Chapter 5: Feelings

A Week To Remember
Please Subscribe to read the full chapter

Kinabukasan ay maagang gumising ang dalaga at gumayak upang maghanda sa pagpasok sa paaralan.

 

Pagkatapos makapaligo at makapagbihis ay agad siyang nagtungo sa kusina upang maghanda ng pagkain.

 

Ngunit pagdating ng dalaga sa kusina ay napahinto siya nang makita niya ang binata na nagluluto.

 

Namangha ang dalaga sa bilis ng kilos ng binata sa pagluluto ng pagkain.
Agad na lumapit ang dalaga upang tulungan ang binata.

 

At kukuhanin sana ng dalaga ang baso ng magdampi ang mga kamay nila ng binata at nagkatitigan na lamang sila.

 

"You don't have to do this. You are the visitor here." Mahinang sambit ng dalaga sa binata. Sasagot sana ang binata nang magsalita mula sa kanilang likuran si Jenica.

 

"Tessa, pabayaan mo na si Brian. Sanay na ko sa kanya. Ganyan talaga 'yan pag nandito. Mauna na kayong kumain maya-maya na lamang kami ni Paulo kakain." At naghikab si Jenica na tumalikod sa dalawa upang bumalik sa kanilang kwarto.

 

At napatingin na lamang ang dalaga sa binata.
"Ah, Brian pala ang pangalan niya." Sambit ng dalaga sa kanyang isipan.
At sabay na kumain ang dalawa.

 

Habang kumakain ang dalawa ay lihim na pinagmamasdan ng dalaga ang binata.

 

"Bakit kaya ang taong ito halus di mo makita ang mukha sa kapal ng bigote sa mukha?" Tanong ng dalaga sa kanyang isipan.

 

"At ang mga mata niya na tila inaantok na lang lagi, parang pamilyar na di ko mawari kung saan ko nga ba nakita." Dagdag pang katanungan ng kanyang isipan.

 

Nang makatapos kumain ay nagpaalam na ang dalaga sa kanyang pinsan upang pumasok.

 

Nang araw din na yaon ay maagang umuwi ang dalaga dahil half day lang ang naging pasok nila. Sapagkat wala ang kanilang teacher dahil dumalo ito sa isang seminar.

 

Inabutan ng dalaga ang kanyang pinsan na nasa kusina na nagmimeryenda.

 

"Tessa, ang aga mong umuwi ah. Tamang-tama magmemeryenda pa lang ako. Saluhan mo ko." Alok ni Jenica sa dalaga. At ngumiti ang dalaga at tumabi kay Jenica. Hinalikan sa pisngi ng dalaga si Jenica.

 

"May suman na akap-akap, bibingka at salabat dito mamili ka lang." Sabay abot ng pinggan at tinidor sa dalaga.

 

Umiikot at lumilinga-linga ang mga mata ng dalaga na para bagang ito'y may hinahanap kung kaya't nakahalata si Jenica.

 

"Wala sila Kuya Paulo mo at si Brian. May inaasikaso sa Batangas, baka gabi na sila makauwi." Ang paliwanag ni Jenica sa dalaga.

 

"Nahihiya ka kay Brian hano?" Tukso ng pinsan sa dalaga.

 

"Mabait si Brian, bago ko pa makilala ang Kuya Paulo mo lagi na silang magkasama. Pilipina ang mother ni Brian at Canadian naman ang father niya." Patuloy na kwento ni Jenica.

 

"Noong huling uwi niya dito, palagi siyang nagpupunta sa Divisoria. Mayroon daw siyang gustong laging nakikita doon. Sa palagay ko ay chicks 'yon. Pero nagtataka lang ako bakit hindi pa sya ngagawi doon?" Pagtatakang wika ni Jenica.

 

"Baka nagbago ang feelings." Sagot ng dalaga.

 

"Baka may nakita dito." Tukso ng pinsan sa dalaga.

 

Pagkatapos nilang magmeryenda naisapan ng dalaga na maglinis ng bahay pati sa kwarto na tinutulugan ng binata. Nang may napansin ang dalaga na papel na nakapatong sa may unan, kinuha niya ito at binasa.

 

Tula pala na may pamagat na "Mata ng aking puso"

 

Sana ang puso'y natuturuan
Natuturuan, nababawalan
Nababawalang tumibok
Tumibok at magmahal

 

Magmahal at lumigaya
Lumigaya at masaktan
Masaktan sa nadarama
Nadaramang kaibahan

 

Kaibahang nakikita
Nakikita sa aking mata
Mata ng aking puso
Pusong may itinatago

 

"Nagbabasa siya ng tagalog?" Bulong ng dalaga sa kanyang sarili. "Siguro para ito sa gusto niyang babae." Ang nasa isip ng dalaga.

 

At ibinalik ng dalaga sa dating ayos ang papel at lumabas na ng kwarto pagkatapos maglinis.

 

Nakatapos na silang maghapunan nang dumating sina Paulo at Brian. Si Jenica na ang nag-asikaso sa dalawa na naghain at si Brian naman ang nagligpit ng kinainan nila.
Pumasok na sa kwarto ang mag-asawa.

 

Nagpalit lang ng damit ang binata at lumabas uli ng kwarto at naupo sa may sala. Tinatanaw niya ang gawing kwarto ng dalaga. Subalit nakapinid na ang pintuan nito. Naisip niya na baka natutulog na ito.

 

At nahiga na lamang ang binata sa mahabang sofa at itinutok sa kanya ang bentilador saka pumikit.

 

Hindi na niya alam kung gaano katagal siyang nakatulog. Naramdaman na lamang niya na may dumadampi sa kanya. At idinilat niya ang kaniyang mga mata. Nakita niyang kinukumutan siya ng dalaga.

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet