Tahan Na, Aking Sinta

My Liver... Never!
Please Subscribe to read the full chapter

"Huwag ka munang umalis," ungol na sabi ni Seulgi habang nakayakap sa baywang ni Irene.

 

Sabado ngayon at napag-pasiyahan ng dalawang mag-kaibigan na tumambay sa kama ni Irene. Kinurot lang ni Irene ang malalambot na mga pisngi ng kaibigan at sinabing,

 

"Alam mo Ford? Ang yaman-yaman mo naman pero hindi ko maintindihan kung bakit pilit kang tumatambay sa lugar ko. Ninanakaw mo pa yung mga pringles ko."

 

"Ang homey kasi dito.  Saka kasama kita. Ayaw mo n'un? May companion ka dito," sinubukang kumindat ng dalaga ngunit hindi kayang makipag-cooperate ng kaniyang kaliwang mata kaya mukhang pumikit lang siya na ikina-tawa naman ng isa.

 

"Mga banat mo ang mais."

 

"Mais?"

 

"Corny mo, in short," asar ni Irene.

 

"Ah ganun," banta ni Seulgi bago umupo sa dati niyang hinigaan na kandungan ni Irene. Napa-urong naman sa kaba ang dalaga dahil na-corner siya sa sarili niyang kama. Napalunok siya noong nakita niya si Seulgi sa ibabaw niya.

 

"Ford, don't you dare..."

 

"Or what? Ano gagawin mo?" Seulgi wiggled her eyebrows habang nakaturo ang dalawa niyang hintuturo kay Irene.

 

"Papalayasin kita- oh ! Seulgi!" hiyaw ni Irene nang kiniliti siya ni Seulgi sa tagiliran niya. 

 

"Putangina ka tama na!" tumatawang sambit ni Irene habang sabay na tumawa si Seulgi sa kaniya. Yumakap si Seulgi kay Irene habang nakapang-ibabaw siya sa maliit na dalaga.

 

"Woy papatayin mo ba ako? Alis ka nga ang bigat mo," daing ni Irene. 

 

"Ayoko, dito na ako titira. Ang comfortable mo," Seulgi nonchalantly said at lalo pa niyang hinigpitan ang yakap.

 

"Ang manyak mo buset ka. 'Di ka pa nga nanliligaw," biro ni Irene.

 

"Kailangan pa ba n'un? Bawal bang straight to business na lang? Ready naman ako," gatong ni Seulgi at akmang hinuhubad ang suot na sweatshirt.

 

"Hoy tangina ka anong business?! Ba't ka naghuhubad diyan woy bawal yan-"

 

"Tama ka nga Rene. Mainit sa unit mo. Huy, nahimatay ka ba? Oi," tapik ni Seulgi sa pisngi ng kasama. Knocked out nga.

 

"Luh. Naka sports bra naman ako. OA mo ah. Hindi mo pa ako pinatapos magsalita... liligawan naman talaga kita," sabi ni Seulgi habang dahan-dahang hinagod ang pisngi ng kasama. Cute mo, sarap itago sa bulsa.

 

Tumayo na siya sa kama at naghanda ng makakain nilang dalawa ngayong araw. Okay. We going Korean cuisine. Balik sa unit para kumuha ng mini stove at mag-grocery pang-samgyeopsal then magluto ng tteokbokki for my bunny.  

 

 

"Pakyu."

 

"Pakyu ka rin. Ako na naman nakita mo," sagot ni Seulgi habang inabutan niya ng tubig ang kagigising lang na kaibigan.

 

"Ano yung mabango?" tanong ni Irene pagkatapos niyang matapos inumin ang tubig.

 

"Ako."

 

"Tanga nito. Yung pagkain kasi yung tinutukoy ko. Filipino food pa ba yun? Ang unfamiliar ah."

 

"Korean yun. Mga easy to cook lang alam ko," kinuha ni Seulgi ang baso at pumuntang kusina. Sumunod naman ang kuneho.

 

"Are you saying na easy peasy lang yung mga Korean foods? Omo," Irene faked a gasp na ikina-ikot ng mata ni Seulgi. 

 

"Hindi naman sa ganun. Mas madali lang intindihin yung Korean. Ewan. Nahihirapan ako magluto ng pagkaing pinoy. Puro 'trust your instincts mag-tantsa ka lang'."

 

"Hulaan ko, nanay mo yung nagsabi n'un noh?"

 

"Nope. Not actually. My nanny said that. Siya yung nagpalaki sa'kin habang yung mga parents ko, ayun, in and out sa Pilipinas. Working their asses off para sa business."

 

"I'm sorry," nahihiyang sagot ni Irene sa kaibigan niya.

 

"Don't be. Sila naman yun. I don't care. I stopped doing so. Let's dig in na?" aya ni Seulgi habang naka-abang ang kaniyang kutsara sa harap ni Irene. Sumubo naman si Irene at namangha sa cooking skills ng kasama.

 

"Oksies. Sarap mo pa lang magluto."

 

"Pwede na bang husband material? Pwede na ba ako sa'yo?"

 

"Sira ka talaga. Hindi ka pa naman nanliligaw."

 

"What if this is my way of courting you?" Napatigil si Irene sa pagsubo ng kaniyang tteokbokki. Buti na lang at hindi pa niya ito nasubo dahil panigurado, masasamid lang siya sa gulat na ibinibigay ng kasama.

 

"Gianagago mo ba ako Ford?"

 

"Grabe ka naman sa akin. Mukha lang gago pero true yung intentions ko noh!" Seulgi raised her hands in surrender.

 

"Ikaw bahala," sagot ni Irene at itinuloy niya lang ang pag-kain niya ng tteokbokki.

 

"Uhm. Anong sagot yan, is that a yes or no?" nalilitong tanong ng talubata.

 

"Ikaw bahala. Nanliligaw ka, right? Bakit kailangan ng permission ko?"

 

"Kase  I need consent duh." Seulgi said in a matter of fact tone.

 

"Ganun ba yun? Panliligaw lang naman though. Bakit kailangan ng permission in pursuing kung gusto mo talaga like... kaya nga you're courting 'di ba kase that itself is asking for permission to be with someone. Hindi ba ang redundant ng asking for permission sa pag-ask ng permission to love someone? Gets mo ba?" Irene wondered out loud na ikinalito naman ni Seulgi.

 

"I don't know what your point is, pero in my opinion, importante ang verbal consent sa lahat ng bagay kahit simpleng bagay pa yan. So, is it a yes?"

 

"Of course, Seulgi. Kung hindi mo napapansin, I've been attracted for you for quite some time."

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
sxlvxrlxght
Happy Valentine's Day, everyone!! ^^

Comments

You must be logged in to comment
kang_ddeul
#1
Chapter 5: awtsuuuu :(( para akong nanood ng movie sa chap na 'tooo huhu pero bumalik kaya si seulgi sa unit ni irene? or..? huhuhu
lokonaba
#2
Chapter 5: awit
eunxiaoxlove #3
Chapter 5: Omg don’t tell me...
eunxiaoxlove #4
Chapter 4: Oh no :(
Hirayathinagap #5
Chapter 2: Nakakatuwa ang panimula - kaya ituloy mo sana ito at tapusin :)