My Boyfriend's Sister

Please Subscribe to read further chapters

Description

"pero gusto ko sana na makasundo mo sya. gusto ko maging close kayo. gusto ko mawala ang pagka-ilang mo kapag nandyan sya. gusto ko maging komportable ka sa kanya kasi kapatid ko sya and in the future kapag nagpakasal na tayo hindi pwede na ilag ka sa kanya kasi magkikita at magkikita kayo sa ayaw at sa gusto mo dahil pamilya ko sya. kapatid ko sya.  i hope you understand hon.  im also doing this for you"

Foreword

"Lahat ng panaginip ko ay mga ala-ala sa nakaraan na ayoko ng maalala o mga bagay na pinagsisisihan ko ,kaya tinuturing ko silang bangungot .. sa twing babangungutin ako ay pinipilit Kong magising dahil ayoko na makita ang dulo ng mga panaginip na yon kasi natatakot ako" Sabi nya habang nakatingin sa itaas na parang inaalala lahat ng bangungot na tunutukoy nya ..

Hindi ko maintindihan ang kinukwento nya pero nakikinig padin ako Habang patuloy lang ako sa pagtitig sa Mukha nya. Kitang Kita ko ang saglit na pagdaan ng lungkot at takot sa Mata nya pero lahat yon ay nawala ng biglaan siyang nagpakawala ng tipid na ngiti ..

"Pero may isang bangungot na ... " Bahagya pa akong nagulat ng tumingin sya sa akin "handa na akong tapangan ang loob ko mabago ko lang ang katapusan"

No comments yet