Prologue

H I R A Y A
Please Subscribe to read the full chapter

Halos umaalingawngaw ang bawat lagapak ng mga paa ng dalawang kalalakihan na kasalukuyang tumatakbo sa tahimik na lungsod ng Amalfi sa bansa ng Italya. Ang bawat tao sa lungsod ay mahimbing ang pagtulog sa bawat malaking gusali sa gabing yaon.Tanging ilaw na nagmumula sa buwan lang ang tanging nagbibigay linaw sa daan para sa dalawang kalalakihan habang nagtatakbo sa kasuloksulokan ng lungsod.

 

 

"Bilisan mo Jun Woon!" 

 

 

Bulalas ng naunang lalaki sa kasama nitong tila naghihikahos sa paghinga at nahuhuli. Binagalan ng naunang lalaki ang kanyang pagtakbo ng mapansin nito ang kanyang kasama. Ng makalapit na siya kay Jun Woon, ay bigla niya itong hinawakan at inalayan sa pagtakbo.

 

 

"Patawad kuya... Masyado na akong mahina..." Mahinang sabi ni Jun Woon.

 

"Huwag ka muna magsalita. Kailan ma'y hindi ka naging mahina. Malapit na tayo, pilitin mo pang tumakbo." Sagot naman ng nakakatandang kapatid ni Jun Woon na si Eric.

 

 

    Biglang umihip ang malakas na hangin at nakaramdam ng kilabot si Jun Woon.

 

 

"Palapit na sila. Iwan mo nalang ako." 

 

"Iyan ay hindi ko magagawa! Pakatandaan mo, bumitaw ako ng pangako sa asawa mo."

 

 

Napahinto ang mag-kapatid ng biglang lumabas mula sa lupa ang dalawang anino at pumormang tao. Liliko na sana ang dalawa ng biglang sunod-sunod nagsilabasan ang iba pang kasamahan ng mga anino at tuloyang napalibutan ang dalawa.

 

 

​​​​​​" Nasaan ang bata?" Tanong ng isa sa mga anino. Humiwalay naman si Jun Woon at tumayo sa sarili niyang mga paa.

 

"Hinding-hindi niyo mahahawakan ang anak ko!"  Sigaw ni Jun Woon.

 

 

Tumawa naman ng malakas ang anino. Lumingon si Jun Woon sa kanyang kapatid. Pinagmasdan ni Eric ang kanyang nakababatang kapatid at alam niya na ang susunod nitong gagawin.

 

 

"Jun Woon..." 

 

 

Bago paman makagawa ng hakbang si Eric ay biglang lumabas sa katawan ni Jun Woon ang isang nakakasilaw na liwanag na tila nagpaatras sa mga anino.

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet