Two

TORN

"Good morning guys!" masayang bati ko pagpasok ko sa opisina. 


Andito na silang lahat maliban na lang sa aming head engineer. Napatingin silang lahat sa akin habang naglalakad ako paupo sa pwesto ko. 


"Aba mukhang good mood ka ata Jen ah?" usisa ni Chaeng. 


"Anong nangyari ha?" tanong naman ni Jisoo na talagang lumapit pa talaga sakin para lang maki chismis. 


"Sino ba namang hindi sasaya kapag nameet mo na yung soulmate mo?" kinikilig na sabi ko. 


Pinagtaasan naman ako ng kilay ng dalawang loka. Kinuwento ko sa kanila yung nangyari sakin. Yung pangaaway ni manong driver sakin hanggang sa pangtitreat niya sakin ng coffee. 


"So, tinulungan ka lang soulmate mo na agad?" basag ni Jisoo sa pagpapantasya ko. 


Kahit kelan talaga tong babaeng to panira ng trip eh. 


"But tell me Jennie is she that pretty?" kinikilig naman na tanong ni Chaeng. 


"She is Chaeng! I love how she smiles, her eyes, her nose, and her beautiful beautiful li---" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng mapahinto ako sa nakita ko. 


Napalunok ako at nanlaki ang mga mata ko ng  makita ko siyang nakatayo sa harapan ko ngayon. 


What the is she doing here?


Nakangiti na naman siya. Nagtama ang mga mata namin at napansin kong medyo nagulat den siya nang makita niya ko  pero nagawa niya pa ring ngitian ako habang pinapakilala siya samin ni Engineer Yoo. Nginitian ko rin siya at medyo iniyuko ko ang ulo ko dahil bigla akong nakaramdam ng hiya at dahil biglang nag init ang mukha ko. Alam kong namumula na ko at ayokong makita niya yun. 


"What the heck! Is she for real? Ang ganda niya shet!" dinig kong bulong ni Chaeng. 


Napatawa naman ako. I'm sure they wouldn't believe me kapag sinabi kong siya yung kinukwento ko sa kanila kanina.


"Good morning everyone. As you can see I have someone here with me, this is Engineer Lisa Manoban and she will be a new addition to our team. She's a fresh grad but with an outstanding academic performance. Please I want you guys to take good care of her, okay?" 


Tumango kaming lahat at isa isang nagpakilala sa kanya. 


"Hi I'm Park Chaeyoung, I'm the structural Engineer of this team" 


"I'm Jisoo Kim and I'm one of the Building Services director here, nice meeting you Lisa" sabi ni Jisoo sabay handshake. 

Isa isang nagpakilala ang lahat until it's my turn to introduce myself to her, the second time for this day actually. 


"Hi, I'm---" hindi niya na ko pintapos when she completed the introduction for me. 


"Jennie Kim" nakangiting sabi niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. 


I swear pinipigilan ko lang talagang magtitili ngayon dahil nakakahiya sa mga kaofficemate ko pero the way talaga siya tumingin sobrang nakakapang hina. But of course, since nasa opisina kami, I need to act professional. Mamayang lunch break na ang lande. Trabaho muna for now. Pansin ko namang nakatingin lang samin si Jisoo at si Chaeng nang may nakakalokong ngiti sa mga labi. 


"Yes... I'm Architect Jennie Kim" 


I saw how formed an 'o' shape bago siya ngumiti at binitawan ang kamay ko. Then she stands again in front all of us.


Mukha namang excited ang lahat na makilala siya pero syempre mas excited ako since palagi ko na siyang makakasama. So, is this what you called destiny? Na andito siya ngayon sa harapan ko. Di ko alam pero sobrang saya ko lang talaga ngayon. Sobra!


"Nice to meet you all too guys. Please take good care of me" sabi niya sabay ng medyo pagbow ng ulo niya. 


Don't worry, I will surely take good care of you!

 

 

 

 

"So, tell me Lisa... pano kayo nagkakilala ni Jennie?" tanong ni Jisoo. 


Andito kami ngayon sa isang restaurant malapit sa office, our favorite place na kinakainan namin tuwing lunch break. Napatingin naman sakin si Lisa as if she's asking me kung okay lang bang ikwento niya sa kanila yung kahihiyang ginawa ko kanina. 
I just nod at her at saka naman siya nagsimulang magkwento samantalang ako eto at nakatitig lang sa kanya the whole time na nagkukwento siya. 


Ang cute niya talaga! 


Matapos magkwento ni Lisa ay nagsalita naman itong si Jisoo. 


"Ah... So, ikaw yung kinukwento ni Jen na so---" 


Nanlaki ang mata ko kay Jisoo dahil muntik niya na kong ilaglag kaya naman agad ko siyang sinubuan ng tempura at pinandilatan ko siya ng mga mata ko para manahimik siya. Tumawa naman si Lisa sa ginawa ko pero bakas sa mukha niya ang pagtataka. Jisoo glared at me dahil muntik na siyang mabulunan sa ginawa ko but I couldn't care less. Masyado kasi siyang tsismosa kaya dapat lang yan sa kanya. Tumingin naman ako kay Lisa at ako na ang nagtuloy ng kwento. Mahirap na baka mamaya ilaglag na naman nila ako. 


"Ano kasi... kinuwento ko sa kanila na tinulungan mo ko. Sabi ko uso parin pala yung mga superhero ngayon" pagdadahilan ko. 


Bahagya siyang tumawa. Shocks! Bakit parang bawat kibot niya maganda para sakin? 


"Kahit sino naman gagawin yun" sagot niya.


"Pero walang ibang nagstood up para sakin kanina, ikaw lang. Kaya thank you" 


"Wala yun Jennie" 


"Babawe na lang ako sayo next time pag dala ko na yung wallet ko" sabi ko naman. 


Ngumiti siya at tumango. 


"Okay lang talaga Jennie" sagot niya. 


"No, I insist" pamimilit ko. 


"Okay. Sabi mo eh" maya maya pa ay tumunog ang phone niya. 


She excused herself at bahagyang tumagilid para sagutin yung phone niya. Pinagmasdan ko lang siya ng nakangiti. Hindi talaga ko nagsasawang titigan siya hanggang sa may bumulong sa gilid ko. 


"Girl baka naman matunaw" pang aalaska ni Chaeng na sinagot ko lang ng pag irap. 


Matapos nun ay si Jisoo naman ang nagsalita. 


"Kung wala kang perang dala, sinong magbabayad ng kinain mo ngayon?" seryosong tanong ni Jisoo. 


Tinaasan ko siya ng kilay saka ko siya sinagot. 


"Ikaw... since marami ka na rin namang utang sakin na di mo na binayaran" pagtataray ko sa kanya. 


Napakamot na lang siya sa ulo habang pinagtatawanan namin siya ni Chaeng. Pagtapos naming pagtawanan si Jisoo ay nabaling ulit kay Lisa ang tingin ko. Sino kayang kausap niya and why does she seems so happy?


Maya maya pa ay nagpaalam na siya sa kausap niya. 


"Yes Babe, mag ingat ka rin dyan. Sige na bye" 


Babe? So, she's taken na? 


Bigla akong nakaramdam ng lungkot at parang biglang kumirot yung puso ko. Taken na nga kaya siya? Wala na ba kong pag asa?


Nakatitig lang ako sa kanya ng ibinaba niya ang telepono at muling humarap sa amin. Agad ko namang iniiwas ang tingin ko at ibinaling sa pagkain ang mga mata ko. Bakit ganun? Parang biglang gusto kong umiyak. Hay Jennie, wala ka namang karapatan to feel that. Saka baka naman your jumping into conclusion agad? Baka naman kaibigan lang or kapatid? Pero bakit Babe? Hays... Tama na nga to. Crush mo lang siya. Di ka dapat nagkakaganyan.

 

 

 


---------

Lisa


Napansin kong nakatingin sakin si Jisoo at Chaeng na parang may gusto silang itanong sakin pero hindi ko na lang pinansin at bumalik na sa pagkain. Habang kumakain, napansin kong parang nag iba yung mood ni Jennie. Parang bigla na lang siyang sumeryoso or parang lumungkot yung aura niya but then again I just shrugged it off. Hindi pa naman  kami ganun kaclose para magtanong ako sa kanya kung anong problema. After a few minutes of silence ay nagsalita naman si Chaeng.


"So Lisa tell me, are you taken?" deretsahan niyang tanong sakin.


Napansin kong medyo nagulat si Jennie at Jisoo sa tanong ni Chaeng pero pati sila nakatingin na rin sakin. As if they are really waiting for my answer. Actually, wala naman sakin yun. Sanay na kong may nagtatanong sakin niyan. 


"Yes. I have a girlfriend kaya lang nasa malayo siya eh" nakangiting sabi ko. 


Their mouth went 'o' when I say that.


"LDR?" tanong naman ni Jisoo.


"Yup" 


"Gano na katagal?" usisa ni Chaeng. 


Actually, feeling ko nasa talk show ako dahil salitan sila ng tanong sakin but I don't mind. Maybe they just want to start a conversation. Ewan ko kung bat ako napatingin kay Jennie. Siguro dahil kanina pa siya tahimik at parang wala sa mood or baka naman di lang talaga siya interesado sa lovelife ko. Hindi ko na lang den pinansin at muli akong nakipag usap kina Jisoo at Chaeng.


"Gano na kami katagal or gano na katagal kaming LDR?" paglilinaw ko. 


"Both" sagot naman ni Chaeng.


"Well, we've been 5 years together, tapos more than a year na kaming LDR" 


Tumango naman sila bago nagsalita ulit. 


"Wow tagal niyo na" sabi ni Jisoo.


"Yes" sagot ko naman.


Mabilis na lumipas ang oras at kinailangan na naming bumalik sa opisina dahil tapos na ang lunch break. Naglalakad lang kami since hindi naman ganun kalayo yung kinainan namin na restaurant. Pansin ko kanina pa talaga tahimik si Jennie at medyo naninibago ako. Kanina lang kasi sa office bago maglunch break madaldal pa siya, tas all of sudden bigla ang tahimik niya na. Napatingin lang ako sa kanya. Nauuna siyang naglalakad sakin habang nauuna naman sa kanya si Jisoo at Chaeng. Hindi ko alam kung anong nagtulak sakin but I fasten my pace para masabayan ko siya. 


"Are you okay?" tanong ko nung magkasabay na kaming lumakad.


"Yeah I'm fine" sagot niya ng may tipid na ngiti. 


"Well, you didn't look one" 


Napatingin siya sakin ng nakataas ang isang kilay. I swear ang taray niya tignan but she also looks hot at the same time. 


Wait what? Did I just say she's hot? Well, she is actually hot but I shouldn't have said that! I have a girlfriend at siya lang dapat ang hot sa paningin ko. But wala naman sigurong masama coz I'm just appreciating her beauty. Yun lang naman yun. 


"I'm sorry. I didn't mean to be nosy. Nag alala lang ako. Bigla kasing nagbago ang mood mo, baka mamaya may nasabi akong di mo nagustuhan or baka may masakit sayo?" 


I saw how she heave a deep sigh bago niya ko lingunin. This time nakangiti na siya ulit sakin. 


"No, I'm fine Lisa. Medyo sumakit lang yung ulo ko. Dahil na rin siguro sa sobrang init" 


Tumango ako. 


"But are you sure you're good na?" tanong ko ulit. 


"Yeah, okay na ko. Salamat"

 

 

 

 

 

 

---------

Jennie


Mabilis natapos ang araw at pauwi na kami ngayon. Hindi pa rin mawala sa isip ko na may jowa na si crush. Nakakainis pa tong si Jisoo at si Chaeng dahil panay ang asar sakin. Pasoulmate soulmate pa daw ako yun naman pala taken na. Ang sakin lang naman crush ko lang naman siya. Aaminin ko, umasa ko ng very light pero mabuti na rin na nalaman ko ng mas maaga para atleast di na ko aasa pa diba? Nalungkot ako ng kaunti nung nalaman kong may girlfriend na siya pero siyempre di ko pinahalata. Akala ko kaya niya ko tinulungan dahil type niya rin ako but it turned out na mabait lang talaga siya kaya niya ginawa yun. Tapos kanina natouched ako nung binigyan niya ko ng paracetamol nung sinabi ko na masakit ang ulo ko tas may panote  note pa na 'get well soon'. O diba? Sino naman kasing di magkakacrush sa kanya? Ang swerte nang jowa niya sa kanya sobra! 


Pero syempre dahil taken na siya susubukan ko nang iuncrush siya kasi delikado yang nga crush crush na yan eh. Dyan kasi nag uumpisa ang lahat. Hindi ko naman sinasabing baka magkagusto siya sakin ah. Ang sakin lang ako yung delikado sa kanya. Baka ako kasi yung mafall. Mahirap na lalo't may sabit siya. Kaya much better na tigil tigilan ko na tong crush ko sa kanya and just start treating her as a colleague. Pwede rin naman kaming maging friends kung gusto niya. But of course kung gusto niya lang naman. At syempre, hanggang friends lang talaga dapat. Ayoko namang maging third party no. Gusto ko pag ako, ako lang dapat. 


So, Lisa Manoban, from now on kakalimutan ko nang crush kita!

 

 

 

 


-----
May tanong ako... 
How to unlike your crush??

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
Kimwari25
So another new book. Sana magustuhan at suportahan niyo.

Comments

You must be logged in to comment
_beadel #1
Chapter 4: update please