Three

i guess i'm in love

Lunchtime. One of the only times most students cross each other’s paths. Isa siguro sa mga pinakamaingay na lugar sa buong campus ang school cafeteria, students from all degree courses, every year level, every club, every organization, every team, gather here to make some kind of noise. No matter how small.

Ang garden sa labas ng cafeteria was never meant to be an extension, kasi sino nga ba naman ang magaakalang mas pipiliin ng mga estudyanteng kumain sa ilalim ng mga puno sa labas kesa sa aircon na hall. So the school decided to put tables and benches sa labas, planted more trees para di naman masyadong mainit, and what was supposed to be a garden turned into what they now call the Park.

All thanks to THE Kim Taeyeon and her friends, of course.

Ang mga estudyanteng sa labas kumakain ay may iba’t ibang trip talaga during lunchtime. Kagaya nung basketball team na parang araw-araw nalang ay nagwre-wrestling sa grass patch sa tapat ng usual table nila. Kadalasan si Johnny yung nagaaya sa mga teammates niya ng wrestling. Yung band naman nila Siyeon may pa mini concert every other day. Ang isang ledge malapit sa trashcan naging skatepark na rin. Ang table naman ng softball team parang araw-araw nalang may lumalapit na at least dalawang students trying to hit on or say hi to one of the players. Usually it’s Seulgi or Byul pero yung takot minsan di macontain, ikaw kaya titigan ng isang Bae Joohyun at Kim Yongsun, tignan natin kung di ba bibigay tuhod mo.

Ang girls soccer team naman, puro kagagohan lang alam. Araw-araw may kalokohan na nangyayari, today it’s Ryujin and Minjeong on an ilang sili ang kaya mong kainin challenge.

Panay tawa lang ang ibang players sa namumulang mukha ng mga nakababata nilang teammates, may pa cheer pa sina Heejin at Hyunjin sa dalawa. Si Hyunjung umiiling lang sa likod ni Minjeong na parang malapit na magtap out, katabi niya si Yoohyeon na may dalang isang pack ng Yakult para sa challengers. Palakas ng palakas ang hiyawan ng mga nakapaligid na ibang nanunood sa ginagawa ng team, nangingibabaw ang boses nila Juyeon at Yena. Hinahayaan lang ni Hyunjung ang mga ganito kasi wala namang masama sa kasiyahan nila. Wala rin namang nagrereklamo, nakikinood pa nga yung iba. Kahit na ang mga taga It Girls/Student Council table naaaliw sa kalokohan nila. And anything is acceptable at the park.

“Hoy! Ang ingay ingay niyo na ha! Kanina pa kayo, may mga kumakain pa eh!” Sigaw ng isang malaking boses galing sa likuran nila Hyunjung. Lumingon naman ang dalawang matatangkad na soccer players na nakatayo. Nahinto ang pagchecheer nila, dali-daling kinuha nila Minjeong at Ryujin ang hinahawakan na Yakult ni Yoohyeon, ang mga hindi naman members ng soccer team nagalisan. Silence fell on the whole park. May na tumba pa ngang skater kasi may huminto sa tapat ng dindaanan niya kasi nagulat sa biglaang pagsigaw ng captain ng boys soccer team.

“Hyunjung! Di ka ba marunong dumisiplina diyan sa mga alaga mo?” Sigaw ni Kihyun kahit ang lapit lapit lang nilang dalawa.

“Bakit may mali ba silang ginagawa?” Response naman ni Hyunjung, crossing her arms over her chest and looking pointedly at the guy. Another episode of Yoo Kihyun not knowing how to mind his own goddamn business.

“Ang ingay niyo eh, nakakdistorbo kayo ng ibang tao.” Sagot ng lalaki.

“Wala namang nagrereklamo ah, ikaw lang. Tsaka di lang naman kami yung maingay, kayo rin naman. Beside walang nadidistorbo, andito lang naman tayong lahat para kumain at magkwentuhan.” Tumatango lahat ng mga nakapaligid, pati yung mga nasa far end ng park nagagree sa sinabi ni Hyunjung.

“Yan lang talaga ambag niya sa school eh. Ingay. Wala na kayong ibang nagawa kundi magingay. Lalo ka na.” Tinuro pa ni Kihyun ang babaeng walang emosyon sa mukha.

“Bakit Kihyun, can you not concentrate on chewing kapag maingay?” Yoohyeon commented sarcastically because she didn’t like the way this guy was talking to her captain. And she doesn’t know kung san niya nakukuha itong mga pinagsasabi niya, he’s just making up on the spot. Tumayo namang ang mga ibang players at kaibigan ni Kihyun sa likod niya sa sinabi ni Yoohyeon. “And anong walang ambag? Kami pa nga nagdala ng championship trophy last year eh, kayo ano ba dala niya nung umuwi kayo? Diba wala?”

A series of ooh’s can be heard around them, siniko naman ni Hyunjung si Yoohyeon para sabihing wag ng palalain ang sitwasyon.

“Bastos yang bunganga mo ah.” Sigaw naman ni Hyunwoo.

“Totoo naman ah!” Si Sojung naman ang sumagot.

Sumipol si Hyunjung at tumigil ang mga teammates niya sa panginginsulto sa mga lalaki. “Tama na, wala tayong mapapala na mabuti diyan. Kung nadidistorbo ka sa ingay habang kumkain Kihyun sa loob ka maglunch, no one has ever complained about one group being too loud out here, most of time nakikisali pa nga yung iba. Killjoy ka masyado.”

She started walking away.

“Ikaw naman walang kwenta.” An empty bottle hit the back of Hyunjung’s head that made her stop dead in her tracks. Everyone fell silent. The smirk on his face when he said those words, roused a burning anger in the girls’ team, especially the person beside Hyunjung. No one knows what he wanted to achieve by what he had just done, but if it was a fight he wanted he was surely about to get one.

“Aba tarantado ka ah!” Yoohyeon stepped forward and punched the guy straight on the nose. She wished she felt it crack under her fist, Hyunjung was too late in stopping her kasi t-shirt nalang ng babae ang nahawakan niya.

Nagsigawan ang mga kasama ni Kihyun dahil natumba ito sa lakas ng sapak ni Yoohyeon sa mukha niya, pasugod na ang mga ito sa kanya ng biglang may humarang sa kanila at sumigaw na itigil nila ang mga pinagagawa nila.

“Tama na yan! All of you!” Natigil lahat ng sigawan at suguran sa pagsigaw ni Minji. “To the council office, now! Lahat kayo! Drop your captain off sa infirmary.” Tinuro niya ang boys’ team. “Sojung, Hyunjung, kayo rin.” Agad namang sumunod ang dalawang babae while the boys were being escorted by the CAT officers at nagpupumiglas pa, kaya nasigawan sila ulit ni Joohyun.

“You,” lumingon si Minji sa babaeng duguan ang kamay. “Nurse, with me.”

“I’m fine, sasama ako sa off – “

“Now, Yoohyeon!” Sigaw ni Minji kaya napasunod nalang ang soccer player sa kanya.

Tinignan lang ni Jiyeon habang naglakad patungong council office sila Hyunjung at ang boys’ team. Sinabihan siya nila Chaeyoung at Jennie na wag nalang sumama kasi alam naman nila. Knowing where all this aggression Kihyun has towards Hyunjung stems from, she feels guilty with what just happened. Nadadamay pa nga ang ibang teammates ng babae. She hopes she can make it up to Hyunjung, at least.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
keedsz
i recently started a social media au on twitter, its in taglish still and i just wanted to share it here for anyone who wants to check it out :) https://twitter.com/goldenyooh/status/1448893442503806979

Comments

You must be logged in to comment
Jung_SooyeonBD
#1
Chapter 3: NOICE
BaeCheulgi
#2
Chapter 4: Halaaaa wala na next otornim???