Prologue
Paubaya"Seul!!! Gising!" Nagulat ako ng may lumipad sa muka ko na unan. I woke up to the sight of my bestfriend- Irene standing in front of me.
"What?" Tanong ko at kinuha ko yung phone ko.
"Malelate na tayo! Maligo ka na!" Sapilitan niya kong hinigit at itinulak sa banyo.
I am Kang Seulgi a third year college student. Bata palang ako gusto ko ng maging architect kaya architecture ang kinuha ko. Although, mahirap bago ko pa napapayag parents ko kasi puro lawyers ang family namin and ako lang yung parang naligaw ng landas ganon char di naman ako nagdrugs.
I went to my room wearing a towel and nagbihis ako.
"Heh di mo ba ko napansin dito?" Nagulat ako ng makita ko sa salamin si Irene.
"Hala anjan ka pa pala?" Hinigit ko yung towel ko at itinakip sa katawan ko.
"Duh iiwan ba kita dito baka lalo ka pang malate, bilisan mo na dali dali!" Umupo siya sa kama ko at nagscroll scroll sa cellphone niya.
--
Nakain kami dito ngayon sa jollibee hinihintay namin si Joy.
"Hoy kilala niyo ba yung president ng music club? Gagi mala anghel talaga yung boses!" Pagmamalaki ni Joy. Napatingin lang si Irene habang nakain ng burger steak niya.
"Hinde sino yon?" Tanong ni Irene.
Si Irene kahit sikat na tao hindi kilala basta hindi ko pinapakilala sa kaniya wala siyang pake.
"Pre di mo kilala yon? Kawawa ka naman" Pangaasar ni Joy.
"Si Wan? Oo napakaperfect non grabe matalino, maganda, maganda boses, sikat, maputi, galing sa mayamang pamilya, bottom. Wala ka ng hahanapin pa" I said and nanlaki yung mata ni Joy.
"Close kayo?" Tanong niya.
"Syempre tol isipin mo to ha president siya tas vice president ako pano kami hindi magiging close?" I said and napatayo naman yung dalawa.
"Tol nanalo ka sa election?" Tanong ni Irene at tumango ako. Niyakap niya ko para icongratulate ako. I blushed at the sudden contact.
"Ehem so ayon nga balik tayo sa kinukwento ko, ayon nga papunta kase ako sa photography club para magapply eh narinig ko na may nakanta kaya napapasok ako don sa music club. Pinagtagpo kami ni tadhana," Sabi ni Joy habang nakatitig sa taas nagniningning pa yung mga mata niya.
Si Joy tambay to sa pop up 24/7 naghahanap ng chix buti nga okay pa atay nito eh.
"Sino ba yon? Patingin nga ako ng itsura," Sabi ni Irene. Ilalabas ko na sana cellphone ko ng biglang may nagbanggit ng pangalan ko.
"Uy! si Seulgi o" Napatingin ako ng marinig ko boses ni Jisoo.
"What? Where?" Nagulat ako ng makita ko si Wendy na kasama niya. Si Joy biglang naging bato. Dzai as in nanigas siya.
"Uy! Wan! Soo! Bat andito kayo?" Tanong ko.
"Para kumain. Gago ka ba ano to teritoryo mo bawal kami lumapag ng paa namin dito?" Sabi ni Jisoo at binatukan ko siya. Si Wendy lumapit kay Joy.
"Oh, you were the girl from earlier. I knew you look familiar eh" Sabi ni Wendy.
"Luh! naalala mo ko?" Tanong ni Joy.
"Yes, you ran so fast eh di naman kita kakainin" Umupo si Wendy sa tabi ni Joy.
"I- baka pwedeng ako nalang kumain sayo?" Tanong ni Joy tas nagulat den siya sa sinabi niya.
"You don't look like a monster naman para kainin ako," Wendy laughed.
"Pagpasensiyahan niyo na inosente yan," Sabi ni Jisoo.
--
"Bili tayong ice cream bago tayo dumeretso sa dorm," Pangyayaya ni Irene at tumango naman ako.
The sun is setting and I'm staring at her. She's prettier than the sunset and I'd rather stare at her all day. She's a work of art.
Bae Irene
"Seul, baka mauna pa ko matunaw kesa sa ice cream," She laughed and I blushed.
We're not like the normal friends, we were so close and dahil don nadevelop yung feelings ko para sa kaniya. I knew iba yung pagmamahal ko sa kaniya, hindi pagmamahal as kaibigan at lalo ng hindi pagmamahal as kapatid.
Irene and I met each other nung pre-school pa kami kaya matagal na din ang pinagsamahan namin. I know her more than anyone else and she knows me more than anyone else.
As we mature narealize ko na parang nag-iiba yung pagtingin ko sa kaniya. Matagal ko ng alam na gusto ko siya at matagal na din akong duwag. Natatakot akong umamin sa kaniya, natatakot ako na baka masira ko yung pinagsamahan namin- yung friendship namin.
Natatakot akong marinig galing sa bibig niya yung mga salitang "I'm sorry, Seul, pero kaibigan lang kase ang tingin ko sayo", I know, I'm such a coward.
Siguro dadating din yung panahon na masasabi ko sayo tong nararamdaman ko Irene at sana pag dumating yung panahon na yon ay piliin mo ko.
Lumakas yung hampas ng hangin at nahulog sa ulo namin yung mga dahon. She turned around and hinaplos niya yung pisnge ko.
"May dahon," She smiled and pinakita niya saken yung dahon na hawak niya. I blushed.
"Seul mejo close kayo ni Wendy no?" Tanong niya at tumango ako.
"Pakilala mo naman ako gusto ko siyang maging kaibigan," She said and I smiled.
Kahit kelan naman hindi kita nahindian.
"Sige ikaw pa ba," She turned around and smiled and then inakbayan niya ko
Comments