THREE

Waiting Hours

IRENE

 

Nakakatamad pumunta sa gym kanina pero worth it pala ang pagpilit ko sa sarili ko na pumunta dito. May gumagamit ng gym which is from other g10 section, to be specific, nandito ang section ni Seungwan.

 

May PE yata sila ngayon kaya’t nandito sila, well may practice kami for foundation day. Hahataw kami sa stage sa darating na foundation day once again.

 

Simula g7 kami na ang naka-assign na nagpeperform for dance number, this is gonna be our last performance dahil malapit na kami gumaraduate.

 

“Gago, baka halo-halo na tayo. Hindi na yata every section na may rep, lahat na yata ng g10 na may pambato ang kasali.”

 

Umakbay sa akin si Byul habang hawak-hawak ni Solar ang kaliwang kamay niya.

 

“Talaga? sino nagsabi?” Nagulat kong tanong.

 

Sabagay last year na ‘to at baka may balak silang humanap ng pwedeng isali sa dance contest HAHAHA.

 

Umupo na kami sa bench habang pinapanood silang mag exercise, kahit malayo kitang kita ko si Seungwan, haha mas mukha siyang maliit kapag malayuan.

 

Si Jennie, nasa room pa, pinauna kami dahil isasarado niya daw ang room siya kasi ang may hawak ng susi.

 

Saktong natapos ang PE nila Seungwan ng makarating si Jennie sa gym, agad siyang tumabi sa amin. Nasa kaliwa ko si Jennie tapos si Solar nasa kanan ni Byul.

 

“Anong section?” Tanong ni Jennie.

 

“Bloodstone yata .” Sagot ni Solar.

 

“Ahh..okay.”

 

_______________________________________

 

Dahil hindi pa rin ayos ang kotse, i still commute. Nandito parin ako sa waiting shed, it’s raining at dahil lagi nalang malas  ako wala akong dalang payong.

 

Naramdaman ko na pumatak sa likod ng palad ko yung ulan na tumulo galing sa bubong ng waiting shed. Medyo malakas kaya’t papatila muna ako.

 

“Nagkikita tayo EVERY unfortunate events, huh?” Napalingon ako sa kanan ko at nakita si Seungwan na basang basa ang buhok at bag niya na nasa harapan niya.

 

“Bakit ka sumugod sa ulan?” Nag-aalala kong tanong ng makasilong na siya sa waiting shed. Kumuha siya ng panyo sa bulsa niya at pinunasan ang buhok niya.

 

“Wala ka kasing kasama dito ng makita kita.”

 

“Talaga?”

 

“Promise.” Umupo siya sa tabi ko sabay ngumiti. Inabot ko ang buhok niya at ginulo.

 

“Libre kita donut.”

 

“Yan ang gusto ko sayo, may donut.” Asar niya.

 

Hindi naman basang basa ang uniform niya, just her bag and hair. Buti at tumitigil na yung ulan. I suddenly receive a message.

 

Ate Tess: Nak, susunduin ka na ni Kuya Ton. Kakagawa lang ng kotse.

 

“Guess what?”

 

“What?”

 

“Okay na yung kotse namin, susunduin na ako, sabay ka na din dahil same subdi lang tayo diba? patuyo ka na din ng uniform sa amin.” Pagaayaya ko sakanya.

 

“Sure? baka magalit ang magulang mo dahil nagpapa-pasok ka ng stranger sa bahay niyo.”

 

“Okay lang, wala naman dun ang parents ko.”

 

“Okay, sabi mo eh.”

 

I enjoy the ride with Seungwan, she keeps talking about her day and i just sat there and listen. Basa yung back seat kaya’t agad kaming nang-hingi ng sorry kay Kuya Ton, driver namin, at sabi niya it’s alright.

 

“Tapos ayun, akala ko hindi ko nadala yung guitar ko.”

 

Tapos na niyang ikuwento yung nangyari sa gitara niya, she’s from Canada pala at dumating siya dito mga ilang taon na ang naka-lipas.

 

“Gano’n talaga ka-importante yung gitara mo?” Akala niya nakalimutan niya yung gitara niya ng makarating siya dito, she lives with her Tita while her parents are in Canada.

 

“Yes, gano’n kaimportante sakin ang gitara ko. I can’t live without my baby.” Tumawa ako sa sinabi niya.

 

Nakarating na kami sa bahay agad kaming umakyat sa kwarto ko para makapag-palit na siya. I lend her my clothes na kasya sa kanya. Pinasampay ko muna yung basa niyang uniform.

 

“Nak, mamaya tatawag ang mommy niyo. Gagawa ako ng lugaw kung gusto niyo,”

 

“Sige po Ate Tess,” Ngiti ko at umalis na si Ate Tess sa kwarto.

 

Nasa cr parin si Seungwan at napapalit, nakapag-palit nadin ako at nagpatuyo ng buhok.

 

Lumabas na sa kwarto si Seungwan suot ang white na t-shirt ko, ang cute niyang tignan habang suot ang shirt ko.

 

“Gagawa si ate Tess ng lugaw, dito ka muna ng medyo matagal. ‘Di pa naman tumitila ang ulan, baka magkasakit ka.” Ani ko sakanya at lumakad papunta sa kanya.

 

Inayos ko yung magulo niyang buhok, nakatitig lang siya sa mukha ko kaya’t napaatras ako ng konti.

 

“Para tayong mag-jowa.” Ani ni Seungwan.

 

“Sira.”

 

“Ayaw mo ba?”

 

“May sinabi ba ako?”

 

Napangiti nalang siya ng nakakaloko at kinindatan ako, agad naman akong napatakip ng bibig para itago yung ngiti ko. Son Seungwan,,,,sigh.

 

“Sorry to interrupt your bebe time Ate pakilala mo muna siya sa akin pati kay Ate Tess diretso kwarto agad eh.” Tuluyan na akong lumayo kay Seungwan at nilingon si Yeri na nakatayo sa harap ng pintuan.

 

“A-ah.. Yeri si Seungwan, my friend.”

 

“Seungwan she’s my sister.” Kumaway si Seungwan kay Yeri.

 

“Hahaha cute mo naman Seungwan,” Ani ni Yeri at kumaway pabalik.

 

“Jowa mo ate?”

 

“Hindi ah,” Tanggi ko.

 

“Kaibigan lang kami ng Ate mo,”

 

“Actually it’s our second time that we met each other. Hindi naman kami gano’n ka-close but in a short time we clicked.” Sabi ko para maklaro ang lahat kay Yeri, ayaw ko ng magpaliwanag mamaya.

 

Tumango lang si Yeri at iniwan na kami, tinignan ko si Seungwan ulit at ngumiti lang siya.

 

“Kain na tayo ng lugaw sa baba.” Pag-aaya ko sakanya.

 

“Sige, and i’m also gonna text my Tita na nandito ako sa bahay ng kaibigan ko, para hindi naman siya mag-alala.”

 

Ngumiti ako at hinawakan ang braso niya saka kami umalis ng kwarto at bumaba. It’s kinda strange for me na i easily warm up with Seungwan kahit hindi maganda yung una namin pagkikita at we barely know and talk to each other but when i listen to her story during the car ride with her and when she suddenly showed up sa waiting shed, i feel like i know her for long.

 

“Uminom ka ng vitamins at kahit anong prutas na rich with vitamin c para hindi ka sipunin or worst lagnatin, naulanan ka eh.” Sabi ni Seungwan habang pababa kami ng hagdan nakahawak parin ako sa braso niya. Her skin feels warm kahit malamig ang simoy ng hangin sa loob ng bahay.

 

“Opo, crush.”

 

“Crush mo na ko niyan?”

 

___________________________________

Yung ‘try ko mag-update later’ natagalan hahaha, anways keep supporting our cake girls! they’re coming back soon! stay safe!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
mochito
malapit na comeback ng red velvet, handa na ba kayo?

Comments

You must be logged in to comment
Paparapakyaw #1
Chapter 3: Yiiiieeee nag click agad sila ang speed ha

Pero shuta sana naman wag maging angst 'to natrauma na ko sa twitter HAHAHAHA titles can be deceiving. Knee waze waiting for the next chap otor-nim!
Wannieblue #2
Chapter 2: Alam kong maaga pa para sabihin ito pero sa totoo lang otornim may trauma na ako magbasa ng au or aff haha pero nakakapagbasa naman talaga ako ng angst eh kaso dahil dun sa nabasa kong au sa twitter natrauma na ako. Madami na tuloy scenario na pumapasok sa utak ko hahaha. Pero otornim sana po pag angst ang ending pa warning po para di na ganun katagos sa puso yung sakit :))))


Kahit nasa 3rd chapter pala lang. JUST KEEP IT UP OTORNIM! Maraming salamat sa update :D
avocado_toast #3
Chapter 2: kebs lang na may angst chapters pero kung magiging angst ang ending, pasabi naman habang maaga. btw,,, sana all may libreng donut HAHAHAHAHA
Paparapakyaw #4
Chapter 2: Sabi na may angst sa mga chapters neto sa future eh
ಥ╭╮ಥ
-WenRene15- #5
Chapter 1: I really hope it won't turn to angst
luviedeul #6
Chapter 1: Interesting 👀 Pero sana hindi angst hihe
hardcolors #7
Chapter 1: Well, im translating this with google, hope it wont be too far from the original meaning. And it seems interesting.
Love03 #8
Chapter 1: Parang angst to huhu
avocado_toast #9
Chapter 1: magkakasakitan tayo kapag ginawa mong angst to!!! maawa ka na sa puso ko huhuhu