Malapit na ang katapusan

Bago Matapos Ang Araw Na 'To

Chapter 1:

“Malapit na ang katapusan”

 

Nagising ako ng mga bandang alas singko ng umaga. Madalas nagigising ako ng mga lagpas alas nuebe dahil ang pasok ko palagi ay mga ala una pa ng hapon. Agad agad kong tinignan ang cellphone ko kung nag text ba ang girlfriend kong si JOY.

“No text messages”

 

“Kamusta kaya siya?” yan ang tanong ko buhat nung nag away kami kagabi galing sa mall. Tumayo ako mula sa aking kama at dumiretso sa banyo. Naisip kong puntahan si JOY sa bahay nila para bumawi sa nangyari samin kagabi. At dahil ngayon araw din naman ay wala siyang pasok, dadalhan ko sana siya ng paborito niyang pagkain. Maya maya, biglang tumunog ang cellphone ko; agad-agad akong lumabas ng banyo para tignan kung tumatawag na ba si JOY. 



“Hello, Joy?”


“Anong Joy? Si Il-Hoon to, boi!

 

Bigla akong napakamot sa ulo ko. Si Il-hoon pala yung tumawag. Binabaan ko siya ng telepono at dali-daling bumalik sa banyo upang ipagpatuloy ang aking pag-ligo. Maya maya tumunog nanaman ang aking cellphone; si Il-hoon uli ang tumatawag.



“Bakit ba?”


“Ba’t mo ko binabaan ng tawag? Nag away nanaman ba kayo?


“E ano naman sayo kung nagaway uli kami?”


“Concern lang ako sainyong dalawa ni Joy, repa. Wag ka na mainis.”


“Oo na. Ba’t ka nga pala napatawag?”

“Tungkol sa gig natin mamaya sa 12 monkeys. Yung set natin mga bandang 9pm.”

“Teka bakit naging 9pm yung set natin? Akala ko ba mga 10pm?”

“Pinapa-move ni boss Dong Geun kase daw may thesis consultation siya bukas.”

“Pota, defense na nga pala nila sa susunod na buwan...”

“Oo eh. Kaya cut mo na yung 6pm class mo, boi.”


 

Wala na akong nagawa kundi um-oo na lang kay Il-hoon. Magc-cut na lang ako ng klase ko mamayang ala sais. Pero dahil maaga naman akong nagising. Pupuntahan ko na lang si JOY ng mas maaga sa kanila. halos isang oras na paghahanda ay lumabas na ako ng aking kwarto. Nag paalam ako sa guard ng DORM namin na may lakad ako. Alam kase ni manong na mga ala una pa ang klase ko kaya nagulat siya na maaga akong lumabas. Naglakad ako papuntang LRT station, naisip ko na mas mabilis akong makakapunta kina JOY. Naka tsempo ako ng nagtitinda ng PRUTAS. Sakto dahil mahilig si JOY sa Kiwi at sigurado akong matutuwa siya. Napaisip din ako na kung magt-tren ako kesa makipag sapalaran sa Jeepney, mas mabuti na yun. Ilang minuto lang naman ang byahe at dahil alas otso palang ng umaga.
Bumaba ako sa Blumentritt Station ng mga alas nuebe y media at naglakad patungo sa bahay nila JOY. Pinindot ko yung Doorbell at bitbit ang mga paborita niyang prutas pati na din KIWI. Biglang bumungad sakin ang ate niya na si WENDY.

 

“Uy Sungjae! Napadaan ka!”

“Kamusta po ate Wannie. Long time no see po.”

“Mabuti naman ako. Syempre alam ko na kung ba’t ka nandito.”

“Uhm opo. Bibisitahin ko po sana kase si Joy. Medyo nagka-alitan kami kagabi.”

“Naku naku yan na nga ba yung sinasabi ko eh.”

“Pasensya na po ate Wannie. Gising na po ba si Joy?”


 

Bigla akong tinignan sa mga mata ng ate niya. Akala ko nagalit kase nagkaroon kami ng tampuhan ng kapatid niya. Inabot ko din yung plastic na puno ng mga prutas, baka sakaling mapatawad din ako ni ate wannie.

 

“Ay ate wag ka na pong magalit. Ito po Kiwi at mga prutas, dinalhan ko po kayo nila Joy.”

“Ay di naman ako galit. May naisip lang ako.”

“Ano po yung naisip niyo?”

“Ay wala naman. Speaking of, umalis sila Joy at si Mommy.”

“Ah ganun po ba? San po sila nagpunta? Puntahan ko na lang po sila.”


 

Biglang napairap si Ate Wannie. Mukang may tinatago ata siya sakin. Ayaw ko naman siyang kulitin pero ramdam ko talaga na parang may gusto siyang sabihin sakin mula nung sinabi niya na umalis si JOY kasama ang mommy nila.

“Makinig ka Sungjae. Nitong mga nakaraan linggo o buwan ba…”

“Yes po ate wannie? Ano pong meron?”

“May sinasabi ba siyang PLANS niya pag ka graduate niya ng college?”

“Plans po? Besides wanting to be a fashion designer wala naman po. Bakit po?”

“Ganun ba? Anyway sa tingin ko it’s best na siya na lang mag sabi sayo.”

“Hala si ate wannie naman. Di ko po kayo magets. Ano po ba kase yun?”

“Hay naku Sungjae. Mas mabuting kayong dalawa na lang ang mag usap.”


 

Ayaw ko ng kulitin si Ate Wannie. Kaya pinili ko na lang na umalis at hindi na tanungin kung san nagpunta si JOY at ang mommy nila. Matagal tagal na din akong di napadpad sa subdivision nila JOY. Yung bahay namin e mga ilang kilometro pa ang layo mula dito. Naisipan kong daanan yung Tindahan ni Aling Shin-Young para bumili ng Yosi. Saktong si Aling Shin-Young yung nagbabantay.
 

“Aling Shin-Young kamusta po kayo? Pabili nga po ng Pula, isa.”

“Sungjae ikaw ba yan? Aba’y ang tangkad mo na ah!”

“Haha salamat po Aling Shin-Young. Matagal-tagal na din po tayong di nagkita.”

“Aba’y oo nga eh. Graduate ka na ba ng kolehiyo, hijo?”

“Ay na delay po ako ng dalawang term. Baka po next year na po ako gagraduate.”


 

Sinindihan ko ang yosi na binili ko mula kay Aling Shin-Young. Pagka ihip ko ng yosi, dali dali kong ibinuga sa may gilid ang usok at itunuloy ko na ang pakikipag usap sa kanya.
 

“Kamusta na kayo ng gelpren mong si Joy? Balita ko kay kumareng Irene eh gagraduate na.”
 

“Ay opo mauuna po siya sakin. Sa October na po siya gagraduate.”


“Yan talagang gelpren mo, ang ganda na’t ang talino pa. Kaya maagang gagraduate eh, no?”

“Alam niyo naman po si Joy. Gustung gusto niya po talaga yung course na kinuha niya.”

“Ano nga uli kurso ng batang yun? Pas-pasyon--?”

“Fashion Design po, Aling Shin-Young. Mahilig po siya gumawa ng design ng damit.”

“Ah yun nga. Masyadong na akong matanda para sa mga yan.”

“Ay di naman po Aling Shin-Young.”

“Teka maiba tayo…”

“Ano po yun?”


 

Bago matapos ni Aling Shin-Young yung sasabihin niya, dumating ang bestfriend ni JOY na si YERIN, bunsong anak ni Aling Shin-Young. Nakasuot ng uniform niya at halatang galing pa ng school. Si YERIN at si JOY ay magkababata at mga classmate ko din sila mula pa nung elementary hanggang highschool. 

“Oh Sungjae! Napadaan ka ata. Long time no see!”

“O siya, kayo na muna magusap at may aasikasuhin muna ako sa loob. Anak, ikaw na muna bahala sa tindahan.”

“Okay po mama.”

“Ingat kayo Aling Shin-Young!”

“Ikaw din, hijo. Pagpalain ka ng Dyos.”

 

Pumasok na si Aling Shin-Young sa loob ng bahay nila. Habang hinayaan na niya si YERIN na mag asikaso ng tindahan nila. Matagal tagal na din ng huli kong nakausap ang bestfriend ng girlfriend ko. Kaya naisipan ko na muna na mag tagal ng ilang minuto bago ako bumalik ng VITO CRUZ.



“Kamusta ka Yerin? Galing kang school?

“Oo tapos na yung klase ko ngayong araw.”

“O ang aga mo naman natapos.”

“Isang subject lang ako ngayon araw, bukas 6 nanaman ulit.”

“Ah sabagay. Ganun talaga.”

“Teka maiba tayo...ba’t ka nga pala nandito sa tindahan namin?”

“Ah ano kase...galing ako kina JOY. Kaso wala siya. Umalis sila ni Tita Irene.”


 

Bigla akong tinignan ng masama ni YERIN. Iniisip ko tuloy baka nabalitaan niya yung naging away namin ng besfriend niya kagabi. Iba talaga ang GF kong si JOY, maraming na pagsasabihan ng problema niya.

 

“Sungjae may tanong ako sayo…”

“Ano yun YERIN? Wag lang math ah. Alam mo namang iba yung course ko sa college, 2 lang math namin.”

“Sira! Di math ang itatanong ko sayo.”

“Binibiro lang kita, masyado ka namang seryoso. Ano ba yun?”

“Nitong mga nakaraang buwan ba may sinabi ba sayo yung bestfriend ko…?”

“Anong may “sinabi”? Ano ba yun?”

“I mean regarding sa “plans” niya pagka-graduate niya ng college. Di ba sa October na siya gagraduate?”


 

Medyo nalilito na ako sa mga sinasabi ni YERIN. Ganyan na ganyan din kanina si Ate Wannie. Iniisip ko tuloy na baka may tinatago si JOY sakin at naging dense lang ako at di ko namalayan ang mga bagay bagay.
 

“Oo sa October na siya gagraduate. Na delay lang ako ng dalawang terms kaya di kami sabay.”

“Ah okay okay…”

“Bakit ano ba yun? Para kang si Ate Wannie. Tinatanong din ako kung may alam ba ako sa plans ni JOY.”

“Ano ba alam mo sa plans ni JOY pagka graduate niya ng college sa October?”

“Anak ng! May tinatago ba sakin si JOY?!”

“Siraulo ka, Jowa mo di mo alam yung mga balak niyang gawin after college?”

“Baliw, alam ko naman. Balak niya maging isang fashion designer.”

“Pero di mo alam kung SAAN niya balak maging fashion designer---”


 

Nagulat ako sa binitawang salita ni YERIN. Napaisip ako sa sinabi niya na ”ALAM MO BA KUNG SAAN NIYA BALAK MAGING FASHION DESIGNER?” Habang paubos na ang yosi ko, hinithit ko muli ito bago ako nagtanong kay YERIN.

 

“Teka ano ba ang ibig mong sabihin? May tinatago ba kayo sakin?”

“Seryoso ka ba Sungjae? Di mo alam?

“Para ka namang sira, YERIN eh. Ano ba yang hindi ko alam na yan?

“Ay ayaw ko na manggaling sakin Sungjae. Mas mabuti na magusap kayo ni JOY.”

“Alam mo YERIN, pabitin ka. Makaalis na nga. Mag aalas dyis y media na pala.”

“Pasensya ka na Sungjae. Mas mabuti na magusap kayong dalawa.”

“Oo na. Sige na aalis na ako. Nice seeing you YERIN.”

“Ingat Sungjae!

 

Naglakad ako papuntang LRT Station para makabalik sa VITO CRUZ. Maya maya nakatanggap ako ng isang text message mula kay Dong Geun:

 

“Dude san ka na? May praktis pa tayo para sa gig natin mamaya. Nandito na kami ni Il-hoon.”

 

Nag reply ako ng “OTW na ako. Nakasakay na ako sa LRT” kahit na naglalakad palang ako papuntang Blumentritt station. Punung puno ako ng mga katanungan kung bakit ganun na lang yung mga tanong sakin ng ate at bestfriend ni JOY. “ALAM MO BA YUNG PLANS NIYA AFTER COLLEGE?” “ALAM MO BA KUNG SAAN NIYA BALAK MAGING FASHION DESIGNER?” Napapaisip ako ng kung anu-ano dahil sa mga tanong nila sakin. Habang nasa byahe ako e biglang tumunog ang cellphone ko; nakatanggap ako ng tawag mula kay JOY:

“Hello---”

“Mahal! Buti napatawag ka! Galing ako sa inyo kanina. Binilhan kita ng paborito mong prutas.”

“Oo nga sabi nga ni Ate. Nasan ka na?”

“Ano, bale pabalik na ako ng VITO CRUZ. May gig kami nila Il-Hoon mamayang gabi sa 12--”

“Pwede ba tayo magkita mamaya? Ano oras pala yung gig mo?

“Mga 9pm. Pina move nila yung--”

“So mag c-cut ka na ng MMBIZ?”

“Uhm…”

“Kita tayo sa labas ng SDA ng 6pm. Kumain na din tayo ng dinner.”

“Ok sige mahal. Takits---”

“Bye.”


 

Galit pa ba sakin si JOY? Yan ang tanong ko sa sarili ko nung binabaan niya ako ng telepono. Nahalata ko yung boses niya parang may gumugulo din sa isip niya. Siguro dahil sa away namin kagabi? O baka dahil sa mag c-cut ako ng 6pm class ko para sa gig? Iniisip ko na lang na tamang tama, tatanungin ko na lang siya pagkakita naming dalawa dahil sabay din naman kaming kakain ng dinner…

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet