Chapter 3

Ry & Ly (right you, love you)
Please Subscribe to read the full chapter

Chapter 3

Akala niya ay nagiging judgmental lang siya sa panghuhusga sa girlfriend ng kakambal niya ngunit talaga palang masama ang ugali nito. Nang mapag-alaman niya na hindi pala sila magka blockmate nito at bs psych pala ang kinukuha ng bruhilda, napagtanto niya na naliligaw na naman siya at hindi niya alam kung saan ang room niya. Hindi naman siya makapagtanong dahil baka maweirduhan ang mga tao sa kaniya. Sa tinagal tagal niya rito, malilito siya ngayon kung saan ang room niya?

Nainis siya ng kaunti sa kakambal dahil hindi nito binigay sa kanya lahat ng impormasyon. Mukha tuloy siyang nawawalang bata ngayon.

Nang mahatid niya sa kwarto ang bruhang si Jashlyn ay marahas na kinuha nito ang bag na hawak hawak niya at sinamaan siya ng tingin habang walang sabi sabi na pumasok sa silid at hindi manlang siya tinapunan ng tingin, ni simpleng salamat sa paghatid ay wala rin. Panget ng ugali.

Napabuntong hininga nalang siya, naaawa siya sa kalagayan ng kapatid na ganito pala kasalbahe ang girlfriend niya.

Nagtataka talaga siya paano ito natiis ng kapatid na pakisamahan. Marami namang iba diyan. Maganda nga ito, pero walastik naman pala ang ugali, sarap sampalin.

Kumakamot nalang siyang umalis at hindi na siya nakapalag sa pag atityod ng bruhilda. Wala naman siyang magagawa, gusto niya nalang ng katahimikan at for sure kung si Rishi talaga ang nandito ay wala itong sasabihin.

Mukhang under na under ang kapatid niya. Napangiwi nalang siya sa naiisip. 

Ang problema niya ngayon ay kung paano siya makakapunta sa klase niya. Napanguso nalang siya dahil pati ang girlfriend niya— este ng kapatid niya ay hindi siya kinikibo.

Malamang, ano bang ineexpect niya? Iga-guide siya nito sa room niya? Eh hindi rin naman siya nagtatanong, at kahit siguro magtanong siya ay iirapan lang siya nito dahil mukhang inaatake ito ng topak ngayon.

Hindi niya na alam ang gagawin nang may tumapik sa balikat niya, babae ito, may dala dala ring bag at medyo hinihingal pa. "Rishi, late ka na rin ba? Sabagay, nagtaka pa ba ako?" Hinihingal ngunit natatawang sabi nito.

"Tara sabay na tayo, ang mahalaga dalawa tayo. Isa pa, wala namang pake ang mga prof dito." Dagdag nito. Oo nga pala, late palagi ang kapatid niya.

Kaya pala nagtataka ang mga bumabati sa kaniya kanina pagpasok niya nang makita na maaga siya pumasok. Talagang maaga siya pumapasok, at sinadya niya rin dahil nga wala siyang clue saan siya papasok.

Magtitingin tingin sana siya kaya lang bigla namang dumating ang bruhildang Jashlyn na mukhang nasa red carpet pa kung maglakad. Feel na feel ang kagandahan niya at dahil may taga buhat ng bag niya sa likod. Ano ba yun? Nagmumukha ba talagang alalay ang kapatid niya tuwing kasama niya ang babaeng iyon?

Hindi na siya nakapagsalita dahil nagsimula na maglakad ang babae na tumapik sa kaniya kani kanina lang. Napangiti nalang siya, mukhang kablockmate niya ito at sineswerte siya ngayon dahil makakapasok siya na hindi siya nagtatanong dahil susundan niya nalang ito. Mabuti nalang at nakita siya nito at sinabay na. Kaya mo 'to, Ryleigh.

Unang araw palang ay nagsstruggle na talaga siya, it will never be easy.

Una sa lahat, magkasalungat sila ng ugali ng kapatid. Marami silang bagay na pagkakaiba at doon palang ay lugi na siya dahil siya naman ang nandito at nagpapanggap. Pangalawa, hindi lang naman studies ang poproblemahin niya. Pati mga tao sa paligid niya. Mga kaibigan ni Rishi— pati na rin ang girlfriend nito na mukhang tinotopak pa palagi.

Napabuntong hininga nalang siya sa iniisip, hindi talaga maganda ang pakiramdam niya rito ngunit wala na rin naman siyang magagawa.

"Hey, Ri, bakit nandito ka pa? Hindi ba dapat nagmamadali ka na ngayon sa pagpunta sa bulding ng psychology dahil ayaw mong nagagalit ang girlfriend mo?" Takang sabi sa kanya ni Momo. Ito ang tumapik sa kaniya at sinabayan niya kanina papunta rito.

Napag-alaman niya na Momo ang pangalan nito kahit na hindi nagtatanong dahil sa mga naririnig niya sa paligid. Isa lang ang pinagpapasalamat niya, mabuti nalang at observant siya.

Mabilis siya maka adjust at natatandaan niya rin ang mga simpleng detalye kaya naman hindi siya nahihirapan once na may marinig siyang tumawag sa kausap niya.

Nakita ni Momo na kalmadong nag aayos ng bag si Ryleigh dahil lunch break nila kaya naman kinausap niya ito.

Kadalasan kasi ay nagmamadali ito dahil anytime soon ay magla-lunch break na rin ang kabilang dept at ayaw niyang pinaghihintay ang nobya dahil nagiging dragon ito pag inis.

Alam naman ng lahat ng tao sa school na may pagka masungit nga si Jashlyn, bossy, mataray at childish. Pero hindi na nila alam kung bakit parang mas dumoble ito nung nakaraan. Na parang kahit kay Rishi ay masungit ito at sobrang essa na dati ay hindi naman masyado. 

Nanlaki naman ng bahagya ang mata ni Ryleigh nang mapagtanto iyon, eto na naman siya, bakit ba nakakalimutan niya palagi na may girlfriend ang kapatid niya at responsibilidad niya na ngayon si Jashlyn? Nako po, sasabit ka na naman Ryleigh. Hindi na niya gugustuhin pang dagdagan ang inis sa kaniya ng dalaga dahil baka magduda na ito sa mga kaweirduhan na nagagawa niya kaya naman nagkusa na siyang magmadali.

"Oo nga pala, thank you!" Nagtataka man si Momo sa kaniya ay ngumit nalang ito at kumaway nang makitang papaalis na siya.

"See you later!" Kaway nalang niya rito at dali dali na pumunta sa building nila Jashlyn. Natatandaan pa naman niya kung saan iyon dahil hindi naman siya makakalimutin kaya naman lakad takbo na siyang pumunta doon.

Ayusin mo nga Ryleigh, akala ko ba gagalingan mo magpanggap? Sermon niya sa sarili niya at napapailing pa.

Pinagtitinginan siya ng mga tao sa hallway ngunit nagtataka siya na parang wala nalang sa mga ito na makita siyang nagmamadali. Yung iba ay natatawa pang kinawayan siya. Ano 'to? Daily routine na ba to ng kakambal niya? Kaya sanay na ang mga tao sa pagmamadali niyang makapunta sa room ng bruhildang Jashlyn na yun?

Nang makarating na siya sa room kung saan siya hinatid ang dalaga kanina, natanaw niya ito sa may labas ng pintuan, dala dala na ang bag at parang inip na inip na. Ang paa nito ay tinatapik pa ang sahig.

Napatingin na ito sa gawi niya nung malapit na siya makalapit dito kaya naman nakita na naman niya ang pag-ikot ng mata nito sa kaniya. Tusukin ko yan.

"Kaninang umaga mo pa ako iniinis, Rishi." Yan ang bungad nito nang tuluyan na siyang

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Bearchuism
Hello, I was originally an author on wattpad so writing on aff feels new to me, somehow. I hope you'll enjoy my story the way I enjoyed writing it! Here's my wattpad account for kacringey-han, expect errors, nangghost na ako dyan huhu. https://www.wattpad.com/user/yesangkeh

Comments

You must be logged in to comment
kang_ddeul
#1
Chapter 3: hahahaha hala may nararamdaman na siyang kakaiba. HAHAH pero nakakacurious yung relationship ni rishi saka jashlyn~ hahaha :D
rbbluvie
#2
Chapter 3: When po update 🥺
ashtrielles
#3
Gagooo Sangki may kekwento aq HAHDHSHAHA NATATAWA AKO
yamieburger
#4
Chapter 3: When po ang update author nim 🥰
yuvlvt
#5
Chapter 3: Scammerut ka talaga Kaki
riellesmth #6
Chapter 3: SAAN NAAA
httpsjoohyun
#7
Chapter 3: Update 🥺🥺🥺
putonijoohyun
#8
Chapter 3: Update 😭🙏🏻
seulgirenes
#9
Chapter 3: Update T^T
seurrenetagalog
#10
Chapter 3: Waaah update po