Ang plano ko

Bago Matapos Ang Araw Na 'To

Chapter 3:

“Ang plano ko”


 

-8 months ago, December 2013-

Mga bandang alas singko y media ng umaga habang ako’y naghahanda para sa simbang gabi, nakatanggap ako ng email. Nagmula ito sa fashion institute of technology sa Manhattan New York:

Greetings Miss Joy Delos Santos:

This email is being sent to inform you that you got accepted for our FASHION DESIGN PROGRAM for the upcoming school year 2014 as our  international scholar. As you know, FASHION INSTITUTE OF TECHNOLOGY is where creativity gets down to business. FIT is a renowned college of art and design, business and technology & we cannot wait for you to join us next year!

Regards,
Mr. John Smith
Dean

Nagtatatalon ako sa sobrang tuwa! Di ako makapaniwala na natanggap ako sa isang prestigious school sa america kagaya ng FIT. Sa kakatili at kakasigaw ko biglang nagising ko bigla ang ate ko.

“Anong kaguluhan to Joy?! Kita mong natutulog ako at galing akong trabaho!”

“Ate Wannie! Ate Wannie! Ate Wannie!”

“Ano? Ano? Ano!?”

“Ate Wannie natanggap ako!”

“Natanggap ka? San ka natanggap?”

“Yes po! Natanggap ako sa inapplyan kong Fashion School sa Manhattan New York!”

Tinignan ako ng blanko sa mga mata ng Ate Wannie ko. Mga ilang segundo ay nag sink-in na sa kanya ang magandang balita. Tumalon talon din si Ate Wannie at sabay kaming nagsisigawan sa tuwa. Maya maya ay nagising na din si Mommy. Naiinis dahil sa sobrang ingay naming magkapatid.

“Mga leche kayong mga bata kayo! Anong pumasok sa isip niyong dalawa at pinili niyong magingay ngayong umaga?!”

“Mommy kase si bunso--”

“Tinalo niyo pa yung manok ni Manong Sooman sa ingay niyong dalawa eh!”

“Mommy! Mommy makining ka po kase!”

“Lintek Joy masakit ang ulo ko ah. Ano ba yang pinagkakaabalahan ninyong magkapatid?”

Pinakalma ni Ate Wannie si Mommy at pinaupo sa upuan. Agad agad kaming umupo ding magkapatid para ipaalam sa kanya ang magandang balita.

“Mommy makinig ka po. Si bunso kase may surprise sayo.”

“Surprise? Ano yung surprise na yan? BUNTIS KA? BINUNTIS KA BA NI SUNGJAE?!”

“Ay hindi po mommy! Di po to tungkol kay Sungjae!”

“Sinasabi ko sayong bata ka! Marami ka pang mahahanap na iba diyan pag ka graduate mo ng kolehiyo--”

“Mommy, ano ba?! Makinig ka nga muna kay bunso! May magandang balita siya sayo.”

“Baka lang naman kase--”

“Puro ka BINUNTIS, umayos ka nga po muna mommy!”

“Oo nga mommy makinig ka po muna kase hahaha!”

“O siya sige sige. Ano ba iyang magandang balita na yan?”

Tumayo ako at agad agad kong kinuha ang aking laptop. Iniharap ko kay mommy ang screen ng aking laptop sabay binasa ko ng malakas ang mga email mula sa FIT.

“--And we cannot wait for you to join us next year! Regards, Mr. John Smith, Dean---”

“Dyos ko maganda regalo ito ngayong pasko---”

“Yes po mommy! Natanggap po ako sa FIT sa america! Natanggap po ako sa Fashion Design Program nila para sa next year na pasukan! Merry Christmas Mommy!”

Di naitago ni mommy ang luha niya. Umiyak siya sa tuwa dahil hindi siya makapaniwala na ang bunso niyang anak ay mag-aaral sa isang Fashion School sa America. Maya maya lang ay may pumindot ng doorbell namin; ang best friend ko na si Yerin. Nagplano kaming mag bestfriend na tatapusin ang simbang gabi. Agad agad ko siyang pinagbuksan ng gate at hinila papasok ng bahay namin.

“Aray ko naman besh! Bakit mo ko hinila papasok ng bahay niyo?”

“Besh teka may surprise ako sayo!”

“Buntis ka?”

“Hah? Gaga ka anong pinagsasabi mong buntis ako?”

“Yan din kanina ang akala ko, Yerin.”

“Ay hello po Tita Irene! Hello din po ate Wannie. Ay hala bat po kayo umiiyak tita?”

“Kase nga nalaman na ni mommy yung magandang balita!”

“Besh ano ba yang magandang balita na yan? Di ka ba talaga buntis?”

“Sira ulo ka talaga besh! Di ako buntis at never ako ginalaw ni Sungjae kaya tumigil ka na.”

“Sorry naman ano ba kase yun?”

Agad agad kong kinuha ang laptop at iniharap kay Yerin ang screen. Binasa ko ng malakas ang mga email mula sa FIT para malaman ng bestfriend ko na natanggap ako at mag-aaral doon.


“--And we cannot wait for you to join us next year! Regards, Mr. John Smith, Dean---”

“BAKLA KA! Totoo ba yan?!”

“Oo besh! Totoong totoo ito! Natanggap ako sa FASHION INSTITUTE of TECHNOLOGY sa America!”

“Congrats beshie! I’m so proud of you! Natupad na yung pinapangarap mo huhu!”

“Oo besh, natupad na di ako makapaniwala!”

“O siya sige magsimba na kayong dalawa matutulog na uli ako. Goodmor-night sainyong lahat!”

“Ok po Ate Wannie! Matulog ka na po!”

Nagpaalam na kami ni Yerin kina Mommy at Ate Wannie at tumuloy na sa simbahan. Ganun parin ang scenario tuwing Simbang Gabi; Matao. Lahat lahat ay may kanya kanyang rason kung bakit gusto nilang kumpletuhin ang simbang gabi. Masasabi ko na kahit last day na ng simbang gabi, tinupad naman ni Lord ang matagal ko ng hinihiling sa kanya; Ang makuha at ang makapag-aral sa FIT.

Tinapos na namin ni Yerin ang simbang gabi. Tinanong ko siya kung saan niya gustong kumain:

“Besh san mo gusto kumain? Libre ko na!”

“Ay wow besh sobra ka naman! Kahit siguro sa Mcdo na lang tayo, tas dalawang mc muffin sakin.”

“Grabe siya! Dalawa agad sayo? Haha pero sige, libre kitang dalawang mc muffin sandwich.”

Habang naglalakad kami, naisipan kong i-text ang boyfriend kong si Sungjae. Tinanong ko kung kamusta yung gig nila kagabi sa may Padi’s Point at nag-sorry na din ako dahil di ako nakasama para sumuporta sa banda niya. maya maya ay nakarating na kami sa Mcdo at umorder na ako. Pumwesto kami ni Yerin sa may gilid na lamesa.

“Uy bakla, ba’t di mo na din sabihin kay Sungjae yung pagkaka-accept sayo sa FIT?”

“Iniisip ko na mas maganda kung sabihin ko sa kanya in person kaysa sa text.”

“Hala siya, bakit naman?”

“Syempre para sabay kaming magc-celebrate about dito.”

“Ah so magkikita kayo mamaya? Diba gabi-gabi yung gig niya mula nung sembreak niyo”

“Balak ko nga umattend mamaya sa gig niya eh.”

“Ay di ka ba nakaka-attend?”

Bago ako makasagot ay sinerve na yung order naming breakfast. Kumain na din kami habang naguusap.

“Uy di ka ba uma-attend ng mga gig ni Sungjae?”

“Hindi naman sa di ako umaattend, besh. Sinusuportahan ko naman siya dahil gusto niyang sumikat. Pero kase--”

“Pero?”

“Besh sa totoo lang, bagsak si Sungjae sa 2 major subjects niya dahil sa mga gigs niya.”
“Aray, bumagsak siya?”

“Oo dalawang subject, majors pa.”

“Edi delayed siya niyan, di kayo sabagay gagraduate?”

“Oo delayed siya at di kami sabay gagraduate next year.”

“Hala pano yan? Anong balak mo? E di ba nga Highschool palang balak niyong dalawa na sabay niyo aabutin yung mga pangarap niyo?”

“Oo alam ko yun. Pinangako namin yun sa isa’t isa. Kaso besh---”

“Kaso? Ano pa yun, beshie?

“Lately, puro kami away ni Sungjae. Palagi na lang kami nag-aaway.”

“Hala besh ba’t naman kayo laging nag-aaway?”

“Alam mo naman besh, mahal na mahal ko siya. Kahit na ayaw ni mommy sa kanya, pinaglalaban ko siya.”

“Oo besh, noong nanliligaw palang yan nung highschool tayo, ayaw na talaga sa kanya ni Tita Irene.”

“Kaya nga pero kase besh, lately kahit maliit na bagay, pinag awayan namin. Katulad ng pag yoyosi niya at paginom niya ng alak, ganun.”

“Gaga, di yun maliit na bagay. Bisyo niya yun eh. Malamang concern ka sa health ni Sungjae.”

“Para sakin maliit lang yun, alam naman niya limits niya.”

“Sus di niya alam limits niya, kaya nga napag aawayan niyo eh.”

“Pero yung mas grabe e yung di niya pagpasok dahil nagc-cut siya para sa banda. Pinag awayan namin yan madalas, besh.”

Maya maya lang tumunog ang cellphone ko; tumatawag si Sungjae. Sinabi ko kay Yerin na need kong sagutin dahil baka magalit si Sungjae pag di ko sinagot. Napairap na lang si Yerin sakin.

“Hello mahal.”

“Mahal pasensya ka na at late na ako nakatawag. May hangover, ang sakit ng ulo ko.”

“Ayos lang mahal. Ay teka, anong oras pala yung gig mo mamaya? Manonood ako.”

“Mga 10pm set namin. Ayaw mo bang magkita tayo mamayang hapon ta’s sabay na tayo pumunta?”
“Pwede naman. Daanan mo na lang ba---”

“Sige kita na lang tayo sa studio sa may Adamson ng mga 4pm. Matutulog muna ako ulit.”

“Ah sige mahal, mamayang 4pm na lang. Love you--”

-End Call-

Binabaan ako ng tawag ni Sungjae. Naiintindihan ko naman na masakit parin ang ulo niya dahil meron siyang hungover. Biglang nagpakita ng inis si Yerin sa akin.

“Hoy bakla! Narinig ko yung usapan niyo. Ba’t hinahayaan mo lang siya na ganyanin ka?”

“Anong hinahayaan ko siya? Alam mo namang may hangover yung tao, sasabay pa ba ako sa kanya?”

“Gaga, may hangover man o wala, natural lang na daanan ka niya sa inyo para sabay na kayo pumunta sa studio. Gago yang jowa mo, awayin ko yan eh.”

“Wag na besh. To be honest, naiintindihan ko naman yung sitawasyon niya. Ganun naman ang pag-ibig diba?”

“Anong ganun?”

“Give and take lang. Ganun ang love.”

Napaka naive ko talaga. Akala ko dati na kahit na loyal kami sa isa’t isa at nagbibigayan ay ok lang yun sa isang relasyon. Na ok lang yung ganun sa relasyon namin. Pero habang tumatagal, nare-realize ko na hindi pala ganun...

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet