TWO

Waiting Hours

“Nawawala yung sapatos ko!!”

 

Halos magwala na si Joohyun kakahanap ng sapatos niya, tinignan niya ang ilalim ng upuan niya, wala. Ang katabi ni Joohyun, si Jennie nagising sa sigaw niya.

 

“Tangina niyo talaga, ilabas niyo na sapatos ko.”

 

Nagtatawanan yung mga classmate ni Joohyun sa pinaggagawa niya, tinago ng classmate niyang si Moonbyul yung sapatos niya habang natutulog siya.

 

Pagod silang lahat sa PE, galing sila sa gym kanina bago sila natulog. Walang sunod na subject yung PE nila kaya’t natulog muna sila para makakuha ng lakas mamayang next subject.

 

“Gurl, hindi na ako magtataka na si Byul yung nagtago ng shoes mo.” Mataray na saad ni Jennie, kanina pa siya naiirita sa kaibigan niya.

 

“Moonbyul!!”

 

Si Moonbyul natatawa habang pinapanood ang komisyon sa loob ng classroom, nasa labas siya ng classroom nakasilip sa bintana.

 

Nakipag-apir pa siya kay Solar, kaibigan din ni Joohyun, na nakisakay sa kalokohan ni Byul. Kaya lang naman sinasakyan niya ang trip ni Moonbyul eh, crush niya si Moonbyul. Vocal naman si Solar about doon at alam din ni Moonbyul.

 

Ang section talaga nila Joohyun ang pinaka-maingay na section ng grade 10 building.

 

Nagulat si Moonbyul at Solar ng may nagbukas sa pintuan, si Joohyun na nakatingin ng masama sa dalawa. Naglalakad na isa lang ang sapatos, paano ba naman hindi mawawalan ng sapatos eh hindi nakasuot ng husto sa paa niya.

 

Agad na binigay ni Moonbyul yung sapatos ni Joohyun sakanya bago tumawa ng malakas, si Solar nag peace sign lang kay Joohyun na kanina pa mainit ang ulo.

 

_______________________________________________

 

Hindi naman siguro gano’n kalaki ang sama ng loob ng mundo kay Joohyun, diba? Sapat na siguro yung isang araw na nabato siya ng bola ng volleyball sa ulo, muntik ng mawala yung sapatos niya.

 

“Ahhh!! Bwiset!”

 

Inabot ni Joohyun ang paa niya at tinignan ang talampakan ng sapatos niya, may tae amputa.

 

Naka-apak siya ng tae habang naglalakad palabas ng school, kasabay dapat niya si Jennie pero may ibang pupuntahan ang dalaga kaya dumaan ito sa kabilang gate.

 

Huminto si Joohyun sa paglalakad at naghanap ng madamong lupa. Ng may nakita siya sa palingon-lingon niya agad siyang pumunta doon at kinuskos ang sapatos sa damo.

 

Suminghap siya bago chineck kung may natira pa, wala na. Buti naman. Nakahinga na siya ng maluwag.

 

Nagsimula na siyang maglakad papunta sa sakayan ng taxi. Huminto siya sa side-walk, kumuha ng wet wipes sa bag niya at pinunasan ang kamay niya.

 

Mga ilang minuto ay kinumpas niya ang kaliwa niyang kamay ng makita na may paparating na taxi. Nakangiti na siya ngayon at hindi na nakasimangot katulad kanina.

 

Akmang bubuksan niya na yung pinto ng taxi ng may humawak sa braso niya at tinawag ang pangalan niya.

 

Lumingon siya sa babaeng humawak sa braso niya at tumawag sa kanya. “Joohyun, paki sabi kay Ma’am hindi ako makakapasok bukas, may emergency kasi eh.” Sambit ni Soyeon, classmate niya.

 

“Sige.” Ngiti ni Joohyun at tumango.

 

“Ay wait, pwedeng ako nalang muna mauna? may pupuntahan kasi ako eh.” Pahabol ni Soyeon.

 

Bago pa si Joohyun makasagot binuksan na ni Soyeon yung driver seat at pumasok. “Salamat!” Paalam ng dalaga kay Joohyun.

 

Umatras si Joohyun paatras at suminghap.

 

“Putangina..”

 

Konti nalang talaga mauubusan na ng pasensya si Joohyun.

 

________________________________________________

 

Muntik ng maubos ni Joohyun ang nilagang itlog na pinakuluan ni Aling Tessa. Katulong nila. Nakaupo siya sa isa sa mga stools, nakasuot ng pajama dahil mamaya ay matutulog na din siya.

 

Nag-rereview para sa quiz nila bukas, syempre kokopya nanaman yung mga kaibigan niya sa kanya. Nasa kaliwang kamay ang nilagang itlog, sa kanan naman ang ballpen.

 

Minsan lang umuwi sa bahay ang magulang ni Joohyun dahil sa trabaho, napaka common sa mga households na mayayaman. Joohyun was used to it kaya’t, nandiyan naman yung kapatid niyang si Yeri.

 

“Aling Tessa, gawa na po ba yung kotse?”

 

Inubos na ni Joohyun yung nilagang itlog na nasa kamay niya. “Hindi pa Joohyun eh,” Sagot ni Aling Tessa na nagluluto ng itlog.

 

“Okay po, kailangan ko kasing pumasok ng maaga bukas. May quiz kami.”

 

“Gigisingin nalang kita ng maaga,” Ngumiti si Joohyun bago pinagpatuloy ang pag-rereview.

 

 

Nakahiga si Joohyun habang hawak ang ipad niya, nanonood lang siya ng random videos sa YouTube to kill some time. At bago na din siya matulog, nagpapatugtog si Yeri sa kwarto niya pero rinig hanggang sa sala.

 

May nagbukas ng pinto, lumabas si Yeri sa kwarto niya kaya’t umalingaw ang kanta na pinapatugtog niya sa kwarto niya.

 

“Ate, anong isasagot ko sa ‘Hahaha’?”

 

Bumungad si Yeri sa harap ni Joohyun, binaba ng konti ang ipad ni Joohyun habang nakatingin kay Yeri.

 

“Depende kung saan natatawa ang kausap mo,”

 

“Ah..okay.”

 

Umupo si Yeri sa upuan sa sala at pinatong ang paa sa coffee table.

 

“Kayo parin ba ni Kuya Jackson?”

 

“Hindi na. I broke up with him.” Joohyun simply said.

 

“Buti naman, pero mabait naman siya ‘diba?”

 

“Pero bakit parang wala lang sayo, minahal mo ba talaga?”

 

Pinush pa ni Yeri ang topic kahit alam niyang maiirita ang ate niya, syempre curious siya dahil nag-break yung dalawa ng hindi niya inaasahan.

 

Joohyun and Jackson is a good couple, they date, they are very genuine to each other. Nandiyan sila para sa isa’t-isa.

 

“I loved him, pero we just figured out na we’re just friends. He also loved me pero parang friends lang talaga ang nararamdaman namin sa isa’t-isa.” Pinatay ni Joohyun yung ipad niya.

 

“Bakla ka ba Ate?”

 

Muntik ng masamid si Joohyun sa sinabi ng kapatid, walang pasintabi na sinabi ng kapatid. Wala talagang preno ang bibig ng kapatid niya.

 

“I don’t know, hindi ako sure.” Joohyun shrugged na parang hindi siya muntik masamid kanina.

 

“Tanggap na naman kita Ate, ‘wag kang mag-alala.” Ngiti ni Yeri.

 

“Halika ka nga, come to Ate.”

 

Masayang lumakad si Yeri papunta sa ate niya at niyakap siya ng mahigpit. Masyadong open minded si Yeri para sa edad niya and Joohyun is very thankful for it.

 

________________________________________________

 

Nakapag-patuyo parin si Joohyun kahit sobrang konti nalang ang oras para makapag-prepare siya.

 

Nakasuot na siya ng uniform, suklay na ang buhok, at toothbrush. Agad niya pinatay ang blower at tinggal sa saksakan, kinuha niya yung bag niya sa bed niya at lumabas ng kwarto.

 

Kinuha niya ang phone niya sa bulsa ng palda niya, “6:36, .” Mura niya ng makita ang oras. 7:30 ang simula ng klase niya.

 

Bumaba na siya at nagpaalam ng hindi lumiligon kay Aling Tess. Lumabas na siya sa bahay nila at nag-abang ng dadaan na taxi.

 

Mga tatlong taxi ang nilagpasan siya. Tinignan niya ulit yung cellphone niya, “6:45, malapit na mag-start ang klase ko, at malapit na din akong maubusan ng pasensya.” She whispered under her breath.

 

May nakita siyang taxi kaya’t agad siyang kumaway pero katulad din ng tatlong taxi kanina, nilagpasan siya.

 

“ING TAXI, Kapag talaga hindi ako makakaabot sa quiz!” Nanggigil na sabi ni Joohyun.

 

May paparating na taxi, medyo malayo pero naaninag ni Joohyun na taxi iyon. Pumunta siya sa gitna ng daan, tumayo siya doon.

 

Papalapit na yung taxi at huminto sa harap niya. Napangiti si Joohyun.

 

Kumatok siya sa bintana ng shotgun seat, binaba ng driver yung bintana. “Ma’am pasensya na po, may naka-sakay na po.”

 

“I don’t care. Late na ako.”

 

Pumuna si Joohyun sa pintuan ng backseat at binuksan ang pinto, may naka-sakay na nga, but she don’t give anymore, isa lang naman yung nakasakay eh.

 

“Miss, ‘diba nakasakay na ako?”

 

Tinignan ni Joohyun ang babaeng nakasakay, bumaba ang tingin niya sa uniform ng babae. May patch ng SMU same school sila.

 

“I will missed my quiz today, usog.” Utos ni Joohyun.

 

Nakatulala yung babae kay Joohyun at umusog ng konti kaya’t pumasok na si Joohyun. This make the passenger fumed.

 

“Excuse me Miss, you don’t have any rights to enter this taxi when there’s still passenger inside.”

 

Lumingon sa kanya si Joohyun, “Schoolmate tayo, for your information. I don’t ing care about your rights, now. Parehas lang naman ang pupuntahan natin.”

 

The girl gritted her teeth. “Kahit na, i pay for this taxi.”

 

“Edi magbabayad din ako, problem?”

 

This make the girl silent, ayaw niya ng makipag-argue pa kaya’t nanahimik nalang siya.

 

“Kung gumising ka kasi ng maaga para hindi ka mahuli. Napaka iresponsable mo naman student.” The woman comment.

 

“You don’t know what’s the reason.”

 

Nagpatikim ng bibig yung babae, she suddenly feel bad for this woman beside her pero yung pride niya ay mas mataas kaysa sa height niya.

 

“I’ll treat you lunch later, grade 10 student ka right? parehas tayo ng color ng ID.” Sambit ni Joohyun, without looking at the woman.

 

“I want donuts mamaya, intayin kita sa labas ng classroom niyo. Section?” Tanong ng babae.

 

“Diamond,” Sagot ni Joohyun.

 

“Ah kaya pala..” Bulong ng babae.

 

“Bloodstone, sa third floor. Malapit lang pala section niyo, hindi na ako maghahanap.” Ngiti ng babae.

 

“Anong pangalan mo?” Tanong ng babae.

 

“Bakit?”

 

“Baka kasi magtago ka or takasan mo ako,” Joohyun scoff.

 

“Joohyun Bae, kung hindi mo ako makita sa loob itanong mo nalang.” Tumango yung babae.

 

“Seungwan Son, so quits na tayo.”

 

________________________________________________

 

Nang sinabi na ng teacher nila ang scores nila sa quiz, napawi lahat ng inis,galit, at pagod nilang lahat, especially Joohyun. Half of the pupils in Diamond got the perfect score kasama na si Joohyun at ang kalahati naman ay may 1 mali but it’s better than zero, diba?

 

Himala at walang kopyahan ang naganap, ng makarating sila Joohyun at Seungwan sa school halos wala ng tao ang nasa labas. Well si Seungwan cool lang dahil hindi pa nagsisimula ang klase nila.

 

“Kabado bente ako kanina habang nagtatanong na si Ma’am.” Moonbyul chuckles.

 

Pinatong ni Joohyun ang kanan niyang braso. Tapos na ang quiz nila kaya’t second subject naman, maya-maya pa iyon kaya chill muna sila ngayon.

 

“Halika kayo, may napanood ako sa YouTube kung paano manghula ng kapalaran.”

 

Lumingon sila kay Solar na umupo na sa bakanteng upuan na katabi ni Moonbyul.

 

“Except sayo Moonbyul, ako ang kapalaran mo.” Banat ni Solar.

 

Tumawa lang si Moonbyul at umiling.

 

_____________________________________________

 

Natapos na yung panghuhula keme ni Solar at nagdadaldalan nalang sila. Ang daming kwento ni Solar sa kanila, malapit na kasi ang sem-break kaya’t excited na silang apat.

 

“Ang daming kong plano sa sem-break, swimming kaya tayo?” Suhestisyon ni Solar.

 

“Ang common naman ng swimming, why don’t we go karaoke or let’s go somewhere far from our homes.” Sumangayon naman silang tatalo sa sinabi ni Jennie.

 

Nakikinig lang si Joohyun sa kanilang apat, nag dradrawing kasi siya sa ipad niya. She suddenly wants to learn digital drawing, it got her interest somehow.

 

Uuwi siya sa isa pa nilang bahay ngayon darating na sem-break, iyon ang unang bahay nila kaya’t luma na at nirerenovate.

 

“Guys, sama kayo sa akin this sem-break. Dalawa lang kami ni Yeri eh.” Sabat ni Joohyun sa tatlo na nag-uusap kung paano nila ii-spend ang sem-break.

 

“Sige lang Joohyun, basta libre pagkain.” Tumango si Joohyun kay Solar bago pinagpatuloy yung pag-drawing niya sa ipad.

 

“Joohyun! May naghahanap sayo,”

 

Tumayo si Joohyun at tinignan ang classmate niyang nakatayo sa pintuan, binaba niya yung pencil ng ipad niya. Tinanong pa siguro ng classmate niya kung anong pangalan dahil lumapit ito sa pintuan

 

“Seungwan daw ang pangalan.” Dugtong ng classmate niya.

 

‘Diba lunch pa niya illilibre si Seungwan? bakit ang bilis naman. May next subject pa siya eh.

 

Tama kaya ang hula ni Solar? Hahaha, no way. Isip ni Joohyun.

 

Agad na pumunta si Joohyun sa labas ng classroom nila hindi na niya nasagot o nalingon man lang yung tatlong kaibigan niya na tinatanong kung sino si Seungwan.

 

“Matagal pa ang lunch namin kaya’t ngayon na ako magpapalibre.” Bungad ni Seungwan kay Joohyun.

 

“Ha? bakit? malapit ng mag-start ang next sub namin.”

 

“Gaano katagal bago mag start?” Tanong ni Seungwan at tinignan ang wrist watch niya.

 

“45 minutes.”

 

“Let’s go, may 15 minutes pa tayo kung sisibat na tayo ngayon. Stop talking, start walking.” Hinatak ni Seungwan ang pulsuhan ni Joohyun at naglakad ng mabilis.

 

Nasabayan na ni Joohyun ang pace ni Seungwan. Medyo malayo kasi ang canteen sa building nila, and might be impossible ng makakarating sila ng sa oras.

 

“Tekla lang, aabutin ng 20 minutes tayo sa paglalakad, so kung may 15 minutes tayo madagdagan ng 5 dahil...maliit lang ang biyas natin.”

 

“Who said that it will take 20 minutes? may alam akong short cut. Will only took 5 and a half minutes, may na save tayong 10 minutes.” Lumingon sakanya si Seungwan at kumindat.

 

Lumiko sila sa hallway na walang classroom, ang building grade 10 madaming pasikot-sikot na hindi mo malalaman kung hindi ka maggagala.

 

Huminto si Seungwan malapit sa ilalim na hagdan.

 

May isang malaking butas sa ding ding. Parisukat ang butas kaya’t kasya ang isang tao.

 

“Dito kami lagi lumalabas para hindi mahuli ng mga naggagalang teachers or principal. Ang labas nito likod ng canteen.”

 

Lumakad si Seungwan sa butas at sumuot.

 

Huminto si Joohyun, nasa second floor sila.

 

Tatalon ba ako? Isip ni Joohyun.

 

“Wag kang mag-alala, may hagdanan sa labas nito. Dito dumadaan ang mga taong nasasaraduhan sa loob ng building.”

 

Lumabas na ng tuluyan si Seungwan sa butas, may nakalagay na hagdanan paglabas kaya’t bumaba na siya.

 

Nang makababa na siya agad niyang nakita si Joohyun na nakasilip sa baba.

 

“Putangina, ang taas nito Seungwan.”

 

Napapikit ang dalaga at medyo nanginginig na nakakapit sa pader.

 

“Hey! Joohyun ‘wag kang matakot may hagdanan kung hindi ka parin nagtitiwala sa hagdanan or sa sarili mo. Then trust me, kapag nahulog ka sasaluhin kita, don’t worry.”

 

Naging gentle ang tono ng boses ni Seungwan na para bang sinasabi niya na magtiwala lang sakanya, yung tono ng boses na gusto mong panghawakan yung sinabi niya.

 

“ you talaga Seungwan.”

 

Nakapikit na bumaba si Joohyun sa hagdanan, nakakapit siya ng maigi sa bakal nito at nakababa na siya ng maayos. Hindi naman gano’n kataas ang hagdanan, kakaiba talaga ang building nila.

 

Sinuntok ni Joohyun ang braso ni Seungwan ng humarap na siya dito at tumawa lang ang nasuntok.

 

Mabilis na sila naglakad sila papunta sa canteen, wala na silang pinalipas na oras at bumili na sila ng donut.

 

Hindi na namili si Seungwan dahil kanina pa siya nakapili ng bibilhin niya.

 

“Ngayon ko lang nalaman yung short cut na ‘yon, siguro akyat bahay ka ‘no?”

 

“Ako akyat bahay? masyado lang talagang makati ang talampakan ng mga kaibigan ko kaya kung saan saan kami nakakarating.” Depensa ni Seungwan sa sarili.

 

Naglalakad na sila pabalik habang kinakain ang donut nila, himala at walang naggagala na mga teacher or principal.

 

Tinignan ni Seungwan ang wrist watch niya, “.” Sambit niya ng makita niya na nagsisimula na ang klase nila.

 

“Bakit?” Nagaalalang tanong ni Joohyun.

 

“Late na ako, but don’t worry akong bahala.” Kindat si Seungwan.

 

“Kung late ka na, sabihin mo sa next sub teacher mo pumunta ka sa infirmary.” Sambit ni Seungwan.

 

Tinignan ni Joohyun ang cellphone niya, “I still have 15 minutes bago mag start, salamat sa adventurer mong kaibigan. Sabihin mo talo pa nila si Dora.” Natawa silang dalawa.

 

Nang makarating na sila sa second floor ng building nila dito na sila nag hiwalay ang daan.

 

“Salamat sa donut Joohyun!” Pahabol ni Seungwan at nilagay ang paper bag na basura sa bulsa niya.

 

Lumingon si Joohyun at pinanood si Seungwan hanggang sa umakyat na ito sa hagdan.

 

 

_____________________________________________

 

HAHAHA, baka mapatay ako kapag nag angst ako pero syempre....this still have angst chapters

 

Comment niyo tots niyo sa sa chapter na ‘to.

 

And also i’m very touch to one of my subscribers, itra-translate niya daw sa google itong story para mabasa niya. I’m planning to make a english version of this story kapag maganda ang daloy. Yun lang, ingatz!

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
mochito
malapit na comeback ng red velvet, handa na ba kayo?

Comments

You must be logged in to comment
Paparapakyaw #1
Chapter 3: Yiiiieeee nag click agad sila ang speed ha

Pero shuta sana naman wag maging angst 'to natrauma na ko sa twitter HAHAHAHA titles can be deceiving. Knee waze waiting for the next chap otor-nim!
Wannieblue #2
Chapter 2: Alam kong maaga pa para sabihin ito pero sa totoo lang otornim may trauma na ako magbasa ng au or aff haha pero nakakapagbasa naman talaga ako ng angst eh kaso dahil dun sa nabasa kong au sa twitter natrauma na ako. Madami na tuloy scenario na pumapasok sa utak ko hahaha. Pero otornim sana po pag angst ang ending pa warning po para di na ganun katagos sa puso yung sakit :))))


Kahit nasa 3rd chapter pala lang. JUST KEEP IT UP OTORNIM! Maraming salamat sa update :D
avocado_toast #3
Chapter 2: kebs lang na may angst chapters pero kung magiging angst ang ending, pasabi naman habang maaga. btw,,, sana all may libreng donut HAHAHAHAHA
Paparapakyaw #4
Chapter 2: Sabi na may angst sa mga chapters neto sa future eh
ಥ╭╮ಥ
-WenRene15- #5
Chapter 1: I really hope it won't turn to angst
luviedeul #6
Chapter 1: Interesting 👀 Pero sana hindi angst hihe
hardcolors #7
Chapter 1: Well, im translating this with google, hope it wont be too far from the original meaning. And it seems interesting.
Love03 #8
Chapter 1: Parang angst to huhu
avocado_toast #9
Chapter 1: magkakasakitan tayo kapag ginawa mong angst to!!! maawa ka na sa puso ko huhuhu