Ano Bang Problema Mo?

The Disastrous Life of Kang Seulgi
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Kakatapos lang ng klase nila Seulgi at kasalukuyan silang patungo sa caf ngayon para mag lunch. 12:30 kase ang tapos ng klase kaya eto siya at gutom na gutom na.

 

Kasabay niya ngayon ang lima niyang mga kaibigan na sobrang ingay na naglalakad takbo na kung aakalain mo eh may babakbakan na magaganap.

 

"Ang bagal nyo mauuna na ako di na kaya ng mga alaga ko." pasigaw ni Jisoo na ngayon ay tumatakbo na habang himas ang tiyan.

 

Nakasunod naman sa kanya sina Jeongyeon at Moonbyul na lakad takbo narin ang ginagawa.

 

"Hay nako! Wala ng bago. Di na talaga nahiya yung mga hayop na yun. Bakit ba di nalang nila ako gayahin. Chill lang and act cool." biglang sabi ni Lisa na naglalakad sa tabi niya na may pa flip hair pa.

 

 

brrrrrrrrrppppp...

 

 

Biglang tunog ng sikmura ni Lisa.

 

"Chill at act cool pala ha kahit tumutunog na yang sikmura mo hahahahahahaha." tawang malakas ni Seulgi at Wendy. Namumula namang napahawak si Lisa sa tiyan niya saka na dumiretso sa isang stall.

 

"Tangina nyo mga bwisit." sigaw ni Lisa sabay walkout niya.

 

Tawa parin ng tawa sina Seulgi at Wendy na di alintana ang mga mata na ngayon ay nakatingin sa kanila. Eh kasi ba naman sa lakas ng tawa nila at sigaw ng kaibigan magiging center of attention talaga sila pagkapasok palang ng caf.

 

Bulong bulongan na naman ang mga estudyante sa loob. Andito na naman kasi ang mga campus crush.

 

Di nalang ulit ito pinansin ni Seulgi na ngayon ay pumipila habang titingin tingin sa mga ulam na nakahilera kaya di rin niya napansin ang isang Irene na ngayon ay nakatayo na pala sa likuran niya.

 

'Ang tagal naman umusad nito, gutom nako.' sa isip isip ni Seulgi.

 

"Hi, Seulgi! Anong sayo?" napatingin naman si Seulgi sa isang magandang babae na nagsalita at may sobrang tamis na ngiting bigay sa kanya.

 

 

Si Naeun.

 

Ang anak ng nagmamay- ari ng favorite stall ni Seulgi. Tumutulong kasi to sa stall nila pag ganitong lunch hours at wala siyang klase. Kay gandang dalaga talaga nito. Second year college na siya na kaklase naman ng pinsan niyang si Yeri na kumukuha ng Civil Engineering.

 

Gustong gusto niya kapag nandito si Naeun kasi ang dami ba namang nilalagay sa servings niya. Good for two na nga ata eh. Halatang may pa favoritism sabi ng kaibigan niyang si Jisoo.

 

Kaya di niya maiwasang magka crush sa dalaga. Maganda na. Mabait. Binubusog pa siya. Oh diba san kapa!

 

"Hi Naeun. Yung beef steak at pansit tsaka one rice. Penge narin ng sabaw." Turo ni Seulgi tsaka sabay ngiting matamis. One rice lang yung inorder niya kasi sure naman siyang pang two servings ang ibibigay sa kanya. Hehehe. Ang bright niya talaga.

 

Nakangiti parin si Seulgi habang hinihintay yong order niya ng may tumuhod sa kanya mula sa likuran kaya naman napaluhod siya bigla at sobrang lakas ng impact.

 

"Puta!" Sigaw niya sa sakit habang ang dalawang kamay ay nakasalampak sa sahig na parang aso. Mabilis niya inikot ang tingin sa likod tsaka tiningnan ang babaeng naka cross arm na ngayon at nakangising nakatingin sa kanyang itsura.

 

"Ano bang problema mo?!!" galit na pasigaw ni Seulgi sa walang iba kundi si Irene na halatang nagulat at nawala ang mga ngiti dahil sa galit na reaction ni Seulgi.

 

Eto yung unang beses na sinigawan ni Seulgi si Irene sa mahigit dalawang taon na pangtatarget neto sa kanya. Di lang niya napigilan yung emosyon niya. Gutom na siya tapos may biglang paganito pa.

 

Nakatayo lang naman siya at walang ginawang masama. Sino ba naman ang hindi magagalit diba? Pero dahil lubos na mabait si Seulgi ay agad din naman siyang nakonsensya sa ginawa niyang pagsigaw kay Irene.

 

Ewan ba niya kung bakit pero parang may nakita siya saglit na sakit na sumilay sa mga mata ni Irene. Siguro ay namamalikmata lang siya. Yun siguro yun. Impossible naman kasi, diba?

 

Mabuti nalang din at mabilis na lumabas si Naeun sa counter at inalalayan siya patayo. Nakatingin parin siya ng masama kay Irene na ngayon ay nakatingin na sa bewang niya na hawak hawak ni Naeun. Di niya tuloy mapigilan na mapakunot ang kanyang noo.

 

Tinitigan siya nito ng mariin saka sabay sabi ng malutong na...

 

" you, Kang Seulgi!" at biglang alis nito sa eksena. Walang nagawa si Seulgi kundi ang panoorin ang likod ni Irene habang sinusundan na ito ng mga kaibigan paalis. Nakita pa niya ang kanyang mga kaibigan na nagsitigil din sa pagkain habang nakatingin lang sa kanila.

 

Ay mali. Lahat ng tao sa loob pala ay sa kanila lang nakatingin. Sigh…

 

"Ayos ka lang?" Napalingon lang si Seulgi kay Naeun sabay tango niya at ngiti ng pilit. Hindi na talaga mawawala ang mga ganitong eksena sa college life ni Seulgi.

 

"Ayos lang. Salamat Naeun ah."

 

"No prob. Gusto mo tulungan na kita magdala ng orders mo?"

 

"Di pa nga ako nakakabayad eh." sabay tawa nilang dalawa. Pero di parin mawala wala sa isip ni Seulgi yung nangyari kanina. Napabuntong hininga na naman siya ng malalim.

 

 

'Ano ba talagang problema mo sa akin, Bae Irene?'


 

 

 

 

Sunday ngayon at walang pasok si Seulgi. Asa condo lang siya nakahilata habang nakatingin sa kisame. Ala una na ng hapon at kakagising niya palang. Four am na kasi siya nakatulog dahil na rin sa paglalaro niya ng pubg kasama ang apat na unggoy niyang kaibigan liban kay Wendy na early sleeper daw. Pweee...

 

So ayun nga wala pa siyang kain at gutom na gutom na pero wala ayaw din naman niyang kumilos dahil tinatamad pa siya kaya eto at nakahilata parin at naghihintay ng grasya na alam naman niyang hindi darating.

 

Napaisip siyang kunin ang cellphone niyang nasa tabi lang ng unan at binuksan ang twitter na ilang araw na ring hindi niy
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ms_kang
I decided na hatiin nalang to into two parts. Also, I don't know if it's worth reading or not kasi sobrang gulo ng pagkasulat ko kaya kayo na bahala mang husga. This is also boring, but oh well lol

Comments

You must be logged in to comment
_rtempest
1043 streak #1
Chapter 11: otor! ang ganda nitong fic mo! sana matuloy mo pa rin😭
waiting with respect po!
kkdalgi
#2
Chapter 11: This is actually good, sayang nga lang parang antagal ng dropped ang story na to, hopefully author would regain their passion for this fic, ganda kasi sayang naman if di matapos nasa exciting part pa naman hehe
Pristinemoon
47 streak #3
Waiting with respect po otor :<<<
BaeSeulge #4
Still waiting for ud TT
Huangse
#5
Otornim, pls don't abandon this story. :<
Astraea21 #6
Chapter 11: ,,👍
jmjslrn #7
Chapter 2: ikabedon na yan
sarmientuts_ #8
Chapter 11: hindi ka talaga mapapansin kung hindi ka kikilos, well gets ko naman si joohyun nakakatakot namain kasi talaga umamin sa taong gusto mo kasi siyempre takot ma reject. Pero sa huli kasi ikaw lang masasaktan sa ginagawa mo eh, pero bilib ako kay joohyun ang consistent kay seulgi pero si seulgi napaka bulag sa paligid jusko
sarmientuts_ #9
Chapter 5: putek nakakakilig to with bg music pramis HSGEUSHAHA
BaeSeulge #10
Update na po authornim 🥺