All about us

Paubaya

Pagkagising ko ay agad na bumungad sa harap ko ang muka ni Irene. Nakangiti siya habang nakatitig saken. I sat up and stared at her.

"Problema mo?" Tanong ko habang nakatitig sa kaniya at ngumiti lang siya. "Irene mas kinakabahan ako kapag nakangiti ka lang kesa kapag nagsasalita ka" Natawa siya.

"Hoy ano bang ginawa mo?" Tanong ko.

"Baket ba curious ka?" Tanong niya pabalik.

"Baka mamaya nirape mo na pala ko di ko pa alam" Pangaasar ko.

"Eh di hindi yon kase gusto mo?" She mumbled and napatitig ako sa kaniya. 

Nakakahalata ka na ba, Irene? 

"Ano?" Tanong ko.

"Wala, ang cute mo kase matulog habang naghihilik kaya pinicturan kita" Pinakita niya sakin yung litrato ko sa cellphone niya na nakanganga pa ako. 

"Hoy! Bwiset ka talaga Bae Irene!" Umalingawngaw yung sigaw ko sa dorm kaya pinuntahan kami nung landlady tinanong kami kung ano daw nangyayari samin. 

"Pota ka kase Sulge napagalitan pa tuloy tayo" Inirapan ako ni Irene habang nagluluto kaming dalawa. 

"Ay oo nga pala tara punta tayo sa Enchanted" Pangyayaya ni Irene. 

"Bat?" Tanong ko. 

"Paniki ka ba?" Tanong niya. 

"Baket?" Tanong ko ulit.

"Gaga di yon pick up line" Binatukan niya ko at may kinuha siya sa bag niya. 

"Kase kahapon binigyan ako ni Jennie ng dalawang ticket eh niyaya ko si Wendy pero may lakad daw siya kaya tayong dalawa nalang pumunta" She flexed the ticket in front of me. 

Ah so second option mo lang pala ako Irene.

Substitute lang pala ako. Ako yung pipiliin mo kapag wala si Wendy. 

"Sige wag ka susuka sa rides ha" Pangaasar ko sa kaniya ta umupo siya sa may table.

--
11 A.M at Enchanted Kingdom 

"Yesss! Gala now bagsak later" Sigaw niya habang naglalakad kami. 

"Tara flying fiesta" Hinigit ako ni Irene papunta doon sa rides.

"Baka di tayo papasukin" Bulong ko. 

"Baket? Matanda na tayo hoy" She punched me lightly. 

"Liit mo kase baka mapagkamalan kang bata" Hindi sa pagaano pero natawa ako sa sarili kong joke.
Ganito kami ni Irene lagi ang pinagkaiba lang ay dati ako yung lagi niyang niyayaya pero ngayon parang pampalipas oras nalang ako.  

Sure ka ba na secure yung spot ko sa puso mo Irene? O baka naman nahigitan na ko nung isa diyan. 

"Tanginang yan Irene nabingi ako ah, puro irit at sigaw ko lang narinig ko" Sabi ko sa kaniya pagkababa namin.

"Nakakatakot kaya" Inirapan niya ako. 

"Eh bat ka nagyaya?" Binatukan ko siya habang naglalakad kami. 

"Ah! Don naman tayo Seul!" Sigaw ni Irene at hinila niya ako papunta doon sa lake na may Swan. 

Tinitigan ko yung likod ni Irene habang hila-hila niya ako. Wala ngang pinagbago, ikaw talaga yung Irene na minahal ko.

Mapapansin mo pa kaya tong pag-ibig ko sayo Irene? Makakaamin pa ba ako o may iba na bang nagmamay-ari sa puso mo? 

Ang sakit lang, ang daming babae sa mundo pero sayo ako nahulog. Sana hindi nalang kita mahal Irene para hindi ako nasasaktan ng ganito. 

"Seul okay ka lang ba?" Tanong niya. Narealize ko na nakatayo na pala kami sa dulo ng pila. 

"Oo naman, may naisip lang" Panangatwiran ko and tumango lang siya. 

"Seul pag may problema ka alam mo naman na nandito ako para makinig" She said as she turned around.

Eh yung problema nga Irene ay hindi ko masabi sayo yung totoo kong pagtingin sayo.

Mahal na mahal kita, Irene

Bakit nga ba pinapagtagpo ni tadhana ang mga pusong kahit kailan ay hindi naman magmamahalan? May matututunan ba talaga akong lesson dito sa pagkakaibigan natin? O mananatili nalang ba akong duwag habang buhay? 

--

"Irene halos mabingi na talaga ako, di na keri ng ear drums ko" Sabi ko sa kaniya habang nakain kami sa food court. Nakaglue yung mata niya don sa nasa likod ko kaya napalingon ako. 

"Ah so hindi siya sumama saken kase kasama niya si Joy, so Joy is greater than me pala" Narinig kong bulong ni Irene kaya napatingin ako kay Joy at Wendy.  

"Syempre mas matangkad si Joy sayo eh" I joked.

"Katawa yon Seul?" Sinamaan niya ko ng tingin and then I laughed. 

"Baka nauna mangyaya si Joy, wala namang favoritism yan si Wendy eh" I said and napatingin sa direksiyon namin si Joy.

"Oh! Irene! Seulgi!" Bati ni Joy at lumapit siya samin kasama si Wendy.

"Bat kayo nandito?" Tanong ko. 

"Binigyan ni Jennie ng tickets si Wan kahapon kaya ininvite niya ko, kayo?" Napatingin ako kay Irene at nainom lang siya ng orange juice.

"Ah ganon lang rin, binigyan ni Jennie si Irene ng ticket kaya niyaya niya ako" I said. 

"Tara pasok tayo don sa horror house" Pangyayaya ni Irene kaya tapang-tapangan naman kami na pumasok.

Nagkahiwalay-hiwalay na kami dito sa loob. I looked around and nakita ko si Wendy at Irene na naglalakad. I guess nahanap nila ang isa't-isa.

Napagdesisyonan ko na sundan sila kaya dahan-dahan akong naglakad papunta sa kanila.

"So you ditched me for Joy" Narinig kong sabi ni Irene.

"It's not like that Irene, Jennie gave you tickets din kase so naisip ko na baka mas gusto mong yayain si Seul since sanay kayo sa mga friendly dates na ganito" Wendy explained.

"Pero ikaw yung gusto kong kasama" Irene whispered.

"Don't worry I'll invite you next time sa house to make up for this okay? Don't be sad na" Wendy said.

Kitang-kita ko na kung bakit ka gusto ni Irene. 

Lumayo ako sa kanila at nakita ko si Joy na naglalakad.

"Bat ka malungkot? About kay Irene nanaman?" Tanong niya at tumango lang ako.

"Seul hindi ka duwag okay? Mahirap talaga umamin kapag kaibigan mo yung gusto mo. Normal lang na matakot na baka masira yung relasyon niyo" Inakbayan ako ni Joy at hinanap na namin yung daan palabas.

--

Nakasakay kami sa Ferris Wheel and si Irene nakatitig sa labas ng bintana habang ako at nakatitig sa kaniya. Gabi na and umuwi na si Joy at Wendy samantalang si Irene gusto daw niya matry sumakay dito.

Irene gusto ko din naman malaman mo na gusto kita.

Kapag ba umamin ako sayo magiging masaya tayo pareho? 

Lumapit ako sa kaniya and I kissed her forehead. She was flabbergasted and pati na rin ako.

"R-remember we used to do that when we were kids" I stuttered.

"Yeah, some things never change" She said. 

Ikaw din sana hindi magbago kapag nasabi ko na sayo tong nararamdaman ko.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
iamriou_
1153 streak #1
Chapter 10: Otor, okay na ko sa Seulstal ending. Mapanakit masyado si eneri. 🤧
SPELLBREAKER
#2
Chapter 10: Ge don ka nalang kay Krystal, Solge. Potspa ka Ayren
KZeljera26_ #3
Chapter 8: B3ke nemen otor may belik kng magupdtae huhuuuuu
vanillacookiescream
#4
Chapter 9: feels nothing but pity for seul if bumalik nga si irene sa kanya, knowing that's what wendy wanted for her to do, even herself acknowledges it. gurl move on ka na, mahirap yes pero for your own sake. pushing away people who support you will do no good either. daming foul lines hahaha. thank you sa update!
ariadne03 #5
Chapter 9: Luh. Ang sakit 😭💔
SPELLBREAKER
#6
Chapter 8: JOYGI NALANG HUTA
SPELLBREAKER
#7
Chapter 8: TANGINA BAKIT ANSAKIT
oofiee 1038 streak #8
Chapter 7: well i mean friend lang naman sya talaga
eunxiaoxlove #9
Chapter 7: Awww seulgi :(
Varcenciel21
#10
Chapter 3: Masakit yata ito basahin?