Friends?

Hindi pa naman naging iyo

Ngumiti at lumingon, "Hi!" Mahinang sabi mo pero tinignan lamang kita.

 

Sinundan ko lamang ang bintana at tumingin na sa langit. Aksidente lamang talaga ang pagsilip ko sa iyo. Hindi na mauulit talaga.

 

"Nagkita na ba tayo?" Curious mong tanong na nagbigay ng alarma sa aking puso.

 

Umiling-iling ako at tinuon ko na lang ang aking mata sa arm chair saglit at pinikit din. Hula ko nakatingin ka na rin na nakasimangot with matching pouty lips. Ganun ba ako predictable para magkaroon ako ng psychic powers para sayo.

 

"Ikaw ba si Dubu ung bata kasama lagi ni Nayeon." Normal ang pagkasalita mo na hindi ganun ang epekto sa akin.

 

Hindi ako umimik pa rin sayo.

 

Pero minulat ko ang aking mata at biglang tiningnan ka na alam kong akala mo'y galit ako. Open book pa rin pala ikaw. Pero nagbago ka na talaga. Katulad ng dati na kapag ganito ang tao sayo ay iniirapan mo na walang sabi na lalayo ka na dahil ayaw mo ng isang tao na mistulang mambabastos sayo kapag nagtatanong. 

 

Bakit gusto mo ang aking atensyon?

 

May nasabi ba sayo si Wonyoung dahil siya lang ang nakakaalam ng aking palayaw na iyan. Wala rin naman mangyayari kung malaman mong ako nga si 'Dub'. Kaya ko namaan sabihin ng diretsuhan at itanggi na hindi ako iyon at hindi kita kilala. Nakapagdesisyon na ako dati pa.

 

"Pasensya na." Huling salita mo bago ka naglaro na ng cellphone mo.

 

Patay malisya pa rin ako sayo. 

 

Wala namang manggugulo dahil wala akong kaklase sa dating school natin. Maganda ka pa rin at hindi nabawasan ang cute side mo, pala-kaibigan ka na rin, madaldal na nga lang. Naninibago ako sayo, hindi ka naman kasi ganito nung nag volunteer ako dati at nagpakilala na kaibigan ng kapatid mo. Alam kong ilang beses lang tayo nagkatagpo at masasabi na hindi iyon isang bagay na naghangad ako ng ganito dati.

 

Lumingon ako sa gilid, sa direksyon mo mismo, "Miss, ano pala uli name niyo po?" Tanong ko na parang tanga ako ngayon sa tingin mo.

 

Sa gulat at inis na nakikita ko sa mukha dahil tinanong ko pa rin ikaw. Kahit ilang weeks na rin tayo mag kaklase.

 

"Jennie." Sassy tone ang binigay mo sa akin na mistulang bumalik ako sa unang pagkakataon nung first day ko sa detention.

 

Nginitian kita, "Ikaw po ba ang kapatid ni Wonyoung?" Nabigla ka sa tanong ko at baka din sa pag iba ko ng trato sayo ngayon. Konti lang nakakaalam na magkapatid kayo pwera lang sa closed friends mo. 

 

Naging saling pusa ako sa squad ninyo na hindi mo alam.

 

"Kilala mo siya? Panu?" Mahinahon pa rin pero may kasama na ng tono na nag sasabing nagalit na ito.

 

Tinanguhan ko na lang at kinuha ang cellphone ko para maipakita sa kanya ang isang picture na kasama ko si Wonyoung.

 

"Mint chocolate squad?" 

 

Hindi na ako nag atubili na sumagot pa para iparating na ayaw ko ng atensyon kahit kanino. Sa ngayon ang misyon ko ay lumayo sa kahit anong pwedeng mag point out na ako si 'Dub' sa iyo.

 

May hinala ka na kaagad sakin kahit hindi pa ako nakikipag-usap sa iyo na ganito ang set-up na parang friends na ako. Sa salitang Dubu ay alam na alam ko nag imbestiga ka na dati pa. Hindi naman nagsinungaling ung taong pinagkakatiwalaan ko at sinabi na gusto mo makilala si Dubu.

 

Bago ka pa makapagsalita ay pumasok na rin ang professor natin sa klase. 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet