Chapter 2

A Girl Like You

"Hello po. Ako nga po pala si Sharlene, ang bago nyong manager." Bati ni Sharlene sa kanila.

 

~~~~Justin's POV~~~~

Ha? Sya ang bago naming manager. Bakit parang ang bata pa nya?

"Hellow po. Ako po pala si Stell." Pag bati ni Stell sa kanya.

Ngumiti naman ng pagkalaki yung bagong manager namin. "Hello din po. Ako po pala si Sharlene, pero Shar na lang po for short."

Mabilis naman kinuha ni Stell ang kamay ni Sharlene para makipag kamay.

Aba! Speed lang, Stell?

"Hi Shar, okay lang ba talaga na tawagin ka naming Shar?" Sabi naman ni pinuno at nakipag kamay din sa kanya.

"Hala! Okay lang po. Tsaka ang ampanget naman po pakinggan kung ate Shar 'di ba." Ngiti nyang sabi natawa na  din lang si Sejun.

Ang cute nya.

HALA! Saan galing yun?

Aist.

"Bakit ilang taon ka na ba?" Tanong ni Stell na umagaw din ng atensyon ko.

Eh. Bakit? Bawal na ba ma curious?

"Ah ako po. 20 po."

Nagulat naman kami sa sinabi nya. Mas bata sya sa akin pero bakit ganitong trabaho ang pinasok nya. Sobrang hirap kaya maging manager tapos 20 pa lang sya.

"20? Working student ka ba?" Dagdag ni Sejun.

"Ah. Nag-stop muna po ako. Pinauna ko muna ang kuya ko. Hehehe." Sabi nya.

Medyo na-sad naman ako dun.

"Ah I see." Yan na lang nasabi ni pinuno. "Well. Looking forward kaming makatrabaho ka, Shar."

Ngumiti naman sya. "Thank you po! 'Di kayo magsisisi sa pag-hire sakin."

"Hi Shar. Ako nga pala si Josh, pero dapat tawag mo sa'kin ay kuya since matanda ako sayo and dahil mas baby ka pa dito sa bunso namin, bebe Shar na tawag ko sayo."

Nanlaki naman mga mata ni Sharlene. Hahaha kawawa naman. Etoh talagang si Josh ehhhhhh ang kulit. Lahat na lang gusto nyang i baby.

"Hala! Baka po magalit fans nyo." Mabilis nyang nyang sabi.

"Don't worry, di ganun ang A'Tin. Tsaka mahal din nila ang mga staffs and managers namin." Banggit ni Sejun.

Eh totoo naman talaga. Napaka supportive nila kahit minsan medyo matampuhin, pero andyan pa din sila. Kaya mahal na mahal namin sila eh.

"A-ah. Hehehehe kayo po bahala."

"Aytttt. Parang ayaw ata oh." Pang-asar naman Ken.

Isa pa tong mokong na toh. Minsan na nga lang magsalita, pang asar pa. Tsk.

"HALA! H-h-hindi po ah."

Hahahahaha ang cute talaga ng reaksyon nya. Bumaling naman ang tingin nya kay Ken.

"Ah, ako nga pala si----" Panimula na sana ni Ken nung.

"FELIP JOHN SUSON PANGALAN NYA! Manok for short." Sabat ni Stell.

Natawa naman kaming lahat. Ang kulit din netong isa ehhhh. Masyadong hyper. Pati si Sharlene napatawa ng malakas.

"Ken pala. The iest and most handsome member of SB19." Pagbawi ni Ken.

"Ge, push mo yan." Sabat ko.

"Bitter. Blehh." Belat netoh sa'kin.

Sarap bigwasan eh. Joke.

"Hahahaha. Enough boys. I think she knows you already. Right?" Sabi ni Tatang Robin.

Medyo nataranta naman si Shar kasi lahat ng atensyon namin nasa kanya.

"H-ho? Ahh opo naman. I studied their bio before coming here."

"Naks! Prepared ang bebe namin ah." Pabiro ni Josh.

Siniko ko naman sya. Napaka feeling close kasi eh.

"Selos ka naman baby Jah."Di ko na lang sya pinansin.

"Okay, since may meeting kami ni sir Robin mamayang 10. Iiwan na kita dito Shar, ha? Na-send ko naman sa phone mo yung schedule nila ngayong araw. 'Kaw na bahala sa kanila, okay?" Pagbilin ni kuya Fred.

"Opo, sir!" Excited nyang sagot.

Cute.

"Fighting!" Pabulong naman ni sir Robin.

"Take care po sir." Sabay sabay naming sabi.

Hinatid naman ni Sharlene si kuya Fred at CEO sa baba at inantay na makasakay ng sasakyan. Magalang na bata! Hahahaha.

Pagkabalik nya. Tiningnan nya naman kami ng seryoso. Nagulat naman kami. Mukha kasing mangangagat na sya anytime sa mga tingin nya eh. Joke.

"Bakit?" Tanong ni Sejun.

Nagulat naman sya bigla. "A-Ah wala po. Hehehehe. Minimemorize ko lang po itsura nyo. Baka kasi kung may event kayo at maraming tao ehhh iba ang mahablot ko."

Natawa naman kami ng malakas. Eh kasi naman sobrang cute nya.

"Grabe ka naman bebe Shar. Sa pogi naming toh, di ka malilito. Promise." Pagmamayabang naman ni Josh. Iba din tong kuya Josh namin eh. Alam kong kinakabahan sya ngayon. Kita ko yun sa mga kilos nya. Kaya nginitian ko na lang sya.

"Huwag ka mag-ala, Shar. 'Di naman kami masyadong pasaway kaya hindi ka mahihirapan sa'min." Ika ni Stell.

Sa ilang oras na nakilala namin sya, sobrang gaan agad ng pakiramdam namin kay Shar. Pati si Sejun na medyo ilang sa mga bagong tao eh napangiti nya sa mga hirit nya. Siya yung tipo ng tao na madaling kaibiganin, magaan kasama at hindi ka maiilang na kausapin kahit medyo nakakakot ang mukha nya pag seryoso. Hahahahahaha.

Nandilat naman yung mata nya ng may bigla syang maalala. "HALA! Kailangan nyo na pala mag-ayos. Maglu-lunch po kasi kayo sa labas tapos diretso tayo sa shoot ng promotional video for Valentines Day." Agad namang patakbong bumaba si Sharlene.

Pagkaalis nya, nagkatinginan kaming lima.

"Hyper na bata!" Masayang sabi ni Stell. 

Natawa naman si Ken. "Parang ikaw. Buang."

"Tangek. Sabi ko hyper di buang." Sabi ni Stell.

Umiling iling naman si Josh. Ang weird talaga ni Ken kahit kailan.

"Kakayanin nya kaya?" Bigla namang sabi ni pinuno.

Actually, yun din ang tanong ko sa sarili ko. Kakayanin nya ba ang pagod? Bukod sa babae sya eh ang liit nya. Pano kung may event kami at magkatulakan at gitgitan.

"Mukhang kaya nya naman eh." Biglaang sabi ni Josh.

"Ha? Pano mo nasabi?" Tanong ko.

"Nakikita ko sarili ko sa kanya." - Josh.

Nahagalpak naman ng tawa si Ken at Stell sa sinabi ni Josh. "KASI MALIIT DIN SYA GAYA MO!" Natatawang sigaw ni Ken.

Bully talaga! Hay.

"GUSTO MO KALTOK SUSON!" Ayan tuloy gagalit nya kasi si kuya Josh.

"But seriously, i think she's too young to be in this kind of job, right." Dagdag ni Sejun.

"Kaya nya yan. Nafe-feel ko na hindi sya yung tipong madaling panghinaan ng loob. Tsaka di naman sya papasok sa ganitong trabaho if hindi nya kaya." Sabi ni Josh.

May point nga naman ang kuya Josh. Pero kahit na, kung ako siguro magulang ni Sharlene di ko sya papayagan. Masayadong physically draining ang ganitong work.

Sejun sighed. "Let's just help her na lang if maging out of hand ang situation." Nag-agree naman kaming lahat sa sinabi ni Sejun. He's not the leader for nothing.

Mabilis namang nakabalik si Sharlene. Dala-dala ang isang notepad. Laman pala nito ay ang schedule namin buong linggo. Aba! Organize na bata. Hahahahahahaha.

After nyang isa-isahin ang schedules namin. Sabay sabay na kaming bumaba para mag early lunch dahil babyahe pa kami papuntang Batangas para sa shoot ng aming promotional video for our Valentine Concert. Medyo excited na nga kami eh kasi dun kami magis-stay ng 2 days para sa shoot. Yehey!

After naming kumain ng take out food. Dumating agad si kuya Yuri, ang aming napakabait na driver.

Pagka-dating ng aming van, pumasok naman agad sina Josh, Stell at Ken, kaya automatic, sila ang magkakatabi. So Sean naman, ang isa pa naming kasama eh umupo sa unahan, kaya si Sharlene, ako at si Sejun ang magkakatabi.

Medyo nag-alangan naman si Sharlene na maunang pumasok at napansin yun ni Sejun. "Shar, ikaw na mauna. Dun ka na umupo sa may bintana."

"Ay wag na po. Kayo na mauna. Tsaka dapat ako una bumaba sainyo mamaya. Baka kasi may mga taong lumapit. Mahirap na." Sabi nya.

"Aist. Wag na matigas ulo bata. Mauna ka na. Tsaka resort naman yun. Walang dudumog samin dun." Pagsabat ni Stell sa likod. Hahahahaha.

Napa-pout naman si Sharlene.

Ang KYUTIE!

Natawa na lang si Sejun. "Sige na. Ayaw naming i-risk din ang safety mo."

"Sige na nga po." Sabi nya na lang.  Wala na syang nagawa ehh. Katakot kaya ang pinuno namin.

Tumingin naman sakin si Sejun. "Pasok na, Jah." Napaatras naman ako nung pagkasabi nya nun. Tinitigan ko na lang sya ng may pagtataka. At mukhang na gets naman ni pinuno. "Gusto mo itulak kita papasok?"

Hay. Apaka bugnutin talaga netong kuya namin. Kanina ngingiti ngiti pa sya kay Sharlene tapos sakin PERO lab ko yan si Sejun. Wag kayong ano. Hahahahahahahaha.

Pumasok na din si Sejun. Bago pa man kami umalis, isang maikling prayer ang sinimulan nya and nagsimula na naming baybayin ang daan papuntang Batangas.

"Sorry Justin kung ayaw mo akong makatabi. Wag ka mag-alala next time kay kuya Yuri na lang ako tatabi." Bigla naman bumulong si Sharlene sakin.

HUWAT?! Hala na misinterpret nya ata.

"H-hala! Hindi naman ganun yun. N-nahihiya lang kasi akong tumabi sa'yo kasi baka di ka komportable." Pag depensa ko. Kasi naman eh. Nahihiya lang talaga ako tumabi sa kanya. Tsaka mas sanay akong katabi sina Josh at Stell pag nasakay kami. "Ah Shar? Okay lang bang Shar tawag namin sayo?"

Tumango tango naman sya. Cute.

"A-ah kasi ano. Wag ka sanang ma-ooffend ha? P-pero gusto ko lang i-itanong kung bakit ka nagapply s-samin?" NICE ONE JUSTIN!

May narinig naman akong ngumisi sa likod ko. Pagtingin ko, aba nagtulug-tulugan yung tatlong ugok. Sinamaan ko lang sila ng tingin.

Natawa naman si Sharlene. "Pano ko ba yan sasagutin? Hahahahahahaha. Ano kasi tu-"

"Nako Shar kung di ka pa masyado komportable samin, you could always take your time. Di mo naman kailangan sagutin si Jah. Madaldal lang talaga sya kaya ganyan yan, pala-tanong." Sabi ni Sejun. Pabiro ko namang syang siniko.

"Grabe ka sakin kuya ha!" Curious lang naman ako ah. Bawal ba? Hahahahahaha.

"Hahahahaha. Okay lang po yun." Tumingin naman sakin si Shar. "Yung tanong mo naman. Hmmmmm. Bale, ganito kasi yun. Tumigil kasi muna ako sa pag-aaral. Gusto ko kasi mag focus at matapos ni kuya ang pag-aaral nya, graduating Law student kasi yun at tsaka ayaw kong patigilin yung bunso kong kapatid na lalaki sa pag-aaral. Kaya nakipag deal ako sa mga magulang ko at kay kuya na next year pagka-graduate nya eh ako naman ang mag-aaral. Kaya etoh pa raket raket na muna. Mag iipon muna ako. Ayoko naman kasing umasa sa mga magulang ko. Ayoko ding makita silang nahihirapan saming magkakapatid."

Wow. Wala akong masabi.

Bigla namang may sumandal sa balikat ko galing sa likod.

"Eh di ba nagalit magulang mo?" Si Josh pala.

"Nung una opo. Lalo na si mama. Nag-iisang babae pa naman daw ako tapos magtatrabaho ako. Pinag-awayan pa namin yun. Hahahahahaha. Pero after 2 days ng pagsuyo ko kay mama eh di nya din ako natiis."

"Ang bait mo naman palang anak. Sana anak na lang kita." Pag biro ni Stell. Napa-buntong hininga na lang ako. Kahit kelan talaga wala sa hulog minsan ang mga joke nya.

"Hahahahahaha. Pero yung tatay ko, feeling ko may tampo pa din sakin yun." Medyo nalungkot naman ako sa sinabi nya. Mukha naman kasing mahal na mahal nya ang pamilya nya at dahil sa pinasok nyang toh eh halos di sya netoh makakauwi.

"Kahit sinong tatay naman siguro magtatampo. Kung nagkataon naging kapatid kita, tiyak ikinulong na kita sa kwarto mo. And seryoso ako dun." Lumabas na naman yung pagiging overprotective ni Sejun. Nagulat naman si Shar pero natawa na lang sya.

Pero sa totoo lang, kung ako din siguro kapatid ni Shar baka ganun din gagawin ko. Ayaw ko naman kasing makitang nahihirapan sya. Gusto ko mamuhay syang parang prinsesa.

Sumingit naman ulit si Stell sa usapan namin. "Wag ka mag-alala Shar, gagawin namin ang lahat para hindi masyado mag-worry ang parents mo sayo. Safe ka samin tsaka di ka naman namin pababayaan. Ikaw na kaya bagong bunso namin." Sabay gulo sa buhok ni Sharlene. Nginitian naman ni Shar si Stell. Yung ngiting sweet na parang nahihiya. Tapos medyo nag blush pa sya ng konti. ABA! Namumuro na toh si Stell ah. Pansin ko parang saming 5 kay Stell sya medyo komportable. I mean laging nakangiti si Shar pag magkausap sila ni Stell. (Selos ka ghURl?)

Nagpasalamat naman sya samin kasi 'di daw kami masungit at maattitude.

After 20 minutes, nagdecide na kaming mag-lunch kasi medyo mahaba haba pa ang ibabyahe namin mamaya. Mabilisang kain tapos byahe agad. Sayang kasi yung time and besides sabi ni Shar, if maaga daw kaming makarating sa venue ay may time pa daw para mag gala sa place.

Dahil na rin siguro sa pagod at medyo puyat ang lahat, tahimik ang buong byahe namin. Sina Josh, Stell at Ken, ayun tulog na tulog. Si Sejun naman nagpapaka-emo. Char! Ayun, tulog din habang may nakasalpak na earphones sa tenga. Ako naman etoh medyo inaantok na din sa kabusugan. Kasi naman si Stell daming inorder sakin. Pagtingin ko sa side, nakita ko naman na tahimik na nakatitig si Shar sa bintana. Parang ang lalim ng iniisip. Doon ko lang napagmasdan ng matagal yung features ng mukha nya. And ngayon ko lang narealize na wala syang make-up. She has a natural blush sa cheeks nya na dumadagdag sa cuteness nya. Then yung mga mata nya naman. I can't really describe the innocence her eyes are portraying. Kahit medyo astig sya and boyish kumilos but her eyes says the otherwise. You can tell her vulnerability if you look closely into it. And you just want to hide her to the world and tuck her in a warm and comfy blanket. And lastly, her lips. Those peachy softy looking lips.

Dugdug.

Nanlaki naman mata ko. HOY JUSTIN DE DIOS ANAK KA NG! ANO BA INIISIP MO! Kalma self. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. After kong kumalma tumingin ulit ako kay Sharlene.

"Kalmahan mo lang, Jah. Matutunaw si Ms. Manager eh."

Nagulantang naman buong pagkatao ko sa mahinang bulong na yun ni Sejun.

"EHHH?" Malakas kong sabi. Kasi naman eh.

Na ikinatawa ng malakas ni Sejun. KAINIS!

"May problema ba?" Tanong ni Sharlene.

Sa totoo lang ayokong lumingon sa kanya baka kung ano pang lumabas sa bunganga ko. Eto pang si Sejun kaasar.

"Ah wala. Si kuya kasi eh mapang-asar." Sabay turo ko kay Sejun.

 

Tumango naman si Shar sakin tapos bumalik ulit sya sa pagtitig sa labas. Sinamaan ko ng tingin si Sejun. "Wag ka kasing pahalata, bunso." Dagdag pa netoh.


<( ̄ ﹌  ̄)>

 

Buset!

~O.O~

 

 

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ant12345 #1
Chapter 2: tinatawah niyang kuya si sejun...hangkyut
FakyManiaSeries
#2
Chapter 2: ang cute nito~