Three

TORN

A month have passed simula nang dumating dito si Lisa and since then mas lalo kaming naging close sa isa't isa. Hindi rin naman nagtagal at naging close na rin siya kina Jisoo at Chaeng. I know I've told myself na kakalimutan ko nang crush ko siya pero hindi naging madali para sakin ang gawin yun. Paano ba naman, habang tumatagal mas lalo siyang nagiging sweet and caring sakin. Andali naming nakapag adjust sa ugali ng isa't isa kaya ayan tuloy, ako si tanga mas lalo ko siyang naging crush. I always told them na wala na, na hindi ko na siya crush kasi panigurado aasarin nila ko ng paulit ulit. I just keep it to myself instead. Minsan kapag nagkecare siya sakin, sinasarili ko na lang yung kilig. Di ko pinapakita sa kanila. Though minsan di pa rin nakakalusot sa mga mata nila pero hinahayaan ko na lang. Ayoko naman kasing maissue kami sa office mahirap na. Saka may girlfriend siya kaya ayokong makisawsaw. Kutento na ko na good friends lang kami.

 

Ganun den naman si Lisa sakin. She has been a very good friend to me. Nagclick kami ng mabilis dahil pareho kami ng mga trip sa buhay at mas lalong napalapit naman kami sa isa't isa nung naassign kaming dalawa to work closely on a project. I admire how she works and how her mind thinks. She's brilliant actually. Magaang katrabaho at walang kaarte arte sa katawan. But what I like most about her is yung pagiging good listener niya. I can tell her everything I want. No judgement, she just listens. Pwede akong maghanash sa kanya nang kahit na ano, kapag may problema sa trabaho o kaya kapag naiinis ako sa mga nangungulit sakin na manliligaw. 

 

"Eh bat ba kasi ayaw mong pagbigyan? Mukhang okay naman si kuya ang porma nga ng bangs niya eh, straight na straight. San kaya niya yun pinarebond?" tatawa tawang sabi nito pagbalik namin ng opisina.

 

Galing kasi kaming IT department para ipa-update yung mga company laptops namin. 

 

"Alam mo Lisa kung wala kang sasabihing maganda manahimik ka na lang" pagtataray ko sa kanya saka ko siya inirapan at umupo sa table ko. 

 

"Hahaha! Chill Jen. Nagsasuggest lang naman eh" pang aasar niya pa rin. 

 

Maya maya pa at dumating si Chaeng at Jisoo. 


"What's funny Lisa?" tanong ni Chaeng. 

 

"At bakit simangot na simangot na naman tong si Jennie, Lisa? Ano na namang ginawa mo?" 

 

Lisa laughed again kaya inirapan ko ulit siya. Pero ang mokong mas lalong tinawanan lang ako ng malakas. 

 

"Galing kasi kaming IT Department, nagpaupdate kami ng laptop tas nakasalubong namin yung manliligaw ni Jen dun na may bangs ano nga pangalan nun?" 

 

"Sino si Mark ba? Yung weird guy na may gusto sa kanya from IT Dept?" tanong ni Chaeng. 

 

"Oo yun nga! Mark pala pangalan nun! Yun nga! yung palaging nag iiwan ng kung ano ano sa table ni Jen. Tapos nanginginig kapag kaharap siya" pagpapatuloy ni Lisa habang tumatawa pa rin. Pambuwiset talaga eh.

 

"Oh what about him?" tanong naman ni Jisoo. 

 

"Inaya kasi siya makipagdate. Sabi pa nga sama daw ako kung gusto ko. Sabi ko lang naman kay Jen bat di niya pagbigyan. Mukha namang mabait at ang astig pa ng bangs!" 

 

Jisoo laughed at Lisa's remark. 

 

"Alam mo ang gago mo Lisa. Makapagsalita ka parang wala kang bangs no. Pero seriously Jen, bat nga ba ayaw mo dun?" nakangising tanong nito. 

 

Pano iba nga kasi ang gusto ko kaso taken na. 

 

Inirapan ko den si Jisoo kaya mas lalo akong pinagtawanan nung dalawang mokong. 

 

"Kayong dalawa manahimik na nga kayo. Naiinis na si Jen oh. Ayaw niya dun kasi ang creepy kaya nung guy na yun! Kulang na lang stalker na peg nun eh. Sundan ba naman si Jen hanggang cr! Tama ba yun? Buti na lang andun ako"

 

"Talaga ginawa niya yun? Aba loko yun ah!" kunot noong sabi ni Lisa. 

 

"Oo, kaya pwede ba wag niyo na siyang asarin dun sa weirdong yun. Saka kilala ko kung sinong gusto ni Jen no" sabi nito bago siya tumingin at kinindatan ako.

 

"Aba! Bat di ko alam yan?" sabi naman ni Jisoo. 

 

"Kasi madaldal ka baka ichismis mo pa ko. Saka FYI sa inyong dalawa ha, hindi ko siya pinayagang manligaw sakin. Umpisa pa lang nilinaw ko na wala siyang aasahan sakin" sabi ko sabay irap. 

 

Yes, Chaeng knew. Sa kanya ko lang sinabi na I still have crush on Lisa. Di namin pinaalam kay Jisoo dahil sobrang daldal ng babaeng yun. Saka close siya kay Lisa, baka mamaya ichika niya pa ko eh. Hays buti na lang talaga andito si Chaeng. Kahit papano may kakampi ako. Napansin ko naman na biglang napatingin sakin si Lisa as if asking me kung sino yung crush ko but I just ignored her. Inalis ko yung tingin ko sa kanya para makaiwas. There's no way I should tell her na siya yung crush ko no. No way!

 

 

 


-----------

Lisa's POV

 

"So, ano G ka Lis?" tanong ni Jisoo. 

 

Nagaaya kasi sila na mag bar ngayong gabi dahil Saturday na bukas at walang pasok sa trabaho.

 

"Baka negative ako Chu. Alam mo namang may pasok ako sa university bukas, saka I doubt kung papayagan ako ni girlfriend" sagot ko naman. 

 

Yes, may pasok ako sa university bukas. Nagrereview  kasi ako dahil malapit lapit na yung board exam saka panigurado hindi papayag si Irene kapag sinabi kong magbabar ako kasama ng mga kaofficemates ko. Strict kasi yun pagdating sa studies. Ayaw niyang babagsak ako. Kaya nga nung college palagi niyang chinecheck if nakapag aral na ba ko or nagawa ko na ba lahat ng mga school requirements ko. Di naman ako nagreklamo kasi alam ko namang gusto niya lang yung makakabuti para sakin. 

 

"Pasensya na. Pero bawi ako next time promise!" dagdag ko pa. 

 

"Ganun ba? O sige ayos lang" sagot naman ni Jisoo. 


After a few minutes ay biglang may pumasok sa opisina namin. Napakunot noo naman ako ng makita mo kung sino. It's V, isa sa mga manliligaw ni Jennie, taga accounting department. Pero sa lahat ng manliligaw ni Jen, mainit talaga dugo ko sa lalaking to. Ewan ko ba? Ayoko kasi yung way kung pano niya tignan si Jen. Para kasing hinuhubaran niya na si Jen sa mga tingin niya eh. 

 

"Hi guys! Hi Jen!" 

 

Bati niya habang tuloy tuloy ang pagpasok sa loob. 

 

"Oh Hi V! What's up? What brings you here?" nakangiting sagot naman ni Jen na parang tuwang tuwa siya sa presence ng kumag na to.

 

"Iinvite ko lang sana kayo mamaya. Birthday celebration ko kasi" 

 

Say no! Please guys say no!

 

"May painom ka ba?" tanong ni Jisoo. 

 

"Maraming foods?" tanong naman ni Chaeng. 

 

I want to face palm myself dahil pagdating talaga sa alak at pagkain ang dalawang to, wala talagang inaatrasan eh. 

 

"Oo maraming pagkain at inumin akong pinahanda, so ano g kayo?"

 

"Sige G kami!" excited na tugon ni Jisoo na sinang ayunan naman ni Chaeng.

 

"How 'bout you, Jen?" tanong ni V kay Jennie na mukhang undecided pa kung sasama o hindi. 

 

"Eh since sasama naman si Chaeng at Jisoo, sige G na den ako" nakangiting sagot ni Jennie na mas ikinalapad ng ngiti ni mokong. 

 

"Yes!" tuwang tuwang sabi ni mokong na may pagsuntok pa sa hangin. 

 

Napakunot noo na lang ako when I saw Jennie looking at him smiling sweetly habang umiiling iling pa. Pero ako eto badtrip. Ewan ko ba naiinis talaga ko. 

 

"Basta, you all can go, okay? Invited kayong lahat! Pano guys, una na ko ha. See you later! See you later, Jen" sabi nito sabay labas ng opisina namin. 

 

 

 

 

 

 


"Ano Lis, di ka talaga sasama?" tanong ni Jennie.

 

Tapos na ang office hours at pauwi na kami ngayon sa kanya kanyang mga bahay namin. Ako pauwi sa condo ko na di naman kalayuan dito.

 

"Gusto mo ba ko kasama?" 

 

Napatigil si Jen ng kaunti pero agad din naman siyang sumagot. 

 

"Siyempre gusto ko para naman kumpleto tayo no. Kaso ayoko naman maging bad influence sayo, may pasok ka pa bukas eh" sagot nito na may pag pout pa.

 

Tinignan ko naman ang relos ko to check kung nakauwi na ba si Irene para makapag paalam ako sa kanya. 5 PM na dito sa Pinas at 6 PM naman sa Sokor. So, malamang naman nakauwi na siya. 

 

"Pwede naman sumaglet diba?" sabi ko sa kanya na naging dahilan ng pagngiti niya. 

 

"Sige wait lang ah, tawagan ko lang jowa ko" dagdag ko at tumango naman siya.

 

Lumayo ako ng konti para tawagan si Irene. I dialed her number and after three rings sinagot niya na rin yung phone niya. 

 

"Hi Babe!" panimula ko.

 

"Hey, napatawag ka?"

 

"May sasabihin lang sana ko, but why is my Baby sounds tired?" 

 

"Coz I am Baby. Sobrang daming trabaho, nakakapagod. I wish you were here to hug and kiss me. I miss you" paglalambing niya.

 

"Ay sus! My Baby needs lambing ba? Sorry Babe I wasn't there ha. Pero I miss you too so much!" 

 

"I know. I should be the one to say sorry kasi ako yung wala dyan, pero teka sabi mo may sasabihin ka. Ano ba yun?" 

 

"Babe, magpapaalam lang sana ko kung pwede ba kong sumama sa mga ka-officemates ko? Birthday kasi nung isang kaofficemate namin" 

 

"Pero diba may review ka pa bukas? For sure may inuman dun baka malasing ka, hindi ka makapagfocus sa pagrereview" 

 

I knew it! Sabi ko na nga ba hindi niya ko papayagan pero susubukan ko pa rin. 

 

"Sasaglet lang naman ako Babe saka hindi naman ako magpapakalasing" 

 

"But Babe---" hindi ko na siya pinatapos dahil alam ko nang walang kapupuntahan tong usapan nato. Kapag kasi sinabi niyang no, no talaga yun. Ayoko nang pag awayan pa namin to. 

 

"It's okay Babe. Hihingi na lang ako ng pasensya dun sa ka-officemate ko" 

 

"Babe don't get me wrong okay. Ayoko lang namang mapasubo ka. Saka mas importante naman yung review mo diba? Priorities first, Babe" 

 

"Yes Babe I understand. Sige na pahinga ka na lang dyan. Don't skip dinner okay" sabi ko trying hard not to sound disappointed. 

 

"Yes po. But Babe di ka naman galit diba?" tanong niya bakas ang pagaalala sa boses niya. 

 

"No I'm not. Sige na I'll better go na baka marami ka pang gagawin dyan" 

 

"Okay Babe. Ingat ka sa pag uwi ha. I love you, bye" 

 

"Love you too" sagot ko before hanging up on her. 

 

Lumapit ako sa naghihintay na si Jennie. I saw her smiling weakly at me as I approach her. 

 

"Huhulaan ko, di ka pinayagan no?" sabi nito. 

 

Umiling naman ako bilang sagot. 

 

"Hayaan mo na. Next time ka na lang sumama pag tapos na yung board exams mo. Saka nag aalala lang yun sayo!" nakangiting sabi niya. 

 

"Di naman siya dapat mag alala Jen eh. Di ko naman nakakalimutan ang priorities ko. Saka ngayon lang naman ako sasama sa inyo, hindi naman ako papakalasing eh" 

 

"Sus! Wag ka nang malungkot dyan. Dami pa namang next time! Promise pagtapos ng board exam mo magwawalwal tayo, okay ba yun?" pangungumbinsi niya sakin. 

 

Tumango naman ako at pinilit kong ngumiti at ipakitang okay ako pero kahit na di pa ganun katagal ang pinagsamahan ni Jennie kilala niya na agad ako. Alam niya na kung okay ako o hindi. 

 

"Hay naku! Wag mo kong daanin dyan sa fake smile mo Manoban! Promise nga kasi yun kaya wag ka nang magmukmok dyan. Cheer up, okay?" nakangiting sabi niya bago siya tumingkayad para guluhin ang buhok ko.

 

Huminga naman ako ng malalim at ngumiti na nang totoo this time tapos sabay kaming pumunta sa elevator pababa ng basement sa may parking kung saan nakaparada ang mga kotse namin. Yes, she has a car pero nung araw na magkakilala kami, di niya dala yung car niya dahil coding kaya ayun nagtaxi siya. Pagbukas ng elevator ay nauna nang lumabas si Jennie. Pinagmasdan ko lang siya habang naglalakad siya sa harapan ko. I really appreciate Jennie. Sa maikling panahon, nagagawa niya nang pagaanin ang loob ko ng ganito lalo sa tuwing nagkakatampuhan kami ni Irene. She's always there to give me advice. 

 

Actually, kaya ko lang naman gustong sumama sa kanila dun kina V dahil wala akong tiwala sa mokong na yun. Baka mamaya kung ano pang gawin nun kay Jennie eh. I just want to protect Jennie lang kasi tinuring ko na siyang matalik na kaibigan. Kaya ayokong may manggagago sa kanya. Buti na lang andun si Jisoo at Chaeng. Sa kanila ko na lang ibibilin si Jennie. 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kimwari25
So another new book. Sana magustuhan at suportahan niyo.

Comments

You must be logged in to comment
_beadel #1
Chapter 4: update please