Miss Understood (The Past)

Ride Home

Hi hello nandito na naman ako hehe. I'll just add the playlist for this fic UwU. Thank you for reading!

 

https://open.spotify.com/playlist/1mVniQx4tiJNl2FYUE68xh

 

Song List:

 

1. Don't Stop Me Now by Queen

2. The Man by Taylor Swift

3. We Built This City by Starships

4. All My Life by America

5. Baby I Love Your Way covered by Morisette & Harana

6.  Ride Home by Ben&Ben

7. I Want to Break Free by Queen

 


 

5 years ago...

 

"Maraming salamat mga Luvies! Hanggang sa muli!" ngiting pamamaalam ni Wendy sa aming mga fans. Si Joy naman ay nagpipigil ng kaniyang mga sariling luha habang patuloy lang ang pagkaway sa mga taong walang sawang sumusuporta sa amin kahit kakasimula pa lang namin sa idol industry. Finally, after years of hardships ay nasuklian kami ng mga taong mapagmahal and naasam din namin ang pinapangarap naming mag-perform sa entablado.

 

"Irene! I love you!!!" hiyaw ng mga Luvies na nasa harap ko. Kumaway naman ako at ngumiti sa kanila to let them know how I cherish this moment and how grateful I am na dahil rin sa kanila. In the past, if sinabi mong ang isang Irene Bae ay magiging isang performer/entertainer, I will probably just laugh at you and tell you how wrong you were. Sure, my biggest dream in my life is being an idol pero sumuko ako dati in pursuing this because I'm too shy for my own sake. I also admit na naiilang pa rin ako tuwing may mga nakakasilaw na mga camera ang tumatapat sa akin.

 

Pagkatapos naming kumanta, nag-stay muna kami sa stage for a couple of minutes para makipag-interact sa aming mga fans bago tuluyang magpaalam sa kanila.

 

"BEST DAY EVER WOOH," sigaw ni Joy nang makapasok na kami sa dress room na tent. Kumpara sa ibang artists na kasama namin, ang dressing room namin ay 'di hamak na maliit dahil na rin sa kakasimula pa lang ng aming career at ang aming record label but it's okay. I knew there would be progress if we work hard. Natawa naman ako nang mahina nung nagsimulang magbangayan sina Joy at Wendy dahil sa malakas na boses ni Joy. For a moment hindi ko muna sila pinansin at kumuha ng isang bote ng tubig sa maliit na mesa. Nung napagod na 'yung dalawa mag-asaran, they decided to settle down sa tabi ko habang binuksan ni Wendy ang maliit na TV.

 

"And dahil debut day natin ngayon--"

"Debut na hindi tayo ang bida," Joy sassily corrected na ikinangiti ko. Kahit ganiyan si Sooyoung, alam kong pusong mamon 'yan deep inside.

"Whatever, Joy. The point is... nakapag-perform na tayo!!" at sabay silang tumili na parang mga manok. Napa-iling na lang ako sa dorkiness nila.

"So leader Bae, G ka bang kumain sa labas to celebrate our semi-debut day?" tanong sa akin ni Joy habang naka-akbay sa akin. Nakita ko naman ang kanilang mga umaasang mga mata. Magsasalita na sana ako nang marinig ko ang aking pangalan sa telebisyon.

 

"At para sa nagbabagang chika, Irene Bae na leader ng bagong idol girl group na Velvets, pinuna ng mga netizens matapos kumalat ang mga litrato niyang nasa isang club kasama ang isang sikat na boy group..."

 

Matapos kong marinig ang balita, para akong kuting na binuhusan ng yelo sa buong katawan.What? No... This is not happening sa grupo ko. Kakasimula pa lang ng pangarap namin, ng pangarap ng mga ka-miyembro ko. 

 

Naramdaman ko ang pag-iba ng mood sa loob ng dressing room matapos nilang marinig ang balita. Kahit alam ko sa sarili ko na wala akong kasalanan, hindi ko pa rin kayang tignan sina Joy at Wendy sa mga mata. Nakakahiya. Hindi nila deserve ang pabayang leader na katulad ko.

 

"Leader Bae, ano? G ka bang lumabas?" tanong pa rin sa akin ni Joy, unfazed sa narinig niyang balita. Hindi ko maiwasang mapalingon kay Wendy at nagtama ang aming tingin. She gave me a warm smile na para bang sinasabi niyang 'naniniwala kami sa'yo, we trust you.' Sinubukan kong hindi maluha sa silent exchange namin at ngumiti sa kanilang dalawa, to show my gratefulness sa malaking tiwala na ipinagkatiwala nila sa 'kin.

 

"Okay..." lang ang tangi kong sagot dahil nararamdaman ko na kapag nagsalita pa ako ay baka lumabas na ang mga luhang nagbabadyang lumabas sa aking mga mata.

 

Aalis na sana kami nang naramdaman kong nag-vibrate ang aking phone. Kumunot ang aking noo at lihim na tinignan ang aking cellphone. CEO Soo Man Lee. 

Kahit nagtataka at todo ang aking kaba, I decided to answer the phone to be polite and to know kung ano ang kailangan niya.

 

"Sir?"

"I need to speak to you after your schedule for today. Privately." I froze in my seat when I hear those words.

"Sir?"

"I hailed a separate taxi sa'yo and your two members."

Hindi na niya ako hinintay pang sumagot and ended the call.

 

"Tara na Irene?" tanong ni Wendy habang magkahawak-kamay sila ni Joy. I muttered an apology and sinabing may gagawin pa pala ako as an excuse to get away from them. Wala silang nagawa kundi ngumiti to give me comfort.

"Okay, Rene. Magte-takeout kami para sa'yo."

 

 

Ngayong mag-isa na lang ako sa taxi, I prayed na sana... sana hindi na maging malala ito. Sana maging okay din ang lahat.

 

"Finally, you're here," naka-ngising bungad niya sa akin pagkabukas ko ng pinto sa opisina niya.

"Sorry I'm late, sir," nakayuko kong tugon sa kaniya. He asked me to sit in front of him which I shakily did.

"Hindi na ako magpapatumpik-tumpik pa. I'm aware na napanood mo yung recent news, right?" napalunok ako at mahinang tumango, "Would you mind explaining what really happened?" I took that as a sign to explain my side. The truth.

"I don't really intend on coming sa club na 'yun, sir. Napadaan lang po talaga ako dahil naghahanap po ako ng convenience store," tinignan niya lang ako and I continued, "On my way, meron pong group of boys na naghahabulan and one of them dropped their wallet. Ibibigay ko na sana kaagad kaso they're fast. That's why napadpad ako sa club kung saan sila pumunta to return his wallet. They thanked me and umalis ako kaagad," I explained.

 

Pagkatapos kong i-explain ang aking side, he held his chin and went silent for a while.

 

"Alam mo namang kakasimula lang ng company natin, right?" Tumango ako.

"You are aware na rookies pa lang kayo," he pointed out. I nodded again.

 

"I think... this is the best way to boost our sales and the popularity of your group," Napatayo ako sa sinabi niya.

"What?"

"Come on, Irene. Be business-minded here. More scandals means more exposure sa media," he reasoned out and my mind enrages.

"With all due respect sir, I told you the truth and you expect me to just accept what the media portrays me?" 

"Exactly." I held my hand in a tight fist dahil sa galit. Gusto ko na ring maiyak sa frustrations dahil hindi naman talaga totoo ang mga paratang sa akin.

 

"Sir what about that boy group na kasangkop? For sure, marami ring magagalit sa kanila," that was my last resort (attempt) to stop this bull.

"I already talked to their agency and they agreed naman sa proposal ko. This is good sa both sides and like I said, exposure ito. " What the ? Are they serious about this?

"Sir--"

"Look Irene. I'm a very busy man and you don't have a power to say anything about this. You have a contract signed about this. You should be grateful na sinasabi ko pa sa'yo 'to para hindi ka maligaw sa mga mangyayari. Isipin mo na lang yung mga members mo. Sa tingin mo ba magiging masaya sila kung hindi kayo sumikat and mag-disband? You shouldn't be selfish about this Irene. Ikaw pa naman ang leader nila."

Napayuko ako sa narinig. He's probably right. I shouldn't be selfish dito. Kung ang reputasyon ko ang nakasalalay para sa kaligayahan ng mga kaibigan ko, gagawin ko 'to. Just for them. Para maabot namin ang aming pangarap na maging superstars kahit ang kapalit nito ay ang aking katotohanan.

 

"I've made up my mind, sir. I will agree to this... para sa kapakanan ng Velvets."

 

Nakita ko ang malawak niyang ngiti habang tinatapik ang aking balikat.

 

"That's more like it, Irene! Now, you're being a true leader. It's always a pleasure to work with you."

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
kang_ddeul
#1
Chapter 2: wahhh, super cute po ng story! ang gaan lang hihi thank you po for writing this otor-nim! :)))
KSensei #2
Chapter 2: Ang ganda nung story 😌👌🏻
k4a6n9g7
#3
Chapter 2: Si Yerim ba yung insider Otornim?
milley #4
Chapter 1: anticipating for the next update :)))