Chapter 1

Ry & Ly (right you, love you)
Please Subscribe to read the full chapter

Chapter 1

Hindi alam ni Ryleigh kung bakit siya naghihintay sa isang hindi kilalang coffee shop sa tabi ng apartment niya, habang nilalaro ang kutsara sa harapan niya dahil halos isang oras na siya nag-aabang ngunit wala pa rin ang hinihintay niya. 9:00am, huh? Mag-alas diyes na ngunit wala pa rin ito, napatawa nalang tuloy siya nang mahina. Hindi pa ba siya nasanay? Lagi nga itong late kahit na saang okasyon, mapa importante man o hindi, walang palya, kailangan lagi siyang star of the night, laging pagtitinginan, masama man ang tingin o hindi, laging nakakapukaw ng atensyon dahil sa pagiging huli nito sa oras na itinakda. Naubos na nga ang slice ng red velvet cake na kinakain niya at nangangalahati na ang espresso niya. Napabuntong hininga na lamang siya habang naiiling at hinugot ang cellphone mula sa bulsa niya upang tawagan sana ang kanina pa niya hinihintay nang biglang may umupo sa harapan niya.

Hinihingal pa ito, may mumunting butil ng pawis sa noo na agad naman nitong pinunasan gamit ang tissue na hindi niya alam kung saan nito napulot, nakangiti ito ng kaunti ngunit makikita mo sa mga mata nito ang paghingi nito ng paumanhin. "Sorry Ry, ngayon lang. Nalate kasi ako ng gising, at natraffic pa." Hinging paumanhin nito habang nakanguso pa ng kaunti, tila nagpapa-cute pa. Syempre, sanay na siya. Kanina pa niya alam na ganito ang gagawin ng kakambal niya pagdating nito. Hihingi ng tawad, magpapacute at boom, okay na sila. Lagi naman itong ganoon, dinadaan sa charms ang lahat ng bagay, especially sa pagiging late niya sa call time palagi.

Mahinhing iwinasiwas niya ang kanang kamay na parang sinasabi na okay lang, at ngumiti. "Sanay na ako sa'yo, Ri. Mas magugulat pa ako kung nauna ka pa sa akin." Natatawang sabi niya at humigop ulit ng espresso. Inayos niya ang kanyang upo at inilapag ang cellphone sa mesa sabay crossed arms. "So why did you call me kahapon? It seems urgent, and so desperate, my twin sister. It's not you." Agad na sabi niya habang nakataas pa ng kaunti ang kilay, napangiti naman ang kakambal na parang sinasabi na hehe, kilala mo na talaga ako. 

Napakamot nalang si Rishi sa ulo, habang kagat kagat ang ibabang labi— not in a seductive way, of course. Nagiging mannerism niya ito sa tuwing kinakabahan siya at nag-iisip ng sasabihin. Ganyan naman talaga ang kakambal niya, mabilis kabahan, hindi alam ang sasabihin most of the time sa mga bagay bagay especially when the topic is her. Hindi alam ni Ryleigh kung bakit magkaibang magkaiba sila, Rishi is not the confident type, although she's a social butterfly, magaling naman ito makipag socialize, okay naman siya magsalita in public when it comes to academics. Pero most of the time, nawawalan ito ng confidence— hindi niya alam kung bakit pero madalas itong nagiging sunud sunuran sa mga tao sa paligid niya, nagiging go with the flow at hindi marunong humindi. Oo, oo, oo. Ayan lang ata ang alam na sagot ng kapatid niya, madalas din itong mag overthink sa mga bagay bagay. 

Unlike her, she's composed. Organized. Confident. Alam niya kung paano makipag-usap, pangarap niya pa ngang maging lawyer nung bata siya, or politiko. Pero nagbago ang gusto nang mahilig siya sa arts at pagsulat ng mga kanta, pagkanta na rin. Alam niya rin kung paano humindi, at ayaw niya rin na inuutus utusan siya. Alam niya kung sino siya, anong purpose niya at kung sino yung mga worthy na tao na dapat sundin, at respetuhin. Hindi rin siya mabilis kabahan, o mabulol. Yep, that's her. Kaya madalas ay siya ang mas nagsasalita sa kanilang dalawa sa mga party o ano pa man, hinahayaan din siya ni Rishi dahil mabilis ito kabahan, takot na takot ito magkamali. Of course, ayaw niyang nakikita na ganoon ang kakambal, parang takot ito sa lahat ng sasabihin ng mga tao, durog na durog ang kumpiyansa niya sa sarili and it's not okay with Ryleigh. She wants the best for her twin sister, she would do anything to make her happy. To see those heart warming smile that makes her heart happy, so happy that it hurts so much but in a good way.

"Hey." Inabot niya ang kamay ng kakambal dahilan para matigil ito sa pagkagat sa labi, napatingin na rin ito sa mga mata niya, finally. Pinisil niya ito nang marahan habang nakangiti rito, gusto niyang ipakita sa kakambal na okay lang na magsabi, at hindi niya ito papakitaan ng anumang panghuhusga. Sa tingin niya ay nagdadalawang isip ang kakambal niya, she could see the hesitation in her eyes. It's bothering her. Is there a problem? Is she okay? "It's okay. You can tell me everything, alright? Para saan pa't naging magkakambal tayo? Magkasama tayo sa lahat mula dati pa and you know I won't judge you. I will never judge you, Ri." She says genuinely and gave her a warm smile. Mukhang nakalma naman ang kapatid at binigyan din siya ng ngiti. 

"Yeah of course, I know, Ry. That's why ikaw ang pinaka love ko." Napangiti naman siya sa sinabi ng kakambal lalo na ng marinig ang sinseridad sa boses nito. "But— I'm hesitating kasi, kung sasabihin ko ba sa'yo. I mean, ang nonsense kasi. And magugulo lang ang lahat—" Napayuko pa ito, sabay buntong hininga kaya naman pinisil niya ulit ang kamay nito para maiparating dito na nakikinig lang siya. "Sobrang laking favor ng hihilingin ko sa'yo, to the point na baka hindi ka pumayag dahil ang selfish na." Rishi sighs, mukhang problemado nga talaga ito base sa nakikita niya kaya naman umusbong ang kuriyosidad sa kaniya. Ano ba ang ibig sabihin ng kakambal? Anong magugulo ang lahat? At anong selfish? Naguguluhan siya, malamang. Wala nga siyang ni isang clue manlang kung ano ang nais iparating ng kapatid. "I know it's not a good idea na papuntahin ka rito, Ry. I'm sorry, nasayang ko pa ang oras mo." Malungkot na sabi nito. Hindi naman siya yung pa sad girl na lungkot, halata namang hindi siya nagpapapilit or nagpapaawa. Mukhang nagsisisi talaga ito na pinapunta pa siya rito para makipagkita. 

"Teka, ano bang ibig mong sabihin?" Tanong niya rito, hindi niya talaga maintindihan kung bakit at ano ang ibig sabihin ng kakambal. Bakit ito mukhang problemado, at bakit iniisip nito na selfish siya for asking Ryleigh to meet her. Ano ba ang dapat niyang sasabihin? Ano yung pabor na gusto nitong hilingin sa kaniya? Kung ano man yun, isa lang ang alam niya. Mukhang hindi nito pinapatulog ang kakambal ko. 

"Kasi, Ry. . ." A paused, there's still hesitation visible in her eyes bu

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Bearchuism
Hello, I was originally an author on wattpad so writing on aff feels new to me, somehow. I hope you'll enjoy my story the way I enjoyed writing it! Here's my wattpad account for kacringey-han, expect errors, nangghost na ako dyan huhu. https://www.wattpad.com/user/yesangkeh

Comments

You must be logged in to comment
kang_ddeul
#1
Chapter 3: hahahaha hala may nararamdaman na siyang kakaiba. HAHAH pero nakakacurious yung relationship ni rishi saka jashlyn~ hahaha :D
rbbluvie
#2
Chapter 3: When po update 🥺
ashtrielles
#3
Gagooo Sangki may kekwento aq HAHDHSHAHA NATATAWA AKO
yamieburger
#4
Chapter 3: When po ang update author nim 🥰
yuvlvt
#5
Chapter 3: Scammerut ka talaga Kaki
riellesmth #6
Chapter 3: SAAN NAAA
httpsjoohyun
#7
Chapter 3: Update 🥺🥺🥺
putonijoohyun
#8
Chapter 3: Update 😭🙏🏻
seulgirenes
#9
Chapter 3: Update T^T
seurrenetagalog
#10
Chapter 3: Waaah update po