A Girl Like You

Description

For all the SharTin/Holy Shippers/Holy Racers out there. Happy Shipping!

Foreword

"Bakit ako?"

"Eh bakit hindi ikaw? Diba nga kailangan mo ng trabaho. Oh ayan na kusang lumalapit sayo! Tsaka nagawa mo nga toh dati."

"Okay na sana kaso pero 'di ko gusto yang mga titig mo eh."

"Dude, naman. Wala ka bang tiwala sa'kin?."

"Wala."

Napabuntong hininga na lang si Sharlene. Mapilit talaga tong kaibigan nyang si Nash. Eh pano 'ba naman gusto syang ipasok sa isang trabaho na wala naman syang alam! Kung kargador lang sana, go na go sya, eh kaso pagiging manager lang naman ng isa sa pinakasikat na boy group ang papasukin nya.

"Pag ako namatay dito mumoltuhin talaga kita."

Tawa naman ang tukmol. Psh, porke't sikat din tong bestfriend nya.

"Ano ka ba! Safe na safe ka dyan. Tsaka ano bang kinakatakot mo?"

"Eh kasi naman, SB19 yan, tanga! Aba madaming fans yan."

"So?"

"Ewan ko sayo. Sige na nga. Kelan ba ako magsisimula?"

Ngumisi naman si Nash ng nakakaloko.

"Bukas!"


~O.O~

Comments

You must be logged in to comment
ant12345 #1
Chapter 2: tinatawah niyang kuya si sejun...hangkyut
FakyManiaSeries
#2
Chapter 2: ang cute nito~