Mahiwaga - Main

Mahiwaga

MAHIWAGA – SEULRENE

 

Hahayaan mo bang mahalin kita habang buhay, mahal?

 

Ayaw ko kasing mawala ka.

 

Hinawakan mo ang kamay niya ng mahigpit habang nakatingin kayong dalawa sa palubog nang araw sa tanawin, at hindi mo mapigilan na ngitian siya habang hawak mo ang kamay niya. Pinaglalaban mo pa sa sarili mo kung yayakapin mo ba siya o mapapalagay ka na lamang sa paghawak ng kamay niya habang nababalot kayo ng katahimikan, pero inunahan ka na niya.

 

She hugs you tight and it is the best hug you’ve ever received, for everything is the best with her, and it makes you happy na kasama ka niya ngayon—na sa lahat ng humabol sa kanya para sa puso niya ay ibinigay niya iyon ng kusa sa’yo, and oh… how happy you are, for she’s yours to hug, yours to kiss, yours to love until the end of time.

 

“Baby… do you really have to go?” tanong mo sa kanya, and she lets out a sigh as she hugs you even tighter, planting a kiss upon your cheek and she had always been your calm; even if right now your heart is a tempest, a storm unending, at feeling mo ay mabibiyak ang puso mo sa pag-iisip pa lamang na mawawala na siya sa piling mo, and she’s going to leave…

 

…and it’s still two years before you can go with her.

 

“Mabilis lang ang dalawang taon, Seulgi… I trust that we’ll still be together as you go to New York two years later, dahil ayaw ko namang hadlangan ang pangarap mo dito sa Pinas.” Sagot niya, at hindi mo maiwasan na malungkot pa lalo dahil sa narinig mong rason kung bakit hindi siya nagpumilit na sumunod ka sa kanya when there’s nothing that is really anchoring you here in this place, but her.

 

Irene… the selfless woman that you are.

 

Ang sarap mong mahalin, mahal.

 

“Two years… LDR, mahal. Kakayanin ba natin?” tanong mo dahil maraming tanong ang pilit na nanghihimasok sa isipan mo habang naiisip mong hindi kayo magkikita ng physical in those two years, and there are a lot of variables that could happen, but as you stare at her eyes that gaze upon you with that smile upon her lips… parang nawala lahat ng tanong na lumulunod sa’yo.

 

“Kakayanin natin, mahal… kasi ayaw kong mawala ka sa akin. Ang swerte ko na sa’yo, bakit pa kita papakawalan?” natatawang sabi niya as she stares at your lips, and you take it as sign to move forward while you stare at the sunset upon this beach, one of the last days that you can spend with her.

 

So you kiss her, a kiss full of love and full of unspoken feelings between the two of you, at hindi mo mapigilan na tumulo ang luha mo habang yakap mo siya… God, you’re so in love with this woman.

 

You love her, so much, na kahit magkakalayo kayo… okay lang.

 

Dahil naniniwala kang kakayanin mo. Kakayanin niyong dalawa, because ang pagmamahal mo sa kanya ay humihigit ng distansyang magkakaroon kayong dalawa pag umalis siya papuntang New York, the city of her dreams, the city where her sister Tiffany had opened opportunities for her—

 

Something na hinding hindi maibibigay ng Pinas.

 

Something na makukuha niya pag malayo siya sa’yo… and you promised to go after her after two years, kapag natapos mo na ang internship mo dito.

 

But two years is a lot of time, mahal…

 

…ayaw kitang mawala.

 

“I want this… I want our relationship to be something where we could grow together, my love, na sabay nating makakamit lahat ng pangarap natin habang tayong dalawa’y nagmamahalan… pero bakit parang gusto ko nalang talikuran ang lahat at sumama sa’yo?” natatawa mong sabi pero napaaray ka naman nang kutusan ka niya, her hand inching across your waist, pulling you closer to her—if that is even possible.

 

“Siraulo ka. Pag ikaw talaga, nakita kita doon ng wala pa sa pinag-usapan nating time… kukutusan kita.” Natatawa niyang sabi dahil hindi biro naman talaga ang layo ng New York mula sa Pilipinas, hindi naman iyon parang nasa kanto or nasa tabi lamang na pwedeng lakarin—A ten hour difference is their enemy in the future.

 

Susuportahan mo siya kahit saan, dahil ganun mo siya kamahal, Seulgi, so you would rather have her even with these circumstances than not have her at all, dahil ikamamatay mo ata kapag napunta siya sa iba, because she’s yours.

 

Irene Ferrer is Seulgi Rodriguez’s girlfriend… oh, how happy you are upon hearing those words from someone else, all the more when you hear it from your own girlfriend’s lips.

 

Gusto mo siyang bakuran.

 

Gusto mo siyang dikitan ng isang malaking post-it sa noo na may nakalagay na back off, she’s mine! para hindi siya tititigan ng ibang tao sa Nyork dahil sa kagandahan niyang taglay, for even if you didn’t know her before, you’re sure that she’s really a headturner, at pati ikaw ay napaaibig niya, especially with how she’s baby talking whenever she’s with you.

 

Sabi nga ng isang kanta ng itzy, I may have used my biggest luck.

 

“Eto… anong sasabihin mo pag may nagtanong sayo na lalake kung taken ka na or hindi?” tanong mo sa kanya habang tumayo na kayo at naglakad na pabalik ng sasakyan niyo, dahil bukas na ang flight niya and you’re taking her out for a last lunch here sa Pinas bago siya umalis, and you’re kind of tying out any more experiences that she wants to have with you here sa Pinas.

 

That’s why you even borrowed your friend Joy’s motorcycle kahit na lagi niya iyong pinapandate with her girlfriend Wendy, at alam mong magagalit ang babaeng iyon kaapag nagasgasan mo ang motor niya kaya todo ingat ka, and with the gentlewoman that you are ay tinulungan mo siyang makasakay pauwi sa shared apartment mo with Raiden, as her girlfriend fondly calls her, dahil kinuntsaba mo si Wendy na isama muna si Joy sa apartment nito for the night para magkasama kayo ni Irene na matutulog ngayon, for the first time in a while.

 

“Hey, are you sure ba na okay lang kay Wendy na magkasama tayo ngayon?” tanong ni Irene sayo at tumango ka na lamang habang nakangiti ka na inaayos ang helmet sa ulo niya, and you smile as you put a kiss upon her forehead, and you know that you’re going to miss this.

 

You’re going to miss her, so bad… at hindi mo maiwasan ang mainggit sa mga kaibigan mo na kasama ang jowa nila ngayon, na hindi kailangang mamaalam ng ganito, na hindi kailangang maghiwalay dahil pareho kayong gustong magkaroon ng career na magkaiba ng landas, but you know in yourself na kahit magalit siya, kahit isumpa ka niya kung iiwan mo ang lahat ay gagawin mo iyon.

 

You’ll choose her over everything else.

 

Will you do the same for me, my love?

 

*

 

Ikaw ang aking mahiwaga.

 

Ikaw yung pipiliin ko araw araw.

 

Pero bakit ganito?

 

Bakit parang binubutas yung puso ko?

 

“Hindi… hindi ko lang kasi maintindihan, Irene. Ang sabi mo, kakayanin natin. Kahit malayo. Kahit hindi kita kasama ngayon. Pero bakit ganito?” galit mong sabi habang mahigpit ang hawak mo sa cellphone mo habang tinatawagan mo siya, at gusto mong marinig na jinojoke time ka lang niya, na hindi totoo itong sinasabi niya—

 

Pero bakit parang deep inside, pinaghandaan ko na to?

 

You kind of saw it coming already, Seulgi. Aminin mo man o hindi… nakita mo na itong mangyayari, among all the other scenarios that flooded your head, pero nung nagkatotoo na itong scenario na ito… parang hinding hindi mo ito matatanggap.

 

No… hindi ko hahayaang masira tayo ng dahil sa putanginang LDR na ito, Irene. Hindi ko hahayaan na mawala ka sa akin—

 

[“Pagod na ako, Seulgi.”]

 

Para kang nabagsakan ng kung ano mang mabigat na bagay sa puso mo nang sabihin niya ang mga salitang iyon, for you knew that this is slowly crashing down upon you, slowly ending the capacity of your heart, bit by bit—at parang wala kang magawa.

 

Ano pa bang magagawa mo, eh gusto na ata niyang matapos?

 

“No… hindi ko hahayaang matapos tayo ng ganito, Irene. Baka heat of the moment lang to, and ayaw kong gumawa tayo ng mga bagay na pagsisisihan natin bukas—”

 

[“No, Seulgi. Sinabi ko na sa’yo, hindi ba? Gumawa ka ng plano na hindi ako kasama, kasi hindi natin alam kung ano yung pwedeng mangyari. Don’t make this harder for me.”] sagot ni Irene, ang pinakamamahal mo sa buong mundo.. and hearing those words from her hurt as .

 

Paano ko magagawang hindi ka isama sa mga plano ko, Irene?

 

You’re my constant, hindi ba?

 

Ikaw yung kapayapaan ko sa magulong mundong meron tayo… pero isang katiting na bahagi lang pala ako sa mundo mo.

 

Bakit hindi ko narealize iyon?

 

Ako na lang ba yung nagmamahal sa ating dalawa, Irene?

 

[“Oo, Seulgi… ikaw na lang. I’m sorry… hindi ko alam kung kelan, pero… pero parang nawala lahat.”] sagot ni Irene sa’yo, at dun mo lang narealize na nasabi mo pala out loud yung huling piraso ng thought na yon na sunod sunod na pumapasok sa isipan mo, at hindi mo maiwasan ang bumagsak sa sahig dahil nanlalata ka na.

 

Magsasalita ka pa dapat pero natapos na yung tawag, at hindi mo mapigilan na ibato ang cellphone mo sa pader, your tears making it hard for you to see and hard for you to breathe dahil hindi mo na kaya, at hindi mo na pinansin ang gulat na titig ni Joy sa’yo na pumasok sa kwarto mo matapos niyang marinig ang malakas na pagtama ng phone mo sa pader.

 

In a blink of an eye you tell your bestfriend everything, through your tears, your wailing of anger and pain that rests permanently in your heart, and you don’t even wait to see her anger settling upon her eyes, or see her girlfriend rushing inside to help her pacify and calm you down, dahil nagmamadali kang nag-impake ng damit mo sa bag na nakita mo sa loob ng kwarto mo.

 

Bakit ganito? Ang sakit-sakit naman.

 

Parang ang bilis mo namang sumuko, Irene… pinangako mo pang kakayanin natin.

 

Tangina naman.

 

“P-Pupunta akong New York, Joy, susundan ko na siya doon—”

 

“Sinabi na niyang ayaw niya, hindi ba?” galit na sabi ni Joy habang inutusan niya si Wendy na kunin ang mga gamit mong pilit mong inilalagay sa bag mo, the woman even going as far as grabbing your passport away from you para hindi ka talaga makaalis, and Joy angrily pushes you to sit down.

 

“Don’t make yourself to be someone who’s pathetic, Seulgi. She doesn’t want to be with you anymore, so bakit ipipilit mo pa—”

 

“Dahil ganun ko siya kamahal, Joy! Gusto ko pang ipaglaban to, dahil kakayanin namin to, alam kong kakayanin namin ito—”

 

Your cheek hurt so much immediately as you feel the taller woman slap you in all her anger directed towards that slap upon your face, and immediately all the emotions you have upon your heart calm and lull down, na para bang wala naman talaga ang mga emosyon na iyon in the first place.

 

“Kumalma ka, Seulgi.” Sagot ni Joy, staring at you as you feel your tears fall upon your cheeks yet again, but there’s something in Joy’s eyes that make you feel uneasy, make you feel something in your heart na hindi mo maintindihan—

 

Happiness?

 

“Calm down, Seulgi Rodriguez, and wake the up.”

 

Biglang bumukas ang mga mata mo at nagpanic ka ba dahil kita mo sa labas na gabi na, and you wonder if nakatulog ka pagkatapos ng masakit na events kanina, but that all changes when you see her.

 

She’s writing quietly with her lips pursed, focused upon that thing she’s been working on, these cute little acts of hers shown upon your iPad screen dahil narealize mo na magkavideo call nga pala kayo, and you see her smile as she sees that you’re awake—that smile turning into a frown as she realizes that you’ve been crying, while in your sleep.

 

“Did you have a bad dream, baby?” she asks you, with that usual baby talk while referring to you, at kita mo ang pag-aalala sa mukha niya as you pick up the iPad to see her closely, more than ever—and you realize in yourself how badly you want to hug her tight.

 

“Just… just a bad dream, my love.” You say, managing a smile as she pouts at you, still clearly worried upon your tears staining your cheeks, and you grab a pillow that you hug tight, thinking and wishing that it’s her that you’re hugging tight right now.

 

“I… I dreamt na gusto mo na daw tumigil, Irene.” Sagot mo, sadness immediately filling your eyes, and it hurts thinking about that dream when she’s in front of you, her eyes twinkling every time she sees you, at lahat ng pag-aalala na mayroon ka ay nawala agad nang makita mo ang pagmamahal sa mga mata niya na hinding hindi mawawala.

 

“Baby… that’s just a dream, alright? As I said to you before, hinding hindi ako mawawala sa’yo.” She says, and for once, after that nightmare you’ve had… you smile at her, the widest of smiles, and you feel happy as she says those words, at kung wala lang talagang covid restrictions ay pupunta ka na sa kanya agad-agad, dahil malapit na din namang matapos ang two year period na inilaan mo bago ka sumunod sa kanya.

 

If you’re there with her you’d hug her tight, kiss her softly, dahil kahit na ilang buwan na lamang bago ka pumunta ng New York ay miss na miss mo na ang babaeng ito, miss mo na siyang makita, miss mo na ang babaeng nagpapasaya sa’yo sa lahat ng sandali ng buhay mo…

 

…you could wait for her even for a whole lifetime, dahil ganun mo siya kamahal.

 

“Baby?” you say, and you smile as she looks at you, your baby staring at you with such love upon her eyes, and you can’t help but smile, dahil alam mong siya na ang panghabambuhay mo.

 

Siya ang pipiliin mo, kahit na ngayon magkaibang side kayo ng mundo…

 

With her, you can do everything.

 

“I love you.”

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet