First Time

The Disastrous Life of Kang Seulgi
Please Subscribe to read the full chapter

 

 

Free period nila Seulgi ngayon kaya andito sila sa tambayan ng barkada niya sa isang coffee shop sa harap mismo ng uni nila.

 

May isa't kalahating oras pa sila bago ang susunod na klase at dito talaga nila pinipili na tumambay dahil narin sa dito nagpapart time ang babaeng gusto ni Moonbyul na si Solar.

 

"Hala! Totoo ba to? Naghalikan daw sina Irene at Naeun sa harap ng building natin?" gulat na tanong ni Lisa sa kanila habang nakatingin lang sa phone niya. Kalat na nga yung nangyari sa buong uni at may mga pictures na naka post na sa school page nila.

 

"At may isang tao daw dyan na nakakita sa harap pa daw niya mismo" si Wendy na nakatingin na ngayon kay Seulgi at halatang inaasar siya.

 

"Nakita mo Seul? Ano hot ba? Buti pa si Irene naka score kay Naeun ng kiss. Eh ako kaya kelan makaka score kay Solar babe ko." interesadong tanong naman ni Moonbyul habang may pa smirk pa sabay tingin sa counter at pinagmamasdan si Solar sa casher. Manyak talaga tong bolbol nato.

 

"Magtigil ka nga. Kadiri ka."

 

"Pero seryoso nakita mo talaga as in face to face?" curious na tanong ulit ni Moonbyul.

 

"Oo nga. Ano ba paulit ulit tayo te."

 

"Aww eh diba crush mo yung si Naeun, bruh? Ang hina mo naman naunahan ka tuloy." usal naman ni Jisoo na mayasang kumukuha ng chocolate cake sa plato ni Seulgi. Ubos na kasi yung sa kanya. Bwisit na PG talaga to.

 

"Si Irene pa talaga karibal niya. Kaya siguro yun nag scandalo last week at binigyan ka pa ng malutong na you" pahayag ni Jeongyeon na nakikisali na rin sa usapan.

 

Narinig naman nila ang manghang tawa ni Wendy sa sinabi ni Jeongyeon. Aliw na aliw siya ha.

 

Sinamaan ni Seulgi ng tingin ang mga kaibigan niya at saka walang gana na uminom ng kanyang caramel machiato. Bad trip pa rin siya sa nakita niya at pinapaalala pa talaga ng mga walangyang kaibigan niya nato.

 

"Anong naunahan at karibal pinagsasabi nyo dyan eh crush ko lang naman yun. It's not that deep at wala akong plano na jowain yun. Bahala silang magtukaan kahit saan wala akong pake." nilayo niya ang cake kay Jisoo na ngayon ay nangangalahati na at agad agad na sinubo ng buo. Ayun nabilaukan siya sa ginawa. Tinawanan lang naman siya ni Jisoo.

 

Totoo naman yung sinabi niya ah. Wala naman talaga siyang planong jowain si Naeun. Hanggang crush lang talaga siya para kay Seulgi. Nasaktan siya yes pero hindi naman yung sobrang sakit no. Slight lang. May madrama lang.

 

Since taken na naman yung crush niya edi balik na ulit si Seulgi sa no care in the world niyang motto.

 

Actually, di naman talaga alam ni Seulgi kung magjowa naba talaga yung dalawa. Advance lang talaga siyang mag- isip. Masyado naman syang pahalata.

 

"Eh bakit ka mukhang ampalaya dyan. Tingnan mo nga yang mukha mo lukot lukot na." sabay harap ng salamin ni Lisa sa kanya at tawang tawa naman ang lima na mas lalo lang niyang ikina bwisit.

 

"Sarap nyong itulak sa kanal mga siraulo kayo." gigil niya.

 

"Asus selos ka lang eh." pang-aasar parin ni Lisa

 

"Ba't naman ako magseselos. Wala namang dahilan para magselos ako. We're done.. I mean I'm done." deny niya saka lingon sa labas sabay kita sa isang magandang babae na tumatawa kasama ang isang lalake.

 

Napa smirk si Seulgi sabay tingin kay Lisa. Payback time.

 

"Baka ikaw ang dapat magselos." sambit niya sabay nguso sa direksyon na tinitingnan niya kanina. Nakita niyang kumunot ang mukha ng kaibigan at sabay napahampas sa mesa.

 

Ooppss.

 

Si Jennie Kim at Kai na masayang nagtatawanan habang ngayon ay papasok na ng coffee shop na may pa holding hands pa.

 

Parang naawa naman siya agad sa kaibigan niya ng masilayan ang sakit sa mukha. Nasasaktan parin talaga to. Matagal ng mahal ni Lisa si Jenny. First year college pa lang sila, mahal na niya.

 

SSC President si Jennie kaya sikat na sikat din at habulin ng mapa lalake man o babae. Isa din siya sa mga kaibigan ni Irene Bae pati narin si Solar at tatlo pang sina Joy, Rose at Nayeon.

 

Tong si Lisa naman na patay na patay sa president nila ay hala at panay ang habol. Linigawan na nya at lahat lahat ginawa na niya mapasagot at magustuhan lang siya ni Ms. President pabalik pero wala talaga kasi nga straight as a ruler naman kasi ang minahal niya.

 

Sa tatlong taon na panliligaw nito ayun rejected lang siya at ang sinagot ay walang iba kundi ang kasama ni Jennie ngayong lalake na si Kim Kai. Pinaasa lang siya. Pinaasa sa wala.

 

Limang buwan na nung sinagot ni Jennie si Kai. Sobrang nasaktan si Lisa na halos araw araw nalang naglalasing kaya sila Seulgi bilang butihing kaibigan dinadamayan nila ito na walang choice at laging lasing din araw araw si Seulgi. Di kasi makatanggi sa tagay. Lightweight pa naman siya pagdating sa alak.

 

Buti nalang nakinig sa kanila ang kaibigan at di na araw araw na naglalasing. Kundi goodluck liver na talaga.

 

Mahal na mahal parin naman ni Lisa si Jennie. Di naman kasi ganun kadaling mawala ang pagmamahal sa isang tao. Na kung gustuhin mo wala na agad. It doesn't work that way. Pero yun nga isang araw tinigil na rin niya yung kakahabol kay Jennie. Naawa na rin sa sarili.




 

Sabi pa ni Lisa kanila Seulgi noon.

 

"Panahon na siguro para mag let go na ako at unahin na muna na ang sarili ko. I should start loving and focusing on myself and maybe I'll find happiness by doing so. Nakakapagod na ring masaktan eh." habang nakatingin lang ng diretso sa kawalan.

 

"Tama yan bruh, if you really love her then let her go and if she ever comes back then kayo talaga para sa isa't isa." sang ayon nila Seulgi sa kanya.




 

Seulgi totally understood what she means then. Grabe na yung pagmamahal ni Lisa kay Jennie to the point na nakakalimutan na nga nitong mahalin ang sarili niya. And if she have to be honest, it's no longer healthy.

 

Letting go of someone isn't easy at all kaya she admired Lisa for being brave of doing so.

 

"Wag na kasing titigan para di ka na masaktan." sita ni Seulgi rito na kasalanan niya rin naman. Gago niya talaga minsan.

 

"Bakit mo kasi pinalingon eh di sana di niya tinitingnan… Haynako, sa lahat ng oras ngayon pa talaga sila pumunta dito." pagalit na sabi ni Jisoo sa kanya.

 

"Sorry na. Nawala sa isip ko. Tsaka kahit na di ko sinabi makikita mo din naman eventually nasa iisang lugar lang kaya tayo." Sagot ni Seulgi habang nakatingin kay Lisa. Nginitian lang sila ni Lisa ng pilit sabay sabi.

 

"Nukaba di na to weak no." at hampas sa chest niya.

 

Iniiwasan din kasi na makita ni Lisa si Jennie lalo na pag kasama nito ang jowa. Nagmomove on na nga siya diba at umiiwas na rin na wag lalong masaktan. Quota na siya eh. Pero mahirap naman talaga umiwas ng tao lalo na't sa iisang uni lang sila and the same building pa. Iisang building lang naman kasi ang College of Engineering and Architecture.

 

"Pero inom tayo maya ha parang ang sarap uminom bigla eh." pahabol nito.

 

"Loko ka may klase tayo uy." pagsisita ni Wendy kay Lisa na sinimangutan lang niya.

 

"Hapon pa naman klase natin bukas. Sige na."

 

"Libre mo ha." panggagantso ni Jeongyeon.

 

"Si Seulgi na daw sasagot sa lahat." ngiting ngiting sabi ni Lisa.

 

Tangina. Dinamay na naman si Seulgi.


 

Napabalik naman ang tingin ni Seulgi sa dalawang tao na ngayon ay nakaupo na sa bandang bintana ng shop habang maingay na nagbibiruan ang kanyang mga kaibigan na pinapangunahan ni Moonbyul.

 

Napansin niyang nakatitig si Jenny sa kaibigan niyang si Lisa na ngayon ay masayang tumatawa sa pinagsasabi ni Moonbyul.

 

Walang ibang nakakita. Siya lang. Inalis din naman nito ang tingin sa kaibigan at nagtama ang kanilang mga mata. Nag iwas ito ng tingin agad sa kanya saka nakipag-usap uli sa lalakeng kaharap niya.

 

Hindi niya talaga mabasa basa ang iniisip ng isang Jennie Kim. Parehong pareho sila ng kaibigan niyang si Irene Bae.




 

 

Kasalukuyang nagdradrive si Seulgi papuntang Yul's, ang puntahang bar nilang magbabarkada. Di na kasi nagpaawat si Lisa at talagang gustong makipag- inuman. 9:00 pm na at kanina pa siya tinatawagan ng mga kaibigan niya dahil wala daw magbabayad kapag di siya dumating, nakatulog kasi siya. Mga bwisit talaga yun.

 

Nang may mahagip siya sa gilid ng kalsada na nakaparadang kotse at isang babaeng nakatayo sa labas nito habang may kausap ito sa cellphone niya. Mukhang nasiraan ata ng sasakyan. Di niya masyadong naaaninag ang mukha nito dahil natatakpan ng kamay. Walang katao tao sa dako nato at isang poste lang ang nagbibigay ilaw dito.

 

Napasimangot naman si Seulgi ng makitang may dalawang mukhang manyak na lalake ang papalapit sa babae. Parang di maganda ang kahihinatnan nito ah.

 

Mabilis na hininto ni Seulgi ang kanyang sasakyan sa unahan at agad na pinuntahan ang babae na ngayon ay akmang hahawakan na sana ng isang may katandang lalake at halatang takot na. Pucha.

 

"W-wag kang lalapit sakin panget ka."



 

 

Si Irene Bae.


 

Na ngayon ay niyayakap ang sarili habang napapaatras sa dalawang lalake. Nakasuot ito ng isang black sweetheart neck skater dress na lalong nagpaigtad ng mala porcelana netong kutis, nakalugay ang maiitim nitong buhok at naka high heels din. Sobrang ganda nito ngayon pero wala siyang oras para pagmasdan si Irene at humanga sa itsura nito ng makitang papalapit na ulit ang adik at di pinansin ang sinabi nito.

 

"Subukan mo lang siyang hawakan at babaliin ko talaga yang kamay mong manyak ka." May diin na sabi ni Seulgi at sobrang seryoso ang mukha. Sabay na napalingon ang tatlo pagkasabi niya nun.

 

Nakita niyang nanlaki ang mga mata ni Irene sa gulat ng makita siya nito at parang mangiyak ngiyak na. Agad namang nanlambot si Seulgi ng makita ang itsura ni Irene. Napansin din niya ang pag iling nito sa kanya ng mabalik ito sa wisyo habang nakatingin parin ng diretso sa kay Seulgi.

 

Na parang sinasabing wag niyang ituloy kung anuman ang binabalak niya.

 

Nagsalubong ang kilay ni Seulgi saka binalingan ulit ang dalawang adik sa harap. Dalawang may katandan at kapayatang lalake na parehong walang suot na pang itaas at naka shorts lang. Mukhang nakainom rin ang mga ito dahil sa pasuray suray na lakad papalapit kay Irene kanina at ngayon ay nakaharap na kay Seulgi at nakangisi pa.

 

Ang sarap lang pag-umpugin ng mga hayup na to. Bakit ba palagi nalang may paganitong eksena sa tuwing may nasisiraan ng sasakyan. Nagsisilabasan talaga ang mga kampon ni satanas. Punyeta.

 

"Aba aba. Tingnan mo nga naman pre kay gandang dalaga rin nitong bagong dating at mukhang masarap din. Ayos to tig isa na tayo." sabay tawa nilang dalawa na parang sinasaniban.

 

Pasuray suray namang naglalakad papunta sa kanya ang kasama nito habang nakangisi parin ng malaki at ang isa ay nanatili sa kinatatayuan malapit kay Irene. Nag-init ang ulo ni Seulgi sa narinig at mahigpit na napakuyom ng kanyang kamao. Kung nakakamatay lang siguro ang tingin nakahiga na sa lupa tong mga animal nato.

 

"Miss beautipol wag ka ng magpakabayani dyan at sumali ka nalang sa amin. Sisiguraduhin kong mag eenjoy ka sa gagawin ko. Mararanasan mo ang langit."

 

"Eww. Mandiri ka nga sa sinasabi mo dyan tanda." maarteng pag interfere ni Irene sa lalakeng papunta kay Seulgi.

 

Lalo lang nag-init ang ulo ni Seulgi ng marinig niya ang tili ni Irene na ngayon ay pilit na hinahawakan ng lalakeng malapit dito.

 

Agad na pinatid ni Seulgi sa gilid ng tiyan at sinuntok sa mukha ang lalakeng papalapit sa kanya saka napatumba ng walang kahirap hirap. At mabilis na tumakbo papunta sa kinaroroonan ni Irene.

 

"Tumahimik kang babae ka. Ang arte mo porket maganda ka. At sinong sinasabihan mong panget ha. Wag ka nalang manlaban kung ayaw mong masaktan." Galit na rin na sagot ng lalake sa nagpupumiglas na Irene.

 

Madiin na hinawakan ni Seulgi ang kamay ng lalake na nakahawak kay Irene tsaka marahas itong hinila at tinitwist kaya naman napasigaw ito sa sakit.

 

"Bi-bitawan mo a-ako. Tangina kang babae ba." Di niya napansin ang titig ni Irene sa kanya na manghang mangha sa nakikita.

 

"Diba binalaan na kita kanina. Gusto mo talagang mabalian ng kamay ha manyak ka. Ang lalakas din talaga ng loob nyong mga panget kayo no." Gigil na sabi ni Seulgi saka niya ito hinampas sa leeg at tuluyan na ngang natumba at nawalan ng malay.

 

Lalapitan na sana ni Seulgi si Irene ng mapansin niya ang kasamang lalake na tumayo at tumatakbo papalayo sa kinaroroonan nila. Akala niya aatakihin siya nito, tatakbo lang pala. May utak din pala yun.

 

'Ha! Kala nila ah. Black belter ata to ng taekwondo.' proud na saad ni Seulgi sa sarili.

 

Masyado kasing nangmamaliit porket babae siya. Buti nga sa kanilang mga manyak sila.

 

Agad naman siyang niyakap ng mahigpit ni Irene na ikinabigla niya ng bongga. Awkward lang na nakatayo si Seulgi at di alam kung yayakapin din ba niya pabalik ang babae pero minabuti nalang niyang wag na a
Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
ms_kang
I decided na hatiin nalang to into two parts. Also, I don't know if it's worth reading or not kasi sobrang gulo ng pagkasulat ko kaya kayo na bahala mang husga. This is also boring, but oh well lol

Comments

You must be logged in to comment
_rtempest
1062 streak #1
Chapter 11: otor! ang ganda nitong fic mo! sana matuloy mo pa rin😭
waiting with respect po!
kkdalgi
#2
Chapter 11: This is actually good, sayang nga lang parang antagal ng dropped ang story na to, hopefully author would regain their passion for this fic, ganda kasi sayang naman if di matapos nasa exciting part pa naman hehe
Pristinemoon
#3
Waiting with respect po otor :<<<
BaeSeulge #4
Still waiting for ud TT
Huangse
#5
Otornim, pls don't abandon this story. :<
Astraea21 #6
Chapter 11: ,,👍
jmjslrn #7
Chapter 2: ikabedon na yan
sarmientuts_ #8
Chapter 11: hindi ka talaga mapapansin kung hindi ka kikilos, well gets ko naman si joohyun nakakatakot namain kasi talaga umamin sa taong gusto mo kasi siyempre takot ma reject. Pero sa huli kasi ikaw lang masasaktan sa ginagawa mo eh, pero bilib ako kay joohyun ang consistent kay seulgi pero si seulgi napaka bulag sa paligid jusko
sarmientuts_ #9
Chapter 5: putek nakakakilig to with bg music pramis HSGEUSHAHA
BaeSeulge #10
Update na po authornim 🥺