Not Today
Stolen kiss
Nag pakawala ng hininga si wendy sabay harap kay sejeong sabay sabi ng “Iiwan ko na sayo, sej”
“Okay, wends. Good job. Ako na bahala mag sara” tango naman ni sejeong
“Sige, salamat.” Ani ni wendy sabay labas ng operating room upang harapin ang pamilya ng pasyente.
Pagkaharap ni wendy sa pamilya ay huminga siya ng malalim at ngumiti.
“Sa ngayon po ligtas na po siya sa peligro, nakuha na rin po namin ang limang bala sa kanyang katawan mabuti na lamang ay hindi tinamaan ang mga ugat niya at ang kanyang laman loob”
“Diyos ko, maraming salamat naman. Maraming maraming salamat po, doc.” Ani ng ina nito
“Walang ano man ho. Ilalabas na po siya at ilalagay sa ICU para ma monitor ang lagay niya” at hinawakan niya sa balikat ang ina ng pasyente “malakas po ang anak niyo at matapang” sabay ngiti
Tumango at nag pasalamat naman uli ang pamilya ng kanyang pasyente.
Ikalawang pasyente na ni wendy ito ngayong araw na ito. Ang una ay pasyenteng may appendicitis, itong pangalawa naman ay isang pulis na nabaril sa mission nila. Kaya ito mag aalas dos na hindi parin siya nananghalian.
Buti nalang meron siyang napaka maalalahanin at mapag mahal na mga kaibigan. Pag pasok niya sa office nakaupo sa sofa niya ang kanyang best friend na si seulgi kasama ang dalawa pa niyang kaibigan na sina chanyeol na isang Gynecology and Obstetrics, oo, lalaki siya pero nagpapaanak siya bakit ba? Yun gusto niya eh at ang isa pa nilang kaibigan na si krystal na isang Orthopedic surgeon.
“Gutom na kami ang tagal mo” pag rereklamo ng walang hiya niyang best friend
“Finally, andito na yung pinaka masipag nating kaibigan” sabi ni Krystal
“At pinaka mabenta” dagdag naman ni chanyeol
Hindi naman nakapag bitiw ng salita si wendy at diretsong umupo sa kanyang sofa na para bang pagod na pagod
“Nakakapagod” at sabay tingin sa pag kain na nasa harap niya “at nakakagutom”
“Aw. Kawawa naman ang pinaka masipag na si Dr. Son. Wag kasing aakuin lahat, give chance to others naman andito naman si seulgi tska yung ibang doctor bakit kasi ikaw lagi umaako at nagpapa uto” sabi ni Krystal
“na ah, eh halos lahat si wendy ang gusto nilang mag opera sa kanila at alam mo naman tong kaibigan natin.” Sabay hawak sa balikat ni wendy “sobrang mapag bigay. Kahit hindi niya na kaya aakuin niya parin.” Pang aasar ni seulgi
“Kaya hanggang ngayon walang paring jowa!” Pahabol ni Chanyeol
Sabay irap kay chanyeol not today
“Hay, nako! Tigilan niyo muna ako. Kumain na muna tayo, please! Gutom na ako” pag mamakaawa ni wendy
Alam ng mga kaibigan niya na laging late kumain si wendy dahil nga marami siyang pasyente araw araw at alam nilang ayaw ni wendy ng kumakain ng mag isa kaya naman hinihintay nila ito at sabay sabay silang kumakain sa office nito.
Hindi counted dito yung pa snack nila bago kumain kasama Si Wendy. Shempre kahit gutom na sila inaantay nila itong kaibigan nila at di mawawala ang extrang pagkain na kakainin habang hinihintay ang kaibigan bago kumain
Kung sino man ang unang natatapos sa kanilang mga pasyente ay sila ang mag o’order ng pagkain at meron silang group chat na kung saan nakalagay na ang gustong kainin ng mga kaibigan sa araw na iyon.
Ngayon si seulgi ang unang natapos umorder siya ng galbi with sushi para kay Krystal, Bibimbap para sa kanya, Gamjatang para kay chanyeol, sushi at donkatsu naman para kay wendy.
“Thanks, best friend sa libre” ani ni wendy ng matapos ang kinakain
“Thanks,seulbear” ani ni Krystal
“Oo nga thanks, seul. Sana maka move on ka na kay sunmi” sabi naman ni chanyeol
“Pag u-untugin ko kayo, jaan. Pang gas ko yang pinambayad ko sa pagkain” sabi ni seulgi
“Ang buraot mo naman ang dami niyo naman kayamanan eh” sabat ni chanyeol
“Hindi ako mayaman ang magulang ko kaya wala akong pera. Si wendy ang mayaman dito satin at si Krystal”
“Kapatid ko ang mayaman hindi ako tska kuripot nun. Nanghihingi lang ako ng isang pirason damit di man lang maibigay” inis na sabi ni Krystal
“Hindi din ako mayaman, ang magulang ko oo.” Ani ni wendy
“Pa humble ang mga puta” inis na sabi ni chanyeol
“Mag kakape ako, parang na drain ako sa dalawang surgery ko. Ang hirap makuha ng ibang bullets ng sa pulis buti nalang talaga hindi na damage yung lamang loob niya.” Ani ni Wendy
“G ako wala pa naman akong pasyente.” Sabi ni Krystal
“G din ako. Hindi naman ako tulad ng isa diyan na mabenta araw araw. Bukas pa yung surgery ko.” Sabi ni seul
“Ako din. Bukas pa ako magpapa anak kailangan ko ng energy.” Ani ni chanyeol
“Sige, sandali lang mag bibihis lang ako” ano ni Wendy
Matapos niyang mag bihis ay dumiretso sina wendy sa cafeteria upang uminom ng kape at tumambay na rin habang wala pa silang pasyente.
Habang nag lalakad papuntang cafeteria may nakita si wendy na parang pamilyar na mukha sa hallway ng hospital
Napatigil naman siya at ang Mga kaibigan niya
“Guys, mauna na kayo sunod nalang” hindi na hinintay ni wendy ang sagot ng mga kaibigan at dali dali niyang sinundan ang babaeng pamilyar
“Sandali, san ka pupunta wendy” sigaw ni seulgi
“Wendy!” Sigaw naman ni Krystal
“Anong nangyari doon?” Nalilitong tanong naman ni chanyeol
“Di ko alam. Hintayin nalang natin sa cafeteria” sabi ni seulgi na nagpatuloy ng paglalakad papuntang cafeteria
Samantalang mabilis ni sinundan ni wendy ang babae na lumiko.
Pagka liko nito ay biglang nawala na lamang ito na siyang nakapag pakunot ng nuo ni wendy
“Kamukha niya talaga eh o namamalikmata lang ako?” Pag sasalita ni Wendy
At saka siya bumalik ng paglalakad papuntang cafeteria
Oo, tama kayo. Ang babaeng sinundan ni wendy ay walang iba kundi si Irene.
Dalawang araw na rin ang nakakaraan simula ng nangyari pag nanakaw na naganap
Nang naramdaman ni Irene na parang may sumusunod sa kanya at ng makita niyang si wendy iyo ay lalo siyang kinabahan kaya dali dali siyang naglakad at buti nalang may nalikuan siya at ito siya ngayon pumasok sa room na nakalagay ang kamay sa kanyang dibdib ng dahil sa kaba.
Pag kaharap ni Irene sa pinasukan niyang pinto ay bumungad sa kanya ang mga matang nagtataka kung bakit siya nakatayo sa may pintuan.
Room pala ito ng pasyente. Anim na mata ang nakatingin sa kanya na tila ba hinuhusgahan siya ng tingin
Sabay ngiti naman ni Irene sa kanila at bumati
“Maganda hapon po. Mali ata ako ng napasukan na room” sabay pilit na ngiti “sorry po.” Saka siya lumabas ng room at nagpakawala ng malalim na hininga
Bakit kase siya nasa floor ng mga surgeon. Ang gagang joy kase na yun hinahanap niya at may nakapag turo sa kanya na nasa second floor ito which is ang floor ng surgeon.
Samantalang ang floor nila na mga psychiatrist ay sa third floor.
Humanda talaga tong joy na ito sakin. Gutom na ako kung saan saan pa ito nagpupupunta.
Kanina niya pa ito tinitext at tinatawagan ni isang reply wala man lang.
Nagulat naman siya ng biglang maka tanggap siya ng reply mula ka kaibigan na ibig niya ng sakalin.
Message from
Park Sooyoung:
- unnie, sorry.
Napa sarap kase pag kwekwentuhan namin
nila Ha young at Yerin. Kita nalang tayo sa
ground floor pababa na ako.
Saka siya nag tipa ng reply at pumunta sa elevator at upang bumaba.
“Unnie!” Dinig niyang Sigaw pag kalabas niya ng elevator.
Natagpuan niya ang kanina niya pang hinahanap Nakatayo ito habang kumakaway sa kanya.
Nilapitan ito ni Irene at saka pinalo sa braso
“Kanina pa kita hinahanap sa dami naman ng pupuntahan mo sa second floor pa. Muntik na akong makita ni Wendy” inis na saad ni Irene.
Naalala niya kung gaano siya kinabahan ng sindan siya ni Wendy. Hindi pa siya handang makaharap ito muli lalo na sa ginawa niya. Alam niyang kailangan niya ulit ng napakalakas ng loob pag naka harap niya muli ito
Nasa isang kainan sila ngayon malapit sa hospital na kanilang pinag tratrabahuan. Late na din natapos si joohyun dahil nga marami ding pasyente na siya ang gusto.
“Ano bang nangyari unnie? Nakita ka?” Takang pag tatanong ni joy
Naka upo na sila at naka order na rin ng pagkain.
“Sinundan niya ako pero hindi ko sigurado kung nakita niya talaga ako. Siguro akala niya namamalik mata lang siya. Nang maramdaman kong may sumusunod sakin at nakita ko sa salamin ng pinto na si wendy iyon, nag madali akong mag lakad at buti nalang hindi siya tumakbo para habulin ako. Pumasok ako agad sa isang kwarto at pagka pasok ko naman sa kwarto nakatingin sakin yung mga pasyente” kwento naman ni Irene
“HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA Akala siguro ng mga pasyente natuluyan ka na” pang aasar ni joy “pero, unnie akala ko ba di mo siya iiwasan? Kala ko ba determinado ka ng mapansin niya? Asan na yung joohyun na nag nakaw ng halik? at yung joohyun na sobrang lakas ng determinasyon at confidence?”
“Hindi ko naman siya iiwasan, bukas. Hindi ko lang kaya ngayon. Na drain yung confidence sa halik eh. Kinuha ng lahat ng labi niya yung confidence ko. Kailangan ko pang I recharge ulit yung confidence ko. Itutuloy ko parin shempre wala ng atrasan to. Lalo na ngayon na alam kong napapansin niya na ako” sabi naman ni Irene
“So bukas pag nag ka salubong kayo haharapin mo na siya?” Tanong ni joy ulit sa kanya
“Siguro” natatawang tugon naman ni Irene
“Siguro? Unnie naman?”
“Bahala na. Kung mangyayari man bukas. Ang importante hindi ngayon. Hindi ko kaya ngayon. Sapat na yung exercise ko sa pag takbo ko kanina” natatawang tugon ni Irene
At tska dumating ang kanilang inorder
Sabay po nating ipag dasal na huwag makasalubong ulit ni Irene si Wendy dahil hindi niya alam kung anong gagawin niya ulit kung mangyari ito
Comments