignan muna ako ni Karina bago lumingon sa bestfriend niya, “Wala na akong ibang alam na way to show her that I like her…”

 

 

Nagulat naman ako sa sinagot niya.

 

 

“But gusto ba ni Winter yun?” Teka nga, bakit nasa akin na bigla ang mic?!

 

“Uhm..” 

 

“You know if you feel uncomfy sa ginagawa ni Karina, you can say it na ngayon. If masyado ka nang bothered, ako na bahala kumausap ditto. Nakikinig naman siya sakin.”

 

 

Siguro kung tinanong niya sakin to nung mga unang week, makakasagot agad ako.

 

I find it hard to answer right now.

 

Tinignan ko si Karina who’s looking at me rin.

 

Hindi naman siya mukhang nagmamakaawa, but she’s waiting for my answer.

 

Ah it.

 

I’ll just say what’s on my mind and what I feel.

 

 

“D-Dati oo. She’s so ing annoying, following me around and all. B-but I guess mas bearable na makita pagmumukha niya. I don’t mind it na these days.. nasanay nalang ako.”

 

 

Yung seryosong mukha ni Giselle biglang lumiwanag nang marinig yung sagot ko.

 

 

“You heard that? I just eliminated your biggest insecurity. Ilibre mo ‘ko ng milktea.”

 

 

Wait.

 

Why does it feel like naloko ako dito?!

 

 

“You’re so sly. Kawawa si Minjeong, napaamin ng wala sa oras.” Natatawang sabi ni Karina

 

 

Sandali nga!

 

 

“Pinagkaisahan niyo ba ‘ko?” Inis kong tanong sa kanila

 

“Huy hindi ah! Explain mo nga, Aeri!!”

 

“She really is scary pag seryoso.” Giselle commented in an amused tone

 

“May mas ikakatakot ka pa kapag hindi mo inexplain yung ginawa mo.”

 

 

Bukod kasi sa nahihiya ako nang sobra sa sinabi ko, nakakainis pa na parang pinagkaisahan lang ako!

 

Ang hirap kaya magsabi ng feelings!

 

 

“Jeez, ito na nga. Grabe, yung girlfriend mo Jimin, parang mananakmal.”

 

“I’m not her girlfriend and I will never be. Kaya explain na.”

 

 

Parehas sila ng bestfriend niyang ang daming echos bago sagutin yung tanong.

 

 

“Lagi kasi nakikwento ni Karina sakin na lagi ka nyang kinukulit and baka daw sobrang mayamot ka nalang sa kanya one day at layuan siya.”

 

“I did that but your goddamn bestfriend is like a leech.”

 

Tinignan nya nang masama si Karina, “Hindi ko alam yun. But going back, natatakot lang siya na baka ayaw mo yung presensya nya.”

 

“Ayaw ko talaga.”

 

“Man down, Jimin down!”

 

“Shut up, Aeri!” Tinawanan lang siya ni Giselle bago nagseryoso ulit

 

“Basta yun, kahit makulit yan si Jimin sobrang natatakot siya na baka layuan mo siya nang tuluyan. Kaya halos araw araw niyang tinatanong sakin kung annoying daw ba yung ganito ganyan, ako ang na annoy sa paulit-ulit niya kaya tinanong nalang kita diretso para makatulog na kami ng mahimbing. Makulit lang siya pero sincere siya sayo. Patay na patay kaya sayo ‘to!”

 

“Tangina naman talagang sinabi lahat?”

 

 

Karina’s blushing in embarrassment.

 

It’s my first time seeing her like that.

 

Hindi rin naman siguro ako iba.

 

I can still feel my cheeks heating up.

 

Napapaypay nalang ako sa sarili ko.

 

 

“You two are so cute.  I’m rooting for the two of you.”

 

 

Malabo yan, Giselle.

 

Hindi pa ko ready magpapasok ulit ng tao sa buhay ko.

 

Hindi ko pa kaya magmahal ulit at mas lalong hindi ko pa kaya makipagrelasyon sa kahit sino.

 

Kahit kay Karina pa.

 

 

---

 

“So how was the exam? Sakit ba sa batok?”

 

 

Kakatapos ko lang mag take ng exam and feel ko sumabog lahat ng ugat sa utak ko.

 

Sobrang nakaka-pressure yung time and sobrang hihirap pala ng mga quetions!

 

I’m suddenly not confident na makakapasa pa ako.

 

Ang daming nag-apply this year and dun palang strict na yung competition.

 

Ipapasadiyos ko nalng siguro. (Lord Kairi hear Winter’s purr)

 

 

“Don’t talk to me, sobrang napagod ako.”

 

“I can see that. Upo muna tayo.”

 

 

Nagpahila nalang ako kay Karina kasi wala na talaga akong lakas pa. naubos ako dun.

 

Kahapon pa yung exam ng babaeng ‘to, hindi kami sabay.

 

Hindi rin lang man ako binulungan kung ano yung mga lumabas or kahit clue lang man. Napakasama.

 

Hindi tuloy ako nakapag-ready ng lubusan.

 

We stopped in front of a white sedan at binuksan niya yung passenger’s seat.

 

Wait nga.

 

 

“You know how to drive?” Tanong ko pagkapasok niya sa driver’s seat

 

“Alangan. Magdadala ba ko ng kotse kung hindi?”

 

 

Ang pilosopo pa!

 

 

“Ugh annoying. Kung marunong ka pala bakit hindi mo to ginagamit? Edi sana hindi tayo naglalakad or nagcocommute!”

 

“It’s more fun to walk no para exercise na rin.”

 

“I can’t with you.” Parang mas mauubos lakas ko dito.

 

 

May nilagay siyang paper bag sa lap ko.

 

Jollibee?

 

 

“You must be tired. Kumain ka na muna, appetizer ganun bago tayo kumain talaga ng dinner.”

 

Sumandal ako sa upuan at pumikit, “Ayoko.. ang sakit ng ulo ko, mas gusto ko nalang matulog.”

 

“Maawa ka naman sa utak mo, kailangan din nyan ng energy. Masyado mong ginamit. Kumain ka kahit konti lang.”

 

“Fine.”

 

 

Nagsimula nang mag-drive si Karina papunta sa hindi ko alam at wala na akong balak pang alamin kasi nanghihina na ‘ko ditto.

 

Ano bang binili ng babae na ‘to?

 

Fries and yung bagong chicken burger pala, may coke float din.

 

 

“Seatbelt mo muna. Kakain ka na agad, hindi mo pa suot.”

 

“Ikaw nga pinaandar mo na agad hindi mo lang man pinaalala sakin.” Sabi ko pero sinunod ko pa rin naman siya

 

“Ay, sorry akin. Kahit pala pagod ka, marunong ka pa rin lumaban.”

 

Napangisi ako, “Hindi ako pinalaking mahina.”

 

 

Pero ang hina hina mo dun sa ex mo

 

Shut up, demons in my head.

 

Hindi ko na nga iniisip tapos bigla mong babanggitin?

 

Makakain na nga lang.

 

Sakto naman may naalala ako.

 

Si Ningning!!

 

 

“Wait Karina, may nakalimutan ako.”

 

“Ano?”

 

“Si Ningning! Padaanan naman sa College of Arts and Letters.”

 

“Sino yun? Bakit ngayon mo lang sinabi?”

 

“Bestfriend ko yun. I promised her na magkikita kami ngayon to eat.”

 

“Kakatapos niya lang din mag-exam?”

 

“Yup.”

 

“Sige, ihatid nalang kita dun tapos mauuna na ‘ko. I’ll see you on Monday nalang.”

 

I looked at her questioningly, “What do you mean? You’re coming with us. Wala kaming driver.”

 

Karina smiled, “Driver lang pala tingin mo sakin. Ang sakit sakit.”

 

“Dramatic. Bilisan mo nalang mag drive.”

 

“Ito na nga.”

 

 

---

 

“I can’t believe na nakalimutan mo ako! Kanina pa ko nagtetext at naghihintay sayo sa labas, ako nalang ata mag-isa nun dun!”

 

“OA mo, Ning. Ang dami mo pa kayang kasama dun.”

 

“Still, can’t change the fact that you made me wait. Super drained na ‘ko oh!”

 

“Drained na rin ako kaya nakalimutan ko.” Sabi ko sa kanya, “Pero ang tanong, bakit diyan ka umupo sa harap? Ang kapal naman ng mukha mo.”

 

“Bakit? You know I like sitting in front.” Pagrarason niya habang nagsusuot ng seatbelt

 

“Yes, I know pero hindi naman ‘to grab.”

 

“Huh?” takang napatingin siya kay Karina

 

“I’m Winter’s classmate.” Nahihiyang pakilala ni Karina.

 

“What?! Hala omg, nakakahiya.”

 

 

Dapat talagang mahiya ka!

 

Ako yung nakaupo dyan biglang aagawan mo ‘ko?

 

In my defense, nung nakita ko siyang umupo sa harap, sa likod ako naupo reflexively kasi ganun nga kami everytime na umaalis.

 

Nawala sa isip ko na si Karina pala yung nagda-drive.

 

I only realized it nung nasa loob na.

 

Si Karina rin hindi nagsalita at nag-drive nalang.

 

 

“Hi, I’m Ning Yizhuo. Call me Ningning nalang. Ano name mo? Buti marunong ka na mag drive? Nag-take ka rin ba ng UPCAT? Ang hirap no? Alam mo kanina isang hilera na ata kaming sumuko sa buhay at kumain nalang habang hinihintay yung time. Paano ka nga pala nakatagal sa ugali ni—“

 

“Ninging! Let her speak, puro ka tanong.” I decided to in nung nakita kong hindi makahanap ng tsempo si Karina sumagot

 

“Ah, right. Sorry.”

 

“It’s okay.” Karina assured, “My name’s Yu Jimin, but you can call me Karina. 19 na ‘ko and last year palang marunong na ko mag-drive. Nag take ako ng UPCAT kahapon and yung sa part na nakatagal sa ugali ni Minjeong—“

 

“Minjeong? You’re calling her Minjeong?” Takang tanong niya kay Karina at humarap din siya sakin with the same questioning look

 

“Siya lang nagpumilit, hindi ko binigyan ng permission.” Pagrarason ko

 

“But still? Si Doyeon lang pinayagan mo before na tawagin ka sa Minjeong.”

 

 

Pinanlakihan ko ng mata si Ningning dahil sa biglaang pagmention ng name nung babaeng ayoko na maalala.

 

Tsaka, hindi ko pinayagan si Doyeon dati! Nakasanayan ko nalang din.

 

 

“Ako lang talaga yung stubborn, ayaw talaga ni Winter. Minsan nag-aaway pa kami dahil lang dun.” Sabi naman ni Karina at buti naman inexplain niya nang maayos

 

“Okay…” Hindi pa rin nawawala ang duda sa mata ni Ningning “Anyways, ngayon din nag-take ng exam si Doyeon, she asked me to send her regards sayo.”

 

 

Ningning puta ka talaga.

 

Minsan ang insensitive mo! Di ka marunong makiramdam.

 

Of course hindi ko sinabi yung buong story kay Ningning kasi samin nalang ni Doyeon yun but alam niyang nag break kami. Why mention an old flame?

 

Tsaka, ano ‘tong si Doyeon? Patay malisya? Peste siya!

 

Feeling friends amputa. Pag ex, ex na!

 

 

“Okay.” Yan nalang sinabi ko para matahimik na siya

 

“Anyways, Karina, ang hirap ng UPCAT no?”

 

“Hmm, sakto lang. Parang mas mahirap yung exam last year.” Sagot naman ni Karina

 

“Last year??”

 

“Matanda na yan, nag take na siya ng UPCAT last year.” Ako ang sumagot

 

“Talaga? Why? Nakapasa ka ba last year?”

 

“Oo—“

 

“Oo, pasado siya. Sa Chemical Engineering pa qualified.” I proudly answered

 

She turned to look at Karina who’s busy driving, “Talaga? Edi bakit hindi mo na tinuloy? Sayang naman!”

 

“Ningning, you can’t ask people you’ve only met that. Ano ka ba.”

 

Inis akong tinignan ng bestfriend ko mula sa front seat, “What if manahimik ka at pasagutin mo si Karina? Di naman ikaw ang kausap.”

 

“Aba?” Sinusungitan niya ba ako?! Sinipa ko nga yung seat niya mula sa likod, “Get out of this car. Nakikisakay ka na nga lang.”

 

“Why don’t you get out? Ikaw ata malaki problema dito.” Inirapan niya ba ‘ko?!

 

I scoffed, “Yah! Ning Yi—“

 

 

Hindi ko na natuloy yung sinasabi ko dahil bigla akong sinalpakan ng fries sa bibig ni Karina.

 

Sandali, pano niya yung nagawa? Baka mabangga kami!

 

Ay okay, nasa red light pala kami.

 

Tinignan ko lang siya ng masama pati na rin yung bestfriend kong ngumangata na rin ng fries. Mukhang sinubuan din siya ni Karina para manahimik.

 

 

“Ang dami niyong energy para sa taong kakatapos lang mag take ng exam.”

 

“Blame Ningning.”

 

“Bakit ako? Ikaw kaya yung nang-aaway diyan.” Sisi pa niya sakin sabay dukot dun sa fries ko

 

“Huy akin yan! Sakin binili ni Karina yan!” Saway ko sa kanya sabay hila nung fries

 

“Ang damot mo naman! Gutom na ‘ko eh.”

 

“Manigas ka dyan!” Nayayamot ako sa kanya today ha

 

“Here oh, if you don’t mind sayo nalang yung akin. Hindi ko pa nakakagatan yung burger pero nabawasan ko na yung fries. Bottled water nalang sayo kasi nainuman ko na yung coke float.”

 

 

Agad ko namang pinigilan yung kamay ni Ningning sa pag-abot nung pagkain ni Karina at tinignan siya.

 

 

“Huy, sayo yan.” Paalala ko sa kanya “Bakit mo ibibigay lang kay Ning?”

 

“Gutom siya eh.” Inuna niya pang isipin yung ibang tao!

 

“Pano ka?”

 

“Kakain naman tayo sa pupuntahan natin.”

 

“Kahit na.”

 

“Okay lang, mas kailangan ng bestifriend mo kasi kakatapos lang niya mag-exam.”

 

“Pero..”

 

“Okay nga lang.” Pag-aassure niya

 

“Bahala ka nga.”

 

 

Sumandal nalang ulit ako at tinignan kung pano tuwang-tuwa kunin ni Ningning yung pagkain ni Jimin.

 

Hindi lang man nahiya ‘to!

 

Kakakilala niya lang dun sa tao kinuhanan niya na agad ng pagkain.

 

Kung alam ko lang edi sana shinare ko nalang kay Ningning yung pagkain ko.

 

I’m not worried sa kanya, okay? Worried lang ako na baka bigla nalang siyang himatayin at mabangga kami, diba?

 

Yun lang yon.

 

 

“Thanks Karina, you’re the best!!”

 

 

Aba! Bakit may pagyakap na sa braso?! Wala pa kayong isang oras na magkakilala hoy!

 

Nakita ko pa yung paglingon sakin at subtle niyang pag ngisi.

 

Tangina?!

 

Inaasar ba ‘ko nito?!

 

 

“Bes, yung burger mo kawawa naman pinanggigilan mo na.” Tatawa-tawa niyang point out

 

“ you.”

 

----

 

Hindi ko alam kung anong kademonyohan ang sumapi kay Ningning pero hindi niya na nilubayan si Karina simula pagbaba namin ng kotse.

 

Aba ang kapal ng mukha kasi tumabi pa kay Karina sa table at naglalampungan sila sa harap ko.

 

Alam kong makapal ang mukha ni Ningning pero hindi ganito kakapal.

 

She’s kinda awkward with strangers din kaya!

 

Etong si Karina parang wala lang din sa kanya.

 

Hello, first name nga lang alam mo sa taong yan!

 

Hindi ako natutuwa sa mga nangyayari.

 

Na-oop ako!

 

Kakatapos lang ng madugong exam at pagod na pagod ako tapos ganito ang makikita ko?

 

Tch.

 

Kaya tuloy kahit ang sarap ng food, wala akong gana kumain.

 

Sana pala tuluyan ko nalang kinalimutan si Ningning dun sa UP.

 

 

“May pupuntahan muna ako.” Anunsyo ni Karina pagkatapos niyang kumain

 

“San ka pupunta?” Sabay naming tanong ni Ningning

 

“Dadaan lang ako sa UPTC, may nakalimutan akong bilhin.”

 

“Bakit hindi pa tayong tatlo nalang yung pumunta dun?” Tanong ko

 

“You should catch up with your bestfriend, ngayon nalang ata kayo nagkita. Sawang-sawa ka na sa pagmumukha ko sure na.” Biro niya pa

 

 

I looked at her suspiciously.

 

Sabi ng guts ko wala talaga siyang pupuntahan, gusto niya lang kami bigyan ng time ni Ningning to hang out.

 

 

“Ang thoughtful mo naman. Ingat ka nalang sa UPTC!” Sabi pa ni Ning at parang tinataboy si Karina “We do need some time together. May kailangan lang kaming pag-usapan.”

 

 

Pinagsasabi niya?

 

 

“Ha? Wait lang, Karina..“

 

“Bakit, may papabilhin ka ba?”

 

 

Dito ka lang..

 

 

I sighed, “Ah, wala naman. Ingat ka nalang siguro.”

 

“Okay.”

 

 

She gave us one final wave bago kami iwanan ni Ningning dito sa blake’s.

 

Ininom ko nalang yung natitirang iced tea ko dahil wala na akong gana.

 

 

“Is there something going on with you and Karina?”

 

 

Bigla kong nalunok nang buo yung ice at muntik na ‘kong mamatay dun!

 

Buti hindi na gaano kalakihan but still?

 

Bakit din ba kasi nagtatanong bigla ng ganun si Ningning?!

 

 

Hinintay ko munang maka-recover ako sa traumatic experience na yun, “Wala!”

 

“Then, why are you being like this?”

 

“Like what?”

 

“A clingy jowa.”

 

“I’m not!” Hindi ako clingy at mas lalong hindi kami magjowa!

 

“Then do you like her?”

 

“Syempre hindi! Ang kapal naman ng mukha niya.” Mariin kong tanggi

 

“Then siya yung may gusto sayo?”

 

Napaiwas ako ng tingin, “Oo.”

 

“I knew it!” She exclaimed at talgang hinampas pa yung table causing na mapatingin yung ibang kumakain samin

 

“Huy, nakakahiya ka teh! Kumalma ka nga.”

 

“Sorry.” Hindi naman siya mukhang apologetic, mas mukhang excited pa siya “So kailang siya nag confess?”

 

“Chismosa mo.”

 

“Dali na kasi or di kita titigilan!!”

 

 

Basta chismax, hindi palalampasin yan ni Ningning.

 

 

“…First day of classes.” Mahina kong sagot kasi nahihiya ako

 

“Ano? Wag ka ngang bumulong!”

 

“Nung first of classes kako!” Gusto pa yung ipagmamalakasan!

 

 

Bigla naman tumili si Ningning at binato sakin yung tissue.

 

Ang baboy, parang yung gamit niya pa ata yun!

 

 

“Girl, unang araw pa lang ng klase hulog na sayo? May asim ka pa!”

 

I gave her a glare, “Pakyu, ginawa mo naman akong gurang. Natural, ang ganda ganda ko sinong hindi magkakagusto sakin?”

 

“Ako.”

 

“Dapat lang, ayoko ng lasunan.”

 

“Panget mo, tanga.”

 

“Mas ka.”

 

“Pero ayun na nga, Win! Bakit hindi pa kayo?” Why is she asking the obvious?

 

“Gaga ka ba? Eh hindi ko naman gusto si Karina.”

 

“Sure ka? Parang hindi naman yun yung nakikita ko. Akala ko nga ikaw yung may gusto kay Karina.”

 

“Hindi no! Kabahan ka naman sa pinagsasabi mo, Ning.”

 

“Akala nga diba, akala? Base lang sa observation ko.”

 

 

Kinabahan ako bigla.

 

Never nagkakamali yung observations ni Ningning..

 

Let’s just wish na namalikmata lang siya kasi hindi ko talaga gusto si Karina!

 

 

“What do you mean ba?” I asked

 

“Ilang taon na kita kilala and alam ko kung paano ka makipag-interact sa tao.”

 

“And? Hindi naman ako nagging ganito kay Doyeon ah. Never ko sinungitan yun o pinagsalitaan ng kahit na ano.” I’ve been anything but kind kay Karina

 

“Pano ang under mo, tanga.”

 

“Pakyu.”

 

“Kaya it’s refreshing to see you na ganito eh. Hindi ka man ganito kay Doyeon before, I just know na iba si Karina.”

 

“Oo, iba talaga siya. She’s like the most annoying person in the world, tinalo niya pa si Kuya.”

 

“You say that pero hindi mo naman tinataboy.”

 

“Anong hindi?! God knows how many times I pushed her away!”

 

Tinaasan niya ako ng kilay, “I’m not convinced. Alam ko kung paano ka magtaray kapag ayaw mo talaga and kahit ako natatakot sayo. Hindi mo siya tinataboy nang lubos kaya hindi ka niya nilalayuan.”

 

“Ning, ngayon mo lang nakilala yung taong yan. Hindi mo alam kung gaano ka-stubborn yan.”

 

“And alam ko rin na kapag may ayaw ka, ayaw mo talaga. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit mo sinasabing tinataboy mo naman siya. If tintaboy mo talaga siya with all your heart, bakit andito pa rin siya?”

 

 

Hindi ako nakasagot.

 

May point siya.

 

I’m as stubborn as Karina.

 

Kapag may hindi ako gusto, walang makakapilit sakin.

 

So bakit hindi ko lubusang nataboy si Karina?

 

 

“With your actions kanina, para ngang gustong gusto mo yung presensya niya.”

 

“Hindi kaya!” Now, she’s just teasing me. Hindi ako ganun ha!

 

“Sus, parang ayaw mo pa nga paalisin eh.”

 

“Hindi kaya….” I weakly argued back kasi naalala kong pinigilan ko nga si Karina umalis kanina

 

“My friend, hindi mo namamalayang unti-unti na pumapasok si Karina diyan sa puso mo. You’re starting to like her.”

 

“Shut up.”

 

“Yiee, hindi tinanggi.” Pang-aasar niya pa at gusto ko nalang siya tusukin ng tinidor

 

 

Gusto ko ba talaga yung presensya niya?

 

Hindi naman ata…

 

Nasnay nalang ako na andyan siya, tutal ayaw niya akong lubayan.

 

It’s been 4 months na rin, diba?

 

Araw araw niya kong ginugulo kaya nasanay nalang ako, yun lang naman ata yon.

 

Pero it still doesn’t answer the fact na hindi ko nga siya tinaboy nang mas malala.

 

I can do better than this.

 

Do I like her gaya ng sinasabi ni Ningning?

 

Natakot ako bigla.

 

No.

 

Hindi ko siya gusto.

 

Hindi pwede.

 

 

“Hindi ka na rin lugi kapag si Karina yung makatuluyan mo.”

 

“Pinagsasabi mo na naman? Tumigil ka na kaya.” Ayoko na makarinig pa, nagugulo lang yung utak ko

 

“Hindi, kasi ang caring niya lang sobra sayo! And the way she looks at you, iba talaga Win! Alam mo yung punong-puno ng pagmamahal? Ganun na ganun.” She stated dreamily

 

“Ano namang alam mo sa pagmamahal eh no jowa since birth ka.”

 

“Shut up! Basta yun! Bagay na bagay kayo. Give yourself a chance to love again naman.”

 

Umiling ako, “Hindi ko pa kaya.”

 

“Win, it’s been 6 months? Move on na.”

 

“Gago ka ba? Naka-move on na ‘ko.”

 

“Then bakit ka ganito? Why are you not giving Karina a chance, or yourself a chance?”

 

 

Hindi ako nakapagsalita.

 

Hindi ko naman kasi nasabi sa kanya yung totoong nangyari samin ni Doyeon.

 

 

“Dahil ba sa naranasan mo kay Doyeon?”

 

Gulat akong napatingin sa kanya, “What do you mean?”

 

“I know kahit hindi mo sabihin. Bestfriend mo kaya ako.”

 

 

I could feel my eyes heating up nang marinig yun.

 

Ayaw kong ipaalam kay Ningning kung ano bang nangyari talaga samin ni Doyeon dahil bilang respeto nalang yun sa pinagsamahan namin.

 

Labas na rin si Ningning sa kung ano mang naging issue namin noon.

 

Tsaka, hindi naman kailangan malaman ng ibang tao yung tunay na nangyari kasi nothing will change naman. Ayoko rin namang isipin ni Doyeon na sinisiraan ko pa siya dahil sa pagkwento ko.

 

It’s hard din for me to make kwento kasi parang bumabalik lang sakin lahat and I don’t want that.

 

 

“Ayoko lang manghimasok sa inyo kasi relasyon niyo naman yun. Hindi porket tahimik ako, hindi ko na alam yung mga nangyayari. I know Winter, I know.”

 

 

Hindi ko alam bakit ako umiiyak ngayon.

 

Sa pagod?

 

Sa confusing feelings ko para kay Karina?

 

Sa biglaang pagpapaalala ba nung mga hindi magandang memories?

 

I think lahat eh.

 

Nagsamasama na.

 

Na-overwhelm ako.

 

Naramdaman kong tumabi sakin si Ningning at niyakap ako.

 

I could only cry silently.

 

I’m so lucky to have her.

 

---

 

Kami na rin yung nahiya dun sa blake’s kaya nag change location kami.

 

Sa nearby coffee shop nalang kami tumambay para hindi naman nakakaabala sa ibang customers na gusto rin naman kumain.

 

Nakakahiya namang mag-iyakan kami sa isang busy na kainan.

 

Nag frappe lang ako kasi baka mamatay nalang ako if nag kape pa ‘ko.

 

 

“As I was saying nga kanina, solid na tropa si Doyeon pero bilang jowa she’s a little too possessive and controlling.” Kumento ni Ningning

 

“I’m surprised na napapansin mo yan. Kala ko tanga tanga ka.” Biro ko sa kanya

 

Hinampas niya naman ako nang malakas sa balikat, “Makapagsalita ka ha! Sino kayang mas tanga sating dalawa? At least ako hindi nagtitiis sa relationship na parang one sided lang.”

 

“Foul.”

 

Nginisian niya ako, “Kaya hindi rin kita masisisi kung bakit natatakot ka ngayon.”

 

“Hindi ako natatakot.” Depensa ko sa sarili ko

 

“Deny all you want but I can see it in your eyes.”

 

“Pinagsasabi mo na naman diyan. Ako nga walang nararamdaman eh.”

 

“Wala ba talagang nararamdaman or hindi mo lang ina-acknowledge yung nararamdaman mo?”

 

“Shut up.”

 

 

Wag mo na ‘ko pag-isipin pa, okay?!

 

 

Tumawa siya, “Okayyyy, hindi ko na ipipilit. Ang akin lang, kung kay Karina ka lang din naman mafa-fall, I think worth it naman.”

 

“Hindi ko nga siya gusto.” Pagtanggi ko, “Tsaka, kakakilala mo lang sa kanya, anong worth it ka diyan.” Taas ng tingin niya masyado kay Karina

 

“Edi kung ayaw mo talaga sa kanya,” Nakita kong may tinignan siya sa bandang likuran ko pero bago pa ‘ko makalingon, may sinabi siyang hindi ko nagustuhan “ako nalang—“

 

“Ning Yizhuo!”

 

 

Ayun, ang bruha tawang-tawa.

 

Gustong gusto neto na nagagalit ako eh.

 

Wala na kong pake kung nagwawala ako sa loob ng tahimik na coffee shop. Masyado niya akong giangalit today.

 

 

“Kala ko ba hindi mo siya gusto, bakit ayaw mo may ibang tao na mapupunta sa kanya?”

 

“Mapunta na lahat wag lang ikaw.”

 

“Really? How about i-reto ko siya sa pinsan ko?” mas lalong ayaw ko!

 

Tinignan ko siya nang masama, “Ningning, isa. Ayokong may kadugo mo ang lalapit kay Karina.”

 

“How about yung classmate natin na nanalo sa—“

 

“Ningning, shut up okay? Ayokong may ibang lalapit kay Karina.”

 

 

Bago ko pa nabawi yun, ang lawak na ng ngiti ni Ningning sa harap ko.

 

At talagang dinagdagan pa yung hiya ko nung naramdaman ko ang malamig na kamay ni Karina sa balikat ko.

 

Nakabalik na pala siya.

 

Gusto ko nalang sumabog.

 

Pinagkaisahan ako ni Ningning no? Pinarinig niya talga kay Karina yun no?

 

Siya yung tinitignan ni Ningning kanina no?

 

Tangina. Friendship over na talaga.

 

 

“Karina, narinig mo naman yun no? Si Winter pakipot lang yan pero gusto ka talaga.”

 

“Sino?” Tanong ko

 

“Ikaw”

 

“Nagtatanong, pakyu.” Tinignan ko si Karina, “Ayoko lang bahiran mo ng hindi maganda yung dugo nila Ningning pati na rin mga friends niya. Hindi nila deserve ang kagaya mong hindi marunong makinig. They deserve someone better.”

 

 

I saw a hint of hurt sa mata ni Karina at gusto ko nalang bigla bawiin yung sinabi ko.

 

I could’ve chosen better words.

 

 

“Winter…” Si Ningning yun, may halong disappointment sa boses niya. Yes, I know what I did.

 

“Okay lang, hindi naman sila yung gusto ko.”

 

 

No, how can you still smile kahit ang sakin ng sinabi ko at sa harap pa ng taong kakakilala mo lang ngayong araw?

 

 

“Sino ba yung gusto mo?”

 

“Si Minjeong lang.”

 

 

My heart may or may not have skipped a beat.

 

 

---

 

 

It’s October 23, and it’s my bestfriend’s birthday.

 

Syempre hindi pwedeng mawala ako dito, but to my surprise, ininvite niya rin pala si Karina.

 

Okay lang naman sakin at least hindi ako mabo-bored.

 

Kahit naman matagal na ko sa St. Scho, si Ningning lang talaga yung masasabi kong close friend ko.

 

Puro acquaintances nalang yung iba.

 

It’s my first time seeing Karina in a dress, a black assymetrical dress to be spefic at dumagdag pa yung smoky make up niya.

 

She’s looking extra gorgeous today.

 

May panibagong side na naman akong nakita ni Karina.

 

Ang ganda ganda niya lang talaga ngayong gabi at halos hindi na naalis ang mata ko sa kanya.

 

I just find her pretty no, it doesn’t mean anything naman.

 

Though never ko sinabi sa kanya yun kasi mas gugustuhin ko pang magpasaksak nalang.

 

But Karina never shutted up about how pretty I look like tonight

 

She’s exaggerating lang naman kasi I didn’t wear anything special naman.

 

Nagsuot lang ako ng plain satin dress tapos I applied a light make up kaya siguro hindi matahimik tong si Karina sa puri sakin. Ibang side ko rin ‘to na once in a blue moon ko ipakita.

 

Hindi ko na nga ata kailangan ng blush on kasi kanina pa ‘ko namumula.

 

 

“You don’t have to come, seryoso. Nag-iinarte lang yun si Ningning.” Sabi ko kay Karina

 

“Okay lang, hindi naman na others si Ningning.”

 

“Dapat talaga hindi ka na pumunta” Baka kung sino pa i-reto sayo ng gago nay un. Lalo na’t you look so good tonight

 

Tinignan niya ako, “Bakit, dahil baka may i-reto si Ningning tapos hindi ko naman deserve ganun?”

 

 

Dinamdam niya tlaga yung sinabi ko na yun, no?

 

Hindi ko rin naman kasi binawi so partly my fault okay.

 

 

“It’s not that…”

 

“Don’t worry, hindi ko naman sila lalapitan. If you’re that worried sa friends mo, pwede ko nalang takluban ng hoodie yung mukha ko.”

 

“Para kang tanga naman nun.”

 

“Masyado kang ano kasi diyan. Kahit naman may ipakilala pa si Ningning, ikaw at ikaw pa rin ang kukulitin ko.”

 

Umiwas ako ng tingin sa kanya kasi baka makita niya yung ngiti ko, “Malas ko naman.”

 

“I know right.”

 

“Sana naaalala niyong sinama niyo ko dito, no?”

 

 

Natigil ang pag-uusap naming nang biglang nagsalita si Giselle na nasa tabi ni Karina.

 

Nakalimutan kong sumama nga pala siya!

 

 

“Gi, you invited yourself kaya.”

 

“Kasi it’s our bff time! Winter’s friend told you rin naman na pwede ka magsama ng kahit sino na gusto mo para hindi ka naman lonely diba?”

 

“Right..”

 

 

Nabanggit ko na ba na complete opposite ko talaga si Ningning?

 

Kung ako ayaw ko masyado ng maraming tao, siya gusto niya laging napapalibutan ng tao.

 

Kaya yung ininvite niyang friends ngayon is sobrang dami, my god.

 

Pati yung mga seniors pala namin dinala ininvite niya kaya ang daming familiar na mukha dito.

 

Sa Blue leaf yung venue here in Taguig para sa debut nya.

 

Mahal na mahal siya ng parents niya kaya sobrang magarbo talaga ang venue and yung theme na pinili niya pa is very unique pa.

 

Pagpasok ko pa lang, ang dami ko na agad nakasalubong na old classmates and parang naubos na agad energy ko dun. Kasi bakit ba need pa mangamusta? Pwede naman tamang tanguan nalang. It’s not like we’re all close dati.

 

Binalaan niya na rin ako na ininvite niya nga rin daw si Doyeon kasi tropa niya pa rin naman daw yun pero minake sure nyang malayo sa table namin nila Karina bilang respeto sakin at sa girlfriend ko.

 

Ewan ko ba at pinagpipilitan pa rin ng babae na yun yung samin ni Karina.

 

Ilang beses ko naman ininsist na hindi nga, pero napakakulit.

 

Basta, sana di nalang kami magtagpo ni Doyeon ngayong gabi.

 

Para sa ikatatahimik nalang ng buhay ko.

 

 

“Jimin, kinakabahan ka na ba?”

 

Napalingon ako sa dalawang mag bestfriend, “Kinakabahan saan?”

 

Nakita ko yung pagsiko ni Karina sa bestfriend nya, “Wala, kinakabahan lang ako kung magugustuhan ba ni Ningning yung gift ko.”

 

“Ano ba yung gift mo?”

 

“Color pencils.”

 

“Seryoso? Patingin nga.”

 

 

Iju-judge ko na sana yung choice of gift niya kaso muntikan nang lumuwa yung mata ko nang makita na color pencils from Louis Vuitton naman pala!

 

Hindi nililinaw ni Karina kasi.

 

 

“Gaga ka ba? Baka magwala na yun sa tuwa.”

 

“Really? Sabi niya kasi mahilig siya sa mga art art ganun.” Andun na tayo pero kailangan mo bang bilhan ng ganito kamahal??

 

“Yup, super.”

 

“How about mine? Magugustuhan niya kaya?” Tanong naman ni Giselle

 

“Patingin muna ako.”

 

 

Sa laki ng paper bag at design pa lang parang alam mong may mamahalin na nakalagay sa loob.

 

And I was ing right.

 

Alam ko to eh, ito rin dapat yung bibilhin ko kay Ningning kasi gusto niya magkaroon nito.

 

I was worried lang dahil baka nabili niya na at magkanda-doble doble.

 

Yung soft pastel set of 250 from sennelier.

 

This is so goddamn expensive kaya.

 

 

“Magugustuhan niya yan sobra.”

 

“Really? I’m glad.”

 

 

Ano ba naman ‘tong mag bestfriend na ‘to?

 

Parang parehong hindi matino ang pag-iisip.

 

Si Karina, isang beses lang naman na-meet si Ningning.

 

Si Giselle, ngayon palang makikilala si Ningning pero yung ibibigay bongga?

 

Nahiya tuloy yung finetec water color set and yung da vinci casaneo brush set ko!

 

Well, it’s the thought that counts.

 

Hindi naman kami nagpapaligsahan dito.

 

Ang maganda rin kasi kay Ningning, marunong siya mag-appreciate ng mga regalo. Kahit nga ata dahon lang ibigay ko matutuwa na yun.

 

---

 

The event started kanina pa and hindi ko na alam kung ilang pictures ang nakunan ko sa bestfriend ko.

 

Sobrang ganda nya ngayong gabi mukha siyang tao!!

 

She’s finally 18 na, pwedeng-pwede na makulong.

 

And speaking of my bestfriend, papalapit na siya samin with her maroon dress.

 

Kakatapos niya lang chikahin yung relatives niya and it looks like kami naman ang i-eentertain niya.

 

May nakakayamot na ngiti na agad siya na parang walang magandang dulot ang paglapit niya.

 

 

“Happy birthday, tanda mo na.” Bungad ko sa kanya

 

Inirapan niya lang ako, “Nagasalita ang hindi gurang.”

 

“Magkasing edad na tayo, gurang ka na rin.”

 

 “Whatever, buti nakapunta ka. Akala ko iindianin mo ko eh.”

 

Tinulak ko siya nang mahina, “Luh, anong tingin mo sakin?”

 

“Tanga. Hehe.”

 

 

Hindi ko nalang siya pinatulan dahil birthday niya naman.

 

Sasabihin ko pa naman sana na ang ganda niya pero nevermind.

 

Nilingon niya yung katabi ko at nagulat pa ako nang bigla niya tong yakapin.

 

 

“Karina!!!”

 

 

I looked at her in disbelief.

 

Ako yung bestfriend dito ng ilang taon pero si Karina yung niyakap? Ako kinausap lang? Inaway pa?

 

Pambihira

 

 

“Buti nakapunta ka.” Natutuwang sabi ni Ningning

 

“Of course, you invited me eh.” Bakit ka nakangiti ha? “I’ve brought my friend din pala.”

 

Sumulpot si Giselle from the back at kinawayan si Ningning, “Hi! You look pretty, Yizhuo. Happy birthday.”

 

“Thank you, Giselle. You look pretty too, sana na-enjoy mo yung party.”

 

“Yup, and I think mas ma-eenjoy ko maya maya.” Sabi pa ni Giselle sabay tingin sa bestfriend niya

 

“Shut up.”

 

 

Tumawa si Ningning at Giselle habang si Karina naman hindi mapinta ang mukha.

 

Bakit parang ako lang ang walang alam sa mga nangyayari?

 

Tumayo bigla si Karina at inoffer yung upuan niya kay Ningning.

 

 

“Huy, bat mo binigay kay Ningning yung upuan mo? Pano ka?” Ayan na naman siya, iniisip na naman kapakanan ng ibang tao at hindi yung kanya

 

“Pupunta lang muna ako sa CR.”

 

“Huh? Sama ako.” I was about to stand up nang pigilan ako ni Ningning

 

“Nagiging clingy jowa ka na naman. Mag-ccr lang siya hindi naman mambababae.”

 

Tiniginan ko siya nang masama, “Shut up. Ang akin lang, baka mawala yun.”

 

“Winter, ano ba.” Natatawang sabi ni Ningnign, “Diba mas matanda satin si Karina? Ginagawa mo namang bata.”

 

“Pero kasi.. ah bahala na nga. Umalis ka na.” Pagtataboy ko kay Karina

 

“Babalik din ako.” Ay andito pa pala si Karina?

 

“Bilisan mo.”

 

“Opo.”

 

 

Sakto naman pag-alis ni Karina may nag-start na music.

 

I think time na for the performances.

 

Sabi ni Ningning meron daw pa-special performance yung friends naming dun sa dati kong school.

 

Hold up, if you wanna go and take a ride with me

Better hit me, baby, one more time, uh…

 

 

“Sandali nga..” Parang kilala ko yung silhouette na yun ah?

 

 

I will always remember

 

 

“Si Karina?!” Takang tingin ko kay Ningning na ngayon ay tumatawa habang pinapanood si Karina sa harap

 

“Shh, just enjoy the show. Ang galing sumayaw niyang future girlfriend mo.”

 

“Ningning naman eh! Anong ginawa mo?!” tsaka naka-heels si Karina kanina ah, kalian pa sya nagpalit into sneakers?!

 

“Manahimik ka nga dyan. Panoorin mo nalnag yung pinag-effortan na sayaw ni Karina.”

 

“Kakainis naman to!”

 

The day you kissed my lips

Light as a feather

 

 

Bakit hindi ko ‘to alam?

 

Mas lalo akong nagulat nung may lumapit na isang familiar figure kay karina.

 

Oh my God.

 

Is that Doyeon?!

 

 

And it went just like this

No, it's never been better

Than the summer of 2002 (ooh)

 

“Ningning!!”

 

“Aray! Ang sakit sa tenga nito! Panoorin mo nalang kaya?”

 

“Bakit si Doyeon andun?! Tangina naman.”

 

“Kasi gusto ko makita reaction mo.”

 

 

Inis ko siyang sinuntok sa balikat at wala na kong pake kung nasaktan pa siya dun.

 

Mabilis lang yung cameo ni Doyeon dun na hindi ko na halos napansin dahil yung focus ko na kay Karina.

 

After Doyeon, tatlong babae naman ang pumasok.

 

Is that Soojin, Ryujin and Chaeryeong?!

 

Uh, we were only eleven

But acting like grown-ups

Like we are in the present

Drinking from plastic cups

Singing, "Love is forever and ever"

Well, I guess that was true

 

 

“Bes, yung bibig. Baka pasukan na ng langaw yan.” Natatawang sabi sakin ni Ningning sabay yapos sa leeg ko

 

“Lumayo layo ka nga sakin, baka ano pang magawa ko sayo.” May halong pagbabanta kong sabi

 

“Sus, ang sabihin mo dapat thank you.”

 

“Tangina mo wala akong dapat ipagpasalamat sayo.” Why are you making Karina dance like that in front of this huge crowd? She’s literally capturing everyone’s heart here! “Tsaka, bakit bumabalik si Doyeon?!”

 

“Ah, just watch. Lahat nalnag may comment amputa.”

 

Dancing on the hood in the middle of the woods

On an old Mustang, where we sang

Songs with all our childhood friends

 

 

“Hoy putangina!!”

 

 

Tawang tawa si Ningning samantalang ako halos mabaliw na nung biglang naglapit ng mukha si Doyeon and Karina with smiles on their faces, they almost kissed.

 

Bakit sobrang lapit?!

 

Ano ba namang choreography ‘to?!

 

Tsaka sino yung mga humiyaw ha?!

 

And it went like this, say

Oops, I got 99 problems singing bye, bye, bye

Hold up, if you wanna go and take a ride with me

Better hit me, baby, one more time, uh

Paint a picture for you and me

On the days when we were young, uh

 

Parang dudugo ang aking ilong.

 

Bakit parang ang y naman masyado nung sayaw?!

 

And her expressions, oh my God.

 

She’s feeling herself.

 

Singing at the top of both our lungs

On the day we fell in love

Ooh ooh, ooh ooh

On the day we fell in love

Ooh ooh, ooh ooh

 

Karina posed with the brightest smile on her face that is directed towards me, and only to me. She even winked at me in which she failed miserably. Hindi marunong amp.

 

Mamatay na yung mga magsasabi na nginitian sila ni Karina!

 

Namatay ulit yung ilaw kasabay ng hiwayan at palakpakan ng mga tao dito sa venue.

 

 

“Ano tapos na ba? Pabalikin mo na nga si Karina ditto!” Irita kong sabi kay Ningning

 

“Hindi pa, there’s more. Just relax and watch jusko po. Ang galing galing niya eh ikaw reklamo nang reklamo.”

 

“Eh kasi…”

 

 

Oo nga bakit ba?

 

Ano ba ang ipinuputok ng butchi ko?

 

Sobrang galing ni Karina kanina and deserve niya lahat ng hiyawan at palakpakan.

 

Hindi ko lang alam kung bakit nagkakaganito ako.

 

Dahil ba kay Doyeon?

 

Hindi eh.

 

Ni-hindi ko na nga pinansin yung presensya nya at nakatingin lang ako kay Karina the whole time.

 

Ano ba naman ‘to..

 

Nasira yung train of thoughts ko nang bumukas ulit yung mga ilaw at nakita si Doyeon sa center.

 

It’s her turn to dance na pala.

 

Parang ayoko na panoorin.

 

 

I don't wanna know, know, know, know

Who's taking you home, home, home, home

And loving you so, so, so, so

The way I used to love you, no

 

 

“Teka, bakit andun na naman si Karina?!”

 

“Winter, isa pang angal mo ipapakaladkad na kita sa labas.”

 

“Kasi naman, ang dami daming pwede eh..”

 

“Ako may birthday kaya ako may final say.”

 

 

Hindi na ako lumaban at nakabusangot na pinanood nalang sila.

 

 

I don't wanna know, know, know, know

Who's taking you home, home, home, home

And loving you so, so, so, so

The way I used to love you, oh

I don't wanna know

 

 

Putanginang choreography to bakit ang daming eksena na naglalapit sila ng mukha?!

 

Pero other than that, sobrang galing lang ni Karina sumayaw at hindi rin naman nagpapatalo si Doyeon.

 

But sadyang yung mata ko parang naka-glue na kay Karina.

 

Talaga bang sumasayaw sila nang ganito kagrabe in their dresses? Walang awa si Ningning, hindi lang man pinagpalit ng damit.

 

Wasted

And the more I drink, the more I think about you

Oh, no-no, I can't take it

Baby, every place I go reminds me of you

Do you think of me, of what we used to be?

Is it better now that I'm not around?

My friends are actin' strange, they don't bring up your name

Are you happy now? Are you happy now?

 

Hindi ko gusto ang nakikita ko.

 

Bakit parang close na close sila tignan with how they danced together?

 

Bwisit na Ningning ‘to, sinasabi ko sa kanya pag may hindi magandang nangyari talaga susunugin ko lahat ng art materials niya.

 

 

“Ano, tapos na ba?” Walang gana kong tanong kay NIngning

 

“Meron pa isa.”

 

“Oh my God.” I exclaimed in defeat. Pagod na ko.

 

 

Wait, mas okay naman ‘to.

 

Karina’s at the center once again tapos may kasama nya yung apat na sila Ryujin, Doyeon, Chaeryeong and Ryujin.

 

I love this song!

 

I'm hurting baby, I'm broken down

I need your loving, loving I need it now

When I'm without you, I'm something weak

You got me begging, begging, I'm on my knees

 

Yan! Ganito dapat yung pinasayan ni Ningning kay Karina in the first place edi natuwa pa ko.

 

It’s better with groups kesa dun sa dalwa lang sila.

 

I don't wanna be needing your love

I just wanna be deep in your love

And it's killing me when you're away

Ooh, baby

'Cause I really don't care where you are

I just wanna be there where you are

And I gotta get one little taste

 

Nabanggit ko ba na Karina managed to look at me wihout fail habang sumasayaw?

 

She’s singing along sa song and she looked hot doing that.

 

Nabanggit ko rin ba na para akong hihimatayin na dito?

 

Why does she look so good? Who the looks this good while dancing?!

 

Bakit ganyan siya kagaling sumayaw?

 

Bakit ganyan siya tumingin sakin?

 

Sugar, yes, please

Won't you come and put it down on me?

I'm right here, 'cause I need

Little love, a little sympathy

Yeah, you show me good loving, make it alright

Need a little sweetness in my life

Your sugar, yes, please

Won't you come and put it down on me?

 

“Yun oh, in-love na naman ang bestfriend ko.” Pang-asar na bulong ni Ningning

 

“Shut up.”

 

 

Karina, ano ba ‘tong ginagawa mo sakin?

 

---

 

 

I decided na magpahangin sa labas after ng performance ni Karina.

 

Feel ko kasi kailangan ko ng fresh air dahil parang nasu-suffocate ako sa loob.

 

Hindi ako maka-move on sa pa-surprise dance performance niya dun!

 

Kumuha rin ako ng isang cocktail sa loob dahil feel ko lang mag-inom kahit light lang.

 

Kung hinahanap niyo si Karina, andun siya pinagkakaguluhan ng kamag-anak ni Ningning at ng dati kong schoolmates.

 

I was pissed sa totoo lang dahil nangyari na nga yung ayaw ko.

 

 

“Minjeong.”

 

 

Nagising yung buong diwa ko nang marinig ang boses niya.

 

Para bang kanina ko pa hinihintay marinig yun.

 

Tumabi siya sakin at may bitbit siyang sa tingin ko ay juice at garlic bread.

 

She still looks good even after that performance at parang hindi lang man pinawisan.

 

Hindi po tao si Karina, final na.

 

 

“Gusto mo?” Umiling ako

 

“Bakit ka andito? Dun ka na sa loob, makipag-hangout ka sa kanila.”

 

“Ayoko, di ko naman mga kilala yun.”

 

I scoffed, “Sumayaw ka nga kasama sila tapos hindi mo kilala?”

 

“Totoo nga.”

 

“You don’t have to lie sakin, kitang kita ko naman kung paano ka makipag-interact sa kanila kanina.” That came out more bitter than I thought

 

“Seryoso ako. I might know their names kasi nag-meet up naman kami last night para makita ng buo yung sayaw but hanggang dun lang yun.”

 

“Really? So kanya-kanya pala kayong practice sa bahay?”

 

“Yup!” that made me feel relieved “Last night lang kami nagkita-kita talaga and si Doyeon lang yung nakausap ko talaga kagabi pero yung iba, palitan ng names lang ang ganap.”

 

 

Para naman akong nanigas sa kinatatayuan ko nang marinig yung pangalan niya.

 

 

“…Close na kayo?”

 

Umiling siya, “Hindi.”

 

“Sakin ka pa magsisinungaling, kitang kita kung gano kayo ka-close habang sumasayaw.”

 

“Para lang yun sa performance.”

 

“Sus.”

 

 

Parang nakahinga ako ng maluwag sa naging sagot niya.

 

Mukha namang hindi siya nagsisinungaling.

 

 

“What do you think of her?”

 

“Why?” Tanong ni Karina pabalik

 

“Anong bakit?”

 

“Bakit kailangan mo itanong?” Bakit parang sobrang seryoso niya naman pakingagan?

 

“Bawal? Curious lang naman ako baka maging crush mo ganun.”

 

 

Bigla naman siyang tumawa.

 

Yung tawa na parang naiinis siya?

 

Do you get me?

 

 

“Akala ko kinikilatis mo kung sino yung magiging next girlfriend niya eh.”

 

“Pake ko kung sino pa sunod niyang jowain.” Inis kong sabi

 

“Ah, wala ka na bang pake?”

 

“Wala, she can date anyone. I don’t care.”

 

 

Totoo yun ha!

 

Doyeon can like whoever the she likes dahil ex nalang naman ako. Wala na akong say diyan.

 

 

Tumango siya, “To be honest, I hate her, sobra. If I could punch her, ginawa ko na.”

 

Hindi ko inexpect yung sagot niya at nag panic ako. Nag-away ba sila? “Why? Anong ginawa niya ba sayo?”

 

“Sakin wala, pero sayo meron.” Malaman niyang tugon at hindi naman ako tanga para hindi yun maintindihan

 

“Huh? How did you…”

 

“I hate the fact that she’s your ex kaya galit ako sa kanya. Yun lang. Childish, right?”

 

 

It sounds so childish, sa totoo lang.

 

How can she hate someone nang dahil lang dun? Wala namang ginagawang masama sa kanya yung tao, right?

 

Ang petty nga.

 

But at the same time, it sounded endearing to me.

 

Hindi ko alam kung bakit. Lasing na ata ako.

 

 

“I hated her more lalo na nung narinig ko kung pano ka niya i-kwento sakin.”

 

“Huh? Anong sinabi niya ba?”

 

 

Baka siniraan naman ako nun?!

 

 

“Puro siya puri sayo and tunog sobrang swerte niya sayo, like you’re the best girlfriend daw..”

 

“..” Seryoso ba?

 

“Nakakainis yung fact na she had all that but still managed to hurt you at pakawalan ka pa. Sobrang tanga.”

 

“Karina..”

 

“If I were her, hinding-hindi na kita pakakawalan and would treat you better.”

 

 

I felt my cheeks heating up, and hindi na alak ang dahilan nun.

 

Sobrang tahimik dito sa place na tinatayuan namin kaya I’m worried dahil baka marinig ni Karina kung gano kabilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya.

 

 

“But alam ko namang hindi mo ako magugustuhan kaya let me treat you better nalang, until you find someone you like talaga. Training grounds mo ganun.”

 

 

She’s smiling but why does it look so sad?

 

Why am I so affected?

 

 

“Pano kung magustuhan kita? It’s a harmless question ha, hindi naman kita pinapaasa.” I couldn’t help but ask

 

“Oo na, defensive ka.”

 

“Ayoko lang magkaroon ng misunderstandings.”

 

 

Hindi muna siya sumagot at uminom mula sa orange juice niya.

 

Yun lang naman ginawa niya pero why does it look so attractive?

 

Is it because of her make up?

 

There’s something about Karina today that makes her so attractive.

 

 

“Edi, Don’t be afraid to jump then fall, jump then fall into me. Baby, I’m never gonna leave you. Say that you wanna be with me too. Cause imma stay it through it all, so jump then fall.” Her voice…

 

 

Kakatapos mo lang magpakitang gilas sa pagsayaw tapos kakantahan mo ko bigla?!

 

Pwedeng kalma?

 

Respeto lang din sakin ha?

 

Kung ano ano na nararamdaman ko dito oh!

 

 

 “Ang dami mong alam, dinamay mo pa si Taylor.”

 

She giggled, “Feel ko magiging cheesy masyado if hindi ko ginamit yung kanta.”

 

 

Both of us laughed kasi alam naming tama yun.

 

My heart feels light.

 

I feel happy and contented.

 

For the first time, I didn’t see Karina’s feelings for me as a bother and a burden.

 

Maybe, just maybe.. I’m slowly accepting it.

 

 

---

 

Karina’s absent.

 

Hindi ko alam kung anong nangyari but after nung birthday ni Ningning, naging tahimik na si Karina.

 

Kahapon niya pa hindi nirereplyan yung mga messages ko at hindi pa siya nagparamdam ngayon.

 

Hindi yun normal kasi never naman naging ganun si Karina.

 

Anong nangyari kaya dun?

 

Sobrang nakakapanibago na walang kahit na anong messages at hindi niya ako kinukulit ngayon.

 

Dagdag sa inis pa yung sa kanina dahil muntikan akong ma-late kakahintay sa pagdating niya!

 

Ang kapal ng mukhang paghintayin talaga ako no?!

 

Pero kahit na sobrang naiinis ako sa kanya, hindi maalis sa isip ko na baka may nangyari sa kanyang hindi maganda.

 

Again, hindi ugali ni Karina ang bigla nalang maglaho at hindi magparamdam.

 

 

“Winter, bakit absent si Ate Karina?” Tanong ni Yujin

 

“Hindi ko rin alam. Kahapon niya pa ‘ko hindi mine-message.”

 

“Hala, baka may nangyari ng masama kay Ate Rina!” Sabi naman ni Minju at hindi yun nakatulong sa iniisip ko

 

“Minju, pinapakaba mo lalo si Winter! Baka naman gusto lang mapag-isa ni Ate Karina.” Pagdadahilan naman ni Wonyoung “Nag-away ba kayo?”

 

Umiling ako, “Hindi naman. Okay pa naman kami nung Saturday pero nung Sunday, biglang hindi na siya nagparamdam sakin.”

 

“Tatanungin ko mamaya si Ms. Ailee, baka alam niya.” Sabi pa ni Minju

 

“Thank you, really.”

 

“What if puntahan niyo nalang po kaya sa bahay nila?”

 

 

Parang magandang idea yan ha!

 

…kaso hindi ko alam kung saan yung bahay ni Karina. Basta sa Fuentes St. lang yung natandaan ko.

 

Hindi ko na matandaan yung number ng bahay kasi that was like 4 months ago??

 

Ano ako diyos para matandaan yun?

 

 

“Hindi ko alam kung saan nakatira si Karina..” Sabi ko nalang

 

“Girlfriend mo tapos hindi mo alam yung bahay?” Napalingon naman ako dahil dun sa tinanong ni Wonyoung

 

“Hindi ko siya girlfriend ha!”

 

“Talaga? Lagi kaya kayong magkasama nun ni Ate Karina.” Dagdag pa ni Yujin

 

“Para namang hindi niyo alam na kinukulit lang ako nun.” Pagpapaalala ko sa kanila

 

“Oo, alam namin dati pero basta iba ngayon eh! May sparks!” Sabi pa ni Minju

 

“Tigilan mo ‘ko sa sparks na yan ha, ano kami kuryente? Hindi ko nga gusto si Karina.”

 

“Kung hindi mo siya gusto bakit sobra ka kung mag-alala?”

 

 

Hindi ako nakasagot sa tanong ni Yujin.

 

Oo nga.

 

Bakit nga ba ako sobrang nag-aalala to the point na hindi ako nakatulog nang maayos kakahintay na magreply sakin si Karina kagabi?

 

this.

 

Naco-confuse na naman ako.

 

 

“I’m not an expert sa love pero gusto ko lang sabihin na kung ano man yung nararamdaman mo, hayaan mo lang. Wag mong pipigilan kasi it will only hurt you and her.”

 

I sighed, “Hindi, wala lang ‘to. Wala kong dapat pigilan kasi wala naman akong nararamdaman. I’m just worrying for her as a friend.”

 

“Whatever you say, Winter.”

 

 

---

 

Hindi na ako nakatiis at chinat na si Giselle kahit nahihiya ako sa kanya.

 

Feeling ko kapag hindi ako nakakuha ng kahit na anong balita kay Karina, baka ano pa ang maisip ko at mabaliw nalang ako.

 

 

Hi, Giselle! Si Winter ‘to, classmate ni Karina

Yes, hello! What’s up?

 

Gusto ko lang itanong kung ano ba nangyari kay Karina, hindi kasi siya pumasok ngayon and hindi siya nagrereply sa chat ko

Hindi ako worried ha, curious lang

 

You’re so funny, Winter. Hindi mo talaga kaya maging honest sa feelings mo.

 

I am being honest!

 

Alright

Oh and 25 pala ngayon. I can’t tell you the exact reason why she’s like that kasi sa kanya mo dapat marinig.

I can assure you na wala namang nangyaring masama sa kanya kaya don’t worry anymore.

 

I told you I’m not worried

 

Oo nalang, Winter.

 

 🙄

What’s her address nga pala?

Might as well go there nalang since wala akong makuhang sagot sayo

 

That’s better.

Basta, be nice to her kahit today lang ha?

Dalhan mo siya ng ice cream, cookies and cream flavour!!

 

Ang dami namang demand. Birthday niya ba?

 

Hahaha. It’s not. Basta be kind nalang sa kanya ha!

Thank you, Winter.

 

Okayyy.

 

 

---

 

Sinunod ko pa rin naman si Giselle.

 

Dumaan muna ako sa 7/11 para bumili ng isang tub ng cookies and cream ice cream bago umuwi sa bahay para maligo.

 

Kahit na ayoko talagang aminin, sobrang worried ako sa kanya.

 

Ang saya saya niya pa nung birthday ni Ningning tapos kinabukasan, wala ka biglang balita sa kanya?

 

Sino ba namang hindi mag-aalala dun? Lalo na kung sanay kanga ng kulit kulit niya.

 

Hindi pa nakatulong yung pagsisikreto ni Giselle nung information kay Karina.

 

Kung sinabi niya naman kung ano meron kay Karina una pa lang edi sana hindi ako nag-aalala ng ganito.

 

Nilakad ko nalang yung bahay nila Karina and hindi ko naman inexpect na sa kanila yung pinakamalaking bahay sa Fuentes st.

 

Ang laki and ganda ng bahay but it feels so empty kahit sa labas pa lang. Wala ka ring maririnig na ingay, akala mo walang tao na nakatira dito.

 

Nag doorbell na ako and ilang seconds lang, pinagbuksan na ko ng kasambahay ata nila.

 

 

“Ano po ang kailangan niyo, ma’am?”

 

“Binibisita ko po si Karina.”

 

Parang nagtaka pa siya ng mga ilang Segundo bago na-gets yung sinabi ko “Ah, si Ma’am Jimin po?

 

“Yes po.” Right, Jimin nga pala ang real name niya

 

“Sige po, pasok po muna kayo. Tatawagin ko po muna si ma’am Jimin.”

 

“Thank you po.”

 

 

Pumasok na ako sa loob ng bahay nila at sobrang lawak pala ng loob at ang daming paintings!

 

Meron ding grand piano malapit dun sa may bintana and I can already imagine Karina playing dun.

 

That would be so attractive.

 

Nahagip din ng mata ko ang isang malaking picture frame sa sala.

 

So 4 lang pala sila sa family, may isa siyang Ate. I think nabanggit niya nga yun.

 

Ang ganda rin ng Ate niya pero hindi niya kamukha.

 

May kamukhang artista yung Ate niya, hindi ko lang maalala kung sino.

 

Meron ding isang sulok dun na punong-puno ng awards and certificates.

 

And look! Karina’s moving up picture!! She’s so cute.

 

May bangs pala sya dati and ang chubby ng cheeks niya!! Ang sarap naman pisilin nyan.

 

She looks so adorable!!!

 

Syempre, I took a picture of it para magamit bilang pang-blackmail in the near future.

 

Oo, pang-blackmail lang hindi ko gusto makita pagmumukha niya sa gallery ko okay?

 

Comparing it sa ngayon, ang daming nabawas na weight kay Karina but she’s undeniably prettier ngayon kasi nag mature na siya.

 

Andun din yung grad pic ng Ate nya and she’s a UP graduate graduate pala and magna cumlaude at that!

 

What’s her name?

 

Yu Jeongyeon.. what a nice name.

 

Graduate pala sya ng accountancy and super amazed na agad ako dun palang kasi mahirap ang competition para makakuha ng slot sa accountancy in UPD.

 

May mga awards din yung Ate nya sa sports, mainly volleyball.

 

Wow.

 

Naging member pala sya ng UP women’s volleyball team? Naging best blocker pa siya nung season 79!

 

Her Ate’s brainly and athletic.

 

Etong si Karina ayaw rin magpatalo.

 

Ang dami nyang awards mula sa pagpi-piano, taekwondo, dancing and swimming?! She also swims?!

 

Ang dami niya namang sports na ginagawa and she excels in each of it.

 

Wow.

 

Itong tao na ‘to talaga may gusto sakin?

 

For the first time, I feel like hindi ko deserve yung affection ni Karina sakin.

 

She deserves someone better.

 

 

“Winter?”

 

 

That voice sounded so foreign yet I know na sa kanya yun.

 

Nilingon ko si Karina na ngayon ay pababa ng hagdanan, merong nakatalukbong sa kanyang kumot and she doesn’t look anywhere near good.

 

Parang kakagising niya lang at namamaga pa ang mata niya.

 

Bumalik na naman yung kaba ko.

 

Why are you calling me Winter?

 

 

“Karina, bakit ka abse—“

 

“Umuwi ka na. Papasok na rin naman ako bukas.”

 

 

Kaharap ko na si Karina ngayon and sobrang blank ng expression niya. Parang walang kabuhay-buhay.

 

 

“Huh? Pero—“

 

Umiling siya, “Ihahatid na kita.”

 

 

Naramdaman ko pa yung mahinang pagtulak niya sakin, urging me to walk pero nagmatigas ako.

 

Hindi ko siya sinunod at hinarap.

 

 

“Karina, ano bang nangyari sayo? May sakit ka ba?” nag-aalala kong tanong

 

“Hindi, wala lang ‘to.”

 

“Hindi pwedeng wala lang to! It’s my first time seeing you like this. Tell me what’s wrong?”

 

“Kailan ka pa nag-alala sakin?” She asked bitterly, “Basta papasok ako bukas.”

 

“Hindi ako aalis dito hangga’t di ko nakukuha yung sagot!”

 

“Wala ako sa mood makipagtalo ngayon, Winter.”

 

“Stop calling me Winter!” I exclaimed, “Ano nga nangyari sayo? Why are you not answering my messages and calls?”

 

“…” Hindi siya sumagot

 

“Kahit sana emoji lang or tuldok ginawa mo para at least alam kong buhay ka! Hindi mo ba magawa, Yu Jimin?!”

 

Karina sighed, “I’m sorry, I’ll do it next time. Umuwi ka na muna ngayon, we’ll talk tomorrow.”

 

“No! Hindi ako uuwi hangga’t di tayo nag-uusap. You don’t look good, tell me what happened, Karina.”

 

Umiling siya, “Wala nga, umuwi ka nalang—“

 

“Kung wala lang, bakit ka umiiyak?” Nag-aalala kong tanong habang pinupunasan ang tumutulo niyang luha

 

“Minjeong..”

 

 

Something broke inside me nang marinig ko ang paghagulgol ni Karina at walang tigil na pagluha ng kanyang mga mata.

 

Agad ko siyang niyakap at niyakap niya ako pabalik nang mas mahigpit.

 

Hindi na ako nagsalita pa dahil mukhang ito yung kailangan niya.

 

It’s my first time being this close kay Karina and dito ko lang din napansin na higit na mas matangkad siya sakin.

 

Her hair smells good and it’s really soft.

 

I just continued to hug her kahit na nangangalay na ‘ko. This is the least I could do for her.

 

Ang dami na ring thoughts na pumapasok sa isip ko.

 

Someone like Karina is crying this hard kaya hindi lang basta basta yung dahilan neto.

 

I don’t know how to comfort someone kaya hinayaan ko nalang siyang umiyak habang hinahaplos ang mahaba nyang buhok.

 

It breaks me to see her like this.

 

Just what in the world happened?

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
justkarina
ayan, wala na ko utang mga beh ha. bayad na ko sa begin again 🏃‍♀️🏃‍♀️

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
531 streak #1
🌷🤍
ryujinie__
685 streak #2
Promoted yaaaayyyyyy! 🥳 Congrats <3
Psykotato #3
Chapter 3: Shutangina na love at first sight si Karina sa taong bumangga sa kaniya HAHAHAHAHAHAHA
Psykotato #4
Chapter 1: Ang sakit manalita ni Winter ako ang naaawa kay Karina😭. Hindi deserve ng kahit sino ang masanay na binabad mouth sila😭
piaexus #5
Chapter 3: i really love your writing! how you characterize winter and karina is so perfect. please keep writing because you're so talented!
TYTFshipper
258 streak #6
Chapter 3: Nagbasa pa ko ng unang chaps otor hehe 😅 pero thank you sa update 🤧🤧 and yes see you otor sa kverse! (kung magkikita man lol 😆 hahaha) pero see you sa next chap talaga sa katipunan 🥰
gonesurfin #7
Chapter 3: Otor sobrang fan mo ako nung along katipunan pa lang. salamat sa story na to. Ito yung story na nagpapatunay na love is patient 🥺
u_ujiman #8
Chapter 3: Muntik ko na makalimutan pero pagbasa ko nung unang chap, alam ko kung alin to HAHAHAHA

FINALLY POV NI KARINA whdjwjdiw cutie naman nila, when kaya /hj
Genniee #9
Chapter 3: HAY ANG GANDA PO OPO!! KINIKILIG PILIKMATA KO
><