SIMULA

My Liver... Never!
Please Subscribe to read the full chapter

“Hoy! Anong oras na Irene! Naku ikaw bata ka! Puro selpon nang selpon tapos hindi ka naman pala gigising nang maaga! Ay naku!! Sinasabi ko sa iyo, ‘di ka na aabot sa entrance exam mo!”

 

Nagising si Irene sa ingay ng kaniyang tita na may hawak na malaking kawali. Mabagal siyang bumangon sa kaniyang pagkakahimlay, hindi pa rin pinapansin ang patuloy na pagbubunganga ng kaniyang tiyahin. Kinuha niya ang kaniyang cellphone sa gilid ng kama, binuksan ito at nagulat sa nabasa. Bilis naman siyang pumasok sa banyo para mag-ayos ng sarili.

 

“Tita naman! Bakit hindi niyo ako ginising?!” stressed na sabi ni Irene habang nagsisipilyo at sinusuklay ang kaniyang mahabang buhok.

 

“Anong hindi ginigising? Eh kulang na lang ihampas ko ‘tong kawali sa maganda mong mukha! Dalian mo! Tumawag na ako ng tricycle para makapunta ka sa school nang maaga.”

 

Gusto mang mainis ni Irene sa nakakairitang boses ng kaniyang tita ay hindi niya kayang magawa sapagkat bawing-bawi naman ang tita niya sa pag-aalaga sa kaniya matapos siyang iwan ng kaniyang nanay. Pero iwan na natin ang istoryang ‘yun para sa ibang araw.

 

Dali-daling kumuha si Irene ng dalawang piraso ng pandesal sa lamesa at mabilis na humalik sa pisngi ng kaniyang tita bago sumakay sa tricycle dala-dala ang kaniyang mga requirements. Kumaway siya sa kaniyang tiyahin habang palayo na nang palayo ang sinasakyan niya.

 

“Bye tita! Wish me luck para makapasa ako!”

“Hay, batang ito nga naman, kulang ng tiwala sa sarili, sigurado naman akong makakapasa ka,” bulong ni Tiffany sa hangin habang kumakaway sa nawawalang pigura ng kaniyang pamangkin.

 

 

“Irene Evangelista?”

 

“Present po!” habol hiningang sambit ni Irene sa kanilang magiging proctor. Lumingap sa paligid si Irene para maghanap ng kaniyang uupuan.

 

Isang bakanteng upuan. Ang cliché naman.

 

“Pwede bang umupo?” tanong ni Irene.

“Sure. It’s not that I have a choice, anyway. Occupied na lahat,” sabi ng babae na maangas kung manamit. Sino ba naman kase ang matinong tao na magsusuot ng leather jacket sa Pinas, ‘di ba?

Sungit naman. Gwapa sana kaso attitude siya mga sizt.

 

“Sungit,” bulong ni Irene para hindi marinig ng katabi habang inaayos ang kaniyang mga gamit.

“Are you saying something?”

“Wala bhie, sabi ko lang pagpalain ka ng Panginoon.”

“Whatever.”

 

Hindi na sinubukan pang sumagot ni Irene kay green streak-haired girl (yes, yun ang tawag niya kay ate ghurl) at baka mapasabak pa siya sa away.

Mas importante na makapasa ako ka

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
sxlvxrlxght
Happy Valentine's Day, everyone!! ^^

Comments

You must be logged in to comment
kang_ddeul
#1
Chapter 5: awtsuuuu :(( para akong nanood ng movie sa chap na 'tooo huhu pero bumalik kaya si seulgi sa unit ni irene? or..? huhuhu
lokonaba
#2
Chapter 5: awit
eunxiaoxlove #3
Chapter 5: Omg don’t tell me...
eunxiaoxlove #4
Chapter 4: Oh no :(
Hirayathinagap #5
Chapter 2: Nakakatuwa ang panimula - kaya ituloy mo sana ito at tapusin :)