Chapter 4: Eye See You

A Week To Remember
Please Subscribe to read the full chapter

Mabilis na lumipas ang panahon. Anim na buwan na pala ang nakalipas. Pauwi na ang dalaga nang maisipan niyang dumaan sa bahay ng kanyang pinsan na si Jenica. Malapit lamang sa school na pinapasukan ng dalaga ang inuupahang apartment ng kanyang pinsan.

 

"Ate kumusta ka na?" Masayang bati ng dalaga sa kanyang pinsan. Sila ay nasa loob ng isang di kalakihang bahay na may tatlong kwarto.

 

"Heto, malaki-laki na rin ang dinadala ko. Malapit mo na rin makita ang pamangkin mo." Masayang sagot naman ni Jenica.

 

"Kumusta na sina Tiya Rosemarie at Tiyo Jose?" Muling tanong ng dalaga habang nakahilig ang ulo niya sa tiyan ng kanyang pinsan. Habang pinapakiramdaman ang paggalaw ng bata sa loob ng tiyan ng kanyang pinsan.

 

"May sakit si Tatay kaya di makaalis si Nanay para samahan ako dito sa bahay. Baka pwede mo akong samahan dito hangga't wala pa si Nanay." Pakiusap ng pinsan sa dalaga.

 

"Pwede naman ate, magpapaalam muna ako kay Nanay." Nakangiting sagot ng dalaga.

 

"Isama mo na rin si Tiya Rosario para makapagpahinga din naman sya." Pahabol na sabi ni Jenica.

 

"Sige, sasabihin ko ate." Tugon ng dalaga.

 

Pagdating ng bahay ay ipinaalam ng dalaga sa kanyang Ina ang napag-usapan nilang magpinsan.

 

"Hindi ako pwedeng sumama anak, ikaw na lang." Tanggi ng kanyang Ina. "Sayang din ang kikitain ko. Malapit na ang graduation. Kaya marami na ang mga estudyanteng palakad-lakad dito sa divisoria. Mabili pa rin ang mga prutas, pandagdag din sa ipon natin." Dugtong pa na ni Aling Rosario.

 

"Sya nga pala, gamitin mo na yung cellphone na binili ko para sana sa graduation mo." Natutuwang sabi ng Ina. Nagulat ang dalaga sa sinabi ng kanyang Ina.

 

"Nay, di po ba usapan natin, pag college na ako gagamit ng cellphone?" Nagtatakang wika ng dalaga.

 

"Okay lang yan, anak. Para nagkakausap tayo kahit nandoon ka sa ate Jenica mo." Ang katwiran naman ng Ina.

 

Kinabukasan ay nagtungo na ang dalaga sa bahay ng kanyang pinsan. Nag-iisa lang sa inuupahang apartment si Jenica. Kaya naman nya ang gawaing bahay. Kaya lang medyo malaki na ang kanyang tiyan kaya gusto niya na may kasama siya lalo na sa gabi.

 

Isang araw ay masayang umuwi ang dalaga na dala ang magandang balita.
Kinuha niya ang kanyang cellphone sa bag at tinawagan ang kanyang Ina.

 

"Oh, anak, napatawag ka." Sagot ni Aling Rosario sa kabilang linya.

 

"Nay, may maganda po akong balita sa inyo." Masayang bungad ng dalaga.

 

"Talaga? Ano iyon anak?" Masayang tugon ni Aling Rosario.

 

"Nay, isa po ako sa napiling may karangalan na magtatapos." Excited na sagot ng dalaga. Halus tumalon sa tuwa ang dalaga nang ibalita niya iyon sa kanyang Ina.

 

"Salamat sa Dios anak. Nagbunga din ang kasipagan mo sa pag-aaral." Natutuwang wika ni Aling Rosario na halus maluha sa sobrang sayang nararamdaman para sa anak.

 

"Nay, uuwi na po ako para maibalita ko na din kay ate Jenica ito." Paalam ng dalaga sa kanyang Ina.

 

"Sige anak, mag-iingat ka. I'm proud of you, Tessa." Sagot naman ni Aling Rosario.

 

Pagdating sa bahay ay agad na sinalubong ng malaking ngiti ng dalaga ang kanyang pinsan. Inabutan niya ito na nakaupo sa sofa at mahinang kinakausap nito ang baby na nasa sinapupunan niya.

 

Ito ang madalas gawin ni Jenica kapag nasa bahay at nagpapahinga na lamang. Kinakausap niya ang baby habang hinihimas ang kanyang tiyan.

 

Marahang itinabi ng dalaga ang kanyang bag sa side table na katabi ng sofa at tinabihan ang kanyang pinsan. Hinalikan niya ito sa pisngi at nakangiting pinagmamasdan ang ginagawa ng kanyang pinsan.

 

Nang matapos ito ay agad niyang hinarap ang dalaga. Nababakas sa mukha ng dalaga ang kasiyahan nito.

 

"Ate may maganda akong balita sa iyo." Nakangiting wika ng dalaga.

 

"Hulaan ko, Ikaw ang top sa inyo." Proud na wika ng kanyang pinsan.

 

"H

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet