Ride Home

Description

BREAKING NEWS: Irene Bae, huli sa cam after itong makita sa isang jeep papuntang Taft

 

Nagtrending na naman ang sikat na idol singer at aktres na si Irene Bae nang matagpuan siyang nakasakay sa jeep papuntang Taft Avenue matapos niyang pumunta sa kaniyang recording label na RV Entertainment noong Hulyo 6, 2020.

 

Ayon sa isang insider, itago raw siya sa pangalang 'Sooyoung,' nakita raw niya ito na patagong naglalakad sa isang eskinita na malapit sa kaniyang record label. Ayon kay Sooyoung, ito raw ang paraan ng idol in enjoying life at its fullest at bilang preparasyon na rin sa kaniyang role bilang isang extrang pasahero sa upcoming tv drama na Lost in Translation.

 

Mapapanood ang Lost in Translation ng GMA CBN Network mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Ika-anim na Utos sa Kapitbahay channel.

Foreword

BREAKING NEWS: Bae Irene, huli sa cam after itong makita sa isang jeep papuntang Taft

 

Napahawak si Jennie, who is my manager by the way, sa kaniyang mukha habang binabasa ang headline sa isang sikat na tabloid here in the Philippines. After niyang basahin ang headline and ang story coverage sa harap ko, hindi ko na mapigilan at lumabas na ang aking nakamamatay na halakhak. Nakita ko naman ang pagsimangot ng kaniyang mukha but I don't really mind. Ang funny talaga ng headline, gosh darn it!

 

"Tapos ka na bang tumawa?"

"Hmm," tumango ako habang sinusubukan kong itikom ang aking bibig to refrain myself from laughing too much. Baka lumabas ang dragon na nag-ngangalang Jennie Kim.

"Mind telling me about this story of yours?" Lumanghap muna ako ng maraming hangin bago kumuha ng lakas ng loob para mag-kwento sa kaniya.

"Ganito kasi 'yun..."

Comments

You must be logged in to comment
kang_ddeul
#1
Chapter 2: wahhh, super cute po ng story! ang gaan lang hihi thank you po for writing this otor-nim! :)))
KSensei #2
Chapter 2: Ang ganda nung story 😌👌🏻
k4a6n9g7
#3
Chapter 2: Si Yerim ba yung insider Otornim?
milley #4
Chapter 1: anticipating for the next update :)))