Chapter 3

H I R A Y A
Please Subscribe to read the full chapter

“Nahuli mo nga ako, pero hinding-hindi mo siya matatagpuan!”

 

 

Iyon ang mga huling salita na kumawala sa bibig ni Minhyuk bago sya barilin ng taong nakatakip ang mukha. Tuloyan siyang bumagsak at unti-unting nagdilim ang paligid. Pero kitang-kita ko mula sa mga mata ni Minhyuk sila Krystal na nagtatago sa gilid, na-iiyak. 


Naaawa ako kay Seulgi, dahil makalipas ang tatlong buwan wala pa ring balita hinggil sa taong bumaril sa kapatid niya. Pero di nawawalan si Seulgi ng pag-asa, patuloy syang bumabalik sa presinto kapag may oras siya.


Hindi ko alam kung ano ang koneksyon ni Minhyuk kay Krystal. Nung sinubukan kong itanong kay Seulgi kung magkakilala ba ang dalawa sumagot sya na hindi naman daw nagkukwento ang kapatid nya.


Siguro nga’y napadaan lang sina Krystal ng mangyari iyon. Pero oras na rin siguro upang tanongin ko siya, baka mas marami pa ang nasaksihan nya sa pangyayari na maaaring makatulong sa imbestigasyon.


Nakabalik na din kami sa dormitoryo matapos naming sundan si Krystal na nauna na sa aming pumasok. Ngayon lang din namin nalaman ni Seulgi na nagdodorm din pala si Krystal dahil ito ang unang pagkakataong nakita namin siya dito.


Bumalik si Seulgi sa kanyang study table at agad pinagtuunan ng pansin ang kanyang pinag-aaralan. Ng makahiga na ako sa aking kama ay bigla kong naalala ang mga huling sandali ni Mihyuk at nung babae kanina. 


Nagsimulang kumabog ng m

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet