ONE

Waiting Hours

PROLOGUE

 

“Lalamig na yung kape mo, inumin mo na.”

 

Tumutugtog ang kantang Hold On ng Chord Overstreet sa loob ng coffee shop. Pumapatak ang ulan sa bintana, malabo na ang salamin.

 

Inabot ni Seungwan yung kape niya na kanina pa hindi nagagalaw niya.

 

“Hindi ka ba kailangan sa ER ngayon?” Hinatak ni Lisa ang upuan sa tapat ni Seungwan.

 

“May mga ibang Doctor na ang nandoon,” sagot ni Seungwan. “Sino yung nagpatugtog ng background music kanina?”

 

“Si Taemin, siya kasi yung laging nagpapatugtog ng kanta dito sa loob ng shop.”

 

Napangiwi si Seungwan, ang panget kasi ng kanta para sakanya, hindi bagay sa mood niya ngayon.

 

“Nasaan na pala si Ate Irene?” Tanong ni Lisa.

 

“Nasa bahay nila, wala siyang masyadong ginagawa these days. Uuwi ako ng maaga mamaya para makapag-luto ng dinner, tapos na shift ko ng mga 9.”

 

“Sabay na tayo, isasarado ko din ng maaga ang shop ngayon.” Sambit ni Lisa at pinatong ang braso sa lamesa.

 

“Minsan mag bake ka ng cupcakes,” Tinignan ni Seungwan si Lisa. “Miss na ng mga regular costumer dito yung cupcake na gawa mo.”

 

“Sige kapag may time ako.” Ngiti ni Seungwan.

 

Nag bake na minsan si Seungwan ng cupcakes at binenta niya ito dito sa shop ni Lisa. Matagal na silang mag-kaibigan kaya’t hindi na sagabal si Lisa sa schedule ni Seungwan.

 

_______________________________________________

 

Nakasandal ang likod ni Seungwan sa dingding ng hallway, nakalagay ang kamay niya sa bulsa ng pants niya, sumisipol-sipol.

 

Tapos na ang last surgery niya ngayon pero kailangan parin siya mamaya sa ER kaya tumambay lang siya sa may hallway.

 

“Kumain na kaya si Joohyun?” Tanong niya sa sarili niya.

 

“Doc!”

 

Agad na lumingon si Seungwan sa taong tumawag sakanya, si Chanyeol, first assist niya every surgery nila.

 

“Bakit Chanyeol? Kailangan na ba ako sa ER?”

 

Inabot ni Chanyeol yung kapeng hawak niya at binigay ito kay Seungwan, at ngumiti siya.

 

“Napansin ko po kanina sa loob ng ER habang nag per-perform po tayo ng surgery pumipikit-pikit na yung mata niyo,”

 

“Ah..salamat Chanyeol. Dapat hindi ka na bumili dahil malapit na naman matapos ang shift ko.” Humigop si Seungwan sa kape.

 

“Okay lang po, nagpabili din po kasi sila sa akin kaya binilhan ko din po kayo.”

 

Umalis na si Chanyeol pagkatapos niyang mag-paalam sakto na din na ubos na yung kape. Nginudngod ni Wendy ang mukha niya sa palad niya, inaantok na siya.

 

Halos alas-onse na ng gabi, hindi mo na din masisi si Seungwan. Buti nalang at hindi siya naka-tulog sa surgery kanina.

 

Naglakad papunta si Seungwan sa on-call room nila para makapag-pahinga at maka idlip na din para hindi siya sabaw mamaya pag-uwi.

 

Nang makarating na si Seungwan agad siyang humiga sa sofa.

 

“Hay salamat...nakahiga na din,” Ngiti ni Seungwan.

 

Minsan dito na siya nagpapalipas ng gabi kapag umaabot ng madaling araw siya sa hospital kaya’t minsan nag-aalala si Joohyun.

 

“Tulog na kaya si Joohyun?”

 

Tiniklop ni Seungwan ang braso niya at pinatong niya ang ulo niya sa braso niya para magsilbing unan niya.

 

Lowbat ang cellphone ni Seungwan kaya’t hindi niya matawagan o mai-text si Joohyun.

 

_______________________________________________

 

Nagsimula ng mag-linis si Seungwan ng apartment niya, hindi na masyadong nakaka-uwi si Seungwan sa apartment niya kaya’t medyo madumi na, pero minsan ay naglilinis si Joohyun kapag bumibisita siya.

 

Nagpapatugtog si Seungwan ng pop old songs, nakagawian niya na kapag naglilinis siya.

 

“Good Morning, Wan.” Paos at halatang bagong gising ang bumati sa likod ni Seungwan.

 

“Good Morning din, Hyun.” Binitawan ni Seungwan ang hawak niyang walis at niyakap ang girlfriend niya, si Joohyun.

 

Kagabi lang sila ulit nagkasama, galing si Joohyun sa bahay nila bago pumunta sa apartment ni Seungwan.

 

Hinawi ni Seungwan ang buhok na nakaharang sa mukha ng girlfriend niya.

 

Walang suklay at hindi pa nagsisi-pilyo si Joohyun.

 

Siniksik ni Joohyun ang mukha sa leeg ni Seungwan at nilingkis ang bewang ni Seungwan.

 

“I’m sorry..”

 

“I love you Wan, hindi naman ako galit, nagtampo lang ako.”

 

Kagabi nagkasagutan ang dalawa dahil nagsigawan ni Seungwan si Joohyun, may tinatanong kasi si Joohyun kay Seungwan na hindi naman gano’n kaimportante, si Seungwan busy sa kung ano man ang ginagawa niya sa laptop niya.

 

Ayun, dahil mataas ang pride ni Seungwan hindi niya pinansin magdamag si Joohyun.

 

“Stress lang ako kagabi kaya’t nagsigawan kita, i’m sorry kung hindi ko maibaba ang pride ko.”

 

Ngumiti lang si Joohyun at inangat ang mukha mula sa leeg ng girlfriend niya. She peck her lips, tumingin sakanya si Seungwan sabay ngumiti.

 

Simple lang naman sila mag-bati isang hug lang ng isa bati na sila, kapag ibinaba na ni Seungwan yung pride para kay Joohyun bati na sila.

 

Kumalas na yung dalawa sa yakap at pinagpatuloy na ni Seungwan yung paglilinis niya, si Joohyun dumiretso sa kusina para magluto ng almusal nila.

 

Binuksan ni Joohyun ang kalan, nilagay ang kawali at kinuha ang bread sa mini storage room nila. Napabuntong hininga siya.

 

Hindi niya alam kung paano niya sasabihin kay Seungwan ito. Hindi siya naglilihim kay Seungwan kaya’t mahirap sakanya mag-desisyon.

 

Pero siguro dapat niyang sabihin ito bago sa iba pa malaman ni Seungwan.

 

Kakaayos lang namin kanina tapos may panibago nanaman. Isip ni Joohyun.

 

Joohyun spread the butter on the pan before she put the bread on it.

 

“Wan!” Tawag niya.

 

“Bakit?”

 

“Usap tayo, may sasabihin ako.”

 

Narinig na ni Joohyun ang yapak ni Seungwan na palakad na sa kusina. Mas lalong kinakabahan siya sa kung anong magiging reaksyon ng girlfriend niya.

 

“Ano yun Hyun? bakit hindi mo sinabi kanina.” Seungwan suspiciously asked.

 

Kinuha ni Joohyun ang kamay ni Seungwan at hinawakan ito. Nagtataka na si Seungwan sa mga kinikilos ni Joohyun.

 

“Please Wan don’t be mad or anything.” Tumango si Seungwan. “So i’m preparing for my comeback, right? pinakilala na nila sa akin yung mga makakatrabaho ko, hindi pa naman ngayon pero soon. And one of the back-up dancers is..Jackson.”

 

Walang reaksyon si Seungwan, neutral. Nakatingin lang siya kay Joohyun.

 

“Okay.” Simple niyang sagot.

 

Natameme si Joohyun sa reaksyon ni Seungwan.

 

“Hindi ka galit?”

 

“No, bakit naman? i trust you Joohyun and i love you.” Hinatak ni Seungwan si Joohyun at niyakap.

 

“Hindi ko siya ooperahan if ever na may mangyari,” Biro ni Seungwan.

 

Tumawa si Joohyun at sinuntok ang braso ni Seungwan.

 

Jackson is Joohyun’s ex, good guy naman si Kuya Jack pero syempre mahirap na, Seungwan is just being overprotective, si Jackson ang pinaseselosan talaga ni Seungwan dati pa.

 

_______________________________________________

 

Wahhh, nervous ako sa thoughts and reactions niyo sa story ko. Please leave a comment juseyo, hehe gagawin kong motivation yung nga comments niyo either negative or positive :) yun lang. Ddu Ha!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
mochito
malapit na comeback ng red velvet, handa na ba kayo?

Comments

You must be logged in to comment
Paparapakyaw #1
Chapter 3: Yiiiieeee nag click agad sila ang speed ha

Pero shuta sana naman wag maging angst 'to natrauma na ko sa twitter HAHAHAHA titles can be deceiving. Knee waze waiting for the next chap otor-nim!
Wannieblue #2
Chapter 2: Alam kong maaga pa para sabihin ito pero sa totoo lang otornim may trauma na ako magbasa ng au or aff haha pero nakakapagbasa naman talaga ako ng angst eh kaso dahil dun sa nabasa kong au sa twitter natrauma na ako. Madami na tuloy scenario na pumapasok sa utak ko hahaha. Pero otornim sana po pag angst ang ending pa warning po para di na ganun katagos sa puso yung sakit :))))


Kahit nasa 3rd chapter pala lang. JUST KEEP IT UP OTORNIM! Maraming salamat sa update :D
avocado_toast #3
Chapter 2: kebs lang na may angst chapters pero kung magiging angst ang ending, pasabi naman habang maaga. btw,,, sana all may libreng donut HAHAHAHAHA
Paparapakyaw #4
Chapter 2: Sabi na may angst sa mga chapters neto sa future eh
ಥ╭╮ಥ
-WenRene15- #5
Chapter 1: I really hope it won't turn to angst
luviedeul #6
Chapter 1: Interesting 👀 Pero sana hindi angst hihe
hardcolors #7
Chapter 1: Well, im translating this with google, hope it wont be too far from the original meaning. And it seems interesting.
Love03 #8
Chapter 1: Parang angst to huhu
avocado_toast #9
Chapter 1: magkakasakitan tayo kapag ginawa mong angst to!!! maawa ka na sa puso ko huhuhu