Chapter 2

Drive-thru
Please Subscribe to read the full chapter

"Hoy, ugok." Rinig ko sa may bandang likuran ko kasabay non ay ang sigaw kovnang may maramdaman akong bumatok sa akin at lumingon ako para suntukin sana kung sino man 'yun pero ang nakita ko lang ay si Lisa na nakangisi sa akin at tumayo sa tabi ko sabay bukas sa locker niya.

Tangina nito, nananahimik ako tapos biglang nambabatok. Hindi ko alam kung bakit ko kaibigan ‘to hanggang ngayon.

"Puta ka, ba't ka nambabatok?" Reklamo ko at hinawakan ‘yung parte na tinamaan siya at sinamaan siya ng tingin.

"Wala, trip ko lang." Sagot niya at tumawa pa ng malakas ang hayop. Napatigil naman siya sa kakatawa nang sinuntok ko ng malakas ‘yung braso niya. Narinig ko naman siyang nagmura bago ako sinamaan ng tingin. Pinandilatan ko lang siya at bumalik sa pag-aayos ng mga gamit ko sa loob ng locker.

"Hoy, may naalala ako.” Panimula niya at bigla naman akong kinabahan sa kung anong pwede niyang maalala sa mga kagaguhan ko. Tinignan ko lang siya habang nakataas ‘yung isa kong kilay.

“Gago, ano nga?” Iritang tanong ko sa kanya dahil ang tagal bago sumagot. May pa-suspense pang nalalaman.

“Nung isang araw, ang tagal mong kausap ‘yung una mong customer sa may drive-thru. Ikaw ha. Chix siguro no?” Pang-aasar niya at agad naman akong napatigil sa kung ano man ‘yung ginagawa ko sa narinig ko.

Puta, nakita rin kaya niya ‘yung katangahan na nagawa ko nung gabing ‘yun?

“Hoy, bakit bigla kang natameme diyan? Tama siguro ako. Anong itsura?” Pag-uusisa niya at naramdaman ko naman ang unti-unting pag-init ng mga pisnge ko dahil naalala ko na naman ‘yung nangyari kaya dali-dali kong ginamit ‘yung pinto ng locker para itago ang mukha ko.

“Hoy, tinatanong kita. Wag kang bastos.” Sinara ko nang malakas ‘yung locker na ikinagulat naman ni Lisa na medyo napatalon pa sa pwesto niya. Tumawa naman ako ng malakas dahil sa reaksyon niya.

“Tangina mo, pakyu.” Asar na mura niya sa akin tsaka sinara ‘yung locker niya at pinakyuhan ako ng patago.

“Wag mo nga akong matawanan diyan. Hindi mo pa ako sinasagot.”

“Sige, sinasagot na kita.”

“Tangina ka, kadiri. Hindi tayo talo, tsong.” Diring-diri na sagot ni Lisa at umarte pa na parang nangingilabot siya sa sagot ko.

“Yung tanong ko, sagutin mo!” Napa-aray naman ako nang biglang hampasin ni Lisa ‘yung balikat ko nang napakalakas.

“Bakit ba gustong-gusto mong malaman?!” Sigaw ko dahil sa inis. Nakakadalawa na ‘tong kuto na ‘to ngayong araw, pinupuno ako ha.

“Kayong dalawa, kung ayaw niyong mag-trabaho, mag-resign na kayo!” Bago pa makarebat si Lisa ay may narinig kaming sumigaw sa may pintuan at sabay kaming lumingon para tignan kung sino ‘yung sumigaw.

Naaamoy ko na an gaming katapusan. Wag naman sana, zimzalabim!

“G-good morning po, Boss Sooyoung.” Bati naming pareho ni Lisa sa babaeng matangkad na nakatayo sa may pintuan at pinanlilisikan kami ng mata. Tinignan ko saglit si Lisa at namamawis ang gago.

“Magsimula na kayong magtrabaho, oras na ng shift niyo tapos nagkwe-kwentuhan pa kayo diyan. Aba. Kung hindi lang kayo masisipag, naku.” Napailing na lang si Boss Sooyoung na manager ng McDo kung saan kami nagtatrabaho.

“Sige na, mag-start na kayo. Tama na daldalin, pwede naman ‘yan after ng shift niyo.” Bumuntong-hininga na lang si Boss Sooyoung bago kami nginitian kaya napangiti na lang din kami. Tumango na lang kami at pinanood siyang umalis.

“Sayonarabye, gago.” Sambit ko at dali-daling lumabas. Narinig ko naming minura ako ni Lisa for the last time at tinawanan ko na lang siya.

Pumunta naman ako sa may bandang kusina dahil nakatoka ako ngayon sa pages-serve ng mga pagkain ng customer at paglilinis na rin ng mga pinaggamitan na mga tables. Inilibot ko muna ‘yung mata ko sa bawat sulok ng McDo at napansin ko na may iilang customer na kahit na an gaga pa.

7AM pa l

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
trashofmaxe
Singit ko lang pala. Itong chapter na ito ay inspired sa Level Up! Thrilling Project ng ASeul, sa chapter 6 ata 'yun kung tama memorya ko. Aminado ako na pangit ang ending kaya pasensya na po, sabog na talaga ako.

Comments

You must be logged in to comment
moksy12 #1
Chapter 4: bitin
Irish28
#2
Chapter 4: Ayoko ng boyrfiend. Gusto ko ng girlfriend tulad ni daddy Kang Seulgi.
_rtempest
1027 streak #3
Chapter 4: <333
Enterusername_here
#4
Chapter 4: Ang cute
sellemae03
#5
Chapter 4: solgeh, speed lng gurl? pero pabebe hahaaha
kang_ddeul
#6
Chapter 4: ang cuteeee! hahahahahaha! ang gwapo ni fafaseul huhu
Gab_17
#7
Chapter 4: Potaa ang funny at the same time cute and sweet, ang sarap basahi ng paulit ulit hahaha
kang_ddeul
#8
Chapter 3: HUYYY OTOR ANG CUTEE! HAHAHAHAHAHAHA
allgayinthepink
#9
Chapter 3: kala ko lugar ng pagmo-move on ang mcdo, iba talaga tong seulrene izspeed lungz HAHAHAHA
Shel14 #10
Chapter 3: wahh kilig at bitin! 1 more chapter please! :D