Hindi pa naman naging iyo

Description

Prologue:

 

Akalain mo iyon.

 

Nandito ka pala, katabi ko at ikaw ang nasa tabi naman ng bintana. Ilang beses na din kita naririnig sa kanila. Halos ikaw na nga lang ang pinagsasabi nila kapag may oras na para alalahanin ang mga nagdaan sa pagiging highschool.

 

Nakakahinayang kasi bakit ang bilis ng panahon sabi naman nila. Kahit pati klima ay sumang-ayon nasa gusto kong ipagsabi sayo.

 

Nakakahiyang tanungin at kakilala lang palang kita ngayon ng maayos. Kahit sa mga taong yun na naging kaibigan na rin nung nagtagal ay di naman tayo ganito.

 

Totoo, ang bilis ng oras at mga ala-ala na mapawi man ito dahil sa ibat-ibang dahilan ay hindi ito maialis pa din sa akin. Ngunit ang mga iyon ay hindi gaano nila isipin at maliban sa mga litratong kuha dati at memoryang sa ulo nila dahil sa tawanan at kulitan.

 

Nandito pa rin ito, nasa akin at malinaw pa sa isandaang libong pwedeng ipalit pa, pero heto ako inaalala sa aking puso. Hinding-hindi ko ito makakalimutan dahilan ay baka nga kailangan ko pa.

 

Sabi nga sa isang kanta at inawit na grupong 'Hollow Coves' na pinamagatan na "These Memories".

 

These memories will stay with me

Now I'm far away

These memories still remain

Now I'm far away

You stay with me the same

 

Nakita ko naman ang lahat-lahat kaya naman positibo ako na hindi ito pagkakataong na nagkamali talaga ako sa pagiging ako. Hindi pa rin ito ang epilogue kundi nagsisimula pa pala ang panahon ngayon.

 

Nagtapos ang kanta nito na may liriko na "You stay with me the same" pa rin.

 

Katulad nun maririnig ang halimuyak kung sino ako para sa iyo.

 

Talaga naman bago ako umidlip ay na isip ko pa ito. Nakuha ko pa talaga maging baliw katabi mo.

 

Nagtataglay ka pa rin pala nito.

 

Emosyon na ikaw lang ang pwedeng umangkin.

 

Huli na talaga ito at bago matulog kailangan ko ito sabihin sa aking sarili na ngayon ay pinapakinggan ko sa lumang mp3.

 

"We know that there's always tomorrow" na may pamagat na Lean on me.

 

Salamat sa uulitin kung tayo ba ay para sa isa't-isa talaga.

 

Kung hindi man ay tanggap na rin na may galak padin. Hinding-hindi magsisisi kung makita kitang masaya sa piling niya. Ang gusto ko lang ay makita muna lamang ang mga liham na isa itong magandang alaala sa nakaraan. Pakiusap wag muna ito itanong kung nasan ba siya, napipilitan man sagutin ay hindi na pwede, maraming masasaktan sa huli kahit alam ko ako lang naman talaga, at iyon din ang dapat. Hindi ba ayaw mo sa ganung mga bagay, pero bakita ibang iba ka na sa dating ikaw.

 

Huli na ng malaman ko na hinintay mo pala ako. May katabi ka at sasalo na sayo na alam ko kung sino.

 

Pinaubaya na kita sa Kanya.

 

Ito ba ang hiniling ko...

 

To be continued.

Foreword

Paki puntahan yung link sa baba na pwede ninyong basahin at on going pa rin namay sequel kahit hindi pa tapos.

https://www.asianfanfics.com/story/view/1473006

 

Wala na akong masabi kundi dapat makasagot ako mamaya sa klase. Grabe kailangan ko na ma aral ng mabuti!

 

Hindi ko masasabi kung bakit kailangan ko mag absent sa dahilan na hindi kayangbroadcast na depression ito. Dont worry kasi may support group ako.

 

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet