Chapter 2

Ry & Ly (right you, love you)
Please Subscribe to read the full chapter

Chapter 2

"Hello, Rishi! Sasali ka ba ulit sa dancing competition next week?" Yan ang bungad sa kaniya pagpasok na pagpasok niya sa eskwelahan kaya naman napangiti nalang siya ng bahagya at alanganin na sumagot ng oo. Hindi talaga siya komportable ngayon ngunit kailangan na niya masanay. Ang daming tao pa rin sa hallway kahit na may mga nagsisimula na klase na, yung iba ay nakatambay, baka vacant time nila or hindi talaga pumasok, at all. It's none of her business naman na.

Ngumiti naman ang kausap na sa tingin niya ang pangalan ay Lisa dahil may tumawag dito kanina na narinig naman niya bago siya nito lapitan, okay, cool. "That's great! Tayo tayo ulit nila Byul ang magkasama, ah? Lalampasuhin ulit natin mga kalaban natin kagaya last year." Natatawang sabi nito na ikinatawa nalang din niya dahil ang weird naman if poker face pa rin siya, diba? Mukhang magaan pa naman ang pakiramdam niya rito dahil lagi itong nakangiti at mukhang masaya kausap. Kaibigan siguro 'to ni Rishi. Malamang, obvious naman. 

"Sure." Iyon nalang ang nasabi niya dahil um-oo naman siya kanina at baka magtaka pa ito if tumanggi siya dahil hindi nga ganong klase ng tao ang kakambal niya. Ito ang unang araw ng kalbaryo niya at kailangan niyang masanay na maging si Rishi at hindi si Ryleigh, kaya mo 'to, Ryleigh!

Oo, nandito na nga siya sa puntong ito. Magpapanggap na siya bilang kakambal niya at malamang, mahihirapan siya. Sooner or later, mapapahiya na nya ang sarili niya sa mga bagay bagay. Bukod sa hindi niya kilala ang mga tao rito, hindi rin siya pamilyar sa school na 'to!

Tanginang buhay nga naman, magpapanggap na nga lang siya ay wala pa siyang ka ide ideya sa mga mangyayari. Ito kasing kakambal niya, ang sinabi at pinaliwanag lang sa kaniya ay kung ano ito sa lahat ng tao. Hindi nga nito inisa isa ang mga kaibigan niya, at lalong lalo na ang girlfriend niya! Kaya naman ang naisipan ni Ryleigh ay makisabay nalang at um-oo sa mga makakasalubong niya na mukhang kilala naman si Rishi dahil go with the flow naman talaga ang kapatid. Hangga't kaya niya, hangga't maaari, hindi siya magsasalita ng kung ano ano dahil baka kung ano ang masabi niya at hindi maganda iyon.

"Sis, basta alam mo naman at kilala mo naman ang ugali ko. Marami akong kakilala sa school at hindi ko na sila maiisa isa sayo, basta ang mga tropa ko ay mga dancers dahil mahilig nga ako sumayaw, diba? Sumasali kami sa mga program at kung ano pa man ang mapag-usapan ay sumabay ka nalang, kaya mo iyon dahil sumasayaw ka rin naman, Ry. Hindi na kita malilibot sa school dahil pag nakita nila ikaw ay magtataka pa sila lalo, mas okay na hindi alam ng lahat na may kakambal ako, hindi kita kinakahiya, Ry ah. Hindi lang ako pala kwento about sa inyo dahil ayoko na pati privacy niyo ay iinvade nila. Go with the flow lang ako palagi, at please lang ngumiti ka."

Tandang tanda niya ang mahabang litanya ng kakambal bago sila umuwi nung araw na iyon. Paulit ulit din nitong sinasabi na wag tarayan ang girlfriend niya dahil aware naman si Rishi na may sama ng loob siya sa girlfriend nito. Oo, hindi naman niya dinedeny yun. Sabi pa ng kakambal na hangga't maaari ay wag siya magtaray o kung ano pa man dahil hindi raw siya ganun. Kilalang kilala talaga siya nito. Sana lang ay mapanindigan niya ang pagiging si Rishi dahil magkaiba ang ugali nila, ilang taon na rin niya kasama ang mga taong malapit sa kaniya at malamang konting pagbabago o pagiging weirdo niya ay magtataka ang mga ito.

Great, just great. Hindi niya pa rin alam bakit siya pumayag sa kalokohang ito pero isa lang ang alam niya, gusto niyang matupad ng kakambal ang mga pangarap niya kaya naman nagsakripisyo na siya at siya muna ang hihinto sa kinukuha niyang kurso para pumasok sa eskwelahan na ito at magpanggap bilang si Rishi. Iiwanan niya ang sariling buhay niya para sa kapatid at siguro naman ay deserve niya ang best sister award sa kagagahang ginagawa niya ngayon.

Nang ikwento sa kaniya ni Rishi na natanggap siya sa audition, at nakapasok siya sa isa sa mga pinaka malaking entertainment sa Korea na SM ent, kitang kita ang saya sa mukha nito, kung paano magningning ang kanyang mga mata at yung ngiti nito na hindi mabibili ng kahit magkanong halaga. Ang saya saya at aliwalas ng mukha ng kapatid niya.

Kahit na mahihirapan siya, nag-insist siya na ayos lang naman sa kaniya. Sinabi ni Rishi na hindi naman niya ito kailangang gawin dahil nga magiging unfair sa kaniya pero sinabi nalang niya na abutin nito ang pangarap ng kakambal at magiging okay na siya doon. I'm doing this, just for her. Dahil mahal na mahal niya ang kapatid at bilang nakakatanda, kahit na ilang minuto lang naman ang tanda niya sa kapatid, gusto pa rin niya na ibigay ang lahat sa kakambal. Ito lang ang kapatid niya at mahal niya ito, kahit na mahihirapan siya, mapapahiya, at matitigil ang mga pangarap niya, okay lang sa kaniya. Martyr kung martyr.

Hindi lang naman ang mga kaibigan at kung paano magpanggap na si Rishi ang pinoproblema ni Ryleigh, hindi rin ang mga lessons na naiwan ni Rishi dahil for sure hindi naman siya makaka catch up agad dahil iba ang kurso na kinuha niya at wala siyang alam sa mga pinag-aaaralan ng kapatid niya rito, pinoproblema niya kung paano niya mapapakisamahan ang girlfriend nito.

At speaking of bruha, hindi niya pa ito nakikita. Hindi man niya alam ang mukha nito, pag narinig niya ang nakakairitang boses nito ay for sure makikilala niya agad ito. Hinding hindi niya makakalimutan ang boses na walang preno siyang sinigawan. Kaya naman nagtataka siya dahil wala pang babaeng lumalapit sa kaniya na kaboses ng girlfriend ng kakambal niya. 

Pagpasok na pagpasok niya sa school ay may iilang bumati na sa kaniya na nginitian at kinawayan niya nalang. Awkward talaga siya dahil hindi naman siya super pala kaibigan at bilang lang naman sa daliri ang mga taong tinuturing niya talaga as kaibigan na alam lahat sa kaniya.

Marami siyang kakilala bilang Ryleigh pero hindi lahat iyon ay kaibigan niya at pinagkakatiwalaan niya, mas prefer niya rin ang small circle of friends at peace of mind.

Mahihirapan talaga siyang mag adjust at sana naman ay kayanin niya na maging si Rishi habang nasa ibang bansa ang kapatid.

Speaking of her twin sister, malamang ay nasa airport na ito ngayon, binigay nito ang lahat lahat sa kaniya, mga id, bag nito, necklace, bracelet at kung ano ano pa man. Pati ang mga contact numbers ng mga kaibigan nito ay nilagay sa cellphone niya na hindi naman na siya nag abalang tignan.

Sana talaga ay kayanin niya, para rin naman 'to sa kapatid niya. Hindi talaga niya ma-gets ang logic, at kung paano ito magmahal. Ganon din naman, hindi niya rin naman makakasama ang Jashlyn na 'yon sa ibang bansa. Bakit hindi nalang siya nakipagbreak? Bakit kinailangan pa niya na magpanggap?

Well, hindi naman siya pinilit ni Rishi pero kung ito lang din naman ang magiging dahilan para hindi ito umalis sa bansa ay mas mabuti na magpanggap nalang siya bilang ito para naman matupad niya ang mga pangarap niya. Pero habang iniisip niya ngayon, hindi niya talaga makita anong sense. Okay lang naman pala rito na hindi makausap ang girlfriend niya, bakit hindi muna siya makipagbreak habang nasa ibang bansa siya? Bakit hindi niya kaya na magalit ito sa kaniya? Dahil ba gusto nya may babalikan pa rin siya? Ganon ba?

Selfish nga, iyon nalang ang naisip ni Ryleigh pero hindi naman niya masisisi ang kakambal. Una sa lahat siya naman ang nag insist nito dahil tanga siya at mahal niya talaga ang kakambal niya. Pangalawa, hindi pa naman siya naiinlove talaga kaya hindi siya makapagsalita at hindi niya rin ito mahusgahan dahil inuulit niya, wala naman siya sa posisyon nito.

"Okay ka lang? Parang wala kang make up ngayon, ah." Puna nito sa kaniya kaya naman medyo kinabaha

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Bearchuism
Hello, I was originally an author on wattpad so writing on aff feels new to me, somehow. I hope you'll enjoy my story the way I enjoyed writing it! Here's my wattpad account for kacringey-han, expect errors, nangghost na ako dyan huhu. https://www.wattpad.com/user/yesangkeh

Comments

You must be logged in to comment
kang_ddeul
#1
Chapter 3: hahahaha hala may nararamdaman na siyang kakaiba. HAHAH pero nakakacurious yung relationship ni rishi saka jashlyn~ hahaha :D
rbbluvie
#2
Chapter 3: When po update 🥺
ashtrielles
#3
Gagooo Sangki may kekwento aq HAHDHSHAHA NATATAWA AKO
yamieburger
#4
Chapter 3: When po ang update author nim 🥰
yuvlvt
#5
Chapter 3: Scammerut ka talaga Kaki
riellesmth #6
Chapter 3: SAAN NAAA
httpsjoohyun
#7
Chapter 3: Update 🥺🥺🥺
putonijoohyun
#8
Chapter 3: Update 😭🙏🏻
seulgirenes
#9
Chapter 3: Update T^T
seurrenetagalog
#10
Chapter 3: Waaah update po