Ang sagot sa aking tanong

Bago Matapos Ang Araw Na 'To

Chapter 2:

“Ang sagot sa aking tanong”

 

Alas onse y media nakarating ako sa VITO CRUZ. Nagmadali akong lumabas ng tren para makadaan muna saglit sa National Bookstore para bumili ng Manila Paper para sa 1pm class ko. Pagkatapos dumiretso na ako sa studio kung saan naghihintay sila Dong Geun at Il-Hoon. Pagkabukas ko ng pinto, asar agad ang sumalubong sakin:

“Yown! Dumating na din ang rockstar naming bokalista! San ka ba galing, pare?

“Pasensya na Dong Geun. May pinuntahan lang ako, pre.”

“San ka galing, repa?”

“Bulag ka ba? Kita mo tong Manila Paper? Malamang sa National Bookstore.”

“Pucha, maaga ka daw umalis sabi ni manong guard. Imposibleng sa National ka lang nanggaling.”

“Putek ka Il-hoon, pinuntahan mo pa talaga dorm ko?”

“Oo maaga ka nagising kanina eh. Malamang may problema nanaman kayo ni JOY.”

Napatigil ako. Bigla kong naalala nanaman yung mga sinabi nila Ate Wannie at ni Yerin sakin kanina. Yung mga binabalak ni JOY pagka graduate ng college.

“Hayaan mo pare, magkakaayos din kayo ni JOY.”

Sabay inabot sakin ni Dong Geun ang guitara.

“Tama si Dong Geun, repa. Magkakaayos din kayo ni JOY. I mean, oo madalas kayong nagaaway nitong mga nakaraang buwan. Pero sigurado naman kami na magiging ok din kayo.”

“Salamat mga tol. Teka 9pm talaga yung set natin? Magkikita kase kami ni JOY ng 6pm sa labas ng SDA.”

“Oo repa mga 9pm. Teka magkikita kayo ng 6pm? Alam na ba niya na magc-cut ka na?”

“Sa totoo lang, tumawag siya sakin bago ako pumunta dito sa studio…”

Sinaksak ko yung kable ng guitara sa amplifier. Saka dahan dahan kong pinihit yung mga tuning keys para maitono ko ang mga ito.

“Tapos anong sabi mo?”

“Sinabi ko yung totoo. Sinabi ko na OO magc-cut ako ng MMBIZ mamayang 6pm.”

“Putek pre, pasensya na. Consultation ko kase bukas ng maaga kay sir Rene. Ayaw ko naman na di pulido yung thesis ko. Alam mo naman yung baklang yun.”

“Walang problema Dong Geun. Wala naman akong magagawa, kasado na yung 9pm set natin eh.”

“Aba syempre, chance na natin! Andun yung mga Music Labels mamaya! Malay mo, i-sign na tayo diba?”

“Di bale Sungjae, babawi ako sayo. Ipasa mo yung pre-thesis mo this term at tulungan na kita sa thesis mo next term. Wag mong gayahin tong si Il-hoon, hanggang ngayon namomoblema parin ng B-MAT niya. Pang-ilang kuha mo na ba yun, pare?

“Grabe ka naman sakin Dong Geun! Pangatlo ko palang naman yun!”

“T*ngina niyo, nakatono na ako. Umpisahan na natin mag practice.”

Nagumpisa na kaming tumugtog pero habang tumutugtog ako, di mawala sa isipan ko yung mga sinabi sakin nila Ate Wannie at ni Yerin. Bakit ganun na lang yung tono ng pananalita nila? Bakit parang wala akong alam sa mga binabalak gawin ng girlfriend ko pagkatapos niyang grumaduate ng college? Kailangan ko siyang diretsuhin mamaya pagkakita naming dalawa mamayang alas sais ng gabi.

Pumatak ang ala una ng tanghali, muntikan na akong ma-late sa klase ko. Sakto na di ako gumamit ng elevator sa lobby at service elevator ang ginamit ko. Pagtungtong ko ng 10th floor, pumunta muna ako ng CR para makapag ayos. Binasa ko ang buhok ko at sinuklayan pakanan. Mga ala una bente nung pumasok ako sa classroom. Sakto, wala pa si miss Maku. Nilapitan ko yung isa kong kagrupo at inabot sa kanya yung MANILA PAPER para sa group project namin.

“Tol ito na yung MANILA PAPER. Nakabili ako kanina sa National Bookstore.”

“Uy salamat Sungjae. Magkano pala utang namin sayo?”

“Wala na. Makapasa lang tayo dito, di mo na kailangan bayaran.”

“Hahaha tama tama. Sana nga kase delayed na ako ng isang term eh.”

“Haha ako nga delayed na ako ng dalawang term. OJT ako next term.”

Habang naguusap kami dumating na ang professor namin. Nagumpisa na ang klase ko. 3 oras na naman ang uubusin namin pero ganun talaga ang buhay college. Lumipas ang 3 oras at tumunog na ang alarm; alas quatro na ng hapon. Mukang papasa naman kami sa FINALS ng mga kagrupo ko at di na kailangang magexam sa subject na to. Agad agad akong lumabas ng kwarto at dumiretso sa elevator. Pinindot ko ang L mula sa elevator para makababa ako. Dumiretso ako palabas at tumambay sa may yosihan sa tapat ng campus namin.

Sakto nandoon ang tindera ng yosi. “Mapapa yosi nanaman ako”, yan ang nasa isipan ko. Isa to sa mga pinagaawayan namin ni JOY. Matigas talaga ulo ko at pangapat na stick ko na to ngayong araw. Tinignan ko ang cellphone ko kung nagtext na ba si JOY. Pero wala ni isang message mula sa kanya. Habang humihithit ako ng sigarilyo, napagtanto ko na madalas o napapadalas na ang mga away at alitan naming dalawang mag kasintahan. Ilang buwan na din na madalas na ganito kaming dalawa. Iniisip ko dahil ba sa pagiging matigas ng ulo ko o dahil ba masyado lang akong mahal ni JOY na alam niya ang nakakabuti para sakin at para saming dalawa. Naglaro muli sa aking isipan ang mga sinabi sakin kanina ng ate at bestfriend niya. “ALAM MO BA YUNG PLANS NIYA AFTER COLLEGE?” “ALAM MO BA KUNG SAAN NIYA BALAK MAGING FASHION DESIGNER?” Paulit-ulit na naglalaro sa utak ko ang mga sinabi nila. Di ako mapakali pero ayaw kong guluhin si JOY dahil magkikita naman kami mamayang gabi. Pagkatpos ko magyosi, dahil di naman na ako papasok sa 6pm class ko, binitbit ko ang bag ng guitara ko papunta sa computer shop malapit sa campus namin. Magpapalipas muna ako ng ilang oras bago kami magkita ni JOY.

“Boss, pa open hour sa computer 30.”

“Ok sir, umupo na kayo.”

Inisip ko na muna maglaro, maglibang, baka sakaling di ako kainin ng mga iniisip kong katanungan na gumugulo sa isipan ko. Mula alas quatro y media hanggang alas singko y media, medyo nakalimutan ko na kung ba’t ako naglalaro hanggang sa tumunog ang aking cellphone; Si JOY tumatawag. Agad agad kong sinagot ang tawag:
“Hello mahal!”

“Sungjae, on the way na ako. Nasa may Central Station na ako.”

“Ok sige mahal. Nasa may computer shop lang ako.”

“Ok sige, magte-text na lang ako kapag malapit na ako.”

“Ok, ingat ka. I love you---”

Binabaan niya ako uli ng tawag. Medyo kumulo ang dugo ko. Kasabay nito ay natalo ako sa nilalaro ko. “T*nginang yan!” Napasigaw ako sa inis. Naghalo-halo nanaman yung emotion ko dahil sa ginawa ni JOY. Tumayo na ako at binayaran yung halos dalawang oras kong paglalaro. Bitbit ko ang aking guitara at lumabas agad ako ng computer shop. Sa sobrang inis ko, napabili nanaman ako ng isang stick ng yosi. Ay di pala, napabili na ako ng isang kaha. Mukang kakailanganin ko to di lang dahil may tugtog kami mamayang 9pm kundi dahil alam ko mukang magaaway nanaman kami ni JOY. Nagsindi ako uli ng isang stick ng yosi na sakto nag text si JOY.

“Malapit na ako. Magkita tayo sa may labas ng SDA...”

Masyadong BLANKO ng mga text messages niya. Walang ka emo-emosyon. Di man lang niya nilalagyan ng matatamis na salita o emoji. Mukang galit parin siya dun sa naging away namin kagabi. Naglakad na ako papuntang campus namin at sa may yosihan, doon ko siya inantay hanggang siya ay dumating.

“Sungjae”

Paglingon ko, si JOY na yung tumawag sakin. Nakasuot siya ng polo shirt na checkered na green at naka pants at chucks na sapatos. Pinagmamasdan ko siya habang siya ay papalapit sa akin. “ANG GANDA NIYA TALAGA”, yan ang sumagi sa isipan ko. Napaisip ako kung bakit hinahayaan ko ang sarili ko na kainin ng galit at inis sa tuwing nagaaway kami. Nang nasa harapan ko na siya bigla siyang nagsalita:

“Kanina ka pa ba?”

“Ah, di naman. Kamusta biyahe mo?”

“Teka pwede mo ba ako samahan kay Miss Rika ? Ipapasa ko lang tong requirements ko for graduation.”

“Sige tara sa 10th floor. Nandun pa siguro si Miss Rika, wala naman sigurong ginagawa yun.”

“Great! Madali lang tapos kumain na tayo ng dinner.”

“Sige sagot ko na.”

Sinamahan ko si JOY umakyat ng 10th floor para magpasa ng requirements. Si JOY yung tipong STRAIGHT A STUDENT. Naalala ko noong nasa Highschool palang kami, isa na siya sa mga nasa TOP 10 students at laging panlaban ng school namin sa mga competitions kagaya ng SPELLING BEES. Totoo nga yung sinabi ni Aling Shin-Young na di lang siya maganda, matalino din talaga si JOY. Sakto pag pasok namin sa office ni Miss Rika, nandun siya at may inaasikaso. Inabot ni JOY yung mga papers at requirements niya para sa darating na OCTOBER ay mamartsa na lang siya. Last term na ni JOY at ilang buwan na lang din gagraduate na siya. Minsan iniisip ko kung di ako nagc-cut at palagi akong pumapasok e hindi ako madedelay at kasabay ko din siyang gagraduate sa darating na OCTOBER. 

Natapos na ang usapan nila, narinig ko na kinongrats siya ni Miss RIka. “ LAUDE”, mukang gagraduate ata si JOY na LAUDE. Di ako makapaniwala na di parin siya nagbago; gagraduate ng may “Honor”. Tinignan ako ni JOY at hinawakan yung kamay ko.

“Saan mo gusto kumain?”

“Kahit saan, g lang ako JOY.”

“Ok sige ok lang sa may Mildred’s na tayo kumain?

“Masyadong matagal servings dun. Alam mo naman na---”

“Oo alam ko. May gig kayo nila Il-Hoon…”

“Oo mga 9pm. Teka JOY ba’t di ka na lang---”

“Di pwede Sungjae. Maghahanda ako para sa Thesis 2 ko. Alam mo naman na 2 weeks na lang finals na.”

“I know. I just---I just wanna spend time with you. Alam mo yun? To make up sa away natin kagabi.”

“Wala na yun Sungjae. I went overboard, sorry din.”

Napagkasunduan namin na kumain na lang sa KARINDERYA para mabilis ako makapag handa papuntang venue ng gig. Mauuna sila Dong Deun at Il-Hoon sakin kaya mukang mag tataxi na lang ako papunta sa venue. Habang kumakain kami di ko napigilan na itanong sa kay JOY kung ano ba ang PLANO niya pagkatapos ng KOLEHIYO.

“JOY may tanong nga pala ako…”

“Ano yun Sungjae?”

“Tungkol nga pala sa plans mo after college---”

Napahinto ng pagsubo ng pagkain si JOY. Nakita ko na bigla siyang di mapalagay. Pumasok sa isipan ko na gusto niya talaga maging FASHION DESIGNER. Alam ko yun dahil matagal na niyang pangarap yun mula noong Highschool kami. Di ako pwedeng magkamali dahil palagi niyang nababanggit sakin yun sa tuwing nag-uusap kami ng mga PLANS namin pagkatapos ng college.

“Di ba sabi mo gusto mong maging isang FASHION DESIGNER after mong grumaduate ng college, di ba?

“O-oo gusto kong maging FASHION DESIGNER. Yun nga ang course ko diba? AB-Fashion Design.”

“Oo nga pero---ano kase---”

“Anong meron Sungjae..?”

Bumalik uli sa isipan ko yung mga sinabi ng ate at bestfriend niya kaninang umaga. “ALAM MO BA YUNG PLANS NIYA AFTER COLLEGE?” “ALAM MO BA KUNG SAAN NIYA BALAK MAGING FASHION DESIGNER?” Kailangan ko ng itanong sa kanya kung ano bang ibig sabihin nung dalawa dahil kanina pa ako naguguluhan.

“Kanina kase sa bahay niyo...nakausap ko si Ate Wannie---”

“...”

“Tapos ang sabi niya wala ka nga daw at kasama mo si Tita Irene at may pinuntahan kayo…”

“...Tapos?...”

“Nabanggit nga niya kase yung PLANS mo after ng college. I mean pati si Yerin kanina nakausap ko din---”

“Si Yerin, nakausap mo??”

Nagulat ako sa reaction ni JOY. Lalo siyang di mapalagay dahil nakausap ko ang bestfriend at ate niya kaninang umaga. Di ko naman sinasadya na makausap ko sila. Dumaan lang ako sa bahay nila dahil gusto ko siyang makasama at para makabawi ako sa kanya.

“Oo nakausap ko silang dalawa. Bale, they are telling me cryptic messages. Parehas din nila akong tinatanong tungkol sa PLANS mo after college. I mean, di ba wala ka namang ibang PLANS na iba except maging---”

“Sungjae…”

“I mean JOY, di ko kase magets eh. May gusto ka bang gawin besides maging isang FASHION DESIGNER?”

“Sungjae the truth is---”

“Ano yun JOY? Ano ba kase yun? May tinatago ka ba sakin?”

“Sungjae the truth is I’m---”

“I’m what?”

Nararamdaman ko yung tension mula saming dalawa. Di ko alam kung bakit pero natatakot ako sa isasagot sakin ni JOY. Basta di ko alam pero natatakot ako sa isasagot niya sakin.
“I’m leaving the Philippines after college...”

“I’m sorry...what?”

“I’m leaving at magma-migrate ako sa states after college.  I’ll be attending a fashion school there to pursue my dreams…”

“W-what?”


Nabigla ako sa mga sinabi ni JOY. Di ako makapaniwala na iiwanan niya ako. Di ako makapaniwala na mawawala na siya sakin...

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet