Favorite Something

Favorite Something
Please Subscribe to read the full chapter

Favorite Something

 

Sa pitong bilyong tao na pwede nating makilala sa kalkuladong oras na meron tayo sa mundong ibabaw, minsan napapaisip na lang ako bakit iisa lang doon ang pinipili nitong stupidong puso natin.

 

Nakakatanga kaya, isipin mo sa kada lakad mo sa bahay nyo, sa kada scroll mo ng post sa facebook at twitter, miski nga sa paghinga mo may makakasabay, makikilala at makakatagpo kang tao. Napaka inutil naman ng pusong binigay satin dahil sa kahit anong pagkakataon eh palaging iisang tao ang nag ppop up sa utak natin.

 

Ang lungkot din, para sakin lang naman ha. Paano ba naman kaseng hindi ganon ang maiisip ko, kung si Minjeong nga na ilang buwan din atang paulit-ulit na sinabing hindi nya kayang mabuhay ng wala yung ex nyang hilaw eh bigla na lang nadinig ang mga prayers at naka move, ayun happy and in a healthy stable relationship na sa pinsan kong si Karina ngayon. Ang swerte masyado ng mga kabataan ngayon, paano ba nila nagagawang mag heal, mag let go at syempre ang magbukas ulit ng puso para sa ibang tao na mas deserving sa spot na to.

 

“Ate naman kasi, pinapakumplika mo naman yung sitwasyon mo. Think of it like this, you have a mug, favorite mo yun and you always choose to use it sa lahat ng bagay. One day an accident happened, it breaks, shattered into many pieces, anong gagawin mo?”

 

“Lilikumin kase baka maapakan ng iba ang masaktan sila?”

 

“Exactly, then?”

 

“Uhm, I-I’ll try to see if I can still save it and if not then I’ll keep na lang a piece of it tapos itatapon kona yung iba.”

 

“Why keep a piece of it?”

 

“’Cause that’s the only thing I have of what’s left sa mug kong yun, like what you said that’s my favorite mug Rina”

 

“Okay, so you keep it, that’s your choice, to keep something that is already broken that may or may not hurt you while keeping it. It’s a piece of something that’s already gone Ate. Why not look for a new one? There’s a ton of mug out there that do the same function and purpose.”

 

“But Rina, they don’t hold the same memory and familiarity as the mug I have before.”

 

Mug, napatingin tuloy ako sa hawak kong hot choco pasok kase sa lamig ng weather today sabayan mo pa ng hapit na aircon sa office. Pero kudos kay Rina ang galing din talaga manghuli ng batang yun. Nakipag eye contest na lang naman ako sa hawak ko hanggang sa dalhin na ako kung saan nito.

 

Memory and Familiarity, a piece of something that’s already gone, why not look for a new one?

 

Bakit nga ba? Hindi naman sa hindi ko sinubukan, I tried and failed miserably. Tinry ko na ata lahat ng dating app na sinabi sakin ni Joy at Jennie, kulang na nga lang eh magamit ko lahat ng decent pictures ko sa mga yun. Ekis din naman lahat, kung hindi maskuladong lalaki na akala mo si Johnny Bravo eh mga nakakadiring personality naman ang na encounter ko. Hindi na talaga ako uulit don.

 

Nag try din akong lumabas with my co-workers or pinatulan ko din yung mga nag ooffer na manligaw dati na hanggang ngayon eh naka abang padin with their copy-paste line na “Willing to wait ako” same kapalaran lang din like the dating apps ang nangyari, ekis din. Hindi ko pala kayang makipag date sa co-worker ko aside sa nagiging bubuyog ang buong floor namin eh ang high maintenance ng mga to. Fine dining ba naman everyday ang bet.

 

Last option na tinry ko ay makipag date sa close friends ko, oo napilit ako ni Jennie dito. Hindi naman sya naging ganon kasama like the first two, tropa ko na sila, parang nag skip na kame sa part ng anong favorite mong kulay phase. Unang sumabak dito si Jennie, ewan ko ba sa baklang to bet parin ata ako hanggang ngayon kaya nag pumilit sya. Wala namang nangyari, ending nag chikahan na lang kame about clothes at pagiging tanga ko sa buhay. Next candidate si Nayeon, nauwi lang kame sa tili at sigaw kase ngayon na lang ulit kame nag kita after six months. Last but definitely not the least is Lisa.

 

Diko alam pano sya nasali dito, natatawa nya akong binati nung nag kita kame, binalita nya rin saking kasama nya girlfriend nyang bumalik dito. Naging meet and greet lang yung option na to eh, meet the friends na matagal ng di nag papakita ganon.

 

“So kamusta ka naman dyan lods, balita ko namimingwit ka daw ng fish sa sea!”

 

“Leche ka, ganon parin Lisa. Alila parin ng salapi, mag isa at masaya”

 

“Nako, duda ako sa last part ah. Pero maiba ako, alam mo bang pauwi na rin sya dito?”

 

Ngayon ko lang din napag kabit kabit yung mga piraso ng information na nasa harapan ko lang naman the whole time, tatlong option yung hindi nag work eh, tapos yung huli pa eh parang pinaglalaruan ako ng lintik na tadahan nayan. Kaya naman pala kahit anong subok kong makalimot at mag patuloy noon hindi naging successful kase yung lumang mug na ang mga pirasong nasakin parin eh babalik pala ulit.

 

Kung pe-pwede lang mag pa substitute sa pag iyak ay baka nagawa kona, pagod na rin naman akong umiyak sa mga bagay na tungkol parin sa kanya. Miski nga sarili kong problema sa trabaho parang di na ako naapektuhan, batak na batak na sa sakit na bigay non. Kung kay Yeri man eh “Kota kana kase tanda”

 

Balik sa una kong tanong nung nag simula akong kwestyunin nanaman (for the fifth time ngayong araw) ang existence ng salitang love, katangahan at sakit. Paano nga ba nagagawa ng isang taong mag heal, mag let go at syempre ang magbukas ulit ng puso para sa ibang tao na mas deserving sa spot na to.

 

Masyado palang madaming tanong, ibreakdown kona lang in three parts. First one eh paano nga ba nagagawa ng isang tao ang mag heal?

 

Is it by loving yourself more, making more me time for you to enjoy, dito ba papasok yung constant breakdowns at questioning ng buhay? Hindi ko naman kayang sagutin tong mga tanong kong to, obvious naman sigurong kaya nga ako may mga gantong tanong eh para mabigyang sagot diba? So I asked some of my friends, helpful naman yung sinabi nila.

 

 

Wendy Duwendy:

 

: Pang miss universe nanaman yang tanong mo eh, teka lang ha paki antay yung sagot ginanahan akong mag essay teka!

 

: This is only my opinion to it okay? No assurance that this applies to everyone who’s healing and been healed. Sure akong may iba’t ibang ways ang tao how they can heal, may iba kase na nag iisolate hanggang sa ready na ulit silang makibaka at masaktan, meron namang mas ineengaed ang sarili sa outside world. Pero sa lahat ng difference na meron ang bawat isa sigurado naman akong dito sa bagay na to eh pare-pareho tayo and that is time.

 

: Ang hirap na nya paniwalaan pero totoo kasing yun yung isa sa kailangan natin to heal. Physically, kapag nag kasugat tayo it takes roughly three months before it totally heal, with tender love and care pa yun ha and for your broken heart it’s the same pero take note na ang pag ibig ay hindi nasusukat ng siyensya. So it might take a week, a month, and a year or even a decade before you actually say na your heart's okay na. Aside from time, healing might be faster kung hindi kana kumakapit sa mga uncertain na bagay, mga tao at bagay na dapat ng iniiwan sa past. Mas madaling iikot ang mundo mo kung hindi kana sa parehong sirang orbit ng kahapon umiikot yun lang and I thank you!

 

: Nakakainis ang dami paring nasabi.

: Thank you Duwendy!

 

: Happy to help madam, I’m rooting for you!

 

Mag tatlong taon na, well base yun sa nag pop up na notification ko ngayon ngayon lang. Sabi naman ni Wendy it might take a week for some and a decade for others, sana naman hanggang month lang ang abutin ng katangahan ng puso. Nakakaloka na masyado kung magiging dekada pa to.

 

“Mas madaling iikot ang mundo mo kung hindi kana sa parehong sirang orbit ng kahapon umiikot.”

 

Ang daming alam ni Wendy, dinala pa nya yung isipin ko hanggang outer space. Nakakainis pa na na gegets ko kung ano man ang gusto nyang iparating sa orbit orbit na yun.

 

Second question, paano nga ba mag let go ng isang tao? Sino pa nga ba ang tatanungin ko about this question kundi ang resident bakla kong kaibigan na si Jennie Kim.

 

Jennie Kim alipin ng Channel:

 

: And why ako una among naisip tanungin about that?! What Jennie Kim wants, Jennie Kim gets !

 

: Wala kang maloloko dito!

: Bukod sakin, alam naman nating hindi mo rin nakuha si..

 

: Oo na! Eto na nakaka bwiset ka :)

 

: First and for most kaya ko lang to sasabihin sayo kase you need to hear this because antanga mo parin now. Letting someone go is hard, even for a Kim like me. I’m so used on getting everything and everyone I like. Possessive ako sa mga bagay na alam kong akin and I don’t share what’s mine. But that was before she came to my life. That’s the old and spoiled Jennie, I already buried that version of me years ago. When I met her, ayoko talaga sa kanya. She’s the opposite of me, asal kanto, puro mura, late, muntik pang hindi maka graduate. I really despise her, or that’s what I made myself believe.

 

: I never thought the day would come na iiyakan ko ang isang asal kanto na tao. The me in the past would laugh at that situation kung sakaling ma witness nya yun. She fell first, sya nag initiate ng lahat to happen and I’m thankful for that kase kung hindi nya ako winarshock sa confession nya baka hindi ako matatauhang gusto kona pala talaga sya. Then people say I’m the one who fell harder and I will admit it I really did and because of that I end up getting hurt more.

 

: Sabi ko I don’t share what’s mine, pero how can I call someone mine when in the first place may kahati na naman pala ako sa puso nya? I can’t blame her though, that’s her first love and kung ako ang nasa situation nya I would do the same kase

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
mademoisYelle
#1
Chapter 1: Nasa Koreanang kwek-kwek lover talaga ang true love asdfghjkl. This is so wholesome
its_aaarrriii
73 streak #2
🥺✊
brdfillet #3
Chapter 1: tama naman pero bAT KASE 'S' YUNG NASA CONTACTS NYA 😭😭😭
serenedipitea
#4
Chapter 1: kwek kwek 😭😭😭
its_aaarrriii
73 streak #5
Chapter 1: NEON BALLS!!!!!
kang_ddeul
#6
Chapter 1: woah, yung plot twist!! :D hngg, ang gandaaa po! 😭✊ thank you po otor-nim! :)))
Noctisnightprince
#7
Chapter 1: neon balls 😭😭😂
milkinthebox_ #8
Chapter 1: Ahhhh... *natunaw sa kilig*
000014
#9
Chapter 1: Sana all nakakasakay sa car ni solgeh chz
Maatt_booii #10
Basa comments muna bago basa ng whole story hehehe