Chapter 3

Drive-thru
Please Subscribe to read the full chapter

"Ate, pwedeng dumaan muna tayo sa McDo? I'm craving for some fries and burger kasi." Tanong ni Yeri na binasag ang katahimikan na bumabalot sa kanila ng kasama niya na si Irene. Tumingin naman si Irene sa pinsan niya at napailing. Simula nung encounter nila ni Seulgi ay napapadalas ang pagdaan nila sa McDo dahil umaasa itong kasama niya na baka makita ulit nila ang babaeng nagta-trabaho 'dun.

"Are you really craving for those or gusto mo lang makita 'yung Ate na nagtatrabaho 'dun?" Panghahamon ni Irene sa pinsan niya at tinaasan ito ng kilay habang nakangisi.

"Both. As if naman na hindi ka rin umaasa na makikita mo si Ate Pogi. Nakikita rin kita na sumisilip sa loob kada dadaan tayo sa drive-thru." Hindi na nakasagot si Irene sa komento ng pinsan niya dahil medyo natamaan siya sa sinabi nito.

Simula kasi nang makita ulit nila si Seulgi nung isang araw ay para bang naging invested si Irene sa babae. Parang may humatak sa kanya papalapit kay Seulgi.

"By the way, nag-text na ba sa'yo si Ate Pogi?" Usisa ng katabi niya at umiling. Hindi pa rin siya makapaniwala na pinamigay ni Yeri ang number nito sa taong kakakilala lang nila.

"Sa tingin mo ite-text niya talaga ako? Baka nga hindi naniniwala 'yun na number ko talaga ang nakalagay 'dun ay pinagloloko mo lang siya. Mukha ka kasing clown minsan." Pang-aasar ni Irene sa pinsan niya at nakatanggap naman siya ng hampas sa balikat mula sa pinsan niya.

"Inaano ba kita, Ate ha? Nananahimik ako dito. You have to treat me." Sabi na Yeri na parang nagta-tampo at inirapan lang ang nakatatanda.

Paliko na sana si Irene papunta sa drive-thru ng McDo nang biglang pinaghahampas ni Yeri 'yung dashboard ng sasakyan habang nakatingin sa labas.

"Ate, stop the car. Dali!" Nataranta maman si Irene sa ginawa ng kanyang pinsan at agad na inihinto ang sasakyan sa may gilid ng daan.

"Why? May nangyari ba?!" Tarantang tanong ni Irene sa kasama at sinundan ang tingin ni Yeri.

"I think I just saw Ate Pogi." Hindi makapaniwala si Irene sa sinabi ng pinsan at napasinghap.

"What the hell, Yeri? Tinaranta mo ako just because you saw that girl?!" Medyong iritang sabi ni Irene at napatawa ng bahagya si Yeri.

"Sorry na, Ate. I guess I got too excited upon seeing Ate Pogi."

"Whatever. Let's get over with this and go home." Ramdam ni Yeri ang pagka-irita ng kanyang pinsan sa tono ng kanyang pananalita.

Akmang papalitan na sana ni Irene ang gear ng kanyang sasakyan nang biglang tumunog ang cellphone niya na nakapatong sa may dashboard.

Agad naman niyang kinuha ang cellphone para tignan kung sino 'yung nag-text pero agad na kumunot ang noo niya dahil number lang ang nakalagay na sender.

[6:43PM] Good evening, Ate Irene! :)

"Sino nag-text, Ate?" Usisa ng kasama niya at lumapit para silipin kung sino 'yung nag-text. Nagkibit-balikat lang si Irene at papatayin na sana ang phone pero pinigilan siya ni Yeri.

"Bakit hindi ka mag-reply, Ate?" Napabuntong-hininga na lang si Irene at in-on ulit 'yung phone para mag-reply kung sino man 'yung nag-text sa kanya.

[6:47PM] Who is this?

Napakunot na lang ng noo si Yeri sa ikli ng reply ng kanyang Ate. Maya't-maya pa ag tumunog ulit ang cellphone ni Irene.

[6:49PM] Ay, sorry. This is Seulgi by the way. 'Yung employee sa McDo if naaalala mo pa.

Napatili si Yeri nang makita niya 'yung reply na natanggap ng Ate niya kaya hinampas siya ni Irene para tumahimik.

[6:52PM] Oh, hi Seulgi. Do you need something?

Ilang oras pa ang dumaan bago siya makatanggap ulit ng text.

[6:56PM] Does the offer still stand? The date, I mean.

Nagulat naman si Irene sa sunod na reply na kanyang natanggap at magre-reply na sana siya pero biglang hinablot ni Yeri 'yung phone mula sa kanya. Bago pa siya maka-react ay may nakalikot na agad si Yeri sa phone niya.

"Give my phone back, Yeri." Banta ni Irene at inilahad ang kanyang palad pero dinedma lang siya nito.

"Hi, Ate Pogi!" Parang namutla si Irene nang mapagtanto niya na tinawagan na pala ni Yeri si Seulgi. Sinubukan niyang kunin pabalik 'yung phone niya pero mabilis na nailipat ni Yeri 'yung phone sa kabila at hinarang siya gamit ang isa niya pang kamay.

"Ako na ang sasagot para kay Ate and yes, the offer still stands. Wag ka munang umuwi at bumalik ka sa McDo... Kita ka namin mula dito." Nanaig ang tawa ni Yeri sa loob ng sasakyan at dumungaw ito sa labas ng bintana. Nakita nila si Seulgi na nakatayo tsaka humarap sa direksyon kung saan naka-pwesto ang mag-pinsan.

"Dun ka naman kikitain- dun ka kikitain ni Ate Irene. Dalian mo, wag ka na tumunganga diyan." Nagulat naman si Irene na nakatulala lang nang biglang itapat ni Yeri ang cellphone sa mukha niya.

"Come on, Ate. Park your car na sa parking lot at kikitain natin 'yung date mo." Pumalakpak si Yeri at umayos ng upo. Hinintay niya ang Ate niya na gumalaw pero nakatulala lang ito.

"Hoy, Ate!" Ibinagsak ni Yeri ang kanyang mga kamay sa dashboard na ikinagulat naman ng kanyang pinsan.

"Stop scaring me for Pete's sake." Suway ng Ate niya at tinignan siya nito ng masma.

"Dali na, Ate. May date ka pa na pupuntahan."

"What did you say? A date?!" Hindi makapaniwalang tinignan si Yeri at nginisian lang siya ng kanyang pinsan habang tumatango-tango.

"Are you out of your mind, Yerim?" Napamasahe na lang si Irene sa mga kagagawan ni Yeri at napabuntong-hininga bago ini-start muli at sasakyan.

"Pagbibigyan lang kita ngayong gabi lang. If you set me up on another date with Seulgi- or with anyone, I will not let it slide ulit." Mariin na banta ni Irene sa nakababata at nag-drive na para ipark ng maayos 'yung sasakyan.

Excited na bumaba si Yeri sa sasakyan pagkatapos magpark at hinila ang Ate niya papunta sa may entrance. Agad nilang nakita si Seulgi na nakatayo sa may entrance habang nakatingin sa kanila. Halatang naghihintay.

"Ate Pogi!" Pagkuha ni Yeri sa atensyon ni Seulgi habang si Irene ay tahimik lang na nagpapakaladkad.

Tumigil ang dalawa sa harapan ni Seulgi na hindi mapakali sa pwesto niya nang makaharap na niya si Irene.

"H-hello, Ate Irene and Yeri???" Utal na bati ni Seulgi at napakamot sa kanyang ulo. Nakita niya na nginitian siya ng matipid ni Irene na ikinapula ng kanyang pisnge.

"Hello, Seulgi." Tipid na sagot ni Irene at tinitigan ang babaeng nasa harapan niya. Nagtama naman ang kanilang mga mata at tila ba ay ayaw nilang magpa-awat sa kakatitig sa isat-isa.

"Ano pa hinihintay natin? Gora na tayo sa loob." Pambabasag ni Yeri at hinila 'yung dalawa papunta sa loob ng McDo. Tumigil lang sa kakakaladkad sa dalawa nang marating na nila ang may counter area kung saan maraming nakapila.

Walang umiimik kahit sino sa kanila at hindi pa magsasalita si Seulgi kung hindi lang siya tinabig ng katabi niya na si Yeri at may sinenyas sa kanya.

"U-uhm. Order na kayo ng gusto niyo, libre ko." Offer ni Seulgi at ngumiti sa dalawa kahit kinakabahan na siya sa kaloob-looban dahil panigurado kukulangin budget niya para ngayong buwan.

"Huh? No need, ako na lang magbabayad sa order naming dalawa." Decline ni Irene sa offer ni Seulgi pero nakatanggap siya ng iling mula sa babae.

"Ako ang nag-aya para mag d-date, kaya ako 'yung magbabayad. Hehe." Napangiti naman si Irene pero agad niya itong inalis bago pa siya mahuli ng kanyang pinsan dahil panigurado ay aasarin siya nito mamaya.

"Are you sure?" Paninigurado ni Irene. Tumango na lang si Seulgi at ngumiti.

Nang matapos maka-order ang taong nauna sa kanila ay agad silang pumwesto malapit sa isang counter. Napatingin naman si Irene kay Seulgi na katabi niya at nakita niya kung paano nanlaki ang kanyang mga mata nang magtugma 'yung mata nung babae sa may counter at si Seulgi.

"Anong ginagawa mo dito? Akala ko umuwi ka n-" Bago pa man matapos nung babae sa may cashier ay sinenyasan na siya ni Seulgi na tumahimik. Napataas naman ang mga kilay ni Irene sa nakita.

Ngumiti ng nakakaloko 'yung babae sa may cashier kay Seulgi bago ibinaling ang tingin kay Irene at nginitian ito.

"Good evening, Ma'am. Welcome to McDo. Lisa at your service. May I get your order?" Masiglang bati ni Lisa na ikinangiti naman ni Irene. Pero bago pa makasagot si Irene ay naunahan siya ng kanyang pinsan na magsalita.

"Teka, punta lang ako sa cr. Pag-order mo na lang ako, Ate Irene." Hindi na nakasagot si Irene dahil dali-daling kumaripas ng takbo papalayo si Yeri. Naiwan naman ang dalawa na magkatabi at parehong hindi alam ang gagawin.

Tinignan ni Lisa ang kaibigan at binigyan ito ng ngiti na nang-aasar, at muntik na siyang matawa dahil sa mga nanli

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!
trashofmaxe
Singit ko lang pala. Itong chapter na ito ay inspired sa Level Up! Thrilling Project ng ASeul, sa chapter 6 ata 'yun kung tama memorya ko. Aminado ako na pangit ang ending kaya pasensya na po, sabog na talaga ako.

Comments

You must be logged in to comment
moksy12 #1
Chapter 4: bitin
Irish28
#2
Chapter 4: Ayoko ng boyrfiend. Gusto ko ng girlfriend tulad ni daddy Kang Seulgi.
_rtempest
1027 streak #3
Chapter 4: <333
Enterusername_here
#4
Chapter 4: Ang cute
sellemae03
#5
Chapter 4: solgeh, speed lng gurl? pero pabebe hahaaha
kang_ddeul
#6
Chapter 4: ang cuteeee! hahahahahaha! ang gwapo ni fafaseul huhu
Gab_17
#7
Chapter 4: Potaa ang funny at the same time cute and sweet, ang sarap basahi ng paulit ulit hahaha
kang_ddeul
#8
Chapter 3: HUYYY OTOR ANG CUTEE! HAHAHAHAHAHAHA
allgayinthepink
#9
Chapter 3: kala ko lugar ng pagmo-move on ang mcdo, iba talaga tong seulrene izspeed lungz HAHAHAHA
Shel14 #10
Chapter 3: wahh kilig at bitin! 1 more chapter please! :D