Chapter 3

No Way
Please Subscribe to read the full chapter

“Tama na ‘yan Silverio, hindi ko alam kung saan ka nakatira at baka may makakita sa’tin.”

 

 

 

Sinuntok ko ng mahina yung braso niya para pigilan siya na uminom ulit. She ordered Soju for her, yun na daw yung panulak niya.

 

 

 

Ngumisi lang siya sa akin sabay inis-straight yung soju.

 

 

 

Putangina talaga Silverio.

 

 

 

Hinampas ko yung kamay niya para sawayin siya may tumapon na Soju sa pantalon niya but she didn’t care. Binaba niya yung shot glass niya.

 

 

 

“Wanna know who is my first love?” Silverio slurred.

 

 

 

“So random pero sige,”

 

 

 

Ngumisi siya habang nakatingin sa akin, para bang may alam siya na hindi ko alam.

 

 

 

“There is a pretty girl i met before, matagal na itong nangyari pero natatandaan ko pa rin.” Sinandal niya yung likod niya sa upuan.

 

 

 

Binuhat ko yung upuan at hinatak ko palapit kay Silverio baka mamaya bumagsak sa upuan niya.

 

 

 

“Nasa playground ako nun at naglalaro mag-isa. Nadapa ako, ang lampa ko talaga nung bata,” She chuckled looking at me.

 

 

 

“Umupo ako sa swing habang umiiyak, tapos bigla siyang nagpakita sa harap ko.”  She smile, that kid must be special to Silverio she keeps smiling. “May kinuha siyang bandage sa bulsa niya, ginamot niya yung sugat ko.”

 

 

 

Pinatong ko yung siko ko sa lamesa at nilapat ang pisngi ko sa kamao ko habang pinapanood ko siyang nagkukuwento.

 

 

 

“Alam mo ba sobrang saya ko nun, dahil sa sakanya.” Bungisngis niyang sinabi. “Sobra din ganda niya,” Ngumuso siya.

 

 

 

“Eh bakit ka nakanguso?”

 

 

 

“Hindi ko matandaan ang pangalan niya, ang alam ko lang maganda at medyo matangkad ako sa kanya.” Pinag-krus niya yung braso niya.

 

 

 

“Ang pangit nung bandage na ginamit niya,” She chuckled.

 

 

 

“Umangal ka pa talaga,”

 

 

 

“Hahaha, hinatid niya ako non, magkahawak ang kamay namin habang naglalakad. Tapos pinakuha niya ako ng pentelpen, lalagyan niya daw ng drawing yung bandage ko para maganda.” Ginulo niya yung buhok niya at sinubsob ang mukha sa palad.

 

 

 

Iningat niya yung mukha niya mula sa palad niya sabay ngumiti.

 

 

 

“Isang araw ko lang siya nakasama..” Humina yung tono ng boses niya.

 

 

 

Lumingon siya sa akin nakatitig ng maigi with drunk smile on her face.

 

 

 

“I miss you Joo.” Sinabi niya bago bumagsak ang ulo niya sa lamesa.

 

 

 

I only sigh, tinapik ko yung pisngi niya ng medyo malakas para gisingin siya.

 

 

 

“Silverio, hindi kita kayang buhatin, where’s your phone? tawagan ko manager mo.” Niyugyog ko na siya para magising siya.

 

 

 

“Hmm..” Inangat niya ng konti yung ulo niya para makita ako.

 

 

 

“Where’s your phone Silverio?”

 

 

 

“Hindi ko dala eh, hehe.” Napasabunot ako sa buhok ko.

 

 

 

“Iiwan kita talaga kita dito, Silverio umayos ka.”

 

 

 

Inangat niya na ng tuluyan ang ulo niya, kinuskos ang mata niya then she suddenly lean forward opening her arms wide and she pulled me into hug.

 

 

 

Medyo nagulat ako, “Ganito ka lang ba malasing or you’re taking advantage of me?”

 

 

 

“Hehehe, ang galing mo talaga umacting Irene. Dapat pala nagdala ako ng pentelpen para makakuha ng autograph sayo.” Narinig ko na bigla siyang suminghot. “Ang bango mo, downy?”

 

 

 

Tinulak ko siya pero tumawa lang siya. Inukutan ko siya ng mata at tinaasan ng kilay.

 

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Seleranse
I forgot to put rated M on the update, sabawww nakaka-inis. Hahaha n e ways!! HAPPY 200 plus subscribers!! salamat sa pagbabasa ng story na ‘to!! stay safe guys!

Comments

You must be logged in to comment
M_jeeh08
#1
Chapter 7: Update when huhuhu
Favebolous #2
Chapter 7: Miss u
EzraSeige
#3
Chapter 7: G na sa bardagulan...
77seconds #4
Chapter 1: Hahaha ge pare lol
Paparapakyaw #5
Chapter 7: HAHAHAHAHAAH selosa ka Irene wala namang kayo
ColeFiles_ #6
May new tagalog wenrene au (◍•ᴗ•◍)❤
Vicheca
#7
Chapter 6: Update ulet otor hahaha
-WenRene15- #8
Chapter 6: Oh damn... so I'm guessing Irene didn't know that she got caught making out with, I'm assuming Bogum back then
shajanie
#9
Chapter 6: Ay naku!!!