Chapter 2: Pomelo

A Week To Remember
Please Subscribe to read the full chapter

Isang araw ng Sabado walang pasok sa school. Maagang gumising ang mag-inang Aling Rosario at Tessa. Maaga silang kumain at naghanda na nagtungo sa kanilang pwesto sa Sto. Cristo, Divisoria. Habang nasa daan ay nag-uusap ang mag-ina.

 

"Anak may dadalawin kami ni Mareng Susan. Bahala ka na muna sa mga paninda natin. Baka dumaan na din si Benjie sa tindahan bago umuwi nang probinsya. Sandali lang kami." Ang habilin ni Aling Rosario sa anak.

 

"Okay lang Nay. Konti pa lang naman ang tao pag ganyang umaga." Sagot naman ng dalaga.

 

Nang makarating sa kanilang pwesto ay agad na isinalansan nina Tessa at Aling Rosario ang mga prutas na kanilang ititinda. Pagkatapos na mag-ayos ng mga paninda ay umalis na sina Aling Rosario at Aling Susan.

 

Habang wala pang bumibili ay naupo muna si Tessa at dinampot ang maliit ngunit matalas na kutsilyo. Dumampot siya ng isang suha. Na balak sana niyang kainin mamaya. Kaya't inukitan niya ang balat nito ng isang korteng puso at inukit sa loob ng puso ang initial letter na T sa isang bahagi ng puso.

 

At inilapag muna ni Tessa ang suha na inukitan niya dahil may dumating na bibili. Nang biglang may mahinang tapik na dumapo sa kanyang noo galing sa bandang likuran niya.

 

"Benjie!!!" Natutuwang sambit ng dalaga at lumingon ang dalaga sa kanyang likuran. Dahil alam ng dalaga na si Benjie lamang ang gumagawa nang pagtapik sa kanyang noo.

 

"Kumusta ka na, Tessa?" Masayang bungad ng binata.

 

"Heto, ganun pa rin. Nagtitinda pa rin ng mga prutas." Masayang sagot ng dalaga.

 

"Gumanda ka lalo, Tessa." Ang nasabi ng binata habang pinagmamasdan ang dalaga.

 

At napangiti lang ang dalaga dahilan upang lumabas ang dalawang maliit na biloy nito sa magkabilang pisngi. Natuwa ang dalaga dahil first time na pinuri sya ni Benjie.

 

"Ikaw naman tumangkad at lumaki na ang muscle mo sa braso. Nahiyang ka sa bundok." Ang napansin naman ng dalaga.

 

"Oo. Marami kasing pagkain doon. Malawak ang lugar ng mga taniman ng gulay at maraming mga puno. Kaya lang malungkot doon." Ang paliwanag ng binata.

 

"Bakit naman malungkot?" Ang tanong naman ng dalaga.

 

"Magkakalayo kasi ang mga bahay doon. Pag pupunta ka sa isang bahay at may nakita kang nakasampay na panyo at pinuntahan mo. Pagdating mo doon ay kumot pala ang nakasampay hindi pala panyo." Ang paliwanag muli ng binata.

 

"Ganoon kalayo?" Ang manghang tanong ng dalaga.

 

"Kaunti pa lang kasi ang mga taong nakatira doon. Minsan nga pati puno tinatanong ko na para lang may makausap." Napapakamot sa batok na kwento ng binata.

 

"Ano naman ang itinatanong mo?" Nakikisakay na tanong ng dalaga.

 

"Bakit kaya ang puno ng duhat ang laki ng puno pero ang liliit ng bunga? Tapos yung nasa kabilang tabi naman na kalabasa ang liit ng puno pero ang lalaki ng bunga?" Ang kwento ng binata.

 

"Ano naman ang sagot ng puno?" Urirat naman ng dalaga.

 

"Ayaw nga sumagot ng puno." Sabay tawa ng binata.

 

"Sumasagot yun di mo lang napapansin." Sagot naman ng dalaga.

 

"Ha? Paano mo naman nalaman?" Pagtataka naman ng binata.

 

"Saan ka ba sumisilong pag mainit na ang araw?" Tanong ng dalaga.

 

"Di sa ilalim ng puno ng duhat." Sagot naman ng binata.

 

"Kapag lumakas ang hangin. Ano ang nangyayari sa bunga ng duhat?" Tanong muli ng dalaga.

 

"Nalalaglag." Sagot naman ng binata na napakunot ang noo sa gustong ipahiwatig ng dalaga.

 

"O, kita mo. Kung kasing laki ng bunga ng kalabasa ang bunga ng duhat at babagsak sa ulo mo habang nakasilong ka. Dalawa lang ang pupuntahan mo. Ospital o sementeryo." Seryosong paliwanag ng dalaga at sabay silang nagtawanan.

 

Iyan ang namimiss nila sa isa't-isa. Ang kanilang masayang kwentuhan at biruan. Hindi nila namamalayan na may isang taong nakamasid at nakikinig sa masayang kwentuhan nila.

 

Please Subscribe to read the full chapter
Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
No comments yet