Stall #1

IZ*ONE MARKET: Ang palengkeng punong puno ng pasabog.

"Oy, Jjaeyeon." Bati ni Sakura sa nakapangalumbabang si Chaeyeon, "ano nanaman Kkura?" Iritadong sagot ni Chaeyeon at tumingin kay Sakura ng masama. "Kalma lang puta, tatanong ko lang sana sa'yo kung gusto mo maaga mag sara. Tapos tamang tambay lang kayla Hyewon," nakangiting sumagot si Sakura at itinuro ang direksyon kung nasaan ang tindahan nila Hyewon. "Nagsara na sila Yena kanina pa pagkatapos maglako ni Yuri ng balot," nagdadalawang isip pa si Chaeyeon kung magsasara ba siya o hindi. Ayos lang sakaniya magsara ng maaga dahil walang masiyadong bumibili ngayon, pero biglang sumanggi si Eunbi sa isip niya.


"Aantayin ko pa si Eunbi eh." Napataas ng kilay si Sakura at tinignan si Chaeyeon na para siyang baliw, "tanga ka ba Jjaeyeon? Kanina pa nagsara sila Ate Eunbi, lumalaklak na ng sprite 'yon." Nanlaki ang mata ni Chaeyeon at agaran siyang tumayo, niligpit niya ang pwesto niya at mabilisang sinara ang stall niya, "tamo si Ate Eunbi lang pala sapat na para mawala yung ubod ng kabagalan mo." Pangaasar ni Sakura sa kaniyang tropa sabay kumaripas ng takbo, "hoy Kkura gago ka! Bumalik ka dito! Mangaasar ka tapos di mo paninindigan?!" Pagkatapos nila maghabulan, nakarating na din sila ng tindahan ni Hyewon. Kita sa may entrance ang ibang mga kaibigan nila na nagk-kwentuhan lang habang nakain. Una silang napansin ni Wonyoung na kakatapos lang tunggain yung iniinom niyang cola, "ate Kkura! Ate Chaeyeon!" Agad din naman silang napansin ng iba at binati din sila, bago umupo si Sakura sa tabi ni Hyewon ay napansin niyang wala pa yung dalawa nilang kaibigan.

 

"Oy mga beks, asan sila Ramos?" Tanong ni Sakura sabay inom ng inabot sakaniyang juice, "ewan ko. Ang alam ko dapat kanina pa tapos yung dalawang yun sa patrolling nila eh." Sagot ni Hyewon at nagbukas ng panibagong lalamunin, "speaking of the dimunyu, andito na sila oh!" Sabi ni Yujin at sabay nilang nilingon ang mga bagong dating. "Sorry na late kami, may nakita kasi kami ni Hitomi eh," sabi ni Chaewon at kinuha ang inabot na inumin sakaniya ni Minjoo, pero syempre kinindatan niya sabay nagpasalamat. Ang ate mo namang maharot na si Minjoo, pasimpleng kinilikig.

 

"Ha? Anong nakita? Na-corner nanaman ba kayo ng fans ni Chaewon?" Tanong ni Nako at alalang napatingin kay Hitomi, agad na umiling si Hitomi at tumawa ng mahinhin. "Eto kasing si Chaewon may nakita na kamukha ko, magpapicture daw ako." Pinakita naman ni Chaewon ang picture at namangha sila kasi kamukha nga talaga ni Hitomi, "taga diyan lang pala sila sa kabilang village. Tapos nadayo din sila sa market natin para mamalengke." Tumango nalang sila at natahimik nanaman pero may biglang naalala si Yuri, "bakit ang aga niyo pala nagsara? Nagulat nalang ako nang biglang sinabi ni Yena nag magayos na ko kasi magsasara na daw siya." Kumibit balikat si Yena at itinuro nalang si Eunbi kasi puno yung bibig niya ng lemon square na cheesecake. "Ah, ang tamlay kasi ng benta ngayon pagkatapos ng grabeng bentahan nung isang linggo kaya napaisip ako na magpahinga nalang muna tayo."

 

"Uy speaking of that, habang naglilibot kami ni Chaewon kanina may nakita kaming bagong tayong mall." Tumango si Chaewon at inayos ang upo niya, "saka halos lahat ng mga suki niyo doon na nabili." 

 

"Eh? Anong pangalan ng mall?"

"MOA." Napakamot ulo si Wonyoung dahil doon, "hindi ba meron na MOA sa Pasay?"

"Mall of Asia 'yun, e dito yung meaning ng MOA momol of asia."

 

_____________

pota hi mga frns sorry kung sabaw :< magseseryoso na ko sa chapter two i promise hekhek.

Like this story? Give it an Upvote!
Thank you!

Comments

You must be logged in to comment
winter003
#1
Ay gusto ko to hahahahahahahaha
purkinotplory
#2
Chapter 2: tara sa Momol of Asia..
HeyArkitek
#3
Chapter 1: gagi aabangan q 2 HAHAHAHAHAHAHAHA
purkinotplory
#4
Chapter 1: So introduce lang toh.. inaabangan ko pa naman.. tuloy mo lang dadami din subs. mo.. good luck.. :) (*_*)
purkinotplory
#5
Haha ..can't wait for the first chapter.. Sana may baklaan na magaganap..charrot