Birthday

Stolen kiss


 

Maagang selebrasyon ngayon ng kaarawan ni Taeyeon bukas pa ang naturang kaarawan niya ngunit sinasalubong nila ito tuwing alas dose ng madaling araw at lalo na ngayon na may selebrasyon din si taeyeon kasama ang kanyang kasintahan sa mismong araw ng kanyang kaarawan kaya’t sinundo ni ryujin si Wendy sa kanyang office. Nang makita ni Wendy si ryujin dali dali niya ito hinila palabas ng hospital. Dahil alam ng nakararami na anak si ryujin ng may ari ng hospital na ito. 

 

 

Susurpresahin kasi nila si Taeyeon though hindi na to surprise kase madalas naman gawin nila ito tuwing birthday ni Taeyeon. Dahil simula ng namatay ang ama ni Taeyeon naging parang anak na rin ito ng kanyang ama at ina. Lumiliban sa trabaho ang kanyang ina upang paghandaan ang pamangkin nito. Dito sa condo ni Taeyeon nagaganap ang handaan tuwing sasapit ang kanyang kaarawan. 

 

 

Nagpapaluto at nagpapalinis ang kanyang ina sa condo ng kaisa isang pamangkin nito. Oo, alam ng ina ni wendy ang password sa pintuan ni Taeyeon. Tanging si Wendy, Ryujin At ang kanyang ina ang nakakaalam sa kanilang pamilya. 

 

 

Hinabilin ng ama ni Taeyeon kay Hye kyo (ina ni wendy) na siya na ang bahala sa kanyang anak dahil iniwan ito ng kanyang ina ng siya ay maliit pa lamang.

 

 

Nandito din sila Wendy ng mas maaga dahil na din sa kanilang regalo para sa kanilang paboritong pinsan (ayon kay taeyeon) 

Darating din ngayon pa ang iba pang kapatid nila mamaya sa salo salo. 

 

 

Habang naglalakad si wendy kasama ang kapatid bigla siyang naka tanggap ng text

 

 

From: Crazy Thief 

 

  • Have a great lunch, Dr. Son. I hope you’re thinking of my while you’re eating. 

 

 

Napapikit nalang si wendy ng mata at sinarado ang cellphone. 1 week na ang nakalilipas simula nangyari ang kaganapan sa cr ng carpool. Isang linggo na rin siyang nakakatanggap ng mga mensahe mula kay Dr. Bae. Hindi natatapos ang araw, umaga, hapon at gabi na hindi siya nakakatanggap ng mensahe mula dito. Pag gising pa lamang niya ay may mensahe na agad ito. Kapag tanghalian lagi nitong pinapaalalahanan ng pagkain at sa gabi naman ay laging nag go-good night. 

 

 

At nagpapasalamat si wendy sa puong may kapal na simula ng nangyari sa carpool hindi pa sila ulit pinag tatagpo ng landas ng doctor na nagnakaw ng first kiss niya. 

 

Pagkapasok nila ng condo ng kanyang pinsan ay namataan niya agad ang kanyang ina na busy sa pagmamando ng mga hinahanda para sa kaarawan ng kanyang pinsan. Inilapag ni wendy ang binili nila ng kanyang kapatid na pizza. Dumaan muna sila sa diamond restaurant para bumili ng paboritong pizza ng kanyang pinsan. 

 

 

Hi, mom” bati ni wendy sa kanyang ina saka humalik sa pisngi nito at niyakap. Ganon rin ang ginawa ng kapatid niyong si ryujin. 

 

 

 

Wala pa si dad?” Tanong naman ni Ryujin

 

 

Paalis na rin daw siya tatapusin niya lng yung mga papel na kailangan niyang pamirmahan ngayong araw”saad naman ng ina niya.

kamusta pala yung regalo niyo sa pinsan niyo? Kelan daw ang dating?” Tanong ng kanilang ina

 

 

 

 

Kausap ko yung mag dedeliver mamaya ang dating sakto lang habang nag cecelebrate tayo. Babain ko saglit mamaya para macheck lang kasama si kuya Suho (yung driver nila).” Tugon ni wendy

 

 

 

 

Kelan niyo ba yun inorder at ang bilis naman atang na released hindi ba wala pa niyan dito sa bansa natin?” Tanong ulit ng kanyang ina

 

 

 

 

Si Ate Seunghee at Kuya David ang ayos ng papeles para ma ship dito on time. Kilala kase ni Kuya david yung may ari ng kompanya kaya hindi rin nahirapan” tugon ni seungwan 

 

 

 

 

Buti nalng palang nandoon ang ate mo at ang asawa niya. Hindi ba parang nakakaabala yun sa kanila lalo na’t may kanya knya silang trabaho at mga anak na sila?” Alalang tanong ng kanyang ina

 

 

 

 

Hindi naman po my, sabi ni ate sandali lang naman dahil kilala naman ni kuya david yung may ari kaya hindi sila nahirapan” si ryujin ang sumagot dahil kumakain na ng turon ang kapatid nitong si seungwan 

 

 

 

 

Si Seunghee ay Panganay na kapatid ni seungwan na nakaupo sa  pagmamay aring hospital ng kanilang pamilya sa Canada. Ito ay Pedia Doctor at may dalawang anak na si Shawn (Jaehyun) at Shane (Jiyeon). Ang asawa naman nito na si David Lee ay Isang kilalang Engineer sa Canada na nagmamay ari ng Engineering Company. 

 

 

 

Nag message pala ang kuya Zico niyo hindi daw siya makakahabol. Na reschedule yung flight niya at kailangan din nilang Overtime sa shoot at kailangan nilang matapos lahat ng kailangan tapusin ngayon buwan at i a-announce nila ang comeback niya next month.” Saad naman ng kanyang Ina

 

 

 

Okay lang yan ang importante nag bayad siya ng parte niya sa regalo haha” tugon naman ni seungwan 

 

 

Si Zico naman ay ang pangalawa niyang kapatid na isang kilalang producer at Rapper sa South Korea at nag mamay-ari rin ito ng isang companya na kakatayo lng last year. 

 

 

 

Eh si Ate Naeun, my?" Tanong ni Ryujin

 

 

Susunod na rin yun. Patapos na rin yung shoot niya para sa bagong commercial niya” tugon ng kanyang ina na ngayon ay sumubo na rin ng lumpia na knyang ginawa

 

 

Tango nalang ako ginawang tugon ni wendy 

 

 

Si Son Naeun ay isang sikat na actress sa bansa. Kilala ito dahil na dami ng commercial nito at pagiging magaling na actress na kabi kabila ang mga proyekto na natatanggap. 

 

 

Maingat ang kanyang kapatid pag dating sa kanilang pamilya. Hindi alam ng publiko na anak ito ng isang mayaman na nag mamay ari ng hospital dito sa bansa at sa ibang bansa. 

 

 

Tanging si Ryujin at Seunghee lamang ang kilala sa mukha ng publiko na anak ng mag asawang Son. Pero alam ng publiko na lima ang anak nila, hindi lamang nila alam ang itsura ng tatlo pang anak nito.

 

 

 

Supportado naman nito ang mga anak nila sa kung anong desisyon at kung ano mang gustong gawin ng kanilang mga anak hanay o hindi man ito sa kanilang propesyon. 

 

 

 

Ilang oras ang lumipas ay dumating na ang kanilang ama.

 

 

 

Niyakap ni wendy ang kanyang ama at hinalikan naman siya nito sa kanyang sentido. 

At dumiretso ang kanyang ama sa kanyang ina na siya naman hinalikan sa labi napakunot nalang ito ng nuo at mukhang nandiri hindi parin talaga siya sanay sa kalandian este ka sweetan ng kanya kahit lagi naman itong ganto

Nakita naman ng kanyang ina ang itsura niya ng halikan siya ng kanyang asawa

 

 

 

 

“Seungwan wag kang gaganyan ganyan isa ito sa rason kong bakit ka at kayo nabuo” pag abanta ng kanyang ina

 

 

“Mom, too much information ew. My ears” sagot naman ni seungwan 

 

 

 

 

“ ka pa kase ate kaya hindi ka makatelate” sabat naman ni Ryujin

 

 

 

Tumigil ka diyan isa ka pang ” sagot ni seungwan 

 

 

 

“Sinong nag sabi—“ sagot ni Ryujin 

 

Napatingin naman silang tatlo sa bunso ng pamilya na bakas na gulat sa mga mata

 

 

“—Na hindi na ako ” pag papatuloy nito at humalak hak

 

 

Nakahinga ng maluwag ang tatlo sa sinabi ng bunso ng pamilya

 

 

 

 

Ayusin mo lang ryujin kung hindi tatadyakan kita papuntang Canada” Si wendy ang nag salita

 

 

Saka naman umalis ang kanyang mga magulang papuntang kusina

 

 

 

Mind your own lovelife unnie. Oops wala ka nga pala nun.” At saka lumapit kay wendy at sinabing “Pag inggit pikit unnie” pang aasar nito

 

 

Mommy, Daddy si Ryujin niyo lumalandi na” sigaw ni wendy papunta sa parents siya

 

 

 

 

My, Dy wag kayong maniwala diyan wala akong sinasabi.” Sigaw naman pabalik ni ryujin

 

————————

 

 

 

“You what?” Gulat na sabi ni Tiffany 

 

 

Yes. Nag confess si Irene na Crush niya si Wendy 

 

 

Crush ko siya. I mean what’s not to like about her unnie” sagot naman ni Irene

 

 

 

Kelan pa?” Tanong naman ni Tiffany 

 

 

 

“2 years na unnie” sagot naman ni Irene 

 

 

 

What? Joohyun? 2 years? So simula ng tumungtong si Wendy sa Hospital?” Tanong ulit ni Tiffany 

 

 

Yes po unnie. Ewan ko kung matatawag mo yung love at first sight pero nung nakita ko siyang ngumiti at nagpakilala may something akong naramdaman at first hindi ko muna pinansin. Then nung nakita ko siya sa conference room, the way niya tratuhin yung mga pasyente niya at pano siya makisama sa tao yun ko na naramdaman na may crush ako sa kanya” Sagot naman ni Irene

 

 

 

Joo joo, hindi lang yan crush it looks like a one sided love” tugon ni Tiffany 

 

 

 

Napatungo na lang si Irene 

Hindi ko alam unnie pero I feel so happy tuwing nakikita ko siya. Tuwing nakikita ko siyang ngumingiti i feel warm and secured kahit hindi naman pra sakin yung smile na yun” 

 

 

 

Oh my, poor joo joo. I never thought na ma o-one sided ka. I mean THE BAE JOOHYUN.” Natatawang sabi ni Tiffany 

 

 

 

Unnie naman lalo mo lang binabawasan yung confidence ko” 

 

 

Don’t worry, joohyun unnie won’t let that happen” bulong ni Tiffany sa sarili. 

Anyways, I need to go na nag text na si TaeTae she’s outside na daw. See you later, couz!” Sabay hinalikan si Irene sa pisngi

 

 

—————

 

 

 

Nadinig ng mag anak na son ang doorbell

Dali dali namang tumakbo si wendy sa may pinto para buksan ito. Pagka bukas niya siya ay napa ngiti at niyakap ang nag doorbell. 

Walang iba kundi si naeun ang kanyang kapatid. Hinila niya ito papasok ng condo at niyakap ng mahigpit at hinalikan sa sintido nito. Hinalikan naman siya sa cheeks ng kanyang kapatid.

 

 

 

I missed you, wan. Hindi na tayo nakakapag catch up at hindi na rin tayo nakakapag bonding. Kelan mo ba ako masisingit sa schedule mo Dr. Son?” Pag tatampo ng kanyang kapatid

 

 

 

Excuse me, sa indemand na Actress Son Naeun hindi lang ako ang busy masyado ka kasing pinag aagawan ng companies at networks kaya wala ka ng time sakin” tugon naman nito sa may pag tatampo rin. Niyakap niya ulit ito ng mahigpit at sinabing “I missed you too” saka humiwalay at ngumiti sa kanyang kapatid.

 

 

Basta, wannie I’ll make time for you matapos ko lang tong mga projects ko. Miss ko na yung late night talks natin at food trip. Make time for me pag naayos ko na schedule ko okay?

 

 

 

Ngumiti naman si wendy “yes ma’am. I’ll make take time for my princess naeun” sabay lumakad papasok “Mom, Dad andito na si Naeun” sigaw naman ni Wendy. 

 

Hindi niya tinatawag na unnie si naeun kahit na mas matanda ito sa kanya.

 

Wendy and Naeun are the closest among their siblings. Close naman silang lahat pero si naeun kase yung malapit sa age niya at naging roommate sila nung hindi pa sila pareho umaalis sa bahay ng kanilang magulang. When wendy left para mag aral abroad sobrang nalungkot si naeun dahil wala na siyang magpag sasabihan ng lahat ng problema niya nung nag tratraining palang siya para maging actress masyado pang bata si ryujin para masabihan niya at hilahin niya tuwing gusto niya makalimutan lahat ng hirap na dinadanas niya ng nag tratraining pa lamang siya. 

 

 

Nagkakausap man sila ni wendy busy din naman ito sa kanyang pag aaral sa ibang bansa at ang oras nila ay magka iba. Nang bumalik naman ang kapatid niya pareho din silang busy dahil siya ang in demand na actress ganon din ang kanyang kapatid dahil kilala ito sa pagiging matalino at magaling na doctor na nagtapos sa isang kilalang paaralan sa ibang bansa. 

 

 

 

Hindi tumagal ay dumating na rin ang bida ng party na ito. Dumating si Taeyeon kasama ang kanyang kasintahan na si Tiffany. 

Pagka dating ng kanyang pinsan agad na kinantahan nila ito at hawak ng kanilang ina ang cake at pumaroon sa harak ni Taeyeon habang kumakanta.

 

 

 

Happy birthday, Happy birthday, Happy birthday, Taeyeon!” Sabay sabay nilang kanta

 

 

 

 

Isa isa silang yumakap at bumati sa may kaarawan at pag yakap din sa kasintahan nito. 

 

 

 

Akmang uupo na si Wendy ng nakatanggap niya ng mensahe na dumating na ang kanilang regalo ito ay nasa parking lot ng condo. 

Agad niyang siyang nag tipa ng reply at sinarado ang kanyang cellphone at humarap sa mga taong gutom na gutom na at gusto nag mag si kainan dahil ngayon ay hapunan na. 

 

 

May naiwan lang ako sa sasakyan. Una na po kayong kumain kukunin ko lang tapos babalik din ako” saad ni wendy

 

 

Tumango naman ang mga ito at nag simula ng kumain. Dali dali si wendy bumaba at pumasok ng elevator nandoon na din ang kanila driver na si suho. Ito ang nag text kay wendy na dumating na ang kanilang hinihintay.

Pagka bukas ng elevator dali dali niyang hinanap kung nasaan ito. Nung nakita niya ay napangiti siya.

 

 

Wow ang ganda niya sa personal kaya pala nagustuhan ni ate tae. Na check niyo na po ba kuya suho?”Tanong ni wendy

 

 

Opo ma’am kanina ko pa po pinaulit ulit. Sinubukan ko na rin po I drive” sagot naman ni suho

 

 

Okay po. Maraming salamat po” at inabot kay wendy ang susi ng sasakyan. Nag abot naman si wendy ng pera sa nag deliver na siyang ikinagulat ng nag hatid nito

 

 

Ma’am bawal—“ hindi nito natapos ng kanyang sasabihin nang magsalita si wendy

 

 

 

Keep it kuya. Hindi naman makakarating sa management niyo. Masaya lang akong nakarating on time yung regalo namin.” Sabay ngiti niya sa driver

 

 

 

Maraming maraming salamat po ma’am. God bless po” sabay sinuklian naman nito ang ngiti ni wendy saka umalis

 

 

Nang paakyat na siya naka received siya ng dalawang message isa galing sa kanyang best friend at isa naman galing sa isang magandang nilalang ngunit magnanakaw ng halik

 

Binuksan niya nag message ng kanyang best friend na si seulgi

 

 

From: Seulbear

 

— best friend andito na ako sa condo ni ate taeyeon kumakain na ako. Where na u?

 

 

 

From: Crazy thief 

—Hi, Don’t forget to eat dinner. Eat me i mean eat well. 

 

 

Nag tipa siya ng mensahe para sa kanyang best friend

 

 

To: Seulbear

 

— Pabalik na may kinuha lang sa kotse. Inuna mo talaga pagkain kesa hintayin ako.

 

 

Pagkatapos niyang replyan saka na siya sumakay ng elevator pabalik.

 

 

 

Pagka dating niya naman nakita niya yung best friend niyang punong puno ang bibig

 

Hi*chew* be *chew* st fri *chew* end *chew*” bati ni seulgi na hirap na hirap sa pag sasalita dahil sa dami ng pagkain sa bibig

 

 

Tinarayan lamang siya ni wendy at dumiretso sa lamesa upang kamain. 

 

 

Habang kumakain “saan pala kayo bukas, Tae?” Tanong ng ina ni wendy

 

 

 

 

Nag book po ako ng hotel sa gangeung auntie tapos mag lilibot po kami doon” sagot ni Taeyeon 

 

 

Unnie, Maganda doon nakita ko online yung GOT na restaurant doon ang ganda ng view” sabi ni ryujin

 

 

Oo nakita ko din yun sabi ko nga kay TaeTae puntahan namin” sagot naman ni Tiffany 

 

 

 

Kamusta nga pala naeun, How’s work?” Tanong ni Tiffany kay naeun

 

 

Okay lang naman, unnie. Nakakapagod pero mahal ko yung ginagawa ko kaya masaya ako na nag bubunga yung hirap ko simula nung nag training ako” sagot naman ni Naeun

 

 

 

Ang lovelife, kamusta?” Sabat naman ni Wendy 

 

 

 

Ang hirap na ngang isingit yung free time ko at wala na akong time para ma meet kayo tapos mag sisingit pa ako ng love? Hindi ko kaya” sagot naman ni Naeun 

 

 

 

You need to make time for yourself, naeunnie. Wag puro work ika nga work hard play hard.” Paalala naman ni Wendy

 

 

 

 

Wow coming from you, seungwan” Sabat ni seulgi

 

 

 

Oo nga” naki sabay naman si Taeyeon 

 

 

Nag sisisi si wendy na nag salita pa siya dahil sa kanya na naman mapupunta itong usapan na ito

 

 

Wala pa rin ba, seungwan?” Tanong ng magulang ni seungwan 

 

 

 

Mom, alam mo naman na busy ako. I don’t have time for that. Tska wala ding magyaya sakin” sagot naman ni seungwan 

 

 

 

Sinong nag sabing wala eh ang benta mo kya sa hospital” pang aasar ni seulgi na sinamaan naman ng tingin ni wendy na para bang sinasabi na kung di ka titigil sasakalin kita mamaya

 

 

Hmmm... do you want me to set you up with an actress seungwan? Do you know Han Hyo Joo? Single siya ngayon? Or anyone you like” tanong naman ni Naeun 

 

 

 

Wow pwede bang ako nalng i set up mo kay Han Hyo Joo unnie?” Sabat ni Ryujin

 

 

 

Pataasin mo muna rank mo sa school niyo Ms. Top 148 out of 150 students” pang aasar ni Wendy kay ryujin 

 

 

Dadd, Mommy panget ng ugali ng anak niyo! Kaya ka single eh” banat naman ni Ryujin 

 

 

 

Ako unnie wala ka bang i seset up sakin” Tanong naman ni Seulgi 

 

 

Akmang sasagot si naeun ng magsalita si Wendy 

 

 

Mag move on ka muna ka sunmi” natatawang asar ni wendy 

 

 

Panget mo. Sama ng ugali ng anak niyo tito at tita” sabay bato kay wendy ng table napkin

 

 

Na siyang nakapag pa tawa naman sa kanila

 

Ako wenwen may irerecommend ako” sabat naman ni Taeyeon 

Actually si Tiffany yung may kilala. Maganda, matalino yun” dugtong ni Taeyeon 

 

 

Yes. Kinwento ni Tiffany kay taeyeon na crush ni Irene si Wendy at dalawang taon na. Na siya namang ikina tawa at gulat ni Taeyeon dahil sino ba naman ang mag aakala na magugustuhan ni Irene si Wendy well likable naman ang pinsan niya pero malayo department ng dalawa at kilala si Irene sa hospital at maraming nag kakandarapa na mapansin lng niya.

 

Bahala kayo sa buhay niyo” sagot ni wendy at patuloy nalng kumain

 

 

—————-

 

 

Nang matapos na silang kumain lumipat naman sila sa sala at nag simula ng mag abot ng regalo. 

 

 

Unang nag abot si seulgi ng regalo niya kay taeyeon. “Unnie ito lang nakayanan ng budget ko nag exceed kase yung card ko kakabili ng pringles kaya kinuha ni daddy yung card ko”

 

Pag bukas ni Taeyeon Louis Vuitton na white sneakers. 

 

 

Ngumiti si Taeyeon at niyakap si seulgi “Thank you, seul. May ipang dodonate na a—“ 

 

 

Unnie” sigaw ni seulgi 

 

 

Joke lang seulgi joke ang salamat haha” natatawang sabi ni taeyeon

 

 

 

Sunod naman ang regalo ni hye kyo at ng kanyang asawa. 

 

Niyakap ulit ni hye kyo si Taeyeon at binati ng happy birthday. 

 

Tatlong regalo ang binigay sa kanyan ng mag asawa

 

 

Ito saamin ng auntie mo” sabay abot ng kanyang uncle.

 

 

 

Unang regalo nito ay dress na kulay black na kita ang curve sa tingin pa lamang nito. Sunod naman ay isang painting na ikinaluha ni Taeyeon. Ito ay mukha niya at kanyang ama niyakap niya ang kanyang auntie at nagpasalamat. Ang huli ay ang napaka liit at manipis na papel. 

 

 

Nakita niya ito at nagulat siya dahil ito ay isang titulo ng lupa at isang bahay. Nanlaki ang kanyang mata ng makita ito at muling napaiyak hindi makapaniwala.

 

 

“Auntie, Uncle sigurado po kayo? Masyado na po yung gift niyo. Sobra sobra na po ito. Okay na po sa akin yung salo salo natin yung hinandaan niyo po ako tapos naging chief pa ako ng hospital hindi ko na po to matatanggap” sabi ni Taeyeon 

 

 

 

Tanggapin mo yan. Hindi ka na bumabata tae  malay mo sooner or later ikasal kayo” sabay kindat ni hye kyo 

 

 

 

Naikina pula ng pisngi ni Tiffany ang sinabi ng kanyang tiyahin

Na ikina tawa naman ng kanyang pamangkin. Alam nila na mag propropose si Taeyeon kay Tiffany bukas. Kaya naisipan nilang bigyan ito ng bahay at lupa na malapit na tinitirahan nila para hindi na iisipin ng mga ito pag sila ay kinasal na. 

 

 

 

Thank you so much, auntie and uncle. I love you so much” sabay yakap niya sa dalawa.

 

 

 

Oops. Di pa tapos ang event” sabi naman ni ryujin

 

 

Saka naman napatingin si taeyeon sa tatlong magkakapatid sa kanyang tabi

 

 

 

Itong gift na ito galing saaming lima ito. Inabot ni wendy ang box kay taeyeon. Bago mo buksan baba muna tayong lahat” saad ni wendy.

 

 

Nang nakarating na silang lahat sa parking lot 

Sinabi ni wendy na buksan na nito ang box na kanyang binigay

 

 

Pag bukas ni Taeyeon nagulat siya. Dahil ito ay susi ng isang sasakyan.

 

 

Pindutin mo, unnie” sabi ni wendy

 

 

Habang naglalakad sila nadinig nila ang tunog ng pagbukas ng sasakyan. Nagulat si Taeyeon sa nakita niya. Ito yung gustong gusto niyang sasakyan pero hindi niya afford at wala rin p nito sa South Korea dahil ire released palang ito rito. 

 

 

Ito ang dream car niya ang  2021 ferrari sf90 stradale ito ay kulay pula. Naiiyak siyang napatingin sa tatlong magkakapatid

 

 

Ang mahal nito bakit niyo binili?” Naiiyak na sabi ni Taeyeon 

 

 

Unnie alam ko kung gaano mo yan ka gusto. Naalala ko pa nga sinabi mo na FIRST TIME MONG MAKITA YAN NAINLOVE KA NA AT SABI MO DREAM CAR MO KAYA YUN YUNG NAISIP KO tapos hindi umaalis sa bibig mo kakabanggit niyan” sabi ni wendy

 

 

Mahal mahal nito kaya ko binibili bakit niyo ginawa” umiiyak na sabi ni Taeyeon habang nakayakap sa kasintahan. 

 

 

Well, i fi-flex ko lang. 30% ang akin, 20% kay  ate seunghee, 20% kay oppa, 20% kay naeun at 10% sa bubwit na to” turo kay ryujin ni wendy

Hindi naman ganon ka bigat wala lang naman ako makakain na bukas kaya lilibre muna ako ni seul, si ryujin naman di na mag aaral wala ng pang tuition.” Biro ni wendy

 

 

Hinampas siya ni Naeun. Sabay yakap sa kanila ni Taeyeon.

 

 

Thank you, best cousins ever! Mahal ko kayo kayo na din mag bayad ng tuition ng magiging anak namin ni Tiffany” biro ni Taeyeon 

 

 

Nag blush naman si Tiffany sa sinabi ng kasintahan.

 

 

Aba masyado nang abuso yun” sabi ni wendy

 

 

Bigla naman sumigaw si seulgi ng “group hug” 

 

 

At sabay sabay silang nag sabi ng “HAPPY BIRTHDAY TAEYEON”!!!

------------

 

 

 

 

 

HAPPY BIRTHDAY JOOHYUN MY LOVE. 
Everyday I celebrate you, but today I am extra grateful 💖 Happy birthday my love, I am SO PROUD OF YOU.

 

 

I'm sorry dahil din na nakakapag update. Ito na po at itatry kong mag update sa abot ng aking makakaya. Thank you sa pag babasa ng fic na ito. Pls leave any comments don't be shy. Thank you so much 


 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Thisiswenrene
I tried inserting a photo for the reference pero it doesn’t work for me. Anyways, thank you for the kind response from you, guys. Let me know how you feel about this chapter. Thank you.

Comments

You must be logged in to comment
sseung1
#1
Chapter 10: Aww. The story is so cute tho... I hope you'll update very soon. 🤍
Seunwannie21
#2
Chapter 10: ayiee wendy nyo nafall na
nicella #3
Chapter 10: Grabe bat ngayon ko lang to nakitaaaaaa kinikilig na ako sa kanila haha what a progress, salamat sa team wr para mangyari to :D
M_jeeh08
#4
Chapter 10: Ahhhhh kilig na likig yarnnnnn
Demiryuhin
#5
Chapter 10: Mukhang nakikita ko na future couple Wenrene 🤭
EzraSeige
#6
Chapter 10: Can't wait 😍❤️💙
Paparapakyaw #7
Chapter 10: LALAYAG NA YARN?
baejoonism #8
Chapter 10: Iba talaga tension ng wenrene sksjsksksjk
baejoonism #9
Chapter 10: Iba talaga tension ng wenrene sksjsksksjk
paransaek #10
Chapter 10: Hallelujah