Happy Ending

October Soulmates
Please Subscribe to read the full chapter

Giselle feels all alone in this quiet and cold room. Spacing out while looking at the woman in front of her. 

" Ning... "

Silence

" Ning "

" Love... please " Naluluhang paulit ulit na tinawag ni Giselle ang pangalan ng kanyang kabiyak.

Hindi niya na mabilang kung ilang araw na siya nakatambay dito sa ospital. Kung tutuusin ay parang dito na siya nakatira. 

" Love, I know you won't forget but, today is our wedding anniversary. Alam kong 'di mo ako masasagot pero sabi ni doc ay naririnig mo naman daw lahat ng sinasabi ko. I can't wait until the day you open your eyes again. The day I can finally see you smile again. Hear your voice again. I love you so much it's killing me. "

Simula noong trahedya na nangyari sa kanyang asawa ay araw araw na siyang nalalagi sa ospital. Sa kabila ng kalagayan ng kabiyak ay namuhay si Giselle na para bang normal lang ang lahat. Araw-araw niya itong kinukwentuhan ng mga stories at kung ano-ano ang mga ganap nung araw na 'yon. Never siyang tumigil or nag sawa na gawin ito para sa kanyang minamahal. 

Pilit na kinukumbinsi ang sarili na magigising ang kaniyang asawa at balang araw ay magiging okay din ang lahat.

" Sorry ah kasi wala man lang akong nadalang cake or any food today. Pinag bawalan kasi ako ni doc."

Giselle looked at the ring on her wife's finger and caressed it.

" Love, do you remember the story of how I fell in love with you? Hahahaha why am I even asking? Of course you do. Kilig na kilig ka pa nga. For sure kung gising ka ngayon ay tatalakan mo nanaman ako kasi paulit-ulit ko nalang 'to ikinukwento sa'yo. But love, I'd rather hear you ranting than hear nothing. Please wake up. It's my only wish. "

 

FLASHBACK

" Giselle! " Sigaw ng grade 12 student na si Winter.

" Ano ba 'yon, Winter? May ginagawa ako, stop disturbing me. " Inis na tugon ni Giselle.

" Anong stop disturbing me? Lunch na po. Baka naman gusto mong kumain. " Sagot ni Winter habang nakapameywang sa harap ng kaibigan.

" Oo, susunod ako. Mauna kana sa canteen tatapusin ko lang 'to. " 

" Ano ba 'yang ginagawa mo " sabi ni Winter at mabilis na tinignan ang ginuguhit ng kaibigan. 

Mabilis na iniwas ni Giselle ang kaniyang sketchpad mula sa mata ng kaibigan. Ngunit dahil mas mabilis si Winter kaya nakita niya pa rin ito.

" Hay nako. Nag tanong pa ako eh parang 'yang unknown girl na 'yan ang laman ng buong sketchpad mo. Wait, correction, siya ang laman ng sketchpad mo."

" Bakit ka ba nangingialam? 'di naman ikaw napapagod sa pag drawing. " Inis na sabi ni Giselle at inirapan si Winter.

" Concern friend here? Ni hindi mo nga kilala sino 'yang dino drawing mo. Dami daming nag hahabol sa'yo na babae diyan. Nag papaka baliw ka diyan sa dream girl mo na hindi naman nag e-exist. Friend, your dream girl doesn't exist tigil tigilan mo na 'yan. Tsaka what are the odds na meron ngang babae na katulad niyang mga nasa drawings mo" Mahabang paliwanag ni Winter. Sa isip isip niya ay baka tumandang dalaga itong kaibigan niya.

" Again, mind your own business, Winter. " walang ganang sagot ni Giselle.

" Tsk. Bahala ka nga diyan. Tigas ng ulo mo. Hindi pa rin ako maka move on sa pang b-busted mo kay Somi, Nina at iba pang girls diyan na hindi mo man lang binigyan ng chance para manligaw."

" Eh ano gusto mong gawin ko? Paasahin sila?"

" That's not wha- "

" SHHHH enough na. Nagutom ako kakadakdak mo. " Pigil ni Giselle sa kaibigan. Alam niyang hindi titigil ito kakadaldal hangga't binibigyan ito ng chance mag salita. Mabilis niyang niligpit ang kaniyang mga gamit bago unahan si Winter palabas ng classroom.

" HOY! " Rinig niyang sigaw ng kaibigan habang hinahabol siya.

" MAHULI SA CANTEEN SAGOT NIYA ANG LUNCH!! " sigaw ni Giselle ng hindi nililingon ang kaibigan.

" BWISET KA! MADUGA! " rinig niyang sigaw ni Winter 

Kasalukuyan silang nasa canteen. At ramdam ni Giselle ang nakamamatay na titig sa kaniya ng kaibigang si Winter.

" Kung may laser lang 'yang mata mo, butas na siguro ulo ko. " 

" Don't talk to me. Maduga ka. Dapat ikaw lang pumila dito eh. Sagot ko na nga pagkain mo 'di mo manlang magawa maging isang mabuting kaibigan at isabay na 'yung akin. " Yamot na sabi ni Winter 

" May paa ka Winter. Matuto kang pumila." Sagot ni Giselle. 

Narinig niyang nag reklamo ulit ang kaibigan ngunit hindi na niya ito pinansin at pinabayaang dumada nang dumada.

Kalaunan ay sila na ang susunod sa counter. Ngunit para bang may kung ano ang nag udyok kay Giselle na lumingon sa kaniyang kaliwa. Saktong pag lingon niya ay ang pag daan ng isang napaka gandang babae.

Hindi mawari ni Giselle kung totoo ba 'yung kaniyang nakita o namamalikmata lamang siya. Punong puno ng mga katanungan ang kaniyang isip. Ngunit isa ang nangingibabaw, Sino ang babaeng iyon?

" Hoy, Giselle! " Bumalik lamang siya sa kaniyang ulirat ng maramdaman ang pag hampas ng kaibigan sa kaniyang braso.

" Ano ba bakit ka nakatulala diyan? Nag hihintay na si Ate kris oh. Naka ilang tanong na anong order mo! " 

" Just beef steak and rice po. Win, pakidala. Thank you! I'll explain later! " Nag mamadaling sabi ni Giselle at umalis ng hindi hinihintay ang tugon ni Winter.

Nag mamadaling nag lakad si Giselle, halos takbo na nga ang ginagawa niya. Nilibot niya ng tingin ang malaki nilang canteen. Hoping that she'll spot that certain girl na nakita niya kanina. 

And she did. Nakita niya itong papalabas ng canteen kaya nag madali siyang mag lakad, ignoring the people na nababangga niya.

" Wait! " Hindi niya napigilang sigaw. 

" Hey! " Pinagtitinginan na rin siya pero wapakels ang lola niyo.

Nakita niya itong tuluyang nakalabas ng canteen kaya naman this time ay tumakbo na talaga siya. The thought of not seeing that girl again is scaring her. 

Nang makalabas siya ng canteen ay agad niyang nakita si girl na nag lalakad kasama ang isa pang babae. Hindi niya ito inalintala at agad na tumakbo papunta sa kanila. 

Walang pagdadalawang isip na hinila niya paharap ang nasabing babae.

And then it happened

" S-sorry miss I thought you're someone I know.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
riri_12345
Hello! Hehehehe after 2 months? of ghosting this story I'm back againnnn.

Comments

You must be logged in to comment
leaguepro #1
♥️
MinYul_Ssamyen #2
Chapter 6: */nasaktan, nagdabog, umiyak, naging dinosaur ಥ_ಥ
jemekins #3
Chapter 6: You have to give us part two of brown hair otor for this :(
Min2kmj #4
Chapter 6: ang n word natin ngayong araw mga kababayan ay napakasakit
jemekins #5
Chapter 4: Omg author please..can you update this and be my mistake, we deserved more ningselle au, your one shots are so good we need more.😭
raenzz #6
Chapter 4: I demand a part 2 otornim 😭😂
Jeyem_36 #7
Chapter 4: May part 2 ba to? Magwawala ako pag wala😔
Topkangseul
#8
Chapter 4: Giselle Worth it naman masuntok nakuha mo rin naman no. ni Ning Ning. 🤣🤣🤣
myiiia
#9
ohmy-
Topkangseul
#10
Chapter 3: Holysh-