-1-

Listahan ng mga bawal sa puso
Please Subscribe to read the full chapter

Isang malawak na ngisi ang binigay ko sa taong nasa harapan ko ngayon. Medyo hinihingal pa ito na may konting pawis sa noo. Wala pa mang sampung segundo syang nakakarating ngunit hindi ko na sya binigyan ng pagkakataong makahinga ng ayos.

“Naiwan ko wallet ko sa office,” unang sambit ko na hindi pa rin nawawala ang ngisi sa bibig ko.

“Sinadya mo ‘to, no?” may suspetsa nyang tanong sa’kin.

Promise, aksidente ko lang talaga naiwan. Huli ko na napansin na wala pala sa bulsa ko wallet ko.

“Uy hindi ah! Seryoso dito ko na lang narealize na naiwan ko wallet ko.”

Pero syempre, seize the moment tayo. Gamitin natin ang chance na ‘to.

Napairap nalang ng mata ang kasama ko, “Sus, mga style mo. Pero fine. So, saan tayo kakain?”

Eto na naman ang tanong na laging kalahating oras namin pinag-iisipan. Siguro, ito rin ang dahilan kung bakit lagi akong nag-oover break pag magkasama kami. Hindi kami makapag decide pareho.

 

Or maybe, gusto ko lang ng mas mahabang oras kasama sya.

 

Charot lang. Teka, asan na nga ba kami?

 

Ah, kung saan kakain.

 

“Ano, may naisip ka na? Halos thirty minutes na tayo nag-iikot dito.”

Sige na nga. Gutom na rin naman ako.

“Dun tayo sa favorite ko.”

 

Wala naman syang nagawa kung hindi mapamasahe ng sentido nya nang makaharap for the second time ang pamilyar na menu sa kamay nya.

Hindi naman sa nambubudol ako pero gusto ko lang talaga ang pagkain dito. Nagkataon lang na medyo mahal sya hehe.

“Ang daya mo talaga. Feeling ko planado mo ‘to eh. Kaya iniwan mo wallet mo.”

“Grabe, ganun ba tingin mo sa’kin?!” medyo OA kong sagot na hindi naman sya nagpa apekto.

“Lokohin mo lelang mo. Kilala kita. Pero sige. Bawian nalang kita next time. Order na tayo.”

 

---

 

Ililibre nya ako.

Tapos, ililibre ko naman sya.

Then, ililibre ulit nya ako.

And the cycle continues.

Ganun lang naman madalas naming sistema.

Magseset ng meet-up point, tas kakain or pag after office hours, gagala or minsan, tatambay.

Simple lang naman ang sistema namin ni Hyun. Walang kumplikadong kung anu-anong hanash.

Kamakailan lang nag start tong set-up namin na ‘to. Siguro, two years ago? Kung paano nagsimula, hindi ko rin talaga sigurado. Wala rin masyadong malalim na kwento pa kung paano nagsimula ang pagkakaibigan namin. Basta nagtext sya sakin isang araw na nasa Makati sya, nagkayayaan kumain, tas ayun na.

 

Coz it’s the start of something new~

 

Hep hep wait lang. Hindi ‘to High school Musical so hindi applicable yang kinakana nyo dyan.

Pero siguro, medyo weird nga yung friendship namin in a way. Gaya nga ng sabi ko, simple lang talaga.

Pero what’s funny is the fact na magkaklase kami, high school pa lang. Simula unang taon ng high school, magkakilala na kami. So kung susumahin, labindalawang taon na kami magkakilala.

So saan napunta yung sampung taon na yun kung tama ang pagbibilang natin?

 

Ang sagot?

 

Wala.

 

Walang ganap.

 

Wala, Zero. Nada. Ziltch.

 

Hamak na magkaklase ng apat na taon lang naman tapos nagkanya-kanya na rin ng buhay pagtapak ng kolehiyo.

Kahit nga barkada, magkaiba kami eh. Siguro, kung may common ground man, yun ay pareho kami ng street na nilalakaran pauwi. Pero bukod pa doon, wala na.

Matapos ang high school sa probinsya, nagkanya-kanya na ang karamihan samin. Ako, nag Manila. Sya, sa Cavite. Doon na rin sya nagtrabaho.

 

Speaking of Cavite.

 

Alam nyo, konti nalang talaga, magiging allergic na talaga ako sa mga Caviteño eh.

Paano ba naman… sige na nga i-kwento ko muna isa-isa.


 

---


 

Isa. 

Itago natin sa pangalang Rosalinda (hindi totoong pangalan).


 

Punyeta.

 

Punyeta lang talaga.

 

Yan nalang ang naibulong ko sa sarili ko matapos ang katakot takot na realizations na pumasok sa utak ko, na hindi ko pa marerealize kundi dahil sa dalawang bote ng Smirnoff at tatlong choco-choco na binigay sakin ng katropa kong tinatawanan lang ako sa mga oras na ‘to.

Kala nyo siguro lasing ako, noh? Well, tipsy lang. Hindi talaga ako drinker. Stressed lang. Punyeta, may ipapasa pa akong plate bukas kay Sir Quehorror— este, Ahorro pala.

“So anong plano mo ngayon? Hahayaan mo nalang?” Tanong sakin ng katropa kong tawagin nalang nating Yerim. Pasmado man bunganga neto pero may sense din naman.

“Ano pa nga ba? Eh di hayaan na lang.”

Pareho nalang kaming napa-buntong hininga.

Siguro itatanong nyo, anong problema namin at nag-iinom kami ngayon sa dorm room ni Yerim ng smirnoff na may pulutang choco-choco?

Una, yan lang kinaya ng budget namin. Ang mahal kaya sa 7/11 ng mga pagkain.

Pangalawa. Hindi naman talaga sa plates ako stressed.

Sa roommate ko.

Oops, hindi si Yerim yun. Same building lang kami pero hindi sya ang roommate ko.

Pero ayun, stressed ako sa roommate ko.

Hindi naman nya ako inaaway or binubully if that’s what you’re thinking. In fact, sweet pa nga sya eh. Nasobrahan pa.

Pero ang big fat cause of stress ko talaga?

Yung punyaterang manliligaw nya. 

Pero bakit nga ako stressed?

At dito na nga papasok ang discussions and realizations na resulta ng inuman session namin ni Yerim.

Balik tayo mga three hours ago.

 

---

 

“Eh ba’t ka naiinis? Ayaw mo nun, mas marami kang free time? Di ka na mangangarag sa plates mo.”

May point naman si Yerim. Sige minus 1 sa stress level ko. Pero paano ko nga ba ieexplain ng ayos eh kahit ako hindi ko alam ang rason.

Bago pa man ako makaimik, naglabas na sya ng apat na bote ng smirnoff mula sa ref nya na ikinagulat ko naman.

“Ay taray, parang walang pasok bukas ah.”

“Sus, afternoon class pa tayo. Kaya go, kwento.”

Binalikan ko naman yung sinasabi nya kanina. True naman na mas may me-time ako. Less distractions. Pero kasi…

“Sige, ganito nalang. Basta kwento ka lang ng kwento. Ako na bahala magbuo mamaya.”

So ayun, kinwento ko nalang kung ano bang nasa utak ko.

 

Kung paano nag-iinit mga tenga at mukha ko pag ‘hinaharot’ ako ng roommate ko (clingy sya sobra).

 

Kung paano ako mabilis bumigay pag may pakiusap sya sakin kahit pa mahirap ito, (syempre hindi mawawala ang side comments ni Yerim na ‘rupok ampota’)

 

Kung paano ako hindi makatingin sa kanya kapag magkausap kami harap-harapan. Well, ganito naman talaga ako generally sa lahat pero pag si roommate kasi talaga, tunaw na tunaw pakiramdam ko. Natatameme nalang ako kada magtatama ang mga mata namin. Parang bigla nalang nauubos ang lahat ng mga sasabihin ko pag nakikita ko ang mga malalaki nyang matang titig na titig sa akin na para bang ako ang sentro ng buong atensyon nya. Pakiramdam ko, pati kaluluwa ko nakita na nya.

 

Kung paano nya ako isama sa mga trip nyang movie marathon na makikiagaw pa ng kama tapos sa huli, tutulugan lang din naman ako sa kama ko kaya ayun, magkatabi kaming matutulog. Na magigising nalang akong may nakapulupot na bisig sa bewang ko.

 

Siguro, kung iisa-isahin ko lahat ng mga pagkakataong nahihilo at nalilito ako sa roommate ko, magkaka-migraine lang ako dito.

 

“Oh, tapos? What changed? Ba’t parang lagi kang badtrip pamula pa nung last month? Ano, one month kang meron?” tanong na mapang-asar ni Yerim.

Last month… ano nga ba last month…

Ah! February. Birthday ni Rosalinda.

At ang unang paglitaw ng punyeta sa buhay nami- ay, buhay ko lang pala.

“Last month? Ah, yun yung nagsimulang i-entertain ni Rosalinda si Bogart after six months.”

Bogart… wala lang. Ayoko syang pangalanan ng maganda eh. Kaya Bogart tawag ko sa kanya. At least hindi Punyeta, diba?

Obvious bang naiinis ako sa kanya?

Okay, balik tayo sa kwento.

“Hmm, okay, so anong nangyari dun?”

“Ayun, tuloy pa rin sya. Ginagawa pa akong taga-abot ng mga regalo minsan since pareho kaming South building ni Bogart. Pero weird din ‘tong si Rosalinda. Hinihila ako pag inaaya sya ni Bogart lumabas.”

“And pumapayag ka naman?” ayan na yung chismosa mode ni Yerim. Nakatuon na sya sa lamesa at nakalapit ang ulo sakin.

Napatango nalang ako.

“So ano yun, third wheel ka?”

Isa pa ulit tango. “Wala eh. Anong laban ko sa pout ni Rosalinda?”

At sa oras na yun, isang malakas na hampas sa noo ang tanging nagawa ni Yerim sa sinabi ko.

“Tanginang rupok yan, friend.”

 

So ayon, summarize ko lang yung huling part ng interrogation ni Yerim sa akin.

Nagmistulang third wheel ako sa mga ‘dates’ nila, na may minsan pang nangyari na AKO ang nanlibre sa dalawa. Aba punyeta talaga, diba? Okay lang kung si Rosalinda lang eh pero pati si Bogart? AT SA IMAX PA?!

Pero siguro, napansin na rin ni Rosalinda ang pagkabugnutin ko pagdating sa kanya sa mga sumunod na araw. Yung mga pag-iwas iwas ko, yung pagpapagabi ko sa univ para pagdating ko ng dorm, rekta gawa ng plates tapos tulog na. Buong akala ko, wala lang sa kanya ang lahat. Buong akala ko, wala syang pakialam.

 

“What the hell is wrong with you?”

Gurl, I was so shookt nung pag-uwi ko one time from gala. Ni hindi ko nga alam at that moment bakit sya nagagalit at 11PM.

Tapos ayun, nagkasagutan ng konti. Malas na rin lang na may konting inom ako nun. In the end, nag walk out nalang ako. The reason why I’m here ngayon sa room ni Yerim, camping for the third night in a row.

 

“Why? Ano bang pake mo kung lagi ako nasa labas? What made you think na ginagawa ko yun dahil sa’yo?”

“Eh bakit everytime nalang na aayain kita, you always turn me down? Kahit sa school, para akong virus kung iwasan mo. So, bakit? Anong reason? Hindi naman tayo ganito dati, diba? Ba’t ayaw mo akong iconfront kung may problema ka?”

“Para saan pa? E diba andyan naman si Bogart [not his real name]?! So ano pang papel ko sa buhay mo? Why do you always pull me around?”

“What has Bogart got to do with this?! Bakit sya nadamay dito? At bakit parang affected na affected ka pag andyan sya? Ha? Bakit para kang jealous girlfriend kung makaakto dyan? Kaibigan kita. Why can’t you be supportive of me and my boyfriend?!”

Boyfriend.

Siguro, sa oras na yun, sumabog nalang din ako. Pero yung pagsabog ko, yun yung wala akong masabi. Yun yung pagsabog sa loob. Kaya bago pa man ako may masabing mas malala, lumabas nalang agad ako ng silid.

 

“Gulo rin nyang si Rosalinda, no?”

Napatango nalang ako sa komento ni Yerim. Punyeta, magkaka migraine nga ata ako.

Napansin ko namang napatahimik sya, nakatingin sa taas na tila may napakalalim na iniisip.

Kinilabutan nalang ako nang bigla nyang ibaling mga mata nya sa akin.

“Alam mo, feeling ko gets ko na kung ba’t ka badtrip.”

Tinaasan ko nalang sya ng kilay.

“Ganito kasi yun, friend,” paminula nya bago ako akbayan at tila may tinuturong mga bullet points sa harap namin.

“Bago pa man dumating si Bogart sa buhay nyo, masaya kayong nagsasama.”

Hinampas ko naman ang braso nya. “Ang pangit pakinggan, teh.”

“Did I lie tho?”

Well, true naman. Magkasama kami sa iisang room. At masaya.

So tinuloy nalang nya sinasabi nya. “So ayun nga, masaya kayo pareho. Nanghihina ka sa kanya. Sobrang rupok mo sa kanya. Naiinis ka pag nakikita mo silang magkasama. Iniiwasan mo sila hangga’t kaya mo. Sumabog ka nung narinig mong sinabi nya ang ‘boyfriend’.”

Inantay ko lang syang tumuloy.

“Gurl…” konting pause. Pota pasuspense ang walangya.

“You like her.”

I like her?

I like her… as in Rosalinda?!

“Hah?”

Tinapik nalang nya ang balikat ko.

“Gurl, isipin mo, ha? Reviewhin mo ulit lahat ng pinagsasabi mo kanina, slowly but surely. Connect the dots, fill in the blanks, true or false, find the x, kung ano man.”

Ako namang uto-uto, ginawa ko nga. Mga thirty minutes at isang pang bote ang nakalipas...

Ayan na nga.

 

Punyeta.

 

Punyeta lang talaga.

 

May gusto ako kay Rosalinda.

 

Si Rosalinda na taga-Trece, Cavite.

 

---

 

Dalawa.

Eto yung sinasabi nilang napaka delikado ng office romance.


 

Sabi nga nila, keep it professional.

 

Pag workmates, workmates lang. Wag nang landiin. 

 

Apparently, hindi nakuha ng teammate slash partner ko yung memo.

 

So dalawa lang naman kami sa team na artist. Yung isa kasi, copywriter sya so mas madalas ko pa rin kasama tong co-artist ko.

Hmm, mabait naman tong si koya mo. Chinito. Nakikisakay sa mga biro at pang-aasar. Well, ako pala yung lagi nyang napapagtripan.

Magaling na artist tong si Kai. Masipag naman. Tahimik lang generally. Medyo cool din naman. Maalam pumorma pero yung lowkey lang. Dala na rin lang ng tangkad siguro. Magaan din kausap.

 

Kaso ang hayup, pag distracted, nagmamalfunction.

 

Okay na eh. Maganda na yung tandem namin. Kaso may pumasok sa eksena. Bagong hire sa accounting dept.

Krystal Soho. Na kapatid ni Jessica Soho.

Hindi, seryoso nga. Jessica talaga pangalan ng ate nya pero hindi yung Jessica na laging lumilipad ang team sa kung saan-saang lupalop ng Pinas.

Where was I?

Oh, right. Si Krystal Soho. 

Sabi ko nga kanina, hindi nakuha ni koya mo Kai ang memo na "Keep it professional", or kaya naman "No office romance."

Pero keme lang yun. Wala naman talagang ganung rule sa work namin. Pero diba, parang unspoken rule na rin yun? Hello, madalas kaya maging messy ang mga ganung office romance.

So ayun nga, pamula nung pumasok sa eksena si ate gurl, nagulo nalang bigla ang magandang pagsasamahan namin ni Kai.

Paano ba naman kasi, pati ata ako hindi rin ata nakuha yung memo. Isama mo na rin si Krystal.

Galing galing, diba?

IN MY DEFENSE… Kasi namaaaaan. Ba't ba lapitin ako ng mga clingy na tao? Dyuskopong mahabagin, ano bang kabaklaan ang ginawa ko sa past life ko para maging ganito?

Si Krystal na sobrang clingy, mas clingy pa than your clingy girlfriend.

Si Krystal na naturally flirty magsalita. Hindi sa nakikipagflirt sya. Ganun na talaga sya magsalita. May landi ba yung boses.

Si Krystal na mabait naman pero ang hilig mang tease, lalo na pag vulnerable yung target a.k.a. mabilis magpanic a.k.a ako.

Si Krystal na straight ang buhok pero di mo sure kung straight sya.

Si Krystal na magaling sumayaw (syempre tradition na naman talaga na sasayaw ang mga bagong hire pag Christmas party. Pero gurl, she didn’t disappoint).

Si Krystal na maganda.

Si Krystal na crush ni Kai.

Si Krystal na crush ko rin.

O diba, stressemé?

Ang kaso, hindi naman alam sa office na bacclang pokmaru ako so ako ‘tong tiis na tiis na super pigil na lowkey ang kilig.

Eh kaso. itong si Krystal na maganda, hindi ko talaga alam kung baccla rin ba or pinagtitripan lang talaga ako.


 

“Hmm, so, have you ever kissed someone before?” Unang unang tanong niya nang maiwan kaming dalawa sa isang booth sa second floor ng Xylo.

Medyo bigatin naman ‘tong company namin kaya Xylo ang ganap ngayong Christmas party. Exclusive for employees only.

So ayun nga, wala nang intro-intro na ‘Uy hello!’ manlang. Mind you, this was our very first conversation since na-hire sya.

“Huh?”

“Curious lang. You seem to be a shy person.” At lalo pa syang lumapit sa akin, to the point na magkatabi na kami. I can feel her body heat mula sa pwesto ko.

“I.. uh, well…”

Syempre, Xylo ‘to. So malamang, may alak. And yes, natuto na rin akong uminom during adulthood. Iba rin naman talaga ang dulot na stress ng pagiging alipin ng kapitalismo.

Bahagya naman syang uminom mula sa baso ng whiskey na hawak nya bago ibaling ang pansin sa akin. 

“Hmm, eto nalang. Do you know ‘The Handmaiden’?”

The Handmaiden? Yung movie nina Kim Minhee at Kim Taeri? THAT Handmaiden?

“Seems like you’ve watched it,” medyo natawa naman nyang sagot sa sarili nyang tanong bago uminom muli sa baso nya.

Ginagago ba ako neto? Anong trip neto?

Pota oo alam kong ‘medyo’ crush ko si Krystal the first time I set my eyes on her (yak landi) pero juicekopo ba’t naman ganito unang interaction namin?

“You know…” medyo dinadrag na nya ang mga salita nya, sign na may amats na, “you’re really interesting, Wendy.”

In what way?

GURL, IN. WHAT. WAY?

Anobaaa yung puso ko jusko may pasok pa ako bukas. Sino ba naman kasing punyeta ang pala-desisyon na gawing Sunday night ang Christmas party like????

“Me? How?”

“Ewan ko ba, there’s just something about you that’s mysterious, alluring. Also, you give out that vibe… how do I put it? Parang ang gwapo ng dating?”

Alam ba nitong baccla ako?!

“Okay, last question for tonight,” sabi ulit nya na ikinaluwag naman ng paghinga ko. Please, I can’t take another drunk Krystal Soho anytime soon. Masyadong kagimbal gimbal ang approach.

“Guy…” mahabang katahimikan. Lalo pa syang tumitig sa akin… “or girl?”

Lupa, kainin mo nalang ako, right here, right now.

Sa sobrang lapit naman nya, hindi ko maiwasang umiwas ang tingin mula sa mata nya. Gaya nga ng nabanggit ko, habit kong umiwas sa mata ng tao, lalo na’t crush ko.

Pero sobrang wrong move ata kasi sa labi naman nya tumapat ang mata ko.

Ahhh shet lang talaga.

She smirked.

“Okay, looks like I found my answer.” Bigla naman nyang layo sa akin, at saka lang din ako nakahinga ng malaya.

Alam mo yung feeling na throughout the whole ordeal, hindi ka naman nagsalita? Pero dahil pasaway ang body language mo, binuking ka rin ng sarili mong katawan?

Inubos ko nalang ang natitirang laman ng baso ko na hindi ko napansing dinagdagan pala ni Krystal. Sobrang tense ko na rin siguro.

“Di mo pala sinagot yung first question ko. Have you ever kissed someone?”

Lord, akala ko tapos na paghihirap ko.

Matagal syang nakatingin sakin. Napailing nalang ako.

“Hmmm,” patango-tango lang sya habang umiinom. Binasa naman nya bahagya ang kanyang mapupulang labi.

Lumapit sya muli sa akin. Shet sobrang clingy pala nya pag lasing. Personal space who?

“May candy ka ba? Mint? or anything fresh sa breath?”

HA.

“W-what?!”

 

Isa.

 

Dalawa.

 

Tatlo.

 

Bigla naman syang tumawa nang malakas na may paghampas pa sa sofa.

“Oh my god! Chill there, Wendy. I was just messing with you.”

Maam pakisapak nalang ako.

Ginagago lang talaga ako neto eh.

“Unless… you wanna change the answer to the last question?”

 

Isa.

 

Dalawa.

 

Tatlong malalakas na kabog sa dibdib.

 

Sa ganito ba ako mamamatay?

Lord wait lang, bata pa po ako. Di pa nga ako nagkakajowa. Wala pa akong first kiss. Wait lang po.

And as if dininig ni Bro ang prayers ko, saktong dating naman ng iba pa naming officemates sa booth na mukhang mga napagod sa pagsasayaw.

“Grabe saya sa baba! You missed the fun, Krystal and Wendy. Nag breakdance si Kai sa stage.”

Ay oo nga pala. Dancerist din ‘tong si Kai. Pareho sila ni Krystal magaling.

“It’s alright po, sir. We had fun getting to know each other. Diba, Wendy?” Sweet nyang ngiti sa akin na akala mo, hindi ako pinagtripan kani-kanina lang.

Nang nagkanya-kanyang kwentuhan ang iba, lumapit naman sya ulit at naramdaman ko naman ang hininga nyang tumatama sa tenga ko. Nanigas naman ako sa pwesto ko.

“Don’t worry. Your secret’s safe with me.” With matching kiss sound effects pa.

Dyuskopong mahabagin.

 

---

 

“Wan, asan si Kai?” Tanong ng supervisor namin na mukhang kagagaling lang sa meeting.

Napatingin naman agad ako sa pwesto nya.

Aba, kelan pa to lumabas? Di ko napansin ah.

“Ay, di ko napansin. Di naman sya nagsabi na lalabas sya.”

“Hmm, sige pakimessage nalang. Alignment tayo ng team pagbalik nya.”

You see, hindi naman sobrang higpit dito samin. Pwede kami mag break anytime. Lalo na’t sa baba lang ng building ang mga kainan. Kabila lang ng kalsada ang mall. So pwedeng pwede. Yun lang, magpapaalam ka.

Minessage ko si Kai pero hindi sya nagrereply. Baka walang load.

Hay pota. Buti nalang naka unli-call ako. Kahit walang jowa.

Bakit ba? Company benefit.

So ayun, tinawagan ko nalang sya.

“Kai, san ka? Alignment daw tayo, sabi ni Yuri.”

“Ahhh, sige pabalik na ako.

“Okay sabihan ko sya.”

Bago pa man nya ibaba ang tawag, may narinig akong pamilyar na boses na nagsalita sa background.

Alam ko yung boses na yon eh.

Pero anyways… Going back.

Tumayo ako’t nagcr saglit. Tutal, inaantay pa naman si Kai eh.

At nang papasok na ako ng CR, Nahagip ng aking mga mata si Kai at Krystal na sabay lumabas ng elevator.

 

---

 

Hindi ko sigurado kung ako lang ba ang nakakapansin, pero sabay laging nawawala sina Krystal at Kai.

Ay, nagsimula nga pala ‘to nung gabi ng Christmas party after mag offer si Kai na ihatid na pauwi si Krystal dahil delikado daw mag grab since may tama na nga si Krystal. Pareho naman daw sila ng way.

So ayon, fast forward, ilang months na rin ganito.

Mauunang bumaba isa sa kanila, tapos makalipas ang ilang sandali, bababa na rin ng opisina yung isa.

So it went like that.

Ang masama lang kasi, eto palang si ate mo Krystal, may ‘ex’ na cool off daw sila. Tapos a few days ago, nagpadala ng bouquet sa office. Kabogara ang haba ng hair ng ate mo diba?

And from the looks of it, mukhang okay na sila ulit nung ‘ex’ nya.

So ayon, ang chismis, mainit-init pa galing sa microwave.

May mga nakakahuli daw kina Kai at Krystal na magkasamang kumakain, or generally, naghahang out sa labas. Kahit weekends.

Mabilis din naman kumalat ang chika at naging bulung-bulungan din ito sa floor.

Isa pa ring balita ay ang paghatid-sundo ni supposed ‘ex’ kay Krystal sa office. So ang gulo diba? Ano ba talaga? Ano bang score nina Kai at Krystal? So may jowa talaga si Krystal? Eh ano yung paglabas-labas nila ni Kai?

 

And as if things aren’t already bad enough…

 

“Wan? Can you come here for a bit?” tawag ni Yuri sa akin. Dumeretso naman kami sa isang bakanteng office at isinara nya ang pinto.

“Umamin ka nga.” Panimula nya.

Huy teka? Anong amin? May ginawa ba ako? Nalaman ba nilang hindi ako straight?! Nilaglag ba ako ni Krystal?!

Sobrang daming tumakbo agad sa utak ko na hindi ko na namalayang tinatawanan na lang ako ng supervisor ko.

“Mag relax ka nga dyan. You’re not in trouble. Pero sayo lang ako magtatanong kasi baka lang may idea ka.”

Ahhh yun naman pala. ‘To kasing si Bhozxc Yul_map@gM4haL, hindi agad nililinaw.

“So ayun, I’m just really concerned.”

“About saan po?”

Kita ko naman sa mukha nya ang bakas ng pag-aalala. Alam kong hindi lang bilang supervisor namin kaya sya nagkakaganito. Feeling ko, concerned din sya on a personal level, kung ano man yung problema.

“I know you and Kai are close. You’ve been working together for two years now. So, can you answer me honestly?”

Hindi ko pa man alam ang tanong, pero tumango nalang ako.

Ilang segundong katahimikan.

Buti nalang soundproof ‘tong office.

“May nangyari na ba kina Kai at Krystal?”

Nasamid naman agad ako sa tanong ni Yuri.

“H-huh? What?”

Siguro, narealize din nya na medyo mabigat ang tanong nya.

“Ano kasi… Hindi naman siguro lingid sa kaalaman mo na pinag-uusapan yung dalawa, diba? Lagi silang nakikitang nagdedate kahit during breaktime. Kaso nga, alam din sa office na nagbalikan na si Krystal at yung ‘ex’ nya.”

Tumango ulit ako. Yes, I’m well aware of that naman. Medyo lowkey chismosa rin naman ako.

“So eto na nga. Napapansin kong laging walang gana lately si Kai. Walang imik, tapos ilang beses na nakikita ni Minho na nakaupo sa may fire exit, umiiyak daw. Nagstart ‘to nung nagbalikan si Krystal at yung ‘ex’ nya.”

Hmmm, now that I think about it, oo nga no? Pag nawawala sya sa pwesto nya, lagi kong tinitingnan pwesto ni Krystal. Pero lagi namang andun sa office si Krystal.

So umiiyak pala si Kai?

“I really have no idea, Yuri. Pasensya na. Hindi pa ulit kami nakakapag kwentuhan pamula nung naging close sila ni Krystal.”

Tumango naman si Yuri na may pag-intindi.

“Pwede mo ba sya makausap? I know this is supposed to be my job pero naisip ko, baka hindi sya magkwento sakin since sup nyo ako so baka sa’yo, bilang kaibigan, makapagkwento sya.”

“Sige, try ko syang kausapin.”

 

---

 

“Tagal na rin natin di nakakapag bonding ‘no?” pasimple kong tanong sa kanya habang andito kami sa Ayala triangle, nakatambay at umiinom ng sanmig.

“Onga eh. Nakakamiss din pala. Di na nasundan yung mercato natin.”

Binalot kami panandalian ng katahimikan. Hindi ko alam kung papaano sisimulan ang usapan nang hindi sya binibigla. Alam kong medyo emosyonal na tao rin si Kai kaya hangga’t maaari, ayokong maramdaman nyang parang chumichismis lang ako.

“Okay ka lang ba?” marahan kong tanong habang nakatingin sa kanya.

Napahinga naman sya ng malalim sabay inom sa Sanmig nya.

“Alam mo, ang bull lang talaga…”

Hindi naman ako sumagot. Alam kong gusto pa nya magsalita.

“Okay naman kami eh. Masaya na eh…”

Medyo natakot ako sa tono nya pero hindi pa rin ako umimik.

“Pero tangina naman, pinaasa lang pala ako ng gago. Mas pinili yung ex ampota.”

 

Okay, review lang tayo ng konti ayon sa mga nakalap kong impormasyon.

About kay ‘ex’: six going seven years na sila ni Krystal. Highschool sweetheart daw. And ang sabi, hindi naman completely nagbreak. Cool-off lang daw. And lastly, okay na ulit sila. So, sila na ulit.

 

Gusto ko sanang sabihin na ‘anong laban mo sa six years relationship? Tapos yung sa inyo, panakaw na moments pa.’

Pero syempre, ayoko namang buhusan ng asin ang nagdurugo nyang puso. Kaibigan ko pa rin naman si Kai.

“Hmm, siguro wag na muna kayo mag-usap? I mean, yeah, mahirap since we’re in the same floor pero tamang focus nalang siguro sa work. Hindi naman sa inaano kita pero napapansin narin kasi ni Boss Yul na lagi kang lutang eh.”

Hindi naman nakaimik si Kai at itinuon nalang nya ang ulo nya sa mga palad nya, isang malahim na hininga ang pinakawalan.

Napainom na lang din ako ng Sanmig ko.

Bakit ba lagi akong naiipit sa dalawang party? Hindi nga ako naglolovelife para walang sakit ng ulo pero lovelife ng ibang tao naman magpapasakit ng ulo ko.

Jusko.

 

---

 

At ayun na nga. Hindi pumasok si Kai. nakaleave daw until Friday. Wednesday palang ngayon. Punyeta.

“Due na nito this Friday. Wan, keri mo pa ba? Hati tayo sa workload ni Kai?”

O diba? Paano ka ba naman hindi maiimbyerna. Tatlong event packaging ang hawak ni Kai. Meron pa akong video na kailangan this Friday din.

I mean, oo kaibigan ko si Kai pero punyeta sya, sinalo ko trabaho nya.

“Sige, Yul. Mag OT nalang ako.”

 

And just like that, naiwan na naman akong mag-isa ng ala una ng madaling araw sa office.

Or so I thought.

 

“Wan? Andito ka pa pala?” Rinig kong tanong ni Krystal.

Alam nyo, kahit crush ko ‘to, nanggigigil din ako dito eh. Part din sya ng dahilan ba’t OT ako ngayon.

“Ahh, oo. May mga need lang this Friday kaya di maiwasang mag-OT. Pero tapos na rin naman ako for today. Nagliligpit nalang ng gamit.”

Pero mabait pa rin naman ako. Di ko sya aawayin.

“I’ll wait for you nalang. I’ll be sleeping at my sister’s condo tonight so I’ll just walk home.”

Taga-Makati rin nga pala si ate Jessica Soho. One street away sa tinitirhan ko.

So basically, we’ll walk home together.

 

Haiszxt.

 

---

 

“Do you mind if we eat muna?” tanong nya habang nakatingin sa isang lowkey bar along the way.

Nakwento ko naman na pokmaru ako, diba?

 

So eto kami ngayon, kumakain at umiinom na rin because she insisted, and libre naman daw nya.

Lakas din pala talaga neto uminom. Walang pinapatawad, kahit in the middle of the week.

“So…” panimula nya na medyo nag sslur… “I’m pretty sure you’ve heard the rumors.”

Patay malisya. “Huh? What do you mean?”

Umirap naman sya, “oh please. You’re not dumb so I’m sure you already know the rumors about me and Kai.”

Bingo.

“Well, yeah. I actually talked to him.”

Tatlong lagok ng beer.

“Is that why he’s on leave?”

I can’t

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
germsrocket #1
Chapter 1: yess sa wakas may Wenjoy endgame (slightly charizz) na rin akong nabasa huhuhu
bitin lang ung wenjoy huhuhu
(ganyan po talaga kaming mga taga sta.rosa pokru skl)
honeyblood17
#2
Chapter 1: Yasss wagi para sa mga wenjoyers! Pero ngl, medyo bitin sa huling entry. Hahaha. Sa lahat ng paasa at heartbreak ni Wendy nabitin ako dun sa entry na may shot talaga sya to have.

..tapos thus made me kinda search for fics with Krystal/Wendy tags. Thank youu
jmjslrn #3
Chapter 1: aw kawawa naman si Wanwan buti nahanap na niya ung ligaya niya :>
nkogneato
#4
Chapter 1: yes wenjoy!! Pero nabitin ako don hahahah
deemasalang
#5
Im back otornim hahahaah
marvolo #6
Chapter 1: yesss wenjoyyy
tealundertones
#7
Chapter 1: A WIN FOR THE WENJOYNATORS!
EzraSeige
#8
Chapter 1: Naur, kasing straight ng curly fries ng McDo 😏🤭💚💙
KaiserKawaii #9
Chapter 1: Cute