Chapter 4 (FINALE)

Drive-thru
Please Subscribe to read the full chapter

CHAPTER 4 (FINAL)

"Yung totoo, Seulgi. Saan mo ba talaga ako dadalhin ha? Kanina pa tayo naglalakad at wala pa akong maaninag." Reklamo ng isang babaeng nakatakip ang mukha habang mahigpit ang hawak sa kamay ng kasama niya, sa takot na baka siya ay madapa.

"I swear, Seulgi. Kapag dinala mo ako sa kung saan-saan, I'll poke your eyes out." Pagbabanta ni Irene na ikinatuwa ng kanyang kasama.

"Just trust me. Sinabi ko naman dati sa'yo na I'll take you out sa isang proper date. Be patient, please?" Pinisil naman ni Seulgi ang kamay ni Irene to reassure the older girl. Tumango na lang ang tinanong dahil wala naman siyang magagawa at hinayaan na gabayan siya kung saan.

"You'll see once na nakarating na tayo 'dun. I don't know kung magugustuhan mo pero I'll make sure to make this day memorable." Hindi mapigilan ni Irene na hindi mapangiti sa sinabi ni Seulgi at hinigpitan ang pagkakahawak sa mga kamay ng kasama.

"Alright. Need mo humakbang since may hagdan. Hindi naman kita hahayaang mahulog, kasi nandito naman ako para saluhin ka." Nakatanggap ng hampas sa braso si Seulgi mula sa nakatatanda dahil sa biglang banat niya. Hindi mapigilan ni Irene na hindi mamula ang kanyang mga pisnge at akmang hahampasin ulit si Seulgi kaso nakaiwas ang kasama niya.

"Ewan ko sa'yo, pafall mo ha. Ilang babae na kaya napa-fall mo sa galawan mong 'yan."

"Hoy, grabe ka, 'te. Hindi naman ako babaero." Pagdedepensa ni Seulgi at binitawan ang mga kamay na kanyang hawak-hawak. Sunod mong maririnig ang takot na boses ni Irene na pilit hinahanap ang mga kamay na nakahawak sa kanya kanina kahit na wala siynag Makita dahil sa panyo na nakapiring sa kanyang mga mata.

"Hoy, Seul. Nasan ka?" Hindi mapigilang hindi mapangiti ni Seulgi nang biglang mag-pout ang kasama habang pilit pa rin siyang hinahanap, pinipilit ulit na mahawakan si Seulgi.

"Tara na nga." Sambit ni Seulgi at pabirong naglakad papalayo kay Irene pero ang kanyang mga titig ay nasa babaeng may piring ang mga mata na nakatayo sa gilid ng daan.

"Hoy, Seulgi! Saan ka na?!" Sigaw ni Irene dahil narinig niya ang yabag ng mga paa ni Seulgi at hindi pa siya hinahawakan ulit nito.

"Ito na, atat ka, ghorl?" Pang-aasar ulit ni Seulgi at hinawakan ulit ang mga malalambot na kamay ni Irene.

"Ewan ko sa'yo, Kang Seulgi." Inis na sagot ni Irene at inirapan ang nakababata, nakalimutan ata na may takip ang kanyang mga mata.

"Aakyat tayo ha, papunta sa langit, dahil dadalhin kita sa langit, baby girl." Umalingawngaw ang tawa ni Seulgi sa loob ng building na kanilang papasukan at agad na napa-aray nang makatanggap ulit siya ng hampas mula kay Irene.

"Utak mo, Solgi. Iiwanan kita ditto kapag hindi ka natigil, speed ka, boi? Langit ka diyan." Pabirong gatong ni Irene sa sinabi ng kasama kanina at inutusan si Seulgi na magpatuloy sa paglalakad.

Matapos ang isang mahabang prusisyon ng pagbibiruan ay nakarating din ang dalawa sa pupuntahan.

"We're here pero wag mo munang tanggalin 'yung blindfold. Ako na magtatanggal for you, para I'm for you rin." Banat ulit ni Seulgi at dali-daling pumunta sa may likuran ni Irene para maiwasan ang isa na namang hampas mula sa nakatatandang babae. Kaya sa huli ay hangin lang ang nahampas ni Irene.

"Isa pang banat at tatadyakan na kita."

"Uy, I like. Step on me, Mommy. Rawr."

"Putangina mo, Seulgi." Napahagalpak ng malakas si Seulgi dahil sa malutong na mura na binigkas ni Irene dahil hindi niya pa naranasan na mamura ni Irene.

"Tatanggalin mo 'tong blindfold o ako magtatanggal sa'yo sa mundong 'to."

"Ito na nga ih, tatanggalin na nga ih. Blink your eyes slowly para hindi ka masilaw sa kapogian." Dahan-dahan namang tinanggal ni Seulgi ang panyo na nakatakip sa mga mata ni Irene at agad siyang hinarap ni Irene para mahampas.

Napangiwi naman sa sakit si Seulgi at sumimangot para magpa-cute sa date niya pero inirapan lang siya nito (HAHAHAHAHA)

Hindi na muna pinansin ni Irene ang kasama na nagmumukmok sa may gilid niya at inilibot ang mga mata sa loob kung nasan sila ngayon. 

Dinala siya ni Seulgi sa isang café. Napamangha siya kung gaano kasimple tignan 'yung coffee shop at halata mo sa design ang impluwensya ng western culture.

"Dito tayo, Hyun." Hindi mapigilan na hindi mamula ni Irene sa biglang pagbanggit ni Seulgi sa palayaw niya.

"Ate mo Ayrin, hello~" Itinapat ni Seulgi ang kanyang kamay sa tapat ng mukha ni Irene nang napansin niya na na-istatwa ang kasama habang medyo namumula ang mga pisnge nito.

"Ikaw ha, anong iniisip mo, Ate mo Ayrin?" Panunukso ni Seulgi na ikinagising naman ng natutulog na utak ni ate niyong eneri.

"H-huh?" Wala sa isip na sagot ni Irene sa tanong ng kasama at nag-blink para magising sa realidad.

"Wala. Sabi ko, ang ganda mo. Can you be mine?" Pagbanat ni Seulgi na may kasamang kindat pero imbes na kiligin si Irene ay natawa lang ito sa mukhang ginawa ni Seulgi para maka-kindat kahit hindi marunong ang kasama.

Napa-pout na lang ulit si Seulgi at tumalikod na para puntahan 'yung bakanteng pwesto sa cafe.

"Dito tayo, Irene." Aya ni Seulgi at hinintay si Irene na makalapit sa kanya bago hilahin ang upuan para kay Irene. Isang ngiti naman ang nag-form sa mga labi ni Irene at umupo.

"Thank you, Seulgi." Sambit nito at inilibot ulit ang kanyang mga mata.
Sunod naman na umupo si Seulgi sa tapat niya at napangiti nang tumambad sa kanya ang mala-anghel na mukha ni Irene. Sobrang swerte ng magiging jowa nito kasi hindi lang maganda ang babae, mabait rin ito. At siya ang sweswertehin.

Agad namang may lumapit sa kanila na isang lalaki habang may dala-dalang parang booklet na inassume ni Seulgi na menu kasi assumera si ate mong solgi.

Once na nasa tapat na nila ang lalaki ay agad nila itong binigyan ng isang maliit na ngiti at kinuha 'yung booklet na ibinigay sa kanila. Inilapag naman ni Irene ang booklet at binuklat para makita nila pareho 'yung mga pwedeng orderin.

"Ma'am, suggest ko lang po 'yung Sticky Toffee Pudding. Ayan po 'yung the best, hindi niyo po pagsisisihan." Napatingin naman ang dalawa sa lalaki na nasa tapat nila nang bigla itong magsalita.

"Okay lang ba sa'yo 'yun, Seul?" Tanong ni Irene sa kasama at tumango naman ito.

Hindi naman mapigilan ni Seulgi na hindi kiligin nang magtagpo ang mga mata nilang dalawa, kay

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
trashofmaxe
Singit ko lang pala. Itong chapter na ito ay inspired sa Level Up! Thrilling Project ng ASeul, sa chapter 6 ata 'yun kung tama memorya ko. Aminado ako na pangit ang ending kaya pasensya na po, sabog na talaga ako.

Comments

You must be logged in to comment
moksy12 #1
Chapter 4: bitin
Irish28
#2
Chapter 4: Ayoko ng boyrfiend. Gusto ko ng girlfriend tulad ni daddy Kang Seulgi.
_rtempest
1027 streak #3
Chapter 4: <333
Enterusername_here
#4
Chapter 4: Ang cute
sellemae03
#5
Chapter 4: solgeh, speed lng gurl? pero pabebe hahaaha
kang_ddeul
#6
Chapter 4: ang cuteeee! hahahahahaha! ang gwapo ni fafaseul huhu
Gab_17
#7
Chapter 4: Potaa ang funny at the same time cute and sweet, ang sarap basahi ng paulit ulit hahaha
kang_ddeul
#8
Chapter 3: HUYYY OTOR ANG CUTEE! HAHAHAHAHAHAHA
allgayinthepink
#9
Chapter 3: kala ko lugar ng pagmo-move on ang mcdo, iba talaga tong seulrene izspeed lungz HAHAHAHA
Shel14 #10
Chapter 3: wahh kilig at bitin! 1 more chapter please! :D