4 Years Later...

My Liver... Never!
Please Subscribe to read the full chapter

2030

 

"Woy Evangelista! Buksan mo 'yung pinto tanghali na!" sigaw ni Yeri habang kinakalabog ang pintuan ng bahay niya. Napatalon nang kaunti si Irene sa gulat at dahil na rin sa kakagising pa lang niya. She slowly waddled towards her door while rubbing her tired eyes. Puyat sa night duty niya as an ER nurse in St. Lukes so don't blame her on sleeping hanggang tanghali dahil kakarating niya lang sa bahay noong 8AM.

 

"Aga-aga mo mambulabog, Yerms. Pwede bang next time na lang? Super pagod na kooo," reklamo niya matapos niyang buksan ang pintuan at agad na tumuloy sa kaniyang kama to go back to sleep. Yes dreamland here we gooo~

 

"Kaya wala kang jowa eh, puro ka na lang tulog at stay dito sa confining space called bahay."

 

"Homebuddy ako, pake mo ba? Saka, 2 years pa lang akong nurse Yerms. Wala akong time para sa jowa. Tapos yung utang pa ng pinsan ko sa probinsya hindi pa nababayaran, tapos yung budget nila tita--"

 

"Okay, okay fine breadwinner Irene. I get your point na," Yeri surrendered while holding up her hands.

 

"Teka lang, maiba ang usapan. Bakit ka nga ulit narito, aber?" tanong ni Irene habang nagtitimpla siya ng sarili niyang Ovaltine. Ayaw niya daw ng kape and araw niya rin ng Milo kasi nagloloko ang tiyan niya doon.

 

"Nagtitimpla ka ng para sa'yo tapos ako na guest mo, wala? Ang galing mong host. Perfect!"

 

"I know, right?" sarkastikong tugon ni Irene sa best friend niya. Yeri just rolled her eyes and plopped on her best friend's bed.

 

"Ay ewan ko sa'yo, Irene, kung saan ka liligaya sige, go lang. Ay maiba nga pala ang usapan, may balita ako sa'yo baklaaa," tili ni Yeri habang gumugulong-gulong sa kama while Irene just watched her... disgustingly.

 

"Kung chika lang 'yan baks, huwag mo na ako idamay dahil wala akong hilig sa mga ganiyan," she said while sipping her drink habang naka-cross legs na upo sa sofa na katapat ng kama niya.

 

"Gaga. May balita talaga ako. Kinda not surprised na hindi mo alam lalo na't gurang ka."

 

"Gaga ka rin, pakyu. Enlighten me na nga. Dami pang pa-surprise," Irene tapped her feet while waiting for Yeri to continue her 'news.'

 

"So ayun nga, may announcement sa FB... yung buong batch natin noong SHS baks!!! may grand reunion daw sa Saturday!"

 

"What?"

 

"Anong 'what' 'what' ka diyan? This is a great time to mingle baks! Oh, and to rekindle our relationships," Yeri wiggled her eyebrows suggestively na ikina-inis ni Irene for some reason.

 

"Nope. No. Not happening. Kung gusto mo pumunta, gumora ka. Basta ako, matutulog lang ako," she said while putting her mug sa table as she laid down sa couch. 

 

"HA? NO WAY! You're coming with me, Rene," pagmamakaawa ni Yeri while she drammatically dropped down sa kama, "kailangan kita roon as a moral support kapag kakausapin ko na si Joy."

 

"Joy?" clueless na tanong ni Irene kay Yeri. Yeri stood up so fast na naging dahilan upang magdilim ang kaniyang paningin. 

 

"Sandali," Yeri held her hand out to stop her friend from doing anything, "sandali nagulat ata katawan ko nung tumayo ako. Ayan, okay na. Eye check. Eye check," madrama niyang tugon. Irene snorted at her friend's antics.

 

"Si Joy Mendiola! Yung ex ko na galing ABM! Oh my goodness gracious baks, ang tanda mo na nga, makakalimutin ka pa. My gosh pisteng yawa pick a struggle," biro ni Yeri kaya binato siya ng unan from the sofa which landed directly at her face. Sharp shooter si ate mong Irene.

 

"Hindi mo naman kasi sinabi kung ano yung surname kanina, malay ko ba kung sinong Joy 'yun. Napakaraming Joy sa mundo."

 

"Sige na baks. Sama ka na pleassee?" Yeri pouted while Irene sighed again.

 

"I don't..."

 

"If you're thinking about Seulgi, well... stop that thought because as far as I know nasa New York pa rin siya hanggang ngayon," walang prenong sambit niya.

 

"Magkausap pa rin kayo hanggang ngayon?" tanong ni Irene.

 

"Yes but no."

 

"Huh? What does that even mean?" nagtatakang tanong niya habang nakakunot ang kaniyang noo.

 

"Yes, I talk to her sometimes. Yung mga... merry christmas happy new year ganon. And no kasi we don't talk too much about personal lives," pagpapaliwanag ni Yeri.

 

"Oh," she dumbly replied. She can't believe na nagselos siya nang slight dahil may connection pa ang best friend niya sa ex niya.

 

"So... gogora ka ba or iiwanan na lang talaga kita, Irene?" Pinag-isipan niya ito for about 5 minutes. Well, wala naman sigurong mawawala if sasama siya 'di ba?

 

"I'll join you."

 

 

"Sure ka bang dito yung venue ng reunion na sinasabi mo, Yeri?" she screamed while making her way through the bar which is less noisy.

 

"Sure ako baks! Medyo nagtaka nga ako kasi ang unusual ng place," sigaw ni Yeri pabalik habang tumitingin-tingin ng familiar faces.

 

"Oh my goodness ang hot," wala sa sariling sambit ni Yeri nang makaupo sila sa tabi ng bar at nahagilap ng kaniyang mga mata ang isang binibining nagnanakaw ng tingin ng karamihan sa lugar.

 

"Syempre mainit talaga baks, nasa club tayo ngayon eh," sabi ni Irene na busy paglaruan ang kaniyang cocktail.

 

"Gaga. Tignan mo kasi yung tinitignan ko. Ayun oh!" turo ni Yeri sa isang table na puno ng barkadang naghihiyawan at umiinom.

 

"Si Joy ba 'yun? She looks stunning," she complimented her best friend's ex while sipping on her drink.

 

"Oo siya nga. Tangina baks, kung hindi kayo naghiwalay ni Ford edi sana kami pa rin ang power couple," Yeri frustratingly said kay Irene as she longingly stared at her ex. May heart eyes pa nga.

 

"Eh sino bang tanga yung nagpasiyang maghiwalay dahil lang naghiwalay kami ni Ford?"

 

"Eh ginawa ko lang naman yun as a sign of loyalty sa'yo as a best friend. Besides, tropa pa rin sila hanggang ngayon, I think."

 

"Loyalty ampota. Ano ka? Aso?"

 

Yeri grumbled and pointed at her.

 

"Ikaw ah, Irene. Nakakasakit ka na masyado."

 

She just laughed and stood up making her way through the crowds again.

 

"Hep hep hep! Irene, saan ka pupunta?"

 

"Saan pa ba? Edi sa ex mo para naman magkabalikan na kayo. If... you still have the chance."

 

"Ay pak, bongga! Kaya kita best friend eh!"

 

 

"Hey guys! Are these seats taken?" tanong ni Irene sa buong barkada na naging malapit sa kaniyang buhay noon. Nakita naman niya ang mga gulat na nakapinta sa mga mukha nila. Maybe this was a bad idea.

 

Magsasalita na sana si Lisa nang siniko siya nang patago ni Moonbyul habang ngumingiti ito kay Irene, charmingly. Greasy as always.

 

"Oi Irene! Long time no see ah?" bati ni Moonbyul sa kaniya habang inaalok siya ng isang margarita na malugod naman niyang tinanggap at ininom.

 

"Oo nga eh. How's life after graduating in La Salle? Kayo pa rin ba ni Solar?" tanong niya nang mapansin niya ang isang engagement ring sa kamay ni Byul. Moonbyul laughed boastfully.

 

"Syempre naman! Love of my life ko kaya si Solar and besides, ako naman talaga ang pinaka-loyal sa aming barkada," sabi ni Moonbyul kaya pinaulanan siya ng batikos at tansan ng kaniyang mga kaibigan.

 

"Kapal mo naman Byul. Gusto mo bang paalala namin 'yung halos mag-break kayo ni Solar dahil hinayaan mong halikan ka sa pisngi ni Krysta--" hindi na natapos ni Jeongyeon ang dapat niyang sabihin nang hampasin siya sa likod ni Moonbyul.

 

"HAHA MALING TAO ATA 'YUN, SI SEULGI ATA 'YUN," she nervously laughed habang napailing na lang lahat ng mga tao sa table nila. Umusog si Lisa to make space sa mahabang couch upang makaupo dito si Irene. On the other long couch na katapat nila Lisa, Moobyul at Irene, Joy scooted closer kay Jeongyeon para makaupo si Yeri na kanina pa nagnanakaw ng tingin sa kaniyang ex.

 

"Not that I'm ungrateful guys, pero buti napunta kayo sa bar na 'to? As far as I know, this is not your scene, Irene," Lisa curiously asked sa kaniya na ikapinagtaka niya. Akala ko ba reunion nila dito ngayon?

 

"I thought--" hindi niya natapos ang kaniyang sasabihin nung umepal-- She meant, nagsalita si Yeri.

 

"HAHAHAH Actually pinilit ko lang talaga si Irene kasi 'di ba, ang hectic sa hospital so wala siyang time for things like this," mahabang litanya ni Yeri as she nervously laughed. Pilit namang ngumiti si Irene sa kanilang lahat habang patagong tinapakan ang katapat niyang si Yeri. Napahiyaw sa sakit si Yeri sa ginawa ng kaniyang bestfriend who's currently smirking at her, na para bang sinasabing, serves you right, you liar! Imbes na gamitin ko 'tong time to rest eh na-scam pa ako sa mga karupukan mo.

 

Bigla naman napatingin si Joy sa kaniyang katabi at tinanong kung alin ang masakit sa kaniya.

 

"'Yung puso ko nung iniwan kita dahil sa katangahan ko," siyempre hindi ito sinabi ni Yeri verbally. Ang awkward naman if sinabi niya 'yun out loud 'di ba?

 

"A-ah eh wala yun. Nag-cramps lang 'yung paa ko," madiing sambit ni Yeri habang matalim na nakatingin sa ngumingising si Irene. Kumunot ang noo ni Joy sa kaniyang narinig at  tumayo sa kaniyang inuupuan.

 

"Scoot over there," matipid na utos ni Joy kay Yeri.

 

"Ha? Bakit--"

 

"Bilis na. Don't ask questions," dahil doon, mabilis na umusog si Yeri para tumabi kay Jeongyeon as she and Joy switched places, making Joy at the far end ng couch. Yumuko ito at hinawakan ang legs ni Yeri.

 

"Hala, huwag po!" panic na bulalas ni Yeri while she flinched sa hawak ni Joy. Napahalakhak si Moonbyul at Irene sa exchange ng mag-ex.

 

"Gaga, kukunin ko lang 'yung paa mo to massage it," mataray na sambit ni Joy na ikinamula naman ni Yeri at ikinatawa ng lahat.

 

"Ew, get a room na nga," saway ni Jeongyeon sa mga katabi niya.

 

"Ang bitter mo pota porket ghinost ka ni Nayeon," Joy rebutted sa kaibigan niya.

 

"Tanga 'di ako na-ghost. She just needs space and time to build herself. Para maging better siya as a person and para din sa future namin," pagtatanggol ni Jeongyeon sa mas malabo pa sa fogged up mirror niyang hilaw na jowa. Walang label pa more, sabi nga ng iba.

 

"Space and time ampota. Theory of relativity ba 'yang walang label na jowa mo?" sagot ni Lisa na ikinabungisngis ng barkada.

 

"Huwag ka ngang magbiro ng ganiyan, Einstein. Nakaka-bobo talaga 'yung jokes ng mga physicist noh?" sabi ni Moonbyul sa lahat.

 

"Langya, paano ka naging Civil Engr. sa lagay na 'yan," Lisa retorted.

 

"Bakit? May time and space ba sa Civil, Lisa Lazaro??"

 

"Grabe, hanggang ngayon nag-aaway pa rin pala kayo? Ang intense talaga ng atenean-lasallian rivalry even after graduating noh?" they heard a voice na papalapit nang papalapit sa kanila.

 

Bumilis ang tibok ng puso ni Irene sa familiar raspy voice ng kaniyang minamahal. Yes, even after all these years, mahal pa rin niya si Seulgi and she doesn't think it will fade anytime soon. Humiyaw naman sa tuwa ang mga barkada ni Seulgi as she approached them. Napatingin si Irene sa pormahan ng kaniyang ex. Black leather jacket over white t-shirt and jeans together with the green streaks on her hair. , bakit ang lakas pa rin ng appeal ni Ford hanggang ngayon? she thought to herself.

She stopped her blatant daydreaming nang mapansin niya ang pagkaway ng kamay ni Seulgi sa harap ng mukha niya which made her flustered all of the sudden.

 

"Earth to Irene, helloooo," sambit nito sa kaniya na ikinamula niya. Buti na lang talaga at madilim sa lugar nila kung hindi, baka linoko na siya ni Yeri sa pagpula ng kaniyang mga pisngi.

 

"A-ah hello," she stuttered habang nahihiya sa intense na tingin ng ex niya.

 

"Pwede bang makiupo sa tabi mo? I think Joy and Yeri are having a good time there and ayaw ko namang maging thirdwheel kasama si Jeongyeon," she flashed her infamous dazzling smile na ikinalaglag ni Irene. Figuratively, of course.

 

"Hoy Evangelista, nakatulala ka na naman sa kawalan," panggugulat ni Yeri sa kaniya at pumalakpak nang malakas to break her out of her stupor.

 

Ngumiti na lamang si Irene kay Seulgi at umusog malapit kay Lisa to make a space for her ex.

 

"You look great," she blurted without realizing na napalakas ang sabi niya. Inner voice who? Napangiti si Seulgi sa kaniya habang pinapapak ang Boy Bawang na nasa lamesa. Nakakatawang isipin na may isang pakete ng boy bawang sa loob ng isang mamahaling bar. Only Byul could do that.

 

"Faink yoursh ye loork wambufu choonighcht choo," sabi ni Seulgi na ikinalito ni Irene dahil puno pa ang bibig niya sa boy bawang na kinakain niya.

 

"Pwede ka namang lumunok muna bago magsalita." Mabilis na nilunok ni Seulgi ang dapat na pulutan ng barkada at uminom ng dala-dala niyang tubig. Seriously? Akala ko ba bar 'to?

 

"I said you look wonderful tonight too." Bumilis naman ang tibok ng puso ni Irene sa sinabi ng kaniyang ex. Marupok pa rin siya sa mga unintentional banat ni Seulgi.

 

"Kumusta ka na Irene? Sina tita Tiffany, nasa probinsya pa rin ba sila or..." Seulgi trailed off.

 

"Well, yes nasa probinsya pa rin sila. Ayaw kasi nila dito, mas maayos naman sila doon so kinuha ko na lang yung title ng pagiging breadwinner."

 

"Eh ikaw? Kumusta ka naman? You didn't answer my first question."

 

Eto... miss na miss pa rin kita. And everyday, I regretted na pinakawalan kita dahil sa takot kong magfade ang pagmamahalan natin sa isa't isa. Nagpadala rin ako sa mga underlying insults ng nanay mo kaya hindi kita napaglaban. Kasi naduwag ako.

 

"I'm... fine? Yes, I'm fine."
 

"Parang hindi ka pa ata sigurado sa sagot mo ah?" natatawa niyang sambit as she ordered a whiskey. Napangiti na lang si Irene sa kaniya.

 

"Ikaw ba? Kumusta ang New York?" Irene changed the subject. Sumandal sa upuan si Seulgi at nag-isip.

 

"Okay lang, it's cold. Masarap ang pizza," natawa silang pareho sa sinabi ni Seulgi. Tumingin silang pareho sa kanilang mga kaibigan. Si Joy at Yeri who were having the best day of their lives habang nagtatawanan sa isa't isa. Si Jeongyeon na panay ang pindot sa cellphone and it's probably Nayeon based sa maliit na ngiti sa kaniyang mukha. Sina Moonbyul at Lisa na panay ang debate sa isa't isa kung alin ang mas masarap: kapag inuna ba ang condiments na ilagay sa plato bago ang pancit canton or mauuna muna ang noodles bago ang condiments? Let them know sa comments down below kung ano talaga ang tamang sagot. Charot.

 

They both smiled unknowingly sa mga nakikita nila. Just like the old times, sabi nga ng iba. Namiss tuloy nila ang kalat days nila lalo na nung college. Of course super fulfilling sa lahat yung maka-graduate at maging stable sa life pero minsan hindi natin maiiwasang hanapin at pagtawa

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
sxlvxrlxght
Happy Valentine's Day, everyone!! ^^

Comments

You must be logged in to comment
kang_ddeul
#1
Chapter 5: awtsuuuu :(( para akong nanood ng movie sa chap na 'tooo huhu pero bumalik kaya si seulgi sa unit ni irene? or..? huhuhu
lokonaba
#2
Chapter 5: awit
eunxiaoxlove #3
Chapter 5: Omg don’t tell me...
eunxiaoxlove #4
Chapter 4: Oh no :(
Hirayathinagap #5
Chapter 2: Nakakatuwa ang panimula - kaya ituloy mo sana ito at tapusin :)