Chapter 1

A Girl Like You

"Bakit ako?"

"Eh bakit hindi ikaw? Diba nga kailangan mo ng trabaho. Oh ayan na kusang lumalapit sayo! Tsaka nagawa mo nga toh dati."

"Okay na sana kaso 'di ko gusto yang mga titig mo eh."

"Dude, naman. Wala ka bang tiwala sa'kin?"

"Wala."

Napabuntong hininga na lang si Sharlene. Mapilit talaga tong kaibigan nyang si Nash. Eh pano 'ba naman gusto syang ipasok sa isang trabaho na wala naman syang alam! Kung kargador lang sana o kahit ano, go na go sya, eh kaso pagiging manager lang naman ng isa sa pinakasikat na boy group ang papasukin nya.

"Pag ako namatay dito mumultuhin talaga kita."

Tawa naman ang tukmol. Psh, porke't sikat din tong bestfriend nya.

"Ano ka ba! Safe na safe ka dyan. Tsaka ano bang kinakatakot mo?"

"Eh kasi naman, SB19 yan, tanga! Aba madaming fans yan."

"So?"

"Ewan ko sayo. Sige na nga. Kelan ba ako magsisimula?"

Ngumisi naman si Nash ng nakakaloko.

"Bukas!"

Tinitigan naman ni Sharlene ng masama ang kaibigan nya. 'Di naman sya nagbibiro pero parang gusto nyang tumawa.

"Aeign Zackrey Nash Victoriano Aguas, mukha ba akong nag bibiro?" Sabi netoh ng walang halong emosyon.

"Alam mo besh, napakaseryoso mo sa buhay. Konting chill naman dyan, okay. Sa katunayan, dapat talaga magsisimula ka na ngayon kaso pinakiusapan ko yung manager ko na kausapin yung manager nila na bukas ka na lang magsimula kasi nga 'di ba uuwi ka pang Bulacan."

*May manager naman pala sila eh.* Wari ni Sharlene sa isip nya.

Nagtaka naman si Sharlene sa narinig at kitang kita yun sa mukha nya.

"Alam ko na yang iniisip mo. Dalawang manager kasi ang kailangan nila. Yung isa taga set at attend ng appointments at meetings yung isa naman taga sama sa kanila sa mga events."

"Mukhang alam ko na kung alin ako dun."

Ngumiti naman si Nash.

"At tama ka, besh! Ikaw nga ang manager na yun. Taga sama sa events. Eh kayang kaya mo naman yun. Maton kaya ang bestfriend ko." Sabay akbay sa kanya.

Siko naman nya si Nash ng pabiro.

"Gusto mo batok?"

"I love you too, besh." Alam naman kasi ni Nash na di kayang magalit ni Sharlene sa kanya. Sa katunayan nga, parang kapatid na ang turing nya kay Sharlene. Magkakilala na sila mula pagkabata. Matalik na magkaibigan ang mga magulang nila kaya di rin maiwasan na maging close sila. Pero simula ng pinasok ni Nash ang pag-aartista ay medyo umiwas muna si Sharlene kasi ayaw nyang masira ang career ng bestfriend nya. 'Di nya man sabihin ng personal kay Nash eh mahal na mahal nya etoh. Kaya nung maging sikat na si Nash sobrang proud nya at isang daang porsyento ang ibinibigay nyang suporta dito.

"So, ano? G ka ba?" Huling tanong ni Nash. Ayaw nya naman talagang ipasok si Sharlene doon  kung may choice lang na iba. Eh kaso kailangan na kailangan talaga ng kaibigan nya ng trabaho.

"Oo naman. Tsaka yan na ata ang pinakadesenteng trabaho na papasukan ko." Pagtatapat netoh.

Nabigla naman si Nash sa narinig nya. "Ha? At bakit ano pa ba yung mga inapplayan mo?"

"A-ah. Hahahahaha basta." Ayaw nya man maglihim pero kailangan, baka masapak sya ni Nash pagnalaman nyang nag apply siya bilang taga masa sa isang bakery dun sa kanila.

"Tsk. 'Di ba, sabi ko saiyo dati kung kailangan mo ng tulong sa'kin ka lumapit. Ano pa't naging magkaibigan tayo." Pag-aalala nito.

Napangiti naman si Sharlene. "Oo na po, kuya." Tukso niya. "Pero seryoso, dude. Bakit mabilis nila akong tinanggap? 'Di naman si kinukwestyon ko ang pagha hire nila pero, wow, wala man lang interview at di man lang ako pinagsubmit ng resume."

Bigla namang di nakatingin ng diretso si Nash sa kanya na ipinagtaka ni Sharlene.

"A-ay yun ba? Ah. Eh. Kasi ganto yun. Lapit ka."

Inilapit naman ni Sharlene ang sarili nya. Sabay bulong ni Nash. "Sabi ko kasi, tibo ka. Eh alam mo naman na boy group yun 'di ba, kaya malamang iha hire nila kung hindi lalaki ay yung hindi mahailig sa lalaki."

Kalmado naman lumayo ng konti si Sharlene at tinitigan si Nash. "Ah kaya pala iba pakiramdam ko kanina. Yan pala ginawa mo."

"He.he.he."

Umiling naman si Sharlene sabay paypay kay Nash na lumapit. Ng makalapit sya agad naman nyang inakbayan etoh ng mahigpit at kinutusan sa ulo. "Eh, sira ka pala eh. Tibo pala ako ah. Eh kung sabihin ko kaya sa mga fans mo na iyakin ka nung bata ka at ako pa ang nagtatanggol sayo sa mga umaaway sayo. Ha!"

"A-aray. Hahahaha. Aray masakit na. Sorry na bebe Shar." Sa sinabi ni Nash mas lalo nyang nilakasan ang pagkutos. "Uwahhhhh. Mashaijshdjasdhlksjdlasdhj."

Ng masiyahan na sya sa magulong itsura ni Nash. Pinakawalan nya naman agad ito. "Pero, dude. Sinabi mo talagang tibo ako?"

Hingal na hingal naman si Nash habang inaayos ang nagulong buhok nya. "Grabe ka! Ang lakas pa rin ng kamao mo. 'Di ko gagawin yun. Ano ka ba. Sinabi ko lang sa kanila na kaibigan kita at kailangan mo talaga ng trabaho. Tapos sabi ko wala ka namang kahilig hilig sa mga artista which is totoo naman." Napabuntong hininga na naman si Sharlene.

"Kung di ko lang talaga kailangan eh."

Nalungkot naman si Nash para sa kaibigan. "Bakit kasi kailangan mo pang magtrabaho? Andito naman kami nina Mommy at Daddy. Tsaka yung foundation ko andyan naman." Umiling lang si Sharlene sa kaibigan at ngumiti.

"Ano ka ba. Ayaw namin maging pabigat sainyo. Tsaka nangako naman ako kina mama at papa na babalik ako sa pag-aaral pagnakapagtapos na si kuya at Jed. Tsaka papag-aralin naman ako ni kuya pagnakahanap na sya ng trabaho. Pero sa ngayon ako na muna mag babanat ng buto para makaipon ba."

Pero kahit anong sabihin ni Sharlene, di pa rin maiwasan ni Nash na mag-alala. Mas pinili kasi ni Sharlene na magpaubaya muna sa kuya at sa kapatid nya. Graduating college student na kasi ang kuya nya at senior high school na ang bunso nila at hindi na kaya na pagsabay sabayin sila pag aralin ng mga magulang niya lalo na ng malugi ang business nila. Ayaw pa nga sanang pumayag ng nanay at tatay nya kaso si Sharlene ang nagpumilit. Kaya nganyong taon di muna sya nag-enroll.

"Basta kung may problema sa'kin ka lalapit, ha. Tsaka wag na wag kang maglilihim sa'kin. Magagalit ako sayo nyan."

Natawa naman si Sharlene. "Oo na nga po!"

"Oh sya, ihahatid na kita sainyo. Alam kong maaga ka pa bukas. Pala tawagan mo ako bukas at ipapasundo kita kay kuya Jun."

"Wag mo na akong ipasundo bukas. Kaya ko naman mag-commute."

"Eh pano kung mawala ka? Aba malayo ang Makati sa Bulacan!" Pagsabat ni Nash.

"Kaya nga may bus, taxi at Grab diba? Relax ka lang nga. 'Di naman ako bago dito ah. Naging assisstant mo nga ako dati."

"Yabang nito. Hoy, dalawang araw lang yun tsaka 3 event lang ang pinuntahan natin noon."

Napangiwi naman si Sharlene. "Ang OA mo, dude. Sya sige na bahala ka. Ipasundo mo ako kung gusto mo. BASTA bukas lang. Sa mga susunod na araw hindi na."

Ngiting tagumpay naman si Nash. "Yes Boss!"





 

~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~

-SB19 Practice Room-

Tahimik na nakikinig ang members ng SB19 sa kanilang manager Fred.

"So yun nga guys. Bukas dadating yung bagong manager nyo." Malungkot naman silang tumango. "Huwag na nga kayong malungkot. Alam kong napamahal na sainyo si Annie pero kailangan na nya talagang umalis. Pero nangako naman sya sa inyo na lagi nya kayong susuportahan at bibisitahin nya kayo pag nanganak na sya."

Medyo nalungkot lang kasi sila ng malamang aalis na si Manager Annie. Napamahal na kasi sila sa kanya. Sya kasi ang tumatayong nanay nanayan ng SB19 nung mga panahong nagsisimula pa lang sila.

"Oo nga guys. Tsaka pede naman tayo ang bumisita kay ate Annie." Sabi ni Sejun. Alam nya kasi na medyo nalungkot talaga ang mga ka members nya pero wala naman silang magagawa.

"That's the spirit, boys! So bukas ha, pagkatapos ng morning practice nyo dadating na sya. Magpakabait kayo, okay." Pahuling sabi ni manager Fred.

"Opo!" Sabay sabay nilang sabi.

Pagkaalis ni manager Fred, agad silang sumalampak sa sahig para pag-usapan ang bagong manager nila.

"So ano kaya itsura nya?" Pabiro naman ni Ken. Natawa naman ang iba.

"Ang tanong eh mabait ba sya?" Sabat naman ni Josh sabay sandal kay Justin na tahimik lang na nakikinig.

"Mabait naman siguro yun. Tsaka di naman kukuha ang company natin ng barumbado." Pagbiro ni Stell.

Nagtawanan naman sila ng malakas at sabay sabay na tumingin kay Sejun. "Ewan ko sainyo. Pero guys ha. Dapat behave din tayo sa kanya."

"Sana di sya masyado mahigpit." Dagdag ni Justin na ikinasangayon ng lahat.

Pagkatapos nilang pagkwentohan ang bagong manager, nagkwentuhan pa sila ng kung ano ano pang bagay bago nila napagdesisyunan na umuwi na.

Kinabukasan maagang dumating ang members ng SB19 dahil may practice pa sila. May nakatakda kasi silang TV guestings sa mga susunod linggo kaya kailangan nilang mag ensayo ng maigi.

Sa kalagitnaan ng practice eh dumating si manager Fred at ang CEO nila na si sir Robin.

Natigil sila at agad na bumati. "Good morning po Sir Robin."

Ngumiti naman ang CEO. Lingid sa kanilang kaalaman, nasa labas na pala ang bagong manager nila.

"How was your practice?"

Bilang leader, si Sejun ang unang sumagot. "We're doing great, sir. But we think we still need to improve that's why praticing hard."

Napatango naman ang CEO at mukhang na satisfy sa sagot ni Sejun. "Keep it up, boys. By the way. Your new manager is here." Tumingin naman sya sa pinto. "Please come in."





 

~~~~Sharlene's POV~~~~

"Your new manager is here." Yun talaga ang nagpabuhay ng buong pagkatao ko.

Sheyt etoh na po. Lord, ikaw na bahala sakin.

"Please come in." Pagtawag sa'kin ni sir Robin.

Sa totoo lang sobrang kaba ko. Mas kabado ako dito kesa doon sa unang trabahong napasukan at hindi ko alam kung bakit. Hindi rin maalis sa isip ko yung pinag-usapan namin kanina ni manager Fred.

--FLASHBACK-

Pagkatapos akong ihatid ni kuya Jun, agad akong dumiretso sa loob ng office para hanapin si sir Fred. Hindi ko pa sya lubos na kilala pero nakausap ko na sya kagabi at mukha namang mabait sya. Pagkapasok ko, napansin kong konti lang ang empliyado dito. Bukod kay kuya security guard na sobrang bait dahil ngitian nya agad ako eh mangilan ngilan lang ang naabutan ko sa loob. Mga anim din sila. Baka siguro nasa labas lang. Itatanong ko na sana kung saan ang opisina ni sir Fred, ng kusang may lumapit sa akin na babae. Ang ganda nya at matangkad at ang kinis, nakakainggit. Natanong ko tuloy sa sarili ko bakit di ako pinanganak ng ganyan kaganda pero joke lang yun.

"Good morning po. Ako po pala si Sharlene San Pedro. Ako po yung bagong hire na manager." Bati ko.

Nginitian naman nya ako tsaka inilahad ang kamay. Agad ko naman etong inabot. "Hi. Ako nga pala si Adelaide Hong. But you can call me ate Adel if you like."

Nanlaki naman ang mata ko. "Ah. Nice meeting you po. Ang ganda nyo naman po. Salamat po Ms. Hong." 

Aba hindi pa naman ako ganyan ka-feeling para tawagin syang ate diba?

Tumawa naman sya. "Hey, please don't be too stiff. I don't bite."

"Hehehe. Thank you po ulit."

"Anyway. Alam kong nadito ka to see kuya Fred, di ba? I could take you to him."

"Talaga po. Maraming salamat po." Sabay bow ko sa kanya. Alam ko namang koreana sya kaya nag bow ako to show syempre yung pasasalamat at respeto.

Yung office nila di naman masyado malaki sa labas pero malawak pala sa loob. Isang two storey building na may parking space. Sa baba yung mga cubicle ng staff tapos yung office naman ng CEO nasa dulo katabi naman ang conference room.

"Here she is, kuya Fred." Biglang sabi ni Ms. Hong. Tapos doon ko na naman naramdaman yung sobrang kaba. Kanina wala na toh eh. ToT

"Hmmmm. Salamat Ms. Hong."

"Goodluck." Sabay kindat sakin. Hay pa-fall si Ms. Hong. CHAR!

"Salamat po."

Hindi ko na alam ang mararamdaman ko. Naiihi ako na natatae. Ay ewan.

"Ah. Good morning po, sir. Ako nga po pala si Sharlene San Pedro."

Pagkasabi ko nun, pinaupo nya na ako sa tabi ng lamesa nya.

"Ako nga pala ang manager ng SB19, tawagin mo na lang akong kuya Fred para di naman ako masyadong matanda tingnan." Biro nito. "On a serious note, alam kong na briefing ka na nung manager ni Mr. Nash Aguas at alam kong alam mo rin kung gaano kahirap ang magiging trabaho mo."

Napalunok ako bigla sa sinabi nya.

"Medyo mapupuyat at mapapagod ka lang naman ng very very light." Sabay tawa.

HUH?! Aning din tong manager nila noh? Kanina may pa serious note pa sya tapos ngayong maka joke. Hayst.

Tinawanan ko na rin lang kesa naman mapahiya sya.

"Wag ka mag-alala kasi dalawa naman tayong magtutulungan tsaka yung ibang staffs. Pala meron rules and regulations tayong dapat sundin dito."

Tumango naman ako. Yun naman talaga ang dapat na sabihin nya eh.

"Una. Since manager ka, ang day off natin ay halos kasabay ng day off ng mga bata. Pero kung may emergency meeting or pinapatawag tayo ni CEO kailangan nating pumunta. Second may asawa't anak ka na ba?"

Nagulat naman ako sa tanong niya. Umiling ako ng mabilis. "Nako wala po. Single po ako. Tsaka bata pa po ako."

"Good kasi priority natin sila kesa sa sarili natin." Grabe, so daig pa nila ang jowa.

"Pangatlo. Bawal kang magkarelasyon sa kahit sinong staff dito at lalong bawal kang magkagusto sa kanila. We maintain professionalism dito." Grabe namang rules toh. Eh pano pala kung magustuhan ako ng CEO nila eh lalayas na pala ako? Char lang.

Tumango tango na lang ako.

"And lastly, since tayo ang isa sa pinakabusy dito. Titira ka sa malapit sa condo nila."

"Ho?"

"Ganun talaga, iha. I heard taga Bulacan ka pa so maha-hassle ka nyan kung uwian ka. Nakausap ko na rin si sir Robin at pumayag syang kuhanan ka ng isang unit sa baba ng tinitirahan ng mga bata. Medyo maliit nga lang pero sakto na yun sayo."

Saklap.

"Sige po. Pero pede po bukas na lang ako lumipat."

Buti at pumayag si sir Fred.

"So, since okay naman tayo sa lahat. Pirmahan mo na toh."

Inabot nya sakin ang ballpen at kontrata. Pagkapirma ko, agad nyang itinago etoh at may kinuha sa loob ng drawer nya. "Etoh susi at yun ang table mo." Sabay nguso sa likod ko.

"Nga pala, Shar. Papakilala ka na namin ngayon sa members. Antayin lang natin si CEO."

-END OF FLASHBACK-

Di pa man ako nakakapasok sa practice room nila pero dama ko ang sobrang nerbyos sa sasabihin nila.

Kaya bago pa man mahuli ang lahat chineck ko na rin ang sarili ko.

Sapatos? Okay naman. Yung paborito kong black Vans kaya toh.

Damit? Hmmmm. Wala naman siguro silang pakialam kung suot ko'y ganito. Grey t-shirt at maong pants. Keri na din naman di ba.

Kahit minsan nagmumukha akong tomboy atleast kaaya aya pa rin akong tingnan.

Hay~~~~~

Kaya mo toh Sharlene. Wala ng atrasan toh!

"Please come in." Dinig ko mula sa loob.

Dahan dahan akong pumasok. Nag-bow sa kanila at nagpakilala. "Hello po. Ako nga po pala si Sharlene, ang bago nyong manager."

~O.O~

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
ant12345 #1
Chapter 2: tinatawah niyang kuya si sejun...hangkyut
FakyManiaSeries
#2
Chapter 2: ang cute nito~