Bestfriends pero CS mahal.

October Soulmates
Please Subscribe to read the full chapter

 

Song for this chap is Aphrodite by RINI

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 

. Mukang ma le late ako sa klase for the first time. Kasalanan to nung train eh. Kaya eto ako ngayon kumakaripas ng takbo papunta sa building namin.

Wooooooh, sana maunahan ko si sir mindanao. Daig pa nun may regla kung makapagsungit.

Habang tumatakbo introduce muna ako.

I'm Giselle Uchinaga. Made in korea. Pero pinalaki sa japan at dugong japan. Lumipat kami dito sa pilipinas nung 7 years old ako and now i'm 18. Nakatira dito sa Maynila, nag aaral sa PUP. Baka sabihin mo aktibista ako? aba ang kapal naman ng utak mo,pano mo nalaman? charot so eto na nga ang chika. Senior High School ako. Humanista ang strand pero hindi maka tao. Ako yung tipo ng estudyante na tuwing may teachers' evaluation Very poor lahat ng sagot ko sa lahat ng categories pag dating sa mga masusungit na prof. Tapos di naman maintindihan yung tinuturo. Ang sarap lang pektusan. Di ko sinasabing si sir mindanao to ah. Ayon lang naman ang ganap sa buhay ko.

Pucha bakit kasi sa 6th floor yung room namin. Kaya minsan nakakatamad din pumasok eh. 

Andito na ako sa 5th floor. Konting kembot nalang makakarating na din ako sa room. Pagakadating ko sa floor namin tumigil muna ako at nag pahinga saglit. Tangina yung tuhod ko.............................................................................................................................................................................tuhod pa din.

Punyeta bakit andito pa sa labas tong mga stupidyanteng to??? 5 mins nalang start na ng class ah. 

" HOY! LAHAT KAYO MAGSI PAKSOK NA SA ROOM NIYO! BIBILANG AKO NG TATLO PAG MAY ESTUDYANTE PA DITO MAG KITA NALANG TAYO SA DETENTION ROOM!!" sigaw ko.

At ayon, nag sipasukan ang mga uto uto. Nasabi ko na bang part ako ng Student Council? hindi pa? pwes ngayon alam mo na. Part ako ng Disciplinary Officers. Kami yung nag papalambot sa mga matitigas yung ulo na estudyante dito sa school. Oh gaga, wag kang green minded. Literal na pinupokpok ko yung ulo ng mga estudyante dito. Babae man O lalaki basta di ka marunong sumunod kutos na malutong ka sakin. Wala namang nag rereklamo eh, ang ganda ko kasi. 

." Mahaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaal " 

Bumungad sa akin ang sigaw ni ningning pagka bukas na pagka bukas ko ng pinto. By the way. I'll introduce her na din to you guys.

She's Ning Yizhuho. Made in china pero dito lumaki sa Pilipinas. Bestfriend ko since lumipat kami dito. One year younger sa akin. Pero dahil nag advanced class siya mag kasing year kami. at OO bestfriend ko yan. Kaya "mahal" ang tawag namin sa isa't isa kasi dati nung una kaming nag kakilala Japanese at English lang alam ko tapos sya naman chinese at filipino ang alam. Di kami makapag usap ng maayos ang naintindihan ko lang sa sinabi nya "mahal" kaya tinawag ko siyang "mahal" kasi akala ko yun yung name niya. Ta's ayun mahal na lagi tawag ko sa kanya. And since mag kapit bahay kami lagi kami nag kikita and the rest is history.

"Tangina naman ningning!. Pwede mo na palitan yung speaker diyan sa labas sa sobrang lakas ng boses mo " inis na sabi ni winter habang naka takip yung kamay niya sa tenga ni karina.

Ay wow pak. Sana ol may bebe no? Winter and Karina my two other friends. In a relation ang dalawa. Di ako bitter ah.

Inirapan lang siya ni ningning. Lumapit na ako sa kanila at hinila agad ako ni ning para umupo.

" Mahal, ba't ngayon kalang? Kala ko tuloy ma le late ka." sabi ni ning sa akin.

" Muntik na nga talaga eh. Na late kasi ng dating yung train kanina . " sagot ko.

Sasagot pa sana si ningning nung biglag bumukas yung pinto at pumasok si sir mindanao. Tsk, mukang 10 days ng may regla to ah. Di ma drawing yung mukha eh..

" Open page 394. Read that within 10 mins. Answer pages 397- 401 activities within 1 hour and 30 mins. Then group yourselves into 5 with the last 10 mins. Before I left this room I want the list of the groups and members here on my table. That's all. Start now. " 

Putangina. Sabi ko na eh. Babawi talaga ako sa Teachers' evaluation pag katapos ng sem na ito. Humanda ka sir mindano. Uulanin ng very poor yang forms mo. 

Rinig ko yung mga reklamo ng mga kaklase ko. Kahit nga yung top 1 namin eh gigil diyan kay sir. Paano, ang demanding na nga sa subject nyang di naman major tapos ambaba pa mag bigay ng grades. Inis lang diba?

" Pst! Mahal!" mahinang tawag ko kay ning. Tumingin sa akin si ning kaso nakita kong lumingon si sir mindanao banda dito sa pwesto namin kaya nag kunwari agad akong nag babasa mahirap na mapag buntungan ng sungit nya no.

Ang kaso nga lang.....

" Bakit mahal?" Malakas na sabi ni ningning habang nakatingin sa akin. Kaya ang ending nag tinginan mga kaklase ko pati si sir mindanao dito sa pwesto namin. Nakita ko na nag pipigil ng tawa si winter at karina. Napahawak nalang ako sa ulo at tinuro si sir mindanao sa harapan ng patago. Napansin naman yun agad ni ningning.

" ng mga bilihin ngayon, sir? Grabe doble ata ang tinaas"  palusot ni ningning. 

Tinaasan siya ng kilay ni sir at sinabing  " sa pag kaka alam ko Ms. Ning last week pa nating topic yan."

" ay ganun ba, sir? tatanong ko lang sana ulit. Wala po kasi ako last week kasi may pina asikaso yung dean sa akin" Wow napaka smooth naman ng reasoning HAHAHAHAHHAHAHA

" ask your classmates after my class,for now focus on your activities." yun lang sabi ni sir tas bumalik na siya sa pag ta type sa laptop.

Tumingin sa akin si ning ta's pinanlakihan ko siya ng mata. Kahit kailan kasi talaga pa hamak lakas ng boses nito eh. Ngumuso lang siya bilang sagot. Nako kung di lang cute tong bestfriend ko na to pinamigay ko na to sa iba hahahahhaha charot.

Narinig ko naman si karina na binulungan si ningning.

" Mahal ka pa ah. Pfffffffttt " siraulo talaga. Pag untugin ko ulo nilang mag jowa eh. 

Katunayan nyan lagi kaming inaasar ng mga kakilala namin dalawa. Lalo na yung dalawang mag jowa. Isabay mo pa yung mga magulang namin na laging nag paparinig kailan ba daw magiging kami. Like, heller? bestfriend ko yan, para ko na din yang kapatid. Bakit? bawal ba mag tawagan na mahal ang mag bestfriends!??!?

After minutes of hell na tapos na din namin yung activites and we're curently looking for the 5th member. Since kaming apat lagi talaga ang mag kaka grupo everytime na may group activities. 

" si ronaldo ayaw nyo?" tanong ni ning.

" ekis tayo sa sad boi na ka group, ning" sabi ni winter

" si yeji? " 

" may crush kay karina yun. So no." sabi ulit ni winter

" si ten? " suggest ulit ni ning

" May crush kay Giselle yan eh,pero  pwede na din" sabi ni winter habang tumatayo para puntahan si ten sa upuan nya.

" Wait! no wag na lang pala. Balita ko walang ambag yan sa mga group activities. Dagdag lang yan sa stress natin" dire-diretsong sabi ni ning.

" Sus, selos ka lang eh. Ayaw pa kasi bakudan si Gi bahala ka mauunahan ka dyan " pang aasar naman ni karina kay ningning.

" anong selos?! na kakain ba yon? tsaka totoo naman sinasabi ko ah. Ayoko ng pabigat sa grupo noh.At isa pa di pa ba kayo sanay na mahal ang tawag namin sa isa't isa? " sagot naman ni ning. Nag kibit balikat nalang si karina at bumalik sa pag kakalikot ng cellphone niya.

At ayon na nga halos banggitin na ni winter at ninging lahat ng classmates namin wala pa din silang mapili na ka grupo. Gutom na ko. Wala akong agahan kaya medyo na babadtrip na ako sa ingay ng dalawang to. Dagdag pa yung ibang mga kaklase ko.

" Siya nalang kaya." turo ko doon sa babae sa may gilid. Eh wala eh kanina ko pa napapansin na walang lumalapit sa kanya para maging ka grupo transferee ata. Sana pumayag na sila ng tapos na to. Tomguts na talaga ako.

Hays, buti nalang pumayag yung tatlo.  Turns out pamangkin pala ni sir mindanao yan kaya walang pumapansin. ebarg lang.

Lumabas na kami ng room para lumipat sa room for the next subject.

" Mahal, nag breakfast ka na ba?" Tanong ni ningning. Jusko ningning bukod sa speaker pwede ka na din maging manghuhula. Gusto ko sana sabihin yun kaso baka magalit hahahahahaha hirap pa naman suyuin neto.

" Hindi pa. As usual late akong nagising kanina kaya nag madali agad akong umalis."

" May baon akong sandwich kainin mo muna habang naglalakad tayo" sabi niya tsaka binigay yung sandwich na favorite ko. Automatic na to tuwing umaga. Ako na hindi nakapag breakfast tapos siya na laging may baon na sandwich para sa akin.

" Thank you, mahal" masayang sabi ko.

Nothing much happened today. Ganun pa din vacant kami sa last subject kasi may emergency meeting yung mga profs kaya tambay muna kami sa may Linear Park. Masaya na sana buong araw ko kasi di masyadong pagod kaso may asungot na biglang dumating.

" Hello po" sabi nung asungot na singkit kay ningning. Ano kami invisible?

" oh, Hi! " sabi ni ningning tapos nag pa pa cute pa.

Kinurot ko nga sa tagiliran, harot harot eh.

" ARAY! "

napangiwi ako sa lakas ng boses niya. Tumingin sa akin si ningning pero inirapan ko lang siya.

" I'm Zhong Chenle nga pala from STEM strand." sabi ni asungot. 

" I'm Ning Yizhuo. You can call me ningning"

" and i'm Giselle and they are Karina and winter" sumagot ako. Bakit ba. Attitude tayo dito. Aba ano kami invisble beings??

" ay hello din sa inyo" sabi ni asungot habang nakangiti.

" ano ba kailangan mo" 

" uhm, gusto ko lang sana tanungin kung pwede ba kausapin si ningning"

" Sur-"

" Dito na kayo mag usap. Di naman kayo mag pa plano ng assassination diba?" sabat ko bago pa makasagot si ningning.

" uhm, yes pwede naman dito hehehehehehe" sagot ni asungot. Pa hehehehe ka pa dyan kutusan kita e.

" Nakakahiya man pero sige. Ningning matagal na akong may gusto sa'yo, unang kita ko palang sa'yo nung assembly last year nagustuhan na agad kita. Di lang ako makalapit sayo kasi nahihiya ako. Bukod sa mabait at matalino ang ganda mo pa. Gusto ko lang sana tanungin kung ano..... kung pwede ka ayain, ningning, lumabas" sabi ni asungot

aba aba may pa blush blush effect pa si asungot. Grabe obvious nga yung hiya nya as in grabe talaga. Sa lahat ng nag kakagusto kay ningning walang nagtatangkang lumalapit sa kanya kasi tingin ko palang aba makuha ka sa tingin pero itong asungot na to naka tsamba. Bago pa makasagot si ningning ako na sumagot para sa kanya.

" No need. Nandito na tayo sa labas di mo na siya kailangan ayain " sabi ko ng pasungit. Ewan ko ba pero naiirita ako dito sa asungot na to. 

Siniko naman ako ni ningning tapos tinignan ng masama. Nakita kong nag pipigil nanaman yung dalawa ng tawa habang naka tingin sa akin. Bad trip tong dalawang to walang kwentang kaibigan.

" Wag mong pansinin to. Bad trip kasi yan kaya ganyan. " sabi naman ni ningning. Ah bad trip pala ah.Sige pakikitaan kita ng bad trip.

" Pwede naman tayo lumabas minsan kai-"

pinutol ko ulit sasabihin ni ningning

" basta kasama ako." Sabi ko naman. I don't know what happened pero sirang sira talaga araw ko ngayon.

Lahat ng tingin nila sa akin na para bang tinubuan ako ng paa sa ulo.

" What? concern lang ako as a bestfriend no." sabi ko sabay irap.

" Tsaka ikaw,chile, kung gusto mo talaga ilabas to si MAHAL for dates dadaan ka muna sa amin. Diba?" tanong ko kanila Rina habang pinananlakihan sila ng mata at diniinan ko talaga yung mahal. Sadya yun bakit ba.

" Tama. May tama si Giselle" sabi naman ni Winter. 

" Okay lang naman sa akin and it's chenle po not chile " sabi ni asungot sa akin.

" Teka nga teka nga. Pag pa sensyahan mo na tong mga to ah. " sagot bigla ni ning.

" okay lang" sabi ni chile pangiti ngiti pang nalalaman. Tanggalin ko ipin mo sa harap eh. Ewan ko lang kung maka ngiti ka pa.

" Can I haver your number? para you know for communication " sabi ulit ni asungot. Communication my .

" Sure "  

At ayon na nga po nag palitan sila ng number. Tsk. Di niya bang alam tamad si ningning pag dating sa text text na yan. Siyempre hinde.

Matadtad nga ng text to mamaya.

" I'll text you nalang. May practice pa kasi ako for basketball. It's nice finally meeting you!!! " pahabol pa ni asungot.

Pagka alis ni asungot bigla nalang ako hinampas ni ningning sa braso.

" Aray naman mahal!" reklamo ko. 

" Bakit mo inaaway si chenle. Gusto lang naman makipag kilala nung tao" sabi niya. Hindi yun tao. Gusto ko isagot kaso wag nalang.

" Eh bawal ka pa mag date date na yan sabi ni tita sa akin kaya babakuran muna kita " No walang sinabi yung mommy ni ning sa akin.

" Sinabi ni mommy yun?" 

" Wag ka maniwala diyan, ning. eme lang ni Giselle yan " ay putangina mo talaga winter. 

" Karina,

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
riri_12345
Hello! Hehehehe after 2 months? of ghosting this story I'm back againnnn.

Comments

You must be logged in to comment
leaguepro #1
♥️
MinYul_Ssamyen #2
Chapter 6: */nasaktan, nagdabog, umiyak, naging dinosaur ಥ_ಥ
jemekins #3
Chapter 6: You have to give us part two of brown hair otor for this :(
Min2kmj #4
Chapter 6: ang n word natin ngayong araw mga kababayan ay napakasakit
jemekins #5
Chapter 4: Omg author please..can you update this and be my mistake, we deserved more ningselle au, your one shots are so good we need more.😭
raenzz #6
Chapter 4: I demand a part 2 otornim 😭😂
Jeyem_36 #7
Chapter 4: May part 2 ba to? Magwawala ako pag wala😔
Topkangseul
#8
Chapter 4: Giselle Worth it naman masuntok nakuha mo rin naman no. ni Ning Ning. 🤣🤣🤣
myiiia
#9
ohmy-
Topkangseul
#10
Chapter 3: Holysh-