Karina

Begin Again

“Baby, let me help you.”

 

“Alright, pakibitbit nalang nitong pagkain natin.” Inabot ko na sa kanya yung box ng pizza pati na rin yung water bottles namin

 

“Okay.”


 

Andito kami ngayon ni Winter sa sementeryo kung saan nakalibing si Ate.

 

In a few days, college students na kami and we both know na magiging busy kami pareho kaya nag decide kaming dumalaw muna.

 

Baka kasi mahirapan kami humanap ng time pag nag start na talaga yung klase.

 

Mamaya dalawin ako ni Ate sa dorm ko pag hindi ako nakabisita.


 

“Love, hold my hand.”

 

“Wait lang.”


 

Binitbit ko yung flowers and candles sa iisang kamay lang para mahawakan yung kamay ni Winter.

 

Oo ang bigat pero ano naman? At least hawak ko kamay ng jowa ko.

 

Pumasok na kami sa museleo kung nasaan si Ate pati na rin yung ibang members ng family naming namayapa na.

 

Nalulungkot pa rin ako kasi siya yung pinakabata sa mga yan, hindi niya lang man na-enjoy ng lubos yung buhay niya.

 

But then again, baka oras niya na talaga.

 

Hindi naman ako diyos para magpumilit na dapat buhay si Ate.

 

Nilagay ko na yung flowers sa puntod ni Ate pati na rin sa mga Lola at Lolo ko.

 

Sisindihan ko na rin sana yung kandila pero pinigilan ako ni Winter.


 

“Biko, give me the lighter nalang. Masyado kang clumsy at muntikan mo pa masunog yung flowers the last time.”

 

“Sorry naman.”


 

Napansin niyo ba? Kung ano ano ang tinatawag sakin ni Minjeong.

 

Lahat ata ng alam niyang call sign, tiantawag niya sakin.

 

Biko, short for baby ko. Byko—biko.

 

Hinahanayaan ko lang kasi kinikilig naman ako kahit na ano pa ang itawag niya sakin.

 

Oo baklang bakla ako pero ano naman? At least sa girlfriend ko lang.

 

Naalala ko tuloy kung paano kami unang nagkakilala ni Minjeong. Ibang iba yung ugali niya noon sa ngayon.


 

“Baby, alam mo ba minsan naninibago pa rin ako sayo.” Sabi ko sa kanya

 

“What do you mean?” Kakatapos niya lang sindihan yung candles kaya naupo na siya sa tabi ko at sumandal sakin

 

“Nung unang beses tayo nagkakilala, grabe ka mag panic. The second time, parang gusto mo na kong bughan ng apoy. The third—“

 

“Wait, tangi. When did I ever panic?” Nagtataka niyang tanong

 

“Nung unang beses natin mag-meet nga.”

 

“I didn’t? Nairita lang ako sayo nun dahil ang pampam mo.”

 

I chuckled, “Hindi naman yun ang first meeting natin.”


 

Winter sat up straight and looked at me in disbelief.


 

“Babe, so you’re telling me na nagkakilala na tayo noon?”


 

Yup, nakalimutan niya na nga talaga yun.


 

“Yes, baby.”

 

“Paano?! Bakit hindi ko alam? Bakit hindi ko maalala? At bakit hindi mo lang man sinabi!”


 

Pano, patay na patay ka pa kay Doyeon nun.

 

Pinigilan ko nalang sabihin dahil baka pumangit yung mood pag nabanggit pa ang bruha na yun.

 

Ever since maging kami kasi, hindi ko na rin naalala yung mga bagay na yan. I only focused on the present us.


 

“Naalala mo pa ba yung angel na sinasabi ko?”

 

Nakakuha ako ng kurot sa kanya, “Wag mo nga mabanggit-banggit yan. Naiirita lang ako. Gusto kong sabunutan yan.”

 

I giggled, “Baliw ka. Kawawa naman siya kung sakali.”

 

“Ah ganun? Kawawa naman pala siya edi maghiwalay nalang tayo at ibuhos mo yung atensyon sa kanya!”


 

Masyado akong nasanay sa sweet na Winter, nakalimutan kong may bungangera at mapanakit side nga pala siya.

 

Tuwing nagagalit, hiwalayan agad diretso. Pambihira.

 

Not “Wag mo ‘ko kausapin” but, “Maghiwalay na tayo!” agad. If hindi ko lang siya kilala talaga, iisipin kong kating-kati siya makipaghiwalay sakin.


 

“Calm down kasi.”

 

“How can I calm down? You’re talking about other girls in front of me, in front of your Ate. Walang hiya ka talaga!” akmang hahampasin niya na naman ako pero hinawakan ko na agad yung mga kamay niya

 

“Ikaw kasi yung angel, baliw ka.”

 

Tumigil na siya sa pagpalag at napataas ang kilay niya, “I was your angel?? Ano akala mo sa ‘kin tanga?”

 

“I’m telling the truth!”

 

Pinanlisikan niya ako ng mata, halatang hindi pa rin siya convinced, “Karina

sinasabi ko sayo pag ako niloloko mo lang para hindi ako magalit, hinding-hindi mo na makikita kahit ang anino ko.”


 

Kinabahan ako dun sa pagbabanta niya. Hindi naman ako nagsisinungaling pero nakakatakot ang jowa ko!


 

“I’m not joking kasi.”

 

“Really?”

 

“Really.”


 

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at tinignan ako ng masinsinan sa mata.

 

Ganyan yang style niya para malaman daw kuno if nagsisinungaling ako.

 

Firm believer ang jowa ko ng, “eyes can never lie.”


 

“You’re telling the truth,” Napasandal nalang siya sa wall at napatingin sa kawalan. Para bang pina-process niya pa lahat ng sinabi ko

 

“Kailan ba ako nagsinungaling sayo?”

 

“Simula nung tinago mo sa ‘kin yan.”

 

Napangisi ako, “I’m sorry, okay? Gusto lang naman kasi kita asarin noon and sasabihin ko rin sana kaso nawala sa isip ko.”

 

“Psh.”


 

Umusog ako papalapit sa kanya at niyakap siya from the side.

 

I gave her a kiss sa cheeks para mawala na ng bahagya ang pagtatampo niya.

 

Nakakagigil ang jowa ko lalo na kapag nagtatampo!!


 

“I can’t believe na pinagselosan ko yung angel na yan without knowing na ako lang din naman pala yun. Pinagmukha mo akong tanga.”

 

“Because makakalimutin ka. Hindi ko na kasalanan yun.” I reasoned out

 

Minjeong glared at me, “Feel ko sinasabi mo lang to but in reality, iba talaga yang angel mo na yan.”

 

“Gaga, ikaw nga yun. Paulit-ulit tayo?”

 

“Then tell me, how did we even meet? At bakit hindi ko maalala? Ayus-ayusin mo ang sagot, Yu Jimin.” May halong pagbabanta sa boses niya kaya hindi ko maiwasang kabahan kahit wala naman akong ginagawang masama


 

So ito na nga ang million-dollar question.

 

How did Minjeong and I meet nga ba talaga?

 

It’s nothing special naman. Hindi ito yung tipong mala-fairytale or yung mala teleserye kung saan nagkabanggaan kami tapos nagkatitigan.

 

Wait, parang ganun na nga yung nangyari! Nagkabanggaan kami!

 

Mala crime documentary ang story kung paano kami nagkakilala.

 

Charot, hindi ganun kalala pero medyo malapit na dun.


 

---

 

I first met Kim Minjeong during the lowest point of my life.

 

It’s been a month since I lost my Ate back then.

 

And after a month simula nung nawala siya, dun ko lang naramdaman lahat.

 

Ganun din ba kayo? Yung hindi niyo maramdaman agad agad yung sakit but as time goes by, dun pasakit nang pasakit yung feeling?

 

That’s what I felt kasi when Ate left us.

 

Nung una, siguro super shocked pa ako sa mga nangyari and hindi ko pa ma-process fully kaya I only felt empty.

 

Wala akong maramdaman, like an empty shell. Dahil hindi ko na matatawagan si Ate kapag may kwento ako. Hindi ko na siya magugulo tuwing break time niya sa pagrereview. Wala.

 

A huge part of me was gone just like that.

 

Hindi ko pa fully na-process nung una. Hinahanap-hanap ko lang siya and I would feel empty pag nare-realize kong hindi ko na siya makikita ulit.

 

But as time goes by, pabigat nang pabigat yung feeling dito sa puso ko.

 

I don’t feel empty anymore. What’s worse is napalitan to ng matinding kalungkutan at pangungulila sa kapatid ko.

 

There are times na gusto ko umiyak pero walang mailabas, puro bigat at sakit lang yung nararamdaman ko.

 

I wanted to scream and shout and let it all out. Charot, kanta na pala yun.

 

Pero seriously speaking, I believe that’s the hardest part kapag broken hearted ka. Yung imbis na mailabas mo yung sakit na nararamdaman mo, naiipon lang siya sa loob hanggang sa sumabog ka.

 

I think that night, sumabog na talaga ako.

 

Alam ko nga may bagyo pa back then kaya ang lakas lakas ng hangin and paulan-ulan.

 

Sinuot ko lang yung windbreaker na niregalo sakin ni Ate nung 16th birthday ko tapos yung bucket hat niya.

 

I went out sa bahay namin at wala namang pumigil sakin dahil tulog na ang mga tao nun and medyo walang pakialaman.

 

Gets ko naman kasi lahat kami naghi-heal pa sa mga nangyari the past month. Nag leave nga muna sila Mommy sa work dahil hindi talaga nila kaya yung pain.

 

Ako rin, hindi na muna ako pumasok. Hindi ko rin kaya.

 

I believe almost 11 na nun ng gabi when I decided to go out.

 

Sa White Plains pa kami nakatira noon which is near lang din naman sa Corinthians.

 

I decided to take a walk that night dahil wala lang. Feel ko mas masu-suffocate ako if nag stay pa ako sa loob ng bahay.

 

Because that’s the place where I lived my whole life with Ate. It felt so empty without her.

 

Hindi ko alam kung saan ako pupunta, basta naglalakad lang ako. Siguro, nagwi-wish na rin na sana may bumangga sa ‘kin.

 

Gusto kong masaktan nang sobra para mapalitan nun yung sakit na nararamdaman ko dito sa heart ko. Baka sakaling mabawasan.

 

Ayokong mamatay talaga, masyado pa akong bata para sundan si Ate at kawawa naman yung magulang ko.

 

Ayaw ko talaga.

 

Pero alam niyo ba, nung nabangga ako ng isang bike na sobrang bilis ng takbo, gusto ko na sumama kay Ate nun. Nanghinayang pa nga ako dahil bakit bike lang?

 

Napagod ako bigla sa lahat at nawalan ng gana.

 

Para bang it would be nice if mamatay nalang ako dun para hindi ko na maramdaman yung sakit.

 

But I was still alive at sobrang sakit ng katawan ko.

 

Sobrang lakas kaya ng impact, naramdaman ng left ribs ko yun!

 

Tumilapon talaga ako at pumlakda sa lapag.

 

I didn’t even bother to stand up and makipag-away sa taong bumangga sakin.

 

I didn’t even care if tumama yung ulo ko sa sahig and just closed my eyes. Hinayaan kong tumama yung ulan sa mukha ko.

 

Ang lamig.

 

Wala akong maramdaman kundi sakit sa katawan.

 

Ito na ba yung hinahanap kong kapalit nung sakit na nararamdaman ng puso ko?

 

Hindi pa rin ata eh. Kasi nandun pa rin yung sakit sa puso ko at dinagdagan pa ng sakit ng katawan ko.

 

Sa unang pagkakataon, pagkatapos ng ilang linggo, lumabas yung luha sa mga mata ko.

 

Umiyak ulit ako kung pano ako umiyak nung unang beses kong nalaman na wala na si Ate.

 

Ang sakit sakit.

 

Ang sakit sakit ng puso ko, pati na rin ng katawan ko.

 

Bwiset. Hindi ito yung hinihingi ko. Isa isa lang po sana.

 

----


 

“Oh my God!! I’m really sorry! Patay ka na ba?!”


 

If hindi lang siguro ako nanlulumo dito, natawa na ako.

 

Pinagmasdan ko lang yung babaeng nakabangga sakin at napansin kong may hawak siyang plastic bag sa kaliwang kamay.

 

I can’t see her face, but I can clearly hear how sweet her voice is kahit nagpapanic siya. Kahit na malakas yung bawat bagsak ng ulan, tanging boses niya lang ang nangibabaw.

 

What a nice voice.

 

Is this what heaven sounds like pag kukuhanin na ‘ko?

 

Nagulat ako nung bigla siyang pumunta sa tabi ko at umiyak sa bandang sikmura ko.

 

Humahagulgol siya na parang bata at hindi ko alam ang gagawin ko.

 

Bakit siya umiiyak?! Hindi ba dapat ako dahil sa lakas ng pagkabangga niya?


 

“Nakapatay ako… Ano nalang ang sasabihin sakin nila Mommy..”

 

“Uhm..” Sinubukan ko magsalita pero hindi niya ako marinig

 

Bumangon na yung babae at tumingin sa kalangitan, “Lord, mapupunta na ba ‘ko sa impyerno? Hindi ko naman po sinasadya! Sorry na po huhuhu”

 

“Miss..?” Sinubukan kong laksan yung boses ko pero wala talaga

 

“Nakita niyo yun Lord, alam niyong hindi ko sinasadya yun. Bigla nalang siyang sumulpot sa harap ko and masyado na pong malapit kaya hindi gaanong tumalab yung break! Basa pa yung daan!”

 

“Teka nga lang, Miss—“ Sinubukan kong bumangon pero kasabay nun yung biglang pagtingin sakin ng babae kaya nagkabungguan kami, “Miss, buhay pa ‘ko…. Huh?”

 

“Aray!”

 

“Sorry…?”


 

Natulala ako sa babaeng nasa harapan ko ngayon.

 

Parang akong nasa pelikula

 

Kasabay ng pagbaba ng hood nung babae ay yung pagdaan ng isang sasakyan at nailawan ang maganda niyang mukha.

 

Basang basa ng ulan ang kanyang nakataling buhok at natatakpan ang mukha niya ng nagulo niyang bangs at naiwan na hair strands. I almost reached out to fix her hair.

 

I unconsciously muttered pretty under my breath as I continued to stare at the girl in front of me.

 

Kahit gano kagulo ang ayos niya ngayon, para sakin, siya ang pinakamagandang babae na nakilala ko.

 

Na love at first sight ata ako.

 

Does that even make any sense?

 

In this situation, wherein my heart is so broken, suddenly felt better upon seeing her face?

 

Is it possible for my broken and empty heart find someone who can heal it, in this situation?

 

Do love at first sight really works?

 

Maybe.

 

That’s what happened to my Ate Jeongyeon, with her girlfriend Nayeon.

 

Ganun din yung nangyari kay Mommy nung nakilala niya si Daddy.

 

Kaya hindi na ako gaanong nagulat na nangyari din to sa ‘kin. Sadyang hindi ko ineexpect na sa situation na ‘to pa mangyayari.

 

I remember mocking them for saying something so ridiculous.

 

Ang nasa isip ko, pano mo malalaman na dun sa particular na tao ka maiinlove? How can you confirm it right away?

 

Kung iisipin mo naman kasi talaga it’s impossible.

 

Firm believer ako na kailangan ko muna makilala yung tao ng lubos at hahayaan nalang yung tadhana whether I fall in love with them or not.

 

Ganun yung mga nangyari sakin sa past relationships ko. Laging slow burn, never naging mabilisan kasi nga I don’t believe in that love at first sight

 

But it just happened to me right now!

 

Iba pa rin pala pang nandun ka na sa situation mismo na yun

 

Kahit ilang segundo ko lang nakita ng malinaw yung mukha niya, hindi na ito maalis sa isip ko.

 

Kahit ngayong madilim, parang nangingibabaw pa rin ang ganda niya. It’s like she’s glowing.

 

Tinignan ko yung braso niya. Medyo nahuhubad na kasi yung jacket niya dahil sa hangin.

 

For someone so thin, saan siya kumukuha ng lakas ng loob para magbike ng ganun kabilis?

 

I can’t believe ito na ang muntik makapatay sakin parang katawa-tawa naman ako nyan.

 

Binalik ko ang tingin sa mga mata niya.

 

Her eyes are shining, na para bang andun ang buong kalawakan. Hindi nabawasan ang ganda ng kanyang mga mata kahit na sobra ang pag-aalala nito.

 

Habang patagal nang patagal akong tumititig dito, parang mas nahuhulog ko.

 

Tinignan ko siya na para bang kaya kong isugal ang lahat para sa kanya but she’s too busy panicking to notice my look of admiration.

 

I must be insane to feel this way.


 

“Bakit naman hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo? What if motor ako, diba? Edi namatay ka dyan!”

 

“Edi mas mabuti.” Totoo ba, Karina?


 

Kahit na injured ako at may mga galos sa katawan, nagawa pa rin ako hampasin sa braso.

 

Nababaliw na ba siya?!

 

Tumama kaya dun sa balikat kong parang na-dislocate ata!


 

“Anong mas okay?! Bakit kung makapagsalita ka akala mo ang dali dali lang i-give up ng buhay mo?!”


 

Hindi lang ata galos sa katawan ang nakuha ko sakanya, pati na rin pala ang pagkabasag ng eardrums ko.

 

Lakas ng sigaw eh. Daig niya pa yung ulan.


 

“I don’t have a reason to live naman.” Kahit ako, hindi ko lubos maintindihan bakit ko ‘to sinasabi. Is this what I really feel? Kaya ko ba nailalabas to dahil sa near-death experience ko?

 

“Mali!” Nakakuha na naman ako ng isang malakas na hampas mula dun sa babae at muntikan na akong gumanti dahil sa inis. Ang sakit kaya! “Kung wala ka nang reason to live then find one! Ang laki laki ng mundo, you’ll find enough reason to live. Everything will be okay.”

 

“Being alive doesn’t always mean that everything will be okay. There’s no guarantee”


 

The girl paused, parang nag-iisip ng pwedeng sabihin.

 

Alam ko na seryoso ang usapan namin but I can’t help but admire the girl’s facial features.

 

How can someone be this gorgeous kahit wala naman siyang ginagawa?

 

Dagdag mo pa na sobrang dilim ngayon pero kitang kita ko pa rin ang ganda niya.

 

Nakakatawa rin na nagawa ko pang mag simp sa stranger na to in this situation.


 

“But being alive means that you can start again, you can always begin again.”

 

“How can I begin again kung feeling ko wala na ngang dahilan para magsimula ulit?”


 

Makipag-debate sa gitna ng daan habang injured it is.


 

“Then find one. Again, sa sobrang laki ng mundo mahahanap mo rin yung reason para gustuhin mong mabuhay ulit.”

 

“Tapos pag nawala, I’ll have to go through this again. Maghahanap na naman ako ng will to live tapos pag nawala, then what? Why not just give up ngayon palang?”

 

Sinubukan kong umiwas when she reached out for me kasi baka manghampas na naman but instead, nakakuha ako ng gentle pat sa balikat ko. “Kasi it’s a cycle. Kapag nawala, humanap ka nalang ulit ng panibagong rason. It can be simple reasons. Hindi naman kailangan extravagant.”

 

“Simple reasons? Where will I find it?”

 

“Nabagok talaga ulo mo no?” I feel like I’m being mocked. Hindi ko ‘to gusto “Anywehere”

 

“Hirap naman, wala bang specific?”

 

Hinampas na naman ako nung babae pero buti dun lang sa hita, “Mahirap talaga! Wala namang madali eh.”

 

“Bigyan mo nga ‘ko clue.”

 

“Ayoko nga. Mahirap magsabi, hindi naman tayo magkapareho ng situation.”

 

“Edi okay, damot.”

 

Inirapan niya ako, “Are your parents still around?”

 

I nodded, “Yes.”

 

“Then live for them. Hindi naman sa pangongonsensya but siguro alam mo naman kung gaano kasakit para sa isang magulang ang mawalan ng anak.”


 

Alam na alam ko na yan.

 

When Ate died, kitang kita ko kung paano nasira yung magulang ko. Na para bang katapusan na ng mundo para sa kanila.

 

First time ko sila makitang umiyak at masaktan ng ganun.

 

I’m no different from them pero alam kong mas masakit para sa kanila yun.


 

“You talk like may anak ka na.” dami kong gusto sabihin pero yan ang lumabas

 

“Hindi kasi!” Akmang hahampasin na naman niya ako but this time, I grabbed her. In fairness, ang lambot ng kamay. Nakakaawa lang dahil ang lamig na “I’m just saying kung ano yung napapansin ko.”

 

“I was just kidding, masyado kang ano.”

 

I felt her glare, “You can still joke around sa ganitong situation no? Nabangga na nga kita!”

 

“And? I’m still alive.”

 

“But you talk like ayaw mo na kanina. It made me so worried.”


 

Nung nakita ko kung gaano siya kung mag-alala, it made my heart skip a beat.

 

How can a stranger sincerely worry for someone she barely knows?


 

“I-I’m okay.” Nauutal ko pang tugon

 

“Parang hindi eh. Nakita kitang napahiga talaga sa ground kanina and tumama nang malakas yung ulo mo.”

 

“I’m really okay.” I assured kahit na hindi ako gaano sigurado talaga


 

Sinubukang kong tumayo para mabawasan yung pag-aalala niya pero siguro nga tama siya, hindi talaga ako okay.

 

Kasi naramdaman ko yung pangingninig ng binti ko nung sinubukan kong tumayo.

 

Muntikan pa akong sumubsob ulit pero buti nalang nasalo niya ako.

 

Nakakahiya naman, ang liit liit niya lang pala tapos nagpapaakay ako ng ganito.

 

Ayaw ko maging creepy pero hindi ko naman sinasadya na maamoy yung pabango niya. Ang bango!

 

Amoy vanilla at amoy baby.


 

“Careful. Kaya mo ba talagang tumayo?” Nag-aalalang tanong niya sa ‘kin

 

“Kaya ko naman.” Pagpupumilit ko

 

“No, wag mo na pilitin.”

 

“Okay nga lang, swear.” I even jumped around when I regained my balance para ipakitang okay nga lang talaga kahit na kumikirot right side ng katawan ko

 

“Tatawag na ako ng ambulance just in case.” Nung nakita kong nagda-dial na siya ng number, agad ko itong pinigilan

 

“I told you, I’m okay lang. Don’t worry”

 

“But I am worrying!” Parang iiyak na nga siya.

 

“And I told you na wag na nga. Hindi naman kita ipapademanda.” I tried to joke around para hindi naman masyadong serious yung atmosphere

 

“I’m not worried dun, tanga ka.”


 

Napangiti ako. I’m amused.

 

Ang bilis mag shift ng mood ng stranger na ‘to.

 

Mag-aalala siya sa una tapos magagalit tapos ita-trashtalk ako. Ang galing.


 

“You’re weird.”

 

“Huh?” Medyo na-offend ako dun ha!

 

“Bakit ayaw mo magpatawag ngambulansya? May kaso ka siguro! Kriminal ka?”

 

Hindi ko maiwasang matawa. Sa dami ng rason na pwede niyang maisip, yun pa talaga, “Baliw, I just don’t want to worry my parents. May trauma na sila sa hospital, ayoko na i-trigger.”

 

“But what if may masama talagang nangyari sayo? You might not feel it due to adrenaline pero baka meron ka talagang tama. Ang sama ng bagsak mo kanina, Miss.”

 

“I assure you, it’s fine talaga.”

 

“I’m still not convinced..”

 

“Hindi kita ipapademanda talaga, promise. Wag ka mag-alala.”

 

Hinampas na naman nung babae yung nanghihina kong katawan. Quota na siya ha!


 

“I told you it’s not like that. Ayoko lang na may mangyari sayong mas malala.”

 

“Thanks for worrying, but I’ll be okay. Nakakausap mo pa ‘ko ng matino oh,”


 

Halatang hindi pa rin convinced yung babae pero it looks like she’s about to give in. Wala na siyang magagawa sa pagiging stubborn ko.


 

“Hindi ko alam kung ano ba ang nagyari sayo but you have to stay strong.” There goes that stare again, sobrang lalim at parang hinihila ako, “Sabi nga nila there will be hard days but they definitely won’t last.”


 

My eyes widened when I heard that.

 

Yun ang favorite quote ni Ate at nilagay niya pa yun sa High School yearbook niya.

 

Biglang namuo yung luha sa mga mata ko when I felt a sense of familiarity sa way ng pananalita niya.

 

Inayos ko yung pakakasuot ng bucket hat at hood ko para hindi niya mapansin yung luha ko.

 

Ate Jeongyeon..


 

“Ayoko magbigay ng toxic positivity pero sana maisip mo lahat nung mga bagay na gusto mo pang i-achieve bago nangyari yung kung ano man ang hindi magandang nangyari sayo. Gawin mo lahat ng gusto mong gawin o kaya yung mga nakasanayan mo, at least dun you’ll find yourself trying to be okay. You can do it mare, jusko.”


 

Gusto ko na talaga siya patulan kasi hindi matigil kahahampas sakin!

 

Yung tinatarget pa kung saan tumama yung manibela ng bike niya.

 

I just watched her talk na parang may dine-defend siyang thesis. Galit na galit??

 

Kanina pa ko amused sa babaeng ‘to. Even the way she talks is so cute.

 

It’s not my intention na makinig sa kanya halfheartedly but masyado kasi nakaka-distract yung mukha niya. Ganda.


 

“Okay..” I absentmindedly replied

 

“Okay.” Nakita kong tumingin siya sa orasan niya, “Oh gosh, I’m so late.”

 

“May pupuntahan ka ba?”

 

She awkwardly scratched her cheeks and replied, “Actually, yes.”

 

“Then go na.”

 

“Ikaw?”

 

“I’m okay.” I gave her an assuring smile

 

“Sure ha? Let me inspect you nga!”


 

At talagang ininspect niya nga ako!

 

Pinagtataas yung sleeves ko na may mga punit at galos underneath.

 

Sumayad kasi ako kanina.


 

“Anong okay?! Ang daming sugat!” akmang hahawakan niya pa kaya nilayo ko na agad

 

“Sugat lang yan, malayo sa bituka.”


 

Pero feeling ko talaga sa sobrang lakas ng impact nung bangga, inabot yung bituka ko.

 

But hindi naman na niya kailangan malaman yun. She’s already stressed enough sa nangyari.

 

We’re both at fault naman at feeling ko kapag inamin kong sobrang sakit nung injuries, aakuin niya lahat ng nangyari.

 

I don’t want that.

 

Kung nag-ingat lang din ako kainina, hindi naman to mangyayari.

 

I can’t believe na muntikan na ko may magawang kriminal dahil sa pagiging selfish ko. Buti nalang talaga walang nangyaring masama.


 

“Go na sa kung saan man yung pupuntahan mo.” Pagtataboy ko sa kanya pero hindi siya nagpapatinag

 

“Wait, let me check your head. Baka duguan ka na dyan, oh gosh!”


 

Pinigilan ko yung babae na makalapit sakin on a reflex.

 

Hindi ko kasi sure if meron talagang sugat sa bandang ulo ko pero may nararamdaman kasi akong mahapdi kaya hindi malabo na meron.

 

Feel ko naman bearable siya.

 

Ayaw ko lang ipakita sa kanya kasi baka mag-panic na naman.


 

“It’s fine. Wala naman akong nararamdaman.” Pagsisinungaling ko

 

“That’s possible kasi baka nagmanhid na kahit meron naman talaga. Let me check para sigurado tayo!” She insisted pero nagmatigas din ako.

 

“I told you I’m okay. Hindi ba importante yung pupuntahan mo?”

 

Natigilan siya, “..”


 

Mukhang importante nga.

 

Nakita ko siyang napatingin sa plastic na hawak niya at parang may iniisip.

 

Nagulat pa nga ako nung bigla niya sakin inabot yun.


 

“Here oh. Sayo nalang ‘tong ice cream. You can take this milktea too. Super taas ng sugar level niyan since mahilig yung girl—I mean, yung friend ko sa matatamis. Drink it, kasi it will make you feel better.”

 

Nag-aalangan kong kinuha yung plastic bag at tinignan yung laman, “Okay?? Pano ka?”

 

“Pwede naman ako bumili ulit.”

 

“But, I don’t have any money with me right now. Gcash, tumatanggap ka?”

 

“Baliw, I’m not asking for anyting in return.”

 

“Why?”

 

“Peace offering.”

 

“Oh.. Thanks, I guess?”

 

“Oh see?” She gave me a pat sa balikat kong feeling ko ay na-dislocate talaga. I tried my best na hindi ipakita na masakit yun, “You can be thankful sa mga maliliit na bagay na ganito so I hope maging thankful ka rin na buhay ka pa. There’s probably a reason naman kung bakit nandito ka pa rin kaya wag mo sana madaliin. For the mean time, try to find that reason muna bago mo isipin ulit na gusto mo na mamatay. Try to live your life happily!”


 

Maybe because of her energy, medyo umookay na yung mood ko.

 

I can’t help but think na binigay siya ng Ate niya sa kanya. Parehong-pareho kasi sila ng ugali lalo na sa way ng pag comfort nila ng tao.

 

I smiled, probably the first real smile that I’ve had for a while.

 

Para siyang angel.

 

An angel, sent by my sister para magising gising naman ako.

 

Kahit talaga wala na si Ate, hindi niya pa rin ako pinababayaan.


 

“It’s getting late na. Come find me nalang sa St. Scholastica if gusto mo ng kausap. You look like you’re a loner and introvert like me so magkakasundo tayo.”


 

I’m actually an extrovert thank you very much.


 

“Punta ka sa school and just look for Kim Minjeong, automatic na dadalhin ka na nila sakin.”


 

Kim Minjeong.

 

Kim Minjeong.

 

Kim Minjeong.

 

Paulit ulit ko itong ni-recite sa utak ko para hindi ko makalimutan.

 

Kasing ganda niya ang kanyang pangalan.


 

“Okay..”


 

Tinanguan lang ako ni Minjeong bago sumakay muli sa bike niyang nakahiga sa kalsada.


 

“Gusto mo iangkas na kita? Ihahatid na kita sa inyo. Taga san ka ba?”


 

Napatingin ako sa bike ni Minjeong.

 

Mountain bike ang gamit niya

 

Where the hell will I sit then?

 

Sa harap?

 

Iniimagine ko pa lang yung closeness namin when that happens, parang sasabog na ‘ko.

 

Umiling nalang agad ako para na rin sa ikabubuti ng puso ko at para hindi makaabala sa kanya.


 

“I can manage. Sabi mo rin may pupuntahan ka.”

 

“That can wait. Nag-aalala ako baka bigla ka na namang mabangga diyan. You’re lucky medyo nabawasan yung speed kanina and bike lang ako. If not, you’d be dead talaga!”

 

“Okay lang talaga. I live around this neighborhood lang naman.” I assured

 

“Sure ka ha?” I nodded, “Gusto ko sana kunin yung number mo to make sure na makakauwi ka ng buhay but wala yung phone ko sakin.”

 

“Makakauwi ako ng buhay, promise.”


 

And now, I’m making promises with someone I barely know.

 

Malakas ata talaga ang pagkabagok ko.


 

“You used the word promise.” Minjeong giggled, “I’m a firm believer ng promises ha. It will hurt me so much kapag hindi natupad yan.”

 

“I don’t make promises I can’t keep.”

 

“Tama!” Tumingin ulit si Minjeong sa relo nya, “If ayaw mo talaga magpadala sa hospital or magpahatid sa bahay niyo, then should we part ways na? Para rin makapagpahinga ka na?”

 

“We should.”


 

Ang totoo niyan, gusto ko pa makasama si Minjeong because talking to her calms me down. Sadyang may important plans pa ata si Minjeong, ayaw ko na siyang patagalin pa.

 

I can always meet Kim Minjeong sa St. Scho.


 

“Then, i’ll see you when I see you nalang. Ingat ka pauwi!”

 

“You too, bawasan mo yung speed mo.”


 

Minjeong gave me one final wave bago pumadyak palayo.

 

Pinanood ko lang siya at hinintay na mawala sa paningin ko.

 

Napatingin ulit sa milktea and ice cream na binigay ni Minjeong and that is enough to lift up my mood kahit na masakit ang katawan ko.

 

Medyo hindi pa nagsi-sink in lahat ng nangyari sakin.

 

I can’t believe that I almost died in the most pathetic way and met a beautiful woman who captured my heart at the same time.

 

Hindi ko alam kung anong sign ‘to pero one thing’s for sure, kailangan ko na mag move on para sa sarili ko at para sa pamilya ko.

 

Walang mangyayari if mag-sstay lang ako sa past.

 

I need to move forward.

 

Thanks, Minjeong. Hinding-hindi ko makakalimutan yung fateful encounter natin na ‘to.


 

“I’ll definitely meet you again and formally introduce myself sayo. Masyado kang nagmamadali, hindi mo lang man natanong ang pangalan ko.” I whispered in the cold air


 

Kilala ko naman na siya at anytime pwede ko siyang makita muli.

 

I’m looking forward to that day.

 

Sa araw na makikita mo ako, hindi na ako yung babaeng nakilala mo sa gitna ng bagyo. I’ll be someone who can stand proudly in front of you with the best version of myself.

 

I finally found a new reason to continue living.

 

Napatingin ako sa madilim na kalangitan at napangiti.

 

Thank you for giving me this angel, Ate.

 

---

 

Halos magmakaawa pa ko na hindi ipahanap si Minjeong at ipademanda ng parents ko nung gabing umuwi akong puro galos at may dislocated shoulder.

 

Buti nga at pasa lang ang nakuha ko sa abdominal area kasi if may broken ribs pa, hindi ko nalang alam kung paano pa sila pipigilan.

 

Syempre, kakawala lang ni Ate kaya grabe yung panic nila when I came home looking like that.

 

Agad kaya nila akong dinala sa nearest hospital at nakita ko pang umiiyak sila, halatang nag-aalala nang sobra. Sobrang nakonsensya naman ako dun.

 

I can’t believe na sumagi sa isip kong iwanan yung pamilya kong mahal na mahal ako. Sobrang tanga ko.

 

Hanap ako nang hanap ng reason pero it’s right infront of me lang. Masyado lang akong napakain sa lungkot. Hay.

 

If hindi ko nakilala si Minjeong, baka hindi na ako nagbago pa. Tinulungan niya akong umusad.

 

Kim Minjeong slapped me with reality sa unang araw naming magkakilala.

 

Paulit-ulit kong inassure yung magulang ko na okay lang ako.

 

Matagal din bago sila na-convince talaga. Halos di na nila ako lubayan at laging nakatabi sakin, inaalagaan ako mismo.

 

Hinayaan ko nalang sila kasi alam kong worried lang sila sakin at kahit na anong sabihin ko is not enough to ease their worry.

 

Alam ko namang ayaw nilang mawalan ng isa pang anak.

 

It took me 3 months to fully recover both physically and mentally. In that 3 months, hindi pa ako nakipagkita kay Minjeong.

 

Gusto ko kasi na kapag makikita ko si Minjeong, I’m the best version of myself para hindi naman nakakahiya. Gusto ko ipakita yung best version of myself para makita niyang nagbunga yung pagkikita namin at pinakinggan ko lahat ng sinabi niya.

 

Ayoko rin naman magbigay pa ng mas malalang stress kay Minjeong kapag nakita niya akong may cast pa sa braso at may mga galos sa katawan.

 

Hindi maganda ang first meeting namin kaya I wanted to at least be presentable enough this time.

 

Sa 3 months na yun, hindi nawala sa isip ko si Minjeong.

 

Na down bad horrendous lang naman ako sa taong muntikan ng makapatay sakin.

 

Sa 3 months na yun, akala ko makakalimutan ko na si Minjeong.

 

Iniisip ko na baka bugso lang ng damdamin yung nangyari but hindi.

 

Sa loob ng tatlong buwan, wala akong ibang hinintay kundi makita muli si Minjeong.

 

At sa wakas, makikita ko na nga siya.

 

Handa na ‘ko.


 


 

Dahil meron akong nanging ex na dito nag-aral, alam ko kung ano ang schedule nila. Sinakto ko rin na hindi club day para hindi na ko maghintay ng matagal.

 

Bumili ako ng ice cream and milk tea, same brand ng binigay sakin ni Minjeong nung gabing yun.

 

Hindi ko talaga hilig ang milktea since I prefer coffee. Halos masuka suka pa nga ako dun sa binigay niya kasi sobrang tamis!

 

Pero gusto ko yung ice cream, syempre. Tuwing kumakain ako ng ice cream, nawawala yung lungkot ko. Ever since that day, naging comfort food ko na. Si Minjeong kasi naalala ko kapag kumakain ako nito.

 

Around 4 na ako nang dumating sa school ni Winter.

 

Marami na ang estudyanteng naglalabasan at malabong makita ko pa si Minjeong sa dami ng tao kaya nag-decide na akong pumili nalang sa isang random stranger na kakalabas lang ng gate para mapagtanungan.

 

Sakto may nakita akong dalawang babae, yung isa matangkad tapos yung isa, katamtaman lang. Pareho silang maganda and friendly yung vibe kaya dun ako lumapit.


 

“Hi! Busy ba kayo?”

 

“No naman. Why?” Yung matangkad na babae ang sumagot

 

“May hinahanap kasi ako. Hindi ko alam kung anong year niya na pero tingin ko senior high na.”

 

“Senior high student kami, baka kilala namin yan. What’s her name?” Tanong naman nung isang babae na mas maliit sa kanilang dalawa

 

“Kim Minjeong.” Nakangiting tugon ni Karina

 

“Kim Minjeong?” Pag-uulit nung matangkad na babae

 

“Bakit? Hindi niyo ba kil—“

 

“I heard my name. Chinichismis niyo ko ha!”


 

My heart skipped a beat when I heard that voice.

 

It’s been 3 months pero malinaw pa rin sa ‘kin yung tunog ng boses ni Minjeong.

 

Napahawak ako sa dibdib ko dahil tila ako nagpapalpitate.

 

Hindi pala ako ready!!


 

“Someone’s looking for you eh.”

 

“Who?”


 

Huminga muna ako ng malalim at inayos yung sarili ko bago lumingon kay Minjeong na hindi maalis-alis sa isip ko for 3 whole months.

 

I gave her a wide smile para ipakitang okay na ako pero mabilis yung nabura nung nakita ko siya.

 

Yung babaeng matangkad, nakayakap lang naman kay Minjeong protectively. She’s looking at me with hostility and I stared back with the same expression.

 

Hindi ko nagustuhan yung nakita ko.

 

Parang nag-init yung ulo ko


 

“Who are you?” Tanong ko dun sa babaeng yumayakap kay Minjeong

 

“Who are you?” Tinanong kita tapos sasagutin mo ‘ko ng tanong din?!?!

 

“I asked you first.”

 

“I’m Kim Doyeon, Kim Minjeong’s girlfriend.”

 

“What?” I asked in disbelief. Napalingon ako kay Minjeong na ngayon ay namumula.


 

So it’s true?

 

Lahat ng preparations ko, lahat ng ni-rehearse ko para sa araw na to ay naglaho na parang bula.


 

“Ano ang kailangan mo sa girlfriend ko?”

 

“Babe, akala ko ba lowkey lang?”


 

Babe?

 

I almost died on the spot. Winter even asked that in a small voice kaya mas cute.

 

To think na gumaganyan siya pero hindi directed sakin? Talaga namang masakit!


 

“I won’t hide you in the dark lalo na kung feeling ko threatened na yung position ko as your girlfriend.” Naramdaman ko yung sama ng tingin nung babae kaya tinignan ko lang din siya pabalik. Kala niya papatalo ako?!

 

“What do you mean?”

 

“This girl’s looking for you and I can feel na may ibang pakay siya sayo with how hostile she is towards me.”


 

Buti naman at nararamdaman mo yung pagkaayaw ko sayo.

 

Hindi ka naman kagandahan! Hindi kayo bagay ni Minjeong!


 

“Huh? Parang hindi naman.” nagtatakang saad ni Winter

 

“Do you know her, Win?” Tanong nung isa pang babae

 

“I don’t.” That’s expected, but it still hurt me

 

“Then who the are you?” ang sarap dukutin ng mata neto, ang sama ng tingin!

 

I glared back, “Wala kang pakialam.”

 

“What the?” Akmang susugod pa yung matangkad na babae sakin pero pinigilan lang siya ni Minjeong

 

“Doyeon, calm down. And you,” Minjeong looked—no, Minjeong is also glaring at me. Parang mas nawasak yung puso ko nung tiniginan niya ako ng ganun, “Sino ka ba? What do you need from me?”


 

Bigla akong natakot.

 

What if magalit sakin si Minjeong? What if hindi na ako makalapit sa kanya kailanman?

 

Mas hindi ko kakayanin.

 

Hindi niya ako kilala at hindi niya ako maalala.

 

If pipilitin ko pa yung sarili ko, baka mas lalong gumulo yung situation.

 

Tsaka, compared to her girlfriend, ano lang ba ako?

 

We’re nothing special.

 

Yun kami. Wala. Not even friends or acquaintances. We just met in pure coincidence. Nothing more, nothing less.

 

Kahit sobrang nadismaya ako, I regained my composure.

 

I won’t let this opportunity be the last.

 

I need to at least clear my image sa kanya, para hindi siya mas magalit sakin.


 

“Uh.. Wala, a friend of mine likes you kasi and pinapahanap ka niya sakin para ibigay to. Turns out na may jowa ka pala.” Pagrarason ko

 

“Rason mo bulok na. It’s obvious na ikaw ang may gusto.” Hindi naman mali yung Doyeon pero ayaw ko na palakihin pa yung gulo

 

“Wala akong pake sa kung anong iniisip mo. Kung hindi ka naniniwala, edi wag.” Pagsagot ko kaya mas nagalit siya


 

This time pati yung isa nilang kaibigan tumulong na sa pagpipigil kay Doyeon na sugurin ako eh.

 

Pikon amp.

 

Yan talaga jowa ni Minjeong?! Hindi sila bagay!


 

“Pasabi nalang sa friend mo na wag niya na ulit gagawin ‘to. I love my girlfriend and sana respetuhin niya nalang yung decision ko and don’t get in the way. I don’t want to cause more conflicts samin.”


 

Ouch.

 

Pain.

 

Pighati.

 

Kahit na masakit, I still managed to fake a smile.


 

“Yeah, I’ll tell her to step back nalang.”

 

“Please do, thank you.”


 

And that was the first time I met Doyeon, and the last time I saw Minjeong.


 


 

Karina tried to move on, she really tried her best.

 

Pinigilan niya yung sarili niya pumunta sa St. Scho para makahagip ng kahit na anino lang ni Minjeong.

 

Alam niya kasing mas mahihirapan lang siyang i-let go pa siya at medyo ang stalker ng dating so no. She’ll never stoop that low.

 

First time na nangyari sa kanya yung ganito kaya hindi niya alam yung gagawin niya.

 

She never had a hard time moving on naman dati sa mga past relationships niya pero iba yung kay Minjeong.

 

Ni-hindi niya nga nakarelasyon si Minjeong at muntikan pa siyang mapatay nito. Kaya hindi niya alam kung bakit hirap na hirap siya.

 

Love is a strong word. Ayaw niyang gamitin yun sa nararamdaman niya para kay Minjeong.

 

Pilit niyang pinaniniwala sarili niya na hindi siya na-love at first sight.

 

Karina kept on insisting na vulnerable lang siya tthat time at tumapat lang na si Minjeong ang nakakita sa kanya nung mga panahaon na yun.

 

Yung nangyari rin sa kanila masyadong unique and random kaya hindi agad maalis ni Karina sa isip niya lahat yun.

 

Ginaslight ni Karina yung sarili niya into believing na wala lang yung nangyari sa kanila hanggang sa hindi niya na talaga gaanong naiisip si Minjeong.

 

There are days na nakakalimutan niyang nag-eexist pala si Minjeong sa mundong ito lalo na kapag busy siya sa iba’t ibang bagay.

 

Sinunod niya yung advice ni Minjeong, humanap siya ng rason para mabuhay ulit.

 

Ginawa niya yung mga bagay na nakasanayan niya dati at sinusubukang ibalik yung sparks at saya na once niyang naramdaman dun.

 

It was effective, Minjeong’s advice was so effective kaya naman Karina’s sobrang thankful sa kanya.

 

If hindi si Minjeong ang nakita niya that night, who knows what would’ve happened. Baka hindi siya mamumulat sa mga bagay bagay.

 

That’s right.

 

Thankful lang siya kay Minjeong. She’s like an angel sent by her sister para magising naman siya sa katotohanan.

 

Karina kept it that way.

 

She treated Minjeong only as her angel that helped her change for the better, at hindi na nagtangka pang gumawa ulit ng move.

 

Minjeong’s happy with her girlfriend and ang tanging magagawa nalang ni Karina ay irespeto yung relasyon nila.

 

Pero anong mangyayari kung biglang makikita niya nalang si Minjeong sa Poveda, sa school na pinapasukan niya?

 

Pano nalang yung progress ni Karina sa pagmomove on?


 

---

 

Hindi ako namamalikmata.

 

Kahit na maikli na ang buhok niya, alam kong siya pa rin yun.

 

I know that face. Yung mukha na parang Diyos mismo ang naghulma at talagang maingat na ginawa. Parang kahit ika-pitong araw, hindi nagpahinga ang Diyos para gawing perfect si Minjeong.

 

That ethereal face na hindi maalis alis sa isip ko!

 

Pero anong ginagawa niya sa Poveda? Bakit suot niya ang uniform namin?

 

Bakit nag-iba yung buong aura niya? Bakit nawala yung ningning sa mga mata niya?

 

Why does she look sad?

 

She doesn’t deserve to be sad.

 

Who made her sad?

 

Was it Doyeon?

 

Iniisip ko pa lang yung fact na sinaktan siya ni Doyeon, parang gusto ko na magwala.

 

Pasabugin ko na ba ang St. Scho?!

 

But okay, let’s calm the down, Karina.

 

My heart leaped in joy nang makita kong pumasok siya sa room na papasukan ko rin.

 

Classmates kami!!

 

Pero sandali lang, how do I process this information?!

 

Tadhana, masyado kang mapaglaro. Iba na talaga iisipin ko.

 

Paano nalang yung moving on stage ko ha?! Back to square one na naman tayo??

 

 

Ilang students na ang nag introduce yourself sa harap pero wala sa kanila yung atensyon ko.

 

Na kay Minjeong lang!

 

Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito siya, sa iisang room kasama ko.

 

Classmate ko lang naman siya.

 

Who would’ve thought?!

 

Pinaglalaruan lang talaga ng tadhana yung feelings ko.

 

Kung kailan konting kembot nalang makaka-move on na ko tsaka biglang magpapakita na naman si Minjeong.

 

Lord, ano bang plano mo sakin ha?

 

Parang mas hindi ko ata kakayaning makita siya araw-araw tapoas pinagmamalaki ang girlfriend niya!

 

Nasaan na yung jowa niyang kapre? Wag niyong sabihin na nasa HUMSS yun o nasa ABM ha!

 

Baka mag drop out nalang ulit ako for the 2nd time.


 

“Karina, it’s your turn.”


 

Dun palang natigil ang pagtitig ko kay Minjeong.


 

“Ma’am but they know me already.”


 

Sino ba naman ang hindi nakakakilala sakin dito?

 

Not to sound mayabang but I’m kind of popular, kami ni Giselle. We’re everywhere!


 

“And so are your other classmates but mag introduce ka na dito, may transferee kayo.”


 

Hindi nga ako nag-iilusyon lang. may transferee nga at si Minjeong yun!


 

“Really? May humabol pa?” Patay malisya kong tanong bago tumayo


 

Nakita kong napatingin sakin si Minjeong nung tumayo ako and was surprised.

 

Did she recognize me???

 

I looked back at her pero I guess that’s not the case. She looks uninterested.

 

It’s been months na rin naman so hindi na ako nagulat. If her eyes is all for her girlfriend, sino ba naman ako para maalala niya?

 

Fine then.

 

Magpapakilala nalang ulit ako sa kanya.


 

“Hi everyone, my name’s Yu JImin but people call me Karina. I’m 19 years old and masyado ako maraming hobbies kaya aabutin tayo ng next subject kapag inisa-isa ko pa.” I tried to be as casual as possible at nagbibiro pa para maitago na kinakabahan ako.


 

I don’t want to mess up kasi Minjeong’s watching.


 

“Then tell me your likes and dislikes nalang.”

 

I thought about it for a moment, Ms., wala akong ibang maisip. Kasi I always try to like things kahit na ayaw ko naman talaga. It’s more fun and peaceful that way.”


 

Pro-adjuster ata ‘to!


 

“For my likes, I think automatic naman na gusto ko ang taekwondo, swimming, pag-piano, pagkanta, at pagsayaw.”


 

I’m popular for that reason.

 

Si Karina Yu, ang babaeng hindi nauubusan ng extracurricular activities!


 

“And..”


 

May pumasok na namang kalokohan sa utak ko.

 

Hinanap ng mata ko kung nasaan si Minjeong at nang makita kong nakatingin din siya sakin, nginitian ko siya.

 

Umiwas siya ng tingin kaya mas lumawak ang ngiti ko. She’s so cute.

 

Pano na ‘ko magmo-move on nito?

 

Bahala na!


 

“I like that short haired girl with bangs. She’s so pretty.”


 

Kung kailangan ko magpapansin just to get her attention then so be it!

 

Walang hiya na sa kung walang hiya but desperada na ‘ko! Hindi effective yung ‘best version’ of myself ko. Hindi niya pa rin ako napansin nun.

 

Sapilitan na ‘to. I won’t let this chance go ever again.

 

Nakita kong napatakip ng mukha si Minjeong at kulang naalng ipagsisikan niya yung maliit niyang mukha sa panyo niya.

 

She’s blushing.

 

Ang cute cute talaga!!

 

Mas lalong ang baby niya ngayong nag short hair siya.


 

“Are you single?” I finally asked the question that I’ve been itching to ask kanina pa


 

Hindi sumagot si Winter at tumingin lang sa binder niyang wala namang laman ata.

 

Hmm, ayaw mo ‘kong sagutin ha.

 

Sige, hindi ko na muna ipipilit


 

“Ms. Soo, siya ba yung transferee?” Tanong ko sa adviser namin para mas humaba pa yung time ko magpapapansin sa harap

 

“Yes, that’s her. Unang araw pa lang but she’s already traumatized sayo.”

 

“Grabe ka, ma’am! I just want to appreciate her beauty.”

 

“Go back to your seat na nga baka ano pa ang masabi mo.” Pabiro akong tinulak ng adviser namin paharap, “Transferee, it’s your turn na.”


 

Now Minjoeng looks troubled. Halatang hindi niya gusto ang nangyayari sa kanya ngayon.

 

But being the good girl that she is, sinunod niya pa rin yung adviser namin.

 

Tumayo na siya sa upuan niya at naglakad paharap. Minjeong didn’t dare to look at me pero hindi ako papaya na ganun ganun nalng yun.

 

Nung nagkasalubong kami sa aisle, I playfully patted her shoulder and gave her a goofy smile.

 

I only received a glare in return tho.

 

Okay na yun kesa wala talaga.

 

At this point, kahit siguro suntok sa mukha tatanggapin ko basta galing sa kanya.

 

I’m weird, yes.

 

Bumalik na ako sa upuan and gave her all of my attention.

 

I wanted to squeal kasi ang cute cute niya lang kahit wala pa siyang ginagawa.

 

Naipon yung dinadamdam ko kay Minjeong sa mga nakalipas na buwan tapos sumabog silang lahat ngayon all at once.

 

I hope hindi masyadong overwhelming yung approach ko. (overwhelming na beh)


 

“Hi, my name’s Kim Minjeong but you can call me Winter. I’m 18 years old and I’m from St. Scho manila.”

 

“Oh, ang layo nun dito ha. Why did you transfer?”


 

Miss Sooyoung is finally asking the million-dollar question!


 

“Lumipat po kasi kami ng bahay near this school po kaya my parents decided na dito nalang ako mag study para po hindi hassle bumyahe.”


 

Don’t tell me sa Corinthians din siya?? That’s the nearest subdivision dito sa poveda.

 

Pwede rin sa white plains since dun kami banda unang nagkita.

 

Green meadows is also a choice…

 

Ewan! Basta malapit lang siya dito, that’s what’s important.


 

“I see. This is a good school na rin naman kaya I hope you’ll enjoy your stay here, Winter.”

 

“Thank you, Miss Sooyoung.”


 

Minjoeng was about to go back sa upuan niya when Miss Soo asked,


 

“Wait, what’s your response pala sa sinabi ni Karina?”


 

Miss Sooyoung, my most favorite teacher in the world!!!!!

 

Now Minjeong doesn’t have a choice but to answer it.

 

Somewhere deep in my heart alam kong may jowa pa rin siya but a part of me is hoping din na sana single siya.

 

Please be single.

 

Yung kaba ko, daig pa nung nag take ako ng mga college entrance tests eh!

 

I gave her a hopeful look nung napatingin siya sakin. Just to let her know na I’m serious as heck sa pinagsasabi ko.

 

Please tadhana, ibalato mo na sakin to.


 

“I am single—“


 

ing yes!!!


 

“—but I’m not interested in you so kung pwede, stop making me feel uncomfortable.”

 

“OOHHH”


 

Tagos hanggang buto!

 

Walang sinabi yung sakit nung pagbangga mo sakin ng bike, Kim Minjeong!

 

But I still smiled.

 

Hindi importante yung pag reject mo sakin. I can always change her mind. K can always try to win her heart.

 

She’s finally single.

 

At least this time, hindi ko na kailangan i-restrict yung sarili ko.

 

I don’t have to step back anymore.

 

It’s finally my turn.

 

And that is the start of how I forcefully inserted myself sa buhay ni Kim Winter.

 

This is how our story begins again.

 

---

 

“Grabe, hindi ako na makapaniwala na may ganung history pala tayo.” Natatawang ewan si Minjeong, halatang di niya alam kung ano yung mararamdaman niya

 

“Hindi rin ako makapaniwala na nakalimutan mo ang pagmumukhang ‘to, Kim Minjeong.”

 

Minjeong giggled, “Sorry, when I’m really in love with someone, hindi ko na talaga napapansin yung ibang tao. Kahit sino ka pa, makakalimutan kita. I’m that invested when in love.”


 

Gusto ko sana magselos pero what’s the point diba?

 

Akin naman na si Minjeong.


 

“Pero ikaw! Oh my God, mahal. What if motor nga yung nakabangga sayo edi wala ka ngayon sa tabi ko?”


 

Nakita kong may namumuong luha sa mga mata niya kaya maingat kong hinalikan ang kanyang mga mata.

 

Wala dapat makakalusot na kahit isang patak ng luha dyan.


 

“What ifs lang yun. I’m here in front of you oh? I’ll never leave you.”

 

“Minsan kasi iniisip ko na everything is too good to be true. I’m worried na magising nalang ako bigla tapos hindi ka pala totoo.”

 

“May alam akong paraan para matukoy natin if nananaginip ka ba o hindi.” Ginaya ko yung linyahan niya nung ninakaw niya ang first kiss ko

 

Parang na-gets niya naman yung gusto ko ipararing. Nginisian niya ako at nakisakay, “Really? Pano?”

 

“Ganito.”


 

I was about to kiss my oh so cute girlfriend ng biglang humangin ng pagkalakas-lakas causing na mamatay yung sindi ng kandila at pagkalaglag ng mga bulaklak.

 

Nagkatitigan muna kami ni Minjeong bago tumawa.


 

“Baby, I think ayaw nila Ate mo makita yung live show natin.” Natatawa niyang sabi bago sumiksik sa leeg ko

 

“Hayaan mo na, we can do it nalang sa condo mo.”

 

“Gaga ka talaga.”


 

Ang dami ko na rin palang pinagdaanan para lang makuha ko si Minjeong, and I can proudly say na worth it naman lahat ng yun.

 

Kahit banggain niya pa ako ng truck, basta akin siya sa dulo, I don’t mind.

 

Everything is worth it para kay Minjoeng.


 

“I’m sorry.”

 

“For what?”

 

“For hurting you unconsciously.”

 

“Okay lang, past is past.”

 

“And thank you.”

 

“For what ulit?”

 

“For staying. Kahit na anong taboy ko sayo, you stayed and proved yourself na tama ang desisyon kong mahulog sayo.”


 

Napangiti naman ako dun at niyakap siya ng mahigpit.


 

“I want to thank you rin.”

 

“Gaya gaya ka talaga.”

 

“And ang basag trip mo.” Irita kong sabi sa kanya kaya natawa siya

 

“I’m only kidding. Tell me why you’re thankful sakin, please?”

 

“For letting me love you. For giving me a chance to enter your life and be your girlfriend. Thank you for trusting me.”

 

“Oh wag kang iiyak.”


 

Siya yung nagsabi nun pero siya itong tuloy tuloy na kung umagos ang luha.

 

Marahan ko yung pinunasan at inilapit ang mukha niya papalapit sakin.


 

“I love you so much, Minjeong.”

 

“I love you too, my Jimin.”


 

End.


 

——

 

uhm hi? yes, buhay pa ako 🥳

 

pinakinggan ko na po ang matagal niyo nang hiling, ang POV ni karina. idk if naaalala niyo pa yung story na to pero basta! pwede ko na pakawalan ang story na ‘to dahil tapos na siya 🤭

 

thank you sa mga nagbabasa pa neto at magbabasa palang hihi. na-miss ko magsulat fr. ngayon, susubukan ko namang sulatin yung along katipunan 😫 katamad. emz HAHAHA

 

Sa mga pupunta ng kverse, see you mga bading 🤩


 

---


 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
justkarina
ayan, wala na ko utang mga beh ha. bayad na ko sa begin again 🏃‍♀️🏃‍♀️

Comments

You must be logged in to comment
howdoyouknowmee
531 streak #1
🌷🤍
ryujinie__
685 streak #2
Promoted yaaaayyyyyy! 🥳 Congrats <3
Psykotato #3
Chapter 3: Shutangina na love at first sight si Karina sa taong bumangga sa kaniya HAHAHAHAHAHAHA
Psykotato #4
Chapter 1: Ang sakit manalita ni Winter ako ang naaawa kay Karina😭. Hindi deserve ng kahit sino ang masanay na binabad mouth sila😭
piaexus #5
Chapter 3: i really love your writing! how you characterize winter and karina is so perfect. please keep writing because you're so talented!
TYTFshipper
258 streak #6
Chapter 3: Nagbasa pa ko ng unang chaps otor hehe 😅 pero thank you sa update 🤧🤧 and yes see you otor sa kverse! (kung magkikita man lol 😆 hahaha) pero see you sa next chap talaga sa katipunan 🥰
gonesurfin #7
Chapter 3: Otor sobrang fan mo ako nung along katipunan pa lang. salamat sa story na to. Ito yung story na nagpapatunay na love is patient 🥺
u_ujiman #8
Chapter 3: Muntik ko na makalimutan pero pagbasa ko nung unang chap, alam ko kung alin to HAHAHAHA

FINALLY POV NI KARINA whdjwjdiw cutie naman nila, when kaya /hj
Genniee #9
Chapter 3: HAY ANG GANDA PO OPO!! KINIKILIG PILIKMATA KO
><