Four

TORN

Mabilis na lumipas ang panahon ng di namin namamalayan at dalawang linggo na lang at board exams ko na. Sobrang kinakabahan na ko at napapressure at the same time. Tapos si Irene sobrang naging busy pa sa trabaho. Halos minsan na lang kami magkausap or mag video call. Minsan kahit na gustuhin kong magsabi sa kanya how exhausted I am hindi ko magawa kasi ayoko nang dumagdag pa sa pagod niya. Buti na lang den andyan yung support ng mga ka-officemates ko. Yung mga senior engineers ko dito sobrang support din yung binibigay sakin. They are willing to help me rin kapag may mga medyo hindi ako naiintindihan. They are willing to explain everything to me. Laking tulong rin sa pagrereview ko yung pag oonsite ko. Marami kasi akong natutunan pag sinasama nila ko sa actual construction area eh. Pero yung pinaka effort sa lahat, si Jennie. Sobrang tulong yung ginagawa niya para sakin. Madalas sinasamahan niya ko magreview sa condo ko dahil one time nabanggit ko sa kanya na mas effective sakin pag may study buddy ako. Sabi ko mas madali kong natatandaan pag may nagtatanong sakin kaya ayun nagvolunteer siya to help me. Tapos palagi rin siya nagdadala ng foods na isheshare niya sakin dahil nakakatalas daw ng brain memory. Para daw healthy yung brain ko at maalala ko lahat ng mga nirereview ko. Sobrang maalaga ni Jennie and I couldn't thank her enough for being a good friend to me. Minsan nga nakakahiya na pero sabi niya okay lang sa kanya since bestfriends naman daw kami. Yes, bestfriends na kami. Madalas kasi napapabuddy ako sa kanya sa mga projects kasi isa siya sa pinakamagagaling na architects ng firm at marami daw akong matutunan sa kanya. Ang mga civil engineers kasi palaging kadikit niyan sa trabaho ang mga architects at nagkakataon na sa kanya ako palagi napapasama. At totoo naman, I saw and admired how passionate Jennie is pagdating sa trabaho niya. Ang galing niyang makipagusap sa mga kliyente. Kapag siya ang nagpresent, surebol na yun na macoclose ang deal. Kaya she's considered as one of the assets of the company. Sobrang swerte talaga ng magiging jowa nito ni Jennie kapag nagkataon. Maganda na, matalino, maalaga pa! San pa sila diba? Sana lang yung magiging jowa niya in the future eh yung matino. Yung hindi siya gagaguhin. Kaya lang sobrang pihikan nito ni Jen eh. Sa dami ng nanliligaw hanggang ngayon walang sinasagot. Matagal na kaming magkaibigan at matagal ko na siyang kinukulit kung sino ba yung nagugustuhan niya na si Chaeng lang ang nakakaalam pero hanggang ngayon ayaw niyang sabihin sakin. Baka daw asarin ko siya. Eh hindi ko naman siya aasarin eh. Kikilalanin ko lang naman kung sino yung gusto niya. Pero wa epek! Ayaw talaga umamin eh. Kaya di ko na pinilit. Wait ko na lang kung kelan niya sasabihin sakin. 

 

"Bale set na yung team building natin ah. Ang alis natin nun Saturday ng tanghali pagtapos ng review mo Lisa. Para isang van na lang tayo, tapos Linggo na nang gabi ang uwi natin" announcement ni Jisoo. 

 

Tumango kaming lahat at naramdaman ko namang may lumapit sa gilid ko. Napatingin ako at di ako nagkamali na si Jennie yun.

 

"Sure ka bang sasama ka? Nakapag paalam ka na ba kay jowa? Saka pano yung review mo?" bulong niya sakin.

 

Ngumiti naman ako at pinisil yung cute na cute niyang pisngi. 

 

"Hindi pa ko nagpapaalam pero sure na sasama ko, payagan niya man ako o hindi" 

 

"Sure ka? Baka mamaya pag awayan niyo pa yan?" nakapout na tanong niya. 

 

Napaka cute talaga nito. Sobrang concern palagi. 

 

"Bakit naman pag aawayan? Ngayon lang naman ako sasama sa inyo. Saka team building naman to hindi naman basta basta gala lang. Saka palagi ko naman siya pinagbibigyan eh, kaya ako naman dapat pagbigyan niya ngayon. Besides, I need this. Sobrang nabeburnout na rin kasi ako kaya I need to relax" 

 

Tumango naman siya at ngumiti. 

 

"Sabagay... Mahirap nga at nakakapagod yung sobrang trabaho at aral. Pero kung ako sayo, magpaalam ka pa rin para aware si jowa. Para payagan ka man o hindi, atleast nagpaalam ka diba? Saka malay mo naman this time payagan ka na, okay?" sagot niya naman while wiggling her eyebrows.

 

"Okay, sige na magpapaalam na ko" 

 

"Pero teka, yung review mo pano? Baka gahulin ka sa oras?" nag aalalang tanong niya. 

 

Pinisil ko ulit yung mga pisngi niya bago ulit ako nagsalita. 

 

"Alam mo ikaw, amg dami mong inaalala. Okay lang ako. Mag aadvance reading na lang ako. Tsaka tutulungan mo naman ako magreview mamaya diba?" sabi ko ng nakapout pa at nagbubeautiful eyes para magpacute sa kanya. 


Inihilamos niya naman yung kamay niya sa mukha ko saka siya tumawa ng mahina. 

 

"Alam mo hindi mo naman kailangan magpacute pa dahil tutulungan naman kita kahit di ka na gumanyan ganyan pa" 

 

"So, cute pala ko for you?" pangungulit ko. 

 

"Wala akong sinabing cute ka ha. Ang lakas mo rin eh no? Dyan ka na nga!" sabi niya sabay irap saka siya bumalik sa table niya. 

 

Tinawanan ko lang siya dahil napakadali niya talagang asarin. 

 

 

 

 

 

 

--------

Jennie

 

Pagbalik ko ng table ko ay nakita kong nakatitig sakin si Chaeng. Yung titig na parang may ginawa akong masama sa kanya. 

 

I looked at her and asked her why using my eyes para hindi kami makakuha ng atensyon ng iba. Lumapit naman siya sa table ko at binulungan ako. 

 

"Don't tell me pupunta ka ulit sa condo niya to help her study?" 

 

"Oo mamaya after office hours" diretsong sagot ko sa kanya but she just furrowed her brows at me. 

 

"What?" tanong ko. 

 

Buti na lang busy ang lahat sa kanya kanya nilang ginagawa at walang nakakapansin samin ni Chaeng ngayon. 

 

"Jen, baka naman you're being too much na for her ha?" bulong niya ulit. 

 

I can hear the sound of seriousness in her voice. Ganito siya kapag sinisita niya kami sa mga mali namin. 

 

"What do you mean being too much?" naguguluhang tanong ko naman. 

 

"Yan yung mga ginagawa mo para sa kanya. Jen, papaalala ko lang ha, may girlfriend yan at baka mamaya makarating sa girlfriend niya na pumupunta ka sa condo niya at pinagdadalan mo siya ng pagkain dito sa opisina" 

 

Napakunot noo naman ako sa mga sinabi niya. Hindi ko gusto kung saan patungo tong usapan na to kaya naman hinarap ko siya bago ko magsalita. 

 

"Eh ano namang masama kung pumunta ko sa condo niya saka kung dinadalan ko siya ng foods? Wala naman kaming masamang ginagawa ah. I'm just helping her to study, yun lang. I'm just being a good friend lang naman, Chaeng" paliwanag ko. 

 

"I know wala kayong ginagawang masama. Ang sakin lang naman Jen, alam kong may feelings ka para sa kanya at alam mong di niya masusuklian yun. Ayoko lang na paikutin mo sa kanya yung mundo mo. You're my bestfriend at ayokong masaktan ka in the end" 

 

Kita ko sa mga mata niya yung sincerity at yung concern. Alam kong nag aalala siya sakin and I appreciate her ng sobra and I trust her. Sa tagal nang panahon na sinabi ko sa kanya yung feelings ko for Lisa hindi yun nakalabas sa iba at mas lalong hindi niya ko hinusgahan. I know na mahal niya lang ako at ayaw niya kong masaktan kaya sinasabi niya to sakin ngayon. Kaya naman hinawaka ko yung mga kamay niya and I look straight into her eyes. 

 

"Alam ko naman yun Chaeng and thank you for the concern, thank you kasi palagi kang nandyan para sakin. Don't worry, alam ko namang hindi maibabalik ni Lisa ang pagmamahal ko para sa kanya, kaya nga hindi ko sinasabi eh. Kaya nga sinasarili ko na lang kasi masaya na ko na masaya siya. Masaya na ko kung anong meron kami ngayon, bestfriends. Okay na ko dun. Saka wag kang masyadong mag alala sakin kaya ko ang sarili ko, okay?" nakangiting sabi ko sa kanya. 

 

Tumango siya at ngumiti rin. 

 

"Okay, basta kapag nasasaktan ka na, tama na ha. Andito lang ako, pwede sabihin lahat sakin, hindi kita huhusgahan pero hindi rin kita kukunsintihin" sagot niya naman nang nakataas pa ang isang kilay. 

 

"I know, I know and I thank you for always being there for me"

 

 

 

 

 

 

 

 

 

"Ingat kayo paguwi ah. Jisoo dahan dahan sa pag drive! Alalahanin mo sakay mo si Chaeng. Pag may nangyari dyan di kita mapapatawad!" pagbibiro ko before waving my hand at them. 

 

Dumungaw naman sa bintana si Jisoo.

 

"Alam mo grabe ka Jennie! Parang si Chaeng lang kaibigan mo eh no? Magiingat ako kaya kayo rin mag ingat ha at mag aral ng mabuti, okay?" 

 

Tumawa naman kami sa reklamo ni Jisoo sakin. Di naman nagtagal at nagpaalam na sila ng tuluyan.

 

"Sige. Una na kami sa inyo, bye" sabi niya saka niya na pinaandar yung kotse. 

 

Nang makaalis na ang kotse ni Jisoo ay saka kami sumakay sa kotse ni Lisa. Hindi ko na dinala yung kotse ko dahil sinundo niya ko sa condo ko kanina dahil nga magrereview kami. Sabi niya para daw sabay na kami pumunta sa condo niya gamit ang isang sasakyan lang at para daw di na ko mahassle tas tipid pa sa gasolina. Well, may point naman siya. Atleast di ako mapapagod, di pa ko magagastusan ng gas. 

 

Pinagbuksan niya ko ng pinto ng shotgun seat tulad ng lagi niyang ginagawa at saka siya pumuwesto sa driver's seat. Pinaandar niya yung makina nung kotse at pagkatapos ay tinignan niya ko. Nginitian ko naman siya pero nanatiling seryoso yung mukha niya. Maya maya pa ay naramdaman kong unti unti na siyang lumalapit sa kinauupuan ko. Bigla naman akong kinabahan at napalunok dahil sa tindi ng titigan naming dalawa. Sa bawat paglapit niya, para kong nauubusan ng hininga. Tapos tuloy tuloy pa siyang lumapit to the point na parang halos di na ko makahinga. Seryoso pa rin yung mukha niya. Pinilit kong wag pumikit kaya naman kitang kita ko ngayon kung gaano kalapit yung mukha niya sa mukha ko. Sa sobrang lapit, nagdidikit na yung dulo ng mga ilong namin. I watched her as her eyes traveled from eyes to my lips. Pigil na pigil yung hinga ko hanggang sa bigla na lang siyang ngumiti. 

 

Click!

 

Inayos niya lang pala yung seatbelt ko. After niyang maikabit yun ay lumayo na siya sakin pero hindi mawala yung nakakalokong ngiti sa labi niya. Huminga ako ng malalim pagkalayo niya. Buwiset! Nagagawa niya pang tumawa ha! Kung alam niya lang kung gaano ako kinabahan dun sa ginawa niya. Muntik na kong mawala sa sarili at lapain yung lips niya tas pagtatawanan niya lang ako! Buwiset talaga tong Manoban nato. Pasalamat ka mahal kita kung hindi iniwan na kita dito para magreview ka magisa mo. Pero siyempre di ko ginawa. Marupok ako eh. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana para itago yung pamumula ko. 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

-----
I'm so excited! Have you seen their teaser photo?  My Gosh!! 🔥🔥🔥

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kimwari25
So another new book. Sana magustuhan at suportahan niyo.

Comments

You must be logged in to comment
_beadel #1
Chapter 4: update please